하나 (I)

A paper to remember.


Kagagaling lang namin sa Robinson, haggard pa kami dahil nag-commute lang naman kami pauwi.

Nilingon ko si Lymace. "Nabili mo ba 'yung cream kanina?" Limot ko na kasi, e.

"Ah, 'yung BB cream ba? Oo, meron sa bag."

Agad ko naman iyong kinuha sa bag niya bago inilagay sa make up kit naming dalawa. Sa tabi lang din ng small round mirror namin.

Namili kami ngayon kasi summer na at may nahanap na kaming part time. Isang coffee shop malapit lang sa boarding house na tinitirahan namin ngayon. Bukas na agad ang start.

"Gisingin mo 'ko bukas ah? Baka mamaya iwan mo 'ko, e."

May posibilidad namang gawin ko 'yon pero joke lang. Mabait naman ako, 'no.

"Sure, basta bumangon ka agad kundi iiwan talaga kita." Umirap lang siya bago pumasok sa kwarto.

Ako naman ay kinuha ang phone sa bulsa ko nang tumunog iyon. May kung sino ang nag-text. Hindi ko kilala kung sino.

Unknown person: Hi, Maryelle.

Umangat kaagad ang dalawa kong kilay bago kinabahan. Hala ka, may gusto na yatang magtangka sa buhay ko.

Kahit kabado ay nagawa ko pa rin namang mag-reply.

: Sino po sila?

Unknown person: Haha, goodluck on your part time.

Oh my ghad! Ang creepy!

Naihagis ko sa single sofa ang phone bago kinikilabutang pumasok sa kwarto namin ni Lymace. Nagpalit na lang ako ng damit at hindi na inisip ang nangyari.

Bukas din, maaga ko ngang ginising si Lymace katulad ng request niya. Sabay kaming pumunta sa coffee shop at sinimulan na ang trabaho. Pero bago 'yon ay nag-upload muna ako ng selfie sa instagram ko bago nilagyan ng caption na, 'Fighting!'. Pati nga location ay nilagyan ko rin. Papansin ako e.

Wala lang, mahilig talaga akong mag-post sa social media ng ganap ko sa buhay kahit wala namang nagtatanong at may pake. This is my life anyway.

Naging busy kami dahil dagsain pala ang coffee shop na ito tuwing summer. Puro ice blended ang order ng karamihan dahil nga naman sa mainit na panahon.

Mayamaya pa, may pumasok na bagong customer. Naka-denim pa siya na jacket at may gray t-shirt sa loob. Tapos black na pantalon naman sa baba, then naka-rubber shoes. Medyo gwapo ren at mukhang k-idol.

Ay wait, ba't ko dine-describe?

Inayos ko ang postura nang makalapit ito sa 'kin para um-order.

"Good morning, Sir." Bati ko pa habang nakangiti.

Na-wirdo-han lang ako nang ngumiti rin ito pero hindi lang 'yon basta ngiti dahil may meaning. Feel ko lang, basta gano'n.

"Iced Caramel Macchiato, please." Aniya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko na halos tumagos pa sa kaluluwa ko. Charot.

"In a minute, Sir." Sabi ko bago inasikaso ang order niya.

Naupo naman ito sa bakanteng upuan upang maghintay.

Dinunggol naman ako ni Lymace. "Ayos ngiti no'n sa 'yo ah? Kilala mo?"

"Mukha ba? Ang weird nga e. Parang type ako." Biro ko sabay tawa.

"Gaga, ang landi mo naman. Trabaho muna bago harot." Sabi niya at tumawa na rin bago umalis para iabot ang isang order.

Eto na nga e, mamaya ko na lang haharutin. Chos lang! Bait ko kaya.

Mahigit dalawang minuto lang ang ginugol ko bago matapos. Lumapit ako sa mesa niya bago iyon marahan na nilapag. "Enjoy." Yumuko pa ako nang konte.

"Thanks, Maryelle." Napatigil ako sa paghakbang palayo bago siya nilingon. May inilabas ito sa denim jacket niya bago inilapag sa mesa.

Isang maliit na papel kung saan may nakalagay na sulat. Hindi naman na ako nahiya at lumapit ulit para mabasa ang laman no'n.

At pucha! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa hiya. 'Yung nakalagay kasi do'n ay 'yung sulat na ako rin mismo ang gumawa. Kahapon ko iyon sinulat sa kapirasong papel ng paper bag at ang nakalagay ay, 'Text me if you see this' with number pa. Tapos pati instagram account ko ay nakasulat doon.

Kaya siguro nahanap niya ako. Taga-rito rin 'to malamang.

Naisulat ko lang naman 'yon kasi bored na ako no'n sa traffic. Memagawa lang, kaya doon ko binuhos. Sadya 'yung pag-iwan ko no'n sa bus pero hindi ko naman akalain na may pupulot talaga at iso-stalk pa 'ko personally.

Nang matawa siya sa reaksyon ko ay bumalik na lang agad ako sa pwesto ko. Err, pinaggagagawa ko kasi sa buhay! Instant regret.

Para tuloy akong naghahanap ng jowa sa ginawa ko.

༎ຶ‿༎ຶ

"Anyare do'n?" Salubong ni Lymace. Hindi ko naman siya malingon.

"Hayop na papel 'yon, pinahamak pa 'ko."

Nagtaka naman siya. "Anong papel?"

"Saka ko na ie-explain pag-uwi."

Isang oras ko rin siyang iniwasan kahit may mga order na malapit sa pwesto niya. Kumakaripas agad ako ng takbo pabalik kahit hindi pa nakakapag-thank you 'yung customer.

Matapos naman no'n ay umalis na rin siya. Hindi ko na nga halos napansin, kaya naman bumalik na ako sa pagkilos nang normal.

Hapon na kami nakauwi ni Lymace. Itinapon ko na naman ang phone sa sofa bago kumuha ng maiinom sa ref.

"Hoy, ano sinabi sa 'yo nung lalaki?" Tanong agad ni Lymace. Kanina pa siya nangungulit na sabihin ko na raw.

"Wala naman." Bigla akong tinamad mag-kwento. Ang talk shit ko rin e.

"Parang ano naman. Ano nga? Dali na." Tumabi pa siya sa 'kin at inilapit ang tenga. Pinanood ko lang muna siya bago nagsimulang i-kwento ang nangyari. Gulat at kinikilig siyang napatakip sa bibig.

"OMG! Ikaw na, girl! Nagsulat ka lang nakabingwit ka na agad. Magawa nga 'yan next time." Sabi niya habang tuloy pa rin sa paghiyaw.

Mas kinikilig pa siya kesa sa 'kin. Hayop.

By the way, halos two months lang naming gagawin ni Lymace ang trabaho sa coffee shop, kasi sa pasukan ay college na rin kami.

"Sira. Trip-trip lang naman 'yon."

"And so? Edi ayan, na-trip-an ka na talaga tuloy. Congrats! Makakaalis ka na sa pagiging single. Hope all, 'di ba?" Tinarayan pa ako. Baliw na yata.

"Pero mukha naman siyang mabait 'no?" Biglang tanong ko.

Ayan na naman tuloy ang makahulugan niyang tingin at ngiti. "Aba, interesado ka na 'no? Pogi kasi kaya payag agad."

Hindi naman sa gano'n, slight lang.

"'Di kaya. Curious lang ako konte." Palusot ko bago siya iniwan para magpalit ng damit.

Lumipas ang gabi na wala namang paramdam 'yung lalaki. Hindi naman sa hinihintay ko—oh sige, hinihintay ko nga. Tinulugan ko na lang tuloy at hinintay na dumating ulit ang bukas. Malay mo, puntahan niya ulit ako. Hihi.

Ang landi ko pala talaga.

"Maryelle! Gigising ka pa ba?" Marahas akong niyugyog ni Lymace kaya agad akong napabangon.

Masama ang tingin niya sa 'kin bago itinuro ang orasan. Holy shit! Male-late na kami.

"Ba't 'di mo agad ako ginising?!"

"Tanga! Ginigising kita, tapos ikaw puro ka lang ungol diyan!" Sigaw niya naman habang nakahawak sa kaniyang bewang. Halatang frustrated na dahil sa 'kin.

Anong ungol?!

And then doon ko naalala ang panaginip ko—o sa mas tamang salita ay wet dream. Oo, na-wet dream ako dun sa lalaki kahapon! Tupangina! Ang bastos!

Wala na akong inaksayang oras para maligo. Ininom ko na lang din ang milo na itinimpla ni Lymace sa 'kin kanina. Lip tint lang tuloy ang nagawa ko para hindi ako mukhang pale. Diretso agad kami sa shop at nagmadaling magsuot ng apron.

"Siraulo ka. Sino ba napanaginipan mo?" Bulong ni Lymace habang iginagayak ang order ng isang customer.

"Secret." Sabi ko bago dinala ang order sa isang babae. "Enjoy."

Tuloy-tuloy ang naging pagkilos namin dahil medyo mas dumami ang customer. Weekend na kasi. Nawala sa isip ko na may inaabangan pala akong customer kaya dumiretso na kami sa boarding house pag-uwi. Mabuti nga 'yon kasi hindi rin ready ang face ko.

"Maryelle," tawag ni Lymace.

"Oh?"

"Bilhin mo nga 'to sa convenience store." Utos niya at inabot ang kapirasong papel kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ba't ako?"

"Anong 'ba't ako?' Bakit, ikaw ba nagluluto sa ating dalawa rito? Bilisan mo na." Ayos, lagi niya talagang sinasabi 'yan para mautusan ako. Pangkonsensya lang.

"Tsk!" Ungot ko bago lumabas ng boarding house.

Kaunting lakad lang naman ang grocery dito kaya narating ko agad 'yon. Mabilis kong inilagay sa push cart ang mga binili ko. Tatlong piraso lang naman 'yon. Sa ayokong magbuhat e. Maarte ako.

Habang nakapila ay inilibot-libot ko muna ang paningin sa paligid. Ilang segundo pa,

"Hoy," may biglang nagsalita sa likod ko.

Ang saya ko pang lumingon tapos siya na naman pala iyon. Biglang nag-flash sa utak ko 'yung wet dream ko sa kaniya. Pakshet!

"O-Oy, ikaw pala?" Feeling tropa kong bati sabay hampas sa kaliwa niyang braso. Pakapalan na lang talaga ng mukha dito e.

Nangunot naman ang noo nito bago ngumiwi. "Ang weird mo. Kahapon halos taguan mo na 'ko tapos ngayon tamang hampas na lang?" Aniya bago tumawa.

Hoy! Bakit ang gwapo sa pandinig?

>∆<

Huhu, ang landi ko. "A-Ah, kahapon? Syempre may inaasikaso ako, ano ka ba? Alangan namang magkwentuhan na lang tayo do'n, 'di ba?"

Oo, tama! Ganiyan nga, Maryelle, tangahan mo pa!

"Mmm." Tumango-tango ito kahit halata namang hindi naniniwala. Nagpipigil pa ng tawa.

Umusad na ang pila kaya nagbayad na ako ng pinamili. Nakakahiya nga kasi tatlong piraso lang naman 'yon. Bago matapos ang pagbabalot ng pinamili ko ay may sinabi pa siya sa 'kin.

"Wait for me outside." Holy earth! May problema na yata ang pandinig ko!

Wala sa sariling napatango naman ako. Asus, ang landi-landi talaga.

So ayon nga, hinintay ko siyang makalabas bago kami sabay na naglakad pauwi. Parang required talagang maglakad nang mabagal kapag may kasama kang medyo crush mo 'no? Gano'n ba talaga 'yon?

"Do you have a boyfriend?"

Juice colored! Kung may iniinom lang ako baka naibuga ko na sa mukha niya. Nagulat ako ro'n!

"Wala...pa."

"Lol, let's date, then." Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang kilig ko. Oo, kinikilig nga ako. Oh my ghad.

"Ha? Date?" Sinulyapan ko pa siya.

Tumango naman ito na parang simpleng tanong lang 'yon. "Yeah, if it's okay with you."

Waaah! Okay nga lang ba?

"Shet." Bulong ko.

"What did you say?"

Kinakabahan naman akong napasagot. "I do! Este--oo, siguro." Pakshet na 'I do' 'yan! Feeling ko kasi inaalok niya na ako ng kasal e. Advance lang.

Juice ko. Limang minuto lang naman ang daan pauwi pero inabot pa ako ng sampo. Halatang nasayahan sa pag-uusap, e.

"Ang tagal mo naman! Na-traffic ka ba sa daan, ha?" Bulyaw ni Lymace.

Inilapag ko naman na sa mesa ang binili ko. "Hihi, nakita ko kasi 'yung lalaki sa store, e. Ayon, nagkwentuhan lang kami. Tapos--argh! Sinabi ko talaga 'yon?" Parang ngayon lang nag-sink in sa utak ko 'yung nangyare.

Naalarma naman siya at kaagad akong nilapitan. "Weh? Anong nangyare? Kwento na agad." Aniya na parang nakalimutang galit siya sa 'kin. Tingnan mo 'tong babaeng 'to.

"Inaya niya akong...makipag-date!" Pigil-pigil ko ang ngiti bago napatakip sa mukha.

Piningot naman ako ni Lymace sa tenga kaya napaaray ako. "Malandi ka na talaga. Oh, e anong sinabi mo?"

"Ano...nabigla, e. Sabi ko, 'I do'." Napahagalpak naman siya ng tawa. "Pero binawi ko naman agad. Sabi ko, oo. Tapos sinama ko na rin yung siguro."

"Ang harot mo. Alam ba 'yan ng magulang mo, ha?" Biro niya sabay kuha nung paper bag sa mesa.

"Syempre hindi pa. Saka na kapag seryoso na."

Doon siya napalingon. "Anong kapag seryoso na? Bakit, ang sabi niya ba ay mag-date kayo pero laro lang? Gano'n?"

"Hindi. Bwiset naman 'to. Ang ibig kong sabihin, kapag medyo tumagal-tagal na. Malay mo landian lang pala talaga 'to." Tumawa ako.

Napailing na lang siya no'n tapos ay nagsimula nang magluto. Ako naman ay inalala na lang ulit 'yung pag-uusap namin. Gosh, ang straight forward niya naman. Nakakabigla.

Our first week started great. Getting to know each other ang ganap. Tapos kakain sa labas, pero tuwing weekend lang. Kasi medyo pagod ako galing sa coffee shop. Madalas din siyang pumunta ro'n para makita ako. Napapaisip tuloy ako minsan kung totoong nahuhulog na siya sa 'kin. Lol.

Speed lang.

---

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top