둘 (II)
Past and present
"Free ka pa ba tonight?"
"Siguro. Bakit?"
"As usual, lalabas tayo." Na naman?
In love na in love naman 'to sa 'kin.
Natawa ako. "Baka manawa ka sa mukha ko niyan kung palagi tayong magkasama."
Sa ilang linggo naming 'pagde-date' ay naging komportable na kami sa isa't isa. Parang tropa ko na nga lang siya e.
"Okay, maybe next week na lang? Para naman makapagpahinga ka."
Yap, may point. Stressed din ako lately sa sobrang daming ginagawa sa coffee shop.
"Sige. Mauna na 'ko." Kumaway ako bago pumasok sa boarding house at nagtungo sa ikalawang palapag.
"Kamusta date?" Salubong ni Lymace habang naghihiwa pa ng sibuyas.
"Ayon, date pa rin naman."
Tiningnan naman ako nito na parang inaasar ako. "Mukhang in love na in love ka na do'n ah? Sabihin mo nga, may balak ka bang sagutin 'yon sooner or later?"
"Maybe." Tipid na sagot ko lang. Wala ako sa mood para sa question and answer.
Isa pa, kaya ko nga dine-date para makilala ko pa lalo. Ayokong magsisi sa huli. Kung sakali pa namang pumasa siya ay siya ang magiging kauna-unahan kong boyfriend. Kaya mas mabuti nang sure.
Mabilis na dumaan ang panahon. Naging mahirap ang trabaho sa coffee shop pero kinaya naman namin ni Lymace. At least, nagkaroon kami ng experience.
Bukas na bukas din ay unang araw na ng pasukan. Since STEM ang kinuha ko noong senior high, magme-med ako. Alam kong mahihirapan ako sa pinili ko pero wala na e. Andito na rin naman ako. Si Lymace naman Business Management ang kinuha.
"Nakatulog ka ba kagabi?" Ani Lymace.
"Oo, bakit?"
"Ugh! Napuyat ako kakaisip kung gaano kahirap ang college life. Feeling ko hindi pa 'ko ready." Matamlay niyang turan habang nakahawak pa sa ulo niya. Parang nababaliw.
"Gusto mo balik ka muna sa grade 12. Pwede naman." Pamimilosopo ko.
Masama niya akong nilingon habang naglalakad pa rin. Sabay kasi kaming naglalakad papunta sa school.
"Salamat sa advice, ha? Laking tulong."
"Naman. Welcome." Biro ko pa.
Bumilis ang lakad niya kaya natawa ako habang nakasunod sa kaniyang likuran.
Masaya namang nagsimula ang araw namin pareho. Ang nakakatuwa pa nga ay magkaklase raw sila ni Kaizen. Ganda ng name 'no?
"Mauna na 'ko. Kita na lang tayo after class." Paalam ko kay Lymace.
Tinanong ko sa kaniya kanina kung nasa'n si Kaizen pero nawala raw bigla. Ayos lang naman sa 'kin kasi magkikita rin naman kami, not now but soon. Charot. Uso naman text at chat kaya doon ko na lang siya kakausapin.
Pagod kaming umuwi ni Lymace. Akala ko chill lang sa first day pero akala ko lang pala 'yon.
"Ang dami palang kailangan sa course ko. Baka pati kasuluk-sulukan ng savings namin malimas." Nag-e-eksaherang usal ni Lymace.
"Mas goodluck sa 'kin." Sarkastikong napatawa ako habang tinatahak ang daan.
Pagkauwi ay tinulungan ko na ring magluto si Lymace dahil kawawa naman. Stressed na stressed siya kaya nagkusa na ako. Hindi muna ako magiging palamunin ngayon.
Matapos naming kumain at makapagpahinga ay pumunta na rin naman kami sa kwarto. Pabagsak na humiga si Lymace at hinayaan ang sariling makatulog. Gano'n na rin sana ang gagawin ko nang mag-beep ang cell phone ko.
Kaizen: Are you asleep already?
Kaunti akong napangiti bago nagtipa ng reply.
: Oo, tulog na 'ko
Segundo lang ay sumagot na siya.
Kaizen: Sorry hindi kita napuntahan kanina
: Salts. Ayos lang naman sa 'kin 'yon
Kaizen: Salts? What do you mean by salts? Gusto mo ng asin?
Halos mapahagalpak naman ako ng tawa. Pinigilan ko lang para hindi mabulabog si Lymace.
: Salts stands for, Smiled A Little Then Stopped hahaha!
Duh, meron kaya no'n. Nakita ko sa facebook.
Hula ko tuloy ay napapailing na rin siya ngayon dahil do'n. Napapapikit na ako kaya inilapag ko na 'yon. Mabilis naman akong nakatulog.
Kinabukasan ay maaga na naman kaming nagising. Sabay kaming pumasok tapos magkikita sa breaktime.
"Hindi mo pa pala kasama si Kaizen? Akala ko dito na 'yon dumiretso?" Ani Lymace. Napakibit-balikat na lang ako.
"Baka busy. Hayaan mo na, nakakapag-usap pa rin naman kami sa phone." Sabi ko naman bago kumagat sa binili kong pagkain.
Atsaka, hindi ko naman siya boyfriend para pasunurin sa mga gusto ko. Manliligaw ang tamang salita para sa kaniya. Sapat naman sa 'kin na nakakapag-usap pa rin kami kahit sa phone lang. I'm not that obsessed with him either.
"Kahapon may babae 'yong kasama. Mukhang close na close pa sila." Sumbong nito.
"So?"
"Anong so? Baka mamaya pinagti-trip-an ka lang no'n. Sayang oras mo."
"Huwag ka muna mag-conclude. Hayaan nating lumabas ang tunay niyang kulay, para mas madaling mapaamin kung sakali nga."
May point naman, 'di ba?
"Okay, sabi mo e."
Bumalik na rin kami sa kaniya-kaniya naming building. Dahil sa napag-usapan namin ni Lymace ay hindi na ako nakapag-focus. Masyado ko yatang sineryoso kaya ganito.
Nang pauwi na kami ay hindi ko na siya ulit tinanong about kay Kaizen. Ayoko rin namang magtunog desperada o ano.
"Wala na pala tayong karne dito." Alam ko nang uutusan niya ako kaya inilahad ko na agad ng kamay ko sa harap niya.
"Akin na."
Natatawang bumunot siya ng pera sa wallet. "Advance ka na ngayon, ha?"
"Syempre." Banat ko lang pabalik saka lumabas papuntang convenience store.
Dalawang pack lang naman ng karne ang binili ko kaya pumunta na agad ako sa pila. Dahil sa haba ng pila ay lumibot muna ang paningin ko sa paligid na parang naghahanap ng kung ano. Mayamaya rin ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha.
Kaizen?
May kasama siyang magandang babae, medyo matangkad din at hanggang balikat ang wavy na buhok. Nagku-kwentuhan sila at nagtatawanan pa. Naningkit naman ang mata ko bago umiwas ng tingin. Kunwari na lang hindi ko alam na nandito siya at hindi ko siya nakita.
"Maryelle." Ito na.
Inosente akong lumingon bago sila nginitian. "Uy, hi." Bati ko pa habang pilit na pilit ang ngiti.
"Andito ka rin pala." Balik niya.
Titig lang sa 'kin ang kasama niya habang na kay Kaizen naman ang paningin ko. Tinatantya kung may aaminin ba siya sa 'kin o wala.
"Hello, my name is Bea. Bestfriend ni Kai." Pakilala ng babae kahit hindi ko pa siya tinatanong.
Lumingon ako rito bago ngumiti na naman. Ipinakilala ako ni Kaizen bilang nililigawan niya. Medyo nahiya ako sa part na 'yon.
May binili rin sila kaya nang ako na ang magbabayad ay nagpahintay si Kaizen sa akin sa labas.
Hindi ko na mabilang kung ilang irap at buntong-hininga na ba ang nagawa ko habang naghihintay. Naiirita ako, ewan ko kung dahil ba sa tagal nila o dahil sa iba pang dahilan. Hmm, selos? Char, ang OA ko naman. Bestfriend nga raw siya, 'di ba?
"Salamat sa pagsama, Kai. Una na 'ko, ingat kayo." Kinawayan niya rin ako bago naglakad sa kabilang daan.
Nauna na akong maglakad kaya humabol si Kaizen. Pinanatili ko naman ang normal na ekspresyon ng mukha ko kahit naiirita talaga ako kanina pa. Ewan ko rin sa sarili ko e. Parang sira.
"Nagmamadali ka?" Tanong niya habang tinatanaw pa ang mukha ko.
"Hindi naman. Sakto lang." Napatango ito atsaka hinawakan ang kanan kong kamay kung saan libre. Yakap ko kasi ang paper bag sa kaliwa kong kamay.
Gulat ko siyang tiningnan dahil ngayon niya lang 'yon ginawa. Dati naman hindi e, kasi naiilang pa ako no'n. Pero kahit tropa-tropa na kami ayoko pa rin ng holding hands! Kinakabahan ako nang todo e!
"Hoy, kamay mo ho."
Inosente niya namang itinaas ang kilay niya. "Bakit?"
"Anong bakit? Boyfriend kita?"
"Edi sagutin mo na 'ko para pwede na." Ngumisi ito.
Inis na binawi ko ang kamay sa kaniya. "Tsk, ikaw 'tong nagmamadali sa atin e." Dahil malapit na rin ako sa boarding house ay huminto na ako para harapin siya. "Umuwi ka na. Uh, magkita na lang tayo bukas kung kaya." Hindi ko na hinintay ang sagot niya para makaalis na ako agad.
Argh! Naiinis talaga ako sa kaniya ngayon. Feeling ko hindi lang niya 'yon bestfriend.
Tamad na ibinaba ko sa mesa ang pinamili bago pumasok sa kwarto. Sinundan pa ako ng tingin ni Lymace pero binalewala ko na 'yon. Stressed ako sa pag-o-overthink. Baliw na yata ako.
Bukas ay pumasok na naman nga kami. Katulad ng madalas naming gawin ay kakain kami sa breaktime at magku-kwentuhan ng mga nangyayari sa amin sa loob ng room.
"Gagi, may naghalikan sa likod ng room kanina. Shookt ako, beh! Akala ko nga may iba pang mangyayari e." Hindi ko naitago ang tawa ko.
"Ayaw mo no'n, live show?"
"Eww. Ang panget naman ng characters kung live show nga 'yon. Dapat sana 'yung mala-Hollywood stars naman ang porma." Agad ko siyang hinampas sa braso dahil sa pagseryoso niya sa biro ko.
Napahinto lang kami sa pagtawa nang maagaw ng isang lalaki ang atensyon namin. Literal na napangiwi ako sa harap ni Lymace.
"Hi." Bati ni Mark, ka-MU ko dati sa senior high.
Nakalimutan ko na nga ang dahilan ba't ko siya nagustuhan e.
The heck.
"Oh? Dito ka rin pala nag-aaral?" Pangunguna ni Lymace.
Nakiupo na si Mark sa table namin. Ang ikinainis ko lang ay sa akin pa talaga siya tumabi. Luh? Feeling close.
Tumahimik na ako habang kumakain. Panay naman ang pagku-kwento ni Lymace kaya nakinig na lang ako sa kanila. Ayoko rin talaga makisali kasi hindi ko trip.
Busy na ako sa paglalaro sa phone ko nang tapikin ako ni Lymace sa balikat. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay upang magtanong pero nabaling na sa iba ang atensyon ko. Andito pala si Kaizen. Kasama na naman ang kaniyang bestfriend. Nangunot ang noo niya nang ilipat iyon sa gawi ni Mark. Kilala ba niya ang isang 'to?
Nagtatanong na ang paningin niya nang sa akin naman iyon mapunta. Oh, bakit? Iniisip nito?
---
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top