WAVE 1 - FILIPINO BOOKS
~ JUDGE: bby_winter09 ~
WORTH WAITING by misscleasia
Feedback: Ang masasabi ko lang ay masyado pong mahaba ang mga paragraphs. Kung ako po ang isa sa mga reader ninyo ay iiscroll down ko po ito pababa hanggang sa makita ko ang mga convo at iiscroll down ko ulit. Alam naman po natin na ang marami ring readers na tamad magbasa nang mahahabang paragraph kaya iyong mga convo na lang ang hinahanap kaya try to avoid po iyon.^_^
LONELY HEART by ShiningShimmeringShy
Feedback: So far, maganda iyong plot at maayos naman ang grammar. May mga nakakadalang scenes na nagustuhan ko at gustong-gusto ko itong part na naroon si Kaden dahil lalaking-lalaki talaga ang dating nya. Thumbs upp!!
TIMELESS by YsadoraPHR
FEEDBACK: Super ganda po ng story. Binigyan ko po sya ng perfect points kasi deserve po nya iyon at nagandahan po ako sa flow ng story. Kapag nababasa ko po ang story na ito ay naaalala ko po yung I Love You Since 1892. Good job po sainyo!!
BEHIND THE NERDY GLASSES by heyzilnutx
Feedback: Medyo common na yung plot pero maganda sya dahil may mga part na nakakathrill at dahil sa curious ka ay talagang aabangan mo sya. Halos matapos ko na ang story dahil sa maganda nga sya. Fighting po!!
ALCHEMIST: THE ORIGIN by bacsmolina
Feedback: Maganda po iyong story at mas lalo ko po syang naenjoy dahil sa mga pics. And ngayon lang po ako nakabasa ng story na nakacenter ang mga words. Keep up the good work:)
AFTER HE LEFT by Dauntless-Kwinnn
Feedback: Uhmm....maganda iyong plot pero nasira ito nang grammar. Pansin ko kasi na may mga maling grammar or spelling at nakakapangit iyon sa isang story. Pero keep writing at sigurado po akong maiimprove natin iyan!!
A LOVE STORY - Silly_spicy
FEEDBACK: Maganda iyong story at naenjoy ko sya. Pinabasa ko rin sa aking bestfriend at pareho kaming nagandahan pero pareho din kaming parang may hinahanap sa story but unfortunately ay wala sya pero ipagpatuloy mo ang pagsusulat dahil inaabangan nang nga kaklase ko ang story mo:)
JUDGE: sylvester_min
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
AFTER HE LEFT by Dauntless-Kwinnn
JUDGE: sylvester_min
GRAMMAR
Masyado marami ang kapansin-pansing errors sa story na halos lahat ng paragraph ay mayroon.
1) Punctuations. May mga sentence na hindi nagtatapos sa tuldok. May mga sentence rin na walang kuwit at tuldok kaya parang nagiging isang sentence ang buong paragraph. Kailangan din huminga ng readers, huwag ipagkait ang kuwit at tuldok sa lugar na dapat nitong kalagyan.
2) Capitalization. Ang capital letter ay ginagamit lamang sa pangngalan at umpisa ng bawat pangungusap. May mga salita sa loob ng pangungusap na nagsisimula sa malaking letra at hindi naman kailangan. Iwasan din ang all caps sa buong sentence o iilang mga salita na hindi naman kailangang naka-all caps. Puwede mo namang i-describe o i-narrate ang diin sa salitang gusto mong bigyan ng emphasis.
3) Dialogue. Kapag gagamit ng dialogue tag (ex: aniya, sabi ko, tanong niya, sigaw ko), laging magsimula sa small letter at kuwit ang gagamitin sa dulo ng dialogue (quoted part). EX: "Alis na ako," paalam niya.
Kapag gagamit naman ng action tag (description of action that takes place after the dialogue), gumamit ng tuldok sa dulo ng quoted part at sundan ito ng malaking letra.
EX: "Alis na ako." Tumayo siya at tumungo sa pinto.
Please take note the differences.
4) Too many typos, grammar and spelling errors. I suggest, i-review mo ang subject-verb agreement dahil magulo ang paggamit ng English, may mga maling grammar. Kung hindi ka naman sanay na magsulat gamit ito, itagalog na lang. Magsulat sa paraang alam mo ay kumportable ka para hindi rin awkward para sa mga readers. Hindi lang sa English, maging sa Tagalog/Filipino ay may spelling errors din. Basahing maigi ang bawat chapters bago i-publish para makita mo rin ang spelling at typo errors.
UNIQUENESS OF THE PLOT
This is a contest and I need to give honest reviews, so please understand why I have to give you low scores. Honestly, I don't find your story unique. I can't find any differences from other stories with the same theme. Marami na kasi ang ganito sa wattpad. Typical love story, school setting, love and hate at first and rich main characters. Try to come up with creative plot twists that will make your story different from others. Pwede kang magdadagdag pa ng mga kakaibang pasabog sa existing plot na hindi mo pa nababasa sa ibang story para hindi rin maging masyadong predictable ang susunod na mangyayari.
CHARACTER BUILDING
Hindi nalalayo ang tono ng POV nina Cass at Zen. Wala masyadong distinct na personalities ang mga bida na tatatak sa utak ng readers. Masyadong naka-focus sa nangyayari at halos pareho ang approach nila sa situation. Isa sa mga stereotypes madalas sa wattpad, kapag mayaman ang bida, sosyal at conyo magsalita. Again, kung hindi ka kumportable sa English, isulat na lang sa Tagalog. Iwasan din ang pagsingit ng English phrases sa isang Tagalog na pangungusap dahil bukod sa hindi pormal ang dating nito, medyo awkward din basahin.
WRITING STYLE
1) Refrain from using emoticons. Gawing pormal ang narration at sa halip na gumamit nito, i-describe mo na lang ang nararamdaman ng characters mo. Pwede mong i-describe ang body language at maaari ka ring gumamit ng iba pang senses bukod sa sense of sight. You could be more imaginative and creative. Try to experiment your writing approach until you find your own writing style, it could help make your story different from others'.
2) Masyadong maraming dialogues at palitan ng salita ng mga characters. Nakukulangan ako sa description ng eksena at hindi ko ramdam ang emosyon ng characters. Kapag masyadong mahaba ang sasabihin ng isang character, pwede mo namang putulin 'yon at singitan ng ibang description galing sa POV. That way, mako-kontrol mo ang pacing ng story at mas madadala mo ang readers sa eksena.
3) Mabilis ang pacing. Parang bigla na lang silang nag-asaran, medyo close tapos sumunod na chapter, nagliligawan na. Although may flashback, pakiramdam ko pa rin minadali ang pagsusulat. Mabagal ang pacing dahil sa filler parts. Honestly, I got bored first chapter pa lang. Walang pasabog at masyadong common. Madalas ganito nagsisimula ang karamihan sa mga story para makilala pa muna ng maayos ang main character, pero naghahanap din ang readers ng vital information kung paano magpoprogress ang story.
4) Using *...* (EX: *yawns*, *pak*) Hindi ko maintindihan kung bakit may mga nagsusulat sa ganitong paraan. I always cringe whenever I come across a story narrated like this. Show us what's happening. Don't tell. Readers need you to describe the scene and character's emotions more if you want to take them into your story.
5) Magulo ang narration. Maaaring nakaapekto rito ang grammar, choice of words na ginamit at paulit-ulit na salita sa isang pangungusap. Keep it simple and direct to the point para madaling maintindihan.
6) Title and Prologue. Dito ako nagsimulang maguluhan. Ang prologue mo, hint ng paghihiwalay ng mga bida. Umalis si Zen papuntang US at iniwan si Cass. Your prologue is good as it connects with your title. Chapters one to three, still no worries. Naghihintay lang ako ng hint na may kinalaman sa prologue at nagtataka bakit wala siyang nababanggit tungkol kay Zen. Take note, ang title ay AFTER HE LEFT kaya nag-assume ako na ang story ay nangyayari matapos ang prologue. Akala ko back story ang prologue mo. Nagsimula akong maguluhan nang mabasa ang chapter four kung saan unang nagkita sina Cass at Zen. Binasa ko pa ulit ang prologue kung siya ba talaga 'yong lalaki at hindi bagong character.
Naghahanap ako ng scene na kokonekta sa title na After He Left Me, pero nakarating na ako sa 13th chapter, hindi ko pa rin makita. I suggest, i-sentro mo ang plot sa title para hindi magulo at hindi nalalayo ang story sa main theme. Kung hindi naman, i-akma ang title sa mga nangyayari first five chapters pa lang.
Readers click base on the story's title kaya kung hindi niya mahanap ang koneksyon ng title sa story, magsisimula siyang ma-bored dahil sa bagal ng pacing. Inabot ng ilang chapters bago makarating sa main theme.
7) Setting. Isa 'to sa mga napansin ko tuwing nagsisimula ang chapters o nagpapalit ng scene. (EX: Canteen. School.)
Ang ganitong style ay madalas na ginagamit sa webtoon at manga. You are writing a novel. Mas mainam kung idedescribe ito gamit ang pangungusap. Iwasan ang one-word sentence dahil hindi naman din ito counted as sentence talaga. I-narrate ito sa natural na paraan para smooth ang flow ng story at hindi magmukhang awkward at pilit. Kaya mo 'yan, girl. Alam kong mai-improve mo pa ang writing style at story mo.
OVERALL ENJOYMENT
Medyo na-distract ako sa grammar, typo and spelling errors, pacing at relevance ng story sa title kaya hindi ko masyadong na-enjoy ang story. Your plot is good but I can't connect well with your story because it lacks detail. I want to feel your characters' emotions more. I want fewer dialogues, emoticons, hahaha, huhuhu and more scene descriptions.
Sana makatulong ang mga naipunto ko para mas ma-improve pa ang story mo at bilang isang writer. Sinabi ko ito na may magandang intensyon at sana'y basahin sa positibong pananaw. Laging tandaan na basta't mahal mo ang ginagawa mo, mamahalin din ito ng ibang tao. Kung may hindi ka naman naintindihan, please feel free to message me about it. Thank you. Good luck! Fighting!
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
ALCHEMIST: THE ORIGIN by bacsmolina
JUDGE: sylvester_min
GRAMMAR
Kapag gagamit ng dialogue tag (ex: aniya, sabi ko, tanong niya, sigaw ko), laging magsimula sa small letter at kuwit ang gagamitin sa dulo ng dialogue (quoted part).
EX: "Alis na ako," paalam niya.
Same rule applies kahit na exclamation point at question mark ang ginamit. Basta dialogue tag, laging small letter ang umpisa dahil considered ito bilang parte ng sentence.
EX: "Bakit?" tanong ko.
"Umalis ka na!" sigaw niya habang mabilis na naglalakad palapit sa'kin.
Kapag gagamit naman ng action tag (description of action that takes place after the dialogue), gumamit ng tuldok sa dulo ng quoted part at sundan ito ng malaking letra.
EX: "Alis na ako." Tumayo siya at tumungo sa pinto.
Mabilis ang paghinga niya habang nilalapitan ako. "Umalis ka na!" sigaw niya.
"Kain na tayo." Tumayo ako at sinundan siya.
Please take note the differences.
May mga salitang pinaghihiwalay. (EX: sa pag kat, nag mula, naka-hilata)
Kapag magdadagdag ng panlapi sa salitang ugat, huwag na gumamit ng hypen (-) at space, pagsamahin na lang ito bilang isang salita.
May mga salitan ring pinagsasama (EX: na'yon). It should be written as 'na iyon/na 'yon.'
May mga sentence na puwede namang pagsamahin na lang. Medyo nakakalito kasi kung tuldok ang gagamitin. Mas mainam kung kuwit na lang ang gamitin para nagiging kumpleto ang pangungusap.
May mga nouns na hindi nagsisimula sa malaking letra.
Gumamit lamang ng 3 dots (...) at huwag na gawing lima o anim.
CHARACTER BUILDING
I can't say much about your characters since your story has only two chapters. Wala pa masyadong build-up sa character ni Rona at iilan pa lang ang naipapakilalang characters. I gave three kasi kahit papaano, naipakita 'yong personalities nila through dialogues lalo na no'ng lumabas ang pusa. May slight superiority ang tono niya at naiiba sa tono ni Rona. Sana mapagpatuloy pa ang ganitong style sa mga susunod na chapters.
UNIQUENESS OF THE PLOT
Your story is a fantasy novel. Sa totoo lang, mas gusto ko ang fantasy sa manga or anime at hindi sa novel dahil (no offense) medyo corny ang dating sa'kin ng ganitong tema. Pero may iilan na rin naman akong fantasy novels na nabasa sa wattpad para i-justify ang puntos na binigay ko. Your story is unique and you built your own world well, but I don't think it is completely different from other stories. Madalas kasi sa mga stories na may parehong tema, laging hindi alam ng bida ang totoo niyang pagkatao sa umpisa. Tapos may tutulong sa kanya, tuturuan siya ng mga bagay, in your story, alchemy. Unti-unti niyang malalaman ang pagkatao niya, mahahanap ang tatay niya, lalabanan ang masasamang alchemist at ililigtas ang mundo. Two chapters pa lang ang story pero nagiging predictable na dahil sa simula ng kwento at marami na rin ang novels na sa ganiyang paraan nagsimula. Hopefully, mali ang predictions ko.
WRITING STYLE
Huwag na i-sentro ang text. Mas madali kasing basahin kung naka-justify o aligned sa left side. Sa totoo lang, nahhihilo ako sa pagbabasa dahil may mga salitang napuputol. Gumagamit ka ng bagong linya para sa susunod na sentence kaya ang dating, parang nagiging isang paragraph kada sentence. Masyadong magulo lalo na't may isang sentence ka ring pinuputol at ginagawan ng bagong linya.
Detailed ang narration at gumamit ka rin ng medyo malalalim na Tagalog o mga words na hindi madalas ginagamit sa everyday conversation kaya lang, minsan magulo ang pagkakasulat. Mas mainam kung simplehan na lang ang isang sentence. May mga pangungusap kasi na parang pinaikot-ikot pa ang readers, siguro dahil na rin sa choice of words mo kaya nagiging magulo. Okay na gumamit ka ng medyo malalalim at pormal na salita pero dapat siguraduhin din na direct to the point para hindi nakakalito.
OVERALL ENJOYMENT
You create your own places which makes it easier for your readers to connect with your story. Pormal din ang tono ng narration kaya lang may mga nakaka-distract na parts lang. Overall, gusto ko 'yong parte na pinakilala mo muna ang mga characters mo. Sa ganoong paraan kasi, naiiwasan ang pagkalito. First chapter could be more creative but other than that, it's still okay. Sana sa mga susunod na chapters, makatulong ang mga naipunto ko para ma-improve pa ang story. Sinabi ko ito na may magandang intensyon at sana'y basahin sa positibong pananaw.
Good luck! Fighting!
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
BEHIND THE NERDY GLASSES by heyzilnutx
JUDGE: sylvester_min
GRAMMAR
Using raw/riyan/rito and daw/diyan/dito. Also, ng/nang.
Gamitin ang raw/riyan/rito kung ang huling letra ng sinundang salita ay vowel.
Daw/diyan/dito naman ay ginagamit kung ang huling letra ng sinundang salita ay consonant.
May iilang typo errors, wrong spelling at maling paggamit ng punctuations at capitalizations.
Kapag gagamit ng dialogue tag (ex: aniya, sabi ko, tanong niya, sigaw ko), laging magsimula sa small letter at kuwit ang gagamitin sa dulo ng dialogue (quoted part).
EX: "Alis na ako," paalam niya.
Same rule applies kahit na exclamation point at question mark ang ginamit. Basta dialogue tag, laging small letter ang umpisa dahil considered ito bilang parte ng sentence.
EX: "Bakit?" tanong ko.
"Umalis ka na!" sigaw niya habang mabilis na naglalakad palapit sa'kin.
Kapag gagamit naman ng action tag (description of action that takes place after the dialogue), gumamit ng tuldok sa dulo ng quoted part at sundan ito ng malaking letra.
EX: "Alis na ako." Tumayo siya at tumungo sa pinto.
Mabilis ang paghinga niya habang nilalapitan ako. "Umalis ka na!" sigaw niya.
"Kain na tayo." Tumayo ako at sinundan siya.
Please take note the differences.
As much as possible, iwasan ang paggamit ng English and Tagalog in one sentence. (Gaya ng pangungusap na ito at iba pang pangungusap na susunod dito.) Bukod sa awkward basahin, hindi rin pormal ang pagkakasulat. Mas mabuti kung isang diretsong Tagalog na pangungusap at susundan ng isang diretsong English. Maliban na lang kung walang Tagalog translation ang isang English word o mas madaling maintidihan kung English word ang gagamitin para sa salitang 'yon.
UNIQUENESS OF THE PLOT
Honestly, I don't really find your story unique. Marami na rin ang ganitong story sa wattpad at maging ang writing style mo ay hindi rin nalalayo sa iba. I'm not saying you should change your theme, just try to come up with an innovative plot twist that will make your story different from others. Pwede kang magdadagdag pa ng mga kakaibang pasabog sa existing plot mo na alam mong hindi mo pa nababasa sa ibang story noon. Sa gano'ng paraan, mas mahihirapan ang readers mo na ma-predict ang susunod na mangyayari at nabibigyan sila ng dahilan para abangan ang susunod na chapter.
CHARACTER BUILDING
May pagkakaiba sa ugali ng mga characters mo, but not quite. Nakukulangan pa ako sa description at minsan nasisira ng POV ang ugaling na-establish mo para sa kanila. Wala rin masyadong distinct na personality si Schon. Kung mayroon man, hindi ko ramdam dahil hindi naman 'to nalalayo sa ibang mga characters. Try to read James' and Kinsley's POV, halos walang pagkakaiba maliban na lang sa nangyayari. Hindi ko masyadong ma-distinguish ang pagkakaiba sa ugali nilang dalawa dahil halos pareho ng tono.
WRITING STYLE
Try to read more stories and continuously write until you find your own writing style or tone. Honestly, yours is very basic- from your choice of words to sentence construction and tone. You should express the idea more para hindi magmukhang minadali ang scene. Kapag kasi masyadong mabilis ang pacing ng narration, nawawala ang emotions. Hindi ko maramdaman 'yong lungkot ng bida kahit na sinasabi niyang umiiyak siya. Try to build the atmosphere first then let us feel something about it. Masyado rin maraming side remarks ang POV at nakukulangan ako sa detalye ng eksena.
May pagkakataon ding parang scripted ang pagkakagawa ng eksena, hindi natural ang dating ng narration. Minsan hindi ko rin maintindihan kung anong tono ba ang gusto mong i-express sa narration. May mga side remarks din ang POV na sa totoo lang, nakaka-distract ding basahin tulad ng HAHAHA at CHOS. Mas mainam kung idescribe mo pa ang scene at hayaan mo kaming matawa para rito. HAHAHA, doesn't really make the readers laugh so please refrain from using those. Alam kong natatawa ang characters pero mas maganda kung idedescribe mo na lang 'to.
May mga pagkakataon ding magulo ang narration. Halimbawa ang isang linya na nabasa ko sa story mo: 'Dumiretso na ako sa kwarto ko at binuksan ko muna ang laptop ko at nag facebook at inopen ko rin ang twitter ko.'
Too much use of the same pronoun in one sentence. Masyadong maraming 'ko', nakaka-distract sa pagbabasa. You could rephrase this. Pwedeng: 'Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop para magbukas ng facebook at twitter.' Simple as that. Actually, marami pa akong napansin na ganito sa ibang chapters.
Alam kong mai-improve mo pa ang iyong writing style. Show, don't tell. You should also narrate things base on what they are doing and not just what they think about the situation. Tandaan din na hindi lang sense of sight ang mayroon tayo, puwede mo ring gamitin ang iba pang senses sa narration. You could be more creative with the narration. Puwede kang gumamit ng body language para mas ma-express pa ang nararamdaman ng characters.
OVERALL ENJOYMENT
Good enough. Your plot is okay, I'm just not convinced with your writing style. I need to feel more about the story and I think you could still improve by rephrasing, editing and reading it again. Habang binabasa, nababagalan ako sa pacing dahil may mga filler parts. Nabibilisan naman ako para sa mga important scenes. Try to focus on those important scenes more.
Sana nakatulong ang mga puntong ito para ma-improve pa ang story mo. Sinabi ko ito na may magandang intensyon at sana'y basahin sa positibong pananaw. Laging tandaan na basta't mahal mo ang ginagawa mo, mamahalin din ito ng ibang tao. Kung may hindi ka naman naintindihan, please feel free to message me about it. Thank you. Good luck! Fighting!
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
TIMELESS by YsadoraPHR
JUDGE: sylvester_min
GRAMMAR
Madalas may mga sentence na nagsisimula sa conjunction na pwede namang idugtong na lang sa sinundang pangungusap (at, pero). Kung gagawin namang bagong pangungusap, okay na rin naman kahit wala na 'yon dahil maiintidihan pa rin naman ang narration.
Doon/roon – Hindi madalas, pero higit sa dalawang beses ko napansin 'to. May mga vowels na sinundan ng doon at consonants na sinundan ng roon. It's the same with rito/dito. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganito kaya tingin ko, na-overlook lang.
Meron should be 'mayroon'. Kelan should be 'kailan'.
Maglagay ng space pagkatapos ng (...).
May iilang typo errors pero hindi naman marami.
CHARACTER BUILDING
May goal ang main characters kaya nale-lead ang readers kung paano magpo-progress ang story. Si Odessa, ang maging model at si Lucas, ang malaman kung bakit siya napunta roon at paano makakabalik. May distinct personalities ang characters pero nakukulangan pa ako sa description o iba pang scene na pwedeng mag-justify sa iba pang personalities. So far, personality pa lang ng Lola ni Odessa ang talagang tumatak sa'kin habang binabasa ang story.
UNIQUENESS OF THE PLOT
Hindi na rin bago ang ganitong tema, wattpad man o Korean drama. Madalas kung hindi babae ang napupunta sa sinaunang panahon, lalake naman ang napupunta sa makabagong panahon. Tulad ng Scralet Heart Ryeo at Rooftop Prince. May mga areas na naiiba tulad na lang ng goal ni Odessa, kometa, detailed narration ng mga nangyayari at lugar na pinangyarihan pero maliban doon, halos pareho na rin. Tulad na lamang ng kung paano pinakilala ang character ni Odessa, kahit sa teen fiction at general fiction madalas nagsisimula rin ang pagpapakilala ng main characters through morning routine, papasok sa klase, so on, kaya hindi na rin bago. Medyo predictable din ang ginagawa ni Lucas at approach sa nangyayari pero natural lang din naman 'yon sa simula ng kwento.
WRITING STYLE
Detailed at pormal ang narration kaya hindi mahirap sundan. You use third person POV kaya naman mas madaling madetalye ang eksena, kaya lang minsan may side remarks ang narration na medyo nakakadistract sa pagbabasa. Although medyo kuwela at nawawala ang pagka-seryoso ng narration, parang hindi lang sumasakto sa third person POV. Nagiging cross over ng POV ng main character at third person. Hindi rin naman naka-italized ang part na 'yon kaya hindi rin iisipin ng readers na naiisip siya ng characters. Doon lang naman ako medyo na-off dahil parang hindi tumutugma sa napiling POV.
OVERALL ENJOYMENT
Overall, nagustuhan ko ang kuwento at ang kinalaman ng kometa sa nangyari. Kahit na iilan pa lang ang chapters, nandoon na agad 'yong excitement para sa main characters. Pormal din ang pagkakalahad ng narration kaya madaling masundan ang nangyayari. Kahit na may areas na may pagkakapareho sa ibang story, hindi naman ito boring basahin. Good luck! Fighting!
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
LONELY HEART by ShiningShimmeringShy
JUDGE: sylvester_min
GRAMMAR
Kapag gagamit ng dialogue tag (ex: aniya, sabi ko, tanong niya, sigaw ko), laging magsimula sa small letter at kuwit ang gagamitin sa dulo ng dialogue (quoted part).
EX: "Alis na ako," paalam niya.
Same rule applies kahit na exclamation point at question mark ang ginamit. Basta dialogue tag, laging small letter ang umpisa dahil considered ito bilang parte ng sentence.
EX: "Bakit?" tanong ko.
"Umalis ka na!" sigaw niya habang mabilis na naglalakad palapit sa'kin.
Kapag gagamit naman ng action tag (description of action that takes place after the dialogue), gumamit ng tuldok sa dulo ng quoted part at sundan ito ng malaking letra.
EX: "Alis na ako." Tumayo siya at tumungo sa pinto.
Mabilis ang paghinga niya habang nilalapitan ako. "Umalis ka na!" sigaw niya.
"Kain na tayo." Tumayo ako at sinundan siya.
Please take note the differences.
Be aware of grammar when using English. Minsan mayroong maling gamit ng tenses at may pagkakataon ding nakakaapekto ito sa pag-unawa ng mambabasa. Maging ang gamit ng this/these, maaari mo namang konsultahin si google kung nalilito ka rito. Hindi lang sa English, may napansin din akong mali sa pagkabit ng panlapi sa salitang ugat kaya medyo awkward basahin.
Halimbawa: instead yinakap, it should be, niyakap.
I suggest, basahin mo ng ilang beses ang isang chapter para mai-rephrase mo at makita rin 'yong mga maling salita.
3) Using raw/riyan/rito at daw/diyan/dito.
Gamitin ang raw/riyan/rito kung ang huling letra ng sinundang salita ay vowel.
Daw/diyan/dito naman ay ginagamit kung ang huling letra ng sinundang salita ay consonant.
4) Kung ang isang English word ay may Tagalog/Filipino translation naman, mas mainam kung gagamitin ang Tagalog lalo na't Tagalog ang ginamit mo sa pangungusap na 'yon, para hindi rin awkward basahin. Kung hahaluan ng panlapi, siguraduhin na nasa tama itong pwesto, unahan, gitna o huli.
Halimbawa: inipress. Kung gagamitin 'to sa everyday conversation, magiging pinress. Dahil may tagalog term naman para sa press, mas mainam na gamitin ito- pinindot.
Nakakatulong ang tamang pagpili ng mga salita para maiwasan ang pagkalito sa pagbabasa at para na rin mas maging pormal pa ang narration.
UNIQUENESS OF THE PLOT
Marami ng story sa wattpad ang ganito. Nagmahal, nang-iwan/iniwan, nasaktan, nagtagpo... so on. Ianndreah's back story isn't that much different from other stories. May kinalaman din sa pamilya kahit na medyo cliff-hanger kung anong mayroon sa mga magulang niya. I think this is where your story became slightly different, because there's still more to it. May hint na parang hindi lang 'yon simpleng pagtatakwil.
CHARACTER BUILDING
Very distinct ang mga characters kaya madali silang maalala kahit na marami. Iba-iba ang ugali nilang magkakaibigan. I think you've done a very good job with building your characters. I personally love Dre's character. Ang ironic ng ugali niya sa title ng story pero gaya nga ng sabi nila sa story, lahat tayo may mask. It still perfectly fits the story.
WRITING STYLE
There are times when the narration is a bit confusing. May mga salitang umuulit sa isang sentence, may mga typo at grammar errors. Too much punyeta and argh! in one chapter. Natatawa ako pero hindi ko maiwasang ma-distract sa mga salitang ito. Nararamdaman ko pa rin naman ang galit at inis ni Dre kahit wala ang mga salitang 'yon. You could just describe the situation, especially when you use HAHAHA in the narration. Mayroon din akong napansin sa isang chapter na nag-insert ka ng author's note sa narration at nakalagay ang komento mo sa isang scene. For formality, mas mainam kung sa huling part na lang 'yon ng chapter. You are free to connect with your readers.
Maaari ring iwasan ang paggamit ng open and close parenthesis sa narration. Ang POV ay narration ng mga pangyayaring nasa utak ng character kaya kahit wala ng parenthesis para sa mga side remarks niya. You could just write it as it is.
When you use bad words like f*ck and gag*, isulat mo na ng diretso. Ganito- fuck, gago- dahil gano'n din naman ang basa ng mga readers at hindi rin naman madalas lumalabas ang mga salitang 'yon sa story.
Sentence capitalization. Alam kong may pagkakataong gigil ang bida kaya gumagamit ka ng all caps. Tandaan din na kapag gumamit ng all caps, huwag na gumamit ng tatlong exclamation points, ayos na ang isang tuldok dahil ramdam na namin ang gigil niya. Kung gusto mo naman gumamit ng exclamation point, okay na ang isa at small caps na sentence.
You use Taglish to narrate your story pero dapat hindi ito naghahalo sa iisang sentence, like this one or other sentences in this review. Para na rin mas maging pormal ang narration. Try to read Jonaxx, NinaWP or shirlengtearjerky stories, kung mapapansin, gumagamit sila ng English pero nasa hiwalay na sentence. Buong sentence ay Tagalog, buong sentence ay English, hindi ito naghahalo sa iisang sentence maliban na lang kung may isang word na walang Tagalog translation.
Smooth ang pagkakalagay ng flashbacks sa present scene at hindi isang bagsakan ng mga impormasyon kaya mapapabasa ka talaga. This is one of your story's strength. Hindi pilit ang pagkakalagay ng flashbacks at hindi rin biglaan, naaayon pa rin sa scene. Narration could be more detailed but since you also focused on your character's emotions, I easily connected with the story.
OVERALL ENJOYMENT
Good enough. To be honest, I got bored with your first three chapters. Naghihintay ako ng hook at medyo nabagalan ako sa pacing ng story since mayroon ding mga filler parts na maaari na rin namang tanggalin. Those chapters were not bad, it's actually okay because I got to know your main character more. Naghihintay lang ako na may mabasang kakaiba na mas may kinalaman pa sa blurb ng story. Yes, love life niya. Dahil marami na ang ganitong story theme, you should come up with a plot twist that will get your readers hooked just by reading your first chapter. Kailangan umpisa pa lang may pasabog na. Maaari mong tapusin ang isang chapter using cliff-hanger. May mga readers na naiinis dito, pero effective na strategy 'to para abangan nila ang susunod na chapter.
Overall, maganda ang pagkakalahad ng detalye ng mga characters, which I think is the strongest point of your story. Sana makatulong ang mga naipunto ko para mas ma-improve pa ang story mo at bilang isang writer. Sinabi ko ito na may magandang intensyon at sana'y basahin sa positibong pananaw. Kung may hindi ka naman naintindihan, please feel free to message me about it. Thank you. Good luck! Fighting!
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
WORTH WAITING by misscleasia
JUDGE: sylvester_min
GRAMMAR
May mga maling gamit ng past tense sa English dialogues and narration.
Always start dialogues with capital letters. Hindi madalas, pero may mga napapansin akong ganito dahil mali ang punctuation mark na ginagamit sa dialogue at action tags.
Kapag gagamit ng dialogue tag (ex: aniya, sabi ko, tanong niya, sigaw ko), laging magsimula sa small letter at kuwit ang gagamitin sa dulo ng dialogue (quoted part).
EX: "Alis na ako," paalam niya.
Same rule applies kahit na exclamation point at question mark ang ginamit. Basta dialogue tag, laging small letter ang umpisa dahil considered ito bilang parte ng sentence.
EX: "Bakit?" tanong ko.
"Umalis ka na!" sigaw niya habang mabilis na naglalakad palapit sa'kin.
Kapag gagamit naman ng action tag (description of action that takes place after the dialogue), gumamit ng tuldok sa dulo ng quoted part at sundan ito ng malaking letra.
EX: "Alis na ako." Tumayo siya at tumungo sa pinto.
Mabilis ang paghinga niya habang nilalapitan ako. "Umalis ka na!" sigaw niya.
"Kain na tayo." Tumayo ako at sinundan siya.
Please take note the differences.
DIBA is short for HINDI BA and it should be written like this -> 'DI BA
It should be DIYAN/D'YAN and not JAN (commonly used in text messages)
Hindi na kailangan pang ulitin ang isang salita. (EX: gamit-gamit, nag-uusap usap, bigla-bigla). Base kasi sa konteksto, ayos na gamitin ang isa at pareho rin naman ang ibig sabihin kung gamit, nag-uusap, bigla ang gagamitin.
As much as possible, iwasan ang paggamit ng English and Tagalog in one sentence. (Gaya ng pangungusap na ito at iba pang pangungusap na susunod dito.) Bukod sa awkward basahin, hindi rin pormal ang pagkakasulat. Mas mabuti kung isang diretsong Tagalog na pangungusap at susundan ng isang diretsong English. Maliban na lang kung walang Tagalog translation ang isang English word o mas madaling maintidihan kung English word ang gagamitin para sa salitang 'yon.
May mga pagkakataong hindi nagsisimula sa capital letter ang nouns na ginamit.
May mga pagkakataon ding walang kuwit sa isang sentence na dapat ay mayroon.
CHARACTER DEVELOPMENT
You built your characters well, not just the main characters. Maayos na na-describe ang personalities nila. May mga pagkakataon lang na parang mas nabibigyan ng atensyon ang characters na hindi naman masyadong focus ng story, tulad ng coach nila. Maganda na may description ng personality niya pero naging masyadong detailed at mahaba. Okay na ang iilang sentence na magsa-summarize no'n. Mas magandang mag-focus na lang sa main characters. Nakukulangan din ako sa personality ni Cath. May distinct personality siya, organized, top student, active sa school, punctual, disciplined. Oo, masunurin siya pero may nakukulangan ako sa kinikilos at approach niya. Pwede mong i-search kung paano nakakaapekto ang mga 'yon sa actions at approach ni Cath sa isang situation. Hindi ako psychologist pero mas madaling ma-justify ang personalities ng characters kung nako-compliment din nito ang action and decisions niya at hindi lang dahil sinabi sa narration. It's the main reason why I didn't give five; you should focus more on Cath's character. Her personality should affect the POV and writing style.
UNIQUENESS OF THE PLOT
Isang dahilan kung bakit medyo naiiba ang story ay dahil sa details. Details ng nangyayari, details ng character at 'yong name ng school. Madalas kasi sa wattpad, gumamit tayo ng imaginary schools sa isang story. Okay ako na gumamit ka ng existing schools, like Ateneo and UST, para mas madaling maka-relate.
Marami na kasing story sa loob at labas ng wattpad na may parehong tema. Nagkakaiba na lang sa plot. Kailangan umpisa pa lang, alam na ng mga readers ang strength ng plot mo. Kailangan may catch na agad para hindi nagiging masyadong predictable ang nangyayari. Hindi ako masyadong convinced sa reason ni Cath kung bakit siya nakipaghiwalay kay Shone sa prologue. Masyadong mababaw ang i-prioritize ang studies lalo na't pinakita sa narration na mahal talaga niya ang boyfriend. Kung may mas mabigat pang rason bukod dito, I suggest, spill it out already. That scene needs to be much heavier. Kahit sa monologue lang ng POV. Naghahanap ako kung may iba pa bang reason pero wala masyadong hint as the story progressed. Mas maganda rin kung mas mabigat pa ang bagsakan ng linya at emosyon. Parang ang bilis kasing isuko ni Shone at pumayag sa gusto ni Cath at sinabing maghihintay siya. Pero opinion ko lang naman 'to as a reader.
WRITING STYLE
You use Ateneo and UST as school. May concern lang ako sa course ni Shone. I don't think they offer Criminology course in Ateneo. Kung realistic school ang ginamit mo, mas mabuting naaayon din ang details dito para maiwasan ang confusion. Try to research more about this.
You sometimes use metaphors and I approve this. Kaya lang minsan, dahil sa iilang typo errors, grammar at choice of words, medyo nagiging magulo ang narration.
Delivery of emotion is okay. Detalyado ang narration kaya hindi mahirap maka-relate sa nararamdaman ng main character. Minsan lang, parang nagiging masyadong robotic ang detail after dialogue. Hindi gano'n ka-natural ang dating kaya ang ending, parang nagiging scripted tingnan. Bukod sa isang sentence, pwede mo pa 'tong dugtungan o medyo pahabain. I mean, it's good to have detail of actions after dialogues but it needs to be more natural. Pwede mong bawasan ang dialogues at mag-focus sa narration dahil minsan, action speaks louder than words. With right choice of words, malalaman na ng readers ang gustong gawin o sabihin ng characters just by narration.
Iwasan ang paggamit ng unnecessary bold characters and all caps sa narration at dialogues. Kahit wala naman 'to, naiintindihan pa rin naman ng readers ang gusto mong bigyan ng emphasis. If you want to make the story formal, try to refrain from using those. Kung gusto mong bigyan ng emphasis ang isang salita, puwede mo naman siyang i-describe at iayon sa tono ng narration.
Italized ang thoughts ng main characters. Hindi na 'to kailangan dahil ang buong narration at POV ay nasa isip ng main character kaya okay lang kahit hindi mo na ito i-italize.
Please use another paragraph when exchanging dialogues. Nagiging mahaba ang isang paragraph at medyo mahirap basahin lalo na't phone ang gamit. Mas mahirap sundan ang kwento kapag sa computer nagbabasa. Kapag bagong character na ang nagsasalita, ihiwalay ang dialogue sa ibang paragraph para mas madaling maintindihan at mabasa.
The story has its own tone dahil sa paraan mo ng pagdedetalye sa eksena at may iba pang Tagalog words na hindi sinasabi sa simpleng conversation o madalas sa mga Filipino stories sa school lang nababasa. Kaya nga lang, mas maganda kung iba rin ang approach ng main character sa situation. Maaari 'tong makadagdag sa uniqueness ng story. Grammar and character building really affects a writing style. Puwede pang ma-improve at madagdagan ang narration through right choice of words. It could be more dramatic without being too cheesy or cliché.
OVERALL ENJOYMENT
The story is good enough. It has detailed narration and distinct characters but it was kind of predictable. I can't say I really like it because it's not that different from other stories, but it's not that bad either. Naghahanap lang ako ng kakaibang catch sa mga naunang chapters. May mga areas na puwede pang ma-improve at sana nakatulong ang mga puntong nasabi ko. Magandang intensyon ang hangarin ko at sana'y basahin ito ng may positibong pananaw. I am here to help and not condemn you. Kung may hindi ka naman naintindihan, please feel free to message me about it. Thank you. Good luck! Fighting!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top