9

Indenial

"Miss Garcia," tawag ni Ms. Castrovert sa 'kin pagkatapos ng oras ng klase niya kaya napatingin ako sa kan'ya at lumapit ako sa kan'ya.

"Ho?" Tugon ko pagkalapit ko sa kan'ya.

"Nabalitaan ko na kaya absent ka kahapon, e, nilalagnat ka pala. Are you okay now?" Tanong niya.

"Yes, Miss," sagot ko na may kasamang tipid na ngiti.

Nakita ko naman siyang napatango-tango saka nagsalita ulit.

"About your absence yesterday, even if you have a record of absence in this university, someone asked me a favor to not let it happen and he gave me an excuse letter too," aniya kaya nagulat ako ng bahagya.

So, kahit absent ako ng isang araw, hindi ako nagkarecord ng absence rito sa unibersidad?

Sino naman ang nagpabor no'n at bakit mabilis niyang napapayag si Ms. Castrovert?

"Sino po siya?" Kuryosong tanong ko.

Napatanga nalang ako dahil sa nalaman pagkatapos 'yon sinabi ni Ms. Castrovert sa 'kin.

Bakit naman 'yon gagawin ni Felix para sa 'kin?

Hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yong ginawa niya para lang hindi ako magka-record ng absences dito.

Bakit kailangan niya iyong gawin sa 'kin? Hindi ko maintindihan.

Wala naman akong ginagawa sa kan'yang mabuti buhat no'ng maging kaibigan kami. May utang na loob na ako sa kan'ya kung ganoon.

"Kainis naman, ba't kailangan naman niyang gawin 'yon?" Bulong ko pa sa sarili ko nang may kumalabit sa balikat ko kaya napaigtad ako at sisinghalan na sana ang um-istorbo sa 'kin nang matigilan ako ng mapagtanto ko kung sino 'yong kumalabit sa 'kin sa balikat ko.

"Sino'ng kinakausap mo d'yan?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Wala," sabi ko at umiling pa sa harapan niya.

"Anyway, nasa'n na ngayon si Melan? Bakit 'di mo na siya kasama?" Takang tanong ko sa kan'ya nang makitang wala si Melan na kanina lang ay kasama pa nga niya ito.

"Ayon, pumunta sa library para magbasa ng libro. Ibang-iba talaga kayo ng personality ni Melan," aniya at natatawa pa akong tinignan kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano'ng nakakatawa d'yan sa pinagsasabi mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"'Di lang talaga ako makapaniwala na may kaparehas ka talagang mukha pero magkaiba naman kayo ng ugali sa isa't-isa," aniya habang namamangha.

"So, ang sinasabi mo ba na basagulera ako at siya nama'y hindi? Wow, Felix, salamat ha?" Sarkastikong wika ko at inirapan pa siya.

"Parang ganoon na nga—ouch!" Naputol siya sa kan'yang sinasabi at napadaing dahil sa pagsuntok ng pabiro sa kan'yang braso.

"'Di pa ako nakakabawi sa ginawa mo sa 'kin no'ng tinapunan mo ako ng strawberry syrup kaya gan'yan nalang 'yong ginawa ko sa 'yo. Pasalamat ka na naging magkaibigan tayo kun'di ay 'di talaga kita titigilan hanggang sa mapataob kita," I said then smirked.

"Kakaiba ka talaga, e, 'no? Isang kang babae pero pumapatol ka talaga sa mga lalaki," aniya at hinawakan ang kan'yang braso na parte ng pagkakasuntok ko sa kan'ya kanina.

"It doesn't mean that all women are weaklings, some women fight back and are strong to hold back and left everything behind. Nagiging palaban lang ako kapag may nakikita akong mga lalaking iresponsable na gumagawa ng masama sa mga kababaihan katulad ng ginawa mo sa 'kin no'ng una. So, don't ever mess with me talaga," nagmamalaki kong sabi.

"Pasensiya ka na pala sa nangyari sa 'yo no'n. Gusto lang talaga kitang pagtrip-an no'n dahil gumaganti ka rin sa 'kin at naiinis at nagagalit ako sa 'yo, call me childish pero gan'yan talaga minsan ang ugali ko. May point ka rin naman," aniya at kinamot niya ang kan'yang batok kaya napatawa ako ng bahagya.

"Just... don't do bullying again, okay? Talagang papatulan kitang muli at kakalimutan ko ang pagkakaibigan nating dalawa," banta ko kaya napamaang naman siya sa tinuran ko.

"Ibang-iba ka talaga sa ibang mga kababaihan," napapailing-iling na sabi niya.

"And, I'm also proud that I'm that kind of a woman," dagdag ko pa na may pagmamalaki.

"Halika na nga, ngayon na ang simula nang pagtuturo ko sa 'yo sa pagsayaw ng hiphop," yaya niya kaya tumango ako.

Ipinaling ko nalang ang naiisip ko kanina kung bakit ginawa niya sa 'kin 'yon para 'di ako magkaroon ng record of absences.

Sa ngayon, ang itutuon ko muna ay ang pagpa-praktis ng hiphop para wala ng problema kapag malapit na ang araw sa pagpre-present nito. Malaking tulong din pala ang pagkakaibigan namin ni Felix. Thanks to our project.

"Basic dancing moves and warm up muna tayo bago tayo pumunta sa ibang level," sabi niya pagkarating namin sa rooftop ng unibersidad.

Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng unibersidad at ngayon lang ako nakatungtong ng rooftop sa buong buhay ko. Ang gandang pagmasdan ng tanawin na makikita sa harapan ng unibersidad!

"Okay," sabi ko at nagsimula nang makinig ng mabuti sa kan'ya.

Hindi ko alam pero ang simple lang pala ng basic dancing moves pagkatapos naming mag-warm up. Mabilis din ako kaagad nakakuha niyon.

"Madali lang 'di ba?" Tumango ako pagkasabi niya no'n at nag-thumbs up pa sa kan'ya.

"Wait, bago tayo magpatuloy, iinom muna ako ng tubig, nakakapagod," reklamo ko kaya napatawa siya ng bahagya pero sinang-ayonan naman niya ako.

Pagkatapos kong uminom at gano'n din naman siya ay bumalik kami sa dating puwesto na sinasayawan namin kanina.

"From the beginning tayo, bukas nalang 'yong iba para ma-master mo," aniya kaya tumango ako. Walang halong reklamo. Baka kapag magre-reklamo ako, e, 'di na niya ako tuturuan ulit. Mabuti nalang talaga at hindi ako gano'n ka-reklamadora.

Nang matapos 'yon ay medyo natutuwa na ako dahil hindi ko naman aakalain na gano'n lang pala ka-simple ang sumayaw. Wala lang talaga akong confidence na sumayaw dahil hindi naman ako gaanong sumasayaw noon kasama si Yhane. Palagi lang kasi akong nakatingin sa buwan at kontento na ako sa ganoon.

Not until he came into my life.

"Bukas nalang ulit tayo magpa-praktis. Napagod din ako kakaturo sa 'yo kung pa'no," he said then chuckled so I did the same.

"Pagpasensyahan mo na 'ko, wala langg talaga akong confidence at self-esteem sa pagsasayaw kaya 'di ko masyadong gusto 'yon. Who would have thought that I like dancing even better now?" Pahayag ko.

"Unexpected things will change you and make a way with you," prenteng saad niya. Tumango ako dahil tama naman siya.

Ang dami ng unexpected things na nangyayari sa buhay ko.

"Sino pala 'yong kausap mo kahapon sa cellphone mo?" Tanong ko para may mapag-usapan man lang kami.

"Si Eian lang, 'yong kaibigan kong umawat sa 'tin no'ng first day of school. Naaalala mo pa ba 'yon?" Tanong niya.

"'Yong nerd ba na 'yon? So, Eian pala 'yong pangalan niya," sabi ko at napatango-tango.

"Yes, that's him. The intelligent one among our circle of friends," sagot naman niya.

"Kahit nakakainis 'yon, 'di ko maipagkakaila na cute siya na g'wapo," pagpupuri ko sa kaibigan niyang nerd.

"Pero mas g'wapo ako at cute kaysa sa kan'ya, sabi mo pa nga 'di ba no'ng nasa bahay ni mama tayong dalawa para sa project?" Aniya at nagtataas-baba pa ang kan'yang kilay.

"Napakahangin mo," amin ko.

"Ng dahil 'yon sa 'yo," aniya at tumawa kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"'Di ba magkaibigan naman kayo ni Isse?" Tanong ko mayamaya.

"Oo, bakit mo siya itinatanong sa 'kin?" Takang tanong niya sa 'kin.

"Kumusta na siya?" Imbes na sagutin 'yong tanong niya, nagtanong ulit ako.

"Wala na akong masyadong balita kay Isse pero nag-aalala ako para sa kan'ya, hindi ako sanay na wala siya sa milk tea shop," sagot niya.

Napabuntong-hininga naman ako saka nagsalita ulit. "Ako rin naman, nag-aalala rin ako para sa kaibigan ko rin."

"Pero, sigurado naman akong nasa mabuting kalagayan siya ngayon. Baka may importante lang na ginagawa kaya nawala siya saglit. 'Wag nalang tayong mag-alala masyado," pagpapagaan niya ng loob ko at sa kan'ya na rin.

"Sana nga," sang-ayon ko.

Nang umuwi na ako ay pagkapasok ko palang sa bahay ni lola ay madilim. Hindi ako sanay na gano'n ang bubungad sa 'kin pagkauwi ko. Maski si Yhane, e, hindi ko nakasabay sa pag-uwi. Nakakapagtaka.

Nang makapasok ako ay hinanap ko ang switch ng ilaw at mabuti nalang at nahanap ko kaagad iyon at ini-on ang switch niyon.

Pero pagka-on ko sa switch ng ilaw, bigla nalang may nagpasabog ng confetti kaya napasigaw ako sa gulat.

Punyemas, ano 'yon?!

"Surprise!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Yhane, Thal, Chin, lola at... si 'My. Bigla nalang akong pinangiliran ng luha.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..." they sang and chanted a happy birthday song to me.

This is totally an unexpected birthday to me. Nakalimutan ko nga rin na kaarawan ko nga pala ngayon.

"Happy 18th birthday, Shelo!" Sabay-sabay na pag-greet nila Yhane, Chin at Thal saka sila sabay-sabay na yumakap sa 'kin.

Sunod namang bumati at yumakap sa 'kin si lola at... sumunod naman si 'My.

"Happy legal day to you, 'nak. I love you and I miss you so much," bati ni 'My at mahigpit na niyakap ako kaya ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.

"Miss na miss na rin kita, 'My. Salamat dahil bumalik ka na ulit dito. I love you, 'My," sabi ko at nagsimula nang mapahikbi.

"Hayaan mo na natin silang mag-ina, pumunta na muna tayo sa kusina, mga hija," narinig ko pang tawag ng atensiyon ni lola sa tatlong kaibigan ko.

Nang pakawalan ko ang yakap at tumahan na ako ay ngumiti ako kay 'My.

"Kumusta ka na rito, 'nak?" Tanong niya nang makaupo kaming dalawa.

"Ayos lang naman ako rito, 'My. Ikaw?" Pangungumusta ko rin sa kan'ya pabalik.

"Nothing as good as new, I'm fine always," aniya at ngumiti.

"Happy eighteenth, 'nak," aniya at hianwi ang natitira kong buhok sa mukha ko at pinagsalikop ang mga kamay naming dalawa.

"Unexpected 'yong pagdating mo, 'My. Tapos ka na ba ro'n sa business trip niyo po ro'n?" ani ko.

"Yes, tapos na 'yong business trip ko roon kaya p'wedeng-p'wede na tayo magkasama ulit. Babalik na rin tayo sa bahay natin dahil nakakahiya na kay Nanay," aniya kaya napatango ako.

"Magpaalam tayo pagkatapos ng pagce-celebrate sa birthday mo," dagdag pa ni 'My.

Nang matapos kaming mag-usap ni 'My ay pumunta kami sa kusina kung saan nandoon sila.

Talagang pinaghandaan nila 'yong brithday kong nakalimutan ko ngayon ah. May pasabog pang confetti ang nalalaman nila.

"Bagay sa 'yo ang eyeglasses mo, Shelo," sabay na puri nila Thal at Chin pagkarating namin sa kusina kaya sumabat si 'My.

"Aba naman siyempre, galing 'yan sa 'kin eh," palahaw ni 'My kaya napatawa kaming lahat.

"Try ko nga rin," sabat ni Yhane at lumapit sa 'kin para kuhanin dapat ang eyeglasses na suot ko pa rin hanggang ngayon pero natatawa akong umilag.

"Mukha ka nang teacher niyan panigurado kaya 'wag mo nalang susubukan," pang-iinis ko sa kan'ya kaya napasibangot siya. Tumawa naman kami dahil sa reaksiyon niya.

Nang matapos ang pagce-celebrate ng birthday ko ay nagpaalam pa muna si 'My kay lola na uuwi na kami sa sarili naming bahay bago kami umuwi ng may mga ngiting totoo sa labi.

The last week before the hiphop dance presentation came, medyo maalam na ako kahit papaano sa locking, popping at konti sa b-boying. Napakahirap kasi ng b-boying tapos sumunod naman ang popping bago ang locking. Mahaba ang naging pasensiya ni Felix sa pagtuturo sa 'kin kung paano sumayaw niyon at kung anong flow ng beat sa kanta or music na gagamitin namin para sa pagpepresent. Palagi rin kaming nakatambay sa rooftop dahil do'n at nakasanayan ko na rin.

Tumigil kami saglit sa pagpa-praktis at umupo muna sa bakanteng upuan at kinuha ko 'yong panyo para ipamunas sa pawis ko at uminom din ng tubig, maging gano'n din si Felix.

"May tanong pala ako, binabagabag talaga ito sa isipan ko eh," lakas-loob na wika ko kaya napatingin siya sa 'kin.

"Ano naman 'yon?" Tanong niya.

"Bakit mo binigyan ng pabor si Ms. Castrovert para hindi ako magkaroon ng record of absence rito at binigyan mo pa ng excuse letter para sa 'kin? Bakit mo ginawa 'yon para sa 'kin?" Diretsahan kong tanong.

Bahagya siyang umiwas ng tingin nang tumikhim siya at talagang iniiwasan 'yong tanong ko.

Bakit naman niya iniiwasan ang tanong ko?

Wait...

"May gusto ka ba sa 'kin?" Lakas-loob kong tinanong iyon sa kan'ya.

Pakapalan nalang ng mukha dahil gusto ko lang malaman ang totoo. Bahala na kung maging assumera man ako ngayon kahit nakakahiya na ng kaunti.

"H-Huh? B-Ba't naman kita magugustuhan?" Tanong niya at napansin ko pa ang pagkautal niya kaya napakunot ako ng noo.

"Eh, bakit ka umuutal d'yan?" Panghuhuli ko sa kan'ya.

"'Di kaya ako umutal," kontra pa niya at hindi pa rin tumitingin sa 'kin.

"Tsk, whatever. Oh, siya, balik na tayo sa pagpa-praktis," pag-iiba ko nalang sa usapan.

Alam ko 'yong limitations ko 'no kaya hindi ko na ipinagpilitan na sagutin niya iyon dahil nagsisimula na rin akong mahiya sa pinagsasabi ko.

Pero base sa mga ikinilos niya kanina..

I came up to a conclusion...

That maybe he's indenial.

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top