6

Want Again

Tw: Suicidal Ideation

"T-Tse! L-Lakas naman ng trip mo!" Sabi ko at hinawakan ang kan'yang kamay na nakahawak sa palapulsuhan ko para bitiwan niya ako at para makaayos ako ng tayo dahil nakakailang ang posisyon namin ngayon at sigurado ako na namumula na ngayon na parang kulay kamatis ng husto ang aking magkabilang pisngi.

Mabuti nalang at binitiwan niya 'yong palapulsuhan ko kaya mabilis akong napaalis sa p'westo niya at umayos ng tayo 'saka kinuha na ang bag ko ng hindi siya tinitignan. Hindi ko na kayang humarap at tumingin sa kan'ya matapos ang sinabi ko sa harap niya tapos narinig pala niya iyon.

Hoy, Shelo! 'Wag ka ngang gan'yan! Hindi ka naman gan'yang babae dati tapos ngayon, namumula na 'yong pisngi mo dahil lang sa lalaking 'yon? Aish! Stop being so girly!

"Bakit 'di mo kayang salubungin ako ng tingin o kahit magpaalam man lang na aalis ka na?" Biglang tanong niya kaya naestatwa ako nang pipihitin ko sana ang door knob ng pinto ng study room niya.

"Uh... good bye... see you... later, too I think," paalam ko nang hindi tumitingin sa kan'ya.

"Tumingin ka nga sa 'kin. Sus, nahihiya ka pa, e, sinabi mo lang naman 'yon dahil totoo." Grabe, ang hangin naman nito! Saan ba siya nagmana? Imposibleng si Manager D. Baka 'yong daddy niya, 'di ba?

Tumingin nalang ako sa kan'ya para tapos na ang usapan.

"Oh ayan, tapos na. Baka p'wedeng lalabas na ako? Sa iyo nalang muna 'yong si-nave kong files sa anti-bullying at bullying. Babalik din ako bukas for the third topic," sabi ko.

Tumango naman siya 'saka tumitig sa 'kin ng mataman.

"I have to go, bye ulit," paalam kong muli at lalabas na sana nang may makalimutan pala akong sasabihin sa kan'ya.

"Hoy, Felix," tawag ko sa kan'ya. Medyo, nawawala na ngayon ang pagkailang nararamdaman ko sa kan'ya dahil hindi naman na niya inalintana at ibinalik 'yong kahihiyan na ginawa ko kanina.

"Hindi ka naman pala ganoon kasama para maging bully. Sorry for judging you easily just because it's my first impression to you," I sincerely said.

Nakita ko namang nagbago ang kan'yang paraan ng pagkakatingin sa 'kin 'saka siya na ngayon ang nag-iwas ng tingin.

"I have my personal reason why I am like this to other people," aniya. Napatango nalang ako dahil naunawaan ko naman siya pero sa tuwina ay naiinis ako sa kan'ya dahil kailangan pa talaga niyang idamay at i-bully 'yong ibang tao. Hindi naman niya kailangan mandamay pa ng iba eh.

May rason siya kung bakit nangbu-bully siya ng tao pero it doesn't mean na p'wede na niyang i-bully ang ibang tao. Dahil lang sa rason niyang iyon, p'wede na siyang makapahamak ng ibang tao para lang makaganti. Like, gago ba siya?

"Even though you have your personal reason why you always bullied others doesn't mean you'll hurt them emotionally, mentally and physically and changing them in their not used to be personality," dagdag ko pa.

Nakita ko pang natigilan siya dahil sa sinabi ko. Baka natigilan lang siya dahil may point ako sa sinabi ko. Ngayon ko lang naramdaman ang maging seryoso.

"And also, sa susunod na pagkikita natin, baka p'wedeng tulungan mo naman ako dahil ubos na ubos na ang brain cells ko kakaisip sa mga bagay about bullying, e, wala naman akong karanasan d'yan at ikaw naman 'tong nangbu-bully ng tao," dugtong ko pa.

'Saka na 'ko umalis nang marinig ko ang boses niya na dinig na dinig ko naman.

"Are you guilt-tripping me?"

'Yon 'yong sinabi niya kaya gusto ko sanang tumigil at sasagutin ang tanong niya pero maagap kong pinigilan ang sarili at baka mapahaba pa ang usapan at baka hindi na 'ko makauwi sa bahay ni lola. Naghihintay pa naman din 'yong best friend ko roon.

Nang makarating na ako sa bahay ay talagang inaabangan ako ng magaling kong best friend 'saka niya ako pinaulanan ng tanong pagkabagsak ko palang sa sofa.

"So, ano na nangyari sa inyo ni Felix?" Unang tanong niya.

"'Di na kami nag-aaway pero nagbabangayan ng kaunti nalang," sagot ko at saglit na ipinikit ang mga mata ko.

Nakaramdam ako ng pagod pagkarating dito dahil sa tinatrabaho ko kanina sa bahay ng parents niya.

"Ayiee, may progress na kayo kahit papaano. Sabi ko nga no'ng una na 'enemies can turn into lovers' ang peg niyong dalawa!" She said with enthusiasm.

Napairap ako at binatukan siya kaya napaaray siya habang kinukunotan niya ako ng noo.

"Hoy! Ba't mo ginawa 'yon, ha?" Tanong niya habang nakasimangot.

Umismid ako 'saka nagsalita. "Tsk, 'di bagay sa 'yo. 'Saka wala akong plano para sa lovelife na 'yan dahil nakakaistorbo sa pag-aaral ko," sabi ko pa.

Napatigil siya sa pagkakamot ng kan'yang ulo at mataman akong tinitignan. "Grabe 'yong trauma mo sa kan'ya 'no? Takot ka nang magmahal ulit dahil sa kan'ya," salaysay niya habang ini-emphasize pa 'yong 'kan'ya' na salita.

Hindi ako sumagot at nagpahalumbabang nakatingin sa kisame.

-Flashback-

"Shel naman, don't do this, please," aniya, nagmamakaawa.

Ngunit umiling lamang ako at tinignan siya ng masama kahit kapansin-pansin na malapit ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Flynn, I told you before that when you cheat and neglect me, I'll broke up with you and now, you just did it. You started to neglect and cheated on me, tapos ngayon gusto mong hindi tayo p'wedeng maghiwalay? Ano 'yon? Isang malaking kalokohan? Ha?" Puno ng panunumbat na saad ko sa kan'ya.

"Shel, I never cheated on you, it's just a big misunderstanding—"

"No, just go away and never crossed paths with me again. You and I finally break up," I said with firmness.

"Shel, no. Don't. Please," nawawalan ng pag-asang usal niya.

"I don't deserve you, Flynn." 'Yon lang at mabilis kong linisan ang lugar na 'yon na luhaan.

I don't know but whenever I'm weak or in pain, I have the urge to do something I didn't supposed to do. Had a suicidal ideation.

Nang makabalik kasi ako sa bahay namin ay nakita ko kaagad ang cutter namin sa lamesa kaya kinuha ko 'yon at umupo sa isang sulok para gawin 'yon.

Pero bago pa 'yon dumapo ay may kamay na maagap na pinigilan ako na mangyari iyon kaya napaangat ako ng tingin.

Umiiyak si 'My habang nakatingin sa 'kin 'saka umiling-iling.

"'Wag naman ganito, 'nak, please," sabi niya.

"'M-My..." I called, helplessly.

"Anak, don't do it, please? 'Wag na 'wag mong uulitin 'yon, naiintindihan mo ba? P'wede natin itong pag-usapan, 'nak," she even begged in front of me.

Tuluyan na akong humahagulhol dahil sa pagmamakaawa at pakikiusap ni 'My kaya na-realize ko na maling-mali ang dapat na ginawa ko sa sarili ko.

-End of Flashback-

"Yhane, I'll just go upstairs," paalam ko bigla kaya napatingin siya sa 'kin.

"O-Okay. Sure," sabi niya habang nag-aalalang nakatingin sa 'kin.

Nginitian ko rin siya pabalik pero alam kong hindi iyon umabot sa mga mata ko. Pagkatapos naman ay tuluyan na akong umakyat patungo sa silid ko sa guest room.

Nang makapasok na ako sa silid ay pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama habang 'yong cellphone ko ay nasa tiyan ko at nakahawak ng maluwang.

Kinuha ko 'yong kuwintas na nasa leeg ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Bigay sa 'kin 'to ni 'My bago siya lumuwas patungo sa ibang bansa para sa business meeting niya.

"Maybe, I should call 'My," sabi ko sa sarili ko.

Inangat ko ang cellphone ko at pinindot ang messenger para makipag-video call kay 'My. Miss ko na siya.

Mabilis naman 'yon sinagot ni 'My at nakangiting mukha niya ang bumungad sa cellphone ko kaya napangiti nalang ako.

"Oh, hello 'nak! 'Napatawag ka?" Bungad niya sa 'kin.

"'My... miss na miss na kita," sabi ko.

Nginitian ako ni mommy ng maluwang at nakita ko sa kan'yang mga mata ang pangungulila rin niya sa 'kin. "Shelo, anak, miss na miss na rin kita. Malapit na talaga 'tong matapos at kapag matapos na 'to ay babalik din kaagad ako d'yan sa tabi mo. Don't worry, anak, makakasama mo na ulit si mommy, ha? I love you, baby girl," mahabang salaysay niya kaya bigla nalang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

"I love you, 'My. Pakibilisan po, ah? I miss you," sabi ko ulit.

"Mwuah! Oh, sige na, balik na ako sa trabaho ah? Ba-bye, 'nak," paalam niya.

Kumaway lang ako at 'saka siya na ang nag-end ng video call. Napabuntong-hininga nalang ako nang matapos ang tawag. Dala na rin siguro ng pagod kaya nakatulog ako.

Sa mga nagdaang araw ay mas napalapit lalo ako sa gunggong na 'yon dahil nakita ko ang totoo niyang ugali at iba pang katangian na hindi ko nakita sa kan'ya no'ng una dahil sa pagiging bully niya.

Pero, hindi pa rin niya sinasabi ang dahilan sa 'kin kung bakit nang-bully siya ng tao. But, I think he will take time to say that to me.

Paano pa at naging kaibigan ko na rin naman siya, 'di ba?

Friends.

Napangiti ako dahil hindi ako makapaniwalang ang dating kaaway ko ay naging kaibigan ko pa ngayon. No one can really predict what will happen in the future, 'no?

Hindi na rin napapadalas nag pangbu-bully niya sa ibang tao. Tingin ko nga, unti-unti na siyang nagbabago, eh. 'Saka isa pa, tingin ko na hindi na siya gaanong nagbu-bully dahil nalaman ni Manager D o 'yong ina niya 'yong mga pinaggagawa niya sa unibersidad dahil sa project na ginawa namin tapos pinagsabihan at sinermonan pa tuloy siya. Kawawa naman.

Tapos ngayon pa na araw na para mag-represent kami sa project namin na galing pa mismo sa dean namin.

"Shelomith," tawag bigla ng kung sino'ng pamilyar na boses kaya napatingin ako sa direksiyon niyon.

Nakita ko si Felix a.k.a gunggong na patkabong lumalapit sa 'kin habang nakangiti.

Nang makalapit siya sa 'kin ay may ibinigay siya sa 'king USB kaya napatingin ako ro'n.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Edi, 'yong sa proyekto natin. Dala mo ba 'yong laptop? Kasi 'yong projector at 'yong white frame ay nakahanda naman na ro'n sa quadrangle. Paniguradong nandoon na halos lahat ng mga tao rito," sagot niya.

"Ay, oo nga. Yes, dala ko 'yong laptop pero nasa room pa natin 'yon nakalagay," sabi ko.

"What are we waiting for? Dali na, baka tayo pa ang ma-late sa pagpre-present do'n, eh," nakangiting yaya niya.

Tumango lang ako at patakbo kaming pumunta patungo sa room namin para kuhanin 'yong laptop. Pagkatapos no'n ay hinawakan pa niya ang kamay ko at 'saka ako hinila para mas mapabilis ang pagkarating namin doon sa quadrangle.

Nang makarating kami roon ay marami na ang mga taong nakakalat sa paligid. Naghihintay na siguro sila sa representation namin.

Pumunta kaagad kami sa likod ng stage at nakita namin na nandoon na pala si dean at si Miss Castrovert. Nang makita nila kami ay lumapit sila sa 'min at sinabihan na kami kaagad na dapat na kaming maghanda.

Pagkaraan ng ilang segundo ay lumabas kaming dalawa mula sa back stage at nang tumigil kami sa gitna ay nag-bow kami at bumati.

Nang matapos bumati ay nagsimula na kami sa pagsasalita at pagpapaliwanag tungkol sa proyekto namin.

"Bullying and how it can affect the ones who have been bullied like me. There are many types of bullying but all of them can really hurt and inflicted pain to someone's feelings. And because of that, maybe that person will change and wanted to have a revenge to the person who bullied him or her. Everyone knows bullying, aren't we? But, I want you all to know that bullying is not right and not good. Please, stop bullying other people because it can totally affect someone's physical, social, mental, and emotional behavior. Tama na ang pangbu-bully dahil wala 'yang itatama, kung gusto mong mang-bully dahil sa trip mo lang, don't even dare to do it because once you bullied someone, that someone will totally wrecked you or you'll be having a bad karma and maybe, you'll regret it in the end," mahabang salaysay ko.

Nang matapos 'yon ay sumunod naman si Felix na nagssalita tungkol sa anti-bullying.

"Anti-bullying. From the word anti, it means to prevent the spreading of bullying. You could look onto the bright side of your life. Kapag nangbully ka ng tao at pinagsisihan mo 'yon, baka may pag-asa pa na mabubuo kapag ginawa mo ang sa tingin mo'y tama but I think, it's rarely to be found nowadays because when you start and totally bullied a person, that person will not going to forgive you because she or he never forgets what you've done to him or her but it depends. Katulad ng hindi mo na gustong mang-bully ng ibang tao, 'yong gusto mo nang magbago at humingi ng dispensa sa na-bully mo, 'yong gagawa ka na ng tama sa lahat ng pagkakamali mo sa buhay mo. Just please stop spreading bullying and wake up!" Mahabang salaysay niya.

Nang matapos 'yon ay nagbitiw pa kami ng mga salita bago tuluyang sinara ang representation.

"The bully and the target since day one but became friends since the day the project happened. Well, people always change."

Nakaka-overwhelm but at the same time, masaya dahil nakita ko sa mga taong nandoon kanina para makinig sa 'min na parang may na-realize sila o kung ano pa man na sigurado akong makapagpabago sa buhay nila at sana magtuloy-tuloy.

Miss Castrovert and the dean congratulate us for successfully and did a great job about our project.

Masayang-masaya ako ngayong araw at ayaw ko nang matapos 'to pero alam kong sa kabila ng mga masasayang moments ay mayroon talagang moment na gusto mo nalang pagsisihan kung bakit nangyari ang araw na 'yon.

Katulad nalang ngayon, habang papauwi ako ng mag-isa dahil si Yhane ay may pupuntahan pang iba ay may nahagilap akong pigura ng lalaki. Pamilyar.

Tumigil ako at inaninag ng mabuti ang pigura ng lalaki na 'yon.

But, once I saw the figurine of the boy, I regretted it.

Sa lahat ng lugar na p'wede siyang makita, bakit dito pa?!

"Shel," he called me. He walked towards me.

Nang magkaharap kami ay roon siya tumigil at malamlam ang mga matang nakatingin sa 'kin.

"Flynn..." it was almost a whisper.

My ex is standing in front of me!

"Kumusta ka na?" Tanong pa nito.

"Fine," I lied. Hindi ako okay dahil nakita ko na naman siya ulit!

"Why are you even here?" Tanong ko.

"I... I want you back in my arms again," desperado ngunit mahina niyang saad.

Napamaang ako sa sinabi niya.

What?! Ganoon na ba siya kadesperado para sabihin sa 'kin 'yon ng harap-harapan? Nagpakita lang siya sa 'kin dahil lang para sabihin niya sa 'kin 'yon?! Baliw ba siya?

Kapal ng mukha niya!

Malamig na tinignan ko siya sa mga mata kaya nagtama ang tingin namin.

"Look, Flynn, I don't want to get involved with you anymore. I'm totally moved on from you. P'wede bang umalis ka na?" Malamig na sabi ko.

Napayuko siya at napabuntong-hininga.

"I still love you, Shel. I really do, please I want you back," dagdag pa niya.

"You have nothing to do with me anymore, Flynn. Didn't I told you to never crossed paths with me again? You're one of a kind asshole," malamig na wika ko.

"I hope I won't see you anymore," dagdag ko pa at aalis na sana nang may nakalimutan pa pala akong sabihin sa kan'ya.

"At 'saka, wala ka nang aasahan sa 'kin. You totally inflicted pain in my heart before and now you want me back? That's just disgusting. Hindi ako makapaniwalang minahal ko ang isang desperadong katulad mo."

I said then walked away, totally not in the mood.

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top