4

Another Transferee

"Ano'ng utang na loob ang sinasabi mo d'yan?" Nagngingitngit sa inis na tanong ko sa kaniya.

Ngumisi pa rin ang gunggong saka inilapit ng bahagya ang kan'yang mukha sa mukha ko. Kinabahan ako at napalunok dahil sa ginawa niya.

Bigla nalang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nawala ang ngiti niya sa labi niya at seryoso ng napatingin at nakita ko pa ang paggalaw ng kan'yang adam's apple habang nakatingin sa mga labi ko. Pigil ang hininga ko siyang tinignan saka wala sa sarili ring napatingin sa kan'yang labi.

Nakakahipnotismo at nakakalunod ang labi niya. Lumapit pa siya ng lumapit sa mukha ko ng bigla na lang parang may sinasabi ang isang bahagi ng isip ko na hindi dapat makuha ang first kiss ko sa gunggong na 'to kaya pumikit ako ng mariin saka bumalik sa huwisyo at tinadyakan ang kan'yang paa dahilan para mapabitaw siya sa 'kin at napadaing sa sakit habang nakaupo at ako naman ay tuluyang na-out-of-balance!

Napasalampak ako sa sahig dahil doon. Hinawakan ko pagkatapos ang pang-upo ko dahil sa sakit. Isang napakalaking gunggong talaga nito!

Ang mga taong nakatingin sa 'min ay pinagtatawanan kami kaya ng medyo hindi na masyadong masakit ang pang-upo ko ay tumayo ako at sinalubongan sila ng masamang tingin at itinapat ang magkabilang kamao ko sa kanila. Natinag naman sila st nasindak kaya napatigil sila sa pagtawa.

Binalingan ko ng tingin ang gunggong at nakita kong nakapukol ang kan'yang madilim na tingin sa 'kin pero inismiran ko lang siya. Bagay lang sa kan'ya 'yan!

"Bakit mo ba ginawa 'yon, ha?!" Bulyaw niya sa 'kin kaya napaawang ang labi ko sa sinabi niya. At may gana pala talaga siyang tanungin ako ng gan'yan habang nakabulyaw pa? Ibang klase naman pala 'tong gunggong na 'to, o!

"Ikaw ay isa talagang napakalaking gunggong na nakita ko sa buong buhay ko. Bagay lang 'yan sa 'yong manyak ka!" Sigaw ko sa kan'ya saka galit na kinuha ang bag ko sa sahig at lumapit sa kaibigan ko.

"Halika na, Yhane," yaya ko kaya sumunod naman siya sa 'kin.

"Bebs, bakit hindi mo man lang ako tinulungan sa pag-akay sa 'kin sa pagtayo kanina?" Inis na turan ko sa kan'ya pagkabaling ko ng tingin sa kan'ya.

"Sorry, baka kasi madamay na naman ako sa away n'yong dalawa, e," aniya kaya nawala ang inis ko at napabuntong-hininga.

"Kahit na, ang sakit kaya ng pang-upo ko pagkasalampak ko sa sahig, maipagtatanggol naman kita laban sa gunggong na 'yon, e. Wala ka dapat na katakutan sa gunggong na 'yon dahil isang hamak lang siyang payatot na bully," wika ko kaya napatawa siya ng bahagya.

"Payatot na bully, gunggong, Felix gunggong, warfreak. Ano pa ang maaari mong itawag sa kaibigan ni Isse, Shelo? Napaka-epic dinggin," aniya kaya natawa rin ako. Oo nga, grabe ako makasabi ng mga p'wedeng ipangalan sa gunggong na 'yon at hindi ko maiwasang matawa sa mga itinawag ko sa kan'ya.

"Anyway, may communication pa rin ba kayo ni Isse sa isa't-isa?" Aniya kaya napatango ako.

"Oo, pero madalang na, hindi na katulad ng dati, makulit pa rin naman siya pero hindi na gaano," sabi ko saka napaisip.

"Sa tingin ko lang ah? Parang may tinatago siya sa 'tin, parang may pinoproblema siya. Remember the time na nasa bahay siya ni lola? Napansin ko ang mga ikinikilos niya, parang natatakot siya habang papalabas ng bahay," wika ko.

"Yeah, I remembered it. Naramdaman ko rin na balisa siya," aniya.

"Kokomprontahin ko siya sa D's Milk Tea Shop mamaya, what's the use of our friendship if she's the one who's hiding secrets to us, right?" Sabi ko kaya napasang-ayon si Yhane.

"Hindi na muna ako sasama sa 'yo mamaya, alam mo na... dinner sa bahay nila Collin," nakangiting usal niya.

Napairap na lang ako dahil narinig ko ang kan'yang kinikilig na tinig pagkasabi niya n'on. "Oo na, hindi mo na 'ko kailangang i-remind dahil lang d'yan," kontra ko at inismiran siya.

"Ang sabihin mo, inggit ka lang dahil hanggang ngayon wala pa ring gumaganito sa 'yo katulad sa 'kin," pasiring na saad niya.

"Pasok na nga lang tayo, hayst!" Pikon na sabi ko pero tinawanan lang ako ng gaga saka kami magkasabay na pumunta sa classroom.

Pagkapasok namin sa classroom ay nagtaka kaming dalawa ni Yhane dahil sa pagbubulongan ng mga kaklase namin at tumingin pa sa direksiyon namin, o mas tamang sabihin nasa akin ang lahat ng tingin nila.

Nakarinig pa ako nang usapan sa malapit lang sa 'kin at lalong kumunot ang noo ko saka nanlaki saglit ang mga mata.

"Kamukhang-kamukha talaga ng kaklase natin na si Shelomith 'yong bagong transferee pero naka-eyeglasses lang siya. Sino nga ba 'yon? Si Melon... Moana... ay ito, si Melan pala! Melanielle Agatha Diaz ang buong pangalan ng transferee na 'yon!" Pangchi-chika sa kaklase ko na malapit lang sa puwesto namin ni Yhane ngayon.

I tried to process at what she said. Hindi pa rin nagsi-sink in sa 'kin ang mga sinabi ng kaklase kong tsismosa.

"Papaano naman nangyari 'yon?" Usisa ng kausap niya.

"I don't know pero kamukhang-kamukha talaga ng ating bagong kaklase no'ng first day sa school na si Shelomith. Wait... does that mean... the transferee is Shelo's doppelganger?!" Panghuhula ng tsimosa.

"Doppelganger?" Tanong ng usisera.

"Yes, a doppelganger," ani ng tsismosa naming kaklase.

Bigla nalang napatingin sa 'kin 'yong usisera at nanlalaki ang mga matang tinignan ako at tinapik-tapik pa niya ang balikat ng kan'yang kaibigang tsismosa.

"Hoy, Kate, 'wag ka nalang muna mag-talk," ani usisera sa kaibigan niyang tsismosa.

"Luh? Bakit naman?" Tanong ng tsismosa na tinatawag na Kate habang nakakunot ang noo nito.

"'Wag nang maraming tanong, sundin mo nalang ako," sabi pa ng usisera.

"Bakit naman kasi?" Pagpupumilit pa ng tsismosang Kate.

Napairap nalang 'yong usisera sa kan'ya at nagsalitang muli.

"Tignan mo nalang 'yong nasa likod mo, Kate," wika ng usisera.

Sumunod naman 'yong tsismosang Kate sa sinabi ng kan'yang kaibigang usisera at tumingin sa likod niya kung saan naroon ako at si Yhane.

Nanlaki ang mga mata ng tsismosang Kate pagkalingon niya.

"S-Shelo! N-Nandito ka pala! K-Kanina ka lang ba d'yan?" Maingat na tanong nito.

"Hmm," I mumbled. Mas lalong nanlaki ang mga mata ng tsismosang Kate pati na rin ang kan'yang kaibigang usisera.

"A-Ah, g-ganoon ba?" Usal nito.

"So, sino 'yong sinasabi mong doppelganger ko?" Tanong ko habang matiim na nakatingin sa kanilang dalawa.

"U-Uhm, 'yong transferree rito sa section n-natin," sagot ng usisera naman nitong kaibigan.

Tumango lang ako ta's linampasan nalang sila. Talagang pinag-uusapan pa talaga nila ako kasama 'yong tinatawag nilang doppelganger ko? Hindi ko gusto na pinag-uusapan ako lalo na't mga tsismis lang ang pinag-uusapan.

Nakita ko pang pinapangaralan silang dalawa ni Yhane at base sa mukha ng dalawa ay paniguradong tinakot ito ng magaling kong kaibigang gaga.

Pagkatapos no'n ay patakbong lumapit sa 'kin si Yhane at humahagikhik habang nakatingin sa dalawa na bigla nalang tumahimik kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

"'Oy, ano'ng ginawa mo sa dalawa, ha?"  Tanong ko.

"May pinapaalala lang." At humagikhik na naman ang gaga. Napailing-iling nalang ako sa inaakto niya.

Wala ba talaga akong matinong kaibigan man lang?

Mayamaya lang ay pumasok si Ms. Castrovert, ang P.E. professor namin. Kasunod naman niyang pumasok ay ang hindi ko kilalang babae na naka-eyeglasses pero nang mag-angat siya ng tingin ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa mukha niya.

Papaanong... bakit parehas kami ng mukha?!

"Good morning, class. Before we proceed to go to the field of our university for the sports activities, you have a new classmate and she's going to introduce herself to us," wika ni propesora.

Humarap naman sa 'min ang bagong kaklase namin at ginawaran niya kami ng mabining ngiti.

"Hello po, I'm Melanielle Agatha Diaz, Melan for short po. I'm from Syndler High," pakilala niya.

Bigla nalang akong tinapik-tapik sa braso ni Yhane kaya napatingin ako sa kan'ya. Maging siya ay nakamaang nakatingin sa harapan namin. So, totoo pala talaga ang tsismis ng dalawa?

"Shelo... magkaparehas kayo ng mukha..." paanas na sabi niya.

"Hello, Ms. Diaz. Nice to meet you, hija," nakangiting wika ng propesora namin.

"Good morning po, Ms. Castrovert. It's nice to meet you rin po," magalang na sabi ng kamukha ko na si Melan.

"You may take your seat now, Ms. Diaz. You may sit beside Ms. Garcia, okay?" Nanlaki na naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Ms. Castrovert. Magkatabi kami?!

Mabilis kong nilihis ang tingin sa kan'ya ng umupo siya sa tabi ko at tinutukan nalang ng tingin si Yhane na nakamaang pa rin hanggang ngayon.

"Hey, po..." napapikit ako ng mariin dahil tinawag niya ako!

"Is this your pen po ba?" Tanong nito kaya niluwagan ko ang hininga ko at humarap nalang sa kan'ya.

Natigilan din siya nang makita niya ako pero kalaunan naman ay ngumiti lang sa 'kin.

"Is this your pen, po?" Ulit na tanong niya. Natauhan naman ako dahil sa tanong niya at tinignan ang hawak niya.

"Uh, yes," sagot ko. Inilahad niya ang kan'yang kamay sa kamay ko para isauli ang ballpen ko. Nang masauli ay tumikhim ako at humarap nalang sa propesora.

"Impressive, y'all wearing your P.E. uniforms except those three that's exempted. Class president, may I see your monitoring pad?" Tanong ni Ms. Castrovert sa class president namin kaya napatingin din kami sa kan'ya.

Bakit 'di ko alam na class president pala 'yong nerd na umawat sa 'min ni Felix gunggong no'ng first day ng klase?

"Here it is, ma'am." Tumayo at lumapit 'yong nerd kay propesora at ibinigay ang monitoring pad nito.

Tumango-tango ang propesora habang binabasa ang nasa monitoring pad. Pagkatapos nama'y isinauli niya iyon sa nerd at ngumiti ng tipid.

"What a miracle, class. No absences are recorded, continue to do that, okay? Good job!" May galak sa tinig ni Ms. Castrovert habang inisa-isa kami ng tingin.

"Anyway, stand up and fall into two lines, for boys and for girls. Follow me once your done," our professor commanded. Nagsipagsunuran naman kaagad kami.

Nang tumingin ako sa tabi ko ay napapikit ako ng mariin kung sino ang nasa tabi kong lalaki. Sa lahat ng kaklase kong lalaki, si Felix gunggong pa talaga ang naging katabi ko?

Ngumingisi siya sa 'kin pero nang mapasulyap ako saglit sa kan'yang mga mata ay alam kong galit iyong nararamdaman niya para sa 'kin.

Napapiksi ako nang bumulong siya sa tainga kong malapit lang sa kaniya. "'Di pa tayo tapos, tandaan mo 'yan."

Pagkarating namin sa field ay nagsimula nang mag-instruct si propesora sa mga naka-P.E. uniform naming mga kaklase habang kaming tatlo naman ay nakaupo lang pero nasa malapit kami ng field. Sabi kasi ni Ms. Castrovert ay uupo lang kami at tatawagin lang kami kung ano sa tingin niya'y dapat na ikikilos naming mga aktibidad para 'di raw unfair sa ibang mga kaklase namin.

Sa totoo lang, naiilang ako sa katabi ko sa kaliwa. Sino ba namang hindi magugulat kung may kaparehas ka palang mukha at kaparehas din ng seksiyon at grado, edad, buwan ng pagkapanganak at birthday? It gives me the creeps. Parang ang imposibleng mangyayari ito sa buong buhay ko.

"Ayos ka lang po ba?" Nagulat ako ng bahagya dahil nagtanong itong si Melan sa 'kin.

Tumingin ako sa kan'ya at binigyan siya ng ngiti pero tipid. "O-Oo naman."

"You look pale po kasi, may sakit ka po ba?" Tanong pa niya at mahihimigan ang pag-aalala sa tinig nito. Akmang ilalapit ang kan'yang palad sa noo ko pero bahagya akong umiwas.

"Okay lang ako, 'no. 'Wag ka nang mag-alala, Melan," paniniguradong sagot ko.

"Hmm, okay po. It's okay po if naiilang ka po pala sa 'kin, naiintindihan ko naman po dahil maging ako rin naman ay naiilang dahil magkaparehas po tayo ng mukha," pag-amin niya. Napansin din naman pala niya iyon, akala ko hindi dahil hindi siya nag-react kanina.

Bumuntong-hininga lang ako at tumango-tango saka tinignan ang mga kaklase naming pinagpapawisan na dahil sa mga aktibidad na ginawa nila.

Napatingin ako sa direksiyon na kinaroroonan ng gunggong at nakita kong nakatingin siya sa 'kin ng matiim. Ano ba'ng problema ng gunggong na 'to? Tsk.

"Ms. Garcia, Ms. Carcueva, and Ms. Diaz, you can join the running and jogging activities now in here!" Sigaw ng propesora namin kaya napatingin kaming tatlo sa propesora namin.

"Sure, ma'am!" Sabay kaming tatlo na sumagot. Pagkatapos no'n ay hinila ko si Yhane patungo roon kaya panay reklamo siya sa ginawa ko. Napapatawa na lang ako ng bahagya.

"This time will be the running activity, class. Again, no cheating please. And, of course, the three of you, kayong tatlo ang maglaban-laban habang naiiba naman ang mga kaklase ninyong mga naka-P.E. uniforms. Once I'll count from three, dapat naka-ready na kayo pati na kayong tatlo at kapag nagsabi ako ng one, p'wede na kayong tumakbo patungo sa finish line. Get it, class?" Tumango kaming lahat sa sinabi ni Ms. Castrovert at naghanda na.

Pumito si propesora at bumilang na ng tres patungo sa uno.

"Three."

"Two."

"One!"

Tumakbo na kaagad kami kaya halos magkasabay kaming lahat sa pagtakbo pero mayamaya nama'y hindi na.

Si Melan ay kasabay ko lang sa pagtakbo habang si Yhane naman ay hinihingal na at nahihirapan ng magpatuloy sa pagtakbo kaya humagikhik ako.

"Ate Shelomith," biglang tawag ni Melan sa 'kin kaya napatingin ako sa kan'ya saglit at tumugon.

"Yes? And by the way, 'wag mo na lang akong tawaging ate dahil parehas naman tayo ng edad," tugon ko.

Ngumiti siya at tumango. "About earlier po, I didn't mean talaga na mailang ka, so sorry po about that," hinging-paumanhin nito kaya natutop ko ang sariling bibig ko sa pagbigkas ng isang salita.

Hindi ko alam kung paano ako bubuo ng salita dahil sa sinabi niya kaya tumahimik na lang ako at nagpatuloy sa pagtakbo.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit alam kong walang kumokontra sa 'kin. Pakiramdam ko kasi na may naghahabol sa 'kin kahit wala naman.

Biglang lumitaw sa tabi ko si Felix gunggong at ngumingisi pa rin hanggang ngayon ang hinayupak.

"What are you doing in here?" Tanong ko.

"'Di ba sabi ko naman sa 'yo na hindi pa ako tapos sa 'yo, siyempre dapat babawi ako sa ginawa mo sa 'kin kanina," nakangisi pang wika niya.

Kahit may munting kaba na ang namumuo sa kalooban ko ay pinilit kong labanan siya.

"Ano naman ang gagawin mo sa 'kin, ha?" Mahinahon kong tanong.

"Simple, 'eto lang..." pagkatapos no'n ay may binuhos siyang malagkit na likido sa 'kin kaya napamaang ako sa gulat.

"Shelomith!" Sigaw ni Yhane at Melan dahil sa gulat habang nakatingin sa kinalalagyan ko ngayon.

"What the..." I did not form a word because of what he have done to me.

"That's not enough but you deserve that, stupid brat girl," nakangising usal niya at kinawayan lang ako bago siya nagpatuloy sa pagtakbo.

Napalitan ng namumuong galit ang kalooban ko dahil sa ginawa sa 'kin ng gunggong na 'yon.

Peste ka talagang Felix gunggong ka! You'll never get away with this ever again!

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top