30
Last Chapter
Begin Again
"Bago mo 'ko kuwestiyunin tungkol dito, marami pa akong gustong sabihin sa 'yo ngayon din..." nagpakawala ako ng malalim na hininga bago ipinagpatuloy ang pagsasalita ko. "...I know you're hurt because I rejected you that day when we finally had the closure we wanted but I have a reason why I decided to reject you... it's because I am not sure if I can enter a relationship again with you. I feel guilty of what I did to you before so I stayed away from you. I feel like I don't deserve you—I don't deserve your love... baka... baka masaktan na naman kita ulit at ayaw kong mangyari ulit 'yon sa 'yo dahil lang sa isang napakalaking misunderstanding na nagawa ko na naging dahilan para magdusa tayo ng ilang taon... natatakot na akong muling subukan 'yon," I said to him while staring intently at him.
All I can see from his face is a blank stare so I decided to lower my head. Bumabalik na naman ang pagkaka-guilty kong nararamdaman para sa kan'ya.
"I'm sorry, Felix. I'm sorry for showing up to you again. Kung may namumuo kang galit para sa 'kin, sige, tatanggapin ko kung 'yon ang ikakasasaya mo. Nararapat lang 'to para sa 'kin dahil ilang beses na kitang sinaktan. I'm sorry, I'm toxic around you," nasasaktang sabi ko habang nakayuko pa rin.
Pero imbes na sisgawan niya ako dahil akala ko may galit siya sa 'kin sa lahat ng ginawa ko sa kan'ya ay iba ang ginawa niya para sa 'kin. He swooped around me at cornered me on the wall while he rested his forehead over mine.
"Matagal ko nang inaasam na masabi mo ulit 'yan sa 'kin, Shelomith. Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya ng husto dahil sa sinabi mo," biglang amin niya sa 'kin at nakita ko pa siyang may nakapaskil na ngiti sa kan'yang mga labi.
Dahil sa gulat na nararamdaman ay tanging nasabi ko lang ay, "A-Ano'ng ibig mong sabihin?"
He suddenly chuckled and then the next thing I knew, his face rested on the side of my neck and kissed smoothly over there before he answered my question.
"Nagtatampo lang naman ako sa 'yo no'n, kasi pakiramdam ko, nabigo na naman ako na makuha kitang muli at ni-reject mo pa ako kahit alam ko namang expected naman na mangyayari 'yon. You know, Shelo? You just gave me hope and love you more deeply. I couldn't resist you, my moon. I madly deeply crazy still in love with you Shelomith Grace Garcia," mahabang pag-amin niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga sinabi niya sa 'kin. So, I guess I can make it right with him this time, huh? He's still the Felix I know before because he's being clingy at me right now.
"Oo na, marupok na ako kaya mahal na mahal pa rin kita, Felix," malambing na sabi ko sa nararamdaman ko para sa kan'ya.
"Sabi ko na nga ba at hindi mo rin ako matitiis kaya bumalik ka na kaagad sa 'kin. It's such an honor that you still love me," nakangising pagmamayabang niya sa 'kin kaya inismiran ko siya at inirapan saka inilayo ko ang sarili niya mula sa 'kin. Ang awkward pala ng posisyon namin, ngayon ko lang namalayan.
"Napakayabang mo pa rin, eh, hindi ka pa nga nanliligaw sa 'kin eh," I backfired him.
Napansin ko namang natigilan siya sa sinabi ko kaya pinigilan ko ang 'wag matawa. Totoo naman kasi, gusto ko ulit maramdaman ang mga pangliligaw niya sa 'kin kahit ang corny niya noong una palang siyang nanliligaw sa 'kin noon. Gusto ko ulit maramdaman 'yon mula sa kan'ya.
"At, gusto mo bang manligaw ulit ako sa 'yo? Ganoon ba ang ipinapahiwatig mo sa 'kin?" nakangiting pangungulit naman niya sa 'kin.
"I admit, yes, kahit ang corny mo kapag nanliligaw ka sa 'kin katulad noon," I teased him.
"Oh, sige, kung 'yan ang gusto ng babaeng mahal ko, gagawin ko para sa ikasasaya niya. Pero bago 'yan..." he trailed off then he gaze at me with a smirk plastered on his face. Kinabahan naman kaagad ako sa pagkaka-smirk niya sa 'kin.
"A-Ano na namang gagawin mo ngayon sa 'kin this time? Pa-tsansing ka talaga kahit kailan, 'no?" Nagmataray pa muna ako para maibsan ang kabang nararamdaman sa kung ano mang gagawin niya sa 'kin.
"Pumikit ka muna," utos naman niya. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin dahil parang alam ko na kung saan mangyayari at mahahantong itong ipinapagawa niya sa 'kin ngunit ngumiti lang siya sa 'kin at hindi man lang natinag saka ini-uudyok talaga niya na ipapagawa niya 'yong ini-uutos niya sa 'kin.
Sumunod na lang ako sa kung ano ang gusto niya kahit labag sa loob ko. Baka mang-tsansing lang 'to sa 'kin eh. And truth to my words, he just do something which made me froze... HE JUST KISSED ME ON MY LIPS!
Mabilis lang 'yon pero grabe, ang lakas ng epekto ko dahil sa smack-kiss niyang iyon na ginawa niya sa 'kin. Why the hell did he even do that to me without my permission? Eh, wala pa nga kaming label eh!
"Ano'ng ginawa mo sa 'kin?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kan'ya kahit alam ko naman kung ano ang maaari niyang isagot.
"Well, bumawi lang ako sa pang-aasar mo sa 'kin kanina kaya quits na tayo ngayon," he smiled and winked at me shamelessly.
"Pa-tsansing ka lang talaga. Oh, siya, tapos na ako sa problema ko at malinis na ang konsensiya ko kaya p'wede naman na siguro akong umalis na, 'di ba?" walang pakialam na sabi ko.
"Kakagaling mo nga lang rito eh," nakangusong usal niya.
"May trabaho pa ako, Felix," I reminded him about my work.
"Wala man lang ba kayong half day or day off d'yan sa pagiging dentista mo? Ako nga, nag-off muna dahil kailangan ko na rin ng pahinga. Alam mo na 'yan, doctor thingy," he said, shrugging.
"Bye, pupunta na ako sa clinic," walang pakialam na paalam ko sa kan'ya dahil hindi ko pinansin ang sinabi niya sa 'kin.
Nang magsimula na akong tumalikod at lumabas sa condo niya ay saka ko lamang siyang narinig na sumisigaw sa pangalan ko para hintayin ko raw siya.
"Hey, wait! Shelo, sandali lang! Ihahatid na kita sa clinic mo!" Nagsusumigaw siya kaya natawa ako ng palihim. He's being clingy again.
As the days passed by, palagi na siyang sumasama sa 'kin at binibigyan pa nga niya ako ng mga pinage-effort-an niyang makuha. He's officially been doing her courting to me... again.
Kapag nasa bahay na ako ay palagi akong nakatatanggap mula sa kan'ya ng mga bulaklak at mga liham. Minsan pa nga ay no'ng nakita ko siyang nanghaharana sa tapat ng terasa kung saan nandoon ang guest room na tinutulugan ko.
At sa araw na hinaharana niya ako ay kasama ko si Yhane. Base sa nakikita ko sa mga ikinikilos ng kaibigan ko ay halatang gusto na niya akong gulpihin. Paano ba naman kasi eh, nawalan ng saysay ang panunumpa namin noon sa isa't isa na hindi na kami mai-in love ulit sa mga tao raw na nanakit sa 'min no'n when in fact, ako pala 'yong nakasakit sa taong kinamuhian ko noon at naging dahilan kung bakit kami nagdurusa ng ilang mga taon. Tapos ako pa ang lumabag. Sino'ng matutuwa roon?
Pagkatapos no'n ay nagra-rant si Yhane sa 'kin sa guest room kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksiyon ko sa panghaharana ni Felix. Walang alam ang babaeng ito sa mga nangyayari sa 'ming dalawa kaya ganoon na lamang ang pangra-rant niya sa 'kin. Pero binalewala ko na lamang siya.
Nang nasa D's Milk Tea Shop ako para magpalamig ay kapansin-pansin na walang tao sa loob niyon kaya nagtaka ako. Wala namang nakalagay sa labas ng pintuan na CLOSED sila, 'di ba? So, paano nangyaring walang tao sa loob ng shop? It sounds suspicious.
Pumasok naman ako kahit nagtataka pa rin ako sa kalagayan ng shop. Nang nasa loob na ako ay napaigik ako sa gulat dahil may bigla na lang yumakap sa likuran ko at nang lumingon ako paharap sa kung sino mang yumakap sa aking likod ay siya namang pagsigaw ng isang pamilyar na boses kaya mas lalo akong napaigik sa gulat na nararamdaman.
Bigla na lang silang tumawa dahil sa reaksiyon ko pati na itong taong yumakap sa 'kin kani-kanina lang sa likuran ko kaya tinignan ko kaagad ang taong iyon. It was Felix!
"Hoy, ano'ng itinatawa-tawa mo d'yan? Wala namang nakakatawa dahil ginulat nila ako, pati rin ikaw," paninisi ko sa kan'ya pero tanging tawa lang ang narinig kong sagot mula sa kan'ya kaya napairap ako sa kawalan.
"Hey, don't be mad. Gusto lamang kitang sorpresahin dahil... kaarawan mo ngayon. Nakalimutan mo yata kasi na kaarawan mo ngayong 31 sa December," biglang sabi niya kaya natigilan ako.
Oo nga pala... mismong kaarawan ko ngayon pero maski ako ay nakalimutan ang espesyal na araw ko. I have tons to work so I forgot that this was my most special day in each year. My birthday.
Nawala na rin ang inis nararamdaman ko para sa kan'ya at napalitan ito ng kakaibang pakiramdam. My heart swelled with happiness. Siya pa ngayon ang nagpapaalala na kaarawan ko ngayon. Dagdag puntos na kaagad 'yon sa 'kin.
"Thank you so much for letting me remember my special day, Lix," naiiyak sa sobrang sayang saad ko.
Pinahiran naman niya ang aking luha gamit ang hinlalaki niya at nginitian ako ng matamis. "You're always welcome, Shelo," he answered back.
Nang matapos ang moment namin ay humarap kami sa iba pang kasamahan ni Felix dito. It was our families, friends, and guests.
Habang nagce-celebrate ako sa kaarawan ko ay nakita ko si Flynn na nakikipag-usap sa kakambal ko na may espesiyal na ngiti sa kan'yang mga labi habang ang kakambal ko naman ay parang gano'n din maging sa kanilang mga tingin para sa isa't isa. I smell something fishy between the two. Parang kilalang-kilala na nila ang isa't isa ng ilang taon ah.
Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo ay napatingin kaming lahat sa biglaang pagbukas ng pintuan at linuwal niyon si Isse na naka-all white na uniform... at may kasama siyang lalaki.
Lumapit naman siya sa 'kin at niyakap ako saglit saka nginitian ako at bumati. "Happy birthday, Shelo! 'Eto ang regalo ko para sa 'yo," masayang sabi niya at binigyan niya ako ng maliit na regalo saka hinalikan ako sa pisngi.
"Enjoy your day," aniya kaya naman ay nginitian ko rin siya at nagsalita.
"Thank you for you cute gift, Isse. Anyway, halika, mag-uusap muna tayo at pati na rin 'yong kasama mo," nakangiting paanyaya ko sa kanilang dalawa.
Nang nasa bakanteng upuan na kami ay si Isse ang umunang nag-open up sa pag-uusap namin habang ang lalaking nasa tabi niya ay ngumiti lang ng tipid sa 'kin at ganoon din naman ako sa kan'ya.
"Heto pala si Cloud, ka-partner kong nurse." Nagulat ako sa huling salitang sinabi niya. Hindi ko alam na nurse rin pala itong si Isse! Ngayon ko lang nalaman!
"So, nurse ka rin?" Hindi-makapaniwalang tanong ko.
"Hmm-mm. Matagal na pero wala pa akong balak noon na sabihin sa inyo ang propesiyon ko. Mabuti na lang at binigyan ako ng lakas ng loob nitong si Cloud para makaamin ako sa inyo. Kayo kasi ang successful niyo na, samantalang ako nagta-trabaho pa rin dito sa shop tapos nurse lang 'yong kinaya ko," nakanguso at nahihiya niyang amin.
I reached for her hand and squeezed it. "No, don't be. Successful ka rin kasi may trabaho ka na, we're no that actually successful, too, Isse. Katulad mo, ganito lang din ang kinaya namin. Be proud of your profession because you like it," nakangiti kong wika sa kan'ya.
Ngumiti naman siya sa 'kin. Iyong totoong ngiti saka huminga ng malalim.
"I'm lucky I have a friend like you, Shelo. Thank you," nakangiting pasasalamat niya.
Tinignan ko silang dalawa at mas lalong lumawak ang ngiti ko. Parang may bagong love life na naman akong makasaksi nito. But, this time, I don't feel bitter at all. In fact, I love to watch couples now.
"Ano'ng ngiti 'yan?" Natatawang tanong ni Isse sa 'kin kaya natawa na rin ako.
"Alam mo? Bagay kayong dalawa ng kasama mo. Nurse siya at nurse ka rin, perfect match," nakangisi kong sabi. Nakita kong pumula ang pisngi niya at 'yong Cloud naman ay ngumisi lamang.
"Nang-aasar ka na naman. Oh, siya, maiwan ko na muna kita rito, mage-enjoy na muna kaming dalawa sa birthday mo para mabawasan ang stress," pag-iiba ni Isse sa usapan at hinigit pa niya ang lalaki at iniwan ako. Nginisian ko lamang sila, sa wakas at nakita ko rin si Isse na may ka-love life na.
Mas lalo akong natawa nang mapadako ang tingin ko sa dalawang kaibigan ko na walang kasamang mga lalaki. Si Chin at Yhane. At 'yon nga, nagkasunduan silang dalawa at pinili lamang na manahimik.
Nang gumabi na ay napagpasyahan ng mga pamilya namin ni Felix na roon na kami sa kanilang mansiyon para maghintay sa paparating na bagong taon at doon mag-dinner.
Pagkatapos naming kumain ay dinala at dinagit na lamang ako ni Felix sa kan'yang silid at pumunta kami sa terasa niya. Roon ko rin nakita ang full bright moon kaya napakagandang pagmasdan ang kalangitan kahit madilim na sa mga oras na ito.
"Felix..." tawag ko sa kan'ya mayamaya.
Tinignan naman niya ako at tumugon. "Hmm?"
"Matagal ko na 'tong pinag-isipan..." I trailed off.
Nanatiling nakatutok ang kan'yang mga sa 'kin habang hinihintay ang aking idu-dugtong.
"You know how much I love moons right? And that moon is you," nakangiti kong sabi habang nanatiling nakatingin sa buwan.
"What do you mean?" Tanong naman niya.
This time, humarap na rin ako sa kan'ya at nginitian siya saka ipinakita ko sa kan'ya ang pagmamahal ko sa kan'ya.
"Sinasagot na kita... ulit," masuyong usal ko.
Noon ay nagsusumigaw siya no'ng sinagot ko siya for the first time pero ngayon, tanging matamis na ngiti at iyak niya lamang nag naging tugon niya sa sinabi ko.
He cupped my face and I can see in his eyes how much he loves me and adores.
"You know how much I wanted to cry so bad because of your answer? And, I think we can begin again with strong trust and love. I love you so much, Shelo, my moon," aniya at walang sabi-sabing masuyo niya akong kinintalan ng halik sa labi.
Kasabay naman no'n ang pagputok ng mga fireworks sa kalangitan habang nasa gitna ang buwan.
Before, I think that the moon is just my parents because I'm a selenophile but now, I think, Felix is now part of it and I'm proud to show to everyone how much I love them, especially to my latest moon and is the one who I want to continue of being a selenophile forever, Shan Felix Dela Cruz.
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
A/N:
Epilogue will be next. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top