3

Salo

Matagal kaming nakatitig sa isa't-isa at parang naiilang na ako sa uri ng pagkakatingin niya sa 'kin. I didn't or even expect to see this happening. He just stared at me meaningfully, parang may pinapahiwatig siya gamit ang mga mata niya sa 'kin. We communicated each other through our eyes.

Hanggang sa bumalik ako sa katinuan ng mapagtanto kong ang lapit-lapit namin sa isa't-isa. Like, what the hell just happened?!

Tumikhim ako at kinuha ang pagkakataon na makawala mula sa pagkakakorner niya sa 'kin sa dingding.

Hindi ko alam pero bigla na lang uminit ang magkabilang pisngi ko sa hindi malamang dahilan.

Napalingon ako sa kanya ng bigla siyang sumiring at umismid. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin ng mapagtanto ang sinabi din niya sa 'kin kani-kanina lang.

"Anong small world ang sinasabi mo diyan? At, papaano mo nalaman ang buong pangalan ko? Stalker ba kita, ha?" Pilit na inis ang tinig ko nang tinanong ko sa kanya iyon.

Ngumisi siya pagkatapos kong sabihin 'yon at akmang lalapit muli sa 'kin ng pinakita ko sa kanya ang nag-uumigting at naghahanda na kamao, just in case.

"Do you think you can beat me just because of that little fist of yours, huh? At, ano? Hindi ako stalker mo, you're face and all about you makes me want to puke and be disgusted kaya imposible 'yang sinasabi mo," aniya habang nandidiring nakatingin na sa 'kin.

Napasinghap ako saka suminghal sa harapan niya. Makes you want to puke and be disgusted pala ah? Tignan lang natin kung ano ang magagawa ko sa 'yo bukas, tch.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," mariing pagkasambit ko niyon.

Tumingin lang siya sa 'kin at walang balak magsalita. Bakit wala siyang ginawang masama sa 'kin ngayon? Himala naman yata na gano'n.

Baka dito lang sa bahay ni Manager D o ang ina niya pala siya nagpapakabait. May topak siguro ang gunggong na 'to.

Sus, kung alam lang ni Manager D ang mga ginagawa ni Felix gunggong sa 'kin at sa mga estudyante sa unibersidad, baka grounded at papagalitan itong gunggong na 'to ng pagkahusto-husto.

Spoiled po ang anak niyong gunggong, Manager D.

At isa pa, bully siya 'di ba? Pero bakit hindi siya naga-guidance kapag may binubully siya? Duwag siya na bully kung ganoon para sa 'kin.

Ibang klase naman 'to maging bully, parang walang pinag-aralan. Such a coward.

Habang nagtitinginan lang kami sa isa't-isa ay wala sa sariling napatingin ako sa hubad niyang katawan sa pantaas na bahagi.

Hindi ko alam na maskulado pala 'tong gunggong na 'to.

Dahil doon ay napatingin din siya sa tinitignan ko ngayon at huli ko na napagtanto na matagal na pala akong nakatingin doon at hindi na inaalis ang paningin ko roon.

What the hell?! Hindi ako nahuhumaling roon! Never!

Umiwas kaagad ako ng tingin pagkatapos no'n at makailang beses na lumunok dahil sa pagkapahiyang nararamdaman.

"Ibang klase ka rin 'no, grabe ka makasuntok sa 'kin at nagtatapang-tapangan sa harapan ko pero kapag nakikita mo na ang katawan ko, mapapatanga ka na lang at hindi na matutuloy ang dapat na gagawin mo. Gawin ko kaya 'to sa 'yo palagi? Ano sa tingin mo, stupid brat girl? Hmm?" May pang-aasar at pangungutya na sa kanyang tinig.

Linabanan ko kaagad siya ng tingin at sinamaan ulit.

Gusto ko na lang sumuka sa harapan niya dahil ang kapal ng mukha niyang sabihin sa 'kin 'yon kanina. Grabe naman magmalaki 'to, nakakadiri.

"Tse! Makaalis na nga! Peste! Argh!" Inis at iritang sabi ko nang umalis ako sa pwesto ko kanina doon sa living room. Narinig ko pa ang tawa niya pero hindi ko na lang pinansin at baka masuntok ko pa ang kaibigan niya sa baba.

Bakit ba kasi pumunta pa 'ko ro'n?! Ayan tuloy, na-bad trip ako dahil sa pesteng gunggong na gagong 'yon.

Hayst! Hindi ko talaga kayang makapagtimpi kapag magkaharap kami. Seeing at his face makes me angry all of a sudden at parang kumukulo na kaagad ang dugo ko.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa ng padabog kaya nagulat silang tatlo sa 'kin kung bakit nakabusangot ang mukha ko at parang sasabak na sa gulo dahil sa uri ng pagkakatingin ko.

"Nawala lang kami saglit, ganyan na 'yong mukha mo," kunot-noong sabi ni Yhane sa 'kin pero hindi ko siya pinansin.

Busy ako sa pag-iisip kung paano ako makakaganti sa gunggong na 'yon. Ngayon, inaamin ko na panalo siya ngayon dahil makailang beses niya akong pinahiya kanina pero hindi na iyon mangyayari ulit dahil magsisimula bukas ang hagupit ng isang Shelo at pamukhain sa kanya na hindi ako natatakot sa kanya kahit pa duwag siya na bully. Sounds nice on him being called a coward.

Let's see bukas kung makakaganti ka pa sa 'kin...

"Teka nga, ano ba ang nangyari bakit ganyan na 'yon itsura mo? May nakain ka bang masama kanina, ha? Kaya ka nagkakaganyan?" Ani Chin.

Umiling lang ako at hindi na muling pinansin ang susunod niyang tanong. Pati na rin pala itong si Thal, para silang mga tsismosa na kapit lang ng kapit sa 'kin na parang unggoy dahil lang sa kuryoso sila, tsk.

Mabuti na lang at nakababa na si Manager D. Sa wakas, makakauwi ns rin kami.

Hindi ko na gusto pang bumalik dito sa mansyon na 'to dahil makikita ko na naman ang gunggong na 'yon, baka madala ko pa ang kamalasan na nanggaling sa kanya. Kung tatawagan ako ni Manager D para sa sweldo ko at papupuntahin na naman ako muli rito, magpapalusot na lang ako para hindi kami magtagpo sa bahay nila ang gunggong na 'yon.

Ayaw ko talaga siyang nakikita sa apligid ko, baka masuntok ko pa ng wala sa oras eh.

Nagpasalamat kaagad ako at nagpaalam na rin pati na ang mga kaibigan ko at akmang lalabas na kami nang bigla na naman akong tinawag ni manager. Kailan ba ako aalis sa bahay na 'to?

Unti-unti akong humarap sa kanya at nginitian siya. Gusto ko nang makalabas rito pero alam kong nakakabastos 'yon lalo pa't tinawag pa ako ni manager at may importanteng sasabihin pa sa 'kin.

"Feel free to visit me any time in here, hija. Thank you for coming," nakangiting aniya kaya tumango ako at sumagot din pabalik saka magalang ulit na nagpaalam at lumabas na ng mansyon.

Pinagbuksan din kami ni manong guard sa maliit na gate kaya nginitian ko siya at pinagpasalamatan saka ako ang unang lumabas, sunod si Yhane, si Thal, at huli naman si Chin.

Nakakahiya at nakakadiri mang sabihin para sa parte ko, pero ang ganda ng katawan niya, grabe 'yong pandesal—este 'yong abs niya. Maskulado rin, ewan ko ba. Nakakainis at nagagalit na ako sa sarili ko kung bakit nararamdaman ko 'to.

Peste namang gunggong 'yon. Ginagayuma niya ba 'ko kanina kaya ako nakaisip ng ganito sa kanya? Letse!

Sabi din ni manager na pwede daw ulit kaming bumisita sa bahay nila, nakakahiya mang tanggihan siya kaya napatango na lang ako kahit hindi ko na gusto ulit tumapak sa bahay na 'yon dahil makikita ko na naman ang pesteng gunggong na duwag na kumag na anak pala niya.

Nang nakauwi na kami ay tinignan ko pa si Yhane na abala sa pagtitipa ng cellphone niya habang papasok kami sa bahay ng lola niya. Sino kaya 'yong ka-chat niya?

Pangiti-ngiti pa ang gaga kaya napailing-iling na lang ako. Ewan ko ba sa kanya, baliw na nga, dagdagan pa na topakin siya.

Bigla na lang may pumasok sa isipan ko 'yong pagpipilit sa kanya na paaminin siya kung ano ang kanyang iniisip kanina.

Kinalabit ko siya pero parang walang epekto 'yon sa kanya kaya kinalabit ko siya ng marami, from left to right side in hee shoulders kaya napaharap na lang siya habang sinamaan ako ng tingin. Aba, grabe naman 'to makasama ng tingin.

"Ano ba 'yon, Shelo? Kitang busy ako rito eh," aniya at nagreklamo pa ang gaga. Like, what? Ano kamo sinasabi niya? Na, busy siya? Busy siya sa pagchachat ng kung sino 'yong nginingitian niya?

I finally approved that Yhanelle Samantha Carcueva is totally a psycho. Joke lang! Pero kasi naman eh, totoong topakin siya.

Bahala nang mangrereklamo pa siya basta hindi ako titigil sa pagpupumilit sa kanya para mapaamin siya kahit kapagod-pagod 'yon.

"Bebs, isa lang 'yong itatanong ko eh, pagkatapos no'n, hindi na ako mang-iisturbo sa 'yo. Basta sagutin mo ng tama 'yong itatanong ko sa 'yo ah? Sige na, please," pagpupumilit ko sa kanya.

Humarap ulit siya sa 'kin saka bumuntong-hininga na lang.

"Oo na, oo na. Ano ba kasi ang itatanong mo, ha? At bakit gusto mo talaga akong ipagpilitang sagutin 'yon? Kainis ka ah," iritang aniya.

"Eto na po. Ano 'yong iniisip mo kanina sa school at bakit gano'n kalalim ang iniisip mo para hindi mo kami marinig kanina? May problema ba, Yhane? Sagutin mo ng tama, 'wag mo 'kong pipilosopohin kasi nakakaumay na 'yang ganyang style mo," tanong na may halong banta sa kanya.

She took a deep breath before she answered to me, truthfully. Buti naman kung ganoon.

"'Wag mong sasabihin ito kay Mama 'La ah. Nakakahiya kasing aminin. Eto kasi, alam mo naman na hinahangaan at iniidolo ko 'yong sikat na singer na 'yon at hindi ako makapaniwala na niyaya niya akong magdinner bukas sa kanilang bahay, like what the heck? Paano na 'to? Hindi naman sa assuming at nag-oover think ako pero kasi bakit naman niya ako niyayaya kung wala siyang dahilan, 'di ba? Tapos hindi ako makaisip ng tama, buti na lang medyo gumagana na ang isipan ko no'ng papauwi na tayo galing school at pumunta tayo sa manager mo kaya ayon, nagchat kami, ako 'yong unang nagchat sa kanya na sasama ako. Ngayon, kinikilig na ako sa kung anong mangyayari bukas, hindi ko alam pero parang nararamdaman ko na gusto niya ako, what do you think, girl?" Masaya at may galak sa tinig niya ng aminin niya 'yong hinihintay kong isasagot niya kanina.

So, iyon pala ang dahilan kung bakit lutang at malalim ang iniisip niya kanina. Akala ko pa naman dahil sa Felix gunggong na 'yon. Pero speaking of him, magkaibigan sila ni Isse, paano naging posible na naging magkaibigan silang dalawa? Paano, saan, kailan, at bakit? Hmm... teka nga, bakit ko ba siya iniisip? Bakit ko ba iniisip 'yong gunggong na 'yon? Tsk, kainis naman, iniisip ko pa ang kadiri niyang ugali.

"Alam mo, ang assuming mong gaga ka. Mas malala ka pa sa psycho, baliw na baliw lang ang peg mo sa singer na 'yon. Baka nga, pinaglalaruan ka lang no'n eh," kontra ko kaagad na may halong pang-iinis.

Napairap siya dahil do'n kaya napatawa ako ng bahagya.

"Alam mo, Shelo? Wala ka talagang kwentang kaibigan, hindi mo 'ko sinusuportahan kay Collin," nakangusong saad niya.

Kailan pa siya nag-second name basis sa sikat na singer na 'yon? Wala talaga akong alam sa mga pinaggagawa nitong gagang 'to. Kaloka.

"Wow ah, second name basis talaga? Close na kayo, gano'n?" Tanong ko. Tumango naman siya makailang beses kaya gusto kong ipukpok sa kanya 'yong bag ko para matigil na siya kakatango. Ang saya niya kasi eh. Parang dream come true na yata niya na mapansin at mayaya siya sa kanyang iniidolong singer.

"Tss, pumasok na nga lang tayo, mukha kang manok na naghahanap ng makakain sa pamamagitan ng pagyuko, kulang na lang, 'yong buhok mo, magiging red na sa kakayuko mo," ani ko.

"Umuna ka na, maghahanap lang ako ng signal rito para makausap ko na naman siya hihi," kinikilig pang aniya at itinataboy-taboy pa ako. Aba't 'tong gagang 'to.

Pero hindi ako pumasok at sa halip ay hinawakan ang kanyang palapulsuhan at hinila papasok sa bahay. Serves her right.

Paniguradong magagalit na naman 'to sa 'kin. While me, wala akong pakialam kung magagalit siya o magtatantrums ng dahil sa 'kin.

"Lola, nandito na po kami!" Pasigaw kong sabi saka pumunta sa kusina dahil paniguradong nando'n si lola.

Iniwan ko na rin do'n si Yhane sa sala pero alam kong galit siya sa 'kin dahil sa ginawa kong paghila sa kanya kanina.

Napangiti ako pagkalapit ko kay lola. Nagmano ako sa kanya pagkatapos.

Nagluluto si lola ng pancake. Wow, marunong din papa sa ganito si lola? Naks naman.

"Oh apo, nasaan na si Yhane? Bakit wala siya rito?" Tanong ni lola sa 'kin.

"Nando'n po siya sa sala lola. May kinakalikot sa cellphone niya," sabi ko.

Napabuntong-hininga si lola saka nagsalita.

"Sabihin mo sa kanya, may linuluto ako rito, paniguradong maghihintay siya sa linuluto ko, paborito niya 'to," ani lola kaya tumango ako.

Bumalik ulit ako sa sala kung nasaan siya pero nagulat ako ng bahagya ng hindi na siya nagce-cellphone kun'di ay naglalaro siya sa kan'yang pusa.

Lumapit ako saka tumabi sa kanya. Mukhang naramdaman niya 'yon pati na ang pusa kaya tumingin siya sa 'kin saka sinamaan ako ng tingin at 'yong pusa niya naman ay lumapit sa 'kin saka umupo sa hita ko. How cute.

"Shelo naman eh—" hindi ko pinatapos ang kanyang dapat na sasabihin dahil nagsalita na rin ako.

"Sabi ni lola, pumunta ka raw roon sa kusina, nagluluto siya ng pancake. Paborito mo 'yon, 'di ba bebs?" Sabi ko.

Bigla na lang naging maaliwalas ang mukha nito saka kinuha si Fare at hinimas-himas ang ulo nito at mabilis na pumuntang kusina.

Napailing-iling na tuloy ako.

Umakyat kaagad ako para magpalit ng pambahay na suot.

Akmang lalabas na sana ako dahil tapos na akong magpalit ng damit pero may nahagip ako sa study table ko kaya lumapit ako ro'n at kinuha 'yon. Isa siyang letter.

Binuklat ko ang letter para mabasa ko ng maayos.

Napakunot tuloy ako ng noo dahil nalito ako kung saan nanggaling 'tong letter na 'to. Pero bigla na lang may sumagi sa isipan ko, sino pa nga ba ang may ganitong uri ng pakikitungo sa 'kin? Si Felix gunggong lang naman.

Be careful what you have just said about me. Don't forget, be aware tomorrow of what could might happen to you.

– Unknown

May unknown pa ngang nalalaman oh. Tch, hindi mo 'ko maloloko, Felix gunggong. Tingnan lang natin bukas kung sino ang makakaganti sa 'ting dalawa.

Linukot ko ang papel at ibinato sa basurahan saka ako lumabas ng kwarto at bumaba para puntahan sina lola at Yhane at para malasahan ko rin 'yong pancake ni lola.

Paniguradong napakasarap nito! Specialty kaya 'to ni lola.

Kinaumagahan ay mabilis akong pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos naman nang pagbibihis ko ay napag-isipan ko na pumunta muna sa terasa.

Pinakiramdaman ang presko ng hangin saka nakangiting pinagmasdan ang tanawin. Sayang, hindi na makikita ang buwan.

Pero bigla na lang akong ginulat ni Yhane, as in, literally na ginulat niya 'ko.


"Shelo, oy, halika na. Maaga pa tayong pupunta ng school para sa P.E. natin," aniya kaya tumango ako.

Pagkarating namin sa school ay nandoon na din 'yong mga classmates namin. Siyempre kami kami lang kasi 'yon 'yong napag-usapan sabi ni propesora. Mapapasabak na naman ako sa ingles niya.

Papasok na sana kami sa pathway mismo ng unibersidad ng may napansin akong kakaiba. Nagtataka ding tumingin sa 'kin si Yhane.

"Oy, anong nangyari sa 'yo? Bakit ka tumigil?" Tanong niya sa 'kin.

"Wala, baka guni-guni ko lang 'to." Umiling ako pagkasabi niyon saka naglakad ulit.

Pero nang lumakad ako ulit ay biglang na-out of balance ako! May parang manipis na pisi ang nang-block sa 'kin kaya ako na-out of balance!

Akala ko mapapasubsob na naman ako sa sahig pero nagkamali ako. May humawak sa bewang at balikat ko para hindi ako tuluyang masubsob sa sahig.

Nagulat at napalunok ako dahil doon. Muntikan na!

Gusto kong pasalamatan kung sino ang nakasalo sa 'kin kaya unti-unti akong humarap sa kanya.

Pagkaharap ko... hindi ako makapaniwala.

"Sinalo kita kaya may utang na loob ka na ngayon sa 'kin, stupid brat girl." Pagkasabi niya no'n ay ngumisi siya sa 'kin dahilan para manindig ang balahibo ko.

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

A/N: Sorry for the late update. Since tamad ang author niyo at maraming ginagawa sa school works, maikli lang ito sa ngayon.✌🏻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top