29

Unexpected Confession

After that incident happened, I was so regretful and feel guilty so I managed to stay away from him even just for a while. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ng hindi ko man lang naaalala ang eksplanasyon niya sa 'kin no'ng lasing siya.

I felt so regretful that I don't listen to his explanation because my mind before while looking at him was covered with rage and madness. I was blinded by jealousy and overthink.

Gusto ko munang makapag-isip-isip bago ko siya haharapin muli. Hindi madali para sa 'kin ang ganito dahil ako pala mismo ang dahilan kung bakit kami nahihirapan sa makalipas na mga taon. Napatunayan at na-realize ko rin na hindi pa pala talaga ako nakamove-on na sa kan'ya at deni-deny  ko lamang ang totoo kong nararamdaman dahil sa kinamumuhian ko na siya magmula noong nangyari ang trahedyang iyon noon.

Sa mga nakalipas na araw ay kapansin-pansin na bumabalik na naman sa dati si Felix at nagpapakita na naman siya sa 'kin maging sa kinukulit na naman niya ako. Nilulubayan ko iyon at hindi man lang siya pinansin.

Nahihiya akong harapin siya pagkatapos ang nangyari no'ng nalasing siya. That was so unexpected.

"'Di mo man lang ba ako papansinin, Doc Garcia?" Pinakadiinan niya ang huling tinawag niya sa 'kin no'ng sinabi ko sa kan'ya no'ng una na 'yon ang tawagan niya sa 'kin.

Ngunit hindi ko pa rin siya pinapansin. Sounds childish pero gusto ko pang mapag-isa mula sa kan'ya. Gusto kong humingi ng tawad sa kan'ya dahil hindi ko siya pinakinggan man lang sa eksplanasyon niya. I'm so, so guilty.

"Doc Garcia! Teka lang, sandali! Susunod ako sa 'yo!" Pahabol pang sigaw niya pero hindi ko siya nilingunan at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Nagsisimula na naman siya sa pang-iirita sa 'kin kaya kahit iniiwasan ko siya ay nagre-react ako sa aking isipan.

Shit naman! Bakit ba hindi niya 'ko lulubayan?

Sabi niya sa huling sinabi niya no'ng nalasing siya ay hindi na niya ako guguluhin pang muli at malaya na ako mula sa kan'ya. Pero what do I expect? He's drunk that time. Mabilis lang mawala ang alaala ng mga lasing sa mga sinasabi nila kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa 'kin ngayon.

I tried so hard to stay away from him, all of him. I achieved it, after. Finally, napag-isip-isip ko na kausapin siya tungkol doon at para mas lalong magkalinawan kami.

We really need a real closure.

Kaya no'ng araw na nasa trabaho na naman ako ulit, sa araw ng Lunes, ay expected ko nang magpapakita na naman sa 'kin ulit si Felix at kukulitin na naman ako.

Huminga muna ako ng malalim bago pinagsalikop ang mga kamay. This is it.

Nang makalabas ako sa clinic ko ay namataan ko kaagad si Felix na parang may hinihintay. Nang makita niya ako ay saka siya tumayo at nakangiting kumakaway sa 'kin.

How cute he is when he's like that. Hindi ko maiwasang mapangiti at sa pagkakataong ito ay makikita na niya ang pagngiti ko sa mga ikinikilos niya para sa 'kin.

Mukha namang natigilan siya dahil sa naging reaksiyon ko. Naninibago siguro ito. I just chuckled.

"T-Totoo ba itong nakikita ko?" Kinusot-kusot pa niya ang kan'yang mga mata bago muling tumingin sa 'kin na may nakaguhit pa rin na ngiti sa labi ko.

"That's a genuine smile coming from you," hindi-makapaniwalang anas niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil hindi pa rin siya nakakaget-over sa pagngiti kong iyon. Appealing smile ko ba 'yon kaya hindi kaagad siya nakaget-over?

"Hindi ka pa rin ba tapos?" Pagmamataray ko sa kan'ya kaya napatawa naman siya at inilingan lang ako kaya saka lang ako lumapit ng todo sa kan'ya.

Mas mataas siya sa 'kin ng kaunti kaya kailangan ko pa ng iangat ang mukha ko para matingnan siya at para bulungan siya sa kan'yang tainga.

"P'wede ba kitang makausap saglit? Sa loob lang ng clinic ko. I want it private," bulong ko sa kan'yang tainga kaya naman nang makalayo ako sa kan'ya ay tanging pagkunot lamang ng noo niya ang sagot niya pero makalipas ang ilang segundo ay tumango naman siya ng dahan-dahan kahit nagtataka.

Ngumiti pa muna ako sa kan'ya at hinatak siya papasok ulit sa clinic.

Nang makapasok na kami ay saka ko lang binitawan ang palapulsuhan niya at pabuntong-hiningang isinilid ang magkabilang kamay ko sa bulsa ng white coat ko.

"A... Ano namang pag-uusapan natin, Shelomith?" Maingat na tanong niya.

"About the time when you're drunk." Napansin kong natigilan siya sa naging sagot ko bago nag-iba ang timpla ng mukha niya.

"Hindi mo ba naaalala 'yong insidenteng iyon? Napatawag ka pa nga sa 'kin no'n eh." I checked him if his memory is working.

"Oo, naalala ko 'yon pero kaunti lang. May... mga sinabi ba akong masama sa 'yo?" may pag-aalinlangang tanong niya.

Umiling lang ako kaya napansin ko ang pagluwag ng kan'yang hininga. Kinabahan yata siya kanina.

"'Yong sa condominium na parte, naaalala mo pa ba 'yong mga sinabi mo sa 'kin no'n?" Tanong ko ulit sa kan'ya.

"Ang naaalala ko lang doon sa parte na 'yon ay wala akong maalalang nandoon ka nga sa condo ko. Basta may sinasabi akong hindi klaro sa pandinig ko," tumatango-tangong pahayag niya.

"Are you sure about that? P'wede ba nating ipilit na alalahanin mo 'yon?" Maingat na tanong ko.

"Yes, sigurado akong maliit lang na mga detalye ang naaalala ko. I think it would be hard to bring that memory of mine when I was drunk. Mabilis lang akong makalimot kapag lasing ako," napapakamot sa ulong saad niya.

This guy, really? Hays, ako na nga lang ang gagawa ng paraan para maalala niya 'yong mga sinabi niya sa 'kin no'ng lasing siya. Pero sa ibang paraan.

"Ang sabi mo no'ng lasing ka, sa akin, ay malaya na ako mula sa 'yo at pinapakawalan mo na ako." 'Yon ang unang sinabi ko sa kan'ya which made his mouth shock in horror.

Pinigilan kong 'wag matawa sa reaksiyon niya at mas lalong pinipigilan ko talaga iyon dahil nagsalita siya.

"Ano?! 'Yon lang 'yong nasabi ko sa 'yo?" Malapit na sana siyang maghisterya nang mapahagalpak ako ng tawa ng hindi inaasahan.

"Ano'ng nakakatawa?" Nakakunot ang noong tanong naman niya sa 'kin.

"Dahil sa reaksiyon mo," natatawa kong sagot.

Napangiwi naman siya at nagsalita. "Tell me, totoong 'yon lang 'yong nasabi ko sa 'yo?" Naging seryoso na siya sa pagkakatanong niya niyon.

Tumikhim naman ako dahil sa paraan nang pagkakatitig niya sa 'kin at seryosong sinagot ang tanong niya.

"Hindi totoong 'yon lang 'yong sinabi mo sa 'kin... marami pang iba," sagot ko at napabuntong-hininga.

"Teka, may naalala na ako." Pangtitigil niya sa 'kin.

Shit, 'eto na. Naaalala na niya 'yong mga sinabi niya sa 'kin no'ng lasing siya.

"Before that, gusto ko lang... humingi ng... tawad sa mga nasabi ko sa 'yo... noon," nakayuko nang paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya.

Nararamdaman ko na naman ang pagka-guilty kong nararamdaman. Naramdaman kong may lumapat sa kanang pisngi ko kaya napaangat ako ng tingin.

Nakita ko sa kan'yang mga mata ang pangungulila sa 'kin kaya nag-iwas kaagad ako ng tingin. I can't take it. Bumibilis kaagad ang tibok ng puso ko kapag tumitingin ako sa kan'yang mga mata.

"You're already forgiven, Shelomith," masuyong sabi niya sa 'kin.

Tumango lamang ako kahit hindi ako makapaniwalang mabilis lang niya akong mapatawad. I was expecting any harsh words to him but it was unexpected that he doesn't.

"Does that mean you're accepting me to your heart again?" Umaasang tanong niya. I gulped at his question.

Parang hindi ko pa kayang aminin sa kan'ya ang umuusbong ko na namang nararamdaman para sa kan'ya. Hindi ako marupok at may pinapangako kami ni Yhane sa isa't isa.

At isa pa, hindi na ako sigurado kung kaya ko pa bang pumasok ulit sa isang relasyon. Baka masaktan ko na naman siya dahil lang sa misunderstanding. I'm toxic when I'm into a relationship. Pakiramdam ko ang imposible na ng gano'n.

Lumayo naman ako sa kan'ya at naiilang na tumingin sa kan'ya. Nakita ko sa kan'yang mga mata ang pagkabigong nararamdaman.

Hindi pa sa ngayon, Felix. Sana maintindihan mo.

"I... I'm sorry but... I'm not sure... I'm not... ready yet to enter... a relationship," mahinang sabi ko pero sakto lang sa pandinig niya.

"I... get it. Sige, maiwan na muna kita... rito," bigong aniya bago niya ako iniwan ng mag-isa rito sa loob ng clinic ko.

Napapikit ako ng mariin at napahilamos na lang sa mukha. Nasaktan ko na naman siya pero 'yon lang ang sa tingin kong nararapat muna.

After that day, naisipan kong isiwalat iyon sa kakambal ko dahil marunong siyang bigyan ako ng advice tungkol dito sa love life ko.

Ang huling sinabi niya ay, "Sis, alam mo, kung natatakot ka dahil baka masaktan mo siya ulit kapag naging kayo na naman, p'wede mo pa naman iyong itama 'di ba? Love revolves not only in happy moments in your life but also pain. Why don't you try again? Wala namang mawawala sa 'yo kung susubukan mo ulit eh. At saka sinabi mo pa na mahal mo pa rin siya sa mga nakalipas na taon pero dine-deny mo lang dahil na-misunderstood mo siya, kung mahal mo talaga siya, p'wede mong subukan ulit. Siya na 'yong nagsabi sa 'yo na baka p'wede pa ulit, don't miss the chance."

Kaya naman ay napagdesisyonan kung makipagkita kay Felix at pinuntahan siya sa kan'yang condo.

Kumatok ako sa pintuan ng condo niya at nang bumukas iyon ay nahigit ko ang sariling hininga bago inamin sa kan'ya ang totoo kong nararamdaman sa kan'ya, after all these years.

"Mahal pa rin kita, Shan Felix Dela Cruz."

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top