26

The Beginning of The End

Nang makarating na kami sa dental clinic ko ay ibinigay ko 'yong pera na pambayad doon sa taxi driver bago ko binuhat si Vida at ginising si Felix gamit ang isang malaya kong kamay. Mabuti na lang at minulat naman niya 'yong mga mata niya saka niya napagtanto na nakabalik na kami sa pinanggalingan namin in the first place.

Umuna na lang akong naglakad nang marinig kong nakaalis na ang taxi na humatid sa 'min. Nang nasa may pintuan na kami ni Vida at aakmang papasok sana pero napatigil ako dahil nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Felix na kukusot-kusot pa niya ang kan'yang mga mata at humihikab pa. Siguro inaantok pa 'to.

Hindi ko maipagkakaila na ang cute niya sa maliit na ginawa niyang iyon. Pinipigilan ko lang ang 'wag mangiti dahil doon.

Hindi ko na siya tinignan pang muli dahil nakita ko siyang nahuling nakitingin din sa 'kin kaya ako na 'yong unang nagbawi ng tingin at pumasok na sa dental clinic ko kasama si Vida.

"Vida, na-enjoy mo ba 'yong ginawa natin kanina?" Nakangiti kong tanong sa bata para mawala ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil sa pagtatama ng paningin namin kanina ni Felix.

Tumango-tango naman si Vida kasabay nang pagsagot niya sa tanong ko.

"Opo, Doc G! Lalo na po't kasama si Kuya Felix sa pagsasama natin kanina! Masaya po ako na kasama ko po kayo! Sana may susunod pa po!" She giggled and let out a small smile.

I chuckled because of how cute she was everytime she giggled together with her answers and comments. Ibang-iba si Vida sa mga batang natatanggalan ko ng ngipin. Siguro mas friendly lang itong cute na batang 'to kaya mabilis niya 'kong napaamo at naging kaibigan niya.

"Yes, may susunod pa ito," I said in between my smile.

"Together with Kuya Felix po?" May pang-aasam sa tono ng kan'yang tinig habang sinasabi niya 'yon sa 'kin.

Kahit 'di ko gusto itong pakiramdam na 'to ay nagpakatotoo ako sa aking totoong nararamdaman at sumagot sa tanong ng bata. Ayaw ko naman pagkaitan ang masayang ngiti ng batang ito, baka mahirap siyang paamohin kapag nagkataon eh.

"O-Oo naman, Vida," sagot ko naman sa kan'ya. May utal nga lang ang unang salita na sinabi ko sa bata.

"Yehey! You're the best po talaga, Doc G!" aniya at niyakap at ng mahigpit.

"Mula ngayon ay tawagin mo na lang akong Ate Shelo, gusto mo 'yon?" Tanong ko sa kan'ya habang yakap-yakap niya pa rin ako.

Naramdaman ko namang sunod-sunod ang naging tango niya. I can't help but to smile widely. It's so nice to interact this kid more than my loka-lokang friends.

"Oo naman po! Ang ganda naman po ng nickname niyo po, bagay po sa 'yo, maganda!" sabi naman niya kaya napatawa ako.

"Kailan ka pa naging bolera, Vida?" Natatawa kong tanong.

"No'ng tinuruan po ako ni Kuya Felix ng mga gan'yan po," nakangiti niyang bola. Nakita ko pa ang kan'yang nakabibighaning biloy sa kan'yang kanang pisngi na mas lalong dumadagdag sa ka-kyutan niya.

"Pero totoo po talaga, maganda naman po kayo eh katulad po ng pangalan niyo!" Patuloy pa nang pasirit ng bata.

"I'll take that as a compliment na lang, Vida," napapailing-iling na sabi ko sa na lang sa kan'ya.

"Sige po! Mukhang nasa labas na po si mommy. Para po kasing may narinig akong busina ng isang kotse po, baka siya na po 'yon!" ani naman ni Vida mayamaya.

"Sure, balik ka ulit dito ah?" saad ko naman sa kan'ya kaya tumango siya at ngumiti na naman ulit.

"Opo naman, ate. Good bye na po!" paalam ni Vida.

"Good bye rin, Vida." Hinalikan ko pa muna siya sa pisngi bago ko siya hinatid papalabas sa dental clinic ko.

At tama nga si Vida, nandoon na ang kan'yang naghihintay na ina kaya mabilis na binitiwan ng bata ang kamay ko na hawak-hawak niya lang kanina at patakbong lumapit sa kan'yang ina.

Vida's mother mouthed, again, "Thank you for making my daughter happy, Doc." Before she and Vida go to her car.

Nang umalis na ang dalawa ay siya namang pagpapakawala ko ng buntong-hininga. Nami-miss ko na kaagad ang bata.

Napailing-iling na lang ako sa naiisip ko at napangiti na lang habang inaalala ang nangyari kanina sa mall.

Bigla na lang may um-istorbo sa aking pag-iisip kaya naputol iyon. Sinamaan ko naman ng tingin ang nagpaputol ng pag-iisip ko sa nangyari kanina sa mall at babatukan na sana kung 'di ko lang nabungaran ang nakangiting mukha ng gunggong kaya naman ay pinakalma ko na lang ang aking sarili maging ang aking puso na dumadagundong dahil sa ilang dangkal na lang na ang lapit namin sa isa't-isa. Muntik na talaga kaming magkahalikan.

"Lumayo ka nga," naiiritang utos ko sa kan'ya kaya naman ay natawa siya ng bahagya at lumayo rin naman kaya medyo hindi na gaanong dumadagundong ang puso ko sa lakas niyon kanina. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil doon.

"Kinabahan ka ba? Aminin mo, aminin mo, aminin mo," he chanted repeatedly the last part of what he said.

Ngunit inirapan ko lang siya at tinalikuran na lang siya saka pumasok na sa loob ng dentsl clinic ko at iniwan siya roon sa labas.

Nang makauwi ay magkasabay pa rin kami ng gunggong sa pag-uwi ko. Nakakainis na siya ah? Ano ba siya, stalker ko? Is he insane?

"Are you insane?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kan'ya.

Napatigil naman siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako at hinintay ang magiging sagot niya sa katanungan kong iyon.

"Bakit naman?" Imbes na sumagot ay siya naman ang nagbalik-tanong.

"Bakit mo ba ako palaging sinusundan? Are you stalking me? Nababaliw ka na nga siguro," I provoked him. Napapailing-iling na lang ako.

"Nababaliw ako sa 'yo, 'yan ang tama," pagtatama niya at nag-wink kaagad siya sa 'kin habang may ngisi na nakaalpas sa kan'yang labi.

Naging dahilan iyon para lumakas na naman ang tibok ng puso ko dahil sa biglaang pagbanat niya sa 'kin at pakiramdam ko na naman ay nag-iinit na naman ang magkabila kong pisngi.

"Joke lang, naniwala ka naman kaagad," biglang bawi naman niya at tinawanan pa ako habang nakaturo pa sa mukha kong nag-iinit na.

"Walang nakakatawa sa joke mo, d'yan ka na nga lang! Dinadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo, bahala ka d'yan sa buhay mo," masungit na saad ko at inirapan siya bago padabog na umunang maglakad pero this time, mabilis na ang paglalakad ko.

Narinig ko pa siyang sumigaw ng, "Teka lang! Hintayin mo 'ko, Doc!" Pero hindi ko siya nilingon man lang at nagtuloy-tuloy na.

Nang makarating na kaming dalawa sa tapat ng bahay ni lola ay tumigil muna ako sa may gate para magpaalam sa kan'ya ng saglit.

"Bye." 'Yon lang 'yong sinabi ko sa kan'ya at akmang papasok na sa entrada ng bahay nang bigla na lang niya 'kong hinawakan sa palapulsuhan ko kaya napatigil ako at hinarap siya saka tinignan ang nakahawak niyang kamay sa palapulsuhan ko.

Binitiwan naman niya iyon kaagad at saka napabuntong-hininga.

"What do you want, again?" Tanong ko sa kan'ya.

"'Wag ka sanang magalit sa 'kin pagkatapos kong gawin ito sa 'yo," aniya kaya napataas ang kilay ko pero may bahid ng pagtataka ang mukha ko.

"Ano—" napatigil ako sa kung ano mang sasabihin ko sa kan'ya nang bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi ng mabilis.

"Sige, mauuna na ako, good bye, doc," nakangiting aniya at kumaway pa bago niya ako tinalikuran hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Hindi ko pa napo-proseso ang ginawa niya sa 'kin habang nakahawak pa rin ako sa aking pisngi kung saan niya ako hinalikan doon.

Nakarinig naman akong may lumabas sa pinto ng bahay ni lola at nakarinig din ako ng sigaw galing sa isang matinis na boses ng babae. Ang namalayan ko na lang ay nasa loob na pala ako ng bahay.

Sa mga nakalipas na araw ay totoong umiiwas na ako sa presensiya niya dahil naiilang na ako. Ano'ng purpose naman niya kung bakit niya 'ko hinalikan no'n?

Wala siyang permiso na halikan na lang ako basta-basta, kahit pa sa pisngi lang iyon.

I've concluded that it's just his plan to fall for him again, katulad ng ginawa ng kan'yang kapatid noon sa 'kin.

Walang mapapala at maaasahan pabalik si Felix sa 'kin. Kaya ako na ang unang umiiwas t'wing nakakasalamuha ko siya.

Minsan pa nga ay sa t'wing iniiwasan ko siya ay siya namang pagkikita namin ni Melan. Tapos nalalaman din kaagad ni Melan iyong pang-iiwas ko kay Felix kaya naman ay ikinuwento ko na lang kung bakit ko iniiwasan ang taong 'yon.

Binigyan pa nga niya ako ng advice katulad na lang no'ng nangyari noong isang araw.

"Alam mo, Shelo. Kung gan'yan ang iniisip mo sa kan'ya dahil lang sa hinalikan ka niya, imposibleng magagawa iyon ni Felix sa 'yo. I advice you to confront him as early as possible to clear things between the two of you," panga-advice ni Melan sa 'kin.

Napabuntong-hininga naman ako at saka sinang-ayunan ang sinabi niya sa pamamagitan ng pagtango.

"Okay, titignan ko na lang kung ano man ang mangyayari pagkatapos kong makompronta ang lalaking 'yon. Anyway, thanks for the advice, Melan," nakangiti kong pasasalamat sa kan'ya. Ngumiti rin naman siya pabalik sa 'kin.

Kaya no'ng araw na nagkita na naman kami ni Felix ay pinansin ko na siya pero diretsahan na siyang kinompronta.

"Kaya mo ba ako kinukulit sa mga nakalipas na araw ay para makuha mo na naman ang loob ko at maloko mo na naman ako?" Kompronta ko sa kan'ya na may halong panunumbat.

Tumingin naman siya ng nagtataka sa 'kin pero bigla rin namang sumeryoso saka nagsalita.

"Bakit ko naman 'yon gagawin sa 'yo, Shelo?" Tanong naman niya pabalik sa 'kin. Tinawag na rin niya ako sa pangalan ko mismo.

"Kasi 'yon lang ang naiisip ko habang kinukulit mo 'ko nang kinukulit. Sa totoo lang, hindi ko na lama kung ano ang papaniwalaan ko o hindi kapag magkasama tayo, dumadagdag ka lang sa namo-mroblema kong isipan," nafa-frustrate na pahayag ko sa kan'ya.

Pumikit naman siya ng mariin at hinilamos ang sariling mukha saka bumuntong-hininga.

"Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko sa 'yo ang lahat, Shelomith. Malalaman mo rin kung bakit kita ginaganito sa tamang panahon," aniya at saka tinignan ako ng malamlam.

Hindi ako namamalikmata lang dahil nakita ko sa kan'yang mga mata ang pangungulila at pagmamahal.

"We'll talk some other time, okay? Para makapagpahinga ka rin mula sa trabaho mo," malambing na sabi niya at nakangiting nakatingin na sa 'kin bago niya ako tinalikuran.

This is just the beginning of our closure and I think, it will end very soon.

This is just the beginning of the end.


༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top