25

Fear

Matapos ang araw na 'yon ay todo-iwas na 'ko sa gunggong kahit parati naman kaming nagkikita. Nakakainis lang dahil hindi man lang niya napansin ang pang-iiwas ko sa kan'ya. Manhid na nga talaga siya.

At sa bawat pagkikita naman namin ay hindi ko maiwasang may kumukudlit sa puso ko nang nasa tabi-tabi lang siya and I hate it.

I hate it so much. Sinaktan niya 'ko noon pero 'yong puso ko, nagiging marupok na at ayaw kong mangyari 'yon.

Nagsinungaling siya sa 'kin noon tapos tatanggapin ko na lang 'yon dahil kawawa 'yong puso ko? Tsk, that's not going to happen.

I still have doubts and a lot of questions were running inside my mind. I don't want to be crazy just because of a liar.

He's starting to do those pesky things to me after giving me many letters whenever we got to see each other again and again which made me even annoyed over him.

Minsan pa nga ay nakikita ko na lang siyang nasa labas na ng dental clinic ko at ngiti niya ang bubungad sa 'kin 'pag labas ko ro'n. Pagkatapos no'n ay yayayain niya 'ko kumain ng tanghalian which I immediately declined.

That would be awkward for us, specifically, for me, because we were exes and he knew how much I hate liars like him even before.

Or maybe, he's just planning something that'll surely I will, again, fall for him.

I chose to think the latter. Kaya naman ay bumubuo na rin ako ng plano kung papaano ko maiiwasan 'yon.

Tingnan lang natin kung saan ang hangganan ng pang-iinis at hanggang kailan ka titigil sa pagpapakita sa 'kin, Felix. And, I smirk at the thought.

"Good morning, Doc Garcia. P'wede bang sumabay sa 'yong maglakwatsa ngayon?" Tanong ng gunggong nang makita niya 'kong naglalakad lang patungo sa kung saan man ako dadalhin ng aking mga talampakan.

"No, thank you." Note the sarcasm, please.

Mas binilisan ko na lang ang paglalakad nang makalayo ako sa kan'ya para maiwasan siya. Nanggugulo na naman itong gunggong na 'to sa 'kin eh.

Napasinghap na lang ako nang may humarang sa dinadaraanan ko ngayon kaya pinukolan ko ng masamang tingin ang gunggong na ngayo'y nakangisi lang habang nakatingin sa 'kin.

"Kung patuloy ka pa rin sa pangtatanggi sa 'kin, hindi talaga kita titigilan," ani naman niya.

Pumikit na lang ako ng mariin at huminga ng malalim.

"Whatever." Saka ko siya tinabig at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakita ko naman na mabilis siyang nakasabay sa paglalakad ko at nakangiting pinagmasdan ng tingin ang mga nakikita namin sa paligid.

"Doc, saan ka nga ba pupunta?" Mayamayang tanong niya makalipas ang ilang mahabang namayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Don't ask me," masungit na saad ko at pinandilatan siya bago ko ulit ibinalik ang tingin sa dinadaraanan ko.

"Sungit mo naman, Doc. Kaya nga ako nagtatanong sa 'yo ngayon eh dahil kanina ka pa naglalakad, wala man lang bang uso sa 'yo ang magpahinga at uupo muna?" Saad naman niya.

Ngayon ko nga lang din napansin ang magkabila kong binti na nangangalay na sa kakalakad at kinakailangan na ng pahinga.

"'Wag mo'kong pakialamanan. Tse," masungit na saad ko na lang at pumunta sa pinakamalapit na nakita kong bakanteng bench at doon umupo.

Hindi ko rin namamalayan na nandito na pala ako sa isang parke pero sa kamalas-malasan ay kasama ang lalaking iyon.

I should have declined his question earlier. Pero binantaan naman niya ako kaya wala akong nagawa kung 'di pumayag—pero indirectly, baka aakalain niya na komportable na akong kasama siya e, hindi naman.

"Kung 'di lang ako nagpa-remind, baka hanggang ngayon naglalakad ka pa rin na kasama ako. Aminin mo may point ako, 'no, Doc?" Nakangisi niyang panunuya pero inirapan ko lang siya.

"Ay, gan'yan lang 'yong sagot? Wala man lang thank you o ano para ma-appreciate ko naman?" Tanong na naman niya.

Naririndi na talaga ako dahil palagi na lang buka ng buka ang kan'yang bibig na parang walang preno.

"I don't like to say an appreciation word, especially if it's from you so stop doing pesky to me," naiiritang saad ko bago ako tumayo at walang sabi-sabing lumayo na sa paningin niya.

Nakakairita lang kasi dahil parang hindi niya talaga napapansin ang pang-iilag ko sa kan'ya. He's so freaking annoying! Ugh!

Weeks passed by and as usual, ganoon pa rin ang usual set-up ko, na kasama na naman ulit ang manhid na gunggong na 'to.

Pero imbes na mainis na naman sa kan'ya ay natuwa na lamang ako nang makita ko ang hinihintay kong bisita kapag nasa dental clinic lang ako.

'Yong bata, si Vida, nandito siya ulit.

"Hello po, Doc G! Na-miss po kita kaya po ako bumisita ulit po sa 'yo!" She excitedly said then giggled in front of me.

"Hello, Vida! I miss you, too! Halika nga at nang mayakap kita!" Masaya at excited na saad ko habang naka-widespread ang magkabilang braso ko at nakaupo.

Sumubsob naman kaagad siya sa 'kin kaya niyakap ko siya. Nang matapos naman naming magyakap ay nagsalita naman siya.

"Baka po gusto niyo pong sumama sa 'kin sa mall po? Gusto ko po kasing makasam kayo ng matagal, p'wede po ba? Please po," yaya naman niya at binigyan na naman niya ako ng puppy eyes kaya naman ay sunod-sunod akong tumango at nakangiting hinawi ang natitirang strands ng buhok niya at inipit iyon sa kanang tainga niya kaya napakiliti naman siya.

"At saka po, kasama po siya..." biglang dagdag ng bata habang nakaturo sa direksiyon kung nasaan nakap'westo ngayon ang gunggong na 'yon. "Kilala ko po kasi si Kuya Felix, minsan na rin niya po akong natulungan po, p'wede po bang kasama kayong dalawa? Panigurado pong mage-enjoy po tayo ro'n sa mall po, may arcades din po roon!" She excitedly exclaimed.

Alanganin naman akong napangiti. Gusto ko sanang tanggihin ang paanyaya niya nang malaman kong kasali pala sa pagsasama namin ang gunggong pero hindi ko naman gustong ipagkait ang masayang-masaya ng ngiti  ni Vida at nag-sparkle pa ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin.

Wala akong nagawa kung 'di tumango at ngumiti ng pilit saka nagsalita. "Sure, Vida, kasali sa pagsasama natin sa mall ngayon si Kuya Felix," sabi ko naman sa kan'ya.

Tumalon-talon naman sa sobrang tuwa ang bata at linipat-lipat ang tingin niya sa 'ming dalawa ng gunggong at nagsalita na naman ulit siya.

"Yey! Kompleto na po tayo! Halika na po kayo, pupunta na po kaagad tayo!" Excited na anunsiyo niya at hinila-hila naman niya ang palapulsuhan ko, ganoon din kay Felix, kaya nagpadala na lang kami sa bata para hindi mahirapan si Vida.

In my peripheral vision, nakita ko namang napapangisi naman ang gunggong sa tabi ko kaya pinandilatan ko na lang siya ng palihim. Tuwang-tuwa naman ang gago.

Vida already explained why her mother is not by her side now. Hinatid lang si Vida ng kan'yang ina paparito at saka lang ito pumunta sa trabaho nito.

Nag-taxi lang kami at libre lang iyon galing sa gunggong.

Nang makarating kami sa mall ay todo-padyak sa mga paa si Vida sa excitement at dali-dali kaming hinila papasok doon sa mall.

Una kaming pumasok sa isang children's clothes store at doon kami pumipili ng mga damit na bagay kay Vida. Mabuti na lang at may mga natitira pa kaming mga pera para sa kan'ya kaya nae-enjoy talaga si Vida.

May lumapit naman sa 'min na isang saleslady at ngumiti naman sa 'min ng malapad. Naka-karga na ni Felix si Vida dahil napagod ang bata sa paglalakwatsa para mamili ng mga damit niya kaya kami na ang namimili para sa kan'ya.

"Bagay po talaga kayong mag-asawa, Ma'am at Sir," nakangiting sabi ng saleslady kaya naman ay biglang uminti ang magkabilang pisngi ko at nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na napangisi naman ang gunggong.

"Hindi kami mag-asawa, Miss. Kaibigan lang namin ang bata," pagtatama ko sa pag-aakala ng saleslady kaya naman ay napasinghap naman ang saleslady at napapahiyang tumingin sa 'min at nagsalita ulit bago niya kami iwanan.

"Oh, I'm sorry po. Akala ko kasi mag-asawa po kayo. Maiwan ko na muna po kayo rito." 'Yon ang sinabi ng saleslady namin bago siya umalis.

Tumingin naman ako sa gunggong na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin sa 'kin kaya naman ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano'ng nginisingisi mo d'yan? Tse, pumunta na tayo sa arcade at baka 'yon na ang hinihintay ng bata," masungit na saad ko at umunang maglakad kaya naman ay narinig ko pa siyang bumungisngis bago sumunod sa 'kin.

Masaya kaming naglalaro sa arcade, lalong-lalo na ang bata. Minsan pa nga ay napapanguso at gusto ng umiyak ni Vida dahil natatalo siya kaya kami na ang gumawa ng paraan ni Felix para 'wag siyang maiyak dala ng pagkatalo.

Ano pa'ng saysay sa pagpunta namin dito kung maiiyak lang naman si Vida dala ng pagkatalo dahil lang sa mga larong nadirito sa arcade?

Matapos naman ng paglalaro namin doon sa arcade ay nakikita ko pang bumubungisngis ang mga taong nakatingin namin habang dumadaan kami. Mga tsismosa't-tsismoso. Tsk.

Nang nasa taxi na kami ay ako na ang nag-insist na babayad pagkarating namin doon sa dental clinic ko. Makalipas lamang ang ilang minuto ay kapansin-pansin na natutulog na pala ang gunggong. He obviously snored in front of us. Napapahagikhik naman si Vida dahil doon habang ako naman ay napapailing-iling na lang.

May pumasok na lang na isang tanong sa isipan ko makalipas ang ilang minutong nakatingin lang sa labas ng bintana habang pinagmamasadan ang paligid kaya naman ay itinanong ko 'yon kay Vida na nakangiti namang tinugon at sinagot naman niya.

"Bakit ka naman tinulungan ng Kuya Felix mo, Vida? At, papaano naman kayo nagkakilalang dalawa?" Kuryosong tanong ko.

"Nakita po ako ni Kuya Felix sa mall na ating pinasukan po kanina dahil sa naliligaw po ako at hindi ko po nakita si mommy, nakita po ako ni Kuya Felix at tinulungan akong hanapin ang mommy ko. Doon po kami sa mall unang nagkakilala," sagot naman ni Vida.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko matapos sagutin ni Vida ang tanong ko at tumingin kay Felix na hanggang ngayo'y natutulog pa rin.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako ng wala sa sarili.

Pero napukaw ako kaya nawala ang ngiting iyon at tumingin na lang ulit sa labas ng bintana.

Immediately, fear passed crossed my mind because of what I have act earlier.

That's what I'm feeling right now.

Fear.

Fear of falling in love again.

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top