23
Circle Of True Friends
Nagtama pa talaga ang tingin namin ng gunggong! Hindi ako handang makita siya ulit! At, bakit sa ganitong araw pa siya bumalik dito sa Pilipinas?!
Walang sinasabi sa 'kin si Flynn na babalik na sila rito sa Pilipinas!
Nalaman ko rin na kasama ni Flynn ang kapatid niya sa ibang bansa at nadulas lang daw si Flynn nang ibahagi niya sa 'kin 'yon. Ayon, may nalaman na ako na nandoon pala siya sa ibang bansa.
I would literally freak out right now but I stopped myself from creating a scene. Nakakahiya kapag ginawa ko talaga iyon dahil lang sa gunggong na 'yon.
Ako 'yong unang nag-iwas ng tingin dahil parang nakakatunaw ang uri ng pagkakatingin niya sa 'kin.
Stop this shit, Shelo! Nakamove-on ka na nga, 'di ba? E 'di patunayan mo! Bakit ikaw pa ang umunang mag-iwas ng tingin sa halip na siya dapat? Dapat mong patunayan na nakamove-on ka na nga talaga.
Huminga naman ako ng malalim at muling nag-angat ng tingin patungo sa kan'ya. Nakatingin pa rin siya sa 'kin ngayon kaya naman ay nilabanan ko rin siya ng tingin. Bibigay na sana ako pero naaalala kong dapat kong panindigan 'to kaya tinaasan ko nalang siya ng kilay hanggang sa siya na mismo ang nag-iwas ng tingin sa 'ming dalawa.
Lumapit naman sa 'kin si tita at galak na nagsalita.
"Hi, hija! It's nice to see you again! I miss you," wika ni tita D habang nakatingin sa 'kin nang may galak at yumakap sa 'kin.
"Hello po, tita. It's nice to meet you again and I miss you too, po," sabi ko rin sa kan'ya pabalik nang may totoong ngiti sa mga labi.
I really miss her, too, but not her son.
Nang lumayo na siya sa pagkakayakap sa 'kin ay nagsalita na naman ulit siya at hindi ko naman inaasahan ang kan'yang sasabihin.
"Hindi mo man lang ba na-miss itong si Felix, hija?" She joked and smiled widely.
In my peripheral vision, I saw Isse who was confused because of what we were saying. Nakita ko rin namang nakatitig lang talaga sa 'kin ang gunggong. Gusto kong mapairap, ano ba'ng itinitingin-tingin niya d'yan?
"Kidding aside. Anyway, bakit ka nga pala nandito?" Tanong niya sa 'kin. Natawa nalang ako ng pilit nang tumawa rin naman siya ng mahina.
"Pinuntahan ko po si Isse rito, tita. Matagal din po kasi siyang nawala at no'ng nakita ko naman na siya, pulos lang kami nagcha-chat at hindi nagme-meet in personal," sagot ko naman kay tita.
Nakakailang na talaga ang tingin ng gunggong na 'to ah! Kanina pa siya tingin ng tingin sa 'kin! Gan'yan na ba ako kaganda para manatili pa rin siyang nakatitig sa 'kin? Ano?
"Oh, I see. Isse, hija, matagal ka rin naming hindi nakasama. Na-miss ka rin namin, pero bakit hindi mo naman lang ipinaalam sa 'min na mawawala ka naman pala ng ilang taon?" Lumipat ang tingin ni tita kay Isse nang tanungin niya si Isse.
"May nangyari po kasing problema, Miss D, eh. Personal problems po," ani naman ni Isse kaya napatango-tango naman si tita.
"Naiintindihan kita pero sa susunod, magpapaalam ka na kapag mawawala ka na naman, ha? Pinag-aalala mo kasi kami," payo ni tita kay Isse kaya tumango naman si Isse.
"Anyway, nandito ako upang may i-anunsiyo. Crew! Halina kayo rito, may gusto lang akong sasabihin sa inyo," pag-iiba kaagad ng usapan ni tita kaya nagsipaglapitan naman ang iba pang kasama na katulad ni Isse.
"Nandito ako para sabihin sa inyo na magkakaroon kayo ng one month off. Itataas ko din ang sweldo niyo para sa patuloy niyo pa ring pagtatrabaho sa shop ko at bilang pasasalamat ko na rin sa inyo. Magkapamilya rin naman tayo rito..." anunsiyo ni tita kaya napahiyaw at napuno ng excitement ang mga tauhan dahil sa sinabi ni tita. Aatras na sana ako dahil alam ko namang matagal na akong nagback-out sa pagtatrabaho rito pero napatigil nalang ako sa akmang paghakbang papalayo nang dinugtungan iyon ni tita. "Pati na rin ikaw, Shelomith, parte ka ng pamilyang ito kaya makisali ka sa 'ming mag-group hug!" Excited na pahayag ni Tita D kaya napangiti ako at lumapit sa kanila at doon nagsimula ang pag-group hug namin.
Sa hindi malamang kadahilanan, may naramdaman akong daloy ng kuryente galing sa balikat at likod ko patungo sa buong katawan ko dahil alam ko kung sino'ng palad at katawan ang dumapo sa parte na iyon ng katawan ko dahil nagre-react itong katawan ko dahil sa kan'ya.
At bakit pa rin hanggang ngayon nagre-react pa rin ang katawan ko kapag magkalapat ang mga balat namin? Nakamove-on na 'ko pero 'yong katawan ko, hindi pa rin pala?! Walang kuwenta! Nakakabanas!
Nang matapos ang group hug namin ay mabilis akong lumayo at tumikhim saka nginitian ng pilit si tita.
"Uhm, tita, uuwi na po pala ako. May gagawin pa po ako sa bahay eh," pagpapaalam ko kay tita.
"Ha? Bakit naman, hija? Kakagaling mo nga lang rito eh," ani tita kaya ngumiti pa muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"I have something to deal with, tita," magalang na sagot ko saka hinalikan siya sa pisngi.
Akma na sana akong lalakad papalabas nang marinig ko ang munting boses na iyon... ng gunggong.
"It's nice to finally see you again, Shelo. I hope we could interact more in these coming days, good bye," he said in a nonchalant manner.
Hindi na ako nag-abala pang sagutin ang mga sinabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nang makauwi ako ay pumunta ako sa silid ni Yhane at nakita ko siyang nag-eempake ng mga damit niya. Siguro, pupunta na siya ulit sa pagtatrabaho bilang flight attendant.
Nag-leave lang siya dahil sa paghihiwalay nila ng nobyo niya at dinahilan lang niya sa kan'yang boss na nilalagnat siya kaya hindi siya makakatrabaho.
Habang nag-eempake siya ay roon ko ibinubos lahat ng mga rant ko sa isipan ko na kanina ko pa pinipigilan habang nandoon ako sa milk tea shop ni Tita D.
"O, my, God! Yhane, nakakainis lang dahil akala ko matatagalan pa sila ni Flynn na babalik dito sa Pilipinas kasama ang gunggong na 'yon pero akala ko lang pala 'yon! Dahil nandito na pala sa Pilipinas ang gunggong na 'yon!" Matapos kong sabihin 'yon ay napatigil siya sa paglilipat ng kan'yang natitirang damit patungo sa luggage niya at namimilog ang mga matang nakatingin sa 'kin saka lumapit sa 'kin.
"Weh? 'Di nga? Totoo?" Hindi-makapaniwala niyang saad. Napangiti ako at the back of my mind dahil parang bumabalik na ang dati niyang sigla.
"Oo! Nakita ko siya kanina sa milk tea shop ni tita nang maisipan kong bisitahin si Isse ro'n! Kasama siya ni tita, bebs! Kanina ko pa pinipigilan na mag-rant dahil baka makagawa ako nang iskandalo roon! Nakakainis, hindi sinabi sa 'kin ni Flynn na nandito na pala sila!" Naiinis na salaysay ko sa kan'ya.
"Before that, Shelo, p'wede bang pakihinaan mo ang boses mo? Baka mapaghalataan tayo ni Mama 'La na nag-aaway tayo rito eh kahit hindi naman. Kanina ka pa sigaw ng sigaw, hindi ba matutuyo 'yang voicebox mo d'yan?" Naiiritang saad niya kaya naman ay pinakalma ko ang sarili ko bago ulit nagsalita ng kalmado.
"Ang sabi pa niya gusto raw niyang makipag-usap ulit sa 'kin like how we used to do it before. Tch, akala naman niya papayag ako sa kan'yang sinabi sa 'kin kanina. Nakalimutan na ba niya kung ano'ng ginawa niya sa 'kin no'n? Nakakabanas talaga," naiiritang pahayag ko.
"Mabuti at ginawa mo 'yan. Baka kapag sinagot-sagot mo siya, matatagalan ka sa pag-uwi rito at hindi mo masabi-sabi sa 'kin ang tungkol d'yan dahil nafa-frustrate ka na at hindi mo na alam kung ano ang uunahin mong sasabihin," komento naman niya.
"Tama ka. Basta ako, hinding-hindi na ako mahuhulog sa mga patibong niya at baka masaktan na naman ako, hinding-hindi ako magiging marupok. Period," panunumpa ko.
Natawa na rin siya saka sinunod ako. "Ako rin, hindi na ako mai-inlove ulit sa singer na katulad niya at hinding-hindi na ako magiging marupok. Period," she said that too.
"Anyway, bukas, sabi ni Thal, doon daw tayo kakain sa kanilang dormitory dahil kaarawan niya. Nahihirapan ako sa schedule ko pero baka makayanan ko pa naman na umabot bukas pero masyado nga lang yatang late. Ang sabi niya kasi kapag hindi raw tayo a-attend sa birthday niya bukas, tatawagin niya ang mga ex natin at ihahatid tayo papunta sa kanila," salaysay niya mayamaya pagkatapos kaming sabay na napatawa.
"Susubukan niya lang talaga. Pupunta nalang ako sa kanila. Sana pumunta ka rin bukas sa kanila, tayo ang maghahatid paparito sa isa't isa bukas," wika ko kaya naman ay tumango siya.
"Oh, siya, sige na, mag-eempake na muna ako mga damit ko. Pupunta pa ako sa airport ng ilang minuto nalang," aniya at mabilis na ginawa iyong tinigilan niya kanina para maki-tsismis sa 'kin.
Kinabukasan naman ay medyo late akong nakapunta sa dormitory nila Thal at Chin dahil nga birthday ni Thal.
Nang makapasok na ako ay as expected, may konting pa-party sila. Lumapit ako sa kanila at mabilis naman nila akong inanyayahan papaupo para makisabay sa kanila.
Habang nagkuwe-kuwentuhan kami ay napalingon ako sa direksiyon kung saan ang pintuan at linuwal niyon si Yhane na hinihingal habang papalapit sa 'min. Naka-flight attendant na uniform pa rin siya habang ako naman ay naka-dentist na uniform.
Nagmamadali kasi ako na makapunta rito at baka totoohanin iyong sinabi ni Thal. Baka ganoon rin ang iniisip ni Yhane kaya gan'yan pa rin ang suot niya ngayon.
"Cheers to Laureen Nathalie's 27th birthday! Happy birthday to you again, Thal!" Hiyaw namin kay Thal nang matapos naming itaas ang hawak-hawak naming baso na may lamang wine para sa 'ming mga babae at si Eian naman na iba ang ininom.
Nandito rin si Melan. Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kan'ya. She's even more looks like me! I can't even deny that.
Even though, matagal na akong nagdududa kung bakit kami magkaparehas lahat ni Melan at pinaghihinalaan ko siyang kambal ay hindi pa rin iyon sapat na ebidensiya para maging kambal ko siya. Imposibleng mayroon akong kapatid dahil hindi naman iyon binabanggit ni 'My sa 'kin no'n, as well as no'ng buhay pa si 'Dy.
Nevertheless, I still like her presence, though, and even together with my friends too. Gumagaan parati ang nararamdaman ko basta nandito lang si Melan sa tabi-tabi at malapit sa 'kin. It feels weird and I don't know why I'd feel anything about that to her.
Habang nakatingin ako sa mga kaibigan kong nage-enjoy dahil sa kaarawan ng isa sa mga kaibigan ko ay napapangiti ako.
I never regret that I have a circle of true friends.
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top