2

Small World

"Sinusubukan mo talaga ako, 'no?" Lumapit siya sa 'kin at sinamaan kaagad niya ako ng tingin kaya hindi din ako nagpatalo at sinamaan rin siya ng tingin.

Hindi din naman ako natatakot sa kanya dahil isang hamak lang siyang tao rito. Napaka childish na bully na nakita at nakausap ko sa tanang buhay ko.

"H'wag mo 'kong titignan ng ganyan. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa 'yo dito. Make sure what you just said because I won't think twice to hurt you, stupid brat girl, tsk!" Binigyan pa muna niya ako ng tingin saka nag eye to eye pa siya sa 'kin bago niya ako tuluyang talikuran at nakapamulsang naglakad papalayo kasama 'yung mga kaibigan niya.

Huh! Akala naman niya matatakot ako sa kanya! Nagkakamali ka, Felix gunggong!

At anong sabi niyang stupid brat girl?! Stupid saka brat?! As in?! Baka siya kamo 'yung stupid at brat na sinasabi niya mismo! Ha! Hindi ko talaga kayang pumatol sa ganoong lalaki, walang modo at respeto sa babae na katulad ko. Not totally my type after all, nakakadiri kapag pinatulan ko pa 'yon.

No and never! Hindi talaga ako papatol sa kanya kahit kailan! May mukha nga pero napakasama namang ugali!

Linapitan din naman kaagad ako ng mga kaibigan ko.

"Ayos ka lang ba, Shelo?" Tanong ni Thal pagkalapit sa 'kin.

Nakatingin silang dalawa ni Chin at Thal sa 'kin ng nag aalala, pero si Yhane, nagsimula na siyang magdada at pinagalitan pa niya ako! Non-stop ang bibig niya sa kakadada sa 'kin!

"Ayan ka na naman, Shelo eh. Tingnan mo, ng dahil sa ginawa mo ngayon, mas mapapagtrip-an ka pa nung Felix na 'yon. Akala ko hindi mo na 'yon uulitin dahil sa nangyari sa milk tea shop noong mga nakaraang buwan. Pinagsabihan ka rin ni Isse! Tapos ngayon... hay nako, sayo! Mana ka talaga kay Tita Sherly, nagiging palaban! Sa susunod na talaga, 'wag mo nang—" ako na ang nagputol ng mga sasabihin pa niya.

Napairap na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Ang unfair naman kung ganoon, Yhane. Hindi pa nga ako nakakabawi, ito na naman siya, tapos sabi mo titigil na ako at hindi ko na uulitin? Hindi, dapat masapak ko na 'yon kanina eh, kung hindi ko lang talaga naalala na hindi ako pwedeng gagawa ng ikakagulo dito, pero kapag sumobra siya, makakagawa talaga ako ng bagay na ikakagulo rito sa paaralan na 'to, kahit isang pinangarap ko na unibersidad pa 'to," desidido kong wika habang nakatingin sa kanya.

Dahil doon ay napabuntong hininga na lang siya at sinamaan ako ng tingin. I was taken aback by her because never in my entire life that I will experience getting a mad expression from her. Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa 'kin. Minsan hindi naman siya seryoso kapag sasamaan niya ako ng tingin dahil pabiro lang naman iyon pero alam kong iba na ngayon.

"Nag aalala din ako sayo Shelo kaya sana maintindihan mo ang gusto kong iparating sayo. Pero alam kong hindi ka makikinig, bahala ka na nga diyan," aniya saka masama ang loob na tumalikod at naglakad na papalayo.

Napabuntong hininga na lang din ako. Naramdaman ko namang nakahawak sa balikat ang dalawa na nasa likod ko lang pala. Sigurado akong narinig din nila ang pagsasagutan naming dalawa ni Yhane.

"Shelo, wala kaming kinakampihan sa inyong dalawa ni Yhane ah, pero kasi mas naiintindihan namin ang gusto niyang iparating sayo. Nag aalala siya para sayo kaya nagsabi siya ng ganoon. Kung hindi mo gusto na hindi kayo magkabati, suyuin mo siya dahil masama lang ang loob no'n kasi hindi mo naiintindihan 'yong point niya, magiging marupok din 'yon," ani Thal kaya napatawa na lang ako ng bahagya dahil sa ginamit niyang salita sa huli.

"I agree with Thal, Shelo. Ganoon din ang nararamdaman namin para sayo. Pero kung mapilit ka, wala kaming magagawa kung hindi ay hayaan ka na lang sa kung anong gusto mong gawin pero sana kung hangga't maaari ay pwede mo naman siyang iwasan na lang. Bully 'yon eh, mahirap kalabanin ang isang bully, Shelo," sang ayon naman ni Chin.

"Oo na, oo na. Susubukan ko lang, hindi isasanay," I agreed about it halfheartedly.

Tumango naman sila at nagyaya na pumunta doon sa board kung saan doon nakalapat ang schedule ng classes at kung anong section kami papasok.

Pagkalapit namin sa board ay nadatnan kong nakatingin na rin pala doon si Yhane at pasimpleng itrinace kung saan ang section niya kaya lumapit ako at tinignan din kung anong section ako nakalagay. Napangiti ako ng parehas pala kami ng section ni Yhane habang silang Thal at Chin ay naiiba sa 'min dahil sa schedule na nakalagay pero parehas pa din naman ang section namin.

Siguro, madali na lang para sa 'kin na suyuin si Yhane dahil magkaklase din pala kami. Gusto ko din tumabi sa kanya kapag nakahanap siya ng mauupuan at doon ako.

"I guess, magkikita kita lang tayo ngayong 1:00 P.M., sayang," nakangusong sabi ni Thal kaya napatawa ako ng bahagya sa kanya kaya gulat na napatingin sa 'min si Yhane pero bumalik din kalaunan sa dating ekspresyon.

Muli siyang nag iwas ng tingin saka tumakbo papalayo sa 'ming tatlo kaya nagpaalam ako sa dalawa bago sumunod at hinabol si Yhane.

Nasa tapat na ng Section A1, section naming dalawa, si Yhane nang mabangga siya sa likod ng isang lalaki kaya napaatras siya.

At 'yung nabangga niyang lalaki ay walang iba kun 'di 'yong gunggong na 'yon.

Bakit ba nakaharang siya diyan?

Tinignan niya ng masama si Yhane saka siya unti unting lumapit sa kanya kaya napaatras din si Yhane. Pero bago pa makorner si Yhane mula sa gunggong na 'yon ay kinuha ko ang pagkakataon na 'yon na higitin si Yhane papalayo at imbes na siya ang makorner ay diretso na akong nakorner ng gunggong.

Malakas ang impact ng pagkakakorner niya sa 'kin sa pader kaya sumakit ang likod ko pero hindi ko 'yon pinansin at tinignan siya ng pagkasama sama.

Pati kaibigan ko, dinamay niya pa ah. Ano siya, hari dito?

"Ikaw na naman? Kaibigan mo ba 'yon?" Tinuro niya ang nakatingin na nag aalalang si Yhane sa 'kin bago niya ako tignang muli.

"Oo, kaibigan ko 'yon. Bakit?" Matapang kong tanong.

"Parehas pala kayong may tama sa ulo eh no, 'di ba sabi ko 'wag mo 'kong kakalabaning muli? Anong nangyari ngayon? Hindi ka ba makaintindi? Kung sabagay, ang bobo mo, maganda ka nga pero hindi naman marunong umintindi, tsk!" Aba't gago 'to ah! Nilapit pa talaga ang mukha niya sa 'kin! Napakagunggong nga talaga!

Pero bigla na lang siyang ngumisi at tinignan ang mukha ko bago napadpad ang tingin niya sa labi ko.

Ano na namang kalokohan ang pumasok sa kukote niya?

'Wag mong sabihing manyak pala 'tong lalaki na 'to ah.

"Pero kung hindi mo talaga ako susundin, pwede din namang ako ang umiwas sayo pero may kapalit..." bigla na lang siyang ngumisi ng nakakaloko bago nagpatuloy sa binitin niyang salita. "...kapalit ng isang halik mula sayo, iiwasan na kita at hindi na kita pagtitrip-an dito, ano payag ka ba? Madali naman akong kausap eh," nakangising sabi niya.

Yuck! Ano raw?! Isang halik?! Kapalit ng isang halik ay hindi na niya kami guguluhin?! Seryoso ba siya?! Ano ako, isang bagay na madali lang mapauto? Well, nagkakamali siya dahil hindi ako katulad ng mga ibang babae diyan.

Suminghal ako at inismiran siya saka dahang dahang inilapit ang kamay ko sa mukha niya.

Ngumisi na naman siya ng pagkalapad lapad, parang siya 'yung nagtagumpay. Pero akala lang niya 'yon, may gagawin din ako para sa kanya na ikakagulat niya ng pagkahusto husto. Sana magustuhan mo, Felix gunggong.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya at nang malapit na sa kanyang mukha ang palad ko ay kasabay ng biglang pagkawala ng ngiti ko ang pagporma ng palad ko ng isang kamao at buong lakas na diniretso sa kanang pisngi niya ang pagsuntok ko dahilan para mapalayo siya sa 'kin at mapatagilid ang kanyang mukha.

Sayang at hindi tumilapon ang kanyang mukha sa sahig. Baka may next time pa.

People are now watching us intensiously. Some students who are watching me, has a judgemental look on their faces while the others have an awe expression plastered in their faces.

Lumapit sa 'kin ang isa sa kaibigan ng gunggong kaya hinanda ko na ang kamao ko ng nagsalita siya.

"Miss, I'm sorry. Pasensya na sa kaibigan ko, ganyan lang talaga siya kapag may kumalaban sa kanya. Pasensya na din at nadamay pa ang kaibigan mo rito, sadyang mainit lang talaga ang ulo niya ngayon. Pero sana, umiwas na lang din kayo para wala ng gulong mangyari, katulad ng nangyari ngayon," mahinahong sabi niya. Nakaeyeglasses siya kaya malamang na nerd 'to.

Umawang ang labi ko ng hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. At kami pa talaga ang mag adjust, ha?

"So, what? Hindi naman ako ang may pasimuno ng lahat, and..." humakbang ako ng konti sa kanya para iduro siya saka nginisian at nagsalita. "...hindi ako o kami ng kaibigan ko ang mag adjust para diyan sa gunggong mong kaibigan," sabi ko sa kanya at kinuha ang pagkakataon na 'yon na binalingan ang atensyon kay Yhane.

Akmang lalapit ako sa kanya ng may humigit na naman sa 'kin kaya lahat ng taong nakatingin sa 'min ngayon ay napasinghap. Mukhang hindi ko matutupad 'yong sinusumpa ko na ngayong araw dahil kay isang matigas na taong handang kakalabanin ang isang ako.

Humarap ako sa kanya at makikita mo talaga sa kanyang mga mata ang nag aalab na galit pero wala akong pakialam doon.

"What the fucking hell? Did you just do that to me?! Hindi mo ba kilala kung sino ako, ha? Ha?! Answer me, you stupid brat girl!" Nanggagalaiting sigaw niya sa 'kin.

Hay, nakakadiri 'yong boses niya!

Para matahimik na 'to ay seryoso ko siyang tinignan ng may pagkariin.

"'Di ba sabi ko naman sayo, 'wag mo 'kong kakalabanin. At saka wala akong oras para kilalanin ka, isa ka ngang bully, pero duwag naman. Tch, makaalis na nga," sabi ko at buong pwersang inilayo ang kamay niya sa braso ko saka linapitan si Yhane at sabay ko siyang hinatak papasok sa loob ng Section A1.

Sana hindi ko maging kaklase ang gunggong na 'yon at mas lalong sana hindi ko siya maging katabi kung sakali mang magkaklase kami dahil tiyak magkakaroon na talaga ng World War III sa pagitan namin.

Nakakaulol ang lalaki na 'yon, parang walang pinag aralan. Wala ba siyang ina? Bakit ganoon ang trato niya sa mga babae, lalo na sa mga estudyante rito?

And, why is he a bully?

Bakit kilalang kilala siya dito?

Napakaduwag ang lalaki na 'yon.

Nang nasa loob na kami ng room ay nararamdaman ko ang mga tingin ng estudyante sa 'min ni Yhane pero hindi ko pinansin 'yon. Bahala sila diyan, may pake ba 'ko sa kanila? Tch.

Pinaupo ko si Yhane sa may bintana at nakatingin sa kanya ng nag aalala. Baka napahamak siya do'n sa gunggong na 'yon, kapag talaga nasaktan 'to, babalikan ko talaga ang manyak na 'yon.

Speaking of manyak, ano siya siniswerte? Porke't babae ako, magpapauto ako sa kanya dahil lang sa halik? Aba naman, ang manyak nga talaga.

"Ayos ka lang ba, bebs?" Nag aalala kong tanong kay Yhane na masyadong malalim ang iniisip saka palagi na lang nagbubuntong hininga.

"Hey, bebs. I'm asking you a question, are you really okay?" Tanong kong muli sa kanya at winawagayway pa ang aking kamay sa tapat ng mukha niya para naman mabalik siya sa ulirat at epektibo naman.

"H-Huh? A-Ano 'yon, bebs?" Aniya kaya napabuntong hininga ako. Ano na naman kaya ang iniisip nito?

"Ang sabi ko, ayos ka lang ba? Kung hindi ay hindi talaga ako magdadalawang isip na banatan ang lalaki na 'yon, wala siyang karapatang saktan ka, dinadamay ka pa niya," sabi ko habang masama ang loob na nakatingin sa labas.

"Galit na galit, gustong manakit? Haha," binalingan ko kaagad ng tingin si Yhane ng nakatingin siya sa 'kin habang natatawa.

Mukhang hindi na siya nagtatampo sa 'kin ah?

Marupok na kaibigan nga talaga sabi nila Thal at Chin, haha.

"Oo, gusto ko. Wala siyang karapatang saktan ang kaibigan ko," sabi ko sa kanya pero pabiro na lang.

Baka bumalik na naman kasi ito sa dating ekspresyon niya at iiwan na naman niya ako.

"Salamat, bebs. Kung wala ka lang do'n ay baka napagtrip-an pa ako ng lalaki na 'yon. Sarap nga talagang gumanti, sana pala hindi na lang kita sinermonan at sabay na lang tayong babanatan siya, aba inaapakan niya ang mga babaeng katulad natin. Sa susunod hahayaan na lang kita o mas mabuti na sabay na lang tayong dalawa. Pasensya na at nagtampo ako sa 'yo, hindi ka din kasi nakinig kanina eh, bati na tayo," mahabang wika niya habang nakanguso pa.

Pinipigilan kong matawa dahil sa nakanguso niyang mukha. Parang timang.

"Ano ka ba? Bati na tayo kaya 'wag ka nang ngumuso, hindi bagay sa 'yo," nakangiti kong sabi saka hinawakan ang kanyang mukhang nakanguso at natatawang pinakawalan.

"Oo na, grabe naman 'to makalait," aniya at pasiring na inalis ang tingin sa 'kin at tumingin sa harap.

May itatanong pa sana ako sa kanya pero nakita ko ang kanyang matang nanlalakihan na nakatingin sa harap.

Bakit siya ganyan makatingin sa likod ko?

Kinunotan ko siya ng noo saka nalilito at pilit na lang na tumingin din sa likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng nasa harap na pala ang isang matandang babae na naka eyeglasses at nakaunipormeng pangguro at nakatingin... sa 'kin. Wait... adviser ba namin 'to?!

Nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa 'kin.

Napaayos tuloy ako ng tayo at saka pasimple siyang tinignan. Kinakabahan ako at baka magmataray 'to sa 'kin o sesermonan ako.

"Uh, hello... m-ma'am?" Patanong na medyo may pagkautal na sabi ko. Pinilit ko pa ngang ngumiti para hindi halatang kinakabahan ako.

"You must be the new student, eh? Why are you just standing there, don't you want to sit next to the girl you're talking to earlier? And I think, that girl is a new student here, too?" Grabe, lakas naman makanuyo ng lalamunan 'to. Naubusan ako ng mga salitang dapat kong sasabihin sana. Isa pa, nakakadugo ng ilong 'yong pinagsasabi niya, may pagkaslang pa at mukhang fluent pa sa ingles?

Dapat na ba akong magtransfer ng ibang paaralan na walang unibersidad na nakalagay sa huli? Parang hindi ko kakayanin ang mga propesor o propesora na nag iingles dito eh.

"Hmm? Do I need to ask for the class president here in this section to say what seat do you want to sit?" Tanong sa akin ng propesora muli.

"Ahm, uh... no need to, ma'am, hehe," napapahiyang sabi ko at umupo na lang sa katabing upuan na inuupo ni Yhane at inayos nag pagkakaupo ko para hindi mapahiyang muli.

That was just so embarassing! Bakit hindi ko narinig kanina ang pagtunog ng kampana senyales na magsisimula na pala ang klase at nandirito na pala ang first subject professor namin?

Parang may narinig akong napahagikhik at napapaismid sa likod at gilid ko. Napairap na lang ako at hindi na lang pinansin 'yong mga kaklase ko rito. Kailangan yata nila ng pansin sa 'kin eh.

Eto pala ang bubungad sa 'kin sa first day of class. Tsk, nakakabanas at nakakainis! Lalo na 'yung gunggong na gago na 'yon! Sarap suntukin muli!

"So class, I will be your P.E. professor for this school year. As we can see, there are some new students in here, I am Ms. Feliciani Castrovert... you? What is your name?" Bigla na lang niya akong itinuro kaya tumayo ako ng ayos at tumikhim saka sinagot iyon.

"Hello Ms. Castrovert, I'm Shelomith Grace Garcia, nice to meet you po," pilit ko siyang nginitian pagkatapos kong sabihin iyon at baka mapahiya na naman ako tulad kanina.

Tumango lang siya sa 'kin tapos sunod niyang itinuro si Yhane sa tabi ko na nakatingin lang pala sa bintana habang nakatulalang nakatingin doon. Ano na naman kaya ang iniisip niya at bakit lunod na lunod siya roon?

"You? Hello, hija? Hija, please state what's your name so we can proceed now to our lesson for this day," mahinahong sabi ni Ms. Castrovert habang nakatingin pa rin kay Yhane na parang wala sa sarili lang.

Hindi ba niya naririnig 'yong itinanong ni Ms. Castrovert?

Kaya ang ginawa ko ay sikuhin siya ng palihim sa kanyang braso dahilan para mapabalik siya sa ulirat at tignan ako ng nagtataka.

"Bakit?" Pabulong na tanog niya sa 'kin kaya muntik na akong mapairap. Ano nga kaya ang iniisip nito?

"Hindi mo ba narinig?" I tested her by giving her a question if she heard what Ms. Castrovert asked to her earlier.

Pero mukhang hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kaya malamang sa malamang, hindi talaga siya nakinig.

"Tinatanong ka ng propesora natin kung ano ang pangalan mo, ano ba? Ano ba 'yang iniisip mo at bakit nagkakaganyan ka?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya sa 'kin saka tumayo at sinagot na ang kanina pang naghihintay na si Ms. Castrovert pagkatapos umupo naman siyang muli.

Tanungin ko kaya 'to kapag nakauwi na kami, pipilitin ko siya na sagutin 'yon dahil gumugulo talaga ito sa isipan ko.

Paniguradong kapag napansin din ito ni lola pagkauwi namin ay mapapatanong din ito at baka mapaamin pa itong gagang 'to.

She's not in her right mind. Ngayon lang talaga siya nagkaganito. Dahil ba 'to sa gunggong na 'yon? Hay.

"So for tomorrow's first activities, you'll need to wear your P.E. uniform because we will be going to our field inside this university, as what I have said, many activities will be going to work out tomorrow. No absence please, I know you all too well. Once you're absent tomorrow and you're not wearing your P.E. uniform, I will be putting a checkmark on each of you and it can be might as well, affect your grades or points on your physical education subject. Do you get it, class?" Mahabang sinabi iyon ni propesora.

Like, what? Eh, first day of class pa nga ito tapos bukas may mga activities na? Hindi naman sa nagrereklamo ako tungkol sa mga daming aktibidad na mangyayari bukas pero bago pa lang kaming estudyante dito ni Yhane sa unibersidad na 'to at wala rin kaming school uniform dito, mas lalo ng wala kaming P.E. uniform. Paano na 'to?

"And since there are two new students in here, you're exempted for your P.E. uniform but make sure you won't absent tomorrow. That's really important, class. You two, your school uniforms and P.E. uniforms will be out next week, and don't worry it's just for free, do not need to worry about the fees," nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin iyon ni propesora. Mabuti naman kung ganoon kasi hindi ko kakayanin kung 'yong wala na nga kaming school uniforms at P.E. uniforms tapos kailangan pang babayaran 'yon next week? Aba hindi naman yata pwede 'yon 'no at hindi din ako sasang ayon doon!

"Anyways, this will be our lesson for today, just copy what I'll be going to write on the board and if you're done, I will going to start discussing about it and later on will discuss about performing our activities for tomorrow on the field, understand class?" Sumang ayon naman kami kaagad at nagsimula ng kinuha ang kanya kanya naming notebook saka nagsimula ng kinopya ang mga isinulat na ngayon ni propesora.

Nang matapos ang nangyari ngayong araw ay gusto ko na lang dumapa sa kama at matulog ng maigi dahil may panibago na naman akong pagkakaabalahan bukas dahil sa letseng mga aktibidad na 'yan. Parang gusto ko na lang magtransfer ulit! Jusko! Baka ganoon din ang nasa isip ni Yhane ngayon.

And speaking of Yhane, oo nga at pipilitin ko siyang mapaamin kung ano ang nasa isip niya kanina. Parang malalim eh, I can't even read it based on her expressions earlier.

Ayaw ko naman siyang gulatin kaya kapag nakauwi na lang kami magtatanong na ako. Sa ngayon, bigla na lang tumawag si Manager D sa 'kin para sabihin na may panibago na naman akong sweldo at gusto niyang papupuntahin niya ako doon sa bahay nila at hindi sa milk tea shop. Like, ano?! Totoo ba talaga?! Hindi ba ako namamalikmata?!

Nakakahiya namang tumanggi kaya sumang ayon na lang ako at tinanggap iyon saka hinila silang tatlo papalabas ng gate. Mabuti naman at nadadala lang rin sila at hindi na nagreklamo pa.

Pagkahinto ko sa pagtakbo ay nagpara ako ng taxi dahil may paparating na. Kinuha nila 'yon ng pagkakataon na kausapin ako.

"Hoy, Shelo, bakit mo ba kami hinila rito?" Ani Thal sa 'kin habang nakataas ang kilay na nakatingin sa 'kin.

"Oo nga, bakit?" Pagsang ayon din ni Chin sa tanong ni Thal.

"May sasabihin ka bang importante, bebs?" Prangkang tanong naman ni Yhane kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Si Thal at Chin naman ay nanatiling walang kaalam alam sa nangyari.

"Oo, sana samahan niyo 'ko papunta sa manager ng trinatrabahuhan ko, doon sa bahay nila. Kaso nahihiya akong pumunta doon kasi papupuntahin niya ako sa mismong bahay niya, hindi ko naman kayang mag isa kaya pakiusap naman sa inyong tatlo, pwede niyo ba akong samahan? Para rin 'to sa sweldo ko sa trabaho," pakikiusap ko sa kanila.

Nagugulat na nakatingin sa 'kin ang dalawa pagkatapos kong sabihin na nagtatrabaho ako.

"What?! As in?! Nagtatrabaho ka na?! Kailan pa?!" Muntik na akong mabingi dahil sabay pa talaga silang sumigaw.

"Oo, nagtatrabaho na ako, kaya nga ako nakapag aral rito dahil may pera ako para sa tuition fee at allowance ko, ayaw ko namang masamain ang kabutihan ng lola ni Yhane kaya hindi ko tinanggap ang pera niya saka nakakahiya 'yon," paliwanag ko, saka naman bumalik sa dati ang ekspresyon nila na biglang kumalma at nakangiting nakatingin na sa 'kin.

"Ganyan ba talaga ang Shelo na nakilala ko? Noong bata pa kasi tayo ay spoiled na spoiled ka! By the way, nasaan na pala si Tita Sherly? At bakit ka ngayon nagtatrabaho?" Tanong ng tanong si Thal sa 'kin.

"Nasa ibang bansa si 'My ngayon dahil sa business stuffs and about sa pagtatrabaho ko, gusto kong ako ang maghirap dahil 'di ko na gusto pang umasa kay 'My," sagot ko kaya napatango-tango siya.

"Naks naman, ang kaibigan namin nagdadalaga na," biro pa ni Thal kaya napatawa kaming apat.

Nang pumayag sila at binigyan ako ng address ni Manager D sa bahay nila ay mabilis kaming nakapunta roon, paano ba naman kasi, mula sa unibersidad ay ang bahay ni Manager D na ilang metro lang pala ang lalakarin kaya humingi kami ng pasensiya sa taxi driver kasi hindi natuloy ang pagsakay namin dahil nagtanong din naman una si manong kung saan kami pupunta at sinagot din naman kaagad 'yon, hindi naman namin alam na alam din pala ni manong ang bahay ni Manager D. Mabuti na lang at mabait si manong.

Pagkarating namin doon ay namangha kami sa bahay niya, parang mansyon! Ganito pala kayaman ang naging manager ko?! Hindi ako makapaniwala!

"Wow! Ito na ba 'yong bahay ng manager mo, Shelo?! Grabe naman!" Namamangha na hindi makapaniwala na sabi ni Yhane. Mabuti naman at bumalik na ang gaga sa dati.

Pero hindi pa rin ako matatahimik doon sa nangyari sa kanya kanina. Kukulitin ko siya ng kukulitin para mapaamin na niya ito. Hihi.

"I second the motion!" Sabay na pagsang ayon ng dalawa kaya napahagikhik ako. Hindi kayo nag iisa! Maski ako nga hindi ko alam na ganito pala ang laki ng bahay ng manager ko.

"Tama na 'yan, pumunta lang tayo dito dahil sabi iyon ng manager ko at dahil na rin sa sweldo ko na ibibigay niya sa 'kin ngayon saka pinasama ko lang kayo kasi hindi ko kaya ng mag isa lang," I clarified.

Nakarinig naman ako ng bulungan sa likod kaya napairap ako. Bubulong bulong pa pero maririnig rin naman, useless rin kung ganoon. Hay, mga kaibigan ko nga talaga, may sapak pareho sa ulo.

Lumapit ako sa maliit na gate at sumilip pero laking gulat ko ng may guard din sa loob no'n kaya napatingin na rin sa 'kin ang guard at umayos na nakatingin ng diretso sa 'kin.

"Sino po sila?" Anang guard kaya akmang sasagot ako ng biglang nakarinig ako na may bumukas sa main door ng bahay at lumabas niyon ang isang nasa mid 30's na babae at napagtanto ko na si Manager D 'yon!

"Sino ba 'yan, mano— kayo pala 'yan mga hija... at may mga kasama kayong mga maganda ring dalagita! Pumasok na kayo sa loob mga magagandang dalagita," pag anyaya niya sa 'min papasok sa loob kaya nagsipagtanguhan kami at ngumiti saka kami pumasok sa loob.

Nagtutulak tulakan pa nga sina Thal, Chin, at Yhane sa likod ko eh. Dapat pala hindi ko na lang sila isinama rito.

Pinaupo niya kami sa isang nanlalakihang sofa kung saan kaming apat kasya lahat. Tumingin tingin talaga kami sa loob at aminin ko man o hindi ay talagang napakaganda rin ng nasa loob! It looks luxurious and elegant, though. Sana all!

"Maiwan ko na muna kayo rito, kukuhanin ko lang 'yong kailangan mo, hija. Feel free to roam in this house hijas, I won't mind as long as you're not going to break the things in here, okay? Sige," ani Manager D at nakangiti pang muling nakatingin sa 'ming apat bago siya umakyat sa hagdan papunta sa taas, siguro madami ding mga kwarto roon at baka din may guest rooms. Sana all ulit.

"Feel free daw? Yes!" Pabulong na pasigaw sa 'kin ni Yhane at sumang ayon na naman ang dalawa.

Umiling iling na lang ako saka nagpaalala sa tatlo, baka nakalimutan eh.

"Paalala lamang galing kay Manager D, 'wag na 'wag kayong babasag ng kahit anong mga gamit dito sa bahay niya," paalala ko kaya tumango silang tatlo sa 'kin bago ko sila itinaboy.

Ilang segundo lang akong nakaupo doon at luminga linga hanggang sa napadpad ang tingin ko doon sa kaliwa ko, hindi iyon nakailaw pero kumikilos ang nasa liwanag, malamang sa malamang may nanonood ng telebisyon doon.

Out of curiosity, I walk towards it and found myself, shock in horror because of what I see on my two own eyes. Like, what?! Why?!

Bigla na lang akong natapilok dahilan para makagawa ito ng ingay kaya napalingon sa 'kin ang tao na naroon.

Kumakain siya ng popcorn at... at nakahubad siya sa kanyang pantaas habang may damit sa baba.

He stared at me for a minute, not easily recognized but later on, had a playful smirk plastered on his face.

"Ikaw?! Bakit ka nandito?! Papaanong..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumayo siya at mabilis niya akong kinorner sa dingding.

Napalunok ako dahil ang lapit niya sa 'kin! I could hear the loud thumping on my heart and I felt like running out of breath by his sudden movement.

"Well, what do we have here. Hello stupid brat girl or should I call you... Shelomith Grace Garcia. I'm Shan Felix Dela Cruz, son of Fayne Dela Cruz or the manager you're working at. What a small world..."

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top