19
Bleeding Heartache
Tw: Suicidal Ideation
Naghihintay pa rin ako kay Felix kahit nakakapagtaka na hindi siya tumatawag o kung ano pa man na mananatili pa rin kaming may komunikasyon sa isa't isa.
I can't stop from overthinking about it but I tried to remove it away from my mind because I don't want to break our promise for each other that we'll trust each other no matter what problems will face us.
Pinanghahawakan ko ang kan'yang sinabi sa 'kin no'ng nagpaalam siya.
Mahal niya ako at may tiwala ako sa kan'ya. Hinding-hindi niya gagawin sa 'kin ang makakasakit sa 'kin at tuluyan nang mawawala ang tiwala ko sa kan'ya. Hindi siya ganoon.
But as the days, weeks, and months passed by, my trust on him slowly fading away. Nawawalan na rin ako ng pag-asa na baka bumalik siya ulit sa 'kin. Na baka may komunikasyon pa rin kami dahil kahit palagi akong nag-aabang sa cellphone ko kung tatawag ba siya o magte-text sa 'kin kung kumusta na ba ako ay wala akong kahit na ano'ng mensaheng natanggap mula sa kan'ya.
Napabuntong-hininga ako at nafa-frustrate dahil sa mga naiisip ko at pumikit ng mariin.
Isa lang ang pumasok na tanong sa utak ko na mas lalong nakapandagdag ng alalahanin ko.
Totoo ba talagang may pinuntahan na okasyon kayo ng pamilya mo, Felix?
One way to find the answer is to check and go to his parent's house if tita and tito is there or not. Hindi ako mapakali, kailangan kong maliwanagan ngayon.
Kaya naman ay napagdesisyonan kong puntahan ang mansyon ng kan'yang mga magulang.
Magpapaalam na sana ako kay 'My nang makita ko kung ano ang kalagayan niya ngayon. She looked pale, like a sick woman.
Bigla nalang lumukob at umusbong ang pag-alala ko kay 'My nang mabungaran ko ang kan'yang kalagayan.
"'My, bakit gan'yan ang hitsura niyo ngayon? May sakit ka po ba? Bakit ka namumutla?" Sunod-sunod na tanong ko kay 'My at hinawakan ang kan'yang buong katawan.
Napansin ko rin ang hubog ng kan'yang katawan, na parang wala siyang kinain kaninang umaga e, meron naman, namumuyat kasi siya.
"Pagod lang ako sa trabaho, 'nak. Okay lang ako, 'wag mo na 'kong alalahanin," balewalang sagot ni 'My sa 'kin at bahagya pa akong nginitian pero hindi ako kumbinsido sa kan'yang sagot kaya nagsalita ulit ako.
"No, 'My. Dapat akong mag-alala sa 'yo kasi namumuyat ka na eh, at may nakikita na rin akong malaking eyebags d'yan sa ilalim ng mga mata mo. Paano ako hindi mag-alala sa 'yo, 'My?" I said to her.
Sa mga nakalipas din kasing buwan ay kapansin-ansin ang pagbabago ng katawan ni 'My at kilos niya. Parang nahihirapan na rin siya sa paghinga minsan nang makita ko siya sa kan'yang silid.
"'Nak naman, maayos lang talaga ang pakiramdam ko ngayon. Hindi naman ako nilalagnat o ano eh. Trabaho lang ito, okay?" She convinced me.
Napahinga ako ng malalim. Ang palaging rason niya kung bakit siya nagkakaganito? Trabaho.
"Pero, 'My, dapat muna kayong magpahinga man lang at 'wag mo na masyadong aatupagin ang pagta-trabaho, ha?" paalala ko sa kan'ya.
"Pero, 'nak..."
"Kung magmamatigas pa kayo, 'My, pupunta tayo sa doktor ngayon din," banta ko sa kan'ya.
Napabuntong-hininga na lang siya saka tumango-tango. Bahagya rin namang lumuwag ang paghina ko dahil sa senyales na ibinigay sa 'kin ni 'My.
"Anyway, 'My, magpapaalam muna ako sa 'yo. May pupuntahan muna ako ngayon," pagpapaalam ko sa kan'ya.
"Hmm, sure, 'nak," pagpayag niya.
"Thanks, 'My. Babalik kaagad ako. Basta 'wag kalimutang magpahinga, 'My, ah? Good bye," wika ko saka hinalikan muna siya sa pisngi bago ko siya tinalikuran para lumabas sa silid niya.
Nang makalabas ako sa bahay ay mabilis akong pumunta sa direksiyon kung saan patungo ang mansiyon ng mga magulang ng boyfriend ko. I exactly need a proof. Nakalimutan ko itong gawin dahil panatag at kampante naman ang loob ko na totoo iyong sinasabi niya no'n.
Ang kaso, hindi naman siya nagpadala ng mensahe o kahit tawag man lang sa 'kin kaya nawawalan ako ng tiwala sa kan'ya.
Nang makarating ako sa mansiyon ay nakita ko naman kaagad sa manong guard kaya lumapit ako sa kan'ya para magtanong.
"Ah, manong, nand'yan po ba sa loob sina Tita Fayne at Tito Shawn?" Tanong ko sa kan'ya.
"Eh, Ma'am wala po rito sila Ma'am Fayne at Sir Shawn eh. May pinuntahan po kasi sila kasama sila Sir Felix at Sir Flynn," sagot ni manong guard.
"Alam mo po ba kung saang lugar sila pumunta, manong?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko po alam, Ma'am Shelo eh," sagot niya at nagkibit-balikat.
"Kailan po sila umalis at kailan po sila babalik, manong?" Tanong ko na naman. Hindi kasi talaga mapanatag ang loob ko, hindi enough ang mga sinasagot ni manong guard sa 'kin kaya binabatuhan ko siya ng mga tanong.
"N...No'ng mga nakaraan pang mga buwan, Ma'am eh. A...Ang sabi ni Ma'am Fayne eh may okasyon daw sa ibang lugar na kailangan nandoon silang lahat na magkakapamilya pero malapit naman na daw silang uuwi, baka ngayong buwan po," sagot naman ni manong guard ulit. Napakunot naman ako sa noo dahil parang nag-aalinlangan ang pagkakasabi niya no'n at parang nauutal siya.
Ngunit sa halip na magtanong pa ay tumango nalang ako at nagpasalamat bago umalis sa mansiyon ng Dela Cruz.
Sana mali lang talaga ang hinala ko na nagsisinungaling lang si Felix sa 'kin.
Bumalik kaagad ako sa bahay namin pagkatapos.
Nakita ko si Thal na kasama si Eian habang nagkuwe-kuwentuhan ang dalawa kinabukasan sa unibersidad.
Magkasabay kaming naglalakad ni Yhane at Chin habang tinatanaw namin pareho ang dalawa.
Narinig ko ang kanilang pagbungisngis dahil bigla nalang namula ang pisngi ni Thal habang nag-uusap lang sila ni Eian.
"Puntahan natin sila," sabi ni Yhane at humahagikhik.
"Para saan? Baka maging epal lang tayo roon eh," kontra naman ni Chin.
Nasa magkabilang gilid ko ang dalawa habang nagko-kontrahan kung makiki-epal ba kami sa dalawang naglalampungan o hindi.
"Kaya nga puntahan natin sila para manira ng moment," Yhane said then grinned like an idiot.
Wala kaming nagawang dalawa ni Chin kun'di sumunod nalang sa sinabi ni bebs dahil hinila na ni Yhane ang mga palapulsuhan naming dalawa.
Nang makalapit kami sa dalawa ay tumikhim si Yhane kaya napaharap sila sa 'min at nanlalaki ang mga matang nagsi-iwasan ng tingin. Huli kayo pero 'di kulong!
"A-Ano'ng ginagawa niyo rito, Shelo?" Mahinang tanong ni Thal ngunit sapat na para makarinig kami sa kan'yang sinabi lalo na ako 'yong tinanong niya.
"Nakiki-epal, ano pa ba?" Balewalang sagot ko kaya napahagikhik ang dalawang nasa likod ko.
"Epal nga talaga kayo," sabi ni Thal sa 'min kaya muling naghigikhikan ang dalawa. Mga timang na siguro 'tong mga 'to.
"Eian, may itatanong sana ako sa 'yo," pag-iiba ko ng usapan bigla. Muntik ko nang makalimutan na isa si Eian sa mga kaibigan ng boyfriend ko kaya malamang sa malamang na paniguradong alam nito ang mga kilos at mga ginagawa ni Felix na hindi ko alam. Magkasundo kasi talaga itong dalawa palagi, ka-close niya, kumbaga.
"Sure, ano naman 'yon?" tanong niya.
"May alam ka ba kung ano ang ginagawa ni Felix? Hindi na kasi siya tumatawag at nagpapadala ng mensahe sa 'kin eh, magmula no'ng nagpaalam siya sa 'kin na may pupuntahan daw siya tapos ilang buwan pa bago siya makabalik," I eagerly asked him.
Tinignan niya ako ng seryoso saka tumikhim bago nagsalita.
"Wala akong balak sanang sagutin ang tanong mo pero naawa ako sa 'yo. Hindi... hindi totoo lahat ng mga sinabi sa 'yo ng boyfriend mo no'ng araw na nagpaalam siya sa 'yo. Remember the time I told you and asked you a question relating about your situation right now? Sinabi ko 'yon sa 'yo para ma-test ko kung gaano kalaki ang tiwala mo sa kan'ya. Ngayon, nangyari na 'yong sinabi ko sa 'yo noon. Oo, nagsinungaling siya sa 'yo, Shelo. At kaya wala kayong komunikasyon sa isa't isa ay dahil—"
"P-Please, 'wag mo nang ituloy ang mga dapat mo pang sasabihin, Eian. Sapat na 'yong sinabi mong nagsinungaling siya sa 'kin. Kaya siguro nagsinungaling siya sa 'kin, 'n-no? D-Dahil... D-Dahil alam niyang walang makakaalam sa itinago niya niyang sikreto, maski ako hindi niya inaamin at wala akong kaalam-alam tungkol do'n. Siguro wala na kaming komunikasyon ay dahil hindi na niya siguro ako gustong makausap man lang, nagsasawa na siguro siya sa 'kin. Nakalimutan na siguro niya na mayroon siyang g-girlfriend." Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko dahil sa pait at kirot na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.
Bakit ba kasi ako nagtanong? Curiosity does kill the cat.
"Shelo..." tawag ni Eian sa pangalan ko pero hindi ko siya pinakinggan at sa halip ay nagsimula ng umiyak.
"Patapusin mo muna ako..." hindi ko gaanong naririnig 'yong sinasabi ni Eian sa 'kin at wala akong planong makinig ulit sa kung ano man ang kan'yang sasabihin.
Gusto ko nalang makauwi kaagad.
"Bebs," ani Yhane at akmang dadamayan na sana ako nang tumayo ako at pinahid ang mga luha ko saka nginitian sila ng peke bago nagpaalam at tumakbo ng mabilis kaagad patalikod sa kanila para makauwi na.
The day after, naisipan kong lumabas ng bahay namin kahit mabigat ang dibdib ko. Pero napatigil ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang nag-iisang taong hinihintay ko ng ilang buwan at nagtiwala sa kan'ya pero nagsinungaling lang pala.
I hate liars. So much.
The trauma it brought is painful as expected but more than the usual I felt.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Malamig na tanong ko sa kan'ya.
"Baby—"
"Don't call me that," putol ko sa tinawag niya. Animo nasaktansiya sa sinabi ko pero hindi ako nagpatinag kahit kumikirot na naman ang puso ko.
"Shelo... I'm sorry, I lied to you. I have reason why I lied to you. Please let me explain my reason," he said, slowly begging.
Malamig ko lang siyang tinignan. "You don't have to further explain to me why you lied to me. I completely understand that you're seeing someone," prangka kong pahayag.
Nakita kong nagtataka siya sa sinabi ko.
"Ano? Bakit naman ako makikipagkita sa iba? It's only you who I love, Shelo," aniya.
"Liar, you fooled me. Baka nga plano mo 'tong lahat eh. Na gusto mo lang makahiganti sa 'kin dahil sa mga ginawa ko sa 'yo noon," nahihirapan nang sabi ko.
"No, baby, please. Hindi 'yan totoo, maniwala ka naman sa 'kin—"
"Maniwala? Sa tingin mo ba papaniwalaan ulit kita matapos nagawa mong magsinungaling sa 'kin? You didn't even send me a reply or call in the midst of your so-called occassion with your family," sarkastiko kong wika.
He looked even more hurt but I neglected it.
"It's not what you think, Shelo. May rason ako. Ang rason kung bakit nagsinungaling ako at wala tayong komunikasyon sa isa't isa ay dahil—"
"Ay dahil may iba ka na, 'di ba? Tama ba?" Nasasaktan din ako sa mga sinabi ko sa kan'ya pero alam ko kung ano ang totoo.
"Hindi... wala... wala akong iba, mahal..." umiling siya ng umiling habang sinasabi iyon.
"Lie, it's all a lie. Dapat hindi nalang kita hinayaan na ligawan ako at hindi na dapat kita sinagot kung ganito lang naman ang maisusukli mo sa 'kin sa huli. I-It hurts... i-it hurts like h-hell, Felix!" Sigaw ko na sa kan'ya at tinuro ang dibdib ko.
"No... please don't say that... baby," he hopelessly said. Tears were now streaming down his face and so am I.
"I regret loving you, you liar! You don't deserve my love, you don't deserve my trust! I regretted every minute that I'm with you!" Bulyaw ko sa kan'ya at nagsimula nang humikbi.
"No.. please... I need you right now... baby," he said, begging and hoping.
"I'm breaking up with you." 'Yon lang ang sinabi ko bago siya pinagsarhan ng malakas ang pinto at umiyak ng umiyak habang umaakyat ako sa hagdan.
I need my mother. I need her now.
Pumunta kaagad ako sa silid ni 'My at nakita kong nakahimlay pa rin siya sa mama kaya lumapit ako sa kan'ya at gigisingin sana siya nang maramdaman kong malamig ang kan'yang kamay kaya kinuha ko ulit ang kan'yang isang kamay at gano'n pa rin ang resulta. Kinakabahan na 'ko.
Kinapa ko ang kan'yang leeg at wala akong nararamdamang buhay na pulso roon kaya napalunok ako. Niyuyogyog ko ang balikat ni 'My pero hindi pa rin siya natitinag.
"'My? 'My... Gumising ka naman, 'My. Hindi magandang biro 'yan. Gumising ka na, please. Kailangan kita ngayon, 'My! 'My! 'My naman! 'Wag naman ganito!" Patuloy pa rin ako sa pagyugyog sa kan'yang balikat pero wala pa ring epekto iyon.
"'My! Don't leave me please! 'My!" Patuloy kong yinuyugyog ang braso ni Mama pero kahit anong pagyuyugyog ko ay hindi pa rin siya gumigising. And that's when realization strikes me. Patay na si 'My, patay na siya. Hindi na siya muling gigising pa. Iniwan na niya ako ngayong kailangang kailangan ko siya. Ako na lang mag-isa ngayon. I have no family in return now and it hurts.
"'My..." hinawakan ko ang kamay ni mama pati ang braso niya saka siya yinakap at doon nagtuloy tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Una si 'Dy, ngayon naman si 'My. Sino pa ang susunod?
From this day, I feel like I want to be with them too, not minding anyone. Basta ang nasa isip ko lang ay gusto ko nang makasama na sila.
Kinuha ko ang gunting na nasa vanity table na nasa gilid ng ulo ni 'My at humanap ng p'westo para ro'n ko bawiin ang aking sariling buhay.
Pumikit ako at kahit na tumutulo pa rin ang mga luha ko ay ngumiti ako ng isa pang pagkakataon bago dahan-dahang idinuldolan ang matulis na bahagi ng gunting sa palapulsuhan ko.
This is enough. I had enough.
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top