18
Disappearance
Mabilis kong sinundan si Felix at nakita kong lumihis siya ng daan sa halip na dumiretso sa sala kung saan ang mga magulang namin ngayon na nag-uusap lang.
Napabuntong-hininga nalang ako at hinanda ko ang sarili ko sa pagsuyo sa kan'ya para magkabati kami.
Nakalimutan ko nga pala na seloso siya pero mas nananaig ang selos na nararamdaman niya kapag si Flynn na ang pinag-uusapan. I really forgot that and I understand of how he act earlier.
'Di ko namalayan na sa sobrang pag-iisip ko kung paano ko siya susuyuin ng maayos e, nasa labas na pala kami, 'yong sa bahagi ng mansiyon nila kung saan una niyang inamin sa 'kin na may gusto pala siya sa 'kin.
"Felix!" Tawag ko sa kan'ya dahil hindi pa rin siya tumigil siya sa paglalakad papalayo sa 'kin pero parang wala siyang naririnig.
Wala akong nagawa kun'di tumakbo para mahabol siya at mapatigil siya para harapin ako.
Mabuti nalang at nahabol ko na siya kaagad bago ako mapagod at hahayaan nalang siyang lumayo. Pero siyempre, biro lang 'yon, hindi ako matatahimik kapag may sama ng loob siya sa 'kin o nagseselos pa rin siya.
He stared at me seriously before he gazed away. Nakahawak ako sa kan'yang isang kamay.
"Bakit mo naman ako linayuan, Lix? Hmm?" Tanong ko sa kan'ya. I tested him, nagkunwari akong walang alam na nagseselos pala siya.
Kung aaminin niyang nagseselos isya sa harap ko ay malaking achievement na iyon para sa 'kin dahil sino ba namang hindi matutuwa na nagseselos pala ang boyfriend mo? Pero minsan ay nababahala ako, baka may magawa siyang hindi kanais-nais 'pag nasobrahan siya sa selos.
"Can we talk about it? Please," pakiusap ko sa kan'ya habang nanatili pa ring nakahawak ang aking kamay sa kan'yang kamay.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago ako hinarap at tinignan ng mataman.
"Why did you suddenly walked away?" Mahinahon kong tanong.
"You know, Shelo, you're insensitive. Hindi mo ba 'yon napansin man lang?" Naiinis na sabi niya.
Nagkibit-balikat lang ako pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang isiwalat sa kan'ya ang totoo kong sagot. "Ano'ng mapansin man lang ang sinasabi mo d'yan?" I tried to teased him differently, 'yong hindi niya mahahalata na nang-aasar lang ako.
Huminga naman siya ng malalim at pumikit ng mariin saka napahilamos sa kan'yang mukha bago ako tinignan ng masama.
I pouted to stop myself from starting to chuckle in front of him. Ayaw kong masira ang plano ko 'no!
"Okay, sorry na, mahal," biglang bawi ko pero sinabi ko sa kan'ya ang endearment na 'yon. Tignan lang natin kung hindi pa siya bibigay sa 'kin at sasabihin niya sa 'kin ang totoo.
Napangisi ako ng palihim dahil nakita ko sa kan'yang mga mata na bahagyang lumamlam iyon dahil sa huling salita na sinabi ko.
"Damn, Shelo. Yes, I'm jealous of Flynn even if he's just talking to you. But, why did he have to take you away from the living room? It's doubting me," pag-amin niya. Naamin na rin naman niya sa wakas.
Hinawakan ko ang kan'yang mukha at tinignan siya ng may pagmamahal.
"You don't have to be jealous over him, mahal. Tandaan mo 'yan, kasi ikaw lang ang tanging mahal ko ngayon. Wala na siya, wala na siyang puwang pa sa puso ko, wala na akong ni katiting na kahit anong nararamdaman para sa kan'ya. Don't feel doubt of my love for you. Para saan pa ang pangliligaw mo ng halos isang taon kung hindi mo naman ako paniniwalaan na kaya kita sinagot ay dahil mahal kita? Hmm? Always keep in mind that I love you just like the moon above," nakangiti at marahan kong pahayag sa kan'ya.
Tuluyan nang lumamlam ang kan'yang mga mata at hinimas-himas ang aking buhok.
"Alam mo talaga kung paano ako bibigay, ano? I love you so much, baby," malambing na sabi niya.
"Did you call me baby? Mukha ba 'kong bata sa paningin mo, ha? Baka mapagkamalan kitang pedophile n'yan," I teased him that's why he laughed.
"Paano naman ako magiging pedophile? It's just my endearment for you. Sa tingin mo ba, ikaw lang ang may karapatan na magbigay ng endearment sa 'kin? Hmm?" He asked then pinched my cheeks.
"Aray, sakit no'n ah," reklamo ko at napanguso pagkatapos niyang kurutin ang pisngi ko.
"Nakakagigil kaya," natatawa niyang usal.
I rolled my eyes and after some seconds, I intertwined, again, my hands to his.
"Balik na tayo sa loob?" Yaya niya sa 'kin.
"Sure, napasarap ang pag-uusap natin eh," natatawa kong sagot kaya natawa na rin siya bago kami magkasabay na pumasok ulit sa loob ng mansiyon nila.
At ngayon, wala na 'kong dapat ikabahala pa dahil wala na kaming dapat na pag-aawayin. Suyo lang kasi ang katapat niya eh.
Nang makapasok kami sa loob ay nakita kong nakatayo na pala si 'My. Parang nagpapaalam na ito kay Tita Fayne.
"Oh, ayan na pala ang dalawa. Shelo, 'nak halika na, uuwi na tayo, nakapagpaalam na ako kay Fayne at sa asawa niya," tawag ni 'My sa 'kin nang makita niya ako.
Nang makalapit kami sa kanila ay saka lang ako bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ko sa kamay ni Felix.
"Uuwi na kami, Lix. Good bye, I love you," malambing na paalam ko saka hinalikan siya sa pisngi.
"Good bye, baby. I love you more, ingat kayo palagi ni tita," aniya bago ko siya niyakap pagkatapos.
"Oh, siya, tama na 'yan, mga bata. Bukas na 'yang pagsosolo niyo, kailangan nang umuwi ni Shelo at Sherly," natatawang pukaw ni Tita Fayne sa 'min kaya natawa na rin kami pati na rin sila tito at 'My bago pinakawalan si Felix at lumapit kay 'My.
"Sige, una na kami, Fayne at Shawn. Good night," paalam muli ni 'My bago sila nagtanguan saka kami nagsimulang tumalikod at naglakad na papalabas ng mansiyon nila.
Pagkauwi namin ay nagpaalam ako kay 'My na aakyat na ako sa silid ko.
Pagkaakyat ko sa hagdan ay mabilis akong pumasok sa loob ng silid ko at saka pabagsak akong humiga sa kama. Tinatamad na ako magbihis dahil sa maraming nangyari ngayong araw.
Napakunot ang noo ko dahil nagva-vibrate ang cellphone ko kaya napatingin ako ro'n at kinuha iyon.
Napangiti ako ng wala sa oras dahil bumungad sa 'kin ang pangalan ni Felix sa screen ng cellphone ko kaya sinagot ko kaagad iyon pero hindi ko pinahalatang excited akong makausap siya ulit.
"Hello, mahal?" Bungad na tanong ko sa kan'ya.
[Miss na agad kita, Shelo.] biglang sabi niya. Sa tantiya ko ay nakanguso siya sa kabilang linya kaya napatawa ako.
"Miss na rin kita kaagad, mahal," amin ko rin.
[Pagod ka na ba? Gusto mo na bang matulog?] Malambing niyang tanong.
"Hmm-mm, kantahin mo 'ko, please," pakiusap ko sa kan'ya.
He chuckled. [Sure, what's the song, baby?] He asked.
"Byahe, gusto ko 'yon, salamat kaagad, mahal," I suggested.
[Oh, okay. Anything for my baby.] aniya.
Makalipas ang ilang segundo ay nagsimula na siyang kumanta ng mahina hanggang sa makatulog ako ng may ngiti sa labi.
Sa mga nakalipas na mga buwan, siyempre may monthsary rin, at sa kada monthsary namin ay nag-aabot kami ng mga kaibigan namin sa cafeteria ng unibersidad pero sa parte ng senior high kada tanghali at kapag 'yong monthsary namin ay sa kasagsagan ng weekdays kung saan may klase.
At sa mga buwan ding iyon ay palagi na 'kong hatid-sundo kay Felix, minsan gumagawa ng usual na ginagawa sa mga magkasintahan pero siyempre, hindi namin pinapabayaan ang pag-aaral namin.
Sana magkasama pa rin kami Felix na aabutin 'yong mga pangarap namin sa buhay.
At sisiguraduhin kong magagawa namin iyon dahil wala kaming sini-sikreto sa isa't isa. Malakas ang tiwala namin sa isa't isa at hindi kami nagkulang sa komunikasyon namin. It's almost perfect.
Pero mukhang mapapasubok kami dahil sa tanong na iyon ni Eian sa 'min no'ng araw ng 5th monthsary namin sa cafeteria.
"Kung sa tingin mo, nagsisinungaling na si Felix sa 'yo at biglang mawawala sa piling mo, ano ang gagawin mo sa kan'ya kung magpapakita ulit siya sa 'yo at babalik sa piling mo, Shelo?"
Ang sinagot ko naman ay, "Mawawalan na ako ng tiwala sa kan'ya, hindi ko na hahayaan pa ang sarili ko na magdurusa ulit dahil sa sasaktan na naman ako. Pero alam kong hindi mangyayari iyon, mahal ako ni Felix at mahal ko siya, wala naman sigurong makakapagpagiba sa 'min dahil hindi kami nagkulang sa lahat ng ginagawa ng ibang magkasintahan. Malakas ang tiwala namin sa isa't isa, Eian."
Pero no'ng isang araw matapos ang ikalimang monthsary namin ay biglang lumapit sa 'kin si Felix.
Niyakap muna niya ako ng mahigpit bago ako pinakawalan at nagsalita. Ang weird ng pagkakayakap niya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman.
"Listen to me, baby. Mawawala muna ako ng ilang buwan dahil may pupuntahan kami ng pamilya ko sa ibang lugar dahil may okasyon kami na gaganapin do'n. P'wede mo ba 'kong hintayin ng ilang buwan, Shelo?" he favored.
Tumango ako kaya nginitian niya 'ko ng marahan.
"Oo naman, alam kong mas importante 'yon. Maghihintay ako sa 'yo sa pagbabalik mo, mahal," wika ko.
"Salamat sa pagtitiwala mo sa 'kin, baby. Hindi ko alam kung ilang buwan iyon pero gusto ko lang sasabihin sa 'yo na babalik kaagad ako para sa 'yo. Tandaan mo, Shelo, mahal na mahal kita," he said lovingly.
"I love you more, Felix," I lovingly said, too.
He kissed me eagerly on the lips. Ipinagkibit ko nalang iyon sa balikat ko 'yong kakaibang paraan ng pagkikilos niya ngayon.
Ang importante, nagpaalam muna siya sa 'kin bago siya aalis ng ilang buwan.
Pero katulad nga ng sinabi ni Eian, baka hindi malayong magawa namin iyon.
Pero may tiwala ako kay Felix, alam kong hindi niya kayang gawin sa 'kin 'yon.
Sana 'wag mong sirain ang tiwala ko sa 'yo, Felix.
Dahil kung masira man iyon, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko at ang magagawa ko sa 'yo kung sakali.
And there, his disappearance started.
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top