17

Jealousy

Nakita kong umawang ang bibig niya bago nakapagbigkas ng salita. "D-Did I hear it right? You're... mine... now?"

I chuckled them lowered my gaze on him and slowly nodded my head.

Makalipas siguro ng ilang segundo, akala ko wala pa rin siyang ire-react pero nagulat na lang ako ng bigla nalang niya 'kong binuhat at pinaikot sa ere bago niya 'ko nagawang yakapin kaya napangiti ako at yumakap di nsa kan'ya pabalik.

Matapos ang yakapan naming dalawa ay hinawakan niya ang kabilang pisngi ko at ang gilid ng buhok ko habang nakatingin siya sa 'kin ng may pagmamahal.

"I love you so much, Shelo, so much that I don't want seeing you hurt especially when it's me," he said, puno ng pagmamahal.

"Ako rin naman, mahal kita, Felix, kahit magiging gunggong ka pa." Natawa nalang siya bigla nang binanggit ko ang gunggong na tawag ko sa kan'ya noon.

"Sa tagal kong nanliligaw sa 'yo, napansin kong may konti kang pagbabago pero may mga bagay at pag-uugali talaga na hindi na maaaring magbabago pa," he grinned.

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko nalang kahit alam ko namang totoo iyong sinasabi niya.

"Guys, p'wede na kayong pumasok sa mga classrooms niyo," natatawa kong anunsiyo nang binalingan ko ng tingin ang mga STEM students na nandito ngayon para saksihan ang pagbibigay ko ng matamis na oo para kay Felix.

Sabay-sabay naman silang napasimangot, 'yong iba ay nanghinayang, 'yong iba ay nadismaya dahil akala siguro nila ay may aasahan pa sila sa susunod na mangyayari sa 'min.

"Ay! Wala man lang bang halik d'yan? Akala ko pa naman, meron," reklamo ng isa sa kanila.

Hanggang sa sinang-ayunan ng halos lahat na nakatipon sa 'min dito ngayon sa second floor ng STEM building o department.

Napatingin naman ako kay Felix na nakatingin na rin pala sa 'kin habang naka-smirk pa.

Ano na namang kalokohan ang nasa isip niya ngayon?

Inilapit nalang niya bigla ang ang bibig niya sa tainga ko kaya nagdulot iyon ng kiliti sa bandang iyon.

"Gagawin nalang kaya natin 'yon, tutal, legal naman na 'yong iba eh tapos sila pa ang nagsu-suggest," tukso niya.

Napalayo ako sa kan'ya at tinignan siya ng masama. Natawa naman siya sa reaksiyon ko.

"P'wedeng-p'wede mo 'yon gawin sa 'kin dahil siyempre, magkasintahan na tayo, pero hindi rito dahil paaralan ito, at parte pa rin ito ng Dela Cruz University na may number one rule pa rin na hindi p'wede ang PDA rito, kahit mapa-senior high ka pa o hindi," paalala ko sa kan'ya.

Ayoko nga'ng mangyari ulit iyong nangyari noon. Grabe, hindi ko kinakaya na kada Sabado kami maglilinis sa buong campus dahil lang sa lumabag kami sa number one rule rito sa unibersidad na 'to.

"Takot ka lang mabigyan ng parusa ulit eh," he said then chuckled.

Siniko ko naman siya sa tagiliran niya dahil hindi ako nagbibiro kaya naman ay napatigil siya sa pagtawa.

"'Wag niyong hilingin na maghahalikan kami sa harapan niyo dahil labag iyon sa number one rule rito sa unibersidad na 'to ang PDA, okay? So, pumasok na kayo sa mga classrooms niyo at 'wag nang mangulit pa," paalala ko naman sa kanila. Baka kasi nakalimutan nila iyon kaya ganoon nalang ang hiling nila sa 'min na gawin iyon.

Ano'ng kalokohan iyon?

"Oh, sige na, mga sisters and brothers, pumasok na tayo."

"Oo nga pala 'no, nakalimutan ko kasi eh, pumasok nalang tayo, guys."

"Halina kayo, pumasok na tayo, baka paparating na ang propesor natin."

'Yon lang 'yong mga naririnig kong komento nila bago sila isa-isang nagsipag-alisan.

Ang nandito nalang ngayon na kasama kami ay sila Yhane, Thal, Chin, at si Eian, 'yong nerd na class president noong Grade 10 palang kami at isa sa kaibigan ni Felix.

Lumapit naman sa 'kin si Yhane at niyakap ako ng mabilis saka nagsalita. "Congrats, Shelo. May ka-lovelife ka na! Sabi ko na nga ba eh, kayong dalawa talaga ang magkakatuluyan, totoo pala talaga 'yong kasabihan na 'enemies can turn into lovers'. Saksi kasi ako sa inyong dalawa eh," kinikilig na pahayag niya.

"Oo na, tama ka na," natatawa kong sabi. Hindi nga rin ako makapaniwalang nagkatuluyan kami nitong gunggong na 'to, binully ako nito rati eh tapos nagbago lang no'ng gumagawa kami ng project about sa bullying at doon na kami naging malapit at naging magkaibigan tapos humantong naman kami sa ganito.

"Congrats sa inyong dalawa! Hashtag proud and hashtag sana all may ka-lovelife!" Sabay na bati no'ng dalawa na may kasama pang biro.

"Congrats sa 'yo, dre, pati na rin ikaw, Shelo," bati naman ni Eian sa 'ming dalawa.

"Thank you. Sana sa susunod, ikaw naman ang magka-lovelife," panunukso ko habang sumusulyap kay Thal.

Nahuli naman ni Thal ang pasulyap-sulyap kong pagtingin sa kan'ya kaya naman ay nakita kong biglang namula ang pisngi niya bago siya umiwas ng tingin.

Eian just chuckled and then stepped  back to where he was standing.

"Sige, mauna na kami sa inyo, malayo pa naman ang mga building niyo," paalam ni Felix sa kanila kaya napatango sila saka nagpaalam din bago kami umunang maglakad papalayo.

Habang naglalakad kami ay inakbayan nalang ako bigla ni Felix kaya napatingin ako sa kan'ya, nakita kong umangat ang gilid ng labi niya.

"Hoy, ano'ng kilos 'yon?" Tanong ko.

"Gusto lang kitang ipagmalaki na sa wakas ay naging girlfriend na kita, wala namang masama ro'n, 'di ba?" aniya.

Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa  sinabi niya. I feel happy because of what he said. I think I made the right decision that I gave him my sweet yes. Worth it naman pala.

Nang makarating sa classroom namin ay nagulat na lamang ako ng sumigaw sila ng 'congrats' bago nagsipag-upuan. Natawa kami dahil sa inakto nila saka nag-thank you kami bago pumunta sa sariling upuan naming dalawa na malayo sa isa't isa bago umupo.

Pumasok mayamaya ang propesor namin sa Physical Science. Tumigil siya sa harapan naming lahat at nagsalita kaagad.

"Good afternoon, Section A. Anyway, let's start with our oral recitation and it's all about the different models of the universe by different greek philosophers. Okay let's start with Mr. Desiderio, stand up," wika ng propesor namin at tumingin sa kaklase naming Desiderio ang apilyedo.

"Who was Claudius Ptolemaeus and what does he proposed?" Unang tanong ng propesor namin.

"Uh... Claudius Ptolemaeus proposed the Ptolemaic universe, where in this model, it is assumed that Earth was at the center of the universe, while the other celestial bodies revolved around the Earth in perfect circles with constant velocity. Ptolemy's model was considered more refined because this model could explain the motion of the celestial bodies accurately," dire-diretsong sagot ni Desiderio habang nakatingin sa harapan niya.

Pumapalakpak naman ang propesor namin bago pinuri si Desiderio.

"Very good, Mr. Desiderio. You may now take a seat. Next, Ms. Garcia, stand up." Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang apilyedo ko na binanggit ng propesor.

"Who is Eudoxus? Explain what is Eudoxus of Cnidus," tanong ng propesor.

Huminga muna ako ng malalim bago sinasaulo ang mga inaral ko kagabi at saka lang nagsalita.

"He was considered as the first astronomer to explain the retograde motion of the planets in the sky. Retograde motion is an apparent change in the movement of the planet through the sky. He found out the differences in the motion of each planet that shoulf be considered to give an accurste description of the universe. According to him or Eudoxus's model, the universe was composed of Earth and five other planets that are visible with the unaided eye, namely, Mercury, Venus, Mars, Jupiter and Saturn," I confidently answered.

Pumalakpak din ang propesor saka nagsalita. "Impressive, Ms. Garcia, anyway, you may now take a seat. Next, Mr. Dela Cruz, stand up," utos ng propesor.

Nang makaupo ako ay siya namang pagtayo ni Felix. Nakita ko siyang parang kalmado lang at para talagang pinaghandaan niya ito.

"Explain what is Aristarchus of Samos Model," the professor stated.

Tumikhim muna si Felix bago niya binuka ang bibig saka nagsimula nang magsalita.

"He was a Greek astronomer who made the first attempt to create a heliocentric model of the universe, which places the sun and the fixed stars were at rest, while Earth revolved around the sun in a circular path. Aristarchus calculated the sizes of the sun, and the moon and their distances from Earth by estimating the relative angles of the moon and the sun from Earth. Aristarchus, also, has three assumptions and these are the following; first, Earth was spherical, second, it is far from the sun, third and the last one, moon passes through the Earth's shadow when they align," mahabang sagot ni Felix habang seryoso itong nakatingin sa propesor.

"Hmm, well, it's an impressive answer. You may now take a seat, Mr. Dela Cruz. Next..."

Nang makaupo siya ay napatingin siya sa 'kin kaya nginitian ko siya at nag-thumbs up kaya napangiti na rin siya.

Pagkatapos ng klase ay napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring ito kaya sinagot ko ito dahil si 'My lang pala ito.

"Hello, 'My. Bakit ka napatawag?" Tanong ko pagkasagot ko sa tawag niya.

[Hello, 'nak. Uhm, 'nak, tinawagan ako ng mama ni Felix kanina tapos sabi niya, roon daw tayo maghahapunan, hindi naman ako makatanggi kaya pumayag nalang ako. Ayos lang ba 'yon sa 'yo?] Tanong niya.

"Oo, 'My. Pupunta po ako ro'n, actually ipapaalam ko rin 'yon sa 'yo ang tungkol dito eh," sabi ko.

[Hmm, okay. I'll meet you there at your school, susunduin kita. Pasabi nalang kay Felix na ako na susundo sa 'yo, ha?] saad niya.

"Oo, 'My," sagot ko.

[Sige, good bye, anak. I'm on my way there.] paalam niya bago naputol ang linya.

Lumapit ako kay Felix at sinabihan siya patungkol doon. "Lix, si 'My nalang  ang magsusundo sa 'kin ngayon. Paparating na siya rito eh," sabi ko.

"Okay, nasabi mo na ba kay tita 'yong dinner sa bahay namin mamaya?" Tanong niya kaya napatango ako.

"Anyway, halika na, baka nandoon na pala si tita," nakangiti niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko bago naglakad papalabas ng classroom.

Nang nasa gate na kami ay naghintay pa kami ng ilang segundo bago nakita ang isang taxi saka lumabas niyon si 'My. Lumapit kami sa kan'ya.

"Pasensiya ka na, 'nak, at pinaghintay kita. Anyway, hijo, p'wede naman kitang ihatid sa inyo kung gusto mo." Binalingan siya ng tingin ni 'My pero tumanggi lang siya.

"'Wag na po, tita. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin," tanggi niya.

"Okay. 'Nak, halika na para makapaghanda ka na. Pupunta pa tayo kila Felix," ani 'My.

Bago ako lumapit kay 'My ay hinawakan pa ako ni Felix sa ulo bago pinatakan ng halik sa noo at saka siya nagpaalam.

"Good bye, Shelo. Aasahan kita ro'n sa 'min. I love you," nakangiti niyang paalam kaya ngumiti rin ako pabalik saka nagpaalam din bago ko siya kinawayan nang makalapit na 'ko kay 'My.

Nang makapasok na kami ni 'My sa taxi ay nagsalita siya.

"Sinagot mo na pala siya, 'nak. I'm happy for you, sa wakas at nagmahal ka na ulit," sinserong sabi niya at hinawakan ang balikat ko saka ang isang kamay ko rin.

"'My, sana wala akong pagsisisihan sa huli dahil pinili ko 'to," ani ko.

"'Wag mo munang isipan 'yan, 'nak. Just appreciate what's happening in your life right now, okay?" sambit niya kaya naman ay napatango ako at hinilig ko ang gilid ng ulo ko sa balikat ni 'My.

"SHERLY, kumusta na?" Dinig kong pangungumusta ni Tita Fayne kay 'My habang nakaupo na sila sa sofa matapos kaming kumain ng sabay-sabay sa hapunan.

"'Eto, maayos naman, as always. Eh, ikaw naman, Fayne?" Pangungumusta rin ni 'My kay tita.

"Maayos lang din ako, tapos masaya akong nandito na naman kayo ng anak mo sa bahay namin," sagot ni tita.

'Yon lang 'yong narinig ko bago may humila sa 'kin para mapalayo ako sa kanila.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang tumigil din ang taong humila sa 'kin sa may hagdanan. It's Flynn.

"What are we doing in here, Flynn?" Tanong ko sa kan'ya.

"I need to confront this to you, Shel," simpleng sagot niya. Parang nafa-frustrate siya sa hindi malamang kadahilanan.

"At, ano naman 'yon?" Tanong ko ulit.

"Bakit parang dikit na dikit na kayo ni Felix sa isa't isa? Ano ang ibig sabihin no'n?" Tanong naman niya.

"For heaven's sake, Flynn, hindi mo alam 'yon? We're now together, kakasagot ko palang sa kan'ya kanina," iritang sagot ko. Bakit hindi niya alam 'yon?

"What? Bakit mo siya sinagot?" Mahinang tanong na naman niya.

"I love him, Flynn. I love Felix that's why I finally answered him for courting me so many years," sagot ko na naman.

"But, why? I mean, akala ko ba may konti ka pa ring nararamdaman sa 'kin?" Parang siyang nasasaktan.

"Hindi na ngayon, Flynn. Matagal na 'yon, mahal ko si Felix at hindi 'yon magbabago. Kaya p'wede ba, 'wag mo na 'kong guluhin patungkol sa plano mong ibabalik mo na naman ako sa lungga mo. Hindi ka ba napapagod?" Sarkastikong usal ko sa kan'ya.

"But... I still love you, Shel," sabi niya kaya napailing-iling nalang ako.

'Di ba 'to marunong umintindi?

"You don't really love me, Flynn. If you really love me, why did you cheat on me before? Why do you have to cheat on me? You're not really in love with me in the first place because you're in love with the idea being loved by someone, and that's not me," pahayag ko.

"Shel..."

"Cut this off, Flynn. Stop this nonsense. Mahal ko si Flynn at wala ka nang magagawa para ro'n. Excuse me pero kailangan ko nang bumalik do'n," paalam ko at iniwan siyang mag-isa sa may hagdanan.

Habang papalapit ako ro'n ay nakita ko naman kaagad si Felix. Akmang lalapitin ko sana siya at ngingitian nang makita kong parang galit siya, madilim ang kan'yang tingin at umigting pa ang bagang niya bago siya umiwas ng tingin sa 'kin at naglakad papalayo.

Bakit ganoon nalang ang reaksiyon niya?

Teka, nakita ba niya kami ni Flynn?

Is he jealous?

Siguro, nagseselos siya at kung magseselos man siya, kailangan ko siyang suyuin para kumalma ang pakiramdam niya at bati na kami.

Hay nako, ano ba'ng nakakaselos do'n sa ginawang pag-uusap lang namin ni Flynn?

Hmph! Seloso!

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

A/N:

Para remembrance, umamin na 'ko kay crush na crush ko siya pero as expected, naprend zone po me

Pero oks lang HAHAHAH 👍😀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top