14
Proved
Hindi ko maiwasan ang pagpatak ng mga luha ko ng dahan-dahan dahil sa sinabi niya. Ganoon na ba kababa ang tingin niya sa 'kin kaya naisipan na naman niya 'kong lokohin?
He doesn't supposed to be treated fine and act civil from me. He deserves to be treated the same way he did to me, even before.
Pinunasan ko nang paulit-ulit ang mga luha ko at napahinga ng malalim saka sinuntok-suntok ng mahina ang dibdib ko.
Please, don't cry again, Shelo. He's not worth your tears, okay? Don't cry. Don't cry. Just don't cry.
Mabilis kaagad akong umalis doon dahil parang may sumasakal sa 'kin habang manananatili pa 'ko sa lugar na pinagtataguan ko.
He's one kind of a desperate asshole and he needs to learn a lesson even just for once.
Nang makarating na 'ko sa bahay ay ngumiti lang ako ng pilit at binati ng kaunti kay 'My nang mabungaran ko siya pagkabukas ko palang ng pintuan ng bahay saka siya hinalikan sa pisngi bago niyakap at nagmadaling umakyat papunta sa silid ko.
Gusto ko munang mapag-isa ngayon. This overwhelming feeling I felt is just too much for me and I don't even know how to handle it properly, I'm always out of control whenever I'm like this and it makes me feel tired and weak. I don't know why I'm like this when it comes to Flynn. Siguro mahina lang talaga ako pagdating sa kan'ya dahil siya ang una kong minahal.
Pero nakakagulat lang dahil hindi ko naisip na saktan 'yong sarili ko ngayon kahit naging mahina na 'ko. Noon kasi kapag naging mahina ako at pagod ay nakakaisip ako ng masama para sa sarili ko. Maybe because I felt mad for him and I want to prove to him that what he said earlier was wrong.
Kinabukasan ay para akong lantang gulay na naghahanda ng kakailanganin ko sa unibersidad pero nagulantang ako ng biglang bumukas ang pinto ng silid ko at iniluwal niyon si 'My. Napaayos kaagad ako ng tayo at nginitian siya kahit pilit. Wala talaga ako sa mood ngayon sa totoo lang pero sinubukan ko namang maging masigla 'pag kaharap na si 'My. Ayokong ipahalatang hindi ako okay sa harapan niya.
"I know you're not okay, 'nak. What's the problem, hmm?" Pagkatapos sabihin iyon ni 'My ay sinenyasan niya 'ko gamit ang kamay niya para paupuin ako sa tabi niya.
Nang makaupo ako sa tabi niya ay saka lang ako sumagot. "Hindi lang talaga ako okay ngayon, 'My. Saka, 'wag mo na 'kong alalahanin para rito, alam ko na kung ano ang gagawin ko rito."
"Nag-alala lang ako sa 'yo, 'nak. Baka maulit na naman ang ginawa mo noon sa sarili mo. Isa iyon sa mga kinatatakutan ko para sa 'yo," ani 'My at niyakap ako saka hinimas-himas ang buhok ko.
"Hindi ko na po gagawin 'yon, 'My. Sorry dahil pinag-alala kita no'n, I felt suffocated before and my mind was not functioning properly and that's why I did those things," I said guiltily. Nagsisisi akong ginawa ko 'yon dahil lang sa desperadong manlolokong 'yon.
"Don't be guilty, as long as you regret it and you won't do it again. Anyway, I'm planning to visit your father tomorrow afternoon, wanna come?" Nakangiting pag-iiba ng usapan ni 'My.
"Oo naman, 'My. Ang tagal ko nang hindi nabibisita si 'Dy kasama ka eh. Miss na miss ko na si 'Dy," sabi ko ng may halong pangungulila.
"Ako rin naman, 'nak. I miss your father so much, too. So I want to visit him together with you because I think, that's what making him smile in afar," nakangiting wika ni 'My kaya nakingiti na rin ako.
Nang matapos 'yon ay sinabihan ko kaagad si 'My na male-late na 'ko kaya pinakawalan na niya 'ko sa yakap niya at hinayaan nalang akong maghanda ng mga kakailanganan ko.
Pagkatapos naman ay kumuha lang ako ng pang-snacks ko nang makababa ako at pumunta saglit sa kusina at nagpaalam kay 'My bago lumabas ng bahay.
Nasa gilid na 'ko ng highway nang may mahagip ako sa kanang bahagi ng mata ko. A female figurine. She's familiar. Noon ko lang na-realize na kamukhang-kamukha iyon ni Isse.
Wait, is the familiar female figurine, Isse?
Tumingin kaagad ako sa pinanggalingan ng pagkakahagip ko sa kan'ya at gusto ko sana siyang sundan nang mabigo ako na makita siya o kung nandoon pa ba siya. I'm too late to realize that it was Isse.
Pero baka namamalikmata lang ako, baka hindi siya 'yon... pero umaasa akong siya iyon nakita ko. Hindi ko na siya nakita pang muli no'ng huling araw na magkasama kaming pumunta sa bahay ng lola ni Yhane para gamutin ang bukol kong tinamo mula kay Felix noon.
"Shelomith! Hey po!" Nangunot ang noo ko nang may tumawag sa 'kin sa malayuan kaya nagtataka kong binalingan ng tingin ang taong tumawag sa 'kin niyon.
Nawala rin naman ang pagkakunot ng noo ko nang makilala ko kaagad kung sino'ng tumawag sa pangalan ko.
"'Oy, hello, Melan! Ikaw pala 'yan, akala ko kung sino na," natatawang bati ko pagkalapit niya sa 'kin habang nakangiti.
"I'm surprised po that we've meet here po unexpectedly," nakangiti niyang sabi.
"Same, rito ka rin pala dumadaan papunta sa unibersidad," anas ko.
"Actually po, it's my first time po to walk in here. Sabi po kasi nila, ito 'yong pinakamabilis na shortcut papunta sa Dela Cruz University kaya sinubukan ko rin po ritong dumaan," paliwanag niya kaya tumango-tango ako.
"Sabay ka na sa 'kin kung ganoon, first time mo pala 'to eh, baka maligaw ka pa rito eh, dala dala ko 'yong konsensiya ko kapag may mangyaring masama sa 'yo rito at hindi na kita mahagilap," biro ko kaya natawa siya. Effective pala 'tong biro kong 'to dahil natawa talaga siya. Nice.
"Okay po," sang-ayon niya at sabay kaming naglakad para pumunta na sa direksiyon kung saan nandoon ang unibersidad.
Nang makarating na kami sa unibersidad ay napangiti ako nang mabungaran ko si Felix na nakasandal sa mismong entrance ng unibersidad habang nakangiting kumakaway sa 'kin. Kinawayan ko rin siya pabalik at unti-unting lumapit sa direksiyon niya.
"Good morning, Shelo..." napatingin naman si Felix sa likod ko at binati rin si Melan. "Hello, Melan."
"Hello po, Kuya Felix," magalang na bati ni Melan sa kan'ya kaya natawa si Felix.
"'Wag mo 'kong tawaging kuya dahil magkaklase lang tayo at saka isa pa, drop the 'po' or 'opo' 'di talaga ako komportable kapag may nagsasabi sa 'kin na kasama 'yong gan'yan. Para na 'kong magmukhang matanda nito kahit 'di naman," kontra kaagad ni Felix kaya napangisi ako st sumunod naman si Melan.
Nang makapasok na kami sa room ay naghintay pa muna ulit kami ng ilang segundo bago pumasok ang unang magtuturo sa 'min ngayong araw at nagsunod-sunod ang magtuturo sa 'min hanggang sa matapos ang klase.
Habang naglalakad kaming dalawa ni Felix—dahil umuna nang umuwi si Melan—ay naisipan kong sabihin kay Felix ang tungkol kay Isse dahil siyempre, kaibigan din naman niya si Isse.
"Felix, parang nakita ko si Isse kanina habang papunta ako sa school," sabi ko.
Nakita ko naman siyang napatigil sa pagsasalita saka hinarap ako.
"Are you sure?" Paninigurado niya.
"'Di ko alam eh pero malakas ang kutob kong siya iyon," sagot ko.
"Sana siya nga iyon," sambit niya at nagpakawala ng buntong-hininga.
"Sana nga," komento ko rin. Matagal na siyang hindi nagpaparamdam sa 'kin.
Nang makauwi ako ay mabilis akong nagpalit ng damit dahil pupunta na kami ni 'My kay 'Dy.
"Are you ready, 'nak? Papasok na 'ko ah." Narinig kong nagsalita si 'My sa labas ng silid ko kaya sinagot ko naman siya pabalik.
"Oo, 'My. P'wede ka nang pumasok," sagot ko.
Nang makapasok si 'My ay napangiti siya nang makitang handang-handa na talaga ako.
"Handang-handa ka na nga talaga, 'nak," nakangiti niyang palahaw.
"Aba, naging girl scout kaya ako, 'My, kaya palagi akong handa," pagbibiro ko. Natawa naman siya kaya napatawa na rin ako.
"Ikaw talaga, Shelo, kahit kailan mabiro ka talaga, 'nak. Oh, siya, aalis na tayo?" Nakangiting yaya niya kaya tumango ako.
Nang makarating na kami sa sementeryo gamit ang pagsakay sa taxi ay mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ang puntod ni 'Dy.
Pagkalapit ko sa puntod ni 'Dy ay mabilis akong umupo at inilapag ang basket na may lamang bulaklak, letter ko para sa kan'ya, at kandila.
Naramdaman ko namang tumabi sa 'kin si 'My at inihilig ko ang gilid ng ulo ko sa balikat niya. Sinindihan naman ni 'My ng kayo ang kandilang dala-dala namin at inilapag iyon sa tabi ng tombstone ni 'Dy.
"Mahal, alam kong masaya ka na d'yan pero hindi ko pa rin maiwasang mangulila sa 'yo ng sobra. Miss na miss na kita, mahal ko, kami ng anak mo." Biglang nagsalita si 'My kaya napaangat ang ulo ko sa kan'ya at nakita ko ang kan'yang malungkot na ngiti habang nakatingin sa puntod ni 'Dy. 'Di ko rin maiwasang malungkot.
Kahit ang tagal na no'ng nangyaring aksidente na naging dahilan ng pagkamatay ni 'Dy ay 'di pa rin namin maiwasang malungkot sa sinapit niya. Hindi namin inaasahan ni 'My na darating ang araw na mawawalay na pala sa 'min si 'Dy.
"'Dy, miss na miss na miss na po kita. I love you, 'Dy, so much," sambit ko at ngumiti ng malungkot saka hinawakan ang puntod niya.
"Pasensiya ka na at hindi ka namin agad dinalaw pero tandaan mo na kahit wala ka na sa tabi namin ay mahal na mahal at miss na miss na kita, Greg," wika ni 'My.
Bigla nalang akong nakaramdam ng medyo malakas ang hangin na tumama sa mukha ko kaya napangiti ako. Alam kong si 'Dy iyon.
Hinalikan ako sa noo ni 'My nang binasa ko ang letter ko para kay 'Dy kahit alam kong 'di niya maririnig ito hanggang sa matapos.
Nanatili pa muna kami ro'n hanggang sa unti-unti nang lumulubog ang araw kaya napagdesisyonan na namin ni 'My na umuwi na.
Kinabukasan, nang maisipan kong puntahan sina Thal at Chin na nag-uusap sa may gate ng school, sumunod nalang bigla si Felix sa 'kin kaya napairap ako ng palihim.
"Bakit mo ba 'ko sinusundan, ha?" Tanong ko sa kan'ya nang hindi tumitingin.
"Gusto lang kitang makasama." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya at hinarap siya.
Nakaramdam din ako ng presensiya ng tao sa likod ko kaya napabuntong-hininga ako.
"What are you doing in here, Flynn?" Malamig na tanong ko sa taong nasa likod ko.
"Iimbitahan sana kitang kumain in a nearby restaurant, Shel," kaswal niyang yaya.
"Sorry but no, thank you. Sasabay na kasi ako kay Felix, eh. 'Di ba, Felix?" Nakangiti kong hinarap ang nangdidilim na tingin kahit nagtataka si Felix dahil sa sinabi ko.
Ito na ang pagkakataon ko para mapatunayan ko sa Flynn na 'to na hindi ako ganoon kahina at karupok pagdating sa kan'ya. I need to prove to him that his not worthy for me.
"Sabihin mo 'oo'," bulong ko habang nakangiti.
Pero sa halip na sundin ang ibinulong ko sa kan'ya, iba ang ginawa niya na nagpagulat sa 'kin ng husto.
In front of so many people, he shamelessly cupped my face then kissed me on the lips.
At hindi ko namalayang tumutugon na pala ako sa halik na binigay niya sa 'kin.
Tangina, baka ma-guidance pa kami ng wala sa oras nito!
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top