13

Eavesdropping

'Di ako makatingin ng diretso sa kan'ya pagkatapos kong sabihin 'yon at sa halip ay umuna nang naglakad ng mabilis papalayo sa kan'ya. Mabuti nalang talaga at malapit lang ang lalakarin ko at do'n ko naisipan tumigil sa paglalakad kanina no'ng sinabi ko 'yon kay Felix.

Medyo nawala na rin ang natitirang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman nang sinabi ko ang tunay kong nararamdaman para sa gunggong na 'yon. Nakaka-miss pala siyang tawaging gunggong.

Pero, kapag nagkita ulit kami bukas ay baka wala akong mukhang maihaharap sa kan'ya pagkatapos kong isiwalat ang nararamdaman ko para sa kan'ya at sa pabigla kong pagwalk out sa mismong harapan niya. Nakakahiya kaya 'yon!

At bakit ko ba ginawa 'yon ng hindi man lang iniisip? Malamang dahil sa lumulukob na kahihiyang lumamang sa pakiramdam ko.

Pagkapasok ko palang sa bahay ay nandoon pa rin si 'My. Parang naghihintay talaga siya sa 'kin na umuwi. Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa oras at nakahinga naman ako ng maluwag dahil saktong alas otso ang pagdating ko sa bahay, tinupad ko rin ang nasabi ko kay 'My kanina, buti na lang talaga.

"Good night, 'My. 'Daming nangyari kanina habang nagdi-dinner kami sa bahay ng kaibigan ko, bukas ko nalang po sasabihin ang mga nangyari po ro'n. Magpapahinga na po muna ako, napagod kasi ako sa paglalakad." Kaagad na sinabi ko iyon kay 'My bago ko siya hinalikan sa pisngi at nagmano saka ako umakyat para dumiretso na kaagad ako sa kuwarto.

'Di pa rin kasi matanggal sa isipan ko 'yong nasabi ni Felix sa 'kin kanina tapos dumagdag pa 'ko. Baka parehas din siya sa ginagawa at kalagayan ko ngayon? 'Di ko alam, 'di naman ako lalaki.

Nakatulog naman kaagad ako dahil sa pagod at sa pag-iisip ko no'n habang nakatulala kabago-bago lang.

Kinabukasan naman ay napagdesisyonan ko nalang na 'wag ko nalang muna papansinin si Felix, baka tutubuan na naman ako ng hiya dahil sa mga nasabi ko sa kan'ya kagabi.

"I want you to know what I really felt... that I like you too, I really... really like you so sudden and surreal."

Pota, saan ko nga ba nakuha ang lakas ng loob ko kagabi at bakit ko naisipan aminin ang tunay kong nararamdaman para sa kan'ya? Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko sinabi 'yon. Char, slight lang naman.

Ngayon ko nga lang naisipan suotin 'yong uniporme ko para sa school dahil nawalan ako ng gana nang unang makita ko kung anong uri ng style ang uniporme ng mga Delians. Pero wala akong choice dahil kailangang-kailangan na raw itong suotin namin at baka hindi ako makapasok sa unibersidad. Tsk, daming arte ng unibersidad na 'yon.

Pagkababa ko ay saka ko lang naalala 'yongsinabi ko kay 'My kagabi. Magku-kuwento pa pala ako sa kan'ya kung ano'ng nangyari kagabi pero hindi lahat.

"Good morning, 'My!" bati ko kay 'My pagkapunta ko sa kusina. Nakahanda na rin ang mga pagkain do'n.

"Good morning din, 'nak. Kain ka na, 'nak," yaya ni 'My habang nakangiti sa 'kin.

"Aba, dapat ikaw rin, 'My. Paniguradong masasarap itong nakahanda rito kumpara kagabi," sabi ko. Sa amoy palang, alam kong mabubusog ako nito.

"Siyempre, specialty ko 'yan at paborito mo ang isa d'yan eh, 'yong piniritong talong na may kasamang pancit." Lumapad lalo ang ngiti ko dahil sa narinig kong sinabi ni 'My.

Fried eggplant with pancit? Sobrang sarap naman n'yan, matagal na 'kong 'di nakakatikim no'n magmula no'ng nasa ibang bansa si 'My para sa business trip niya ro'n.

Nang matapos kami manalangin ay roon ko na naisipan na sabihin kay 'My 'yong mga nangyari kagabi habang naghahapunan sa ibang bahay, specifically sa bahay ng parents ng ex—este 'yong kaibigan ko pala.

Nag-comment at nag-react pa nga si 'My matapos kong i-kuwento sa kan'ya ang nangyari kagabi. 'Di alam ni 'My na pamilya 'yon ng ex ko at wala pa 'kong planong sabihin sa kan'ya 'yon, naghahanap lang ako ng tiyempo, baka ayawan na 'kong gumala sa kung saan-saan kapag nalaman niya eh. Masyado rin kasing protective si 'My sa 'kin kaya gano'n.

"'My, punta na 'ko sa school. Ingat ka rito, bye!" paalam ko kay 'My pagkatapos at hinalikan ko pa siya sa pisngi.

"Ikaw ang mag-iingat, Shelo, baka mapaano ka pa sa daan," pabalik na paalala ni 'My sa 'kin habang iniipit niya 'yong natitira kong buhok sa tainga ko.

"Aba, sila ang mag-iingat sa 'kin, 'My. Alam ko na 'yong gagawin ko kapag may mangyari mang masama sa 'kin sa daan," pagmamayabang ko.

Umiling-iling nalang si 'My sa sinabi ko. "Anak nga talaga kita," natatawa niyang saad.

"Siyempre naman, 'My. Maganda rin kaya ako, mana rin sa 'yo eh," sabi ko at pagkatapos no'n ay napatawa kaming dalawa.

"Oh, siya, sige na, punta ka na. Baka ma-late ka pa eh mahaba-haba pa ang lalakarin mo," aniya pagkatapos naming tumahan sa katatawa.

"Good bye ulit, 'My!" Pahabol ko pang sigaw kay 'My nang makalabas ako sa bahay.

Nang nasa may pedestrian lane na ako ay naisipan kong tumawid dahil nakita kong p'wede na 'kong makatawid sa kabilang daan pero bago ko pa 'yon magawa ay may humawak sa magkabilang braso  ko dahilan para hindi ko na magawang maihakbang pa ang mga paa ko para magpatuloy sa paglalakad.

Sino ba 'tong dalawang kamay na humila sa 'kin? Nakakabanas naman!

Humarap ako sa kung sino mang nilalang ang nanghila sa 'kin para 'di ako makatawid sa kabilang daan.

Namilog ang mga mata ko dahil 'yong nanghila pala sa 'kin para mapabalik ako sa rating p'westo ko ay ang magkakapatid na parating nag-iinit ang ulo kapag kaharap ang isa't-isa, sila Felix at Flynn.

"Ano'ng ginagawa niyo ritong dalawa?" I exclaimed. Napasinghap din ako dahil nagtama ang paningin namin ni Felix pero ako ang umunang nag-iwas ng tingin. His piercing cold eyes are too instense that I can't even stand longer  meeting my eyes on them.

Sa halip ay tumingin ako kay Flynn na nakatingin sa 'kin ng may matipid na ngiti sa labi niya.

"Nakita kita na papalapit na sa pedestrian lane kaya naisipan kong sundan kita, Shel" sagot ni Flynn.

"I'm just following you around, Shelo," sagot din ni Felix pero hindi ko siya nilingunan at tumingin lang kay Flynn. Nagbingi-bingihan nalang ako sa sinagot ni Felix.

Gusto ko nga kasing iwasan siya, 'di ba? Kaya ito na 'yon, papanindigan ko 'yong sinabi ko. Saka mas lalo lang akong mahihiya kapag malingunan ko siya, isa pa baka maaaring tumagal ang pagkakatitig ko sa kan'ya at mapapahiya na naman ako kapag nakita rin niya 'kong nakatingin sa kan'ya. It's rude to stare nga raw kasi.

"Okay, una na 'ko ah?" 'Yon lang 'yong sinabi ko nang hindi pinapansin si Felix at nagpatuloy na sa paglalakad para makatawid na sa kabilang daan.

Unexpectedly, sumunod din sa 'kin si Flynn habang nakapamulsa. Bakit niya 'ko sinusundan? Isa pa 'tong desperadong kumag na 'to, magkapatid nga talaga silang dalawa, ang titigas ng mga ulo eh.

"Bakit mo 'ko sinusundan?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Gusto lang kitang makasama," simpleng sagot niya.

"Look, Flynn. Nakakairita ka na, alam mo ba 'yon? Ang kulit-kulit mo eh, sabing 'wag mo na 'kong aanuhin d'yan sa mga kalokohan mo at 'di mo na ako mapapabalik d'yan sa lungga mo," pagkaklaro ko.

"What? Gusto lang naman kitang makasama, why are you even explaining? Ang sabi ko rin naman ay hindi kita titigilan hangga't bumalik ka ulit sa 'kin," kampanteng sabi niya habang nakangisi.

Shit naman talaga oh! Ang kulit-kulit, punyemas! Mabuti nalang talaga at naisipan kong hiwalayan siya noon dahil isa rin 'to sa mga kinaiinisan ko sa kan'ya.

Hanggang sa makarating ako sa unibersidad ay nakakasabay ko pa rin si Flynn, at hindi ko rin namalayan na nakasunod na pala sa 'min si Felix. He stared at me with confusion and other unexplainable expressions he showed.

"Bumalik ka na sa paaralan niyo, Flynn. I don't need you here, get it?" utos ko at suminghap.

"Pumasok ka muna," nangingiting saad niya kaya nagtaka ako.

Nagkibit-balikat nalang ako at pumasok na sa loob. Nang makapasok na ako ay binalingan ko ulit ng tingin si Flynn na kumaway pa muna sa 'kin habang nakangiti bago siya umalis at nawala sa paningin ko.

Oo, may kaunti pa akong nararamdaman sa kan'ya pero may halo ng inis at poot dahil sa ginawa niya sa 'king panloloko noon.

Sana mabaling na ang buong atensiyon ko kay Felix.

"Bakit hindi mo 'ko pinapansin ngayon, Shelo?" Nagulat ako nang bumungad sa harapan ko ngayon si Felix habang nakatiim-bagang na nakatingin sa 'kin. Nakasakbit sa kan'yang kanang balikat ang strap ng kan'yang bag habang nakahawak ang kan'yang kamay ro'n sa bag, nakauniporme rin siya pero gulo-gulo ang buhok.

Umiwas kaagad ako ng tingin matapos ko siyang sinuri at ipagpatuloy na sana ang paglalakad para lumayo sa kan'ya nang hawakan niya ang braso ko.

"Answer my question, Shelo. Why are you being like this, again? Eh, kahapon, you just said that you like me and that's how you really felt for me all this time tapos ngayon, iiwasan mo na naman ako?" May halong pagkairita ang boses niya.

Ngunit hindi ako nagsalita kaya napabuntong-hinings nalang siya. Unti-unti na rin niyang pinakawalan ang braso ko kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad pero narinig ko pa 'yong sinabi niya.

"Mag-usap tayo mamaya at nang magkalinwan na tayo. I'm confused as fuck, Shelo. Your actions are driving me crazy because you're giving me mixed signals," he said with confusion and annoyance.

Tuluyan na akong naglakad ng mabilis para mapabilis ang pagpakapasok ko sa room. Kahit classmates kami ni Felix ay 'di ko pa rin siya kayang pansinin dahil may kaunti pa 'kong hiya na nararamdaman para sa sarili ko at sa sinabi ko sa kan'ya kagabi.

Nagtaka ako nang mabungaran ko sa labas ng pintuan ng room namin ay nakita ko 'yong pamilyar na mukha ng lalaki na naglalakad na papunta sa direksiyon na tinatahak ko.

He's Brent Collin Guevarra, right? Yhane's idol singer? Eh, bakit siya narito? Bakit galing siya sa room namin?

Napansin siguro niya ako kaya binatian niya ako ng pormal.

"Hello, Miss Shelo. You're Yhane's best friend, right? It's nice to finally meet you," nakangiting bati niya kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Hello, Mr. Brent. Yes, I am. Also, drop the 'Miss', I'm not really comfortable with it," sabi ko, tipid na ngumiti.

"Same as you've said to," aniya kaya napatango ako.

"Anyway, I have to go. I have schedules to attend to right now. Narito lang ako para ihatid 'yong kaibigan mo, naroon a siya sa room niyo," aniya.

"Hmm, sure. I know you're a busy person. Anyway, salamat sa paghatid ng kaibigan. It's a pleasure to finally meet you, too," nakangiting sabi ko. Nagtanguan pa muna kami bago ko naisipan na pumasok sa loob ng room.

Mabilis akong umupo sa upuan ko katabi si Yhane na parang nagde-daydream na naman kaya siniko ko siya dahilan para mapabalik siya sa ulirat. Annoyed na annoyed siya kaya 'di maiwasang matawa dahil sa reaksiyon niya.

"Hoy, 'di na 'ko updated sa inyong dalawa ni Brent. So, bakit ka hinatid dito? Hinatid ka pa talaga niya rito ah, baka pagkaguluhan siya ng babae rito eh, sikat pa naman 'yon at sigurado akong ang daming nagkakandarapa sa kan'yang mga babae kanina habang hinahatid ka niya papunta rito sa room natin," usisa ko.

"Oo, alam ko na 'yan pero hindi naman sila pinapansin ni Collin habang hinahatid niya 'ko kanina eh kaya kampante naman ako," kinikilig na komento niya.

"Eh, nagkadevelop-an na ba kayong dalawa?" Usisa ko pa.

"'Di ko alam but I think we are base sa mga ikinikilos niya, nagpapakita na rin ako ng motibo sa kan'ya, baka napansin na niya 'yong charms ko," she dreamily said then sighed.

"'Di 'yon tatalab sa charms mo 'no. Dapat umamin ka na kaagad, baka nga parehas pa kayo ng nararamdaman eh. 'Di lang puro kilos ang gagawin ah dahil mga manhid naman kayong dalawa, dapat dagdagan niyo rin ng salita, baka sakaling tumalab at hindi 'yang charms-charms mo na 'yan," pang-aadvice ko sa kan'ya.

"Himala na hindi mo 'ko gaanong kinontra ah," sabi niya na may kasamang singhap.

"Sundin mo nalang, p'wede?" Pambabara ko sa kan'ya.

Natawa ako ng mapasimangot siya at inirapan pa ako bago niya isinilampak ang sarili sa armchair.

Ngunit huminto ang tawa ko nang mahagip ko si Felix na papasok na sa room kaya ginaya ko rin ang ginawa ni Yhane pero may kasama ng isang pares ng headset.

Mayamaya lang ay pumasok na ang guro namin sa Filipino at nagsimula nang mag-discuss sa subject na 'yon.

Matapos ang klase ay nagsunod-sunod ang iba pang mga subjects like English, Hekasi, TLE, Math, at Science. Huli naman ang Values Education at P.E.

Nang matapos ang lahat ng subjects at mga discussions nito ay sakto namang nag-ring ang bell.

Nagpaalam ako kay Yhane, Thal at Chin na umuna akong umuwi para makaiwas kaagad kay Felix o 'di kaya'y kay Flynn.

Pero napasinghap ako sa gulat at muntik na 'kong makasigaw dahil may humila sa palapulsuhan ko para makalayo kaagad sa room. 'Di ko namalayan na nasa malapit na pala kami sa gate ng unibersidad tumigil.

"Let's talk, Shelo. I need a confrontation and I want to clear things between us," sabi ni Felix sa 'kin.

"Bakit? Bakit mo na naman ako iniiwasan pagkatapos mong aminin sa 'kin na may gusto ka sa 'kin? Kasi, nalilito ako, kung totoo ba 'yon o hindi, bumabase ako sa mga ikinikilos mo para sa 'kin," unang tanong niya.

Napabuntong-hininga ako at pumikit ng mariin bago nagsalita ng may lakas ng loob, sa wakas. "Because, I am shy, okay?"

He looked at me with confusion that is evident in his eyes. "What? But, why?" Naguguluhan niyang tanong.

"And also, it's because I'm afraid of what would might happen to me kung magpapadala ako sa nararamdaman ko para sa 'yo, I'm afraid to risk and liking someone again because of what your brother did to me before," nahihirapan kong wika.

Kusang tumulo ang isang butil ng luha ko dahil naaalala ko na naman 'yong ginawa ni Flynn sa 'kin noon at kung bakit nagawa niya 'kong lokohin kahit minahal ko lang naman siya.

Bigla nalang niya 'kong niyakap ng mahigpit dahilan para mapasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"I'm sorry for that. I was just confused because of how the way you treated me today when even though, yesterday night you confessed your feelings for me," he whispered. Pinapagaan niya ang loob ko.

Medyo nahimasmasan na 'ko kaya dahan-dahan akong humiwalay sa yakap niya at nginitian siya.

"Pasensiya na at nakita mo pa 'yon," I said then laughed. Pinalis ko ang natitirang tuyong luha na nakakalat sa mukha ko bago siya padasahan ng tingin.

"Thank you ha? Siguro nasagot na ang mga iniisip mo. Sige kailangan ko nang umalis, bye," paalam ko kaagad.

"Ihahatid na kita sa inyo, Shelo," he said voluntarily.

"'Wag na, kaya ko na 'to, 'wag nang makulit," sabi ko. Inunahan ko na siya at baka mangungulit na naman 'to sa 'kin.

Tumango nalang siya at hinayaan nalang ako kaya nginitian ko pa muna siya bago umalis.

Nang makalabas na ako sa unibersidad ay akmang magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang may mahagip ako na isang tao, parang may kausap ito kaya lumapit ako sa kanila hindi kalayuan, mabuti nalang may pagtataguan kaya roon ako nagtago at pinakinggan saka pinakatitigan 'yong taong 'yon.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat dahil nakita ko si Flynn. Siya 'yong nahagip ko! Teka, bakit siya nandito?

"Make sure you're not get caught up by your ex. I'm warning you, Flynn." Narinig kong wika ng isang babae. Parang kaedad ko lang siya eh.

"I know that, Emily. I just wish that Shel will be back again in my arms. Alam kong bibigay rin 'yon sa 'kin dahil hindi pa 'yon nakakamove-on sa 'kin. Tignan lang natin kung saan lang ang kayang gawin ni Felix para lang maagaw niya mula sa 'kin si Shelo, ayokong mangyari 'yon." Rinig kong komento ni Flynn.

Kaya pala ganoon siya ka-desperado para makuha niya ulit ang atensyon ko dahil may pakay siya sa 'kin pero hindi ko alam kung ano 'yon.

Sa tingin ba niya ganoon ako kahina at mabilis lang akong bumigay pagdating sa kan'ya?

Ganoon ba kababa ang tingin niya sa 'kin?

Nang marinig ko 'yon mula sa kan'ya ay nawala na ng tuluyan ang kaunti kong pagmamahal na nararamdaman sa kan'ya.

I'm furious, I am mad... and at the same time I want to feel alone again and I'm becoming weak again because of him.

This is what I get from eavesdropping about him.

Nakaka-trauma at nakakapagod.

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top