12
Tension
Some boys are not vocal with their feelings to the person who gives them those foreign feelings, gusto lang nilang ikimkim 'yon. Kumbaga, natotorpe silang umamin sa kanilang nararamdaman sa taong gusto nila.
Pero mukhang iba yata ngayon ang kaso dahil nandito ang pruweba kung bakit nag-iba ang nalalaman ko sa nararamdaman ng mga lalaki.
Siya? Si Felix? Ang kaibigan ko? May gusto sa 'kin?
"W...What?" Pinoproseso ko pa sa utak ko ang mga sinabi niya kabago-bago lang.
Bumuntong-hininga naman siya at pumikit ng mariin habang hawak-hawak pa rin niya ang damit ng braso ko.
"Gus... Gusto kita, Shelo. Ayan, maliwanag na ba 'yon... sa 'yo?" He stammered which made my heart go wild and throbbed but I tried to remain calm.
Sinalubong ko ang tingin niya. Napasulyap ako saglit sa kan'yang magkabilang tainga na parang namumula.
"B-Bakit ka naman magkakagusto sa 'kin, Felix, ha?" Tanong ko at dinagdagan pa nang awkward na tawa.
"Imposibleng magkakagusto ka sa 'kin kasi magkaibigan tayo. Alam mo naman 'yon, 'di ba?" sabi ko. Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa 'kin. Maski ako, hindi makapaniwalang nasabi ko iyon ng diretsahan.
"Lakas-loob kong inamin sa 'yo na gusto kita tapos... 'yan lang ang sasabihin mo? Na imposibleng magkagusto ako sa 'yo dahil magkaibigan tayo? I know that this is rare because we're friends but I want you to know what I felt for you all this time," pahayag niya.
"No, you didn't mean it. Baka naguguluhan ka lang, hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Naiinis ka lang kasi..." hindi ko matukoy kung ano ang sasabihin ko dahil sa uri ng pagkakatingin niya sa 'kin.
"Kasi ano?" Hamon naman niya kaya napalunok ako.
"Kasi alam mong pinagtuunan ko ng pansin si Flynn kahit pinaalalahanan mo na 'ko na iwasan muna siya pansamantala," palusot ko.
"That's bullshit, Shelo. Alam kong nagpapalusot ka lang kasi hindi mo matanggap na nagkakagusto na ako sa iyo," inis na sabi niya.
"Totoo 'yong sinabi ko, Felix," pagmamatigas ko.
"If that's true, bakit iniiwasan mo 'kong tignan? It's possible—no, it's a fact that you're lying." Kinakabahan ako sa maaari niya pang sabihin, baka matiklop ako ng wala sa oras at baka maamin ko sa kan'ya ang totoo kong nararamdaman para sa kan'ya.
Patuloy pa ring lumalakas ang tibok ng puso ko dahil magkalapit kami. Hindi ko nga namalayan iyon!
Sana naman mawala 'yong tensiyon na namumuo sa pagitan namin. Hindi ko pa kaya ng confrontation.
Even if he confessed to me that he really likes me, I'm not still fully convinced enough. Gusto ko 'yong may gawa, hindi 'yong puro lang salita na lumalabas sa bibig tapos hindi naman papanindigan. Ayaw ko no'n dahil natatakot na 'ko sa posibleng mangyari, ayaw kong mangyari 'yong nangyari sa 'min ng kapatid niya.
"Just what the heck are you doing to her, Felix?!" Umalingawngaw ang sigaw na 'yon ng isa pang taong dumagdag ng kaba ko.
Kahit ganoon ang pagkamuhi at kaba ang nararamdaman ko sa kan'ya ay gusto ko siyang pasalamatan sa pagkakataong ito. Medyo hindi na ganoon kalakas ang kabang nararamdaman ko.
Sabay kaming napatingin ni Felix sa tinig na 'yon ni Flynn at naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa damit ng braso ko kaya ginamit ko ang pagkakataon na 'yon para umiwas at lumayo sa kan'ya.
"Shel, are you hurt? What did Felix do to you? Bakit kayo nanditong dalawa?" Sunod-sunod ang tanong na ibinungad sa 'kin ni Flynn. Nakita ko pa sa kan'yang mga mata ang pag-aalala.
Akmang hahawakan niya sana ang balikat ko nang tabigin iyon ng kamay ni Felix at hinila niya ako saka itinabi na naman niya ako sa tabi niya.
Ramdam na ramdam ko na naman ang namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawang magkakapatid. Nakakapangilabot, it sent shiver down to my spine.
"What is it this time, asshole?" Madilim ang anyo ni Felix nang tanungin niya iyon kay Flynn.
Bago pa makasagot si Flynn ay nagpumiglas ako sa pagkakahawak sa 'kin ni Felix at pumunta sa pagitan nilang dalawa para awatin.
"Just please stop what you're gonna do to each other. Naiinis na ako sa inyong dalawa, sa totoo lang. Magkapatid kayo, naiintindihan niyo ba? How many times did I told you two to stop fighting over nonsense things?" Napa-frustrate kong paalala sa kanila na may halong inis sa tinig.
"Pasok na tayo sa loob, please lang. Ayoko ng away na mula sa inyong dalawa," dagdag ko pa bago ako umunang maglakad pabalik sa mismong papasukin ko dapat kung hindi pa ako hinila ni Felix sa kung saang lupalop man 'yon sa labas ng mansiyon nila.
Nang nasa harap na ako mismo sa pintuan ng mansiyon nila ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Bumukas iyon at bumungad ang nakangiting mukha ng isang kasambahay.
"Pasok na po kayo, Ma'am Garcia," anito at pinalaki ang awang ng pinto para papasukin ako.
Pagkapasok ko palang ay ang liwanag na ng buong mansiyon at huminto ang pagtitingin ko sa harapan ko. Nandoon si Tita D na binigyan ako ng mainit na ngiti at kay Tito Shawn na binigyan lang ako ng tipid na ngiti at tinanguan.
"Welcome back to our home, hija!" Tita squealed all of a sudden and then, she walk towards me for a quick hug before she pulled out. Lumapit din sa tabi niya si tito at gano'n din ang ginawa niya sa ginawa ni tita kabago-bago lang.
"Anyway, Manang Fe! Nasaan na 'yong dalawang anak ko?" Tawag ni tita sa nagpapasok sa 'kin kani-kanina.
"Eh, Ma'am Fayne, nasa labas po sila ng mansiyon. Hindi ko po alam kung ano ang ginagawa nila roon ngayon," sabi no'ng kasambahay na ang pangalan pala ay si Manang Fe.
"Papasukin mo na sila, manang. Nako naman itong mga batang 'to, oh. Alam nilang may bisitang paparating tapos ngayon nasa labas pa sila," utos ni tita at sumunod naman kaagad si Manang Fe.
Kung alam niyo lang 'yong ginawa ng mga anak niyo kanina, tita, malamang ganoon din ang gagawin mo sa ginawa ko sa kanila kanina pero alam kung mas masahol pa 'yon sa kaya kong gawin sa kanila.
"Uhm, punta na tayo sa hapagkainan, hija. Baka nagugutom ka na," yaya ni tita at inakay ako papunta sa dining room nila.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon sa kanilang hapagkainan. Paano ba naman hindi lalaki ang mga mata ko kung puro masasarap na pagkain ang nakahain sa lamesa tapos ang dami pa. May okasyon ba'ng nagaganap? Sa pagkakaalam ko, wala naman ah.
"Ang dami naman po nito, tita," sambit ko bigla kaya napatingin sa 'kin si tita.
"Ano ka ba? Ganito kami kapag may bisita, kahit isa pa ang bisita namin, ganito ang aming inihahanda, saka hindi naman masamang tumanggi sa grasya kaya i-grab na," she giggled. Napangiti ako dahil parang bata si tita kung umasta ngayon kumpara sa nakikita ko sa kan'ya kapag trabaho na ang pinag-uusapan. My heart enveloped warmth and special.
"I agree with my wife, hija. Don't complain and just appreciate what you see or more like to eat," biro pa ni tito kaya natawa si tita. Nahawa na rin ako sa mahihinang tawa ni tita kaya nagtawanan kami.
Habang nagtatawanan kami ay bigla nalang kaming napatigil nang makita namin na naglalakad papalapit sa 'min 'yong magkapatid. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang disgusto at pagkamuhi pero mas nakita kong lumamang 'yong kay Felix.
"Oh nandito na pala kayo, mga anak. Teka, bakit ganoon ang mga mukha niyong dalawa? Para kayong binagsakan ng langit at lupa." Nagtatanong ang mga mata ni tita habang sinasabi iyon.
"Wala ito, 'ma." Magkasabay iyong sinabi nilang dalawa. Nagpalipat-lipat ng tingin si tita sa kanila bago bumuntong-hininga. Nakita ko naman si tito na umiling-iling lang.
"Anyway, shall we eat na? Mainit-init pa kasi ito, baka lumamig," pag-iiba ni tita sa usapan.
"Tita, baka po manalangin muna tayo bago kumain?" Suhestiyon ko. Para kasi sa 'kin, parang may kulang kapag hindi ako nananalangin bago kumain.
"Ay, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan," ani tita nang makaupo kami sa sariling mga upuan.
Nanalangin kami nang pabulong at sabay-sabay. Pagkatapos no'n ay saka lang kami kumain.
Medyo hindi ko gusto ang namamayaning katahimikan dahil nararamdaman ko na naman ang tensiyon nang makita kong madilim ang anyo ng mga tingin ng dalawang 'to.
Yumuko nalang ako para iwasan iyon at tinuon ko nalang ang atensiyon sa sarap ng pagkain na kinakain ko ngayon.
Bigla nalang tumikhim si tita kaya naagaw niya ang atensiyon ng lahat.
"Hija, ipapakilala ko sa 'yo ang isang anak ko. Ito nga pala si Sean Flynn Dela Cruz, ang bunso kong anak na lalaki," pormal na sabi ni tita habang nakatingin kay Flynn na ngayo'y nakatingin sa 'kin. From my peripheral vision, nakatingin din sa 'kin si Felix.
"Sana makilala niyo rin ang isa't isa katulad ng pagkilala niyo ni Felix bilang magkaibigan," nakangiting sabi ni tita.
Tumango lang ako at ngumiti bago ako ulit dahan-dahang bumalik na kumain.
Ano'ng kailangan naming makilala ng husto ang isa't isa? Plano niyo ba akong i-torture, tita? Hindi ko na kailangan pang makilala ng husto itong anak niyo, tita, dahil magkakilala na kami, matagal na.
Pagkatapos kong kumain ay pinasalamatan ko sila tita dahil talagang nabusog ako sa sarap ng pagkain nila kahit naroon pa rin ang tensiyon.
Paano ba naman kasi hindi titigil ang tensiyong ito kung 'yong dalawang 'yon ay nagpapalitan ng tingin sa isa't isa habang madilim ang anyo ng mga mukha nila?
"Sige, tita. Uuwi na po ako, salamat talaga sa napakasarap na pagkain, talagang hahanap-hanapin ko 'yon," sabi ko.
"Nambola ka pa, hija. Oh, siya, para matahimik na ang kaluluwa ko, ipapahatid kita kay Felix, okay? 'Wag nang tumanggi, baka mapaano ka pa sa daan. Good bye and take care, hija!" ani tita at yumakap saglit sa 'kin.
And truth be told, inihatid nga ako ni Felix. Ang awkward ng atmosphere.
Malapit na kami sa bahay namin ni 'My nang maisipan kong tumigil sa paglalakad kaya napatigil din siya at humarap sa 'kin nang may pagtataka.
"Felix... uhm... about do'n sa nangyari kanina... yes, I didn't mean it, I didn't mean all of what I said earlier, naisip ko lang naman kasi 'yon dahil imposibleng magkakagusto ka sa 'kin na kaibigan mo. Hindi ko naman sinasabing masama kang magkagusto sa 'kin pero sa palagay ko, hindi mo dapat ako magustuhan dahil hindi mo pa 'ko gano'n kakilala kahit pa magkaibigan tayo, and also..." I trailed off. Yumuko ako para kumuha ng lakas ng loob at huminga ng malalim.
"I wanted you to know what I really felt... that I like you too, I really... really like you so sudden and surreal."
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top