11
Confess
Hindi pa nagda-digest sa utak ko 'yong natama kong hula at 'yong sinabi ni Felix kay Flynn nang marinig ko na naman ang kanilang boses na parang nag-aaway na.
[I have something to deal with her and it's none of your business] paninisi ni Flynn sa kabilang linya.
[I know what you've been doing about her. Gusto mo siyang balikan kahit tinataboy ka na niya, what a desperate act] pangungutya ni Felix.
[Say that again] nagbabantang tinig ni Flynn.
[You're so desperate to get her attention back to you—]
"Tama na nga 'yan! Ano ba kayo, ha?!" Sumabat na ako dahil delikado na ang patutunguhan ng pag-uusap nila.
"Flynn, kung 'yan lang ang gagawin mo sa 'kin, 'wag mo nang susubukan pa dahil sinabi ko na sa 'yo no'n na ayaw ko na. 'Wag nga kayong mag-away at isa pa, magkapatid kayo! I'm going to hang this phone up, naiinis ako sa inyong dalawa," masama ang loob na wika ko at pinindot ang end call.
Inilapag ko ang cellphone ko sa vanity table at pabagsak na inihiga ang sarili sa kama, inihilamos ko pa ang mukha ko dahil sa nasaksihan ko sa tawag na 'yon.
Hindi ba makaintindi itong si Flynn at patuloy pa rin siyang nagpapansin sa 'kin para lang bumalik ako sa kan'ya? Nababaliw na ba siya?
Si Felix naman... hay, ewan ko ba sa kan'ya bakit gano'n na lang ang reaksiyon at pananalita niya kay Flynn?
Maybe I'll need some rest to calm my mind a bit from thinking those freaking things.
Kinabukasan ay nagpaalam kaagad ako kay 'My at kinuha lang ang natitirang sandwich sa lamesa saka ako lumabas ng bahay. Magtatrabaho na ulit ako, baka nandoon lang si Isse, nami-miss ko na 'yon.
Nang nasa may kalye na ako ay biglang may kumalabit sa 'kin kaya napatigil ako sa paglalakad at tinignan kung sino 'yong taong 'yon. I rolled my eyes as I saw Yhane and then, I continued to walk.
"Aba, hindi na namamansin dahil may Felix na kasama ngayon?" She hilariously said.
"Kumusta na kayo ng idolo mo?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Nothing new naman pero may kutob ako na..." she trailed off.
"Na?"
"Na may gusto siya sa 'kin—"
Bigla nalang akong napahagalpak sa tawa dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang at wala pang masyadong tao rito kaya malaya akong nakakatawa.
"Sana mabilaukan ka kakatawa," ani pa ni Yhane pero tuloy lang ako ng tuloy sa pagtawa.
"Paano mo naman nasabi 'yan, ha?" Natatawa ko pa ring saad mayamaya pero hindi na gano'n kalakasan.
"Kasi naman, kapag may lumalapit sa 'kin na lalaki, tinataboy niya in a formal way tapos minsan nakikita ko pa siyang may masamang tinitignan at naka-grim 'yong mukha niya, parang ganito oh," sagot niya at idi-nemonstrate pa niya 'yong grim na mukha ng singer na 'yon.
Napaarko ako ng kilay at nagsalita. "'Di bagay sa 'yo."
Napanguso naman siya kaya gusto kong matawa.
"Nagfe-feeling ka lang siguro, some people say... assumera ang tawag do'n," pang-iinis ko kaya tinignan niya ako ng masama.
"Tse, epal ka talaga!" Kukurutin niya sana ang tagiliran ko nang makailag ako at tumakbo ng natatawa. Hinabol niya rin ako habang sumisigaw kaya mas lalo akong natawa.
Pagkarating namin sa milk tea shop ay pumasok kaagad kaming dalawa. Tinitignan ko pa kung nandito ba sa shop si Isse pero nabigo ako nang wala akong makitang anino niya. Nag-aalala na ako sa kan'ya, sana naman maayos lang ang kalagayan niya ngayon.
"Long time no see, hija." Napalingon kaagad ako sa pinanggalingan ng boses at napangiti saka lumapit.
"Oo nga po, eh. Uhm, Manager D—"
"Tita D nalang ang itawag mo sa 'kin, hija, sinabi ko naman 'yon sa bahay ko, 'di ba?" aniya. Nahihiya kaya akong bigkasin 'yon!
"At saka, magkaibigan naman kayo ng anak ko na si Felix kaya p'wedeng-p'wede mo na 'kong tawagin no'n," dagdag pa ni Manager—este Tita D habang nakangiti. 'Di ako sanay na tawagin na tita ang nagmamay-ari ng milk tea shop na 'to dahil lang sa anak niyang muntik na naman makipag-away kagabi!
"Hehe, okay po Manag—Tita D." Muntik ko na namang malimutan 'yon.
"Magsisimula na po 'kong magtrabaho, tita," pag-iiba ko sa usapan.
"Okay, pero 'wag masyadong magpakapagod ah? Half day lang kayo ngayon," aniya.
"Po? Akala ko whole day, ready na ready pa naman akong magpakapagod ngayon," biro ko.
"Yes, half day lang ngayon, my workers need rest and bondings from their families, and also, I want to invite you to have dinner in our house tonight," pang-iimbita ni tita sa 'kin kaya nanlaki ang mga mata ko.
Ayaw kong makita ang dalawa ngayong gabi dahil baka magkaroon na naman ng tensiyon iyong dalawa at baka humantong iyon sa away. Swerte ko nalang no'ng ginawa namin ni Felix ang dapat na aanuhin sa project at no'ng ibinigay sa 'kin ni Tita D 'yong sweldo ko dahil wala si Flynn no'ng mga panahong 'yon.
"Ah, tita... nakakahiya naman po, hindi niyo naman ako kaano-ano—"
"Kaibigan ka kaya ng anak kong si Felix at gan'yan talaga kami magwe-welcome ng bagong kaibigan niya kaya 'wag ka nang magtaka pa, at isa pa, I want to meet you his brother, hindi mo pa naman 'yon kilala, 'di ba? Ngayong gabi ko ipapakilala itong isa kong anak sa 'yo," putol ni tita sa dapat na sasabihin ko.
Napatigil ako ng tuluyan sa pagsasalita nang sabihin iyon ni tita. Magkakilala na kami ng isang anak niyo po, tita! And, the fun fact is that we're exes! Kapag nagkita kami ulit, baka maging desperado na naman 'yon na makuha ako ulit at ayokong mangyari 'yon.
"Papayag 'yan si Shelo, Miss D. Nandoon kasi si Felix, 'di ba Shelo?" Sumabat nalang bigla si Yhane at nagulat ako nang magkatabi na pala kami, nakangiti siya ng mapanuya. Nang-aasar na naman itong loka-loka kong kaibigan.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero ngumisi lang siya.
Nakakahiya mang tanggapin pero ayaw ko namang tumanggi dahil si tita ang nag-imbita sa 'kin, baka madismaya si tita kaya tumango nalang ako at pilit na ngumiti.
"Well then, I'll see you later, hija. Thanks for accepting my invitation," sinserong pasasalamat ni tita sa 'kin bago siya kumaway at nagpaalam na bumalik na sa opisina niya.
Ako naman ito, nakatulala habang inaalala kung ano ang posibleng mangyari mamaya dahil pumayag ako sa invitation ni tita.
"So, talagang pumayag ka dahil nandoon si Felix, ah?" Napabalik ako sa ulirat nang magsalita si Yhane.
Nakangisi pa rin siya habang nakataas-baba ang kilay. Panira talaga itong gagang 'to!
"Gusto mo bang batukan na naman kita, ha? Wala akong paki kahit magkaibigan lang tayo," banta ko sa kan'ya at tinignan siya ng masama pero binelatan lang niya ako.
Inirapan ko nalang siya at papadyak-padyak na pumasok sa loob para suotin 'yong apron at kung ano pa man na susuotin ko para sa trabaho. Ngumiti at bumati ang iilan sa mga kasamahan ko kaya gano'n din ang ginawa ko kahit naiinis pa rin ako kay Yhane.
Nang matapos ay pumunta ako sa katabi lang ng cashier dahil nandoon ang mga sangkap at machine sa paggawa ng milk tea.
Mabuti nalang at hindi gaanong matao ngayon kumpara sa mga nakaraang linggong pagtatrabaho ko rito kaya hindi ako masyadong nahirapan sa paggawa ng milk tea kahit wala si Isse para tulungan ako.
Hindi ko pa rin sinasabi kay 'My na nagtatrabaho ako rito, baka patigilin ako rito eh kahit gusto ko na rito at nasanay na 'ko magtrabaho rito. Another hobby of mine, indeed.
Nang magtanghali ay saka lang kami naghanda para sa pag-alis at pagsara ng shop dahil half day nga sabi ni tita. Nang matapos naman ay roon na ako nagsimulang mag-isip kung ano ang p'wede kong suotin mamaya sa bahay nila tita. Gusto ko lang 'yong simple pero may style, ang kaso lang, hindi ako marunong bumagay ng mga damit sa magkaibang istilo at kulay. Wala ako gaanong fashion sense.
"Shelo, p'wede mo ba 'kong samahan sa concert ni Collin pagkatapos nating kumain? Gusto ko ulit siya makita eh." Nagsalita na naman si Yhane.
"Kakakita niyo nga lang no'ng isang araw tapos ngayon, gusto mo ulit siya makita? Are you insane, bebs?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Ngunit hindi niya yata napansin ang tanong ko dahil nakita ko siyang napapangiti nalang bigla, parang nagde-daydream kaya napailing-iling nalang ako at napabuntong-hininga. Malakas na nga talaga siguro ang tama nitong kaibigan ko sa iniidolo niya.
"Okay, sure, I'll go with you but just this once," paalala ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti ni Yhane dahil sa pagpayag ko.
"You're the best friend talaga!" She chuckled and so, I rolled my eyes once again. Kanina pa ako irap ng irap dahil sa gagang 'to.
"Pero bilang bawi, kailangan mo 'kong pilian ng damit para sa susuotin ko mamaya sa bahay nila tita," dagdag ko pa. Tumango-tango naman siya kaya napangiti ako.
"Oo naman, ano ka ba? May fashion sense kaya ako, tiwala ka lang sa 'kin, 'di naman kita papabayaan na magsuot ng expose na damit na ikahihiya mo mamaya," biro pa niya.
"Loka-loka ka talaga eh 'no?" sabi ko pero tanging tawa lang ang isinagot niya. Malala na talaga 'to.
"Ang ganda talaga ng boses ni Collin, nakaka-inlove..." Yhane dreamily sigh while watching her idol singing while performing on stage. Nakakarindi ang hiwayan ng mga tao rito kaya tinatakpan ko nalang ang magkabila kong tainga para ihanda ang sarili ko sa mga hiyawan at tilian nila.
Obssess na obssess talaga sila sa singer na 'to, hindi ko naman ipagkakaila na maganda talaga ang boses ng idolo ni Yhane kaya siguro naadik ng tuluyan itong kaibigan ko sa kan'ya pati na rin ang iba pang mga naghiyawan at nagtiliang mga tao rito na fans niya.
"To the only girl who made my heart go wild and race so fast, this one is for you." Nagtilian ang ibang mga kababaihan dahil sa sinabi ng singer.
Mas lalong naghiyawan ang mga tao nang magsimula na naman itong kumanta. The crowd goes wild! Makabasag-eardrums naman ang mga tilian at hiyawan nila, hindi ko kinaya! Naririndi talaga ako!
Nakita ko si Yhane na todo rin makasigaw at parang hindi pa naririndi kaya gusto ko nalang humiling na sana ako siya. How to be my best friend?
Pagkatapos na pagkatapos sa concert ay mabilis kaagad akong lumabas pero si Yhane ay nanatili pa rin sa loob. Sigurado akong nag-uusap 'yong dalawa ngayon. Baka ma-issue sila kapag nakita sila ng mga fans no'ng idolo niya 'pag nagkataon.
Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa nakalabas na rin sa wakas si Yhane at parang asong ulol kung makangiti nang mabungaran ko ang mukha niya.
"Hoy, okay ka lang?" Tanong ko sa kan'ya nang makalapit siya sa 'kin.
"Mahihimatay yata ako sa kilig..." aniya kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Mamaya na nga 'yang pagde-daydream mo, umuwi na tayo at baka hinahanap na pala ako ni 'My saka ipaghahanda mo pa ako ng susuotin ko mamaya," pagyayaya ko na sa kan'ya.
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at hinigit ko na kaagad ang palapulsuhan niya para makaalis na kaagad.
Nang makauwi ay nagmano pa muna si Yhane at humalik pa muna ako sa pisngi ni 'My bago kami umakyat papunta sa silid ko.
Nang makapasok ay hinayaan ko na siya sa cabinet ko at ako nama'y mabilis na nagpalit ng damit-pambahay dahil mamaya pa naman ang dinner na 'yon sa bahay nila tita.
"Eto oh, bagay sa 'yo," ani Yhane at ipinakita sa 'kin ang damit na ibinalandra niya sa harapan ko. Tumango naman ako at kinuha iyon mula sa kan'ya.
"Sana mabilaukan ka mamaya habang kumakain kayo dahil sa ginawa mong pag-eepal sa 'kin kani-kanina lang," sabi niya at binelatan ako. Hindi nalang ako gumanti dahil baka ako pa rin ang talo sa pagitan naming dalawa.
Nagpaalam kaagad ako kay 'My na sa iba nalang ako maghahapunan dahil may nag-imbita sa 'kin para hindi na niya kailangan pang magluto. Mabuti nalang at pumayag naman si 'My kaya hindi ko na kailangan pang magpaliwanag.
Naghintay pa ako ng ilang oras habang inaabala ang sarili sa mga gawain sa bahay. Nang mapansin kong nagdidilim na sa labas ay senyales na 'yon na dapat na akong magpalit na naman ng damit at tuluyan nang magpaalam kay 'My.
"Ganda mo ngayon 'nak ah, bagay na bagay sa 'yo," nakangiting puri ni 'My nang makita niya 'ko sa sala.
Humalik ako sa pisngi niya at nginitian din siya.
"Salamat, 'My. Mana sa 'yo eh. Anyway, alis na 'ko, 'My, uuwi ako ng mga 8:00," paalam ko kaya tumango siya.
"Mag-ingat ka parati, 'nak," paalala niya bago ako lumabas ng bahay.
Huminga ako ng malalim at pinanatiling kalmado ang sarili ko while on the way to Tita D's house. Wala naman sigurong mangyayaring hindi kaaya-aya kapag nandoon na ako, 'di ba?
Nang nasa bahay na nila ako ay paulit-ulit akong nagbubuntong-hininga dahil sa kaba at hindi maipaliwanag na pakiramdam.
"Ma'am Shelo, hinihintay ka na po ni Madam Fayne sa loob, pasok na po kayo," sabi ni manong guard kaya nginitian ko siya.
"Salamat, manong," sabi ko nang makapasok ako sa loob ng bahay nila.
Pero nang akmang papasok na ako sa mismong bahay nila ay may humila sa palapulsuhan ko at hinatak ako papalayo ro'n kaya nagulat ako.
Naramdaman ko namang tumigil na ako at sa humila sa palapulsuhan ko kaya tumingin ako sa taong 'yon. Felix.
"B-Bakit mo ba 'ko hinila rito? Ginulat-gulat mo pa 'ko, ikaw lang pala ang humila sa 'kin," sabi ko at marahang tumawa habang awkward na pinakikiramdaman ang paligid.
"Bakit hindi mo 'ko matignan ng diretso, Shelo?" Tanong niya kaya mas lalong naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
"Dahil ba 'to sa nangyari kagabi?" Dagdag pa niya kaya napapikit ako ng mariin.
Hindi ako nagsalita at naghanda na sanang iwanan at iwasan siya nang hawakan na naman niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako.
"At ngayon iiwasan mo ako?" aniya.
"H...Hindi naman sa gano'n," sabi ko. Nagsimula na ring mamula ang pisngi ko dahil sa hindi maipaliwanaga na pakiramdam.
"Tignan mo 'ko kung gano'n," utos niya.
"Felix... gusto ko nang pumasok sa loob," pakiusap ko pero nagmatigas siya.
"Tignan mo 'ko," ulit pa niya.
Nainis ako dahil doon. Hindi ba niya napapansin na naiilang ako sa ginagawa niya sa 'kin ngayon?
"Felix ano ba? Bakit mo ba ginagawa 'to?" Inis na tanong ko sa kan'ya.
"What? Mahal mo pa rin ba 'yong Flynn na 'yon kaya gusto mo nang pumasok sa loob para balikan siya? Sinabi mo sa 'kin no'n na ex mo siya at hindi mo na siya babalikan pero baka ngayon bibigay ka naman sa kan'ya 'pag nakita mo siya." Makapanindig-balahibo 'yong pagkakasabi niya no'n.
"Bakit? Naiinis ka ba dahil lang doon? Eh, ano naman 'yon sa 'yo? Kaibigan lang naman kita," sumbat ko sa kan'ya.
Napahilamos siya sa sariling mukha at umigting ang panga niya.
"Hindi ako naiinis dahil... nagseselos ako. Gusto kita, Shelo, kaya ako ganito sa 'yo ngayon. Hindi mo ba 'yon nahalata man lang dahil lang sa Flynn na 'yon?"
༺════════ ◖◍◗ ════════༻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top