10

Brother

After weeks of practicing hiphop together with Felix, I kinda love and felt used to it. Dala na rin siguro sa palagi naming pagpa-praktis at pagtatambay sa rooftop pagkatapos ng klase, minsan pa nga, e, maaabutan kami ng gabi sa pagpa-praktis pero sa terasa lang ng bahay namin ni 'My kami nagpa-praktis kapag ganoon na 'yong oras at makikita ko pa ang maliwanag na crescent kaya nai-inspire ako no'n.

Ngayon naman ang pagpe-present namin sa quadrangle about sa hiphop for P.E. Lahat ng taong naroon ay manunuod sa seksiyon namin since kami lang ang may ganitong event kapag malapit na ang moving up for grade eleven.

Depende naman sa 'min kung gusto ba namin na individual lang o may kasama ng isa o ka-grupo. Iba naman sila Yhane, Thal, at Chin. Panigurado na silang tatlo ang magkakasamang magpe-perform. Ewan ko ba sa kanila, lalong-lalo na kay Yhane, kung bakit hindi nila gusto na makasama kami sa pagpe-perform or baka may binabalak siguro itong gagang kaibigan kong ito.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong nalang bigla ni Felix sa 'kin pagkatapos kong mag-monologue sa sarili ko.

"Hindi 'no," kontra ko kahit sa palagay ko ay nanlalamig at nanginginig ang aking kamay dahil sa kaba.

"Eh, bakit parang nanginginig ka? Dine-deny mo ba na hindi ka kinakabahan?" May pangungutya sa kan'yang boses.

Siniringan ko lang siya at hinayaan siya na asarin ako hanggang sa mapagod siya dahil pakiramdam siguro niya'y wala iyong talab sa 'kin 'yong pang-aasar niya.

Nang makarating na kami sa backstage  sa stadium ng quadrangle, naghanda na kaagad kaming dalawa kahit pakiramdam ko'y nagsisimula na namang manginig ang aking kamay kahit pinapakalma ko na iyon bago kami nakarating dito.

"Kalma ka nga lang d'yan, Shelo. Baka ma-epic fail ito kapag magsasayaw na tayo kung gan'yan pa rin ang pakiramdam mo eh," ani Felix kaya tinignan ko naman siya ng masama.

"Tse! 'Di ka nakakatulong, mas lalo mo lang pinapalala," paanas kong saad.

Ngumisi siya sa 'kin at nagsalita. "Just heave a deep breath. Inhale, exhale..."

Nang makitang sumusunod ako sa kung ano'ng sinasabi niya ay malapad siyang napangiti.

"'Yan! 'Yan nga! Dapat kalma ka lang, wala namang magagawa 'yang kaba mo kung mage-enjoy ka lang din naman sa pagsasayaw mamaya," he said confidently.

"Oo na, oo na. 'Di mo na ako kailangan pangaralan," sabi ko nalang para matigil na siya sa pagsisimula na naman niyang magmalaki.

Second to the last kami kaya todo kami sa paghahanda para sa sayaw namin mamaya. Marami na ang nakatapos na sa kanilang pagsasayaw dahil mabilis din naman ang pinagpe-present nila.

Now, it's our turn to dance at the stage. Nang tumigil kami sa gitna at harapan sa maraming tao ay todo sila hiyawan sa 'min. 'Yong iba nangchi-cheer sa 'min at 'yong iba nama'y tinutukso kami kaya 'di ko mapigilan na pamulahan ng pisngi pero palihim lang iyon.

Geez, ano ba 'tong nararamdaman ko all of a sudden?

"And now, let's welcome the two students of the same section which is Section A1, Mr. Shan Felix Dela Cruz and Ms. Shelomith Grace Garcia! A round of applause please!" Sigaw ng emcee sabay palakpak kaya nagpapalakpakan din ang mga tao sa 'min bago kami nag-perform.

Nang matapos ay gano'n pa rin sila kung todo maka-cheer at makasigaw dahil sa galing daw namin sumayaw. Pinagpapawisan na rin ako at inuuhaw pero nginitian ko pa rin sila.

"Wooh! Ang galing-galing niyong dalawa!" Sigaw ng kung sino at nagsunod-sunod iyon kaya napakunot ang noo ko dahil pamilyar ang mga tinig nila kaya napatingin ako sa pinanggalingan ng mga sigaw.

Si Yhane, Thal at si Chin lang pala iyon. Nagmo-moral support siguro itong tatlong 'to sa 'min.

"Bagay na bagay kayong dalawa ni Felix, Shelo!" Dagdag pa ni Yhane na sinang-ayunan ni Thal kaya sinamaan ko sila ng tingin pero tanging tawa lang ang itinugon nila kahit pinamumulahan na naman ako ng pisngi ko.

"Bagay raw tayo, oh? Sabi ng mga kaibigan mo tapos hindi mo rin idi-neny... hmm," nakangising sabat ni Felix sa tabi ko pagkarating namin sa backstage.

"Eh kung bibigyan nalang kaya kita ng sapak para matahimik ka d'yan sa paggagawa mo ng malisyosong bagay, ano?" Inambahan ko rin siya ng suntok kaya napailag siya at tumawa ng bahagya.

Inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita. Nang makita ko silang Yhane at Thal ay mabilis akong lumapit sa kanila at kinurot ko ang kanilang tagiliran kaya napaigik sila.

"Ang mga malisyosa niyo kaya bagay lang 'yan sa inyong dalawa," sabi ko kaya napatawa si Chin sa kanilang dalawa.

"Ang bad mo sa 'min, bebs. Nagtatampo na ako, 'di na kita bati! Hmph!" Kunwaring pagtatampo ni Yhane sa 'kin kaya napatawa ang dalawa pero inirapan ko lang itong si Yhane.

"'Di mo ako madadala sa mga pagganyan mo, bebs," pagmamatigas ko kaya nag-pout siya pero mayamaya lang ay ngumiti at lumapit sa 'kin sabay akbay sa balikat ko.

"Bati na pala tayo dahil tinawag mo 'ko sa callsign natin," she said then chuckled.

Kaibigan ko ba talaga ito? Bakit hindi ako gano'n katopakin kung matagal ko na pala siyang kaibigan? Joke, mahalaga rin sa 'kin itong may pagka-gaga kong kaibigan.

"Congratulations to the winner of the HipHop Grade 10 Presentation, Mr. Shan Felix Dela Cruz and Ms. Shelomith Grace Garcia! You both deserve the win!" Pagtatanghal ng emcee mayamaya sa pagkapanalo namin sa HipHop Grade 10 Presentation.

"Congrats din sa mga sumali sa presentation! Ang gagaling niyong sumayaw!" Dagdag pa ng emcee at mas lalong naghiyawan ang mga tao sa paligid namin.

'Di ako makapaniwala na kami pala ang mananalo sa presentation dahil mas maganda 'yong iba sumayaw kaysa sa 'kin. Kaya siguro kami nanalo dahil kay Felix. Hindi naman ako ganoon kagusto ang pagsasayaw simula pagkabata ko palang pero binigyan ako ng konting confidence ni Felix para magtiwala sa sarili kong kakayahan na magsayaw kahit medyo nahihirapan ako sa una. Na-enjoy ko naman 'yong pagsasayaw but not to the point na paglalaanan ko 'yon buong araw at oras, mas gusto ko pa rin tumatanaw sa labas ng terasa sa bahay namin dahil sa maliwanag na full moon.

Binigyan lang kami ng sash at pagkatapos ay nag-bow pa kami bago bumalik sa backstage.

Nagulat ako ng salubungin ako ni Felix ng higpit na yakap habang tumatalon sa tuwa imbes na ako dapat ang gumagawa niyon sa kan'ya dahil siya 'yong dahilan kung bakit napanalo namin ang pagsasayaw ng hiphop ngayon kahit alam kong nakakahiya.

"'Oy! Nagyayakapan na ang dalawa! Ayiee!" Biglang may nanukso sa 'ming dalawa kaya napapitlag ako at mabilis na humiwalay sa higpit ng yakap na ibinigay ni Felix sa 'kin.

"Binibigyan niyo na naman ng malisya! Wala lang 'yon 'no! Normal lang 'yon dahil masaya siya na panalo kami sa presentation kanina!" Kontra ko kaagad dahil nandoon pa rin ang malisyosong pagkakatingin sa 'kin ng mga kaibigan ko. I heard Felix playfully chuckled beside me so I gave him a glare.

"Sounds defensive 'yon ah?" Sinamaan ko rin ng tingin ang mga kaibigan ko lalong-lalo na si Yhane na nakangisi sa 'kin nang ilipat ko sng tingin sa kanila at no'ng narinig ko 'yong sinabi ni Yhane.

"Tse! Kung 'yan ang paniniwala niyo, e 'di go! Wala akong paki!" Masama ang loob na komento ko kaya napahagikhik sila.

Nang papauwi na kaming dalawa ni Yhane dahil nagpaalam na kami nila Thal, Chin, at Felix ay mabilis ko siyang binatukan dahil sa mga pinagsasabi niya sa 'kin na mga fake news na naman!

"Nakakadalawa ka na sa 'kin, Shelo ah. Kung hindi ka talaga titigil, ipangangalandakan ko talaga kay Tita Sherly na may kalandian ka na sa unibersidad at nagpa-part time job ka na," banta pa niya sa 'kin kaya napatigil ako at sinamaan siya ng tingin.

"'Di mo ako maloloko, bebs. Alam kong nangsa-scam ka lang," seryoso kunwari kong sambit.

Matagal bago siya nagsalita at nagulat ako ng bigla siyang napahalakhak kaya napatingin ang karamihan sa mga tao sa 'min. Siniko ko kaagad siya sa tagiliran para patahimikin, kitang nasa labas pa kami. Tsk.

"Bakit nalaman mo kaagad?" Tumatawa pa rin niyang tanong kaya napahilamos nalang ako sa mukha at napailing-iling.

"Sabi ko, alam kong malamang sa malamang talaga na nangsa-scam ka," I repeated.

"Oo na, oo na. Anyway, roon muna ako sa bahay niyo matutulog ah? Tatawagan ko lang si Mama 'La pagkarating natin doon," aniya at inakbayan ako. Tumango naman ako at nagpatangay sa kan'ya.

Nang makauwi na kaming dalawa ay sinalubong kami ni 'My sa labas ng bahay at pagkatapos no'n ay naghapunan and talk about random stuffs. Muntik na rin madulas si Yhane tungkol sa pagpa-part time job ko pero mabuti nalang at napansin ko 'yon kaagad at pinatid ko siya sa ilalim ng mesa.

Matapos niyon ay umuna nang umakyat si Yhane sa guest room habang kami namang dalawa ni 'My ay naiwan dito sa sala na nakahilig ako sa balikat niya at nakahawak si 'My sa isang braso ko.

"'Nak," tawag ni 'My sa pansin ko.

"Yes, 'My?" Tugon ko naman habang nakangiti.

"May nagugustuhan ka na ba ulit?" Biglang tanong niya kaya pinamulahan ako ng pisngi.

"Po?" Pag-uulit ko.

"May nagugustuhan ka na ba ulit?" Tanong niya.

"Opo, 'My," pag-amin ko kay 'My at pati na rin sa sarili ko.

Nakita kong bigla nalang ngumiti sa 'kin si 'My kaya napaangat tuloy ako ng tingin sa kan'ya.

"Nagdadalaga na naman ang anak ko," biro pa ni 'My kaya napatawa na rin ako.

"Matagal na akong dalaga, 'My," komento ko rin habang natatawa.

"Pero limitado muna ang pagkakagusto mo sa kan'ya ha? Prioritize your studies first and also kung gusto niyang manligaw sa 'yo dahil may gusto siya sa 'yo, papayagan ko para sa 'yo pero dapat 'yong kayang maghintay ng ilang taon para sa 'oo' mo, para hindi na mangyari 'yong nakaraan," she said.

"Sure, 'My." Sinang-ayunan ko nalang si 'My dahil totoo rin naman ang sinasabi niya, prioritize ko pa muna 'yong studies ko sa ngayon.

Nag-usap pa muna kami tungkol sa presentation namin kanina at kung bakit may sash akong dala-dala bago ako umakyat sa sariling silid ko.

Pero nang mismong sinara ko na ang sariling pinto ay saka naman nag-ring ang cellphone ko na nasa bag. Nagva-vibrate rin kasi iyon at umiilaw kaya kinuha ko iyon.

Napangiti nalang ako sa sarili dahil 'yong tumatawag sa 'kin ay si Felix lang pala kaya sinagot ko na iyon at itinago ang ngiti ko. Parang timang.

"Hello, Felix? 'Napatawag ka?" Bungad kong tanong sa kan'ya. Ba't naman siya tatawag sa 'kin ng ganitong oras?

"U-Uh... good evening, S-Shel?" Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sa tinig na 'yon. Naging seryoso na rin ang ekspresiyon ko.

"Ba't mo hinablot 'yong cellphone ko, Flynn?!" Nakarinig ako ng pamilyar na bkses kaya dumadagundong ang puso ko.

"I just want to talk to her, Felix! Just give me one minute," desperadong sabi ni Flynn kaya hindi nalang ako nagsalita at sa halip ay nakinig nalang sa kanila. Hindi ko alam kung bakit tumatambol ng malakas iyong puso ko sa posible kong maririnig.

"Her? Who is 'her' you're talking about?" Napapantastikuhang tanong ni Felix kay Flynn.

"Shelomith, bro," sagot naman ni Flynn kay Felix. This time, gumamit na ng bro si Flynn kay Felix kaya nagsimula na akong mag-conclude. Pinagtatagpi ko ang mga pinagsasabi nila hanggang sa may hula ako.

"What do you fucking want about her? And, don't ever call me 'bro' again because I never treated you as my brother."

Kaya pala gano'n nalang ang ekspresiyon ni Felix no'ng sinambit ko sa kan'ya ang buong pangalan ng ex ko at kaya pala magkaparehas sila ng apilyedo.

Because they are fucking siblings!

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top