1

First Day Target

"Saan ka mag aaral ngayon na malapit na ang pasukan?" Tanong niya kaya napaisip ako.

"Hindi ko alam. Kung saan ka gusto mag aral, doon na lang ako," sagot ko. Nakita ko naman siya na napatango tango saka tinuwid na ang ulo niya at hinawakan niya ang terasa.

"Sa Dela Cruz University ako pag aaralin ni Mama 'La. Ang mahal ng tuition fee doon, bebs. Sigurado bang mag aaral ka rin doon? Kaya mo ba?" Tanong niya habang nag aalalang tumingin sa 'kin.

"Kung mahal ang tuition fee doon, siguro... magpapart time job na lang ako. Magtratrabaho ako simula bukas. Agosto pa naman ang pagbubukas ng klase diba? At Mayo pa naman ngayon kaya kung magtratrabaho na ako bukas, makakaipon ako ng pera. 'Yung pangtustos lang sa tuition fee doon at balak ko ring mag take ng entrance exam. Ano sasama ka ba sa 'kin?" Sabi ko. Kung sasama siya sa 'kin, meron akong kausap at kakilala kapag magtetake na ako ng entrance exam. Baka makapasa ako at makapag aral na sa unibersidad na 'yon.

"Hindi pa kasi ako nakapagsabi kay Mama 'La dyan pero kung magtetake ka ng entrance exam sa unibersidad na sinasabi ko, sige sasama ako sa 'yo sa pagtetake. Ayaw ko namang iasa lahat kay Mama 'La ang kaya ko namang gagastusin kahit pa siya pa naman ang nagdesisyon na sa Dela Cruz University ako pag aaralin niya," sagot niya. Napangiti ako sa kanya. Hindi talaga ako iiwan nito eh, simula pagkabata hindi talaga niya ako pinaramdam na mag isa lang ako dahil palagi siyang naroon sa 'kin.

"Matulog na tayo, bebs? Sabi mo na simula bukas magtratrabaho ka na diba? Kaya kailangan matulog na tayo para gumising ka nang maaga. Sasabihin natin kay Mama 'La bukas 'yung pinag usapan natin, sigurado din naman ako na papayag 'yon," yaya na niya. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Mabuti na lang at pinaalala niya 'yon.

Pumasok na kami sa loob at pumunta na ako sa guest room habang siya naman ay pumasok na sa kanyang sariling kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ay pabagsak ko nang inihiga ang katawan ko sa kama habang yakap yakap ang unan. Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa 'kin simula bukas kung magtratrabaho ako. Kung magtratrabaho man ako ay doon ako magtratrabaho sa malapit lang at kung pasok ako.

Gumising ako ng maaga kaya ako ang unang nakababa at pumunta na sa kusina. Nakikitira lang ako rito sa bahay ng lola ni Yhane kaya para hindi ako maging pabigat dito dahil nakakahiya naman kung ganoon ay kung sino ang mas maagang magigising ay siya ang magluluto ng breakfast. And since ako ang maagang nagising at nakapaghanda, ako ang magluluto at maghahanda para sa breakfast ngayon.

Nagluto lang ako ng ham, sunny side up eggs, hotdogs, at bacons. Isinama ko na rin ang hinanda kong sandwiches para sa 'min. You see, wala kaming yaya dahil hindi rin naman gusto ng lola ni Yhane kaya kami kami lang ang nag aasikaso dito sa bahay ni lola. Pagkatapos kong maghanda ay umakyat na ulit ako sa taas at pumunta sa kwarto ni Yhane saka ako pumasok.

Napailing iling na lang ako dahil nang nakita ko ang mukha niya ay para nang tinuka ng manok, tulo laway pa ang gaga, sabog na ang buhok nito habang 'yung magkabila niyang paa ay nakaantabay sa unan niya. Wew, what a nice view!

Lumapit ako sa pwesto niya at walang pag aalinlangang tumalon talon sa kama niya. Ang nangyari? Ayon, nahulog siya sa kama at napaaray dahilan ng pagkagising niya. Hindi na ako nagtatalon talon pero pinigilan kung tumawa sa mukha niyang sabog. Ang ekspresyon niya ang gusto kong ipang asar sa kanya pero mamaya na at baka makabawi ito sa 'kin.

"Argh! Bwesit! Aray!" Napatingin siya sa direksyon ko kaya tinaliman niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag. Nakangisi na ako ngayon.

"Shelo! Halika nga rito!" Aniya at tumayo siya saka kinuha ang napulot niyang unan saka niya ito ibinato sa 'kin pero nakailag ako kaya lumapit na siya sa kama kung saan ako nakatayo ngayon. And the next thing we knew, we keep throwing some pillows at each other. Ang itsura na niya ngayon ay nakasimangot habang ako ay tawa ng tawa. Nagbabatuhan at nag iilagan kami sa isa't isa nang merong kumatok at bumukas ang pinto kaya napahinto kami sa ginagawa namin sa isa't isa.

We saw Lola Yen looking at us confusely. "Anong... bakit kayo nandyan sa kama... na hinahawakan ang mga unan? Yhanielle Samantha, Shelomith Grace, what is happening here?" Tanong ni Lola sa 'ming dalawa. Nang marinig namin ang buong pangalan namin ay ibinalik na namin ang mga unan ni Yhane pabalik sa kama niya at bumaba na kami.

"Mind to tell me to the both of you what happened in here?" Tanong ulit ni Lola sa 'min. Akmang ako na ang sasagot ng sumagot na si Yhane kay Lola.

"Paano ba naman kasi Mama 'La eh ginising ako nitong si Shelo. Tumalon talon pa sa kama ko." Parang sumbong na iyon ah!

Lumipat ang tingin sa 'kin ni Lola saka tinanong ako. "Bakit mo iyon ginawa, Shelo?" Tanong niya kaya sumagot ako.

"Kasi kailangan na niyang gumising at..." siniko ang tagiliran ni Yhane kaya napatingin siya sa 'kin kaya pinanlakihan ko siya ng mata para sana makuha niya ang ibig kong sabihin dahil sasabihin na namin 'yung pinag usapan namin kagabi. "... At meron po kaming sasabihin sa inyo pero mamaya na po 'yon dahil lumalamig na po ang hinahanda ko nang breakfast," sabi ko.

Napailing iling na lang si Lola sa 'min saka nagsalita siya. "Hay, naku... kayong mga bata talaga... para kayong mga isip bata. Oh, siya, siya, bumaba na tayo para kainin na natin 'yung hinandang pang almusal ni Shelo at baka totoo na nga 'yong sinasabi ni Shelo na lumamig na 'yon at masasayang lang," aniya at iginiya na niya kami papalabas sa kwarto ni Yhane saka kami bumaba para mag agahan na.

Habang kumakain kami ay napagpasiyahan ko nang sasabihin 'yong pinag usapan namin kagabi ni Yhane kaya pasimple kong siniko ng palihim sa tagiliran si Yhane, napansin din naman niya iyon. Pinanlakihan ko siya ng mata ulit at pinagpapasalamat ko iyon dahil mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon ni Lola at nagwagi naman ako saka nagsalita.

"Uhm, lola... sasabihin ko po sana... kung pwedeng magtratrabaho po ako para po mag aral sa Dela Cruz University kung saan din pag aaralin niyo po ang apo niyo? Para makapag ipon na po ako para sa tuition fee ng unibersidad at para na rin sa allowance ko po. Pwede po ba?" Maingat na tanong ko. Sana pumayag si Lola...

"Huh? Bakit mo naman kailangan pang magtrabaho, apo? Eh, pag aaralin din naman kita roon eh para makasama mo itong si Yhane. Ako na din ang bahala sa allowance at ang tuition fee mo, apo. So, bakit mo pa kailangang magtrabaho?" Tanong ni lola kaya gulat kaming napatingin sa kanya.

"Pag aaralin niyo din po ako doon, 'La?" Gulat pa rin na tanong ko habang nakatingin kay lola.

"Oo, apo," sagot din naman ni lola. Napabuntong hininga na lang ako ng napagtanto ang sinabi niya bago nagsalita.

"Lola, ako na po bahala sa mga gastusin ko doon, 'wag niyo na po akong ikabahala dahil kaya ko naman po 'yung sarili ko. Nakakahiya naman po kasi, at saka nakikituloy lang ako rito sa inyo dahil sa suhestyon nitong apo mo at naawa ka sa 'kin no'n. Ako na po ang bahala, kaya ko po talaga 'yung sarili ko," sagot ko kay lola, nagpapaintindi.

Mukha namang sumusuko na si Lola at wala nang magawa kaya tinanguan niya ako at nagsalitang muli. "Oo na apo, pinapayagan na kitang magtrabaho at ikaw na ang bahala. Pero nandito naman ako palagi para sa 'yo kaya pwede kang humingi sa 'kin. 'Wag kang mahiya apo dahil itinuturing na rin kitang tunay na apo," nakangiting sabi ni Lola sa 'kin kaya napangiti din ako.

"Salamat, 'La," sabi ko at muli nang nagpatuloy sa pagkain.

"Meow..." pagkatapos naming kumain ay nandito kami sa kwarto ni Yhane ulit habang nag uusap tungkol sa pagtratrabaho ko habang nakakandong sa paa niya ang kanyang alagang pusa na si Fare, umilangawngaw pa nga ang tinig nitong pusa niya eh.

"Fare baby, gusto mo nang matulog?" Pagkausap niya sa pusa.

Tumugon ang pusa, "Meow..." kaya binuhat na siya ni Yhane at dinala na si Fare sa pwesto niya. Pagkatapos nun ay bumalik na si Yhane sa kama at umupo.

"Ano na ang susunod mong plano? Pinayagan ka naman na ni Mama 'La. Sama ako sayo ngayon sa paghahanap mo ng trabaho, please," aniya.

Sumagot naman ako habang napabuntong hininga. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Pero sige, sasama ka sa 'kin ngayon. Tutulungan mo akong maghanap ng mapagtratrabahuhan ko. Pwede tayong magtanong din ngayon," sagot ko kaya napapalakpak na lang siya saka lumapit ng paghusto husto sa 'kin.

"Ano na? Maligo ka na para hindi tayo gaanong mainitan ng araw, matirik ang araw ngayon dahil 'yon din ang gagawin ko ngayon," saad niya habang ipinapatayo na ako. Natatawa naman akong nagpaakay sa kanya. Kinuha ni Yhane ang tuwalya ko mula sa cabinet ko at saka isinukbit iyon sa balikat ko at tinulak tulak pa niya ako papuntang banyo. Napailing iling na lang din ako saka pumasok na ng hindi na pilit.

"Dalian mo dyan ah! Maliligo lang rin ako sa kwarto ko!" Sigaw pa niya kaya sumigaw din ako pabalik sa kanya.

"Oo na, sige na. Lumabas ka na! Ang excited mo masyado!" Natatawa kong sigaw sa kanya habang unti unti ng hinuhubad ang damit pambahay ko.

This is it! Magtratrabaho na ako! I'll be independent with the money I worked for. Mabuti na lang at pumayag si Lola Yen kundi hindi ko na alam ang gagawin ko kahit pa pag aaralin niya pa rin ako roon sa unibersidad na 'yon.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay sakto namang bumukas ang pintuan at pumasok si Yhane saka excited na lumapit at tumingin sa 'kin.

"Tapos ka na? Halika na! Excited na akong maghanap ng trabaho para sa 'yo!" Aniya habang yinuyugyog na ang balikat ko kaya tinampal ko naman ang kamay niyang nakakapit sa balikat ko saka natatawa siyang tinignan.

"Dinaig mo pa ako sa sobrang pagkaexcite," natatawang sabi ko sa kanya kaya naman napairap siya saka muling tumingin sa 'kin.

"First time natin 'to eh. Ang makapaghanap ng trabaho, 'di ba?" Aniya kaya naman napatango tango ako. Hinigit na naman niya ang braso ko saka todo daldal na naman siya sa 'kin ngayon.

"Oh, ngayon pala kayo maghahanap ng trabaho?" Bungad ni Lola Yen sa 'min habang naglalakad siya papalapit sa 'min na nasa huling palapag pababa na ng hagdan. Pagkalapit niya ay sumagot si Yhane.

"Opo, Mama 'La. Saka para mas mabilis na ang pag iipon nitong si Shelo, alam niyo naman, hindi basta bastang makakapag ipon ito dahil first time pa lang niya," sagot ni Yhane kay Lola.

"Ah, sige, pero paalala ko lang sa inyo ah? H'wag kayong magpapaniwala sa mga drayber dyan at baka mapahamak kayo, doon kayo sa pedestrian lane tumawid, sundin niyo ang mga dapat gawin doon ah? H'wag—" pinutol na ni Yhane ang kung ano pa man ang sasabihin ni Lola sa 'min habang ako ay palihim na natatawa.

"Mama 'La, hindi na kami bata para iremind mo lahat dahil alam na namin. Pero, sige, susundin po namin lahat ng payo po niyo, sige na po, mauuna na po kami ni Shelo. Mag iingat din po kayo rito ah?" Ani Yhane kaya tumango si Lola Yen saka ngumiti. Pagkatapos ay hinalikan ni Yhane ang pisngi ni Lola Yen at sumunod naman ako.

"Mag iingat din kayo ah," muling saad ni Lola kaya tumango kami sa kanya at ginawaran namin siya ng ngiti. Pagkatapos ay sabay kaming tumalikod kay lola at lumabas na ng bahay.

"Magtataxi ba tayo, magcommute, o maglalakad na lang para iwas pahamak, ano?" Tanong ni Yhane sa 'kin.

"Siguro, maglalakad na lang tayo. Natakot tuloy ako sa sinabi ni Lola kanina na meron daw na masasamang taong nakapaligid dito," ani ko habang natatawa kaya napatawa na rin siya.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo." Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nakahawak ang kanyang kamay sa braso ko.

Hanggang sa napadpad kami sa isang milktea shop at nakakita ako sa pintuan no'n na naghahanap daw sila ng bagong crew para doon. Kaya naman ay ipinaharap ko kay Yhane ang milktea shop na sinasabi ko. Pagkatapos ay napatingin siya sa 'kin, ganun din ako sa kanya hanggang sa namalayan na lang namin na pumasok pala kami sa milktea shop na 'yon.

"Miss, what can I do for you?" Tanong nung tagagawa ng milk tea.

"Uhm, 'di ba po naghahanap po kayo rito ng isa pang crew? Pwede po bang um apply?" Tanong ko sa tagagawa.

"Wait lang po ah, tatawagin ko lang po si Manager," tumango na lang ako sa kanya saka bumalik doon sa upuan na ipinareserba ni Yhane sa 'kin saka umupo doon.

"Hoy, ano na? Tanggap ka na ba?" Bungad na tanong niya sa 'kin kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray, ano ba? Bakit ka nangungurot? May mali ba sa sinabi ko?" Reklamo niya kaya sumagot na ako.

"Paano ba naman kasi, matatanggap ba ako ng mabilis kong meron naman palang proseso para matanggap ako rito? Nakita mo ba 'yung gumagawa ng milk tea? Tumawag pa muna siya sa kanyang manager about sa pag apply ko," napatango tango naman siya at bumalik na sa pagcecellphone kaya napairap ako.

Maya maya lang ay lumapit na 'yung gumagawa ng milk tea at nagsalita, "The manager will be here in a second, miss. Just wait lang po," tumango ako bago siya muling bumalok sa pwesto niya kanina.

"Hoy, bebs, anong tinatawa tawa mo dyan ha?" Nagtanong at nangunot ang noo ko ng bumaling ako kay Yhane na tumawa tawa pa at nangingiti na tinignan ang kanyang cellphone. Nang nagtanong ako ay nag angat na siya ng tingin sa 'kin.

"Wala naman, may angal?" Aniya kaya umiling na lang ako at palihim na umirap sa kanya. Wala namang napala si Yhane sa pagsama sa 'kin eh. Puro cellphone naman pala ang inaatupag, tsk.

"What can I do for you, hija?" Tanong ng manager nila kaya tumayo ako nakangiti siyang tinignan. Ito pala ang manager nila! Ang bata pa niyang tignan saka ang ganda pala niyang babae! Mukhang nasa mid 30's na siguro 'tong manager nila.

"Uh, gusto ko po sanang... mag apply dito? Napansin ko kasi sa pintuan po na naghahanap po kayo ng bagong crew dito. Pwede po ba?" Tanong ko sa manager.

"Kaya mo ba, hija? Napansin ko rin kasi na ang bata mo pa para magtrabaho. Gusto mo talagang mag apply ng trabaho rito?" Balik din na tanong niya.

"Opo, gusto ko po talaga. Gusto ko po kasing makaipon para sa nalalapit na pasukan. Sana po tanggapin niyo po ako, gagawin ko po talaga lahat ng ginagawa niyo po rito. Makakaasa ka po sa 'kin." Pagpupumilit ko pa.

"Okay, final decision, you're in. You're now part of the crew," aniya kaya naman napangiti ako. Pinigilan kong 'wag tumili at siniko sa tagiliran si Yhane na ngayo'y nakangiti ngayon sa 'kin.

"Thank you po, ma'am...?" Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya o sa pangalan man lang niya.

"You can just call me, Manager D or Mrs. D. And no worries, talagang naghahanap kasi kami dahil kulang kami sa mga staffs dito. Mabuti na lang at nag apply ka rito, kung hindi ay kami pa ang maghahanap," aniya habang nakangiti.

"Pagbubutihin ko po ang pagtratrabaho ko po rito, salamat po talaga," galak na ani ko.

"You can now start to work here. Si Isse ang mag aassist sa 'yo kung saan ka nararapat. Sige mauna na ako, may gagawin pa kasi ako, hija," aniya kaya tumango ako.

"Isse!" Tawag ni Manager D kay Isse, 'yong gumagawa ng milk tea. Siya pala 'yon!

"Yes, Mrs. D?" Tugon din ni Isse kay Manager D. Nakangiting ihinarap ako ni Manager D sa kanya pagkalapit niya sa pwesto namin.

"Ikaw na mag aassist nitong si... ay, nakalimutan ko pala iha, ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni Manager sa 'kin kaya sumagot naman ako kaagad.

"Tawagin niyo na lang po akong Shelo, Manager D," sagot ko kaya tumango naman siya.

"Ikaw na mag aassist ni Shelo, Isse ah? Sige, mauna na ako," nakangiting sabi ni Manager D kaya tumango naman si Isse bago lumabas si Manager.

"Hello, ako pala si Sabrina Louisse Castro pero tawagin mo na lang ako sa pangalang Isse, ikaw si Shelo, tama ba?" Aniya kaya ngumiti ako pabalik sa kanya ng mapansing nakangiti pala siya sa 'kin. Akala ko masungit siya pero hindi pala, napakapalangiti pala nito, 'yung first impression ko kasi sa kanya ay intimidating 'yong aura niya at medyo masungit 'yung hitsura niya pero napakabaliktad pala ng kanyang ugali. I like her na!

"Oo, ako nga 'yon. Ito pala si Yhane, bestfriend ko. Sumama lang sa 'kin ito para maghanap ng trabaho," sabi ko saka ihinarap sa kanya si Yhane.

"Hello, Yhane! It's nice to meet you," magiliw na bati ni Isse kay Yhane kaya ngumiti din pabalik si Yhane sa kanya saka bumati din siya pabalik kay Isse. Mukhang may bagong kaibigan kami ngayong araw ah.

"Oh, siya, start na tayo, Shelo? Una, magpalit ka muna ng uniform natin tapos sunod naman ay magtratrabaho na tayo ah? Tuturuan kita kung paano gumawa ng isang milk tea, sigurado akong magugustuhan mo," aniya.

Kinalabit naman ako ni Yhane sa balikat kaya tumingin ako sa kanya. "Bili tayo ng milk tea dito pagkatapos mo magtrabaho ha?" Aniya kaya tumango na lang ako.

"Maghihintay ka sa 'kin hanggang sa matapos ako sa trabaho? Hindi ka ba mababagot kakahintay sa 'kin?" Paniniguro ko sa kanya.

"Oo, maghihintay ako sa 'yo, meron naman ako ditong cellphone kaya okay lang na maghintay ako sayo. Sige na, start ka na dyan," aniya kaya tumango ulit ako saka iniwan na siya doon at lumapit na ako kay Isse na ngayo'y nag aabot na sa 'kin ng uniform kaya kinuha ko naman 'yon.

Nang natapos akong magpalit sa comfort room ay nagsimula na kami sa paggawa ng milk tea. Bago pa lang sa 'kin 'to pero fast learner naman ako kaya ayos lang.

Sobrang naenjoy ako sa ginagawa namin at napasimangot ng natapos lahat ng ginagawa ko kanina. Sa paggawa ng milk tea hanggang sa paglilinis nitong milk tea shop na 'to. At ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod pero nakakaenjoy naman.

"Wooh! Sa wakas at natapos na rin tayo," sabi ni Isse kaya napatawa ako.

"Nakakaenjoy naman pala, pero anong oras ako papasok ulit bukas?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Sasabihin ko na lang kay Mrs. D, ako na bahala," aniya kaya nginitian ko na lang siya.

Nang nakapagbihis na ako ulit sa dati kong suot ay lumakad ako papalapit kay Yhane na ngayo'y nagcecellphone pa rin.

"Yhane, hoy, ano na? Mag order ka na doon, susunod na lang ako," sabi ko at kinalabit siya kaya tumayo na siya at pinatay na ang kanyang phone saka umuna na siyang lumapit doon sa counter.

Pagkatapos naman niyang mag order ay sumunod na ako at bumalik na sa tabi ng inuupuan ni Yhane.

Napaangat ako ng tingin ng biglang nagring ang bell sa pintuan at merong pumasok na lalaki.

Lumapit siya doon sa counter at padabog na tumayo doon saka nag order. Aba, parang may ari itong lalaking 'to kung makaasta ah? Sino ba siya?

"Aba, Felix, 'wag kang magdabog dyan, ano ba ang nangyari sayo ha?" Iritang tanong ni Isse sa lalaking tinawag niyang Felix.

"Tss, wala!" Sigaw nung Felix. Pati ako naiirita na sa kanya. Ano ba naman siya, mukha siyang warfreak!

Hindi ko na napigilan at nakisabat na ako dahilan kung bakit napatingin silang lahat sa 'kin.

"Hoy, lalaki, wala kang respeto dito ah! H'wag kang warfreak dito, lumabas ka na nga lang!" Sabat ko kaya napatingin sa 'kin ang lalaking warfreak at sinamaan ako ng tingin.

"'Wag kang makisali rito kung ayaw mong mapaaway sa 'kin," mariin na utos niya kaya napamaang ako.

Bakla ba 'to?! Pumapatol talaga siya ng mga babae?!

"Bakla ka ba? Talagang papatol ka sa 'kin?" Udyok ko pa.

Mas sinamaan pa niya ako ng tingin at sa pagkakataong ito ay dahan-dahan siyang tumayo. Pinigilan pa siya ni Isse pero tinabig lang niya ang kamay nito.

"One more word, talagang papatol talaga ako sa 'yo," banta niya pero inirapan ko nalang siya.

"Ewan ko sa 'yong gunggong ka, halika na nga, bebs!" Hinila ko kaagad si Yhane dala-dala ang milk tea at mabilis na pumaroon sa pintuan ng shop pero bago pa ako makalabas ay nakaharang na roon ang gunggong at 'yong binti niya ay naka-block sa pinto. Ngayon ko lang na-realize kung ano ang kinalalagyan ko ngayon kaya nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa mangyayari sa 'kin!

Na-out-of-balance ako dahil sa binti niya dahilan para mapasubsob ako sa labas na ng shop!

Ayon, nagkabukol ako! Peste ka talagang Felix gunggong na warfreak ka!

Pagkauwi namin na dala na si Isse dahil sa labis na pag-aalala niya sa tinamo ko kay Felix gunggong ay mabilis akong ginamot ni Isse at lola tapos si Yhane naman ay nakahawak sa cold compress na nasa gilid ng noo kong nagkabukol at sinesermonan ako na parang si 'My.

"Ayan, sabat pa, napormahan ka pa tuloy nung Felix na 'yon!" Sermon sa 'kin ni Yhane habang nilalagyan niya ng cold compress ang sa tingin ko'y namamaga nang bukol ko ngayon sa noo.

"Peste kasi ang lalaki na 'yon eh! Kung makaasta akala mo may ari ng milk tea shop ni Manager D!" Irita na may pagkahalong inis na sabi ko. Hay, kainis talaga ang lalaki na 'yon!

"H'wag ka na lang makialam Shelo, ako na ang bahala kay Felix, baka nabadtrip lang 'yon sa gimikan nila ng mga kaibigan niya," sabi naman ni Isse habang tinitignan kung ano na ang lagay ko.

Hindi pa nakatulong na parang diniinan ni Yhane ang pagkakalagay niya ng cold compress sa may parte ng bukol ko kaya napadaing ako at tinampal ang kanyang braso.

"Aray, ano ba naman 'yan, Yhane? 'Wag mong idiin, nakakasakit ka na ah!" Reklamo ko sa kanya pero siya ay napairap na lang at nagsalita.

"Oh, ikaw na humawak niyan, hindi ko pa nauubos itong milk tea ko," aniya at tumayo saka lumapit na sa pinalagyan niya ng kanyang milk tea.

"Wow naman, grabe napakabait mo sa 'kin no, bebs? Grabe talaga, palakpakan!" Sarkastiko kong usal saka napairap na lang at hinawakan na lang ng mabuti ang cold compress na nasa gilid ng noo ko na may bukol.

Kapag nagkita ulit tayo, Felix gunggong, sisiguraduhin ko na magiging ganito ka rin, hindi ako papatalo sayo! Kahit pa lalaki ka pa! Parang bully na may pagkamokong! Not totally my type and ideal man! Boy 'yon eh, hindi 'yon man! Napakaisip bata no'n!

"Sorry Shelo, dahil nadamay ka pa sa argument namin ni Felix, ganun lang talaga 'yun kapag badtrip, pero kapag hindi naman ay mabait 'yon. We're childhood friends, friends lang dahil hindi niya gusto 'yung bestfriend. Ewan ko ba dun sa lalaki na 'yon, masyadong maattitude, dinaig pa ang babae! Saka, 'wag mo nang gagantihin 'yon dahil bully 'yon at baka ikaw na ang next target niyan," mahabang litanya nitong si Isse. Madaldal pala itong si Isse no?

"Okay lang at saka sinabi mo pa. Ang childish no'n! At kahit pa bully pa siya, wala siyang karapatang saktan ako! Gwapo nga pero marumi naman ang ugali!" Irita kong usal habang nakahawak pa rin sa cold compress.

"Yieee, baka nga maging lovers kayo eh. May kasabihan kasi na, 'enemies can turn into lovers' baka itinadhana kayo para sa isa't isa!" Sabat naman nitong si Yhane habang umiinom pa rin ng milk tea.

"Tse! Hindi 'yan mangyayari no! I hate him and he's not my type nor my ideal man! He's so the opposite! Baka nga kayo pa ang magkatuluyan no'n eh!" Kontra ko naman sa kanya kaya napasimangot na lang siya saka hindi nakipag argumento sa 'kin. I smirked after that.

"Joke lang ano ka ba? Hindi ka pa ba sanay sa mga jokes ko? 'Wag mo din kasing seryosohin mga jokes ko masyado, Shelo ah!" Aniya saka humigop muli sa kanyang milk tea.

Narinig ko rin naman 'yung mahinang tawa ni Isse kaya napatingin ako sa kanya kaya tinignan niya rin ako saka nagsalita.

"Alam niyo, para kayong mga isip bata, maliit na bagay, pinabibig deal niyo sa pamamagitan ng bangayan," natatawa pa ring sabi ni Isse.

"Ganun lang talaga kami, masasanay ka na lang din sa 'min, kaibigan ka na namin eh," sabi ko habang natatawa kaya napatigil naman si Isse sa ginagawa niya at nag angat ng tingin sa 'kin habang nanlalaki ang mga mata.

"Totoo? Totoo na kaibigan niyo na talaga ako?" Gulat pa rin ang kanyang mga matang nakatingin sa 'kin kaya natatawa akong tumango. Nagulat nga lang ako ng walang atubili siyang yumakap sa 'kin ng mahigpit.

"Thank you! Gusto ko din kasi kayong maging kaibigan eh dahil gusto ko mga ugali niyo," aniya habang yakap yakap pa rin ako. Kaya yumakap din ako pabalik sa kanya habang nangingiti na. Naramdaman ko naman na meron ding pumulupot na mga kamay sa 'kin para yumakap at hindi ko na nalingunan pa dahil sa sobrang higpit ng yakap, alam ko naman na si Yhane ito eh.

Pero kahit sobrang higpit ng mga yakap nila sa 'kin, hindi ko maipagkakaila na natuwa din ako dahil may bago na naman akong kaibigan. Una si Yhane na childhood bestfriend ko pa, sunod si Thal na naging isa ko ding kaibigan ng dahil sa isang insidente at kalamidad noon sa bahay at bayan namin doon sa probinsiya, at si Chin na naging kaibigan ko din dahil sa mga naging away namin nung nasa elementary pa ako dahil gusto niya lang daw mapag isa at walang makakaistorbo sa kanya, and then ngayon naman, si Isse dahil sa trabaho ko at sa Felix gunggong na 'yon.

Nakakalungkot nga lang dahil hindi ko na makita sila Chin at Thal. Siguro, malaki na ang ipinagbago nila. Sana hindi nila ako nakalimutan.

Pero kinakapos na nga talaga ako ng hininga kaya itinigil ko na sila sa pagyakap sa 'kin ng mahigpit! Sobrang nakakasakal! Charot! Masyado nga lang yata akong OA.

"H-Hoy! H-Hindi ako makahinga, a-ano ba? L-Luwagan niyo na lang," reklamo ko sa kanila habang inuuga uga sila palayo sa dibdib ko. Natatawa naman silang linuwagan ang pagkakayakap sa 'kin.

Nang naghiwalay kami sa yakap ay sakto namang lumapit papalapit sa 'min si Lola Yen at nakatingin sa bukol ko sa gilid ng noo.

"Ayos ka na ba, apo? Hindi na ba masyadong masakit bukol mo?" Tanong ni lola habang nag aalalang tumingin pa rin sa 'kin.

"Opo, 'La. Okay na po ako, medyo masakit lang ng konti, pero kaya ko naman," nakangiti kong sabi para maipakita talaga kay lola na ayos lang talaga ako. Lintik kasi na Felix gunggong na 'yon eh! Patay ka talaga sa 'kin Felix gunggong kapag nagkita tayong muli!

"Ikaw naman kasi apo, eh. Bakit mo naman kasi pinatulan? Sa susunod, 'wag mo nang gagawin 'yon, mapapahamak ka lang dyan sa mga ginagawa mo, mukha ka nang magrerebelde," ani lola kaya napahagikgik ang dalawa, umirap na lang ako ng palihim.

"Sa mukha kong 'to, magrerebelde po ako 'La? Hindi kaya, at saka pinatulan ko siya dahil sa tingin ko ay nararapat lang 'yon na gagawin ko dahil sa mga kilos niya kanina, parang siya ang nagmamay ari ng pinagtratrabahuhan namin ni Isse eh," kontra ko.

"Apo, kahit na, masama pa rin na pinatulan mo pa rin 'yon, ayaw ko lang na mapahamak ka,," ani lola saka hinawakan ang balikat ko. Tumango na lang ako ng pilit kay lola kaya ngumiti siya saka hinarap si Yhane.

"At ikaw naman, Yhane apo, dapat pinigilan mo itong si Shelo kanina. Sa susunod, pigilan mo si Shelo para walang gulo," aniya habang sinesermonan si Yhane kaya ako naman ang napahagikgik ngayon. Tumabi naman sa 'kin si Isse at napahagikgik na rin.

"Opo, Mama 'La," tumango si Yhane. And then after that, she turn to face Isse at looked at her with a smile.

"Isse, tama ba ang pagkakabanggit ko sa iyong pangalan, iha?" Nakangiting tanong ni lola kay Isse kaya tumango ng nakangiti na din si Isse. Ang bilis magpalit ng ekspresyon ni Isse, ah.

"Salamat pala sayo, pinauwi mo pa itong apo ko at ikaw na ang gumamot sa kanya," pasasalamat ni lola pero umiling lang si Isse at sumagot.

"Walang anuman po, lola. At saka po, okay lang po sa 'kin 'yon, kaibigan ko naman po si Shelo eh, at may kasalanan din naman ako," ani Isse kay lola.

"Aba'y napakabait mong bata at ang ganda mo, iha," pambobola ni lola kay Isse kaya nahihiyang ngumiti si Isse kaya nagpipigil kami ng tawa ni Yhane sa kanya.

Sana all maganda at mabait!

"Hindi naman po sa ganun, lola," ani Isse kay lola kaya napatawa si lola ng bahagya.

"Oh, siya, magdidilim na pala, halina kayo sa dining, kumain na tayo, may iniluto na ako rito," maya maya pa'y sabi ni lola kaya bigla na lang lumapad ang ngisi ni Yhane saka umuna na sa paglakad patungo sa dining. Naku talaga itong babaeng 'to oh! Napakamatakaw! Patay gutom!

"'Wag na po, mauuna na po ako, may pupuntahan pa po ako eh, sige po," biglang sabi ni Isse kay lola kaya napatingin kami sa kanya.

"Oh, sige, iha. Ibibigay ko na lang 'yung ipinagluto ko bilang bawi para sa pagtulong sa paggamot ni Shelo, teka lang iha ah," ani lola saka tumalikod na sa gawi namin at pumunta doon sa kusina at maya maya pa'y sa dining.

Pagkatapos ay naglakad na papalapit sa 'min si lola na may dala dalang plastic.

Pagkalapit ni lola ay ibinigay niya 'yon kay Isse kaya napangiti naman si Isse saka nagsalita.

"Salamat po, lola," aniya kaya ngumiti din pabalik si lola sa kanya saka sumagot din.

"Walang anuman, iha. Sana sa susunod na pumunta ka rito, hindi na 'yong kinakailangan mong pumunta talaga rito kundi bumibisita ka na. Sige, salamat sa pagpunta mo rito, iha," ani lola kay Isse kaya nahihiyang tumango si Isse bago muling nagsalita sa huli.

"Sige po, salamat din, uuna na ako. Shelo, sasabihin ko sayo sa messenger kung anong oras at kailan ka pupunta ro'n sa milk tea shop, mamaya ah, sabihan mo si Yhane na uuwi na ako," aniya nung tumingin siya sa 'kin kaya tumango ako saka nginitian din siya bago siya tumalikod at naglakad papalabas ng bahay.

"Mag ingat ka, iha!" Sigaw ni lola kaya muling tumingin si Isse sa kanya at tumangong nakangiti bago na lumabas ng bahay.

Nang mawala na siya sa paningin namin ni lola ay biglang nagsalita siyang nagsalita.

"Hindi ko alam na palakaibigan ka pala, Shelo ah, at sa mabait at maganda pa ang naging kaibigan mo," ani lola.

"Tama ka nga po, 'La. Nagiging magaan ang loob ko sa kanya kanina kaya alam kong maging magkakaibigan kami," nakangiti kong sabi.

"Mana ka talaga kay Sherly, hija. Pinalaki ka rin niya ng tama. Anyway, hindi mo ba tatawagin ang ina mo?" Tanong ni lola.

"Ay, oo nga pala! Nakalimutan ko, 'La," sabi ko kaya napatawa ng mahina si lola saka hinayaan na ako at pumunta sa silid niya.

Tinawagan ko kaagad si 'My pagkatapos no'n. Nasa ibang bansa kasi si 'My dahil sa business meeting doon. Kinamusta lang niya ako rito at tungkol na rin sa pag-aaral ko. Hindi alam ni 'My na nagpa-parttime job na ako. Mabilis din naman ang pagpatay ng tawag dahil naging busy na rin sa 'My tungkol sa ginagawa niya roon sa ibang bansa.

Nanonood ako sa cresent moon na nasa harapan ng terasa ko at pinakiramdaman 'yon sa pamamagitan ng pagpikit.

Nagmulat ako ng mga mata nang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon.

Sabrina Louisse Castro sent you a friend request.

Hindi ko pa pala siya naadd sa facebook. Nakalimutan ko rin ang buong pangalan niya kaya walang saysay ang paghahanap ko ng account niya. Mabuti na lang at siya na ang nagsend ng friend request sa 'kin.

Pinindot ko ang confirm at bigla na lang nag pop up ang chat head sa messenger ko. Senyales na may chinat si Isse sa 'kin. Baka ito na siguro 'yong time kung kailan ang pagpasok ko bukas ulit sa milk tea shop.

Isse sent a message.

Isse:
Hello, good evening Shelo. Bukas ng 7:30 sharp ang pasok mo, sabi 'yan ni Mrs. D. So, dapat maaga kang gumising bukas ah para hindi ka mapagalitan haha. 😉

Natawa at napailing na lang ako sa emoji niya sa huli. Nagtype din ako at sinent na sa kanya.

Me:
Oh, sige. Susubukan kong bumangon at gumising ng maaga. 😅

Isse:
'Wag mong susubukan, dapat gawin mo talaga. Everyday 'yan, tandaan mo. At baka mataas kita mo 'pag nagkataon. Mabait naman si Mrs. D hehe. 😊

Me:
Oo na, oo na. Gagawin ko na talaga bukas, hindi ko na susubukan.

Isse:
Ayan, haha oh, siya, bye na. May aasikasuhin pa ako rito. Kita na lang tayo bukas, ha. ❤

Me:
Sige, bye din.

Nawala na ang kulay berde nang kanya kaya hindi na siya active.

For the last time, habang nakatingin sa buwan, I feel at ease and peace bago ako pumasok sa kwarto at humiga na.

Another day is about to come tomorrow.

Nagtalukbong kaagad ako ng kumot nang maramdaman ang lamig sa katawan ko saka pumikit. Nilamon kaagad ako ng antok.

Kapag nagtratrabaho ako roon, nagiging masaya ako pero hindi ko maipagkakailang nakakapagod din pala ang ganito. Gigising ng maaga, pupunta sa milk tea shop, at palaging gumagawa ng milk tea sa mga customers.

Pero alam ko naman na worth it lahat ng ito. And true to my words, nakaipon ako ng mahigit tatlong daang piso. Alam kong hindi pa ito masyadong kalakihan pero masaya ako dahil kahit papaano ay alam ko na kung paano kumita ng pera. Kailangan kong maghirap bago makamit ang gusto ko kahit gusto ko nang sumuko, mapapaisip na lang ako na magiging worth it din naman 'to sa huli kaya ipinagpapatuloy lang rin naman.

Nang dumating ang buwan ng Agosto, medyo kinabahan ako, baka kasi hindi pa sapat ang perang naipon ko, baka hindi pa ito masyadong kalakihan para makapasok, pero pinatatag ko ang loob ko. Meron pa rin namang nakasuporta sa 'kin kahit papaano.

"Oh, sakto na ba 'yang ipon mo, bebs? Magtetake ka pa ba ng entrance exam bukas? Sa lunes na din ang pasukan, kakayanin mo ba 'yon?" Tanong ni Yhane sa 'kin.

"Hindi ko alam eh. Pero kahit papaano naman ay nakaipon pa rin naman ako ng 20,000. Sa kada isang buwan kasi sa pagtratrabaho ko ay may kita kami na 2,000, pero kung may pabonus naman ay mas malaki pa doon. Pwede na siguro 'to, hahati hatiin ko na lang ito," sabi ko sa kanya.

Matagal pa muna siyang nakatitig sa 'kin bago ako nginitian saka lumapit sa 'kin.

"Alam mo, ang mature mo na. Hindi nga lang halata sa hitsura at ugali mo, haha." Tinampal ko naman ang balikat niya kaya lalo siyang tumawa.

"Tigil tigilan mo 'ko dyan sa pang aasar mo, Yhane. Parang sira," sabi ko saka napailing.

"Haha, naaalala ko si Felix sa 'yo, 'yung dahilan kung bakit ka nagkabukol 'di ba? Haha," sabi niya. Pagkabanggit niya palang sa pangalan ng mokong na 'yon ay tinaliman ko siya ng tingin saka binato siya ng unan. Nakailag pa ang gaga.

"Isang banggit mo pa sa pangalan na 'yan, sisipain na talaga kita papalabas," banta ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako. Akala naman niya na nagbibiro lang ako. Well, tignan lang natin.

"Felix, Felix, Felix, Felix, Felix, yieee!" At talagang inulit niya pa ng limang beses ah.

Tumayo ako saka akmang isisipa siya palabas ng siya na ang kusang lumabas habang nagtatakbo pa pabalik sa kanyang kwarto.

Hay nako, nakakabwisit ang pangalan na 'yon. Idagdag mo pa ang pang aasar ni Yhane tungkol sa kanya para sa 'kin. Nakakainis!

Pagkatapos ng entrance exam kinabukasan ay kinabahan talaga ako ng todo. Baka hindi ako makapasok sa unibersidad!

Pero nakahinga ako ng maluwag ng kinabukasan din naman after ng entrance exam ay nakapasa ako. Pasok ako sa unibersidad! Ang saya saya ko kasi makakasama ko na naman sa iisang unibersidad si Yhane!

Nang dumating ang araw ng pinakahihintay ng mga estudyante ay todo ayos ako sa sarili, kahit wala naman akong uniporme para sa unibersidad.

"Excited na excited ah." Bungad agad ni Yhane pagkalabas ko sa kwarto.

"Hindi ko din alam kung bakit excited akong makapasok ngayon eh," sabi ko kaya pabiro siyang umirap sa 'kin kaya tinawanan ko na lang iyon at saka kami magkasabay na bumaba.

Kumain lang kami ng sandwich at uminom ng juice bago kami humalik sa pisngi ni lola saka nagpaalam na kami sa kanya.

"Mag ingat kayo, mga apo!" Pahabol na sigaw ni lola sa 'min kaya gano'n din kami sa kanya bago kami nagpara ng taxi.

May dala akong pera sa pitaka ko incase na kulang ang ipinadala na pera ni lola kay Yhane.

Nang makapasok kami sa taxi ay tinanong kaagad kami ng driver.

"Saan po kayo, mga ma'am?" Tanong ni kuyang driver kaya sumagot ako.

"Sa Dela Cruz University po, kuya," tumango naman si kuyang driver bago kami umalis sa bahay ni lola.

Tumingin ako kay Yhane na ngumingiti na naman mag isa sa kanyang cellphone. Ano ba ang tinatago nito? Makisilip nga.

Dahan dahan akong tumingin sa kanyang cellphone at pinakatitigan ito ng maigi.

Nagulat ako kung sino ang nasa cellphone niya. Nagchachat pala siya, hindi lang sa ordinaryong tao, kundi sa isang korean-filipino idol singer! Si Brent Collin Guevarra!

"Hoy, ano 'yan?" Usisa ko kay Yhane kaya gulat siyang napatingin sa 'kin.

Nginisian ko siya saka nagsalitang muli.

"Bakit nagchachat ka sa isang sikat na idol singer?" Tanong ko.

"Wala, it's too personal, Shelo." Napairap siya pagkatapos. Aba, siya pa ang may ganang umirap ah.

"Si Brent Collin Guevarra 'yang chinachat mo, tapos wala? May nangyari ba sa inyo?" Tanong kong muli. This time sinamaan na niya ako ng tingin.

"'Yang bibig mo, Shelo. Isusumbong talaga kita ni Mama 'La," banta niya sa 'kin.

"Biro lang, ano ka ba. Pero isang malaking tanong para sa 'kin kung bakit kayo nagchachat sa isa't isa, saan kayo nagkakilala at paano?" Kunot noong tanong ko.

"Basta, nakakahiya. Personal para sa 'kin 'yon Shelo kaya 'wag mo na akong tatanungin muli," sabi niya.

"Okay, sabi mo eh. Pero malalaman ko rin 'yan, not now but soon," nanunukso kong sabi pero inirapan lang ako ng gaga saka muling ibinalik ang tingin sa kanyang cellphone. Minsan napapatingin pa rin ako sa kanya dahil talagang ngumingiti siya o di kaya'y ngumingisi.

Seryoso nga, may nangyari ba sa kanilang dalawa? Bakit sila close? Bakit nagkakilala si Yhane at ang sikat na singer na 'yon?

Bigla na lang tumigil ang taxi kaya napatingin ako sa bintana at halos mamangha ako. Ito na ba ang sinasabi nila na Dela Cruz University? Ang ganda naman!

"Nandito na po tayo, mga ma'am," sabat ni kuyang driver kaya tinignan ko siya ng nakaawang ang bibig ko at kinompirma kung totoo ba talaga na namdito na kami.

"Totoo po ba talagang nandito na tayo sa Dela Cruz University, kuya?" Kompirma kong muli.

"Opo, ma'am," pagkokompirma ni manong.

Ito ba talaga ang unibersidad na papasukin ko? Totoo talaga!

Nakakaexcite!

"Eto po ang bayad, kuya. Just keep the change," sabi ko at inabot ang bayad kay kuyang driver.

"Salamat po ma'am," pasasalamat ni kuyang driver kaya nginitian ko lang siya saka kinuha ang pagkakataon na lumabas at hinila ang braso ni Yhane papalabas kaya todo reklamo siya. Sinara ko din pagkatapos ang pinto ng taxi saka ito umalis.

"Aray naman! Bakit kailangan mo pa akong hilahin?" Reklamo na naman niya kaya gusto kong umirap at takpan ang dalawang tenga ko.

"Paano ba naman kasi, mukhang napapasarap na ang pagchachat niyong dalawa, halika na nga, baka malate pa tayo sa first subject natin," sabi ko at naglakad na patungo at papasok doon sa unibersidad. Sumunod din naman agad siya sa 'kin.

Sobrang nakakamangha at nakakaganda ang unibersidad. Mukhang pang mayaman at international.

Ang daming tao sa paligid pero may nakatuon sa pansin kong dalawang babae na nag uusap di kalayuan sa 'min.

Inaninag kong mabuti iyon bago ko napagtanto na sila Chin at Thal iyon! Ang mga kaibigan ko! Namimiss ko na sila!

Lumapit ako sa kanila and interrupted their talk. Napatingin naman sila sa 'kin at tinaasan ako ng kilay.

"What?" Tanong ni Thal sa 'kin.

Ang laki nang ipinagbago nila.

"Hindi niyo ba ako kilala, Thal, Chin?" Tanong ko pabalik sa kanila kaya mas lalo lang silang nagtaas ng kilay sa 'kin.

"Do we know you? At bakit mo kami kilala?" Tanong naman ni Chin.

Ang bilis naman makalimot ng mga 'to. Hindi ako nasaktan sa sinabi nila, alam ko naman na posibleng mangyari 'to dahil matagal na din ang panahong nakalipas na hindi na kami nagkitang muli.

"Hoy, ako 'to, ano ba. Si Shelo!" Excited kong sabi sa pangalan ko.

Maya maya pa'y nawala ang pagtaas ng kanilang kilay at umutal pa.

"S-Shelo, i-ikaw ba 'yan?" Paninigurado ni Thal kaya tumango ako at nginitian sila.

Nagulat na lang ako ng bigla na lang nila akong niyakap ng mahigpit pero kalaunan naman ay yinakap din sila pabalik bago humiwalay.

"Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa tayo nagkita? At dito pa talaga!" Sabi ni Chin kaya tumawa ako.

"Oo nga. Namiss kitang gaga ka!" Sabi din ni Thal.

"I miss you, Shelo," nakangiting usal ni Chin sa 'kin kaya nagsalita ako sa kanilang dalawa.

"Namiss ko din kayo!" Sabi ko din.

Akmang magyayakap muli kami ng umepal si Yhane at lumapit sa 'kin.

"Hoy, bebs, kanina pa kita hinahanap tapos nandito ka lang pala," maktol ni Yhane kaya tumawa ako pati na din sila Chin at Thal.

"At sino naman 'to, Shelo?" Tanong ni Chin sabay turo kay Yhane.

"Hindi niyo na ba din kilala, si Yhane 'to," sabi ko.

"Naalala ko pa kayo Thal at Chin, tapos kayo hindi niyo na ako kilala," kunwaring nagtatampong sabi ni Yhane sak nailang dalawa kaya napatawa kaming tatlo sa kanya.

"Sorry na, Yhane. Naalala ka na namin, hindi ko nakalimutan ang mga pangalan niyo, ang mga mukha at katawan niyo lang. Ang daming nagbago sa inyo ah," sabay na sabi nilang dalawa.

"Kayo din," sabay din na sabi namin ni Yhane sa kanila.

"So, tara na? May mga propesor at propesora na ang dumarating," sabi ni Chin kaya tumango kami saka sabay na naglakad papasok sa unibersidad.


Nang nasa loob na kami ng unibersidad ay napagdesisyonan kong kuhanin ang cellphone ko para manguha ng larawan. Ang ganda din kasi dito sa loob eh.

Pero nang humakbang akong muli para subukan kung maayos ba ang pagkakakuha sa larawan ay parang namali ako ng tapak. Parang may paa na nangharang sa 'kin kaya ako namali ng tapak.

Ang sunod na nangyari ay napasubsob ako sa sahig and worse, 'yung cellphone ko nalayo mula sa 'kin at saka merong kumuha no'n.

Lumapit sa 'kin ang mga kaibigan ko at saka tinulungan akong makatayo saka ako nag angat ng tingin para makita kong sinong mokong ang kumuha sa cellphone ko.

Pero mas hindi ako kapani paniwala kung sino ang kumuha no'n.

"H'wag mo 'kong tawaging warfreak kung ayaw mong mabully, pero alam ko naman na hindi mo susundin 'yon kaya ikaw na ang susunod na target ko."

Pagkatapos no'n ay isinilid niya sa kanyang bulsa ang cellphone ko at nakangisi akong tinalikuran.

Hindi na talaga ako nakapagpigil at kinuha ang pagkakataon na 'yon na sipain siya sa kanyang likod kaya siya na naman napasubsob ngayon sa sahig.

Kinuha ko na din ang cellphone ko mula sa kanyang bulsa saka ako na naman ang nakangisi habang nagsasalita sa kanya.

"Wala kang karapatang ibully ako, Felix gunggong o kung sino ka man!"

༺════════ ◖◍◗ ════════༻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top