Kabanata 9

Hiraya's POV

Ang sakit ng mata ko. Oo totoo! At dahil iyon kay Maxrill. I cried last night, ewan ko kung bakit. Dahil siguro sa inis ko kay Maxrill. Ilang messages ang ni-send ko sa kanyang messenger kagabi. Mas lalo akong nainis nang i-seen niya lamang lahat 'yon.

May oras siyang mag-myday ng mga babae pero pagsend lang ng sagot sa mga messages ko hindi niya man lang magawa?! Sa sobrang pagkapikon, ni-block ko siya at duon na nag-inarte. Ang laki naman ng problema niya. Pati ako dinamay sa away nilang magkakapatid. Tangina talaga. Buwesit! Sarap niyang suntukin!

Galit kong ni-park ang bike sa parking space. Wala pa rito ang motor ni Maxrill. Hindi pa siguro gising 'yon or busy sa pambababae. Tangina niya. Kung ayaw niya akong kausapin, pwes, ayaw ko din siyang kausapin. Punong-puno na ako sa'yo, Maxrill. Kagabi pa kita pinagta-tyagaan. Sinasagad mo talaga ako.

You freaking bastard. Pumikit ako ng mariin, dinadama ang hangin humahaplos sa aking katawan.

When I opened my eyes, I saw Solace. Smiling while waving at me. Nasa school ako ngayon, may gagawin lang with Solace. Tatapusin namin ang activity na ginawa namin no'ng friday. Wala rin naman akong gagawin dahil hindi natuloy ang lakad namin ni Maxrill. Nag-iinarte pa kasi siya. Wala din sina Mama at Papa sa bahay, inasikaso yata ang lupa. Ang boring naman kung mananatili ako du'n na mag-isa. Ang hina pa ng signal. Wala kaming wifi kasi, data lang gamit ko. Papa-load pa ako mamaya para sa research namin ni Solace.

"Hello, Hiraya. How was your day?" kailangan pa talaga itanong 'yun? Hindi maganda ang umaga ko.

"Ayos lang naman. Saan tayo ngayon?"

"Are you sure? You looked tense."

"Hindi. Ayos lang talaga ako, Solace. Kumain ka na ba? Hindi pa ako kumakain eh, wala kasi sina Mama sa bahay. Walang iniwan na pagkain."

Humakbang ako. Nilibot ko ang paningin at napasinghap nang may nakita akong mag-jowa. Umiiyak 'yong babae habang  pinapatahan naman ng lalaki ang kanyang girlfriend. Dito pa talaga umeksena oh. Binalik ko ang tingin sa harapan, napaatras kaagad nang makita si Anya, umiiyak habang hinahabol ni Aljun. What the hell is going on here. Bakit sila nasa campus. Bakit maraming mga estudyante ngayon sa De San Pablo? May event ba or what. Baka hindi ako na-inform. Kakaloka.

"Araw ba ng mga broken-hearted ngayon?"

Nagkibit-balikat si Solace. Hindi rin siguro alam ang nangyayari. Hindi lang naman isa o dalawa ang nakita naming umiyak. Marami pa, halos mga babae pa. Ano ba nangyayari sa kanila? Kung gusto nilang umiyak huwag naman sana sa loob ng campus. Para kasing may namatay. Nakakairita ang kanilang mga mukha. Can they do that outside our campus? Nakakapikon sila. Para bang pinapamukha na single ako. Na hindi ko mararanasan ang mga iyon. Gosh! Kung magkakaroon man ako, hindi ako iiiyak para sa kanya 'no. Ano siya siniswerte.

Hindi ako iiyak na walang dahilan pero tangina mo parin, Maxrill.

MY eyes lit up. "That's a much more interesting angle! I could use different fabrics to represent different stages of life, or even different emotions. Maybe a soft, flowing silk for childhood, then a structured, bold cotton for adulthood."

Nasa garden kami ngayong dalawa ni Solace. Tahimik, walang mga tao. Makapagpukos talaga sa ginagawa. May maliit na bahay ang garden, kasya ang dalawang tao. May maliit na upuan at kama, tambayan talaga siya pero pinili naming manatili sa damuhan kaysa sa maliit na bahay ni Solace. Malaya kasi at hindi masikip.

"Exactly!" ngumisi siya. "And you could use different embellishments and techniques to create a sense of growth and change." Sagot niya habang nasa sketch ang mga kamay. Patapos na kami, konting details nalang.

"This is great. I'm so glad you gave me a new perspective."

"No problem," Solace said, leaning back on my elbows. "We're in this together, right? We gotta make this last blow count." Na para bang panghuli na 'to. Ayaw kong ma-miss ang activity na 'to. I want to pass.

"Absolutely," Sang-ayon ko.

"Matatanggap tayo."

We both fell silent for a moment, lost in our own creative visions. The air was filled with the hum of sewing machines and the rustling of fabric.

"Hey, you know what we should do?" tanong ko.

"We should have a joint fashion show! It would be the perfect way to showcase our work and celebrate our graduation."

Sana nga makapasa tayo para makasali sa fashion show.

Solace's eyes widened. "That's a brilliant idea! We could even create a collaborative piece, a final masterpiece that embodies both of our styles."

Nagtawanan kaming dalawa, nakalimutan sandali ang bigat ng aktibidad namin. Kami ay graduating na, oo, ngunit kami ay nagsisimula na rin sa isang bagong kabanata, isang kabanata na puno ng walang katapusang mga posibilidad at ang pangako ng isang magandang kinabukasan. Handa na kaming harapin ang mundo, isang tusok sa isang pagkakataon.

NATAPOS namin ni Solace ang sketch namin. Naka-detailed na ang mga iyon at handa ng ipasa. Alas diyes na nang natapos kami, hindi nasundan ang oras. Sabay kaming lumabas ng campus ni Solace at nagpaalam na sa isa't isa. Tinungo ko ang parking space. Nilagay ko sa loob ng bag ang sketchpad at lumapit.

Napatigil ako nang mapansin ang motor ni Maxrill. So, andito rin pala siya? Nakisawsaw din siguro sa mga broken hearted na mga tao.

I shrugged my shoulder. Inayos ko ang bisikleta ko at inalis sa parking space. Dahan-dahan kong sinampa ang aking mga paa at pinidal iyon ngunit, bago pa ako tuluyang makaalis ay may narinig akong ungol hindi kalayuan.

"Sino kaya 'yon?"

Tumigil ako. "May tao ba riyan?" Bumaba at lumapit sa isang puno. Mas lalo kong narinig ang ungol. Shit, baka multo 'yon?

"Hello?"

"Ugh, Max. Yes, please!"

"Shhh. Hinayaan mo ang boses mo, Jaklyn."

Mas lalo akong lumapit sa isang puno. Inayos ko ang bag na nakasukbit sa aking balikat at tumalon sa puno. Laking gulat ko nang makita si Maxrill, naliligo sa sariling pawis habang may kahalikang babae.

"WHAT THE FUCK, MAXRILL SALVATORE!" umalingawngaw sa loob ng campus ang aking boses kasabay nun ang pagtigil nina Maxrill. Mabilis siyang lumingon sa akin, blangko ang mukha.

He covered the girl's body. Kinuha niya ang mga saplot na nagkakalat sa lupa ganun din ang bag nila pagkatapos binalik niya muli ang tingin sa akin. Walang emosyon.

Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Gustong matawa.

"Wow...just wow, Maxrill..."

"Babe...anong gagawin natin? Aalis ba?"

Tumaas ang aking kilay sa maarteng boses ng babae. Bumalot ang inis sa buong katawan ko. Just wow lang talaga! Muntikan na nilang gawing lodge ang campus. Walang hiya.

"Ano? Aalis ka na naman?"

"Ano na namang kaartehan 'to, Hiraya? Wala akong panahon sa'yo, okay? Tigil-tigilan mo ako."

"What?"

"Leave me alone, Hiraya. Mahirap bang gawin 'yon?"

Is he real? Tangina. Nanaginip ba ako ngayon?

Tumawa ako ng malakas. "Mahirap? Tangina mo, Maxrill. Ano bang problema mo, ah? Wala naman akong natatandaang may ginawang masama sa'yo, ah? Naka-idlip lang ako saglit tapos ganyan kana? You promised yesterday, bastard. Hinawakan ko 'yon! Tapos ganito lang ang gagawin mo? Ignoring all my messages! Parang wala lang? Is this what you want? Sige ibibigay ko sa'yo. Kung gusto mong sirain ang friendship na 'to dahil sa unexplained reason mo, sige!"

Naramdaman ko ang mainit na likidong unti-unting lumalandas sa aking pisnge. Ngumiti ako sa kanya, pilit pinatatag ang sarili habang nakatingin sa kanyang mga mata na biglang nanlambot. That's it, Maxrill. Gawin mo ang gusto mo, kaibigan mo lang naman ako. Hindi special. Do whatever you want. Wala aking pakialam.

"Saan ka pupunta, Maxrill? don't leave me here!"

Tumakbo ako. Umalis sa kanilang harapan. Tinungo ko ang bisikleta sa labas at kaagad na sumampa habang umaagos ang aking mga luha.

Tangina, ang sakit naman.

"Hiraya! Stop!"

Hindi ako tumigil. Pinatakbo ko ang aking bisikleta. Palayo, palayo kay Maxrill.

Alam kong masasaktan ako sa huli eh.

Kaibigan niya lang ako.

"Hiraya! Fuck! Stop!"

I didn't. Sinundan niya ako. Kitang-kita ang ilaw ng kanyang motor na tumatama sa aking likuran. I didn't stop dahil baka manlambot na naman ako. Ayokong mangyari iyon.

Ilang taon kong pinigilan ang sarili ko, ngayon pa ba ako manlalambot? Bata pa lang kami, lagi na kami magkasama. We shared everything about our life. Hindi ko naisip na magkakaroon ako ng kaonting feelings sa kanya.

I tried. I tried convincing myself na magkaibigan lang kami. Pinanghawakan ko iyon hanggang sa tumuntong ng college. But, what happened? Bumabalik ang damdamin kong matagal nang binaon sa limot.

"Hiraya, baby, stop!"

Tumigil ako sa gitna ng kalsada. Kitang-kita ang alikabok na nanggaling sa aking bisikleta.

"Hiraya..."

Tiningala ko ang aking ulo. Pilit pinipigilan ang sariling luha.

Narinig ko ang pagtigil ng kanyang motor sa aking likuran. Bumaba siya at sa isang iglap ay natagpuan ko na lamang ang sariling nakagapos sa kanyang mga bisig. Niyakap niya ako habang walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha.

"I'm sorry, baby..." nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"Nagseselos ako."

Feeling jowa ka talaga, Maxrill. Paasa.

**
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top