Kabanata 8
My broken pen.
***
Hiraya's POV
"Hiraya, may bisita ka!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.
"Sino naman 'yan?" wala akong inaasahan na bisita ngayon. Mamaya pa ang lakad namin ni Maxrill. Eleven am palang, mainit pa sa labas kaya napagpasyahan namin na five pm nalang aalis. Marami ng mga foods sa NightMarket kapag ganyang oras. Mabuti nalang Saturday ngayon at walang pasok.
Sa Monday pa rin pala ipapasa ang final sketch para sa dress na gagawin namin. Kapag pumasa ay ilalabas 'yon sa fashion show na gaganapin sa bayan ng Mariano. Sana nga pumasa ako. Malaking show pa naman 'yun. Pupunta ang mga sikat na designers galing Maynila, may mga foreigner din siguro. Baka du'n na ako magkakajowa.
"Hiraya, lumabas ka. Hindi ko naiintindihan 'to. English speaking!"
Napalunok ako sa huling sinabi ni Mama. Binaba ko ang aking selpon at lumabas na naka-short at sando lamang. Sino ba kasi 'tong bisita ko? Imposible namang si Solace. English speaking din 'yon pero hindi niya alam ang bahay namin. Sa kabilang highway 'yong kanila, papuntang Mariano. Yayamanin eh.
"Sino ba kasi 'yan, Mama?" inis na bulalas ko at hinarap ang sinumang bisitang naghahanap sa akin.
"Dante daw."
"DANTE?!"
"Hello, Hiraya..."
Nalaglag ang panga ko. Nasa harapan ko si Dante, ayos na ayos. Nagtaka naman ako, paano niya nalaman ang bahay namin? Hindi naman siguro sinabi ni Maxrill sa kanya 'no? Hindi maganda ang relasyon nilang magkapatid. Ewan ko kung bakit. Hindi ko na problema 'yun. Basta hindi maganda, ni halos hindi nga magpapansinan. Parang hangin lang. May ganun pala 'no? Malaki siguro ang galit nila sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo dito, Dante?" umupo ako sa kanyang harapan. Sinawalang bahala ang aking legs na lantad na lantad ngayon sa kanyang harapan. Hindi naman tumatama ang mata niya roon, sa mukha ko lang. Subukan niya lang, tutusukin ko talaga mga mata niya kahit maganda ang mga 'yon. Meron siyang blue eyes, wala si Maxrill nu'n. Nakuha ni Dante ang foreign features ng kanyang ina habang si Maxrill naman ay sa ama. Both naman gwapo pero walang dimple si Dante. Mas attractive ang dimple kaysa sa mata. At mas gwapo si Maxrill para sa akin.
Nadapa kaya 'yon ngayon?
"Just visiting. Nagtanong-tanong ako sa labas. Kaibigan mo ba si Anna?"
"Sinong Anna?" hindi ko kilala 'yan at wala akong kaibigan na ganyan ang pangalan. Solace lang ang alam ko. Pinagloloko yata ako nito eh.
"Kapitbahay niyo." Napatingin ako sa bintana kung saan tanaw ang malaking bahay ng aming kabitbahay. Sila lang ang mas malapit sa amin. Nakakapanliit nga dahil hindi man lang nakakalahati ang bahay namin sa kanila.
"Hindi ko siya kaibigan. Kakakilala lang namin no'ng nakaraang araw. Bakit ka pala napabisita?"
"Wala lang, Hiraya. Hindi mo yata gusto na nandito ako eh, are you disappointed?"
"Saan?" hindi naman sa hindi gustong makita. Pagod lang ako, gusto ko munang mapag-isa. What he did yesterday was cool. Hindi kaya nagalit si Maxrill sa kanya?
"Na hindi si Maxrill ang pumunta."
"Ang oa mo! Saka mas matanda si Maxrill sa'yo, ah. Dapat mag-kuya ka!" walang respeto ang batang 'to ah.
Umirap siya at sumandal sa sofa namin. Panandaliang tiningnan si Mama. Nasa likuran ko kasi siya, nakikichismis na naman siguro. Baliw 'to!
"Ayoko nga! Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin."
"Kahit na!" gigil na sagot ko. Tumawa siya ng malakas. Nakikita ko ang suplado na mukha ni Maxrill sa kanyang tawa. O baka baliw lang ako? Bakit ko ba iniisip ang mokong na 'yon. Tss.
"May laro sila ngayon sa campus. Hindi ka pumunta?"
"Halata naman siguro sa suot ko?" irap na sagot ko at dahan-dahang tumayo. Tinungo ang maliit naming kusina. Wala na si Mama, pinuntahan yata si Papa sa likod ng aming bahay. May kaonting pananim kasi kami duon, tanaw na tanaw mula duon ang malaking mansyon nina Maxrill. Ganun din ang kanilang mga hayop. Hindi nga lang malapit, malayong-malayo.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Napansin ang kanyang presensya sa aking likuran. Ang aga naman kasing bumisita nitong si Dante, ni hindi man lang ako sinabihan.
"Oo, Hiraya. Nga pala, rinig ko kina Manang nagtatrabaho ka raw sa mansyon? Hinayaan ka ni Maxrill?"
"Hindi niya naman ako girlfriend para pag bawalan, Dante. Kailangan ko ng pera, may iniipunan ako."
Binuksan ko ang rice cooker. Kasya pa sa dalawang tao ang laman. Nilapitan ko ang aming ref, kinuha ang ulam na tinabi ni Mama tsaka nilagay sa ibabaw ng lamesa. Mabuti nalang kaka-ref lang nito. Hindi pa matigas. Kakatapos lang siguro nina Mama at Papa kumain.
Umupo si Dante sa aking harapan. May hawak na Iphone 15 sa kamay. Ang yaman talaga. Wala man lang binatbat ang cherry mobile phone ko. Hindi pa gaanong malinaw ang camera kaya sa selpon ako ni Maxrill paminsan nagpi-picture. Linaw ng camera eh. May pagka-attitude din ang signal. Kakaloka.
"Talaga? Magkano ba kailangan mo? Papautangin muna kita,"
Inirapan ko siya. "Hindi na. Matagal pa naman ang finals kaya..." pagtya-tyagaan ko. Kaya ko namang kumita ng pera. Medyo malaki rin ang sinasahod ko sa mga Salvatore. Pagkakasyahin ko nalang hanggang matapos ang klase. Konting tiis nalang.
Ayoko rin naman kasing humingi kina Mama dahil kailangan nila ng pera para sa lupa na iniwan ni Lolo sa amin. Kailangan I-process ang papers nu'n. Daming gagawin. Kapag hindi kaagad inasikaso 'yun, aakuin ng mga kapatid ni Lolo.
Aasikasuhin ko nga sana ang lupa na 'yun kung hindi gagalawin nina Mama. Ngayon ay inasikaso na, gumaan ang loob ko.
Malawak ang lupa na 'yun, plano ni Papa gawing anihan ng palay o mais. Matatagpuan sa likuran ng Salvatore's Property. Sa ngayon ay sarado muna iyon. Maraming nagkaka-interes dahil malawak, sagana at mataba ang lupa. Magandang taniman ng mga palay at mais. Kitang-kita rin ang nagagandang mga bundok roon. Paminsan ay pinupuntahan nina Mama at Papa kasama ang Mama at Papa ni Maxrill. Tutulong yata sa lupa. Kaya naman siguro nila 'yon. Tsaka may tiwala si Papa sa mga Salvatore. Hindi dahil nagta-trabaho siya sa mga ito kundi sa kanilang matagal na pinagsamahan. Ang problema ko lang talaga ay 'yong nanay ni Maxrill.
Hindi ko gusto ang kanyang mataray na ugali. Ang bastos niyang pagkatao. Kapag pumupunta ako sa kanilang mansyon kasama si Maxrill, nag-iiba ang timpla ng kanyang mukha. Halatang nagpapanggap.
HAPON na nang nakauwi si Dante. Marami kaming pinag-usapan, halos tungkol sa rancho at college life. Naging maganda naman ang usapan, ibang-iba na siya sa dating Dante na nakilala ko. Hindi na siya childish, hindi na ako inaasar. Si Maxrill nalang talaga ang kulang. Kailan kaya magbabago iyon.
"Hiraya, may bisita ka!"
"Na naman?!" Padabog akong bumaba ng kama. Sinawalang bahala ang buhaghag kong buhok.
Tangina. Anong oras na ba? Naka-idlip ako.
"Si MAXRILL, NASA LABAS!"
Hala shit! Nanlaki ang mata ko nang may naalala. "Lalabas pala kami ngayon! Shit, anong oras na ba?"
Binuksan ko ang selpon. Nagulat sa oras, alas-syete na!
"Maxrill!"
Sinalubong ako ng masamang tingin ni Maxrill. Suot niya parin ang basketball jersey ng team nila. May bag sa kanang kamay.
Hindi siya umuwi sa kanila?
"Maxrill..." Lumapit ako ng dahan-dahan. Medyo kinakabahan pa. Kitang-kita naman kasi ang hindi kaaya-ayang emosyon sa kanyang mukha. Sobrang seryoso nu'n. Nakakunot noo, masama ang tingin.
"Bakit hindi mo sinabi na pumunta si Dante dito kanina, Hiraya?"
Napatigil ako.
Gosh. Bakit ako kinakabahan. Calm down, Hiraya. Si Maxrill lang 'to.
"Answer me!" Napatalon ako sa kanyang malakas na sigaw. Nilibot ko ang mata sa aming bahay, wala sina Mama at Papa. Tang—
Lumapit ako sa kanya at hinila siya palabas ng aming bahay. Sinalubong ang natutulog na kalangitan, pinalilibutan ng mga bituin at hanging yumayakap sa aming katawan ni Maxrill. Pilit pinapakalma ang naghuhurumandong mga damdamin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Hiraya?"
"Walang signal kanina, Maxri—"
"Don't give me that bullshit!"
"Nasa labas tayo, Maxrill. Huwag ka ngang magmura rito!"
Padabog niyang binaba ang kanyang bag. Nagulat ako nang bigla niyang hinakawan ang aking balikat.
"Hindi ko gustong nakikipag-usap ka sa lalaking 'yon, Hiraya. Do you understand?" malalim ang kanyang mga mata. Igting ang panga.
"B-Bakit?"
"Basta!"
Anong basta? Hindi ko siya ma-gets! At anong kinagagalit niya du'n? Hindi ko naman pinapunta dito si Dante. Siyang kusang lumapit. Ang bastos ko naman kung papaalisin ko siya hindi ba? Tsaka wala naman siyang ginawang masama.
"Anong basta, Maxrill? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay!"
"Naalala mo pala?" tumawa siya. "Akala ko kinalimutan mo na e dahil kay Dante."
"Hinintay kita, Maxrill. Naka-idlip pa nga ako sa kakahintay sa'yo."
Malalim niya akong tinapunan ng tingin.
Panandalin lamang 'yon.
"Tangina." Pinulot niya ang kanyang bag at walang lingon-lingong tumalikod sa akin.
Tinungo ang ilang dangkal naming gate. Galit na binuksan at sinara 'yon. Nagmamadali naman akong lumapit, lumabas ng bahay. Natagpuan ko siyang nakasakay na sa kanyang motor at marahas na pinaandar iyon.
"Maxrill! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"
"I'm tired. Bukas na tayo mag-usap." Kasabay nito ang mabilis na pagpatakbo niya sa kanyang motor.
Walang hiya. Kakainis!
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top