Kabanata 6
A journey to forever
****
Hiraya's POV
"Hello po, nakauwi na po ba si Maxrill?" tanong ko sa isang kasambahay na naninilbihan din sa mansyon ng mga Salvatore. Mas matanda ito sa akin ng limang taon. Hindi nakapagtapos dahil sa hirap ng buhay. Sampung taon nang nagtatrabaho sa mga Salvatore. Alam na alam niya na ang takbo ng buhay ng mga 'to. Nakilala at naging kaibigan ko si Maxrill dahil sa kanya.
Nabangga ko kasi siya noong highschool pa lamang ako. Sa bayan ng Mariano ako nag-aaral noon, nakapagtapos at bumalik sa Santiago para ipagpatuloy ang kolehiyo sa University of St. De San Pablo. Ang pinapangarap kong eskwelahan. Sobrang sama ng tingin ni Maxrill sa akin noon, gusto na yata akong sakalin sa mga araw na 'yon eh. Humingi ako ng sorry dahil kasalanan ko naman. Nagmamadali ako dahil uuwi na si Mama galing Japan at walang magsusundo sa kanya sa terminal. Gusto kong sumama kay Papa kaya nangyari iyon. Ngunit hindi ako nakasama kay Papa. Hapon na nang makauwi ako dahil kay Maxrill. Doon ko napagtanto na hindi siya masama, gusto niya lang makipag-kaibigan. Ang taba taba niya noon, matatambok ang kanyang mga pisnge, mas lalong lumalim ang kanyang dimple at hindi rin kagwapuhan. Nagulat na lamang ako no'ng muli kaming nagkita sa Santiago. Tumangkad, lumaki ang katawan, pumayat at nag-iba ang kulay ng balat. Maputi kasi siya noon, naging moreno na ngayon. Bagay na bagay naman sa kanya. Mas lalong lumabas ang totoo niyang kagwapuhan. Hindi ko lang sinabi sa kanya baka lumaki ang ulo.
Hindi lang anyo ang nagbago sa kanya. Ang ugali niya ring nakaka-buwesit. Laging nang-aasar, nangungulit at hilig mambabae! Kapag may tumatangkang manligaw sa akin pinapaalis niya. Bata pa raw ako, hindi pa pwedeng mag-boyfriend pero siya pwedeng mambabae?! Hindi lang nambababae, inano niya pa. Nakakadiri! Ugh!
"Anong nangyari kay Maxrill, Hiraya? Ang sama ng timpla niya ngayon," nabaling ang tingin ko kay Marta. Nagpupunas siya ngayon ng lamesa. Nakatingin sa akin.
Naalala ko na naman ang ginawa niya kanina. Galit na galit talaga ang mokong. "Kumain na ba 'yon?"
"Kanina pa inaaya ni Lucy. Hindi nakinig, pinaalis niya. Iyon ang unang pagkakataon na ginawa ni Maxrill iyon kay Lucy, Hiraya. May nangyari ba?"
Binaba ko ang basahan. Hinarap ko siya. Kailangan niyang kumain, kailangan niyang magpalakas kahit na bukas pa ang laro. Narinig ko kanina sa cafeteria na kalaban nila ang kabilang school. Tuned up yata tawag du'n. Ewan ko, hindi naman ako mahilig sa mga ganon.
"Nag-away na naman ba kayo?"
"Hindi, Marta. Na-badmood yata dahil natalo sa practice kanina kalaban ang kabilang school, taga Exus University yata ang mga 'yon." Hindi ako sigurado ah. Same kasi sila ng kulay ng logo ng EU.
"Talaga? Ang tindi naman ng galit niya kung ganun. Practice lang naman 'yun, hindi kaagad siya magagalit sa ganoon lang. Mahilig siyang maglaro, Hiraya. Ano pa ang nangyari?"
Lumunok ako. Ano pa nga ba? Hindi ko nasundan ang buong laro niya dahil nakapukos ako sa iniidolo ni Solace. Sumabay ako sa kabaliwan niya, sumigaw din. Parang supportive best friend ganun. Nakalimutan ko si Maxrill. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin, napansin ko lang nu'ng pumangit na ang laro niya. May binabangga siya, masama ang tingin. Igting lagi ang panga.
Natigil ang laro dahil sa kanya. Natalo sila. He threw the ball and left without looking back. Sumunod sa kanya 'yong lalaking naka eyeglasses. Alin du'n ang mali? Kanino siya nagagalit?
"You are his friend, right?"
Realization hit me. He's mad at me?
"Kausapin mo siya, Hiraya. Hindi ka naman tatanggihan nu'n. Ikaw lang din ang makakatulong sa problema niya ngayon. Hindi naman siya magkakaganyan kung hindi ikaw ang dahilan." Makahulugan ang kanyang ginawad na ngisi sa akin. Kinuha niya ang aking basahan at umalis kasama ang dalawang kasambahay na nakikinig sa amin kanina.
Nagpakawala ako ng hininga. Inangat ang tingin, tiningnan ang nakasarang pintuan ni Maxrill sa ikalawang palapag.
Kakausapin niya kaya ako? Para pa namang babae umarte 'yon.
"Argh! Kakainis naman, Maxrill!"
Inis kong inapakan ang kanilang hagdanan. Tinungo ko ang kanyang kwarto at walang pag-aalinlangang kinatok iyon.
"Bakit ang kulit kulit mo, Lucy? Ayoko nga sabing kumain! Don't fvcking disturb me!"
Hinilot ko ang aking noo. Hindi ko bahay 'to, hindi ko rin kaano-ano si Maxrill kaya kailangan kong huminahon baka bigla ko na lang sigawan ang mokong na 'to.
"Get lost!"
"Maxrill, si Hiraya 'to. Buksan mo ang pinto," marahan kong simula.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ko ipapalinis ang kwarto ko kaya umalis kana."
"Buksan mo nga muna 'to! Mag-uusap tayo!" asa namang lilinisin ko ang kwarto niya. Baka dyan may mga condoms na nagkakalat. No way!
"Bukas na tayo mag-usap, Hiraya. Gusto ko mapag-isa ngayon kaya hu—HIRAYA! WHAT THE FVCK!"
Hindi ako nakinig. Sinipa ko ang kanyang pintuan at napasinghap nang biglang bumukas iyon kasabay nang panlalaki ng mga mata ko sa nasaksihan. What the hell.
"TANGINA MO TALAGA! GET OUT!"
What the hell, Maxrill. Tumutulo ang pawis sa aking noo.
Natigilan.
H-He was holding his—
***
The image of Maxrill holding his manhood lingered to my soul. Hinding-hindi makakalimutan. Umuwi ako ng bahay, gulat na gulat padin. I fvcking saw his manhood for fvck's sake! And i-its big!
"Hiraya? Are you listening?" Pinitik ni Solace ang kanyang daliri, kunot ang noong nakatingin sa akin.
"What happened to you? You were spacing out for damn's sake. Is there a problem?"
Mabilis akong umiling. Lutang parin ang isip. Nasa loob kami ng classroom ngayon. Naghihintay sa susunod naming Prof. Dahil kay Maxrill, hindi ako nakatulog ng maayos. Laging sumasagi sa isip ko ang imahen na 'yon. Ang paghawak niya sa kanyang ari habang naliligo sa sariling pawis. When he saw me, he was shocked. Tumigil siya at akma na sana akong hahawakan nang tumakbo ako. Tumakbo ako ng mabilis, lumabas ng kanilang mansyon. Naiwan ko pa ang bike ko sa sobrang kaba. Tangina talaga.
Kaya ngayon nag-commute ako. Nabawasan ang baon kong inipon na dapat sana sa paparating na project iyon. Para sa kursong 'to.
Sinandal ko ang likod sa upuan. Gulong-gulo.
"Are you really okay, Hiraya? You can talk to me..."
Tiningnan ko lang si Solace, hindi sinagot. Baka magulat din siya kapag sinabi ko ang problema ko kaya huwag nalang. I can endure that fvcking scene I saw yesterday. Hindi muna ako magpapakita kay Maxrill, iiwasan ko muna siya. Nag-iinit ang mukha ko sa tuwing nakakasalubong siya. Sumasabay pa ang imahen na 'yon. Ugh, anong gagawin ko? Baka magalit siya lalo sa akin.
Akala ko masama ang loob niya dahil sa laro. Kulang lang pala ng ano, ng sarap. Gago talaga.
"Ang dugyot mo, Maxrill!"
Tumawa ng malakas si Solace kayat napatingin ako sa kanya. "What?"
Tinuro niya ang likuran ko. Inis naman akong napalingon du'n at nagtama ang ilong namin ni...MAXRILL!
"Narinig ko 'yon, Hiraya." He smirked.
What the.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you, bbies!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top