Kabanata 5

Hiraya's POV

As promised, hindi muna ako umalis ng University. Nakita ako ni Maxrill kanina sa cafeteria at muntik pang lumapit mabuti nalang pinanlakihan ko ng mata kaya hindi na sumubok. Ma-iissue na naman kasi kami, ayoko nu'n kaya ayos-ayusin niya talaga ang buhay niya. Ayaw ko munang makaramdam ng unexplained feelings ngayon. Dami ko pang gagawin sa buhay. Dumagdag pa ang kakaibang pakiramdam.

Lumabas ako ng library nang napansin ang oras. Tapos na siguro ang class nina Maxrill at tutungo na siguro iyon sa court kung saan gaganapin ang kanilang practice. Sa tingin ko rin dadagsain ang bench ngayon dahil sa bagong miyembro ng MR. Gusto ko manood dahil sa lalaking 'yon, kung worth it ba ang pumalit kay Mike. Kilalang-kilala kasi si Mike, three-point shooter iyon at kanang-kamay ng center which is si Maxrill. Ang bida-bida sa lahat at Captain.

I adjusted the strap of my bag, while eyes scanning the bustling hallway of University St. De San Pablo. Madami talagang chismosa dito sa San Pablo. Updated lagi sa mga chismis. Kahit saang lupalok 'yan ay malalaman nila.

Binalik ko muli ang tingin sa hallway. I saw a girl with bright, curious eyes caught my attention. She was walking towards me. Bakas ang pagdadalawang isip sa kanyang mga mata.

"Hi!" bati niya sa akin nang nakalapit. Her voice is a mix of American and Filipino accents. Ngayon ko lang nakita to ah.

"I'm Solace. I'm new here." Malaki ang kanyang ginawad na ngiti sa akin. Naka-skirt siya na itim at puting shirt. Mukhang nahuli na yata sa fashion ang babaeng 'to o 'yon lang talaga ang hilig niya. Simple yet, ugh...basta 'yon na 'yun.

Anyway, ngayon ko lang nakita ang babaeng 'to. She's really pretty, mahaba ang kanyang buhok, maputi at matangkad. Half American nga ba talaga siya? Ang linis niya magsalita ng english. Foreigner na foreigner ang datingan.

Kinagat ko ang ibabangabi. I smiled back.  "Hi Solace, I'm Hiraya," I replied, extending my hand. "Nice to meet you."

"Nice to meet you too," sagot niya, shaking my hand.

"I'm half-American, half-Filipino. I can understand a lot of Filipino words, but I'm still learning how to speak them. It's hard!" Oh. Totoo ngang may half ang babaeng 'to. Accent niya pa lang alam na alam na.

I chuckled. I find it funny tho. "Don't worry, you'll get there. It takes time."

We continued walking side-by-side. Nakalimutan na pupunta pala ako ngayon ng court para manood ng basketball. Kaya lang hindi ko naman pwedeng iwan nalang 'to dito. Madaldal siya, kapag iniwan ko baka madi-dissappoint siya. English speaking pa naman 'to. I can speak english naman pero hindi masyadong hasa. Pure Pilipino ako eh. Isa pa, transferee siya. Ano kayang kurso niya?

"So..." simula niya, nagdadalawang isip. "I saw you looking at the bulletin board earlier. Are you also a Fashion Design student?"

Napalunok ako, biglang may naalala. Kanina niya pa kaya nakita iyon? Nasaksihan niya rin kaya ang pagpapanggap ko? Nagtatago ako nu'n, hindi ako tumingin sa bulletin board. Saktong doon ang tungo ko, kaharap ang board na iyon para iwasan si Maxrill. Hindi kasi mapakali.

She waited. I cough.

"Yes, I am!" malaki ang ngisi. Nagmumukha na yata akong tanga dito. Hindi nga lang ako transferee gaya niya. One week na ako dito.

She flashed a smile too. Kitang-kita ang maputi niyang mga ngipin. Naalala ko tuloy si Aljun.

"It's so great to meet someone else who's going into the same course. I was actually just looking for the schedule for our first class." Hirit ko pa. Kahit kanina pa tapos ang first class. Na-late pa nga.

"Oh, me too!" she exclaimed, her eyes lighting up.

"I'm so excited to start. I've always loved fashion, and I can't wait to learn more."

I nodded. Walang ibang magawa. We continued walking while talking.

"Me too. I'm really hoping to learn from the best. What kind of fashion do you like?"

"I love all kinds!" sambit niya. Tuwang-tuwa. "But I'm really drawn to sustainable fashion. I think it's important to be conscious of the environment, even in the fashion industry."

"That's awesome!" sagot ko naman. Paminsa'y napapangiwi. Hindi yata kakayanin ng powers ko ang babaeng 'to.

Mas madaldal pa siya kaysa kay Maxrill. Hindi ko sana sasagutin kaya lang baka magalit. First time niya pa naman. I'm not really talkative, lalo na sa bago. Hindi nga ako halos sumasagot sa mga sinasabi ni Maxrill. Ito pa kaya?

But I like how she started the conversation. We both have passion in designing kaya siguro nasasabayan ko.

Si Maxrill kasi puro babae. Mukha ba akong tomboy sa paningin niya? Kung gusto niyang lumandi huwag sana sa harapan ko. Nakakasira ng araw. Puros kalandian niya ang naririnig ko. Mabuti nalang may ibang pinagkakaabalahan 'yon ngayon.

But who's Jaklyn Hersmosa? Hindi ko pa nakalimutan ang babaeng 'to.

Binalik ko muli ang atensyon kay Solace. Naghihintay, hindi parin nawawala ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Seriously?

"I'm interested in that too. Maybe we can work on a project together someday?"

Solace beamed. "I'd love that!"

Nang makarating sa sariling building, naroon padin ang malawak na ngisi ni Solace. Hindi ba siya napapagod?

I hope so.

"Tangina. Pupunta pa pala ako ng court!" Tiningnan ko ang oras sa aking selpon. Napamura muli ng malapit ng mag alas-sais.

"What is 'tangina', Hiraya?" napaawang ang labi ko sa mukhang may bakas na excitement ni Solace. Hindi niya alam 'yon?

"A-Ano, you can understand filipino words naman, right? Little?"

Tumango siya at pinakita ang dalawang daliri. "Yeah, little."

"Ano kasi...tapos na ang klase natin ngayon sa whole subjects. Tomorrow ulit, we'll meet again here if you want. Pupunta pa kasi ako ng court. Manonood ng basketball game ng kaibigan ko," napakamot ako sa aking noo.

Naintindihan niya naman siguro 'yon.

"Basketball game? I love watching games, Hiraya. I'll come with you then!"

Lumiwanag ang mukha ko. Finally, I found a friend who has the same interest as me.

She's Solace Montemayor. Half American and Half Filipino. She's a transfer student from US. Her father took her here and forced her to study here. Nu'ng una ay ayaw niya pero kalaunan ay nagustuhan niya. It is because maganda ang tanawin at beaches na narito. Nagulat nga ako nang nalaman na na-try niya na ang famous beach dito sa Isabela. Balita ko pagmamayari iyon ng mga Scarleus. Famous beach iyon. Dinadayo, lalo na ng mga mayayaman. I also want to go there pero saka na siguro.

Nang makarating sa court ay bumungad sa amin ang malakas na hiyawan. Tawang-tawa si Maxrill. Gustong-gusto ang hiyawan ng mga kababaihan.

"Landi talaga."

Umupo kaming dalawa ni Solace, malayo sa mga naghihiyawang mga babae. Maarte siyang umupo sa tabi ko, nilabas ang sketchpad tsaka binuksan iyon.

Umawang ang labi ko nang makita ang mga drawings niya. Halos gowns ang mga 'yon.

"Oh my gosh, Solace! These are incredible!" komento ko dahil totoo. Ang ganda ng mga drawings niya. Iba't iba ang mga styles nu'n. How can she do these? Hindi ko nga kayang gawin ang ganito karaming designs.

"Really?"

"Yes! Your sketches are so detailed and the designs are so unique. You're really talented at fashion design."

She smiled. Revealing her white teeth na naman. Nakakasilaw ah.

"Thank you! I've always loved drawing, but I never thought I could actually design clothes like these."

"Well, you definitely have a gift for it. I can see you going far in this industry." Sabi ko at unti-unting hinarap ang court kung saan ngayon sina Maxrill. Nakaupo siya sa isang silya, kausap 'yong lalaking pumalit kay Mike. Why are they sitting there? Pagod na?

"That means a lot to me. I'm not sure what the future holds, but I'm excited to see where this takes me."

I faced her. Binalik niya sa loob ng bag ang sketchpad. "Me too. I can't wait to see what you create next."

Tumango siya. Nanood na rin ng game nina Maxrill. Sino naman kaya 'tong kalaban nila? Practice lang naman 'to pero kung makahiyaw 'tong mga babaeng 'to wagas. Kulang nalang mabilaukan sa sariling laway.

"He's so good!" Tinuro niya 'yong lalaking naka-salamin.

"Weh? Hindi ko nakita ang shoot niya,"

"I saw it, Hiraya! He got three points!"

"Wow, look at him! Number 23, he's incredible!" she exclaimed, her eyes glued to the court. She leaned forward, her hands gripping the edge of her seat.

I chuckled. Medyo nagugustuhan ko na siya. I like her energy.

"He's good, okay? But you're making it sound like he's single-handedly carrying them to victory." Komento ko. Magaling din naman si Maxrill pero dahil kay Solace, nawala ang atensyon ko sa kanya. I saw his pissed face pa nga kanina. I don't know why.

"He's got the best moves! Look at that three-pointer! And those glasses, they just make him even cooler!" she gushed again. Her gaze never strayed from the court.

I laughed again, shaking my head. "He's definitely got a good game. But you're practically fan-girling over him."

"Okay, maybe a little," she admitted, blushing slightly. "But he's just so...inspiring! I love his energy."

"He's definitely got some energy," I agreed, watching the player as he dribbled down the court. "But don't forget the rest of the team. They're all playing really well." Except nalang talaga kay Maxrill na kanina pa napipikon. Hindi na maganda ang laro niya.

Saan naman siya nagagalit kung ganun?

"You're right," sabi niya, lumaki pa ang mga mata. "Look at that pass! That was amazing!"

I smiled, natutuwa sa kanyang kakulitan. "See? You can love all the players, not just the ones with the cool glasses."

"Alright, alright," Solace conceded, still beaming. "But he's definitely my favorite."

I laughed again. Shaking my head. I loved how easily Solace could be swept away by things, and I was so happy to share the experience with my new friend. As the game continued, we continued to cheer. Sinusuportahan ang bawat members ng MR. Lalo na 'yung bago na bet na bet ni Solace, not minding the cold stare coming from Maxril's dark-brown eyes.

He pulled the ball back and threw it away. Kinuha niya ang t-shirt niya at lumabas ng court. Nabitin naman sa ere ang sigawan ng mga kababaihan. Nanahimik.

"Anong problema niya?"

Bumaba si Solace. Bumalik sa pagkakaupo. "So, what did you think of the game?" tanong ko imbes na alalahanin si Maxrill.

"It was intense." She commented. Yeah, it was really intense. Busangot na naman mukha non.

"But I couldn't help but notice that the Midnight Ravens' captain seemed really pissed off the whole time," she looked at me.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Oh, yeah. I know that guy."

"You do? Who is he?"

Tumango ako. "His name is Pierson Maxrill Salvatore. He's my friend."

Her mouth forms 'o'

"He's your friend? But he seemed so mean!"

"He's not usually like that. I don't know what got into him today."

"Maybe he was just frustrated because they lost." Natalo sila dahil sa kanya. Nawala siya sa pukos. Ewan ko kung bakit, bigla nalang umalis. Nadatnan pa naming hinabol siya nu'ng lalaking naka eyeglasses. Itong paborito ni Solace.

"Yeah, maybe." Mahinang sagot ko.

WE decided na sabay na bumaba at lumabas ng gate. May pupuntahan pa ako at hindi pwedeng uuwi kaagad ako.

"So, what's he like?" basag ni Solace sa katahimikan. Halos hindi na ako makapag-pukos. Baka mamaya niyan makaligtaan ko ang bisikleta ko.

"He's a great guy. He's funny, smart and kind." Madaldal din iyon kagaya mo. Mahilig mambuwesit. Dadagdag ko sana.

"He doesn't seem kind,"

"He is. You just have to get to know him."

Lumiko ako upang kunin ang aking bisikleta sa parking space. She followed naman and smiled at me.

"I guess I'll take your word for it. Thank you for today, Hiraya. I had fun! Nice meeting you!"

"No problem, Solace. Thank you too!"

We bid goodbyes.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top