Kabanata 3

Far away.

***

Hiraya's POV

Panibagong araw na naman ang aking tatahakin ngayong araw.

Lumabas ako ng aking kwarto habang hawak ang bag sa kaliwang kamay. Nadatnan ko sina Mama at Papa sa hapag, naghahanda. Lumapit ako at sumalubong sa akin ang mabangong ulam ni Mama. Ibebenta niya na naman siguro ang mga iyon sa kabilang bayan. Doon sa Mariano. Nahahati kasi sa dalawa ang aming bayan. Bayan ng Santiago kung nasaan kami ngayon at bayan ng Mariano sa kabila. Malalaki ang mga bahay na naroon, halos sementado din ang daan habang dito naman sa Santiago ay kani-kaniyang mga bahay, lubak-lubak din ang daan. Malawak na mga lupa, may mga palayan, maisan at iba pa. Mas klaro din ang tanawin dito, mas dinadagsa ng mga mayayaman dahil sa iba't ibang pasyalan.

Halos mga mayaman na may malalaking lupa ang nandito. Hindi kasi malaki ang Mariano, ang maganda lang doon ay malayo sa lubak-lubak at putikan. Sosyalan kumbaga. Isa pa, mas malapit ito sa University, kaya ng bisikleta ko.

Hindi binawi ni Maxrill ang kanyang sinabi no'ng nakaraan. Inuwi niya talaga sa amin ang bisikleta ko. Kompleto ang mga parte nu'n, walang sira. Mabuti nalang talaga, bigay pa kasi ni Lolo iyon. Nakaka-save ako ng pamasahe dahil sa bisikleta. Hindi naman mahal ang jeep at tricycle pero gusto ko talagang mag-bisikleta. Mas na-aappreciate ko ang buong Santiago, ang mga tanawin nito, mga kabundukang hindi nakakasawang tingnan sa malayo. Mga nagbeberdihang mga pananim at preskong hanging yumayakap sa akin ng malaya.

This is our place. Isabela.

Malayong-malayo sa usok ng mga sasakyan, nagtataasang mga gusali. Mga makabagong teknolohiya at mga kagamitang hinulmo lamang sa orihinal na kopya. Hindi ko naman pinupunto na masama ang lugar na iyon. Maganda rin doon, maraming mga pasyalan ngunit mas gusto ko talaga ang Isabela. Hindi usok ng sasakyan ang mayroon kami dito, kundi alikabok ng daan.

Napangiwi ako.

Hinarap ako ni Mama. Sumilay ang mapanlarong ngisi sa kanyang labi.

"Ikaw ah, may relasyon ba kayong dalawa ni Maxrill?"

Mabilis akong napangiwi sa kanyang tanong. "Yuck! Mandiri ka naman, Mama! Anong relasyon ka riyan. Magkaibigan lang kami,"

"Hindi ako naniniwala, Hiraya Cristiana Corazon."

"Mama naman eh!"

Umarko ang kanyang kilay. Lumabas si Papa sa kanilang kuwarto at kinuha ang sombrero sa ibabaw ng lamesa.

"Hindi ka ba susunduin ni Maxrill?"

"Bakit niya naman ako susunduin?" maktol ko naman.

Umiling-iling si Mama. Hindi parin nawawala ang ngisi sa kanyang labi. Wala naman kasi kaming relasyon ni Maxrill. Magkaibigan lang talaga kami. Asa namang magugustuhan ko 'yon. Ang babaero kaya nu'n, gwapo nga pero nakakainis! Hindi siya ang ideal type ko. Hindi man lang nakakalahati.

Hinding-hindi ko magugustuhan ang babaerong 'yon. Magpapakamatay muna ako.

"Anong pinag-uusapan niyo? Inaasar mo na naman ang anak mo, Maria?"

Umiling si Mama. Mapagpanggap talaga eh.

Dumukot ng isang daan si Papa sa kanyang bulsa at nilahad iyon sa akin. Narinig ko ang mahinang tawa ni Mama sabay baling sa aming malaking bintana.

"Magpapahatid ka ba, anak? Dadalhin ko ang truck papuntang planta,"

Tinanggap ko ang binigay ni Papa. "Hindi na, Papa. May bisikleta naman ako, iyon ang gagamitin ko." Tumango siya at aalis na sana nang may naalala.

"Nga pala, bakit hinatid ni Maxrill 'yung bisikleta mo no'ng nakaraan? Naiwan mo ba?"

Naalala ko na naman ang ginawa ng mga walang hiyang 'yon sa bisikleta ko. Kapag talaga malaman ko, hindi lang tingin ang makukuha niya sa akin. Pepektusan ko talaga. Wala akong pakialam kung mayaman sila. Pantay pantay naman kami dito. Hindi ito Maynila na gagawin talaga ang gusto.

"Opo, Papa. Nagmamadali kasi ano nu'n."

"Mabuti nalang mabait ang batang 'yon. O siya, aalis na kami ng Mama mo, ah?"

"Mag-iingat kayo Mama! Papa!"

Kumaway si Papa. Nauna nang lumabas para paandarin ang malaking truck namin, habang si Mama naman ay naiwan. Kunot ang noo. Kanina pa nakatingin sa kabilang bahay. Mansion na katabi nitong bahay namin. Pagmamay ari yata ng isang mayaman. Matagal nang walang tao roon. Baka taga-Maynila?

"Ano 'yan, Mama?"

"May nakita akong babaeng sa tingin ko'y ka-edad mo, Hiraya. Diyan yata sa kabilang bahay papunta,"

Lumapit ako sa kanya upang tingnan ang tinutukoy niya. Sa kabilang bahay nga iyon, may kotse sa labas at may mga katulong. May hawak silang mga gamit papasok sa loob ng mansyon. Sa wakas hindi na magmumukhang haunted house ang mansyon na 'yun. Nakakatakot kasi, wala man lang kailaw-ilaw ang mansyon. Ni walang katulong para bantayan ang bahay.

Ano kayang mayroon sa bagong lipat? Ngayon ko lang kasi nalaman na may tao pa palang tumitira duon. Akala ko abandonado na.

Nanliit ang mga mata ko. "Kanina ka pa hinihintay ni Papa sa labas, Mama! Alis na baka lumamig 'yang mga ulam mo!"

"Ay oo nga pala! Sige, anak. Mag-iingat ka sa iskol, ah? Huwag kang magpa-paapi sa mga mayayaman na nandun! Kung kinakailangan ay upakan mo!"

"Mama naman!" mahihimatay yata ako sa mga sinasabi ni Mama. Mas malala itong mag-isip kaya sa akin.

"Oo nga pala, may Pierson Maxrill Salvatore ka nga pala. Hindi ka hahayaan n—"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mama!"

Nang makaalis sina Mama ay tila du'n na ako nakahinga. Bumalik muli ako sa hapag at hinanda ang baon ko. Hindi muna ako kakain ngayon, busog pa naman ako kaya babaunin ko nalang ang hinanda ni Mama.

Lumabas ako ng bahay. Sumalubong sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw. Ni-lock ko muna ang maliit naming gate habang hawak ang handle ng bisikleta.

Bago umalis ay binalingan ko muna ng tingin ang mansyon sa aming tabi. Napasinghap nang makita ang agwat ng aming bahay. Katamtaman lamang ang laki ng aming bahay habang sa kanila naman ay sobrang laki.

"Ang yaman ah..." mahinang bulong ko at muling binalik ang tingin sa bisikleta para aalis na sana ngunit napatigil ako nang may humintong sapatos sa aking harapan.

Gucci.

"Bahay niyo ba 'to?"

Napaangat ako ng tingin. Umarko kaagad ang kilay sa kanyang maarteng boses.

Matangkad siya. Nakahulma ng maayos ang kanyang buong mukha. Matangos ang ilong, mapupulang labi, kulay rosas ang dalawang pisnge na bumagay sa kanyang maputing balat at higit sa lahat ay kulot ang mahabang buhok. Perpekto.

Napasinghap ako. She's pretty.

"Anong mayroon?" tanong ko sa marahang boses.

Ngumiti siya. Pinagsiklop ang mga kamay sabay tingin sa aking buong katawan. Nahiya naman ang simpleng T-shirt at pantaloon ko sa kanyang mamahaling damit. Kakaloka.

"College student, saan ka nag-aaral? Alam mo ba kung nasaan ang University of St. De San Pablo?"

"Oo, college student ako. Nag-aaral sa University of St. De San Pablo. Bakit?"

Lumaki ang kanyang ngiti sa labi. "Gosh! I knew it! Doon din kasi ako mag-aaral."

"Mag-aaral? Are you a transferee?"

"Yeah. Salamat ah! Kakalipat palang kasi namin."

Mukha naman siyang mabait. Maarte nga lang magsalita. "Ugh, aalis na pala ako. May pasok pa kasi ako."

"Gagamitin mo ang bike mo?"

"Oo."

"Wow! Take care, then!"

Tumango ako at inapakan na ang paanan ng bisikleta. Gosh. Mukhang mali-late pa yata ako ah. Binilisan ko ang pagpedal ng aking bisikleta. Napamura pa nang biglang sumalubong ang alikabok sa aking paningin. Nanggaling iyon sa malaking truck na may lamang mga palay. Kakabanas naman!

"Argh. Kakainis!"

Nakarating ako ng University pasadong eight. Late ako ng thirty minutes dahil sa mga truck. Mukhang araw yata ng anihan ngayon kaya dinagsa ng mga malalaking truck ang daan. Salong-salo ko lahat ang alikabok. Argh!

Ni-park ko ang aking bisikleta sa parking space. Naroon na ang motor ni Maxrill. Himala at maaga ngayon ang mokong na 'yon. Lagi kasi 'yung nahuhuli. Nag bagong buhay na yata.

Nilagay ko sa loob ng bag ang aking selpon saka lumapit sa malaking gate at pinakita sa guard ang aking ID.

"Mukhang mali-late ka pa yata, Hiraya."

Late na late na talaga ako, Manong guard. Hindi lang mali-late! Gosh. Baka hindi na ako papasukin ni Prof Jonas. Masungit pa naman ang Professor na iyon. Lalo na sa akin. Sa akin niya yata tinatapon ang sama ng loob. Baklang 'yon, nakakainis.

"Bakit ang tagal mo, Hiraya? Saan ka galing?"

Napatigil ako nang marinig ang seryoso ngunit may diing boses ni Maxrill.

Unti-unti akong humarap sa kanya. Natagpuan ko siyang nakasandal sa malaking puno habang nakasukbit na naman bag sa kanang balikat.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ba kayong pasok?" iritado kong tanong. Nagmamadali dahil mali-late na ako!

"Ako ang naunang nagtanong, Hiraya. Saan ka galing?"

"Sa bahay malamang, Maxrill. Na-late ako dahil sa mga truck. Gamit ko ang bisikleta ko—bakit ba ako nagpapaliwanag? Mali-late na ako! Tangina mo, mamaya na kita kakausa—"

"Hindi ako pumasok sa unang klase, Hiraya."

"A-Ano?" gulat kong tanong sa kanya.

Ngumisi siya at umalis sa pagkakasandal sa puno. Lumapit siya sa akin, hinuli na naman ang aking katawan sabay akbay sa aking balikat.

T-Tangina talaga, Maxrill. Ito na naman ang kakaibang pakiramdam. Nakakainis.

"Akala ko hindi ka papasok ngayong araw kaya hindi na rin ako pumasok. Hinintay kita, Hiraya."

***
Talandi nitong Maxrill na 'to. Eme. Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top