Kabanata 27
Hiraya's POV
"Ma, bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa negosyo ng mga Salvatore? Hanggang ngayon ay sira parin ba?"
"Saan mo nakuha ang balitang 'yan, Hiraya? Wala namang kakaibang nangyari sa negosyo ng mga Salvatore. Kung mayroon man, maaagapan kaagad iyon ni Maxrill." Mahinang sagot niya at sinabayan pa talaga ng tawa. Alam kong kaya ni Maxrill ibalik ang lahat pero malaki ang nasira sa kanila. Mula sa graining, maisan at rancho, hindi madaling ibalik lahat iyon. Malaking halaga ang kakailanganin ni Maxrill para itayo muli ang graining.
"Huwag kang mag-alala, Hiraya. Ginagawan na ng paraan ni Maxrill ang negosyo nila," So, totoo nga? Pasimple din 'to si Mama e. Hindi naman ako babalik kay Maxrill. Syempre may pinagsamahan kami noon kaya ako nag-aalala.
"He wasn't there, Mama! Paano niya maagapan 'yan? He's here!" Pati ako naloloka kay Maxrill. Alam ko namang may trabaho siyang ginagampanan dito sa Maynila pero kailangan niyang bumalik sa Isabela para isalba ang kanilang negosyo! Wala ba siyang pera? I can lend him! Damn it, Maxrill. Mapapauwi ako ng maaga dahil sayo.
"Huminahon ka, Anak. Hiwalay na kayo, hindi ba? Kung maka-asta to parang jowa oh." Umirap ako kahit hindi naman nakikita ni Mama iyon dahil nasa Isabela siya at ang tanging komunikasyon lamang namin ay cellphone. Mahina signal du'n eh kaya madalang lamang akong mag-video call sa kanya.
"We're friends, Mama."
"Kaya niya na iyon. May mayaman iyong girlfriend eh, bumisita sila kahapon dito, daming guards, anak. Sa tingin ko'y ganun karin. Kailan ka uuwi, Hiraya? Malapit na ang birthday mo!"
Pumikit ako ng mariin. Malapit na nga ang birthday ko pero wala pa talaga akong balak bumalik dahil marami pa akong aasikasuhin sa kompanya. Aasikasuhin ko pa ang transfer ng area para kay Mama. Malawak iyon at tamang-tama sa ipapatayo niyang negosyo, kung anuman ang binabalak niya.
And, ano daw? Girlfriend niya pumunta ng Isabela?
"Ano naman ang ginawa nila diyan?"
Hinubad ko ang suot na sapatos tsaka nilagay sa shoe rack. Kararating ko lang galing kina Mariana, gumimik panandalian dahil birthday ni Luigi at kina Mariana ginawa ang pagdiriwang. Tumatanda na talaga ang mga kaibigan ko. Umaasenso na rin, mas lalong yumaman sina Mariana, Annalie at Leovard ngayon. Si Luigi naman at iilang mga kaibigan, umasenso na rin at yumaman syempre. Kamusta na kaya si Solace? Wala na akong balita sa kanya ah. Sila parin ba ni James?
"Rinig ko kina Mang Nastor buntis daw si Ange at iyong girlfriend niya ang nag-aalaga. Sa tingin ko'y mabait iyon, Anak." Tapos ako hindi?
Tumikhim ako, kaya pala wala si Maxrill kanina dahil kasama niya ang girlfriend sa Isabela. Maiinggit naba ako niyan? Syempre hindi! Bahala siya, kaya na pala ng girlfriend niya 'yon. Mayaman daw e, halata naman sa tindig ng babaeng iyon. May pinaglalaban.
Napahinto ako nang maalala ang kanyang tanong nu'ng nakaraang araw. He was asking if I have a boyfriend. Matagal akong nakasagot nu'n dahil hindi ko alam ang isasagot. Baka iisipin niyang hindi pa ako naka-move kapag sinabi kong wala pa, at kapag oo naman, magtatanong iyon panigurado. Ano namang isasagot ko? Kaninong pangalan? I don't want to lie dahil naranasan kong pagtaksilan noon. Naniwala sa mga kasinungalingan, pero ayos na ako ngayon. Alam ko na ang katotohanan, hindi nga lang kompleto.
Umirap ako at padabog na umupo sa sofa. Napansin naman iyon ni Luciana na prenteng nakahiga habang nanonood ng horror movie sa aking tabi.
"Mukha mo?"
"Sige na Ma, tatawag ulit ako bukas. Magpapadala ako ng pera,"
"Umuwi ka sa birthday mo, Hiraya. Dito tayo magce-celebrate."
Bumuntong hininga ako. "Titingnan ko pa, Ma. Bye, mag-iingat ka riyan ah? Kumain ka."
"Sus, ikaw kamo ang kumain riyan! ang payat payat mo na, hindi 'yan nakaka-sexy. Nagmumukha kang kalansay!"
Sumagi sa isip ko ang imahen naming dalawa ni Maxrill noong college days kung saan tinawag niya akong kalansay. Tuwang-tuwa pa siya nu'n habang inaasar ako, sunod ng sunod pa, akala mo talaga manliligaw eh. Kakainis. Hanggang ngayon kalansay parin ba kaya ang tingin niya sa akin? Ang sexy ko kaya! Bulag yata 'yon. Mas payat panga sa akin 'yong girlfriend niya. Kakaumay talaga.
Pumikit na naman ako ng mariin. Pilit winawaksi sa aking isipan ang imahen na iyon.
Hanggang ngayon ba naman si Maxrill parin? Wala na bang iba? Marami naman akong crushes ah, kahit isa nalang sa kanila ang isipin ko, huwag na si Maxrill dahil taken na iyon. Buwesit naman oh!
"Hoy! Nakabusangot ka riyan, anong nangyari? Kamusta ang party? Nandun ba si Maxrill?"
"Wala. Nasa Isabela kasama ang girlfriend niya." Walang gana kong sagot tsaka tiningnan ang hawak na cellphone. Napapikit ako nang makita sa screen ang pangalan ni Morgan. Binuksan ko ang kanyang mensahe at kaagad na napatayo nang mabasa ang laman nu'n.
"Hiraya, si Maxrill natagpuan naming nakahandusay sa Mariano, duguan."
"What the hell?"
Mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo, ni hindi man lang pinansin ang kataka-takang reaksyon ni Luciana. Kinuha ko ang bag ko sa sofa at akma na sanang aalis nang pigilan niya ako.
"Hiraya, anong nangyari?" Tiningnan ko siya at umiling.
"Luca, pack your things. Samahan mo ako sa Isabela ngayon din!"
"Ha? Bakit? Paki-explain naman!"
"Sumunod ka nalang, okay?! Just pack your damn things and go with me!"
Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Nagtipa ako ng mensahe kay Morgan kung saan nila dinala si Maxrill. Dinala daw nila sa Mariano Hospital ang kanyang katawan kasama ang girlfriend nitong si Ella na hindi alam ang gagawin. Sigaw ito ng sigaw, sugatan ang mga tauhan na kasama nito.
What the hell is happening? Bakit nangyayari kay Maxrill ito? May kalaban ba sila? Sa negosyo? Tangina. Makakauwi ako ng maaga dahil sayo, Maxrill. Talagang-talaga naman, umalis ako ng Isabela dahil sayo tapos babalik ako dahil na naman sayo, tadhana ba ito o malas?
"Argh! Bahala na nga. Luciana, matagal ka pa ba?!"
"Pababa na, Madam!"
Nang marinig ko na ang kanyang yapak pababa, napagpasyahan kong mauna nang lumabas. Tinungo ko ang garahe at nilabas roon ang aking sasakyan. Medyo mahaba-haba ang biyahe, kingina. Naka-inom pa ako. Baka dalawin ako ng antok mamaya sa biyahe, wala pa naman akong pahinga, kaninang umaga pa.
"Marunong ka bang magmaneho?"
"Bakit?"
"Alam mo naman ang daan papuntang Isabela, hindi ba? Baka dalawin ako ng antok mamaya, ikaw muna. Wala pa kasi akong pahinga–" napatigil ako nang makarinig ng tunog ng chichirya. "What's that?"
"I brought foods, Hiraya. Alam mo namang patay gutom ako at mabilis lang ma–"
"Whatever. So, ano? Marunong ka ba o hindi?"
Ngumiti siya at dahan-dahang tumango. "I got you, Madam Hiraya."
Hindi nga nagtagal ay dinalaw nga ako antok. Pinalitan ako ni Luciana habang ako naman ay napagdesisyunang matulog muna sandali dahil hindi na talaga kaya ng takulap ko. Babagsak na talaga ito.
Mga ilang oras ang nilaan namin sa biyahe. Nagising ako nang maramdaman ang pag-ugong ng sasakyan. Unti-unting kong minulat ang mga mata at napasinghap nang makitang nasa Isabela na kami.
"Anong oras na?" tanong ko habang ni-aadjust ang mata. Madilim parin, ang tanging nagsisilbing ilaw sa daan ay ang mga poste. Ang iba patay sindi pa.
"Mag-aalas singko na, Hiraya. Kamusta ang tulog mo? Medyo lubak-lubak na ang daan sa parteng ito. Sinalubong pa ako ng makapal na alikabok kanina, mabuti nalang wala gaanong sasakyan."
Binaling ko ang tingin sa labas. Kahit madilim, kitang-kita ko parin ang nagtataasang mga kabundukan ng Isabela. Ang kanilang palayan na sumasayaw, sinasabayan ang huni ng hangin. Ang daan na akala ko'y nagbago na, ganun parin. Lubak-lubak at maalikabok.
Pinikit ko ang dalawang mata. Tama ba itong desisyon kong bumalik? Anong gagawin ko pagkatapos nito, babalik? O mananatili? Damn. Hindi ko alam. Hindi ako handa, biglaan ang pag-uwi ko.
"Iyan ba ang Mariano?" Tinuro ni Luciana ang malaking karatulang nangangalang Bayan ng Mariano. Shocks, daming imaheng pumapasok sa aking isipan.
"Oo. Pumasok ka at huminto ka sa terminal. Naghihintay si Morgan at Annalie duon." Sagot ko at muling sumandal sa upuan, pinagmamasdan ang malalaking bahay ng Mariano. May nagbago, lahat. Mas lalong lumawak at lumaki ang mga bahay.
Nang huminto na ang sinasakyan namin, lumabas si Luciana upang salubungin sina Morgan at Annalie sa labas. Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang dalawa at kaagad na pumasok sa sasakyan.
"Kamusta si Maxrill?" tanong ko habang tinatahak namin ang daan papuntang hospital ng Mariano. Nasa likuran silang dalawa, abala si Annlie sa kanyang cellphone, suot pa nito ang kanyang uniform. Ang bilis naman nilang nakarating dito. Sabagay, mas nauna silang umuwi kagabi.
"Gaga! Galit na galit si Ella sa amin. Kami na nga itong tumulong kami pa ang naging masama!"
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman? May ginawa ba ang babaeng iyon sainyo?"
"Kinausap lang namin sandali si Maxrill, pagkatapos umuwi kaagad iyon pero nu'ng dumaan kami sa Mariano, nakasalubong namin ang sasakyan ni Ella at duon namin nakita si Maxrill, walang malay at duguan ang buong katawan. Kami ang sinisi ng gaga dahil kami raw ang huling nakausap niya. Bruhildang iyon, uupakan ko talaga!"
Tumawa ng mahina si Annalie habang si Luciana naman ay nagpipigil.
"Eh nakita naming umuwi iyon! Imposible namang hindi niya motor iyong lagi niyang ginagamit. Kahit madilim, kilala namin ang daan papuntang Santiago. Gagang iyon! Boyfriend niya, hindi niya alam ang gagawin."
Napabuntong hininga ako. "Nag-alala iyon, Morgan. Nga pala, hindi niyo ba kasama sina Mariana?"
"Hindi. Nasa Maynila silang dalawa ni Luigi, si Leo, Annalie at Yumi lang ang nandito ngayon. Nakauwi kaagad eh."
Tumango kasabay nito ang paghinto ng sasakyan. Ibig sabihin, nakarating na kami.
"Hiraya, huminahon ka lang ah? Huwag mong sugurin ang babaeng iyon. Mayaman daw iyon at kilala sa Isabela,"
"Mukha ba akong may pakialam sa babaeng iyon? Nandito ako para kay Maxrill, hindi para sa kanya." Seryoso kong sagot at nauna nang lumabas ng sasakyan. Wala ako sa mood ngayon dahil kagigising ko lang. Subukan lang ng babaeng iyon umepal, mawawalan talaga siya ng karapatan kay Maxrill.
"Nasa loob si Maxrill, kausap nina Leo." Sabi ni Annalie.
"Si Ella?"
"Nasa loob din, nakaupo nakikinig."
Dahan-dahan akong humakbang papuntang room ni Maxrill. Sa puntong ito, nabuhay ang diwa kong natutulog kanina. Habang humahakbang ang aking mga paa papunta sa kanyang kinaroroonan, hindi ko mapigilan ang sariling hindi masaktan at mag-alala. Ngayon lang nangyari kay Maxrill ito at hindi ko 'to inaasahan. Alam kong sa likod ng kanyang pagbabago, mayroon siyang naranasang ayaw niyang ibahagi sa lahat. Natatakot siya na baka kaawaan namin siya.
Hawak ang doorknob, nagdadalawang isip ang aking puso. Matutuwa kaya siya kapag nakita niya ako?
"Huwag mong sugurin ang babae, Hiraya." Huling paalala ni Morgan kasabay nito ang pagbukas ko ng pintuan.
Lahat sila napatingin sa akin. Unang kong nakita ang girlfriend niyang nakaupo malapit sa pintuan, may tatlong guards sa tabi, sugatan ang mukha. Gulat ang kanyang dalawa mata nang makita ako habang ako naman walang emosyon.
Sa harapan, naroon si Maxrill, nakahiga sa kama, puno ng benda ang mukha at braso. Pumikit ako ng mariin, katabi niya si Leo at Yumi na walang reaksyon. Tango lamang ang kanilang sinagot.
"Who are you?" Napatingin ako sa kanyang girlfriend. Nakatayo na ito ngayon, nakataas ang dalawang kilay na tila ba isa akong kalaban sa kanyang paningin.
"Kailangan ko pa bang magpakilala sayo? Baka masaktan ka kapag malaman mo ang pangalan ko." Matapang na sagot ko.
Tumawa siya ng mahina. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nilalabanan ang titig ko.
"Ella, don't make a scene here. Hiraya, come in."
"You know this girl, Maxrill? Sino siya? Dapat kilala ko ang mga taong pumapasok dito! Paano kung isa pala ito sa mga gustong bumagsak sa'yo? Papatay sa'yo?!"
"Ella! Enough!"
Kumunot ang noo ko. Bumagsak? Papatay? May kalaban sina Maxrill?
Padabog siyang lumapit kay Maxrill. Para itong batang kumapit sa kanyang braso habang ako naman wala paring reaksyon. Oo inaamin kong nasasaktan ako, pero ano pa nga bang magagawa ko? May nagmamay ari na eh. Matagal ng tapos ang storya namin ni Maxrill. Nandito ako bilang isa sa mga kaibigan niya, hindi para agawin siya sa isip bata na ito.
Tumikhim ako at pilit ngumiti sa kanilang lahat. Nakakailang naman kasi, mukha ba akong artista? Oh! I forgot! Hindi pa pala ako nakabihis, suot ko parin ang sexy top ko at maiksi kong skirt. Shit!
Lumapit ako ng dahan-dahan sa kama ni Maxrill. Hindi ko napansin na naroon pala ang doctor na tumitingin sa kanya.
Unti-unti itong humarap nang mapansin ang presensya namin kasabay nito ang panlalaki ng kanyang mga mata. Gosh, si Aljun.
"Hiraya, what are you doing here?"
"Aljun? Doctor ka?"
"Hindi pa ba halata? Nakasuot nga ng–"
"Ella, stop."
Kinagat ko ng mariin ang labi ko upang pigilan ang nararamdamang inis sa girlfriend ni Maxrill. Patigilin mo 'yan kung ayaw mong pektusan ko ang mukha niyan. Kanina pa ako nagtitimpi.
"Oo, Hiraya. Hindi pinalad sa fashion design eh. Nga pala, balita ko isa ka ng sikat na fashion designer ngayon, ah? Napanood ko last week sa tv ang bago mong collection na I la-launch mo sa Canada. Kailan iyon? Manonood ako,"
Medyo gumaan ang aking puso sa kanyang sinabi, sinawalang bahala ang matinding tension sa buong kwarto. Kanina ko parin napapansin ang matalim na titig sa amin ni Maxrill, mukhang may galit.
"Next month, Aljun. Matutuwa ako kapag pumunta ka, aasahan kita. I me-message ko sayo ang invitation card. Is that okay?"
"Of course, Hiraya. Ito nga pala ang em–"
"Are you really a doctor, Climente? Uunahin mo ang landi kaysa sa pasyente mo?"
Napawi ang malaking ngiti ni Aljun at napalitan iyon ng seryoso. Bago pa man siya humakbang paalis, kinuha ko ang kanyang cellphone at ako na mismo ang naglagay ng aking number sa cellphone niya.
"This is my personal number. You can call me here so I can send the invitation to you personally."
"Hiraya, what are you doing?!" galit na untag ni Maxrill. Mukhang kanina pa punong-puno. Nangunot naman ang noo ko sa kanyang reaksyon. What the!
"Huh?"
"You cannot just give your number like that! Delete that fvcking number, Climente! I don't care if you're a doctor!"
Nanlaki ang mata ko at akma na sanang idedelete ni Aljun ang number ko nang samaan ko ng tingin si Maxrill. Lumapit ako sa kanya sabay abot ng kanyang tainga, pinisil ko iyon.
"Aray! Aray! Fvck, Hiraya! Masakit!"
"Masakit, 'no? Kaya umayos ka kung ayaw mong masaktan pa lalo,"
"Papatayin mo ba ako?!"
Inirapan ko siya. "Hindi pa sa ngayon kaya umayos ka. Para kang tanga! Pansinin mo naman 'yang girlfriend mo oh! Kanina pa nanglilimos ng atensyon 'yan." Binalingan ko ng tingin si Ella. Namula ang kanyang mukha, galit na galit.
"Maxrill! Paalisin mo sila!"
Imbes na mapikon, tumawa lamang kami at hinayaan ang kanyang mukhang namumula sa inis at galit. Dream on, Ella o kung sino kaman.
"Hello, Madam Hiraya?"
"May ipapagawa ako sa'yo, Martin."
"Ano po iyon?"
"Alamin mo ang nangyari sa negosyo ng mga Salvatore at anong kinalaman ni Ella Montefalco sa mga Salvatore. I want it next week."
"Noted, Madam Hiraya."
I will do everything for you, Maxrill. Ito ang sukli ko sa ginawa mo noon sa akin. Wala akong tiwala sa girlfriend mo.
Bakit may mga pasa ang mga tauhan ni Ella? Hindi naman sila magkasama sa oras na iyon dahil umuwi si Maxrill. Bakit natagpuan siya sa Mariano? Anong ginagawa ni Ella sa Mariano?
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top