Kabanata 24
Hiraya's POV
Nasa loob kami ngayon ng mansyon nina Annalie. Napagpasyahan kasi namin na kina Annalie nalang tumambay at gawin ang final requirements since malapit at malaki ang kanilang bahay. Malayo kasi kina Mariana at maliit lang din ang space sa amin. Magmumukha kaming suman doon kapag sa bahay kami. Isa pa, nandon sila Mama, may mga bisita. Mukhang tungkol na naman sa business ang kanilang pinag-uusapan kaya lumayo ako. Ayoko kasing marinig ang pinag-uusapan nila, chismosa pa naman ako.
Binaling ko ang atensyon sa dalawang kaibigan. Wala sina Morgan, Solace at Yumi ngayon dahil may kani-kanila silang ginagawa. Si Solace, nag-aayos ng kanyang portfolio, si Morgan at Yumi naman nasa University. Exam day kasi nila ngayon at next month pa sila matatapos. Wala rin dito ang mga boys dahil may sarili ring mga businesses ang mga 'yon. Lalo na si Maxrill, sa pagkakaalam ko hindi pa tapos ang kanilang plates. Masyado siyang abala ngayon sa maisan, bentahan na kasi ng produkto. Harvesting last week, ngayon naman ay delivery ng products. Sana ayos lang siya. Hindi niya pa nga nireplayan ang mga messages ko, medyo nag-aalala ako.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nagtagal ang tingin sa hawak na portfolio. Huling requirements ko na 'to. Ipapasa ko 'to kay Prof Garcia kasabay ng aking dress na ginawa. Shems! Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang eksena na 'yon, nakakakaba at the same time nakakatuwa. Mabuti nalang hindi ako nagkandautal-utal sa araw na 'yon. Matagal ko pa namang pinaghandaan iyon, at nakaka-proud.
"Anong nginingiti mo riyan, Hiraya?"
"Naalala na naman siguro si Maxrill." Umiling-iling na dugtong ni Mariana.
Umirap ako sa kanilang dalawa at nagtagal ang aking tingin sa kanilang ginagawa. Nakakatuwa't pagmasdan ang kanilang ginagawa, lahat kami related sa pagdo-drawing ang kurso. Tadhana ba 'to o nagkataon lang?
"Cheers to our last push," Mariana exclaimed, raising a glass of sparkling water. Ngumiti kaming dalawa ni Annalie sa kanya. Hindi alintana ang mga sketches at papel sa sahig katabi ang maliit na lamesa na naglalaman ng mga meryenda. Sarap naman ng buhay, pakain-kain nalang ngayon since patapos na ang klase. I can feel the summer na.
"To the sleepless nights and countless cups of coffee," Annalie added, her voice tinged with a hint of nostalgia.
"It's been a long and arduous journey, but we're nearly there."
We reminisced about our time together at University kahit hindi man gaanong katagal iyon. Sharing fond memories and the challenges we had overcome. The walls of the mansion seemed to echo with laughter and the rustling of papers as we pored over our projects with renewed vigor. Hindi napansin na nagdidilim na pala.
Sa sobrang abala, hindi namin napansin ang sasakyang kararating lang. Nagkatinginan kaming tatlo sabay tawa.
"This final design really captures the essence of the city's skyline," Annalie said, admiring Mariana's plans. Tumango ako bilang sang-ayon. Detailed na detailed talaga 'yung ginuhit ni Mariana. Limang oras ba naman niyang ginulgol ang sarili sa pagguhit. Ganun din itong si Annalie, tambak na tambak ang mga papel sa basurahan. Nakakailang mali kasi sila, hindi ko na mabilang. Mahabang pasensya talaga ang kailangan sa pagguhit. Mabuti nalang walang napikon sa amin. Tahimik at ni-enjoy talaga namin ang bawat landas ng aming lapis sa papel. Paminsa'y nag-uusap ngunit panandalian lamang. Nilaan namin ang buong oras sa pagguhit, pagsulat at paggawa. Dahil duon, nakaligtaan namin ang oras.
"And your fashion line is absolutely stunning, Hiraya. The colors and textures are breathtaking," nagtagal ang kanyang tingin sa aking portfolio. Tila nabuhay ang kanyang seryosong mukha, sumilay ang multong ngiti sa kanyang labi.
"Salamat." sagot ko. "I wanted to create something that was both visually striking and wearable."
Binalik muli namin ang atensyon sa ginagawa. Malapit na kasi namin 'tong matapos, kaonting push nalang talaga.
Habang sa kalagitnaan ng aming ginagawa, napatigil kami nang biglang bumukas ang malaking pintuan nina Annalie. Our tranquil solitude was abruptly shattered by the lively arrival of three boys: Leo, Luigi, and Maxrill.
Nagtagal ang aming titig sa tatlo. Naka-suit pa 'to na para bang galing pa sa isang okasyon. Ang popogi! Lalong-lalo na syempre ang boyfriend kong si Maxrill. Pero bakit may mga dala silang bag?
With bags in tow, Leo's piercing gaze fell upon Annalie. He approached her desk and whispered words na naging dahilan ng kanyang maarteng paggalaw. Halatang kinikilig. Meanwhile, Luigi's playful nature manifested as he mischievously pinched Mariana's delicate nose, eliciting a startled gasp. Isa rin 'to, pinipigilan ang kilig.
Nabaling ang tingin ko kay Maxrill. Pa-main character talaga ang isang 'to, siya kasi ang nahuli. Ang bagal bagal kumilos, akala mo naman nasa isang romance movie eh. Feel na feel niya ang kanyang hakbang habang ang mga mata nakatitig sa akin, nilalabanan ang titig ko. Kinagat ko ng mariin ang labi, inaasar ang kanyang seryosong mukha.
"Taray ng entrance niyo, ah!"
"Ang tagal mo naman, Maxrill. Wala tayo sa isang telenobela, huwag kang oa diyan!"
Umirap ako kina Mariana. Imbes na pansinin sila, hinayaan ko na lamang. Tawa ng tawa naman sila, halatang tinatakpan ang gulat at kilig. Pa-simple rin ang mga 'to eh. Sila lang ba pwedeng kiligin? Hmp.
At nang nakalapit na si Maxrill...his gentle touch brushed against my forehead. A tender kiss causing me to blush deeply. Tangina. Kinilig na naman ang gaga. Parang walang nangyari last week sa Scarlet Lagoon, ah.
Wala naman talagang kakaibang nangyari. Maxrill invited me to go with him dahil gusto niyang bumawi sa akin, nagtatampo kasi ako nu'n dahil isang araw siyang walang paramdam sa akin. Hindi naman ako manghuhula, kailangan ko rin ng update 'no. Tsaka girlfriend niya ako, hindi tao tao lang sa earth. So iyon nga, hindi naman nagtagal ang tampo ko sa kanya. Marami kaming ginawang water activities sa Scarleus Lagoon na pagmamay ari nina Leovard. Dahil du'n nawala ang mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Kulang lang pala ng dilig ang mudra niyo, kulang sa ligo kumbaga.
Ang ganda doon, nakakagaan sa pakiramdam, gandang tambayan at higit sa lahat, mag I-enjoy ka talaga sa mga activities nila doon. Mags-surf nga sana ako, pero naalala kong nagtatampo pala ako na labis kong pinagsisihan. Ang oa ng ante niyo. Pero babalik ako doon, siguro ngayong summer.
Bahagyang lumayo ang mga lalaki pagkatapos nilang lumandi. Nangunguna ang tawa ni Luigi sa loob ng mansyon dahil sa reaction ni Mariana, hindi na maipinta ang kanyang mukha ngayon. Bakas sa mukha ang gulat sa kung anuman ang ginawa ni Luigi sa kanya. Habang sina Maxrill at Leo naman, nakaupo sa aming harapan. Nakipagtawanan kay Luigi. Mahina nga lang ang kanila.
"Ganda mo talaga!"
"Tigilan mo 'ko, Luigi, ah!"
Binalik ko muli ang atensyon sa ginagawa. Napabuntong hininga ako nang makitang may kaonting mali iyon. Kinuha ko ang eraser habang ang tainga nakikinig sa mga kaibigan. Binalik narin ni Mariana ang kanyang atensyon sa ginagawa, si Annalie nalang ay hindi pa. Nag-uusap pa kasi silang dalawa ni Leovard. Si Maxrill at Luigi naman nag-uusap patungkol sa kung anu-ano.
"What are you doing here?" may pagtatampo sa boses ni Annalie.
"Just thought I'd drop by and see how my favorite academic is doing."
Napaismid ako sa sagot ni Leovard. Sinabayan pa ito ng mahinang halikhik ni Annalie kayat hindi ko mapigilang hindi matawa sa kanilang dalawa. Hindi naman kasi ako ganyan kay Maxrill, siya lang ang ganyan sa akin. Ako pa raw ang nagpapa-baby? Kakaloka.
"Ano ba talaga ang rason bakit kayo napadalaw sa gantong oras? Hindi ba kayo hahanapin sainyo?" tanong ni Mariana. Katatapos niya lang at inaayos niya na ngayon ang kanyang gamit.
"Gusto ng dalawang 'to makita ang kanilang mga girlfriend," Luigi said, dinaan ang tingin sa aming tatlo. "And maybe get a glimpse of the intense studying going on."
"Ang gago, ikaw nga nagsimula nito, eh!" kaagad na angil ni Maxrill. Napasapo na lamang ako sa aking noo.
"Sus! Bukambibig mo niyo nga lagi sina Hiraya at Annalie, eh!"
"Ikaw rin naman ah! Mariana ka ng Mariana riyan. Baka magtatampo sa akin si Mariana." Ginaya pa ni Maxrill ang paraan ng pagkakasabi ni Luigi kayat hindi namin napigilan ang sarili, kami'y natawa sa kanyang ginawa. Napansin ko ang pag-init ng mukha ni Mariana, yumuko siya upang takpan ang namumulang mukha.
"Tangina niyo," malutong na mura ni Luigi tsaka nilapitan si Mariana. "Kapag 'to sinapian ng tuyo, mananagot kayo sa akin." Tumawa na naman ang dalawang asungot.
Napuno ng tawanan ang buong mansyon. Kulitan, asaran, at bangayan. So far, wala namang nagtampuhan, lahat sumabay sa asaran ng bawat isa sa amin. We also talked about our College's experiences, moments. At paano kami humantong sa ganito. Everyone shared everything, mas maraming kalokohan si Maxrill. Na-reveal lahat. Siya lang naman kasi ang malandi sa amin, paiba-iba ng babae.
"Mabuti't nagbago kana, Maxrill." Saad ni Annalie sabay subo kay Leovard.
"Ginusto ko din naman 'yon. Ayokong makitang nasasaktan si Hiraya, kung kinakailangan, aayusin ko kaagad. Hirap suyuin nito eh, papahirapan pa talaga ako!" Tila nagsusumbong niyang sagot.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ayaw mo? Gusto mo ng easy to get na babae?"
"Ohhh!"
"Hindi naman sa ganun, baby..."
"Edi, ano?"
Panandalian niyang binalingan ng tingin sina Luigi at Leovard bago bumalik sa akin. Ngumiti siya ng pilit, kinakabahan na siguro. "Ginusto kong magbago dahil mahal kita. Wala akong pinagsisihan, Hiraya. Para sa'yo, gagawin ko ang lahat kahit imposibleng bagay pa 'yan." Seryoso niyang sabi. Dahan-dahan siyang humakbang papunta sa akin habang ang mga mata nakatitig sa akin.
"Kahit anong mangyari, Hiraya, ikaw parin ang pipiliin ko. If I have to endure the pain para lang sa kaligtasan at kasiyahan mo gagawin ko. Mahal na mahal kita at walang makakapigil sa nararamdaman ko para sayo."
Namayani ang katahimikan sa buong mansyon. Ang kaninang malakas na tawanan, asaran at bangayan, ngayo'y tanging malakas na pagtibok ng puso na lamang ang naririnig.
Puno ng emosyon ang mga mata ni Maxrill. Habang tumatagal ang titig ko sa kanyang mga mata, paunti-unti ko namang nararamdaman ang malakas na pagtibok ng aking puso. Hindi alintana ang mga matang nakatingin sa amin, nagbabakasakali na malunod rin sa pag-ibig na ito.
Sana nga totoo lahat ang mga sinasabi ni Maxrill dahil umaasa ako. Pinanghahawakan ko ang bawat salita na kanyang binibitawan.
LUMIPAS ang ilang araw, weeks at buwan. Nalampasan ko rin sa wakas ang mga pagsubok sa kolehiyo. Naipasa ko na lahat ang mga requirements ko, at ang portfolio na matagal nang hinihingi ni Prof Garcia.
Habang naglalakad sa hallway hawak ang aking parangal na natanggap sa aking kahusayan, hindi matanggal-tanggal ang ngiting tagumpay sa aking labi. Masaya ako dahil nakapasa kaming dalawa ni Solace, at the same time nalulungkot din sa mga kaklaseng hindi nakapasa sa kursong 'to. Ngunit, umaasa at naniniwala ako na malalampasan din nila ang mga pagsubok ng buhay kolehiyo. Mahirap man, nakaka-stress paminsan, at nakakainis, sa huli...mananaig parin ang tagumpay at ngiti sa mga labi. Kumapit ka lang ng mahigpit, huwag kang bibitaw sa pangarap mong inaabot.
"Happy birthday, Hiraya!"
"Ang ganda ganda mo, Hiraya!"
"Congratulations, anak. Happy birthday!"
Sa araw na ito, hindi lamang tagumpay ko bilang estudyante ang nakamit ko kundi pagmamahal ng mga kaibigan ko at magulang. Labis akong nagpapasalamat sa kanila dahil ginabayan, tinulungan at inalagaan nila ako habang tinatahak ko ang balikong, alikabok na daan para abutin ang aking mga pangarap.
Sa huling araw ng aking kolehiyo, ako'y labis na natutuwa dahil sa wakas, panibagong kabanata na naman ang aking tatahakin pagkatapos nito.
"Salamat! Kumain kayo ng marami, ah. Luigi, nasaan sina Tito? Hindi mo ba sinabihan?" tanong ko habang abala ito kay Mariana. Pinagsisilbihan niya ang kanyang disney princess. Kakaloka. Sana all nalang talaga. Nahihiya pa kasi ang ante niyo, e kilala niya naman halos ang mga bisita.
"Papunta na 'yon dito, Hiraya. Nga pala, ang sarap ng mga ulam! The best talaga ang luto ni Tita Elena,"
"Sus! Nambola pa. Maraming mga supot doon, Luigi. Kumuha ka lang, ah? Pupuntahan ko lang si Maxrill sa campus, hindi pa raw tapos sa plates e."
"Nahihirapan na nga 'yon ngayon, Hiraya. Halos hindi na nga namin makausap dahil hindi raw siya maka-pukos. Mas mabuting kausapin mo 'yon, nastre-stress e."
"Dalhan mo na rin ng pagkain, baka hindi sasama sa'yo," inabutan niya ako ng tatlong tupperware. "Binilin sa akin ni Tita Elena 'yan. Para raw kay Maxrill."
"Talaga?" Kunot noo kong tanong.
"Oo. Napapansin niya raw kasing madalang nalang pumupunta dito si Maxrill. Hindi ko na inusisa ang rason at tinanggap nalang 'yan. Ikaw na ang bahalang mag-bigay. Shota ka naman niya. He will listen to you."
Nagpasalamat ako saka tinanggap ang kanyang nilahad. Nag-paalam muna ako sa mga bisita at kaibigan bago sumakay sa aking bisikleta. Nasa labas naman sina Mama at Papa, may kausap na lalaki. Naka-suit ito at may hawak na case. Nang makita akong dumaan, tumango lamang ito at muling bumalik sa kausap.
Pagkadating ko sa campus, pinuntahan ko kaagad ang kanyang classroom. Nadatnan ko siya sa loob, mag-isa at tahimik na ginagawa ang plates. Dahan-dahan akong pumasok habang bitbit ang mga tupperwares. Susupresahin ko sana siya ngunit napatigil ako nang humarap ito sa akin. Mugto ang mga mata, kapansin-pansin din ang dalawang eye bags sa kanyang mga mata.
Dali-dali akong lumapit upang hawakan sana ang kanyang mukha ngunit nagulat ako nang iwaksi niya iyon. "M-Maxrill..."
"Anong ginagawa mo dito?" malamig pa sa yelong tanong niya. Ngumiti ako ng pilit. Sinawalang bahala ang kanyang ginawa kanina. Fvck, ang sakit non ah.
Tumawa ako ng bahagya upang takpan ang sakit. Kinuha ko ang mga tupperwares tsaka pinakita iyon sa kanya. "May dinala nga pala akong mga p-pagkain. Alam kong hindi kapa kumakain kaya kumain ka muna, Maxrill,"
"Is this a joke to you?"
"Ha?"
"Sinong nagsabi sa'yong nandito ako?"
Lumunok ako. "W-Wala naman," Tangina, bakit ako nauutal. "Tama naman ako, hindi ba? Hindi kapa kumakain kaya kumain ka muna, Maxrill. Gusto mo subuan kita?" naroon parin ang ngiti sa aking labi habang siya naman ay tila nawewerduhan sa akin. Nakakunot ang noo, tagis ang bagang sa tuwing nagsasalita ako. Ayaw niya ba akong makita? Ang sakit ah.
"Tapos na ako. You can leave now. Busy ako ngayon, Hiraya kaya bukas—"
"Hindi pwede, Maxrill! Kumain ka muna," lumapit ako sa kanya tsaka sumandok ng pagkain at ulam mula sa tupperware. "Kailangan mo ng lakas, baby. Magtatampo talaga a—"
"Umuwi kana sabi, Hiraya. Hindi mo ba maintindihan 'yon?"
Ngumiti ako, pilit parin. Kahit nasasaktan ay pinatatag ko parin ang aking sarili. Malakas ako, kaya ko 'to. Si Maxrill lang naman 'to eh pero tangina! Napapansin ko nitong mga araw, ilap na ilap na siya sa akin. Sa tuwing nakikita niya ako umiiwas siya, paminsa'y umaalis na walang paalam. Okay lang sa kanya 'yon? Ayos lang sa kanyang naiiwan ako lagi sa ere at laging tinatanong ang sarili kung anong mali? O may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?
"I can handle myself, Hiraya. You can leave now."
Tumikhim ako upang pigilan ang luhang babadya na sana. "Iyon lang? Hindi mo man lang ba ako babatiin, Maxrill?"
"Hindi kana bata para batiin ng 'Happy birthday,' Hiraya. Umalis kana, nakakaistorbo ka eh. Bukas na tayo mag-usa—"
"Sige, ako na lang ang babati sa sarili ko para sa'yo," pinikit ko ng mariin ang mga mata. Sa puntong ito, hindi ko na napigilan ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata. I forced a smile again, habang ang mga mata titig na titig sa kanya. Alam kong stress lamang siya, napapagod at hindi alam ang gagawin kaya ako na ang bahala, mag-aadjust ako para sayo, Maxrill dahil mahal kita. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko parin 'yung mga salita mong hindi mo ako sasaktan, you will endure the pain for me, and do everything for me.
But...what is this?
Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga upang ibsan ang sakit at luhang umaagos pababa sa aking pisnge. I can do this. Without breaking the glance, kumanta ako kahit nanginginig ang boses, I want to prove to him that I can do this for him.
"H-Happy birthday to me...Happy birthday to m-me, happy birthday, happy birthday...Happy birthday to me..."
"Happy birthday and congratulations, Hiraya. You did well, I'm so proud of you...myself." Mas lalo kong pinalaki ang aking ngisi kahit nagmumukha na akong tanga sa paningin niya. Pinunasan ko ng marahan ang aking luha at muling humarap sa kanya.
"I know you can finish your plates, si Pierson Maxrill Salvatore ka eh. Gagawin mo talaga ang lahat and I'm really proud of you. Mahal kita kahit suplado ka, kahit paminsan nakakasakit ka..." Tumawa ako ng mahina. "Mamahalin padin kita kahit ganyan ka sa akin. Hindi ako bibitaw hanggat kailangan mo pa ako, Maxrill. Mananatili't mananatili padin ako sa tabi mo habang kaya ko pa..."
Pinunasan ko muli ang luha, kakainis kasi eh! Ayaw tumigil. "Hehe, pasensya kana. Ayaw tumigil ng luha eh, naiinis ka na ba? Promise last na 'to..."
"Hiraya..."
"Don't. Tapusin mo 'yan, Maxrill. Hihintayin kita sa bahay, ah? Pumunta ka, kahit presence mo nalang, Maxrill. Huwag kanang mag-abalang regaluhan ako..." Tumawa muli ako. "Ayos lang sa akin, hindi naman ako into gifts pero kung galing sa'yo, why not? Char. So, iyon lang, huwag kang papagutom, ah? Ubusin mo lahat 'yan. Luto lahat ni Mama ang mga 'to, specialty niya," inabot ko ang mga tupperware. Inayos ko ang mga iyon at nilapit sa kanyang lamesa, medyo malayo sa kanyang plates. "Kumain ka. I love you!"
Kaagad akong kumaripas ng takbo palabas ng classroom, hindi na sinulyapan ang kanyang mukha. Tumakbo ako habang tinatahak ang malawak na hallway ng University, hindi pinapansin ang mga matang nakatingin sa akin.
Tinungo ko ang bisikleta habang nanlalabo ang mga mata sa kakaiyak.
Sa puntong iyon, nanlabo rin ang aming mga puso. Ang pagmamahalan naming dalawa ni Maxrill, malabong bumalik na sa dati. Hindi siya pumunta sa bahay. Nagsi-uwian at natapos nalang ang kasiyahan, walang Maxrill na dumating. Umiiyak ako ng gabing 'yon, hindi makatulog. Wala man lang message galing sa kanya kung kamusta ako, okay ba ako, sorry? Wala. Nilaan ko ang dalawang oras sa pag-iyak, hindi alam ang gagawin. Nakatulog ako pasadong alas-sais na ng umaga, napagod sa kakaiyak.
"MA, anong nangyari kay Papa? Bakit puro pasa ang katawan niya?" nag-aalalang tanong ko kay Mama habang inaayos ang mga gamit. Kakauwi ko lang galing kina Annalie. Sinabi ko lahat sa kanya tungkol sa amin ni Maxrill. Dinamayan niya ako at pinagsabihan. Walang luhang lumabas sa aking mga mata. Naubos na yata kagabi.
"Kayo naba ni Maxrill, anak?" tanong nito imbes na sagutin ang tanong ko.
"Opo, Mama. Hindi ba 'yon naman ang gusto mo?" Tumawa ako ng mahina. Ngumiti rin naman siya pero hindi 'yung todong-todo talaga na lagi niyang ginagawa kapag naririnig ang pangalan ni Maxrill.
"Okay ka lang ba?" bakas sa boses ang pag-aalala. Mabilis naman akong tumango at ngumiti. Hindi naman siguro nila narinig ang hikbi ko kagabi, ano? Malayo sila sa akin e.
"Oo naman, Ma. Anong nangyari kay Papa?" ulit ko. Iniiwasan niya kasi.
Napabuntong hininga siya. "May nakaaway sa planta. Muntik nang patalsikin ni Mayor Salvatore dahil sa katigasan ng ulo ng Papa mo,"
"Pero maayos na siya ngayon, anak. Huwag kang mag-alala. Kakausapin namin bukas si Mayor Salvatore, hihingi ng tawad sa kanila."
Lumapit ako tsaka niyakap siya sa beywang. "Kung may problema man kayo huwag niyong itago sa akin, Mama. Baka makatulong ako." Hinaplos niya ng marahan ang aking buhok habang humihinga ng malalim.
"Kung may problem ka rin, huwag mong itago sa amin, Hiraya." Tumango ako.
Napapansin ko nitong nakaraan, hindi na maganda ang timpla ng kanilang mukha. Napapansin ko rin ayaw makita ni Papa si Maxrill. Hindi ko alam kung bakit. Gusto niya naman daw si Maxrill sa akin dahil mabait at matulungin, pero sa tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata umiiwas siya.
"Pagpasensyahan mo na. Hindi lang talaga maganda ang kanyang pakiramdam." Laging rason ni Mama sa tuwing nakikita si Maxrill.
"Bata lang 'yon ni Lorenzo, bakit ka nagagalit?!"
"Bata nga niya 'yan. Matinik din 'yan at paniguradong sasama rin sa kasamikan ng kanyang nanay at ama!"
"Hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo, Leighton. Boyfriend ni Hiraya 'yon. Magpakita ka naman ng respeto!"
"Respeto? Ginawa ba ng mga matandang Salvatore iyon sa atin?"
"Huminahon ka, Leighton. Marami pang panahon. Pag-iisipan muna natin 'to."
"Hindi, Maria e. Kay Papa ang lupa na 'yon, regalo niya kay Hiraya. Gusto kong sa kanya mapupunta ang lupa. Kapag wala na ako, mapapatayuan niya na iyon ng malaking bahay, 'yung gustong-gusto niya talaga. Alam mo namang malaki ang pangarap no'n at gusto magka-mansyon. Kaya, habang nabubuhay at kaya ko pang sikmurain ang mga Salvatore na 'yon, gagawin ko ang lahat."
"Hindi kapa magaling, Mahal. Alam kong mahal na mahal mo ang anak natin at gagawin mo ang lahat pero sana naman isantabi mo muna ang galit mo. Marami pang araw, Leighton. Makukuha rin natin ang totoong papel sa kanila."
"Tangina! Niloko tayo! Ginawa tayong katanga-tanga ng mga Salvatore!"
Napatakip ako sa aking bibig sa nalaman.
Nagsimulang nanikip ang aking dibdib. Luhang walang tigil sa pag-agos, pusong napunit ng unti-unti. Ang tiwala na matagal kong pinanghawakan, ngayon ay napunit na parang papel.
Yumuko ako, tinakpan ang mukha upang hindi makasanhi ng anumang ingay. Narinig ko lahat, mula sa bibig nila Mama at Papa. Kahit hindi nila deretsang sabihin, alam kong niloloko kami ng mga Salvatore.
Muli akong napaluha. Nasaktan.
Bakit ginawa ng mga Salvatore 'yon sa amin?
Umalis ako sa pintuan at tinungo ang aking kwarto. Doon, ginulgol ko muli ang sarili sa pag-iyak. Kinalimutan ang pusong minsa'y naging masaya sa piling ng isang Salvatore.
DALA ANG aking payong at lakas loob, tinungo ko ang mansyon ng mga Salvatore. Wala sina Mama at Papa ngayon dahil may aasikasuhin daw sa planta. Hindi ako naniwala, madadatnan ko na naman si Papa na bugbog sarado. Tama na, ayoko na. Tatapusin ko ngayong araw din
"Mang Emil! Nandyan po ba si Mayor Salvatore at Mrs. Cynthia?" tawag ko kay Mang Emil na abala sa paninigarilyo.
Nilingon niya ako. Bumakas naman sa kanyang mukha ang gulat. Lagi naman e.
"Hiraya, bakit? May appointment kaba kay Mayor Salvatore?"
"Appointment?" Kunot noo kong tanong. Wala namang ganto noon ah. Tsaka sinabi niya noon na welcome ako lagi sa mansyon, kung may kailangan man ako ay huwag mahiyang pumasok. Bakit may pa appointment na ngayon?
"Pinapasabi kasi ni Mayor na huwag magpapasok kapag walang appointment sa kanya. Hindi ka raw exempted kaya bawal kang pumasok, Hiraya."
Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Namuo na naman ang galit sa loob ko. Marami ng nagbago, napapansin ko na ngayon. Miski si Maxrill ay nagbago na narin. Madalang na lang siyang bumisita sa amin, ang laging pinangakong date nauuwi sa bukas nalang, next week, hanggang sa hindi natuloy. Sawang-sawa na ako sa paulit-ulit na rason. Nagmumukha na akong tanga sa harapan niya at nakakainis na isipin 'yon! Hindi paba sapat ang sakit na dinulot niya sa akin? Deserve ko pa ba lahat 'to?
SA MALAWAK na hallway, nakita ko si Maxrill kasama ang kanyang mga ka-team sa MR. May ibinilin kasi si Prof Garcia kaya ako pumunta ng University. Sa kasamaang palad, nagkita kami ni Maxrill.
"May problema ba tayo, Maxrill? Bakit hindi ka makatingin sa akin ng deretso?" walang pag-alinlangan kong tanong. Hindi niya ba nararamdaman na may kakaiba na sa relasyon namin? O baka naman ako lang talaga itong nagbulag-bulagan na akala'y mayroon pa.
Nasa campus kaming dalawa ngayon. Pinagtitinginan ng mga tao. Tangina, ano ako hangin? Kung hindi ko 'to nilapitan, hindi niya ako papansinin.
"Look, Hiraya. Marami akong ginagawa."
Tumawa ako. "Marami? Alin? Saan? 'Yan bang hawak mong bag na halos walang laman?"
Inangat niya ang kanyang ulo. Walang emosyon ang kanyang mukha habang ako ay matigas parin ang mukha. Pinipigilan ang sakit mula lalaking 'to. Kung ayaw niya na, sabihin niya lang dahil napapagod na rin ako!
"Hiraya, don't make a scene here..." mariin na saad niya.
"Hindi ako gumagawa ng eksena dito, Maxrill. What is wrong with you?" my voice shook with barely contained rage. "Why do you treat me like this? Like I'm nothing to you?"
Nakita ko sina Mariana, Annalie, Morgan at Yumi hindi kalayuan sa amin. Nakatingin, bakas ang pag-aalala sa mga mukha. He remained silent. His jaw tightened, a silent refusal to engage. Para talagang tanga!
Pumikit ako ng mariin. Mabigat ang pakiramdam. Tangina, hanggang ngayon magtitiis parin ba ako? Pagod na ako.
"Don't you even have the decency to explain yourself?" I demanded, tears stinging my eyes. "You avoided me, you ignored me, and you act like there's nothing between us!" Iyon ang masakit sa ginawa niya. Umaaktong walang namamagitan sa aming dalawa.
"There's nothing between us," walang pilyong sagot niya. Ni hindi man lang nagdadalawang isip.
He turned to face me then, his eyes filled with a pain I'd never seen before. "I don't know what you're talking about." He whispered, his voice barely audible. Sakit, puta.
My anger flickered and died, replaced by a raw, gut-wrenching ache. "You're lying!" untag ko. "You're hurting me right now, Maxrill, and you won't even tell me why!"
Maxrill took a step towards me, then stopped, his hand reaching out as if to touch me, then retracting. He opened his mouth to speak, but no words came out. He turned and walked away, leaving me standing alone habang pinapanood ng mga tao. Thats it? Iiwan mo 'ko rito habang nasasaktan?
I closed my eyes and endured the pain. Hindi pinansin ang mga taong nakatitig sa akin, hinihintay ang magiging reaction ko.
Tumawa ako ng mahina. "Iyon na 'yon? Pagkatapos ng lahat? Sana hindi mo nalang ako niligawan kung ganyan lang din naman pala. Tangina mo, Maxrill! Argh. Buwesit!"
Padabog akong umalis. Tinungo ko ang building namin at nagpasya na mag-ayos sa girl's cubicle. Doon, nilabas ko ang sakit na naramdaman, ang hinanakit ko kay Maxrill.
Hindi napansin ang presensya ng mga kaibigan.
"Hiraya, are you okay? I know you're not." Annalie said. Her voice was soft as she sat beside me on the cubicle floor.
Buwesit na Maxrill na 'yon, huwag na huwag talaga siyang magpapakita sa akin. Tatamaan ang mukha niya.
"What happened?" Solace asked, her brow furrowed with concern."What was the fight about?"
Umayos ako ng upo. Hinaplos ni Mariana ang buhok ko habang hinilot naman ni Morgan ang likod ko. Ewan ko sa dalawang 'yan, mukha ba akong napilayan? Puso ko ang nasaktan mga mhie. Ngina, naiiyak na naman ako.
I took a deep breath, trying to compose myself. "It was nothing, really. Just... a misunderstanding. He said I was being too sensitive. Mukhang stress ang kupal."
"Stressed?" Annalie scoffed.
"That's no excuse to take it out on you like that! Maxrill's always been a bit of a hothead, but this is different. Did he actually apologize after?"
"No," I whispered. Sapat naman para marinig ng lahat. "He just walked out." Umirap ako ng maalala 'yon.
Mariana reached out. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. "Hey, it's okay to be upset. Maxrill's behavior was completely unacceptable. You deserve better than that, Hiraya."
"I know," bulong ko. Tangina, naiiyak na naman ako. "But... I'm just so confused. I thought we were good." Akala ko lang pala 'yon. Ang saya-saya namin e, hindi ko inaasahan na darating sa puntong ganito. Aminado naman akong walang gaanong oras sa kanya pero ganun din naman siya. Ako na nga itong nag I-effort para sa amin, siya pa 'tong galit? Ang galing. Hindi pa nga nagso-sorry iyon, parang nothing happened lang.
"Maybe he's just dealing with a lot right now,"
"Maybe, nga," dugtong naman ni Mariana habang nakatitig sa mga mata ko.
"But I don't understand why he'd take it out on you?"
Mayroon siyang mas malalim pang mga rason. Ayaw niya lang sabihin, may kinalaman na naman siguro si Mrs. Cynthia dito. Iyon ang kati-kating tanggalin ako sa buhay ng anak niya e.
"He's wrong parin naman," Annalie said firmly. "You're not being too sensitive. You have every right to feel hurt and confused. Maxrill needs to understand that his actions have consequences, and you deserve an apology."
I nodded slowly, wiping away another tear. "I just... I don't know what to do."
"Just take some time for yourself," Solace advised. "And don't hesitate to talk to us. We're here for you, always."
Napatingon ako sa kanilang lahat. Magaganda, mapuputi, naiiba nga lang ang buhok ni Morgan sa aming lima. Blonde kasi ang buhok niya, mas maputi rin ang balat niya. Kapwa nasa mayamang pamilya, kaming dalawa lang yata ni Yumi ang hindi e.
'Thank you guys." I whispered, grateful for my friends' support. I knew that Maxrill's stress was no excuse for his behavior, but I also knew that he needed some understanding. I just hoped that he could see that too.
Sabay kaming lumabas, pinagtitingnan parin kami ng mga tao. Parang mga artista.
"Mga chismosang 'to, wala ba kayong mga pasok?!" bulyaw ni Morgan sa mga estudyanteng mas malapit sa amin. Ang kapal ng mukha nitong first year naming kasama oh.
"Let them, Morgan. Wala namang magagawa ang mga 'yan." Mahinahon sabi ni Yumi. Isa rin 'to, akala mo hindi makabasag ng pinggan.
"O siya, hanggang dito nalang tayo. Magkita-kita nalang tayo mamaya. Nga pala, belated happy birthday, Hiraya. Sorry hindi ako nakapunta, ah? Busy kasi."
Tumango ako. "Naintindihan ko. Salamat."
"Hiraya. Huwag kang umiiyak, hindi ako tumatanggap ng luha." Maarteng sambit ni Mariana, babatukan ko na sana nang mahagip ko hindi kalayuan sina James, Luigi, Leovard, Heven, at Maxrill. Nagtatawanan sina Heven at James habang si Maxrill naman ay titig na titig sa kanyang selpon. Wow, swerte ba 'to o malas? Parang nothing happened lang ang walkout kanina, ah.
"Ako na bahala sa dinengdeng. Paborito mo 'yon, hindi ba?" Nabaling ang tingin ko kay Yumi.
Nang mapansin nilang apat ang mga lalaki, mabilis pa sa alas kwatrong lumapit sina Annalie sa akin.
"Teka nga, nag-uusap kami ni Hiraya e!" angil ni Yumi na tinatakpan ni Annalie.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Kaya ko na mga mhie, mauna na kayo. Papasok na kami ni Solace,"
Sabay silang humarap sa akin. "Sigurado ka ba?"
Tumango ako ng dahan-dahan. "Salamat at pasensya sa abala."
"Walang anuman, Hiraya. Huwag kanang umiyak, ah? Papangit ka talaga niyan, magmumukha kang panda sige ka!"
"Loko ka, Morgan!"
"Bye! Mag-iingat kayo, ah? Tapusin niyo ang final requirements niyo!"
Humarap ako kay Solace na ngayo'y mahigpit na nakahawak sa aking braso. Imbes na abalahin iyon ay hinayaan ko na lamang. Alam kong nakita niya, nilang lahat si Maxrill.
Hindi ako iiyak. Magmumukha akong panda! Ayoko
Ngumiti ako kay Solace. Natutuwa ako dahil nakakasabay siya sa kalokohan ng mga kaibigan ko. English speaking din naman 'yon kaya makakasabay siya sa chismis.
PAGKAUWI KO ng bahay, nagulat ako nang nandatnang duguan ang damit ni Mama. Umiiyak siya habang unti-unting inaangat ang ulo.
"Mama!"
Mabilis ko siyang dinaluhan, binaba ang dalang gamit. "Anong nangyari, Ma? Si Papa, nasaan?" kinakabahan na tanong ko. Inalayan ko siya sa sofa habang hinahaplos ang kanyang buhok. Nanginginig siya, hindi makapagsalita.
"M-Mama, anong nangyari? Bakit ka duguan? Sino ang may gawa nito sa'yo? Si Papa, nasaan siya?"
Hindi ako mapakali. Habang inaalo at hinahaplos ang kanyang mukha at buhok, hindi ko mapigilang hindi masaktan at mangamba sa kanyang reaksyon. Punit ang kanyang labi, may mga pasa rin siyang natamo sa braso at binti. Anong nangyayari?
"Mama, please tell me. A-Anong nangyari? At nasaan si Papa?"
Gamit ang nanginginig na mga kamay, inabot ni Mama ang aking mukha. Hinaplos niya iyon habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. Nanginginig ang kanyang mga labi, may sinasabi.
"A-Anak, H-Hiraya...ang Papa mo..."
Mas lalo kong nilapit ang tainga sa kanyang labi. At nang marinig ang kanyang buong sinabi, gumapang ang galit, kaba at sakit sa aking puso.
"P-patay na ang Papa mo, H-Hiraya...pinatay ni M-Mayor Salvatore. K-Kinuha nila ang l-lupa..."
Sa pagkakataon na iyon, namuo ang galit ko sa mga Salvatore. Ang respetong matagal kong nilaan sa kanila, ngayon ay napalitan ng kabastusan. Kahit nanginginig sa galit at takot pinatatag ko parin ang sarili, lakas loob kong binalikan ang mansyon ng mga Salvatore at doon nasaksihan ko kung gaano sila kalupit at kasama lalong-lalo na si Mayor Salvatore. Hayop siya! Walang hiyang nilagay sa sako ang katawan ng aking ama at tinapon sa ilog malapit sa kanilang rancho.
Humagolgol ako. Nagdadalawang isip kung lalapit ba ako o hihintaying mawala si Mayor Salvatore kasama ang limang niyang tauhan. Nanigas ako sa kinatatayuan, wala na si Papa, pinatay nila at tinapon sa ilog.
"Papa!" kasabay n'un ang malakas na pagbagsak ng ulan at paglitaw ng katawan ni Maxrill mula sa sasakyang pinasukan ni Mayor Salvatore. Pagkaalis na pagkaalis nito, umaapoy sa galit ko siyang sinugod, sinuntok ang kanyang mukha, sinampal-sampal at sinipa-sipa ang kanyang katawan.
"Hayop kayo! Mamamatay tao kayo! Tangina ka, Maxrill! Tangina niyo! Kayong lahat! Walang hiya kayo!"
"Putangina mo, Maxrill! Iyon ba ang dahilan?! Hindi ka ba naaawa sa Papa ko? Pinatay niyo! Tangina ka! Walang hiya ka, demonyo ka! Mamatay kana!"
Galit na galit ako. Wala akong pakialam kung nasusugutan ko na si Maxrill. Mas masakit pa sa sugat niya ngayon ang nararamdaman ko. Pinatay nila ang Papa ko. Kadugo ko 'yon, mahal na mahal ko 'yon. Nilaan niya ang buong oras sa paghahanda sa birthday ko, nag-ipon siya para sa akin. Bakit... bakit niyo kinuha ang isa sa mga kasiyahan ko?
"Ano? Hindi ka sasagot, Maxrill?!" Marahas kong hinila ang kanyang kwelyo dahilan kung bakit napunit iyon pero wala akong pakialam. Kulang na kulang pa 'to!
Mas lalong lumakas ang ulan ngayon, dinadamayan ang puso kong labis na nasaktan dahil sa taong aking kaharap. Sobra-sobrang sakit naman ito oh. Hindi ko inaasahan 'to, gusto kong sumigaw! Tangina niyo, Salvatore. Hindi ko kayo tatantanan.
Lumapit ako at tinulak ang kanyang dibdib. "Ito ba ang dahilan, Maxrill? Kaya mo ako iniiwasan dahil may plano kayong patayin ang Papa ko? Sana sinama mo 'ko, Maxrill!"
"Tutal sinaktan mo na ako, bakit hindi mo lubos-lubusin ngayon? Patayin mo rin ako, Maxrill, kagaya ng ginawa niyo sa Papa ko! Patayin mo rin ako!"
"Hiraya!" buo at galit niyang sigaw.
Tumawa ako. "Totoo bang mahal mo ako, Maxrill? O pakitang tao lamang ang lahat ng iyon? I trusted you. Minahal kita pero ito ang gagawin mo sa akin?" kinagat ko nang nariin ang aking labi" My family loves you, Maxrill. Tinuring ka nilang pamilya, tapos ito ang isusukli mo sa kabutihang iyon? Kunin ang lupa namin api-apihin at patayin ang Papa ko? Ang kapal ng mukha mo!"
"Baby, listen to me please..."
"Ayoko ng marinig ang mga kasinungalingan mo, Maxrill. Sawang-sawa na ako sa mga salita mong paulit-ulit! Sa nasaksihan ko kanina, hindi lang salita mo ang sinira mo, pati puso at kasiyahan ko. Sirang-sira na ako ngayon, Maxrill at dahil saiyo, sainyo lahat! Putangina ka, ayoko ng manatili sa relasyong sakit lang ang dulot sa akin..." Kinagat ko ng mariin ang labi. Hindi parin tumitigil ang aking luha, sinasabayan parin nito ang ulan.
"Maghiwalay na tayo, Maxrill. Pagod na pagod na ako, ayoko na." Tatapusin ko na talaga 'to, hindi ko na kaya.
"No! No! Hiraya, don't do this, please...I will fix this, kukunin ko ang lupa ninyo gagawin ko ang l—"
Sinampal ko ang kanyang mukha. "Fix this? Nagpapatawa ka ba? Kung ganun, kaya mo bang ibalik ang buhay ng Papa ko?" Lumapit ako sa kanya. "Hanggang sorry at salita lang ang kaya mong gawin, Maxrill."
Kinuyom ko ang kamao at mabilis na tumalikod sa kanya upang lumisan at hindi na muling babalik pa. Baka ano pang magawa ko kapag tumagal ako. Mapapatay ko talaga siya. Putanginang mga Salvatore! Ang sakit sakit malaman ang totoo. Hindi ko inaasahan 'to. Nagtiwala ako. Minahal ko siya, binigay ko ang lahat lahat pati sarili kong kaligayan tapos ito ang makukuha ko sa kanya, sa kanila? Tanginang buhay 'to kung ganun. Niloko na nga nila kami, tutulong pa siyang kunin ang lupa? Patawa ang gago.
Mahal kita, Maxrill pero tao lang ako, napapagod din. Sa pagkakataon na 'to, hindi puso ko ang uunahin ko.
"Hiraya, don't leave me, Hiraya, please! I'm really sorry! Hiraya!"
"I can't live without you, baby..." Tumakbo ako papalayo sa kanya. Tama na ang laro, Maxrill. Nakuha niyo na ang gusto niyo sa amin. Tama na, sapat na 'yon.
Pinikit ko ng mariin ang dalawang mata. Dinadama ang sariling luha na kanina pa lumalandas sa aking pisnge. Alam kong nasasaktan din siya pero tama na. Tama na ang pagpapanggap. Pagod na ako, ayoko nang ipaglaban ang relasyong ito.
"Hiraya!"
Masyado na yata akong mabait kung sa puntong 'to papatawarin parin kita, Maxrill. Kahit lumuhod ka sa harapan ko, hinding-hindi parin ako babalik sa'yo. You already broke me. Matagal bago muling bumalik ang pusong nasira. You left me first, hinayaan mo ako.
Ngayon, hayaan mo akong piliin na naman ang sarili.
UMALIS ako ng Isabela City. Hindi naging madali ang desisyong iyon ngunit pinatatag ko ang aking sarili. Umalis ako dahil gusto kong tapusin ang pangarap na aking sinimulan, at tatapusin ko iyon na walang Maxrill na umaaligid sa akin. I can live without him...fvck!
Naiwan si Mama sa Santiago, ayaw niyang sumama sa akin dahil kay Papa. Ayaw niyang iwan ang pinaghirapan ni Papa sa amin. Pangako, Mama, babalik ako. Babawiin ko ang lahat. Wala man akong hawak na ebedinsya ngayon sa kamay, mananaig parin ang aking pananalig at hahawak ako ng diploma na magiging ebidensya ng aking pinaghirapan.
Pinunasan ko ang aking luha. Babalik muli ako, at kapag dumating ang araw na 'yon...hindi lang lupa namin ni Mama ang makukuha ko. Ipapakita ko sa mga Salvatore ang hinahanap nila.
Nilaan ko ang buong atensyon sa pag-aaral. Ito na ang huling taon ko sa kolehiyo, kasalukuyan akong nag-aaral sa Canada, inaabot parin ang pangarap na maging ganap na fashion designer. Ako'y paminsa'y nagta-trabaho sa labas, nagbebenta ng mga lumang kagamitan, mga damit na nanggaling sa aking mga kamay.
Nagsimula ako sa maliit na boutique hanggang sa nakilala ang aking mga gawa. Ngayon, taas noong nakatayo sa maraming tao, binunyag ang matagal ko nang pinaghirapan, at pinaglaanan. Ang Thread & Treasures. Ang naging sandalan ko sa panahong ako'y naghirap, ako'y nagpurisige. Inabot ang pangarap na minsa'y naging isa sa aking mga panaginip.
I am Hiraya Cristiana Corazon, my journey, once marked by challenges, has become a beacon of hope for aspiring designers everywhere. My story served as a reminder that even in the face of adversity, dreams could take flight and weave a tapestry of success and fulfillment.
***
Ito po ay last chapter ng college life ni Hiraya. Let's meet again sa present kung saan successful na ang both main leads☺️ don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you! Happy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top