Kabanata 22

Hiraya's POV

Tunog ng mga harvest trucks at makinarya ang gumising sa akin kinaumagahan. Bumaba ako ng kama dala ang aking selpon upang tingnan kung may mensahe ba mula kay Maxrill. Wala. Wala akong natanggap, tulog pa siguro 'yon o baka naman busy sa maisan. Harvest day kasi nila ngayon, paniguradong abala 'yon ngayon. Tsaka ko nalang kakausapin. Kailangan ko rin kasi mag-aral dahil mamayang hapon ang sched ko sa final exam. Kakabanas, bakit ako kinakabahan. Nakakaloka.

Lumabas ako ng kwarto upang batiin ng magandang umaga sina Mama at Papa. Nadatnan kong nagluluto si Mama sa kusina habang si Papa naman nasa labas, may kausap. May malaking truck din duon, pagmamay ari siguro ng kausap ni Papa.

"Ang dami naman nito, Ma. Ibebenta mo ba?" tanong ko habang pinagmamasdan ang iba't ibang putahe sa aking harapan. Parang may handaan ah.

"Gising kana pala. Umupo kana at kumain, pagkatapos ibigay mo 'to kay Luigi, bayad na 'yan." Nilagay niya sa harapan ko ang red plastic na naglalaman ng ulam.

"Bakit hindi na lang siya ang kumuha rito, Ma?" walang gana kong tanong tsaka kumuha ng babasaging pinggan sa gilid. Una kong kinuha ang specialty ni Mama bago kumuha ng kanin, pagkatapos umupo muli.

"Wala raw siya sa bahay nila. Pumunta kina Mariana yata 'yon. Kilala mo?"

Dahan-dahan akong tumango at ngumisi habang puno ang bibig ng pagkain. Grabe, dabest talaga ang nanay ko pagdating sa ulam. Ang sarap! Kaya ako tinatamad magluto e, dahil sa kanya. Nahihiya ang pritong itlog ko.

"Idaan mo nalang 'to mamaya. Malapit lang naman sa USDSP ang bahay nina Luigi," saad nito tsaka binalik ang atensyon sa niluluto.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain hanggang sa mabusog. Medyo naparami pa nga ako ng kain dahil sa malasang pinakbet ni Mama at daing. Galing daw kina Luigi iyon, luto ng Papa niya. Sarap non ah. Pagkatapos kumain, lumabas ako ng bahay upang tingnan ang ginagawa ni Papa. May inaayos siya sa kanyang truck habang kausap ang lalaking mukhang isa din sa mga trabahante ni Mayor Salvatore. May SV kasing logo sa truck. Pagmamay ari ng mga Salvatore ang logo na 'yon.

"Hiraya, tapos kana kumain?" pansin niya sa akin. Tumayo siya tsaka pinunasan ang kamay na may itim na likido. Galing sa gulong.

"Tapos na, Pa. May sira ba sa truck? Kanina ka pa riyan, ah." Lumapit ako. Tiningnan ang inaayos niya kanina. Sa sobrang luma nitong truck namin, kinakalawang na at kulang nalang I-junkshop. Ayaw naman ni Papa, kahit na may kalumaan at katandaan ang truck, gustong-gusto niya paring gamitin 'to. Service na rin sa kanilang dalawa ni Mama.

"May kaonting aberya lang. Nga pala, bukas pa kami makakauwi ng Mama mo, ah? I-lock mo ang pinto at mga bintana."

Kumunot ang noo ko. Na naman. "Saan kayo pupunta? Magdi-date?" sumilay ang mapanlarong ngisi sa aking labi. Nakitawa na rin 'yong lalaking katabi niya. Medyo may katandaan na.

"Hindi. May aasikasuhin lang sa planta. May kaonting salu-salo rin mamaya kaya matatagalan kami. Ito nga pala ang baon mo mamaya," dahan-dahang lumapit si Papa at dumukot ng limang libo sa kanyang pantaloon.

"Ang laki na nito, Pa! Isang libo lang ang kailangan ko,"

"Nahihiya pa eh." Ngumuso ako. Kilalang-kilala talaga ako ni Papa. Halata bang nangangailangan ako ngayon? Kakaloka 'to si erpat.

"Sige na. Walang magluluto kaya bumili ka nalang ng dinner mo mamaya."

Sosyal ng tatay ko, dinner ba naman. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. "Kaya love na love kita e! Salamat, Pa!"

Bumalik ako sa loob ng kwarto upang tapusin ang dapat tapusin. Nilaan ko ang oras sa pag-aaral, research at kung anu-ano pa. Ni hindi ko namalayan na magda-dalawang oras na ako sa loob ng kwarto. Grabe! Finals na kasi 'to kaya dapat kong bigyan ng atensyon. Mabuti nalang last week ko pa ni-galaw ang portfolio ko. Shocks naman! Iiyak talaga ako kapag hindi ako pumasa sa kursong 'to. Daming pag-aaralan, hindi lang sa isang subject naka-pukos. Kailangan kong aralin ang sampung subjects sa taon na ito.

"Argh." Hinayaan ko ang katawang humilata sa malambot na higaan. Sumasakit na ang likod ko sa kakayuko. Dinampot ko ang selpon sa ibabaw ng lamesa at akma na sanang magsc-scroll, subalit ako'y napahinto nang makitang nag-message ang smart. Wala na raw akong load, mag subscribe daw ulit ako.

"Tangina." Malutong na mura ko. Padabog kong binalik muli ang selpon sa ibabaw ng lamesa, nagtagal pa ang tingin ko sa laptop. Naroon ang mga posibleng lalabas mamaya sa exam.

"Argh!" Napasabunot muli ako sa aking buhok. "Hindi pa ako nakakalahati! Ubos pa ang load ko!" Ang layo layo pa ng tindahan dito. Kailangan ko pang bumaba.

Inis akong bumangon, sinuot ang tsinelas at lumabas. Two hours na lang ang natitira, kailangan kong bilisan. Alikabok, tunog ng mga makinarya ang naririnig at nakikita ko habang tinatahak ang daan papuntang baryo. Nakita kong dinagsa ng mga trabahante ang maisan nina Maxrill, may mga napansin din akong mayayaman. Tatlong kotse yata 'yung nandun. Isa siguro sa mga kalaguyo ng Salvatore.

Pagkatapos kong magpa-load, bumalik muli ako sa bahay pero hindi pa man ako nakakalayo, napansin ko hindi kalayuan si Mariana, kasama sina Leo at Maxrill. Hahakbang na sana palapit ang mga paa ko nang mapansin kong nandun din pala si Mrs. Cynthia, kasama ang babaeng may blondeng buhok. Napairap na lamang ako at muling sumampa sa aking bisikleta. Hindi na muling lumingon.

Ano namang pumasok sa isip ko ba't ko naisipang lumapit duon, nakakaimberna. Kusa nalang kasing humakbang ang paa. Mangangamusta siguro sa mga kaibigan.

Ano naman ang ginagawa ng tatlong 'yon doon? Nasaan si Luigi? Akala ko magkasama silang dalawa ni Mariana. Mukhang business naman ang pinag-usapan nila roon. Kilalang mayaman sina Mariana, Leo at Maxrill sa Santiago. May malaki kasi silang ambag sa lugar kaya ganun. Kahit pagmamay ari ng kanilang pamilya ang lahat, sa kanila parin naman babagsak iyon. So, mayaman nga.

Pinag-aralan ko ang posibleng lalabas ngayon sa exam. Bawat materyales, sinaulo ko baka may identification or what mamaya jusko. Mahina pa naman ako sa ganyan, mas okay pa ang essay. Dami talaga akong storyang masusulat, char! So, iyon nga, tinapos ko lahat sa dalawang oras lang.

Bago pumasok ay dinaan ko muna kina Luigi ang ulam. Naroon siya sa kanila, naghahanda din sa pagpasok. Nang makita ako ay binati niya ako, syempre. Libre na ang hatid e, tapos hindi ako makakatanggap ng bati mula sa kanya? Ibabalik ko talaga ang ulam. Joke lang!

"Papasok kana rin? Sabay na tayo. Patapos na din naman ako." Saad niya. Tumango ako at hinintay siya.

Hindi gaanong kalakihan ang bahay nina Luigi, sa tyansa ko kaysa lang sa tatlo ang bahay na ito. Kahit na ganun ay presentable parin naman ang kanilang bahay. Akala ko nga nu'ng una ay mayaman siya dahil sa appearance niya na kuhang-kuha ang mukhang mayaman. Hindi ko siya naging crush, ah. Gusto ko lang talaga tumulong noon. Naging close rin sila ni Mama dahil paminsan sa amin sila nangungutang at bumibili ng ulam.

"Hindi mo kasama si Maxrill,"

"Hindi. May pinagkakaabalahan yata."

Hindi tanong 'yon. Parang sanay na na lagi kong kasama si Maxrill. Abala iyon ngayon, ni wala man lang text sa akin kung anong ginagawa niya. Normal lang ba sa mag-shota 'yon? Kakaloka siya. Nagtatampo ako.

"Ah. Harvest pala nila ngayon. Naroon din si Mariana kasama ni Leo dahil nagmamay ari ng Trading Company ang Monforte."

Tumango at hindi na muling nagtanong pa dahil wala naman akong maisasagot sa kanya. Wala akong alam sa business na 'yan. Ang alam ko lang, magtahi ng mga damit.

Naghiwalay kami ni Luigi nang makita na ang sariling mga buildings. Pumasok ako ng room, una kong nahagip si Solace, nagski-sketch sa kanyang sketchpad. Nang makita ako, bumati siya.

"Hello, Hiraya. How are you?"

"Heto, kinakabahan. Kakaloka, patingin nga ng portfolio mo. Pakiramdam ko mas marami ka nang nagawang designs, eh."

Pinakita niya nga sa akin ang portfolio niya. Napamura na naman ako sa ganda, pasikat talaga lagi 'to si Solace e. Detailed na detailed ang kanyang mga gawa. Alin kaya sa mga ito ang ipapasa niya kay Professor Garcia? Lahat maganda. Naloloka ako, ewan ko sa akin. Hindi pa ako maka-decide. Naiwan ko pa ang iilang sketches sa bahay. Nagmamadali kasi ako.

"Kakakaba naman 'to!" Tumayo ako. Uminat-inat upang alisin ang kabang bumabalot sa buo kong katawan. Babalikan ko talaga 'to kapag bumagsak ako sa subject na 'to. Hindi ko yata kakayanin. I don't claim this negative energy. Papasa ako.

"Just calm down, Hiraya. We will both pass." Kumbinsi ni Solace. Tinanguan ko lamang siya kahit hindi ako sure. Oo, mahina talaga ang loob ko pagdating sa ganito. Feeling ko, lagi akong nawawalan ng pag-asa sa lahat.

At nakakainis na isipin iyon.

"...And remember, this is your final exam for Fashion Design. This is your chance to prove you've mastered the principles and techniques we've covered throughout the year. But, as I've stressed before, this isn't about perfection. It's about showcasing your unique vision and ability to translate your ideas into reality." Paalala ni Prof Garcia pagkatapos ng isang oras pagpaalala sa amin. Laking pasalamat talaga namin na naging Professor namin siya sa taon na ito.

Napansin kong namamawis na ang dalawang kamay ko. Mabuti pa si Solace, chill chill lang sa tabi ko. Mukhang excited pa nga, paano maging siya? Samantalang ako parang maiihi na. Jusko naman.

"Unique vision, huh? Easier said than done. I just hope my sketches don't look like a toddler's scribbles." Bulong ko sa sarili.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Solace sa aking tabi. "Don't worry, Hiraya. We've both put in the hours. We got this." Nakita ko na ang kaba sa mukha ni Solace ngayon. Napangiti ako, hindi na ako nag-iisa ngayon. Lahat naman kami mukhang kinakabahan pero wala akong pakialam sa kanila, hindi kami close. Ayaw nga nila sa akin, ako pa kaya.

"You're right. It's just...pressure. I can feel it!"

Habang inaayos ang materyales sa aking tabi, biglang umilaw ang selpon ko. Nakita ko ang name ni Maxrill sa screen kaya palihim kong ni-open 'yon. Sumilay ang kinikilig na ngiti sa aking labi nang mabasa 'yon. "Do good, baby." Pero, nagtatampo parin ako. Bahala ka diyan.

"Any questions before we begin?"

Akmang ibababa ko na sana ang selpon nang may naalala. Bago ko pa man itaas ang kamay, naunahan na ako ni Solace. Nabasa niya siguro ang nais kong itanong kay Prof. Garcia. Ngumiti ako at tumango, tinago muli ang selpon sa loob ng bag.

"Professor, what about the fabric restrictions? Are we allowed to use specific materials for our garments, or are we limited to what's provided?"

Ngumiti si Professor Garcia. Inaasahan yata ang tanong na 'yon. "Excellent question, Solace. You are allowed to use your own materials, within reason, of course. Just remember, you need to provide documentation and proof of purchase. No bringing in a vintage Chaneel dress!"

Mabuti nalang may mga recent pictures ako dito. Magagamit ko 'yon sa huling kabanata ng aking portfolio. Ipapasa pa naman next week.

"Vintage Chaneel would be amazing, though." Komento ko. Mahina lamang, na ako lang ang nakakarinig.

"Now, let's not waste any more time. Grab your materials and get started! Remember, time is of the essence."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Solace. Giving me a reassuring smile

"Ready?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Ready. Let's do this."

"Good luck, everyone! May your creativity flow freely!"

Gazing at the sewing machine. Solace's heart is pounding with anticipation. "I can't believe it's our final exam."

"I know, right? It feels like everything we've worked towards is coming down to this one moment." Sagot ko. This is it, magsisimula na talaga kami.

Professor Garcia steps back, and the hall falls silent as we begin to work.

I created an outfit that exuded both beauty and confidence. The design was basic, but it exuded an undeniable elegance that said volumes about its user. Intricate lace cascaded over the bodice like a waterfall, with each flower delicately stitched in sparkling threads.

The skirt fanned out gently, displaying a delicate layer of tulle that produced an ethereal look as the wearer walked. Every stitch was a testimonial to my artistic ability and steadfast quest of perfection.

Habang tumatakbo ang oras at paglapit ng katapusan, I paused to reflect on the inspiration behind my creation. It was a dress that celebrated the strength and inner beauty of women. A dress that would make the wearer feel empowered and ready to conquer the world.

I pressed the final button and stood back to admire my work. As I reached for the small, white card that would accompany the garment, I couldn't help but feel a sense of accomplishment and excitement. This is it, my style and design.

Kumuha ako ng papel mula sa aking bag at sumulat ng essay roon. Akala ko may identification sa exam na 'to, nag-expect pa naman ako. Mas malala pa pala sa inakala ko. Kaonting explanation lang sa dress. Gandang-ganda ako eh. Ipre-present pa namin iyon kung talagang deserve bang pumasa.

I wrote a little essay that conveyed the basis of my creation. I wrote about the process of making the garment, from the first inspiration to the final thread. I also explained the symbolism of each aspect, from the delicate lace to the flowing skirt.

Habang hindi pa tapos ang oras, pinasa ko na kaagad ang akin with essay na iyon. Maya-maya ay darating ang mga magju-judge sa aming dress. Hindi pa kasama ni Professor Garcia iyon ngayon dahil siya ang inatasang magsimula.

Inaral ko pa lahat kanina, mas matindi pa pala ang sasapitin ko ngayong araw. Sa tatlong oras paglalaan sa paggawa ng dress, mabuti nalang nakayanan ko. Tila ngayon lang din ako nakahinga ng maluwag. Malapit na din matapos si Solace, ang taray din ng kanya. May pinaglalaban.

Ganun din naman ang mga kaklase namin, kapansin-pansin talaga na may inaabot na pangarap ang bawat isa sa amin. Hindi man kamahalan ang materials ko, nagawa ko namang elegante ang dress ko.

HOURS turned into seconds as we waited for the results to arrive. Finally, the moment of assessment arrived. My heart was pounding in my chest as I approached the podium to showcase my invention. With shaky hands, I presented my outfit to the panel of judges and my classmates.

Ako ang huling tinawag ni Professor Garcia. Katatapos lang ni Solace at ang masasabi ko lang ay excellent! Super ganda ng explanation niya, tugmang-tugma talaga sa ginawa niyang dress. It was a unique dress na inspired sa famous brand, it's a vintage style, kagaya nga ng gusto ni Professor Garcia. Habang sa akin naman ay simple lamang ngunit damang-dama naman ang storya sa bawat hibla nito.

Bago ako magsimula, nagpakawala muna ako ng buntong hininga. Pagbukas ng aking mga mata, nalula ako nang makita sina Mariana, Luigi, Annalie at Maxrill sa labas ng aking classroom. May kasama pa silang dalawang babae pero hindi ko kilala ang dalawang 'yon.

Gosh! Mas lalo akong nanlamig.

Kinuha ko ang mic sa ibabaw ng podium. Nanginginig ang mga kamay.

"You can do it, Hiraya!"

"Ang ganda ng dress mo!"

Ngumiti ako kina Annalie at Mariana tsaka binalik muli ang atensyon sa mga judges at kay Professor Garcia na ngayo'y titig na titig sa aking dress.

"Good afternoon, everyone. I am Hiraya Cristiana Corazon, and this is my dress. This dress embodies the duality of womanhood," I began, my voice trembling slightly. "The stark simplicity of the cut represents the strength and independence we possess, the quiet power that rests within us." My eyes met Professor Garcia's, a cool, sharp gaze that seemed to see through every layer of my carefully crafted facade. "But the details, the intricate embroidery, speak of the artistry and beauty that we hold dear, the delicate grace that defines us."

My classmates, their looks a mix of adoration and apprehension, listened carefully. I continued, my voice becoming stronger with each word. "This is a dress for a woman who knows her worth, who embraces her vulnerability and her strength, and walks confidently into the world, ready to conquer her own narrative."

Namayani ang katahimikan sa buong classroom. Professor Garcia, with her piercing gaze, continued to observe the dress. Then, a slow smile crept across her face, flicker of approval that ignited a spark of hope.

She reached out and gently traced the intricate embroidery, her touch almost reverent. "This," she said, her voice resonating with respect. "Is not just a dress. It is a statement. It is a testament to your talent, your vision, and your understanding of the power of design." Tumango kaming lahat sa kanyang sinabi. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo pagkatapos bigyan ng komento ang aking dress. Sa puntong ito, ang mga judges na ang magtatanong sa akin. Dito na nakasalalay ang grado ko sa huling semestre na 'to.

Huminga muli ako ng malalim. The judges, a panel of renowned fashion veterans, approached me. The first question came sharp and direct, "What inspires your design?"

I met their gaze with unwavering confidence. "It's a tribute to the women in my life," I said, voice clear and strong. "The women who taught me that true beauty lies not in extravagant displays, but in the strength of our stories, the resilience of our spirit."

Marami pa silang tinapon na mga tanong patungkol sa ginawa kong dress, anong mga materyales ang ginamit ko, sigurado ba raw ako na hindi kakati ang sinumang magsusuot nito, bakit cheap ang presyo ng fabrics ko at kung anu-ano pa. I answered them confidently. Hindi kami mayaman, hindi ko afford ang magagarang fabrics, materyales para sa isang dress. Kung gustong-gusto ko talagang gumawa, hindi mahalaga ang presyo o anyo nito as long as quality at magaan sa pakiramdam ang damit. Alam ko namang halos nasa mamahalin ang mga quality materials pero hindi ko inisip iyon.

Mura man sa inyong paningin, mataas parin ang mararating.

As the final question was asked, a quiet hush fell over the room. "Tell us," a judge said, his voice soft yet compelling. "What does this dress represent to you?" This is the last question, mananahimik na ang kaluluwa ko pagkatapos nito.

I took a deep breath. "For me, it's more than just a garment..." I said. "It's a symbol of self-expression, of finding beauty within yourself, and of celebrating the strength that lies in embracing your own story." This is my last words.

A round of applause broke out as the judges took a step back. I grinned, the pressure of the situation easing. I put my heart and soul into this outfit, and it spoke for itself. My road as a fashion student had been difficult, but today I felt a strong feeling of accomplishment.

Pagkatapos ng matinding pagsubok na 'yon, tuwang-tuwa kami ni Solace dahil nalampasan at nalabanan namin ang kabang naramdaman kani-kanina lang. Tumalon-talon kami sa tuwa, hindi alintana ang mga matang kanina pa nakatingin sa amin.

Dahan-dahang lumapit sina Mariana at Annalie sa amin. Sinalubong nila kami ng yakap at bati ng tagumpay. Si Chairman talaga, nagpapakilig. Pinakilala niya sa amin ang dalawang kasama, sina Morgan at Yumi. Nagpalitan kami ng kamay at pasasalamat.

"Ito ang pangalawang beses na-amazed ako sainyong dalawa. You both nailed it!" Komento ni Annalie at muli na naman kaming niyakap ni Solace.

"Nagawa niyo sa isang araw lang ang finals niyo. Grabe na kayo! Next week pa ang hell week namin, sana all nalang sainyo!"

Tumawa kami sabay baling ko kay Maxrill na ngayo'y abala sa kanyang selpon. Napasimangot ako, disappointed dahil hindi niya ako binati kanina. Mas nauna pa nga sina Mariana at Annalie sa kanya. Mukhang hindi pa siya masaya.

Napansin ko ang pag-atras ng lima. Lumayo ng kaonti sa aming dalawa ni Maxrill. Nilakasan ko naman ang loob ko, unti-unting lumapit.

"Busy ka?" basag ko sa anumang ginagawa niya sa selpon.

Napatingin siya sa akin. Binaba niya ang kanyang selpon at niyakap ako. Wala akong naramdaman, hindi ko siya niyakap pabalik dahil pakiramdam ko napipilitan lamang siya.

"Are we okay, Maxrill?" Ang saya saya namin nu'ng nakaraang araw, ah. Bakit ang tamlay niya ngayon? Parang napipilitan.

"Oo naman, Hiraya. Congratulations nga pala, good job, baby." Tinitigan ko ang kanyang mga mata, wala parin akong naramdamang saya. Kaya imbes na magpanggap na masaya ay umiwas ako ng tingin. I swallowed the lump in my throat, trying to swallow the wave of disappointment threatening to drown me. I needed more than a robotic 'good job.' I needed his genuine joy, his eyes sparkling with pride. I needed Maxrill. Mahirap bang gawin 'yon kahit nagpapanggap lang?

Hinakbang ko ang mga paa papuntang parking space, kung nasaan ang bisikleta ko. Napansin ko naman ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko na lamang pinansin.

"Hiraya...please..."

"Hindi ko alam kung anong problema mo, Maxrill. Kung napipilitan ka, sana hindi ka nalang pumunta!" galit kong sambit.

Hinuli niya ang isang kamay ko, napatigil ako at napaharap sa kanya. There, ngayon ko lang nakita ang emosyon niya. Bakit? Tangina.

"Ano? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka ganyan umasta ngayon, Maxrill? Kung may hindi magandang nangyari sa buhay mo, huwag mo 'kong dinadamay dahil nakakasakit ka e! Tawagin mo akong oa o ano pero nasasaktan ako, Maxrill! You said...good job, saan? Iyon na 'yon? Hug na parang wala lang? Tangina, Maxrill!" Galit kong iniwas ang kamay sa kanyang pagkakahawak ngunit masyado siyang malakas.

"Bitawan mo 'ko."

Hindi siya nakinig sa akin. He pulled me into a tight hug, burying his head in my hair kasabay naman nu'n ang unti-unting paglandas ng aking mga luha. I can't hide my tears anymore. Shuta.

"I'm sorry..."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Baby, I'm so sorry," he said, voice choked with emotion. "I just... I don't know what's wrong with me. I'm happy for you, truly..."

"Masaya ka naman pala sa akin, bakit hindi mo iparamdam sa akin 'yon? Umasa ako, Maxrill. Tapos ito, sakit ang binigay mo sa akin..." Umiiyak parin sa kanyang mga bisig.

Maxrill tightened his grip. "I'm so sorry, baby. I'm sorry I hurt you. I'm sorry, hindi ko na uulitin, huwag kana umiyak, please. Nasasaktan din ako, baby, please..."

Hinawakan niya ang mukha ko habang ang luha'y patuloy na umaagos. Pinunasan niya 'yon, bawat patak hindi niya pinalampas. Nilapit niya ang mukha sa mukha ko hanggang sa nagtama ang aming mga ilong. "I'm really sorry, baby. I love you, please don't cry..."

He kissed my nose, my cheeks, my eyes and my tears. "Sorry If I made you cry, baby. I'm really proud of you, you finished it."

"T-Totoo ba 'yan?" tanong ko habang sumisidhok. Nakakainis, para tuloy akong baboy sa harapan niya.

"Yes, baby. Ang ganda ng dress mo. I watched you there earlier, hindi ka pa nagsasalita sa harapan, proud na proud na ako sa'yo. I love you and I'm sorry..."

"Mag-I love you ka na nga lang, huwag na mag-sorry!"

Umiling siya. Yumuko siya upang dampihan ako ng halik sa noo at labi, panandalian lamang iyon ngunit naghuhuramentado ang puso sa galak at kilig. "I'm sorry because I hurt you..."

Lumunok siya, ang mga mata ay titig na titig parin sa akin. Puno ng emosyon ang mga 'yon, malungkot at malumay. Kung anuman ang problemang kinakaharap niya ngayon, pwede niya namang I-share sa akin. Makikinig at baka makatulong din ako pero ayaw niya. Gustong sarilihin ang problema.

"I love you, and no one can doubt my love for you, Hiraya. Itaga pa nila sa bato 'yan."

Kumunot ang noo ko. "Sinong sila?"

Unti-unti siyang lumingon kina Mariana na walang kaide-ideya sa mga nangyayari. Nakataas ang kilay ni Annalie habang nakakunot noo naman ang dalawa. Sina Mariana at Solace.

"Huwag mo silang ituro baka masampal ka ni Mariana," napatawa ako ng mahina.

He faced me again and planted a quick kiss on my lips. Uminit na naman ang pisnge ko! Tangina, nagtatampo parin ako!

"Pinapatawad mo na ako?"

"Problema mo muna?"

"Problema lang sa delivery, baby. Sorry kung nadamay ka, hindi na mauulit, hmm..." Niyakap niya ang beywang ko habang ang mukha nasa aking harapan. Hinuhuli ang tingin ko.

"Ewan ko sa'yo. Libre mo nga ako,"

"Saan mo gusto?"

"Kahit saan..."

Ngumiti siya at kumindat sa akin. "Kahit saan basta kasama mo 'ko."

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top