Kabanata 21
Hiraya's POV
"Hindi ka ba kinakabahan sa exam, Solace?" tanong ko.
I scrolled through my phone. Nasa loob kami ng classroom ngayon, naghihintay sa aming Prof. May meeting pa raw kasi kaya nag-usap muna kaming dalawa ni Solace. Namiss ko e, tatlong araw kaming hindi nagkita. Mabuti nalang wala gaanong ganap kahapon. Discussion lang daw tungkol sa paparating na final exam. Malapit na talaga ang hell week.
Kalmadong gumuguhit si Solace. She looked up "A little. But mostly excited. This is it, the culmination of everything we've learned."
Mariin kong hinawakan ang phone. Marami akong nakitang mga kalokohan ni Maxrill sa kanyang facebook. Halos patama post iyon, halatang inlove e. Napasimangot ako, ano kayang mangyayari sa aming dalawa? Sinagot ko e. I let out a shaky breath. "Yeah, I know. But what if it's not enough? What if our concepts aren't strong enough? What if we... what if we fail?" Baling ko kay Solace. Abala parin 'to sa kanyang sketchpad.
She chuckled softly. "Hiraya, you're a brilliant designer. You've got a unique vision, a voice that's bold and original. Don't doubt yourself."
"It's just... the pressure," I confessed, fiddling with the strap of my bag. "We have to come up with a full collection, a runway show, everything. It's overwhelming." Gosh, bakit ba kasi ako kinakabahan. Ilang buwan na ako rito sa USDSP, ngayon paba ako kakabahan? Malapit na ngang matapos ang klase. Kakaloka, dami ko pang kakaining bigas.
"I understand," sagot niya, placing a hand on my arm. "But we're in this together, remember? We can brainstorm, bounce ideas off each other, and support each other through this. We'll create something amazing, I know." Napatitig ako sa mga mata ni Solace. I see hope in there. Sana ganun lang kadali sabihin at gawin, Solace pero hindi e. Pero susubukan ko naman, ako na 'to e. Pinili ko 'to kaya kahit anong mangyari ay lalampasan ko.
"You really think so?" umaasa.
"Absolutely," sagot niya. "We've got this. We've got each other!"
Kaya ko! Kakayanin naming dalawa ni Solace ang pagsubok na ito.
"Okay," sang-ayon ko. "Let's do this. Let's create something spectacular."
Solace grinned, a spark of excitement lighting up her own eyes. "Let's do it!"
Nagtawanan kaming dalawa habang nakatingin sa sketchpad ni Solace. Namangha ako nang makita ang kanyang ginuhit. Isang gown iyon na maraming iba't ibang kulay at disenyong nakakamangha.
"Patingin, Solace," kailan niya natapos 'to? Imposible namang kanina lang, hindi ba? Nag-uusap kami e at paminsa'y napapahinto. Kailangan din ng masinsinan at pasensya sa pagguhit. Galing ng gagang 'to, oh!
"Ganda nito, Solace!" sambit ko while my finger tracing the delicate line of a flower petal. "The colours are so vibrant, and the design... it's breathtaking." Mapapamura ka nalang sa ganda ng gawa ni Solace. Nakakainis!
Solace blushed. Itinabi niya pa ang buhok niya. Yabang talaga ng babaeng 'to oh. "Oh, it's nothing special," she mumbled. "Just a bit of fun."
"Fun? This is a masterpiece!" I exclaimed. My eyes sparkling pa kasi totoo. Ganda, paano kung magiging damit na talaga 'to, hindi ba? "When did you even manage to finish it?"
"Just today," she said. "I was inspired by the new flower market. All those colours and textures..."
Pareho kaming natahimik. Maraming pang sinabi si Solace tungkol sa ginuhit niyang dress at balak niyang gawing damit iyon. Natuwa naman ako dahil hindi ako makapaghintay, isasama niya nga sana ako sa kanilang bahay pero tumanggi ako dahil may pupuntahan kami ni Maxrill mamaya. Pupunta kami ng rancho, mangangabayo. Wala naman daw trabahante doon at sahod ko na rin sa kanila, sinong hindi matutuwa niyan, aber? Pero hindi na ako babalik sa mansyon. Sapat na ang tatlong buwan paninilbihan sa kanila. Ayoko nang makita ang pagmumukha ni Mrs. Cynthia, baka mapatulan ko na nang tuluyan 'yon.
A cough cleared the air, and a man appeared in the doorway. His face a mixture of annoyance and curiosity.
"Excuse me," simula niya, "But I believe someone is blocking the entrance."
I jumped, startled, and Solace quickly tucked the drawing away. "Oh, sorry," I said, stepping aside. "We were just admiring Solace's work."
Napatingin ako sa kakapasok lang na lalaki. Matangkad, moreno, mukhang babaero dahil sa tindig nito. Nakasukbit ang sariling bag sa balikat, tulad ni Maxrill. Galawang tamad. Shuta, bakit ko ba iniisip ang damuho na iyon. Umiwas ako ng tingin at binalik na lamang ang atensyon sa sketchpad ni Solace. Ang tagal naman ng Prof, inaamag na kami dito oh. At sino namang 'tong lalaking kakapasok lang? Ngayon ko lang siya nakita.
"Solace? Is that a new design? It does look rather... interesting." Mahina niyang komento.
Kilala niya si Solace? Paano? Ngayon ko lang nakita ang damuho na 'to.
"Actually," she started, her voice a little unsure, "It's not for sale."
Napatingin ako sa kanilang dalawa. Nakataas ang kilay ng lalaki, halatang babaero at makulit. Ano ba kasing ginagawa niya rito, mukhang isa pa siya sa mga volleyball player.
The man chuckled. "I see. Well, I won't keep you any longer. Perhaps we can discuss this... design another time." He winked at me, then strode off. Yuck! Oo gwapo siya pero para siyang maasim. Hard pass sa mga ganun.
Lumapit ako kay Solace. Hindi pinansin ang mga kaklaseng panay kung makatitig sa aming dalawa. Alam naming maganda kami kaya huwag na umangal. Mga 'to, chismosa.
"What was that all about?" Tanong ko nang pabulong. Nakikinig ang mga chismosa e.
Solace shrugged. Shadow of worry crossing her face. "Just a customer. He's always curious about my work."
Napatitig ako kay Solace, my eyes searching hers. "Solace, what are you hiding?"
***
HINDI nga dumating ang Prof namin kaya nagpasya kami na umuwi nalang kaysa naman tumunganga sa loob ng classroom. Nauna na si Solace sa akin dahil may gagawin pa raw siya, gusto ko nga sanang pigilan kaso mukhang nagmamadali talaga siya. Kaano-ano niya kaya ang lalaking 'yon? Mukhang siya ang dahilan bakit biglang tumahimik si Solace e.
"Saan ko ba mahahanap ang lalaking 'yon?"
Lumabas ako ng classroom dala ang sketchpad at bag ko. Tinungo ko ang building nina Maxrill at nadatnang sobrang tahimik ng kanilang hallway. Ano kayang mayroon? Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating sa huling classroom ni Maxrill. Ganun parin, namayani parin ang katahimikan.
Lumapit ako upang silipin si Maxrill sa loob. Nakita kong magkatabi sina James, Leo, Maxrill at Luigi. May kani-kanya silang ginagawa sa loob. Nakita ko naman sa unahan si Annalie, may ginagawa rin. Baka tungkol 'yan sa kurso nila.
Binuksan ko ang aking selpon at tumambay muna sa gilid ng kanilang room. Mabuti nalang may upuan.
Habang nagsc-scroll, hindi ko sinadyang mapunta sa account ni Maxrill. Ginamit niyang profile 'yung picture namin sa Mount Hinirang. Nakasimangot ako du'n habang siya naman ay malaki ang ngisi, kitang-kita ang kanyang malalim na dimple. Bida-bida talaga e, samantalang ako nakasimangot? Kakaloka.
Since naka-public ang kanyang profile picture, binuksan ko ang comment section. Maki-chismis. Hindi lang naman reacts ang dumagsa, ganun din ang comments ng mga friends niya sa facebook.
"Si Hiraya 'to, hindi ba?"
"Mag-shota naba kayo, Maxrill?"
"Ang gago! Wala na may nanalo na!"
"Sabi sainyo e, may crush si Maxrill kay Hiraya."
"Tagal niyang ni-practice ang pag-amin, Hiraya."
"Ang ingay ingay niyan sa classroom. Bukambibig lagi si Hiraya."
Umunit ang mukha ko sa kanilang mga sinabi. Halos mga kaklase ni Maxrill lahat nandito. Miyembro din ng Midnight Ravens. Loko-loko talaga 'tong mga 'to.
"Pick-up lines ni Maxrill kay Hiraya. 'Are you a horse? Because I'm feeling a bit neigh-vous around you.'"
"I'd love to take you for a ride on my horse. But I'm afraid you might be a bit too wild for me to handle."
Napatampal ako sa aking noo. Dinagsa ng 'haha' react ang comment na 'yon. Ang sosyal pa daw ni Maxrill dahil naka-english ang pick-up lines niya. Gago talaga. Saan niya nakuha 'yon.
Mangangabayo pa naman kami mamaya. Binaba ko ng dahan-dahan ang selpon at akmang tatayo na sana nang biglang umingay sa loob ng kanilang classroom.
"Construction technology and materials focuses on the practical aspects of building design and construction. Learn about the properties and behavior of various building materials, such as concrete, steel, wood, and glass, and how to select the most appropriate materials for a given project. Additionally, you need study construction techniques, such as framing, foundations, and finishing, and learn how to coordinate the construction process to ensure that buildings are constructed safely, efficiently, and to a high standard." Mahabang paliwanag ng kanilang Professor. Nakakadugo naman ng ilong 'tong larangan na pinili ni Maxrill. Kaya niya paba?
Lumapit pa ako, mukhang patapos na ang kanilang klase. Humihirit pa kasi ang Prof nila. Kulang pa yata ang paliwanag niya. Nakatuon na ngayon sa kanya ang atensyon ng lahat puwera lamang kay Luigi na patagong nagtitpa sa kanyang selpon.
"Architect Clone, I'm curious about the significance of our Architecture course. What distinct benefits can we gain from studying it?"
Napataas ang kilay ko sa lakas loob na tanong ni Maxrill. Nakatayo siya habang may hawak na makapal na libro sa kamay. Wala pa ba siyang natutunan sa kursong 'to? Sabagay, ilang araw din siyang nawala at andami niyang na-missed na assignments. Bumabawi siguro ngayon. Mabigat na ang bag, e.
Inayos ko ang bag ko. Mas lalong lumapit sa kanilang pintuan upang marinig ang sagot ng kanilang Professor. Pogi nitong Archi na 'to, mukhang binata pa dahil sa tindig at mukha nito. Naka-eye glasses siya, polo na black at slacks na pang-ibaba. Mas matangkad nga lang si Maxrill sa kanya.
"Maxrill, the study of Architecture goes far beyond designing buildings. It's a multifaceted discipline that offers invaluable insights into many aspects of our lives." Seryoso nitong sabi. Mukhang hindi pa naman satisfied si Maxrill dahil sa kunot noo nito. Ginagawa nitong damuho na 'to. Ang laki naman ng problema niya.
"Can you elaborate on those insights, Architect Clone?"
Nagpakawala ng buntonghininga ang Architect. Napilitang mag-discuss ulit imbes na labasan na.
"Here are a few key areas where Architecture plays a pivotal role:
Problem-Solving, requires critical thinking and the ability to solve complex problems in creative ways. You'll learn how to analyze design issues, develop solutions, and present your ideas effectively.
Cultural Understanding, reflects the history, values, and traditions of cultures. By studying different architectural styles and periods, you'll gain a deeper appreciation for cultural diversity and the ways in which design shapes society.
Design Thinking, is a process of inquiry and experimentation. You'll develop a design thinking mindset that emphasizes empathy, user-centeredness, and the ability to iterate and refine your solutions.
Sustainability, has a significant impact on the environment. You'll learn about sustainable design principles and technologies that minimize our carbon footprint and promote human well-being.
Communication Skills, involves collaboration and communication with clients, contractors, and other professionals. You'll improve your written, verbal, and visual communication skills, enabling you to effectively convey your ideas and visions.
And lastly...
Leadership, often takes on leadership roles in project management and design teams. Through coursework and collaboration, you'll develop leadership qualities such as decision-making, negotiation, and team management."
Parang ako ang hinihingal sa mahabang paliwanag ni Architect Clone. Inayos niya ang kanyang eyeglasses at muling humarap kay Maxrill na tango lamang ang sinagot.
"Thank you, Architect Clone. I appreciate your insights. I'm excited to continue exploring the transformative power of Architecture." Ang mapagpanggap na Maxrill. Galing na mag english e. Nag I-english lang naman 'yan kapag seryoso o galit.
Tumango lamang ang Professor at maya-maya pa ay pinalabas na sila. Tumabi ako sa gilid para hindi mabangga. Nakita ko si Luigi kausap si Maxrill, nag-apiran ang dalawa. Samantalang sina James at Leo nag-uusap, kapwa may hawak na libro.
"Hiraya, hinahanap mo ba si Maxrill?" Napalingon ako sa isa sa mga kaklase ni Maxrill. Hindi ko kilala.
Marahan akong tumango. "Hinihintay ko siya."
"Ah, palabas na 'yon. Hintayin mo nalang. Support nga pala sainyo!" Tumawa ito kayat uminit na naman ang mukha ko. Loko 'to!
"Baliw na baliw sayo ang gagong 'yan! Himala't binigyan niya na ng pansin ngayon ang Archi. Hindi naman siya ganyan noon e,"
Ang daldal ng isang 'to. Tango lamang ang sinagot ko dahil wala naman akong masabi. Tsaka, alam ko namang matalino si Maxrill, tamad lang talaga siya.
"Sige, mag-iingat kayo!" Kumaway ako sa kanya bago muling tumingin sa loob ng classroom. Katatapos lang nilang mag-usap ni Luigi, kunot noo pa ang noo nito na para bang walang maintindihan.
"Kaya mo naman siguro 'yon, Luigi. Babayaran nalang kita." Rinig kong sabi nito habang humahakbang palabas. Hindi niya pa yata ako nakita. Suplado ng mukha e.
"Kaya ko naman, marami lang talaga akong gagawin."
"Alam kong kailangan mo ng pera, Luigi,"
"Oo, pero wala ka namang pera. Baka nakakalimutan mong grounded ka parin hanggang ngayon?"
Tumawa ng mahina si Luigi at akma na sana siyang pepektusan ni Maxrill nang mabaling sa akin ang kanyang tingin. "Si Hiraya oh! Kanina pa siguro 'to naghihintay sayo, sige alis na ako, Maxrill. Bukas nalang ulit!" Tumakbo palabas ng classroom si Luigi.
"Gago!" untag nito. Tinaasan ko siya ng kilay, nawala naman ang pagkakunot ng kanyang noo. Napalitan iyon ng nakakalokong ngisi.
"Oh, ano 'yon?" tukoy ko sa pinag-usapan nilang dalawa ni Luigi. Mukhang kailangan niya kasi.
"Tungkol lang sa blueprints. Halika na!" Kinuha niya ang kamay ko at nilaro na naman ang aking mga daliri.
°°°
"Ang lakas ng loob mong magtanong kanina, ah. May natutunan kana?" tanong ko habang tinatahak namin ang daan papuntang rancho nila. Mula rito ay natatanaw ko na si Ange, pinapakain ng kanilang trabahante.
"You heard that?" gulat na tanong niya. "Nakakahiya, baka isipin mong napaka-bobo ko na talaga."
Tumawa ako at ginulo ang kanyang buhok. "Gusto mo lang pahirapan si Architect Clone, e!" angil ko. Bakas naman kasi 'yon sa mukha niya kanina.
"Hindi ah. Halika na nga!"
Dating gawi na namin kami. Nilapag ko sa malaking puno ang mga gamit namin tsaka lumapit sa kanya upang mamili ng kabayong gagamitin ngayong araw. Napili ko si Ido, lalaking kabayo ni Maxrill. Medyo aggressive ang isang 'to pero keri parin. Hindi naman ako tanga pagdating sa kabayo, sanay na ako dahil sinanay at tinuruan ako ni Maxrill.
"Handa ka na ba?" Lumapit siya sa akin. Inayos ang kwelyo ko. Napatitig tuloy ako sa kanya, hapit na hapit sa kanya ang suot. Nagmumukha na siyang tao.
"Saan tayo pupunta?"
"Bisitahin muna natin ang maisan saka sa plantation tayo pagkatapos." Sagot niya. Tumango ako at inalayan niya akong sumampa sa kabayo.
"Sumunod ka sa akin, Hiraya. Humawak ka ng maayos–"
"Oh, come on, Maxrill. Alam ko ang ginagawa ko, baka ikaw kamo ang mag-ingat? Ciao!"
Hindi ko na siya hinintay sumagot. Mabilis kong sinabayan ang bawat apak ni Ido sa lupa. Iniwan si Maxrill na humahalakhak sa aking likuran. Loko talaga, alam niyang hindi ko siya matatalo kapag usapang kabayo na. Kaya hindi na ako nagulat nang unahan niya ako.
"Ang daya mo naman!"
"Mahina ka lang talaga!"
Umirap ako, mas lalong binilisan ang pagtakbo. Napaka-bilis ng loko, bawat talon ni Ange, sumasabay ang kanyang mahabang buntot at buhok sa harapan ni Maxrill. Ang gandang panoorin.
"Faster! Hiraya!" sigaw nito. Hindi ko siya sinunod dahil ina-appreciate ko ang magandang tanawing aking nadadaanan.
Bahala siya diyan. Malapit naman kami at paniguradong titigil 'yan maya-maya dahil nasa maisan na kami. May maliit na bahay sa dulo, doon yata siya pupunta. Bago pa man ako makaliko...nakita ko hindi kalayuan si Luigi, nakasakay sa kalabaw. Anong ginagawa niya dito?
"Luigi!" malakas na sigaw ko. Palingon-lingon naman siya, hinanap ang pinanggalingan ng boses.
"Luigi!" ulit ko at sa wakas nahuli niya na ang boses ko. Kumaway ako upang mas lalo niyang makita. May kasama siyang dalawang lalaki, nang makita ako ay kumaway din sila.
Unti-unti akong lumapit upang itanong sana kung anong ginagawa nila dito sa lupain ng mga Salvatore. "Hiraya, bayad na ako. Nu'ng isang linggo pa, wala ka." Sabi niya.
"Alam ko, Luigi. Nga pala, anong ginagawa niyo rito sa lupain ng mga Salvatore?"
Panandalian niyang nilandas ang tingin sa kabayong hawak ko. "Ikaw? Kayo? Anong ginagawa niyo ni Maxrill? Racing?"
"Hindi ah! Bumisita lang. So, ano?"
"Ah. May pinagawa lang si Mayor Salvatore sa akin. May mga delivery kasi at inatasan akong kumuha roon dahil para rin daw sa amin ang iba."
"Anong klaseng delivery 'yan?"
"Pagkain. Hindi ba kayo binigyan?"
Umiling ako. Baka wala o hindi pa dumating. "Baka hindi niyo schedule ngayon. Ngayon kasi ang kuhanan namin. Kamusta naman kayong dalawa ni Maxrill? Nakita namin kayo ni Mariana sa Mount Hinirang, muntik maghalikan,"
Nanlaki ang mata ko. "Anong muntik maghalikan! Baka kamo kayong dalawa ni Mariana! Pasimple ka rin, Luigi, ah. Isusumbong kita kay Mariana-"
"Hiraya, kanina pa kita hinihintay—Luigi, napadalaw ka?"
Nabaling ang tingin namin kay Maxrill. May hawak na dalawang supot at isang basket na naglalaman ng mga pagkain. Magpi-picnic siguro kami hihi.
"May pinakuha lang si Mayor, Maxrill. O siya, aalis na kami, Hiraya, Maxrill."
"Mag-iingat kayo!"
"Nasa warehouse si Papa, Luigi. Doon na kayo dumeretso."
Tumango si Luigi ganun din ang kanyang dalawang kasama na hindi man lang pinakilala sa akin. Char. So ayun balik na naman kay Maxrill ang atensyon ko.
"Tuwang-tuwa ka naman diyan. Crush mo parin 'yon?"
"Hindi ah!" mabilis na angil ko tsaka umupo sa damuhan pagkatapos itali si Ido katabi si Ange na ngayo'y dinadama ang sariwang hanging patuloy na humahaplos sa aming katawan.
Ang ganda dito.
"Di nga? Bakit ka nakangiti?" nakasimangot na ngayon si Maxrill. Ang oa talaga nitong damuho na 'to.
"Lumapit ka nga sa akin. Pipingutin ko lang ang ilong mo, nakakainis ka e!"
"Ayoko nga!" Tumawa ako. Gago talaga 'tong si Maxrill kahit kailan. Kahit naman na may namamagitan na sa aming dalawa ngayon, nandun parin ang friendship namin. Du'n kami nagsimula eh.
Binaba ko ang tinapay. Inabot ko sa kanya ang tubig na mabilis niya namang tinanggap dahil mabibilaukan na siya.
"Bakit ka nga pala grounded, Maxrill?" nakalimutan ko kasing itanong sa kanya 'to.
Pinunsan niya ang kanyang labi pagkatapos uminom. "Ewan ko sa matandang 'yon. Aasikasuhin ko naman ang harvest at poultry namin pagkatapos ng midterm exam. Gusto niya agad-agad."
"Nagalit si Mayor dahil du'n?"
"Hindi. May iba pang rason, pero huwag kang mag-alala, kaya ko namang ayusin 'yon. Nga pala, kailan finals ninyo? Yayain sana kita sa tournament namin," sabi niya sabay kuha ng kamay kong malapit sa kanyang tuhod. Sinakop niya ang spaces ng aking daliri gamit ang kanyang kamay, habang ang isang kamay naman ay nilalaro na naman ang aking mga daliri. Hilig niya talagang gawin 'yan, hinahayaan ko nalang. Baka mainis e.
"Hindi ko rin alam eh. Kailan ba tournament ninyo? Mukhang wala namang pasok sa araw na 'yan kasi need ng supporters ng MR."
"Are you one of my supporters?" tanong niya habang ang tingin nasa mga daliri ko. Kulang nalang talaga lamunin niya 'yon.
Natawa ako sa naisip.
"Syempre! Part kayo ng school eh!"
Nakita ko ang pagsimangot niya ngunit panandalian lamang iyon. Tumikhim ako tsaka inalis ang mga kamay mula sa kanyang pagkakahawak dahilan nang pagbaling niya sa akin. Nagrereklamo ang mga mata.
"Lumapit ka nga rito," saad ko. Dahan-dahan naman niyang sinunod.
"Ano?"
"Suplado mo." Irap ko at unti-unting inangat ang dalawang kamay upang hawakan ang kanyang pisnge. Sobrang lambot at kinis ng kanyang mukha, titig na titig pa ang dalawang pares na mga mata sa akin, mabuti nalang hindi ako naiilang ngayon. Nasanay na.
"Hahalikan mo 'ko, 'no. Pipikit na ba ako, Hiraya?"
Sumilay ang ngiti sa aking labi, hindi pinansin ang kanyang sinabi. Habang hawak ang kanyang mukha, sinuri ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. All perfect! Mula sa matangos na ilong, makapal na kilay, matataas na pilik-mata at dimple na lumilitaw kapag siya'y nagsasalita. Hindi ko aakalain na sayo parin pala ako babagsak, Maxrill. Hulog na hulog ang gaga.
"Ang ganda mo talaga..." Umiwas ako ng tingin, biglang nahismasan.
NILAAN namin ni Maxrill ang buong oras sa tawanan, kwentuhan at kainan. Hindi pinansin ang araw na papalubog at ang pag-ibig na patuloy na lumalaki at lumalayag.
Oo, mahal ko si Maxrill. Saksi ang araw, hangin, mga puno, kabundukan at palubog na araw sa pagmamahalan na ito. It may not be a perfect date, but this one is in my favorite place with Maxrill.
Hinarap ko siya kasabay ng pagtama ng aming mga ilong. Imbes na umiwas, tumawa lamang kaming dalawa at napatitig, dinama ang bawat isa't isa. Punong-puno ng emosyon ang mga puso, mga halakhak na walang katumbas na materyales at mga salitang may kabuluhan.
Sa pagkakataon na ito, all the complexities of the world melted away. We were two souls intertwined, existing solely for one another. The bustle of the city faded into a distant hum, at ang tanging mga tunog na pumupuno sa hangin ay ang malambot na mga bulong ng aming mga pusong tumitibok.
Nang magsimulang bumaba ang araw sa ilalim ng abot-tanaw, na naghagis ng mahahabang anino sa buong tanawin, marahang inabot ni Maxrill at hinawakan ang aking kamay. Pumulupot ang mga daliri ko sa kanya, mainit at bahagyang nanginginig. Sama-sama naming pinagmamasdan ang kalangitan na nagbagong-anyo sa isang makulay na tapiserya ng mga kulay, mula sa maapoy na pula at ginintuang mga dalandan hanggang sa malambot na mga lila at navy blues.
Maxrill leaned in close and whispered into my ear, "I love you, more than words can say."
My body quivered with emotion as I whispered back, "Mas mahal din kita, Maxrill."
Sa malawak na espasyong ito, na napapaligiran ng kagandahan ng kalikasan at ng walang hangganang kaibuturan, kaming dalawa ni Maxrill ay nawala sa sarili naming mundo. Ang araw at buwan, mga saksi sa aming walang hanggang buklod, ay nagbuhos ng kanilang malumanay na mga pagpapala habang kami ay nagsimula sa isang paglalakbay na magpakailanman ay nakaukit sa tapiserya ng aming mga puso.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top