Kabanata 20

Hiraya's POV

Nakatitig ako sa salamin ng aking kwarto, napapatanong kung tama ba 'tong desisyong ginawa ko. Hindi kasi ako pumasok ngayong araw, masakit ang ulo ko ganun din ang puso kong tila nasawi sa pag-ibig. Kakainis. Suot ko po ang pyjamas ko, walang balak na bumangon. Gusto ko muna manatili ngayon sa bahay, magpahinga. Kulang pa ang dalawang araw.

Nasa labas naman sina Mama at Papa. Nag-aalmusal. Kanina pa nila ako inaya pero wala talaga akong balak na lumabas kaya hinayaan nalang nila ako. Ni-lock ko rin ang pintuan baka biglang may sumulpot na babaero diyan mamaya. Hindi ako tumatanggap ng bisita ngayon, pagkain oo. Naiinis parin kasi ako kay Maxrill, kung sinuman ang babaeng 'yon wala akong pakialam. Medyo masakit lang naman, isa pa nanliligaw lang naman si Maxrill. Pero 'yung salitang 'ako lang' kasi saan na 'yon? Sana sinabi niya ring dalawa kami para aware naman ako. Hindi ako pa mismo ang makakaalam. Buwesit siya! Huwag na huwag talaga siyang magpapakita sa akin.

"Hiraya, may bisita ka sa labas," mahinang katok ni Mama sa pintuan ko. Kakasabi ko nga lang na hindi ako tumatanggap ng bisita ngayon e. Bakit ang kulit kulit ng mga taong 'to.

"Ma, sabihin mong bukas nalang. Hindi ako tumatanggap ng bisita ngayon."

"Hindi mo kakausapin si Maxrill? Bugbog sarado ang mukha nito ngayon. Nag-away ba kayo?"

Napalunok ako. Ano naman ngayon kung bugbog sarado nga ang mukha niya? Hindi ako mag-aalala. Ni hindi niya nga ako inalala, walang text, message sa messenger, so bakit ako mag-aalala? Bahala siyang manigas diyan sa labas.

"Pauwiin mo po, Mama."

Mahinang bumuntong hininga si Mama. Mukhang naintindihan niya naman ang nais ko kaya hinayaan niya na lamang ako at walang sabi-sabi umalis. Muli, binalik ko ang atensyon sa unan. Sinubsob ko roon ang mukha ko upang ibsan ang kirot at pait sa buong kalamnan ko. Masyado naman yata akong apektado sa sitwasyong 'to. You can't blame me. First time ko 'to, kay Maxrill pa nangyari.

Kung gusto niya nang tumigil, papayagan ko naman siya. Huwag niya lang akong ganituhin dahil nakakatanga at nakakasakit sa damdamin. Kung sinuman 'yang blondeng babae na 'yan na may gusto kay Maxrill. Alagaan niya sana ng mabuti. Wala na e, talo agad. Mayaman, maputi, may sariling mga guards at bigatin. Ano namang laban ko don? Kamao lang mayroon ako. Marunong ba manuntok 'yon? Mukha ngang 'di makabasag pinggan.

Muli na namang may kumatok. "Mama naman e. Sabi kong bukas nalang. Pauwiin mo na si Maxrill, hindi naman magmamatigas 'yan—"

"Hiraya, open this goddamn door."

Bumalikwas ako mula sa aking higaan at umupo sa kama kaharap ang naka-locked kong pintuan. Kahit nasa labas siya ay ramdam na ramdam ko ang tagos sa puso niyang boses. Mukhang siya pa ang galit? Ang kapal naman ng mukha niya.

"Umalis kana, Maxrill." Giit ko.

"Buksan mo muna ang pintuan, Hiraya. Mag-usap tayo, please..."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Wala naman tayong dapat pag-usapan, Maxrill. Para saan naman 'yan?"

"Alam kong pumunta ka ng mansyon kahapon. Nag-usap kayong dalawa ni Mang Emil, nalaman kong pinag-usapan niyo kaming dalawa ni Avenor."

Umirap ako ng todong-todo. Avenor pala pangalan ng blonde na 'yon. Wala man lang pagalinlangan niyang binanggit ang bagong babae sa harapan ko. Napaka-ano mo talaga, Maxrill. Kung nasa labas lang ako, baka kanina pa kita hinampas.

Hindi ako sumagot sa halip ay sinandal ko ang likod sa huling hamba ng kama. Pinagmamasdan ang mga sketches na nakadikit sa dingding ng aking kwarto. Pilit pinapakalma ang pusong walang tigil sa pagtibok.

"Hiraya, please...magpapaliwanag ako. Buksan mo muna 'to, I want to see you,"

Binalik ko ulit ang tingin sa pintuan. "You can explain there, Maxrill." Matigas na sagot ko.

"Maririnig nina Tita at Tito ang mga sasabihin ko, Hiraya. Please, buksan mo na, ipapaliwanag ko ang lahat..."

Tangina. Iritado akong bumaba ng kama, nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba ang pintuan o hahayaan nalang siyang manigas sa labas. Argh! Baka marinig nina Mama at Papa at gawin na naman akong katawa-tawa ni Mama. Hilig pa naman no'ng mang-asar sa akin. Akala niya shota ko si Maxrill. Nanliligaw pa nga 'to, hindi pa alam nina Mama. Kahit naman hindi ko sabihin malalaman din naman nila dahil halata masyado si Maxrill.

Nagpakawala ako ng hininga. Pinihit ang doorknob at binuksan. Sinalubong ako ng mga pasa sa mukha ni Maxrill. Namumula rin ang kanyang ilong at mga mata.

Tumaas ng bahagya ang kilay ko. Anong nangyari sa lalaking 'to? Bakit puro pasa na naman ang mukha niya? Ganun parin ang suot niya, hindi yata naligo. Mabuti nalang wala akong naamoy na maasi—

"Hiraya!"

"Maxrill!" sigaw ko nang bigla na lamang ako nitong yakapin. Sobrang higpit ng yakap niya, tila ayaw akong pakawalan.

"Ano ba, Maxrill! Lumayo ka nga sa akin! Hindi ka pa naliligo!" inis na sambit ko.

Lumayo naman siya kaagad. Tumayo siya sa harapan ko habang pinupunasan ang namumulang mga mata. Umiyak ba siya? O baka naman nagpapa-awa lang. Hindi niya ako madadala sa paganyan niya.

"Ano? Tatayo nalang ba tayo diyan?" mataray na basag ko sa katahimikan. Mas lalo akong napikon sa mukha nitong sinakop ng mga pasa. Buwesit! Nakakasira ng araw.

"What do you want, Maxrill?" I spat, my voice raw and tight. Seryosong usapan na kasi ito. Kailangan ko talaga ng buong explanation. Hindi naman ako manghuhula.

"She's just my cousin, Hiraya—"

Pinsan pala 'yon? Bakit ganun umasta 'yon. Para bang nananadya. Saka sinabi ni Mang Emil na may gusto iyon sa'yo, huwag ako.

"Oh, talaga?" I scoffed, my voice laced with sarcasm. "So it was just your 'cousin'? I guess I should have known you wouldn't stoop so low as to have a new girl."

Maxrill took a deep breath, his eyes searching mine. Hindi naman ako nagpatinag. "Hiraya, you know that's not true. You know I only have eyes for you. I was just trying to be polite to my cousin, she's new in town and I wanted to make her feel welcome. But seeing you like this, all because of a misunderstanding, it breaks my heart..." Nagbabadya na naman ang luha sa kanyang mga mata. Nakakainis. Sarap niyang itulak. Nagpapaawa kasi!

"Hindi kilala ni Mang Emil si Avenor, Hiraya. Akala niya babae ko, iyon. Sorry, Hiraya, ikaw lang talaga ang babaeng gusto ko. Pinanghawakan ko 'yong salitang ikaw lang at sa'yo lang kakalampag..."

Tangina niya, bakit niya pa inulit. Sarap niyang kutusan. Umiwas ako ng tingin, nag-iisip kung anong gagawin ko sa Maxrill na 'to. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Pero bakit ganun umakto ang Avenor na 'yon?

"Kilala ba ako ng pinsan mo na 'yan?"

Pinunsan niya ang kanyang luha. Sumidhok pa ng mahina parang baboy. Gusto ko na talagang matawa pero pinipigilan ko. Seryosong usapan 'to, nasaktan ako kaya kailangan ko lahat, ang katotohanan.

"Oo, ni-kwento kita sa kanya. Marami na siyang alam sa'yo, mula ulo hanggang paa,"

Pumikit ako ng mariin. Isa lang ang ibig sabihin nito...nakita niya ako sa labas ng mansyon. Lakas din ng topak ng babaeng 'yon ah. Masaya siguro iyon ngayon.

"And she saw you yesterday. Are you okay? Hindi ka ba nasugatan?" Akmang lalapit na sana siya nang pigilan ko gamit ang dalawang palad.

"Ayos lang ako, Maxrill. Ikaw, napano na naman 'yang mukha mo? Gusto mo bang patayin nalang talaga kita nang tuluyan, ah?"

Unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi. "Pinapatawad mo na ako?"

"Sinong may sabi?"

"Patawarin mo na ako, Hiraya. Kasalanan naman ni Mang Emil—" Binatukan ko siya.

"Gago. Huwag mong dinadamay-damay si Mang Emil. Tumakas ka na naman ba sainyo?" sa pagkakaalam ko kasi ay grounded siya. Papagalitan na naman siya kapag nalamang nandito siya.

"Hindi ah. Nagpaalam ako."

"Weh? Mukhang 'yan?" Taas kilay kong tanong.

"Oo nga! Ano, pinapatawad mo na ako?"

"Libre muna."

Tumango siya. "Dadalhin kita sa Mount Hinirang. Let's date."

***
TINUPAD ni Maxrill ang salita niya. Nasa tuktok na kami ngayon ng Mount Hinirang. Hindi naman mahirap akyatin ang kabundukang ito dahil may sarili itong hagdanan na nagsisilbing gabay sa mga dayuhan upang mapadali ang kanilang pag-akyat. Libre lang din dito, ang pagkain lang ang hindi.

Mula sa kinaroroonan namin, tanaw na tanaw ko ang buong Santiago. Mas maliit ang bayan ng Mariano kumpara sa bayan ng Santiago na sinakop talaga ang buong lupain. Kitang-kita din dito ang nagagandahang mga tourist attractions.  Beach resort na pagmamay ari ng Scarleus, Garden na pagmamay ari ng mga Monforte at malalaking lupain ng mga mayayaman, plantation at iba pa.

"Ayos na ba sa'yo 'to?" tanong niya habang nakataas ang kamay. Kitang-kita ang malaking karatulang 'Mount Hinirang' sa kanyang likuran. Maraming nagpapa-picture doon. Mag-shota, pamilya at kaibigan.

Umiwas ako ng tingin kay Maxrill. Nakakailang tingnan ang mga band-aids niya sa mukha. Para kong binugbog.

"Hindi mo gusto?"

"Nagustuhan ko, Maxrill. Salamat. Nga pala, dala mo ba ang phone mo? Kukuhanan kita ng litrato,"

Nilagay ko sa bulsa ang cherry mobile kong phone saka tumingin pabalik sa kanya. Nagtitipa siya sa kanyang phone ngayon, kunot ang noo. Mukhang hindi yata nagustuhan ang natanggap na mensahe.

Binalik ko nalang muli ang tingin sa magandang tanawin ngunit, napatigil ako nang mahagip ko sa ilalim sina Mariana at Luigi. Tumatawa habang paakyat.

"Maxrill! Sina Mariana at Luigi, oh!" Turo ko sa dalawang naghaharutan. Ang harot nitong si Mariana, sundot nang sundot kay Luigi. E kung mahulog kayong dalawa riyan? Sakit sa mata ng dalawang 'to.

"Maxrill, naririnig mo ba—"

*Click*

"Hoy! Sinabi ko bang kuhanan mo ako, ah!" angil ko nang madatnan ko siyang kinuhanan ako ng picture. Tumawa lang siya at pinakita sa akin ang kuha niya. Ganda ko!

"I-myday mo 'yan ah,"

Kumunot ang kanyang noo. "Myday?"

Napahampas ako sa aking noo. "Hindi mo ba alam 'yon? Makikita mo sa facebook iyon, Maxrill. Pindutin mo lang ang story, makikita mo doon." Paliwanag ko.

"Gagawin ko mamaya, gusto mo eh."

"So, ano? Lumapit ka rito."

"Ano na naman 'tong pakulo mo?"

"Arte mo. Magpi-picture tayo." 

Napanguso ako. Para akong tutang sunod nang sunod sa kanya. We took pictures. Kahit saan-saang parte ng Mt. Hinirang kinuhanan namin. Nilibot namin ang buong lugar at paminsa'y kumakain. Tuwang-tuwa pa nga siyang nahihirapan ako. Abat! Pumasok kami sa maliit na kuweba at doon niya ako inasar nang todong-todo. Tinakot, tinulak-tulak at iniwan. Sinong hindi matatakot at mapapagod, aber?

Nang makalabas ay tila du'n na ako nakahinga ng maluwag. "Masaya ba?"

"Ikaw. Masaya ba?" irap na tanong ko sa kanya. Dalawa na kaming naliligo ngayon sa sariling pawis dahil sa kakatakbo. Tuwang-tuwa talaga ang loko.

"This view is breathtaking. I'm so glad we decided to come here." Tingin nasa akin.

Napaiwas naman ako. Hinahabol parin ang hininga. Mabuti nalang malakas ang hangin dito, mabilis lang matuyo ang pawis na namumuo sa aming katawan. Wala kasi kaming dalang pamunas o anuman. Dala lang namin sarili namin.

"I know, right? It's like being on top of the world." Komento ko. Napapansing mas dumami ang mga tao.

"And it's the perfect place to talk, just the two of us."

Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin. He just smiled at me habang ako naman ay nakatitig lamang sa kanyang mga mata. "Sabagay. I'm curious, why did you want to go on this date with me?"

Hindi agad ako nakapalag sa kanya kanina nang sabihin niyang date ito dahil hinila niya kaagad ako pagkatapos magpaalam kina Mama at Papa. Dala niya na naman ang Wrangler ni Avenor. 'Yong pinsan niya kuno.

"Well, I've been wanting to get to know you better. Matagal na rin tayong magkaibigan and I wanted to see if there was a spark between us."

Tumango ako. "I'm glad you did. I'm enjoying your company as well." Sagot ko.

"So, kailan mo ako sasagutin?"

Napalunok ako. Iniwas ang tingin at binalik sa magandang tanawin ang atensyon. Hinahanap roon ang sagot sa kanyang tanong. Kailan nga ba? Hindi pa nga umabot ng ilang buwan ang panliligaw niya, sagot agad? Kakaloka.

Nang magsimulang bumaba ang araw, na nagliliwanag sa tanawin, ipinakita ng Mount Hinirang ang nakamamanghang kagandahan nito. Ang mga layer ng luntiang halaman ay dumaloy sa mga dalisdis nito, na walang putol na sumanib sa cerulean na kalangitan. namangha ako sa malawak na tanawin, binuhay nito ang aking kaluluwa, katahimikan na inilalabas nito.

"It's beautiful, isn't it?" I murmured, my gaze fixed on the majestic peak of Mount Hinirang. Sinawalang bahala ang kanyang katanungan na hanggang ngayon ay hinahanap ko parin ang sagot.

Maxrill was standing beside me, chuckled softly. "You've been staring at it for the last ten minutes, Hiraya. You're practically part of the scenery yourself."

I opened my eyes and looked at him, my gaze lingering on his face. "It's just… peaceful. Calming." Sagot ko at ibabalik na sana ang tingin sa kuweba ngunit napatigil ako nang maramdaman ang kanyang kamay sa beywang ko, hinahaplos, na tila minamarkahan ang kanyang pag-aari na naging dahilan nang pagsitayuan ng mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung dahil ba sa hangin bakit tumataas ang balahibo ko sa katawan o dahil sa haplos ni Maxrill na nakakaloka.

"Maxrill...what are you doing?"

"Are you ready to fall in love?"

"What?"

"Handa ka na bang magmahal, Hiraya?"

Matagal na akong handa. Natatakot lamang ako sa mga desisyong magiging dulot sakit sa puso ko.

Tiningala ko si siya, his eyes twinkling with a mixture of anticipation and longing.

"Maxrill..." bulong ko, nanginginig pa ang boses. "Alam mo na ang sagot sa tanong na 'yan." Nanatili parin sa kanyang tabi. Dinadama ang bawat dampi ng kanyang daliri sa katawan ko.

"It's okay, Hiraya," he said. "Love is a journey, not a destination. Are you willing to take that journey with me?"

I looked into his eyes and saw a reflection of my own deepest longings. In that instant, I knew that I was ready—ready to risk my heart, to embrace the unknown, and to fall head over heels in love.

"Yes," bulong ko, my voice barely audible above the rustling of the leaves.

"I'm ready."

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top