Kabanata 19

Hiraya's POV

Nakatayo sa maraming tao, pilit na ngiti ang iginawad dala ng kaba. Nabaling ang tingin ko kay Aljun na kanina pa nanginginig. Kinakabahan. Katabi nito ang kanyang model na si Anya. Nasa harapan ko naman si Annalie, malawak ang ngiti sa mga tao. Ibinandara talaga ang kagandahan. Well, she deserved the crowd. Bagay na bagay sa kanya ang damit na ginawa ko. I can't wait to take photos of her. Ipo-post ko sa Instagram. Sa kaliwa ko naman si Solace, katabi si Xander. Nu'ng una nagulat ako at hindi makapaniwala. Paano ba naman kasi...ginawa niyang model ang supladong Xander na 'yon. Paano niya kaya napilit 'yan. Mukha naman hindi siya mahilig sa mga ganito.

Bagay na bagay din sa kanya ang damit na ginawa ni Solace. Para siyang totoong cowboy sa kanyang suot. Nu'ng lumabas nga 'yan kanina mula sa backstage, sobrang lakas ng hiyawan. Daming nagsigawan na mga bakla at babae sa kanya. Walang kangiti-ngiti ang kanyang mukha. Seryoso itong naglalakad. Pati Judges nakuha niya. Kinilig ang mga bakla. Lakas talaga kahit suplado.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" napairap kaagad ako nang magtama ang aming mga mata.

"Kay Solace ako nakatingin. Huwag kang assuming."

"Ah talaga? Kanina pa kita napapansin, Hiraya. May crush ka ba sa akin?"

Pumikit ako ng mariin. Bumaling panandalian ang tingin ni Annalie sa aming dalawa. Kumawala ang malaking ngisi sa kanyang labi.

"Nag-aaway na naman ang mag-jowa,"

"Ew!"

"Asa!"

Tumawa ito at muling bumalik sa mga tao. Tinaasan ko naman ng kilay si Xander. Inirapan niya ako tsaka bumaling sa mga tao. Yabang talaga, hindi naman gwa—oo gwapo siya pero mas lamang si Maxrill. Kulang lang ng fashion sense ang lalaking 'yon.

Binalik ko na rin ang atensyon sa mga tao subalit, napunta sa nakatayong katawan ni Maxrill ang mata ko.

Wait...what? Maxrill's here?

Nakatayo siya sa likuran. May kasama siyang tatlong lalaki at isang babae. Nakilala ko ang tatlo, sina Luigi, James at Leovard iyon. 'Yong katabi naman nilang babae ay hindi ko kilala. Medyo may katangkaran ito, kulot ang buhok, maputi at tila mukhang maarte. Kausap niya si Luigi na laging tumatango. Habang sina Leo at James naman ay seryosong nag-uusap. Si Maxrill...titig na titig sa akin. Gosh! Naalala ko ang confession niya kahapon. Naramdaman ko na naman ang ang init sa buong mukha at pintig ng aking puso. Kakainis! Akala ko hindi siya makakapunta ngayon dahil may practice sila. Anong pumasok sa kokote ng Maxrill na 'to. Gusto yatang ipaalam sa lahat na nililigawan niya ako. Oh my gosh nalang talaga, first time ko at hindi ako sanay!

Umiwas ako ng tingin. Mariin na hinawakan ang mga daliri. Bakit ang tagal naman ng announcement of winners. Gusto ko nang bumaba.

"Let's all congratulate the winner of this show...Solace Montemayor!"

"Oh my gosh! Xander, we won!"

Isang malakas na palakpakan ang yumanig sa buong Mariano. A surge of joy washed over me. Solace's design, a breathtaking inspired cow's suit was a testament to her exceptional talent and meticulous attention to detail.

Habang magiliw na tinanggap ni Solace ang kanyang parangal, hindi ko maiwasang makaramdam ng labis na pagmamalaki. Hindi lamang siya isang natatanging taga-disenyo, ngunit siya rin ay isa sa mga mahal kong kaibigan, isang taong nakasama ko sa hindi mabilang na oras ng pagtawa, suporta, at malikhaing brainstorming. Pareho kaming designer; sa sandaling nagtagpo ang aming mga panulat at papel.

Maliit na ngiti at tango ang ginawa ni Xander. Napairap ako ng wala sa oras dahil sa kanyang reaksyon. Napaka-nonchalant talaga ng lalaking 'to.  Samantalang si Solace, tuwang-tuwa. Tinanggap niya ang certificate sa emcee, nagbigay rin ng kaonting speech at bumalik sa puwesto.

Ngumiti ako sa kanya. "Solace, congratulations!" bati ko sa kanya, voice filled with heartfelt admiration. "Your design was truly magnificent." Totoong-totoo. I-kokongrats ko din sana si Xander pero nagbago ang isip ko. Ang suplado ng tingin niya. Nagmamayabang na naman.

Solace beamed, her eyes twinkling with happiness. "Thank you, Hiraya. I'm so glad you appreciate it." Tumawa ako ng mahina. Panandaliang yakapan muna bago bumalik sa sariling mga posisyon. May dalawang I-announced pa ang emcee. Kung anuman ang makuha ko o wala talaga ay lugod kong tatanggapin 'yon. Sabi ko nga, for experience lang 'to. Tunay naman talagang maganda ang design ni Solace, detelyadong-detelyado ang kanyang ginawang suit kay Xander. Halatang mamahalin din ang telang ginamit niya roon. Samantalang ang akin naman ay lumang mga fabrics, mura pa. Pero pinili ko ang pinaka-best. Na hindi talaga kakati ang katawan ni Annalie kapag sinuot niya ang dress. Cheap nga ang price; maganda naman.

"Ano, kabahan kana, Hiraya,"

"Tumahimik ka, Xander. Kanina pa ako nanggigigil sa'yo, ah."

"Ano kayang makukuha mong posisyon? O mayroon nga ba?"

Hindi ko siya pinansin. Alam kong inaasar niya lang ako para ibsan ang kabang naramdaman. Pero, umaapaw talaga ang kaba sa dibdib ko. Mas lalong humiyaw ang mga tao sa puntong ito. Nasa amin na rin ang atensyon ng tatlong kasama ni Maxrill. Naka-crossed arms siya, nakasandal ang likod sa hindi gaanong kalakihang poste sa kanyang tabi habang ang malalim na mga mata ay nakatitig sa akin. Tangina ang pogi!

Tumikhim ako. Binaling ang tingin kay Annalie. "Ayos ka lang ba?" pansin ko rito. Nawala na ang kulay sa kanyang mukha, para siyang matatae.

"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalala na ako. Putlang-putla na siya ngayon. Kanina lang laki ng ngiti niya, ngayon parang natameme.

"Ah... I'm okay! Medyo kinakabahan lang."

Binalik ko ang tingin sa tatlong kasama ni Maxrill. Napasinghap nang makitang titig na titig sa kanya si Leovard. Sumilay ang nanunuyang ngisi sa aking labi. "Si Leovard ba ang dahilan?"

"No. It's not him. 'Yong katabi niya, si Lugi."

Napaawang ang bibig ko kasabay nito ang malakas na hiyawan ng mga tao. Nanigas si Annalie sa kanyang kinatatayuan. Umayos rin ng tayo si Maxrill habang ang tatlo ay nagpalakpakan.

What's going on?

"Hiraya!"

"Congratulations, Hiraya Cristiana Corazon, our second winner!"

"Ano daw?" gulat kong tanong kay Annalie. Umirap siya at tumawa. Hinila niya ako papuntang harapan, sinalubong ang baklang emcee.

"Hello, Miss Hiraya. Congratulations!" Nilahad niya sa akin ang certificate na may pangalan ko. Second place iyon na may twenty-thousand. Oh my gosh! Naiiyak ako, tangina. Ugh. Sandali lang.

"Can I speak instead po? Mukhang gulat na gulat parin kasi si Hiraya. She put too much effort on making this dress that's why I'm so proud. Is that okay, Hiraya?"

Dahan-dahang akong tumango. Hindi pa gaanong sanay sa malakas na bagsakan ng palakpak at maraming tao. Ibang-iba 'to sa pwesto ko kanina. Malayo ng kaonti sa mga tao.

Pumikit ako ng mariin. Mahigpit na hinawakan ang award na nakuha ko ngayong gabi. Nagpasalamat ako sa emcee kasabay nito ang pagbigay niya ng microphone kay Annalie. She want this, gusto niyang kunin ang atensyon ni Leovard.

Nasangkot na naman ang gaga sa bangayan ng dalawang 'to.

"First of all, I would to thank everyone for coming here. I hope you enjoy the show..."

Ngumiti siya sa akin. "This dress have given me a voice, a confidence that I never thought possible," she said.

"But it is not just about the clothes," Annalie emphasized. "It is about the importance of the design itself. It has the ability to inspire, to connect, and to transform. It can evoke emotions, bridge cultures, and preserve our heritage."

She turned her gaze towards me, who stood at the edge of the stage. Her eyes filled with pride and joy. "Thank you, Hiraya, for believing in me. For entrusting me with your design. And for giving me this opportunity to experience the magic of a fashion show."

Namayani ang katahimikan. Titig na titig ang lahat sa aming dalawa ang mga tao.

Annalie's voice trembled slightly as she concluded her speech. "Even though this may not be a grand spectacle, it is a moment of profound significance for me."

Nagpalakpakan ang mga judges. Nagpalitan ng mga batian at ngitian. Binati ko ang mga kaklase na hindi nakakuha ng posisyon sa show na 'to. Maganda ang kanilang mga damit na ginawa, kitang-kita ang efforts na nilaan nila sa bawat hibla ng damit.

Binati ko rin sina Solace at Hope na nakakuha ng first place at third place. Tumalon-talon pa si Hope habang hawak ang kamay ni Solace.

"Congrats sa atin!"

"Yeah and—"

Gamit ang daliri ni Hope, pinatigil niya si Solace. "Shh, ayokong ma-nosebleed ngayong araw, Solace. Pero ang pretty mo. Let's celebrate!"

"Uhm...oo nga naman. Let's celebrate—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may naramdaman akong matikas na braso sa aking balikat.

Nabaling roon ang atensyon nina Hope at Solace.

Panandaliang katahimikan ang namayani sa aming tatlo. Pamilyar na amoy ang pumasok sa aking ilong.

Maxrill...

"We should celebrate, Hiraya. I'm so proud of you." Tumibok ng malakas ang aking puso. Tangina, nanliligaw palang 'to ah pero ang lakas ng loob.

"Yeah, we should." Ngumiti ako sa kanya. He smiled back kasabay ang paglitaw ng kanyang malalim na dimple sa pisnge. Pogi talaga.

WE DID CELEBRATE nga. Nakasakay kaming lahat sa wrangler ni Maxrill. Nasa front seat ako habang ang mga kaibigan niya naman ay nasa likuran. Kilala ko na ang babaeng kasama at katabi ni Luigi. Mariana yata name n'on. Mukhang mahiyain. Kasama rin namin sina Annalie at Solace. Hindi sumama si Xander dahil may trabaho raw siya sa Florencia. Kamusta na kaya si Makheus? Mukhang may sakit ang lokong 'yon.

"Uy, congrats nga pala sainyong tatlo, ah! Ang gaganda ng mga designs niyo!" bati ni James. Katabi si Leovard na tahimik na nagtitipa sa kanyang selpon. Paminsan ay napapansin kong nagnanakaw ng tingin kay Annalie. Pakipot din, e. Pero naaawa ako kay Solace, may crush siya kay Leo e.

"Thank you!" sabay naming sagot na ikinatawa ng lahat.

Nang makarating sa engrandeng restaurant dito sa bayan ng Mariano, hindi ko maiwasang hindi mapanganga sa laki at mahal ng mga pagkain. Ako lang yata ang mahirap dito e. 'Tong mga kasama ko ang yayaman.

"Ang mahal naman," bulong ni James. Nakatingala din sa presyo ng mga pagkain.

"Sigurado ba sila na rito tayo kakain?" Nabaling sa kanya ang aking tingin. Napalunok ako. Hindi rin sigurado.

"Mayaman naman ang mga 'yan. Libre nila."

"Anong gusto mo?" Sulpot ni Maxrill.

Hawak niya ngayon ang menu, nakatuon ang atensyon doon. Panay lunok naman ako dahil sa mamahaling mga pagkain. Limang libo lang yata nakita kong medyo kasya sa bulsa. The rest ay tigsa-sampung libo na. Gosh!

"Mukha mo, Hiraya. Don't worry, ako ang magbabayad. Anong gusto mo?"

"Yown! Huwag na kayo maglabas ng pera. Kaya na ni Maxrill bayaran lahat!"

"Gago!"

Tumawa sina Annalie, Mariana at Solace sa pilyong sinabi ni James. Isa rin 'yan, walang pambili. Ang mamahal naman kasi ng mga pagkain dito. Expected since restaurant naman 'to.

"Gala kaya tayo bukas? Sa Mount Hinirang. Wala namang pasok tsaka minsan lang 'to, 'no. Hindi ba, Solace?"

Nabaling ang tingin ko kay Solace. Taas noo nitong inirapan si James kayat natawa ako. Sina Leo at Maxrill nasa counter, binigay ang aming mga orders.

Habang nag-uusap sa harapan ng dalawang babae. Panay naman ang pa-cute ng mga ito kina Maxrill. Tsk, napairap ako ng palihim tsaka binaling kina Mariana ang tingin. Nag-uusap silang dalawa ni Annalie ngayon. About yata sa kurso nila. Wala akong maintindihan e.

"Huwag mong inaaway 'yan, James. English speaking 'yan," saad ko.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni James.

"What's your ideal type, babygirl?"

Napatampal na lamang ako sa aking noo saka binalingan sina Maxrill na papunta na sa aming pwesto. Nakasunod sa kanila ang dalawang lalaki dala ang aming mga ni-order.

"Taray! Salamat sa libre!"

"You can pay here." Napatingin kaming lahat kay Leovard. Pinakita niya sa amin ang QR code ng kanyang gcash. Nawala ang masayang ngisi ni James. Kumunot naman ang noo nina Mariana, Annalie at Solace habang ako ay napalunok.

"Tig sa-sampung libo kayo."

"Are you serious?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Umupo ito sa tabi ni Annalie. "Allowance ko 'yon, walang libre libre sa buhay college. Bayad na sina Maxrill at Hiraya. Kayo nalang."

Maarteng nilabas ni Annalie at Mariana ang kanilang selpon. Taray ng dalawang 'to. Si Solace parang natameme, ang laki kasi ng sampung libo.

"Kasama ko si Luigi. Dalawampung libo ang ibabayad ko." Grabe naman.

"Libre niyo naman ako oh! Five hundred lang meron ako, hindi man lang nakakalahati!"

"Ililibre ka sana ni Solace kung hindi mo inaway kanina. 'Yan kasi e," kantyaw ni Luigi kay James.

"Hindi ah! Maganda kaya si Solace, hindi ba? Agree ba ang lahat? Ililibre na ako niyan, yieee!"

"Argh! You're so annoying. Fine, I'll pay."

PAGKATAPOS ng selebrasyon, hinatid ako ni Maxrill sa amin. Alas otso na nang nakarating sa bahay. Hinatid niya pa kasi ang mga kaibigan.

Masasabi kong masaya at payapa ang araw na ito. Hindi dahil nakakuha ako ng second place sa show kundi kasama ko ang mga bagong kaibigan. Including Maxrill na walang ibang inatupag kundi pagsilbihan ako.

Sumilay ang ngisi sa aking labi.

"Salamat nga pala sa libre, Maxrill," ito na naman ang moment na napaka-awkward.

"Humarap ka sa akin, Hiraya. Nahihiya pa e,"

"Uy hindi ah! Ang awkward naman kasi!" angil ko.

Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay. Inabot ang aking kamay, binigay ang bag kong kanina niya pa hawak. "Don't be. Seryoso ako, Hiraya."

Napalunok ako. "Ahh, hindi ka pa ba uuwi?"

Binalingan ko ang daan. Patay-sindi parin ang mga poste sa daan. Kailan kaya ipapaayos ni Mayor ang mga 'yon?

"Can I stay here? Ayoko pang umuwi." Napapadalas na yata ang english ni Maxrill ngayon ah. Inspired ba kay Solace?

"Bawal. Maliit ang kwarto ko, Maxrill. Isang ta—"

Napahinto ako dahil sa kanyang maamong mukha. Nagpapaawa. "Hindi mo ako madala sa paganyan-ganyan mo, Maxr—Buwesit!"

Padabog kong binuksan ang pintuan. Wala na, surrendered agad.

"Yes!"

Binuksan ko ang ilaw namin. Wala na naman sina Mama at Papa. Hindi na naman umuwi.

Bumuntong hininga ako. Tinungo ko ang kwarto at pagod na tinapon ang bag sa gilid. Hinawi ko ang tali sa aking buhok tsaka dumapa sa aking kama. Gusto nang matulog.

"Nice room."

Napabangon ako. "Maxrill!"

"What? Maganda naman talaga ang kwarto mo. Gawa mo ba 'to?"

Imbes na suwayin ay hinayaan ko na lamang. Ang kalat kalat naman kasi ng buong kwarto ko. Nakakahiya sa kanya. At isa pa, bakit siya sumama sa loob? Akala ko sa sofa siya matutulog. Gusto pa yatang tumabi sa akin. No way!

"Oo, hindi ko tinapos. Walang inspiration e." Tamad kong sagot. Unti-unting pinikit ang mga mata. Pero bago iyon... naramdaman ko ang kamay ni Maxrill sa aking mga paa. Inalis ang suot kong sapatos. Mas lalo akong pumikit ng mariin. Ito na naman ang nakakainis na pakiramdam.

"Matutulog kana?"

"Uhm."

"Wala ka bang unan at kumot? Malamig sa labas. Gusto mo bang manigas ako r—"

Minulat ko ang dalawang mata, sinalubong ang kanyang mga titig. Halatang pagod rin. "You can use this. Hindi ko naman gagamitin," tinuro ko ang bedsheet na pink sa aking tabi.

Tumango siya at kinuha iyon sa aking tabi. "Unan?"

"You can have those." Turo ko sa dalawang pink na spare pillows sa gilid.

Napansin kong lagi itong nakangiti. Mukha bang may nakakatawa?

Umayos ako ng upo. Tiningnan siya. Hawak niya sa kaliwang kamay ang pink na bedsheet habang sa kanan naman ang dalawang unan na pink. Ang cute niya!

"Sandali. Kukuhanan muna kita ng picture,"

"What for?"

"Ang cute mong tingnan diyan kaya huwag kanang umangal." Sagot ko. Kinuha ang phone sa loob ng bag at ni-open ang insta.

"Just stand there. Don't move, Maxrill,"

"Hindi ako magaling mag-pose, Hiraya,"

"Pero sa babae? Magaling ka?"

"Oh come on,"

"Sige na nga!" sambit ko.

Unti-unting lumabas ang kanyang dimple sa pisnge. The moment I pressed the capture button, iyon din ang paglabas ng kanyang matamis na ngiti. He smiled. Bago pa man ako umapila, mabilis siyang lumisan sa loob ng aking kwarto.

"Nakita ko 'yon. Pa-simple ka pa, ah, Pasalamat ka't pogi ka!"

"Edi salamat!"

Tumawa ako at tuwang-tuwang bumalik sa pagkakahiga. Binuksan ko ang Instagram at panandalian ni-edit ang kanyang pictures saka nilagay sa story.

"Pogi talaga."

Akmang isasara na sana ang selpon nang may napansin akong 1 message sa aking messenger.

"Have a nice sleep, beautiful."

Padarang kong binaba ang selpon. Impit na kinilig habang hawak ang unan sa aking mukha. "Tangina mo, Maxrill."

***

KINAUMAGAHAN, hindi ko nadatnan sa sofa si Maxrill. Bakas lamang ng kanyang katawan ang huli kong nakita sa sofa namin.

Suot ang aking bagong biling dress, napagpasyahan kong pumunta ngayon kina Maxrill. Mangangamusta kay Mayor Salvatore patungkol sa lupa namin. Nagtataka na kasi ako sa galaw nina Mama at Papa. Madalang nalang din umuwi ng bahay.

Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

"Saan ka galing kagabi? Bakit hawak mo ang card ni Dante?" rinig kong tanong ni Mayor mula sa loob ng mansyon. 

Mahigpit kong hinawakan ang aking sling bag. Nakita ko si Manang hindi kalayuan sa akin, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Hiraya, anong ginagawa mo rito?"

"Kakausapin ko sana si Mayor Salvatore, Mang Emil. Busy ba siya?"

"Nasa loob siya at pinapagalitan si Maxrill. Umuwi ka muna, Hiraya. Hindi ito ang tamang oras para bisitahin ang Mayor."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Tumakas kasi ng mansyon si Maxrill kagabi, dala pa nito ang card ni Dante,"

"Hindi naman siya pinagbabawalan, ah?" giit ko pa. Nagtataka. Bakit naman siya tatakas? Malaya naman siya sa lahat.

"Galit sa kanya si Mayor Salvatore, Hiraya. Hindi ko alam kung anong dahilan ng alitan nila pero sigurado akong matindi iyon. Kinuha lahat sa kanya. Pera, motor at wrangler na hiniram niya kay Ave."

Umawang ang bibig ko. Hindi kaagad nakasagot sa kanyang sinabi.

"Umuwi ka muna. Icha-chat ko nalang sa gc natin kapag okay na. Sa ngayon, umuwi ka muna. Ayokong mawalan ng trabaho, Hiraya. Alam mo namang hindi kami maya—"

"Naiintindihan ko, Mang Emil. Salamat." Mabilis akong tumalikod nang makitang lumabas ng mansyon si Maxrill. May pasa na naman ang kanyang mukha. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mag-alala sa kanya.

Nagdadalawang isip. Papasok ba o uuwi nalang?

"Hiraya... magkaibigan lang naman kayo ni Maxrill, hindi ba?"

"Bakit po, Mang Emil?"

"Nakita ko siya kaninang umaga, may kasamang babae. Blonde ang buhok, mukhang amerikana. Rinig ko mula sa mga katulong na may gusto daw iyon kay Maxrill. Mayaman at bigatin ang pamilya."

Napatigil ako. Nanlambot rin ang aking buong katawan. Hindi kaagad naka-react sa sinabi ni Mang Emil. Totoo kaya 'yon? O baka gusto niya lang akong paalisin kaya siya nagda-dahilan.

"Totoo 'to, Hiraya."

Naramdaman ko ang matulis na bagay sa aking dibdib. Tila ba ako'y binalik sa reyalidad. Ngiting pilit ang pinakita ko kay Mang Emil. Dahan-dahang humakbang ang aking mga paa palayo.

Natagpuan ko na lamang ang sariling tumatakbo sa malawak na lupain ng mga Salvatore. Gusot ang puso, ang ngiti'y matamis na matagal kong iningatan ngayon ay napuno ng pait.

Huminto ako kasabay nu'n ang pagtigil ng sasakyan sa aking tabi. Bumukas ang pintuan, niluwa ang babaeng may blondeng buhok. Lumapit siya sa tindahan at akma na sanang bibili nang biglang tumunog ang kanyang selpon.

"Maxrill, anong gusto mo? Nasa tindahan ako ngayon." Kumalabog ang puso ko.

Tama ang pagkarinig ko. Tama ang hinala ko, tama ang sinabi ni Mang Emil.

Nagkamali nga lang ako ng landas.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top