Kabanata 17
Hiraya's POV
Sino kaya ang kukunin kong model?
Argh. Next week na ang fashion show, wala parin akong model.
Dahan-dahan akong umupo. Nilibot ang tingin sa buong kwarto. Nakadikit sa pader ang mga drawings ko, mga pendings nakakalat sa ibabaw ng mesa at laptop na pinaglumaan na. Bukas iyon, walang signal. Kakainis. Kitang-kita ko ang red ping nu'n sa ibaba, nang-iinsulto. Ganun din ang selpon ko, walang signal. I-chachat ko sana si Solace about kay Maxrill. Hindi pumayag eh, kahit anong gawin ko do'n kapag ayaw niya waley talaga.
"Argh!"
Ano namang gagawin ko sa selpon na 'to? Papaano ko kakausapin si Maxrill. Kamusta na kaya 'yon. Mukhang sineryoso niya ang MR ah. Malapit na kasi ang tourna. Kaya siguro busy 'yon. Hindi pa naman tumatanggap ng defeat ang loko na 'yon, didibdibin niya talaga. Kala mo talaga binuhat ang buong team, eh.
So, iyon nga, balik tayo sa main topic. Sino ang kukunin kong model. Wala talaga akong bet sa mga kaklase ko. Ang competitive at for sure marami ring kukuha sa kanila. Wala akong gaanong friends du'n, si Solace lang.
Nagpakawala ako ng hininga at muling humiga. Tinitigan ng matagal ang kisame. Iniisip kung anong gagawin ko bukas. Magtatahi ba o maghahanap ng model? Pero saan naman? Kakainis, ugh!
"Wait..." sumagi sa isip ko 'yong babaeng nasa kabilang bahay. Sino nga ulit 'yon? Nagpakilala ba 'yon last time?Magkamukha sila nu'ng babaeng kaklase ni Maxrill. 'Yong ninanakawan niya ng sulyap. Talandi talaga eh.
Hindi ko na nakita iyon. Pumasok na kaya siya sa University? Sabi niya kasi sa akin noon ay du'n din siya papasok. Bakit hindi ko nakita sa campus?
"Papayag kaya siya?" kung sakaling yayain ko?
Padarang akong bumangon mula sa aking higaan at sinuot ang tsinelas. Kinuha ang blue jacket sa sampayan at binalikan ang selpon sa kama bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sina Mama at Papa na seryosong nag-uusap sa hapag. Mukhang maiiyak na si Mama dahil sa mukha nitong malungkot habang si Papa naman ay kuyom ang kamao.
Anong nangyayari?
Akma ko na sana ibubuka ang bibig nang pinandilatan ako ni Mama ng mata kaya bumalik sa tikom ang aking labi. Naalala ko 'yung sinabi ni Papa na huwag sumali sa seryosong usapan lalo na't related sa trabaho nila.
Palihim akong umirap. Hinarap ang ama na ngayo'y nasa akin na ang atensyon.
"Pa, lalabas lang muna ako. May kakausapin lang sa kabilang bahay,"
Kumunot ang noo niya. Napalunok naman ako sa seryosong mukha nito ngunit panandalian lamang iyon.
Mukhang matindi nga ang kinakaharap nila ngayon. Sa lupa ba o trabaho? Gusto ko sanang makiusisa kaya lang baka magalit si Papa. Ayaw niya pa namang ini-istorbo kapag seryoso ang usapan.
"Mag-iingat ka, Hiraya."
"Yes, Pa!"
Binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin ang maberdeng lupain ng mga Salvatore. Mga bundok na sintaas ng aking pangarap, ang ulap na sumasabay sa takbo ng buhay ng tao at daan na maalikabok na nagsisilbing landas tungo sa kapayapaan. Sumilay ang multong ngiti sa aking labi, unti-unting inangat ang ulo upang tingnan ang malaking mansyon katabi nitong bahay namin, subalit, ako'y napatigil nang may lumabas na lalaki sa mansyon. Naka-black plain shirt ito, nakamaong short, matangkad at may hugis rectangle na eyeglasses.
"Wait...kamukha niya ang crush ni Solace. Sino nga ulit 'yon? Leo? Mio? Iyo?"
Aish! Narinig ko lang sa mga chismosa ang pangalan niya. Hindi ko nga lang alam kung ano ang tamang pagkabigkas ng pangalan niya. Magka-tunog kasi.
Ano kaya ang ginagawa niya rito? Huwag niyang sabihing dito din siya nakatira? Matutuwa talaga si Solace. Baka nga araw-arawin niya ang pagdalaw sa amin.
Binalik ko muli ang tingin sa lalaki. Binuksan niya ang itim na kotse at pinatunog iyon. Maya-maya pa ay bumukas ang malaking gate, niluwa nu'n ang isang babaeng matangkad, maputi, katamtaman lamang ang height at kulot ang maha-hala! siya nga! 'Yong crush ni Maxrill.
"Anong relasyon nilang dalawa? Bakit sila magkasama?"
Kitang-kita ko mula sa kinaroonan ang mataray na tingin nito sa lalaki. Nag-uusap sila, mas malakas nga lang ang boses ng babae. Nag-aaway ba sila?
"Hindi ako aalis, Leovard!"
Napaawang ang bibig ko. Leo Dahan-dahan kong binuksan ang maliit naming gate at humakbang papunta sa kinaroroonan nila. Magtatanong lang naman ako sa kanya. Nakalimutan ko kasi pangalan niya.
"Ang tigas ng ulo mo! Bahala ka nga!" supladong sagot ni Leovard at pinaharotrot ang sasakyan. Muntik pa akong mapahiyaw dahil sa putik na tumalsik malapit sa akin. Mabuti nalang sa gilid ko dumaan iyon at hindi nakarating sa akin. Gago 'yon ah.
Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa babae. Nang mapansin niya ako ay lumiwanag ang kanyang mukha.
"Oh my! It's you again!" masayang bulalas niya. Nawala 'yong mataray niyang boses kanina nu'ng kaharap si Leovard.
May something talaga sa dalawa, eh. Magkaklase pa naman silang tatlo sa CEA. Hindi naman kawalan ang babae kay Maxrill, hanggang landi lang naman 'yon. Kawawa naman kung isasali niya sa listahan itong kaharap ko. Ang ganda. Tipo niya nga.
Umiling ako. Inalis ang imahen ni Maxrill sa aking isipan.
"Hello! Nakalimutan ko nga palang magpakilala no'ng unang kita natin. Ako nga pala si Hira—"
"I've heard about you, Hiraya. Kaibigan ka ni Maxrill Salvatore, right?"
Nagulat ako. "Paano mo nalaman?"
"Nalaman ko kay Leovard. Bukambibig lagi nu'n si Maxrill, dami daw kasing pinagawa sa kanya. Binantaan pang huwag lumapit sa'yo, ang funny niya!"
Tumawa siya habang ako naman ay napangiwi. Loko talaga ang Maxrill na 'yon.
"Nice to meet you, Hiraya. Ako nga pala si Annalie. You can call me Anna or Lie. So, what brings you here—pasok muna nga pala tayo,"
Tumango ako. Inaya niya akong pumasok sa kanilang mansyon. Binuksan ng isang gwardiya ang gate at inakay sa loob.
"So, what brings you here, Hiraya?" muling tanong niya pero nasa loob ng mansyon ang atensyon ko.
Grabe. Wala akong ibang masabi. Ang laki ng mansyon, nalulula ang mga mata ko sa mamahalin nilang kagamitan. Napaka-modern. Hindi ko inaasahan na ganto pala kaganda ang loob. Akala ko magiging haunted house na 'to, eh.
Ngumiti ako kay Annalie. Nasa harapan ko siya, titig na titig sa akin.
"May hihingiin sana akong pabor sa'yo, Annalie. Okay lang naman sa akin kung tumanggi ka..."
Lumunok ako. Nakakailang naman tumitig ang babaeng 'to. Para bang pati kalamnan ko tinitigan niya.
I cleared my throat. Hindi pwedeng ma-distract. "May magaganap kasi na FS sa bayan ng Mariano next week. Isa ako sa mga napiling magsho-show ng design sa show na 'yon. Kailangan ko ng model para sa dress na irarampa sa araw na iyon...at naisip ko na—" naputol sa ere ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Annalie.
"Sure, Hiraya! Gusto ko 'yan. Gosh, totoo ba?"
Ngumiti ako tsaka tumayo na rin. "Oo, Annalie, mayroon na lamang akong apat na araw para gawin ang preparations. Ano, go kaba? Wala na akong ibang mahanap, Annalie, huhu. Payag kana, please..."
"Kanina pa ako pumayag, Hiraya! Let's do it!"
NAGING busy ako sa mga sumunod na araw. Tinapos ko ang pagtatahi at pagdi-disenyo ng dress na gagamitin ni Annalie sa araw ng FS. Hindi naman siya mahirap kausapin, magaling siyang rumampa. Kuhang-kuha niya ang gusto kong iparating sa kanya. Sa lakad, paano mag ending-pose at paano rin kunin ang atensyon ng mga audience. Magaling nga siya. Sa ganda palang, kuhang-kuha na ang mga tao.
Tuwing hapon lamang kami nagkikita dahil may pasok siya sa umaga kaya nilaan ko ang buong oras sa paghahanda. Ni hindi ko na nahawakan ang selpon sa sobrang busy. Umalis sina Mama at Papa kanina, aasikasuhin daw nila ang lupa. Iyon yata ang pinag-usapan nila kahapon.
Binaba ko ang full Female Body Dress Form Size 6 kung saan nakalagay ang dress. Ang ginamit kong fabric sa dress ay cotton stretch since kabayo nga 'yong napili kong style sa dress at inspiration ko si Ange. Ang nag-iisang kulay gatas na alaga ni Maxrill. Medyo furry din ang ginawa ko. Ginamitan ko ng polyester core spun thread para tumugma naman sa fabric na ginamit ko. Hindi rin mainit at makati sa katawan iyon. Magaan lamang at komportableng dalhin. Ayoko rin namang mahihirapan ang model ko, ano. Magsasanhi iyon ng hindi magandang performance kaya dapat kong paghandaan, kahit maliit na bagay.
Kinuha ko ang steam iron sa ibabaw ng lamesa. Dinaan sa mga gusot na parte. At nang matapos nga ay lumayo ako ng kaonti upang maaninag ng maayos ang gawa ko.
"Gorgeous!" pumalakpak ako. "Handa na ako."
Sa sobrang pagod ay nakaligtaan kong maglinis sa buong kwarto. Pagod akong humiga sa kama. Inabot ko ang phone at binuksan ang facebook. May isang friend request akong nakita. Pinindot ko 'yon at nanlaki ang mata ko nang makitang si Maxrill. Naka-topless siya sa kanyang profile, libo-libo ang likes ganun din ang comments.
"Landi talaga." Huling sambit ko bago sumara ang mga mata ko. Pagod na pagod.
***
KINAUMAGAHAN maaga akong umalis sa aking higaan. Tinungo ko ang kabilang kwarto at nilabas ang finished dress na ginawa ko kahapon.
"Ang ganda, anak!" muntikan akong napatalon sa matinik na boses ni Mama. Hindi ko napansin na nakasunod pala siya sa akin.
Lumapit siya sa dress. Hinawakan niya ang bawat hibla nu'n habang may ngiti sa labi. Kahit na bagong gising ako ngayon, hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti sa dress na ginawa ko. Ito ang panlimang beses na ginawa ko 'to, at isa ito sa mga nagustuhan ko. Bawat sulok ng dress ay may disensyo, may storyang nakatago. Mula sa kulay, fabric at sinulid na ginamit ko.
"Ang galing mo, Hiraya. Manang-mana ka talaga sa akin."
Tumawa kaming dalawa.
Satisfied ako sa ginawa ko. Handang-handa nang isabak sa Fashion Show.
"Ang gaan sa katawan, Hiraya. Ang ganda ganda pa!" komento ni Annalie habang suot ang dress. Tamang-tama sa kanya since size niya naman ang ginamit ko sa paggawa. Nilagyan ko din ng disenyo ang kanyang boots na suot. Furry iyon. Parang paa ng kabayo.
"Na I-excite tuloy akong dalhin 'to sa araw ng Fashion Show— ay, bukas na pala iyon, hindi ba? Daming dadalo sa department namin. Si Maxrill, dalawang araw na siyang absent, ah..."
Napatigil ako. Dahan-dahang binaba ang kamay. "Ha? Dalawang araw?"
"Yeah. Hindi ko rin siya nakita kaninang umaga. May problema ba? Nag-away kayo?"
Mabilis akong umiling. "Wala naman. Sure ba 'yan?"
"Oo, Hiraya. May binilin lang siyang assignment kay Leovard. No'ng Martes pa 'yon." The hell? Saan nagpunta 'yon kung ganun.
Wala namang ibang mapupuntahan ang lalaking iyon kundi sa property lang nila.
Nag-aalala ako. "Annalie, aalis muna ako, ah? Hahanapin ko lang si Maxrill."
"Sure! No problem, Hiraya. Marami na siyang na-missed na activities! Sana'y makita mo na siya."
Saan ba kita hahanapin, Maxrill. Bakit hindi ka nag-iwan ng mensahe sa akin? Baliw ka talaga.
Lumabas ako ng bahay bitbit ang maliit kong pitaka. Kumaway ako sa isang tricycle driver na kaagad namang lumapit.
"Saan po, Ma'am?"
"Sa mansyon po ng mga Salvatore." Sagot ko.
Habang sa kalagitnaan ng byahe...binuksan ko ang selpon. Hinanap ang pangalan ni Maxrill sa contacts ko.
"Tanginang signal naman 'to oh! Ngayon pa talaga nawala!" inis na sambit ko nang makitang eks ang nakalagay sa ibabaw. Nakakainis, ang sarap itapon.
Binalik ko ang tingin sa mga tanawing nadadaanan namin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Pinapakalma ang pusong walang tigil sa pagtibok. I'm fvcking worried right now. Ito ang unang beses na ginawa ni Maxrill 'to.
Hindi ko rin napagtuusan ng pansin ang selpon ko dahil sa sobrang busy. Wala rin namang Maxrill na nagparamdam. Umasa ako na babalitaan niya. Kung hindi siya pumasok, wala ring practice ang MR. Wala siya sa campus.
"Bente lang po, Ma'am."
Bumaba ako at nilahad sa kanya ang bente. Unti-unti akong lumapit sa malaking gate ng mga Salvatore. Nakita ko si Mang Emil na naninigarilyo habang may hawak na diyaryo.
"Mang Emil!" tawag ko.
Mabilis naman siyang napalingon sa akin. Nanlaki ang mga mata kasabay nito ang mapanuring mga yapak ni Ms. Cynthia. May katulong kasama. Lalabas yata.
"Hiraya, anong ginawa mo dito?" bakas sa mukha niya ang kaba.
"Nandito ba si Maxrill, Mang Emil? Dalawang araw na po siyang hindi pumapasok sa University. May nangyari ba?"
"Umalis ka muna ngayon, Hiraya. Tatlong araw na ding hindi umuuwi si Maxrill. Galit na galit na si Mayor Salvatore."
Bumukas ang malaking gate. Nagtagpo ang mata naming dalawa ni Mrs. Cynthia.
"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?"
Hinawakan ni Mang Emil ang braso ko. "Umuwi kana, Hiraya. Ayokong mawalan ng trabaho. Sige na..."
Imbes na masindak ay winaksi ko ang kanyang kamay at taas noong nilabanan ang mapanghusgang tingin ng ginang.
"If you're looking for Maxrill. Well, he's not here. Umalis kana!"
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakikita si Maxrill, Mrs. Cynthia. Dalawang araw na po siyang hindi pumapasok sa Uni—"
Hinawi niya ang dalang payong ng katulong. "Why do you care? You're the reason why he's miserable!" diing sambit nito.
Tumikhim naman ako. "Wala po akong ginagawang masama kay Maxrill. Sa katunayan nga po niyan ay nag-aalala po ako sa kan—"
"A good friend? You're nothing but trouble. Always leading him astray and filling his head with nonsense."
Pumikit ako ng mariin. Kalma, Hiraya. Ina ni Maxrill ang kaharap mo ngayon. Ayokong maging bastos sa mas nakakatanda sa akin. "I would never do that. I care about Maxril, Mrs. Cynthia. Hinahanap ko din siya ngayon,"
She laughed sarcastically. "Then where is he now? You're the one who introduced him to those dangerous habits!"
"Hindi—"
"Talagang sumasagot ka pa, ah!" Lumapit sa akin si Mrs. Cynthia. Tiningnan ko lamang siya. Walang emosyon ang mukha.
Galit na galit ang kanyang mga mata. Handa nang dampihan ng malakas na sampal ang aking mukha,
Pero bago 'yon...
"Mama! Stop!"
Kumalabog ng malakas ang aking puso.
"Maxrill...what happened to your face?!"
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top