Kabanata 14
Hiraya's POV
"Ma, gagana pa po ba 'yung lumang sewing machine natin?" tanong ko habang nagliligpit. Ginamit niya kasi 'yon noon sa kurtina namin.
Tumayo ako. Nilapag ko sa lababo ang aming pinagkainan. Lumabas si Papa dala ang kanyang lumang bag at sapatos. Tinungo ang kinakalawang naming truck sa likod ng bahay at maya-maya pa ay narinig namin ang nakakabinging tunog non. Pati tunog ay halatang papalitan na.
Bumuntonghininga ako. Naramdaman ang presensya ni Mama sa likuran.
"Alam mo, anak..."
Dahan-dahan ko siyang binalingan ng tingin. May malungkot siyang ngiting iginawad. Pareho sila na Papa, walang gana, lakas. Kanina ko pa napapansin habang kumakain kami sa hapag. May nangyari kaya sa lupa ni Lolo? Kulang ba ang pera nila? Sa pagkakaalam ko ay tutulungan sila ni Mr. Salvatore. Bakit mukha silang nawalan ngayon?
"Ano 'yon, Ma? May nangyari ba sa kabilang bayan?" Umiling siya.
"Wala naman. Sa katunayan nga niyan ay masaya kami ng Papa mo dahil tinulungan kami ni Mr. Salvatore, sila na raw bahala sa lupa. Babalitaan niya lang daw kami tungkol sa lupa kapag tapos na ang proseso."
Kung ganun...bakit malungkot ang kanyang boses? Tutulungan naman pala sila ni Mr. Salvatore. Mapagkatiwalaan ang matandang 'yon, mabait.
"Oh, tapos?"
Biglang napalitan ng aliwalas ang kanyang mukha. Hinawakan niya ang aking kamay kayat hindi ko ring maiwasang hindi ngumiti sa kanya.
"Alam mo, Hiraya... pangarap ko din maging sikat na fashion designer,"
Nanlaki ang mata ko. "Weh? Totoo ba, Mama? Akala ko ba gusto mo maging singer. Magaling ka kumanta e!"
Magaling kumanta ang Mama ko. Noong kapanahunan niya ay lagi siyang sinasabak sa singing contest. Laging nananalo. Hindi lang magaling umawit, maganda pa. Pwedeng-pwede na ngang mag-artista pero sa panahon na 'yun ay hindi uso ang pag-aartista, o baka naman hindi niya lang gusto. Sa hirap ng buhay ay nagawa niyang magtrabaho sa iba't ibang karenderya, kumakanta sa mga maliliit na bar at nagtu-tutor sa mga laki sa yaman na mga kaklase pero walang matinong utak.
Dahil sa kanyang galing sa pagkanta ay nakilala niya si Papa dito mismo sa lugar namin. Ang Isabela City. Nagtatrabahong katulong sa isang mayamang pamilya. Inimbitahan kasi si Mama na kumanta sa pamilyang pinaglilingkuran ni Papa. Na love at first sight siguro at doon nagsimula ang love story nila. Dito din sa Isabela nangyari ang lahat.
Dito rin ba kaya magsisimula ang aking love story?
Isang malakas na batok ang aking naramdaman sa aking balikat. "Mama naman!"
"Kanina pa ako dada nang dada dito hindi ka naman nakikinig. Ano? Mamaya mo na kasi isipin si Maxrill, Hiraya—"
"Mama talaga e! Ano 'yon?"
Nag-kwento muli ang Mama ko. Nagsimula sa college life niya, paano siya naging popular na student noon sa University nila. Hinahangaan siya ng nakararami, maraming nagkagusto ngunit isang tao lang daw ang nagpapatibok ng kanyang puso. Syempre si Papa na 'yon. Bitbit ang mamahalin nitong bag na galing sa anak ng Mayor, deretso itong tumungo sa sariling building. Hindi daw palasalita si Papa noon, mailap daw ito sa tao. Nagsasalita lang kapag oral recitation nila o tinanong.
Pareho silang nasa kolehiyo. Fashion designer daw ang kinuha ni Mama noon habang kay Papa naman ay BS Agriculture. Nagulat ako dahil ngayon niya lang ni-reveal ang love story nila. May kalandian din naman palang tinatago ang nanay ko. Shocks!
Lagi daw kinukulit ni Mama si Papa noon, sinusundan, pinupuntahan sa kanilang building at paminsan ay inaaya kumain sa cafeteria. Since mailap nga si Papa ay nahirapan siya. Ilang araw niyang nilandi daw 'yon hanggang sa bumigay. Masungit pero mabait.
Maraming galit kay Mama noon, hindi lang dahil kilala siya at magaling kumanta kundi dahil kay Papa. Malakas daw kasi si Papa sa mga kababaihan noon. Kahit na tahimik at medyo suplado ay may nagkakandarapa parin. Ang tibay, ah.
"Talandi ka naman pala noon, Mama, eh!" natatawang sambit ko. Inirapan niya naman ako at sinuway na umayos. Pinagpatuloy ang naudlot nilang love story. Kulit naman pala ng Mama ko.
"Nang dumating ang finals ay du'n ako nahirapan. Naubos ni Tatay ang pera sa sugal na dapat para sa akin. Allowance na pinadala ng Nanay namin,"
Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Sinandal niya ang likod sa kahoy naming upuan at tiningala ang aming kisame na makinis pa sa mukha ni Anya.
"Dahil du'n ay hindi ako nakapasa. Walang portfolio, walang pruweba na talagang gustong abutin ang pangarap na iyon. Nalaman ni Mama ang ginawa ni Papa kaya hindi na siya muling nagpadala sa amin. Ang perang nakukuha ko sa pagpa-part time ay naubos din dahil nagkasakit ang kapatid ko. Lumayas si Tatay at iniwan kami. Ang pangarap kong muntik ko na sanang maabot ay nawala na parang bula. Ang hirap na aking dinanas noon ay walang katumbas na kasiyahan..."
Tiningnan niya ako. Hinawakan ang aking dalawang kamay. Sinalubong ang kanyang mainit at kulubot na mga kamay. Tumatanda na nga ang Mama ko. Pangako, bibigyan ko sila ng magandang buhay. Dito sa Isabela, kung saan nagsimula ang love story nila Papa.
"Namatay ang kapatid ko. Hindi na naagapan ang kanyang sakit. Wala na ang ama, ina na dapat na gumagabay sa amin. Akala ko ay wala na akong landas na tatahakin sa mga araw na 'yon. Hinang-hina ako. Hanggang tingin na lamang sa lumang University na minsa'y naging parte ng mga katuwaan, kiskis ng mga papel at storyang binaon sa pirasong papel..."
Hindi ko napansin ang likidong dumadaloy sa aking pisnge. Kanina pa pala ako lumuluha. Naawa ako sa kapatid ni Mama at sa irresponsible nilang magulang. Nag-wakas nalang ang kuwento ni Mama, walang ina o amang nagpakita. Nakakainis!
"Mabuti nalang dumating ang Papa mo, Hiraya."
Tumango ako at ngumiti. Hinagkan ko siya ng mahigpit, pilit pinapakalma ang kanyang pusong puno ng pait at memoryang nabaon sa limot. Ramdam na ramdam ko ang sakit at hirap niya noon. Hindi nga madali ang buhay. Walang madali kapag usapang buhay na nagtatago sa kalupitan ng kahirapan.
"Maria Elena, anong nangyari sa anak mo?"
Humiwalay kaming dalawa ni Mama at hinarap si Papa na kunot ang noo. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin na gwapo nga talaga si Papa. Kaya pala hinabol-habol ni Mama noon eh!
"Worth it ba, Ma?" tanong ko sa kanya. Hindi pinansin ang amang walang alam sa nangyayari.
"Gaga ka! Syempre! Gwapo kaya ng Papa mo noon. Leighton Cardinal C. pangalan, eh. Jojowain talaga!"
"Landi mo, Mama!" nagtawanan kaming dalawa. Parehong kinalimutan ang matinding sinapit na inalay na sa limot.
"Kaya ikaw, Hiraya, saka na ang landi landi, ah? Tapusin mo ang pangarap na hindi ko nakamit noon. Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi sa akin..."
Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. "Malaki na ang naipon ng Papa mo para sa paparating mong birthday."
Nanlaki ang mata ko kasabay nito ang malakas na tawag ni Papa sa buong pangalan ni Mama. "Maria Elena Corazon!" imbes na masindak ay tumawa lamang ito at nilapitan si Papa. Hinalikan sa labi.
Umiling-iling ako. Umalis sa upuan at pinuntahan ang lumang kwarto kung nasaan ang mga lumang kagamitan ni Mama noong siyang nag-aaral. May sewing machine kasi siya, no'ng una ay sinawalang bahala ko iyon pero ngayon na naliwanagan na at natuwa pa sa nalaman.
Nilaan ko ang oras ko sa kakahanap ng magandang telang babagay para sa aking damit. Hawak ang lumang portfolio ni Mama, namangha ako. Grabe! Ang ganda! Kahit na may kalumaan ang kanyang designs ay makikita mo talagang expensive parin ito. Naiwan na ng panahon pero malakas padin ang dating. Sayang, hindi niya nagamit.
Nalaman ko mula kay Papa na may maliit na bentahan ng mga fabrics dito sa Santiago at Marinao. Balak ko sanang simulan this Wednesday. Pero sino ang gagawin kong model? Gosh. Next week na ang show. Mabuti nalang binigyan kami ng oras ni Prof Garcia sa paghahanda. Kinausap niya na rin ang ibang Professors sa minor subjects. Head siya, eh kaya malakas ang kapit. Isa pa, hindi namin kaya sa isang araw 'to. Maraming preparations at gastusin.
Biglang sumagi sa isipan ko si Solace. Ang model niya.
"Anong gagawin ko? Hindi pumayag si Maxrill, gusto niyang piliin ko siya. Kakaimberna naman!"
Binaba ko ang cellphone ganun din ang portfolio ni Mama kasabay nito ang pagbukas ng pinto. Niluwa si Mama na may dalang silk, silver.
"Mama!"
"Pwede na ba 'to? Nakita ko sa lumang kabinet ko. Marami pa doon baka gusto mong makita?"
"Oh my gosh! Salamat, Mama!" Niyakap ko siya dahil sa tuwa.
"Para sa nag-iisa kong anak. Abutin mo ang pangarap mo, Hiraya. Tutulungan kita, gagabayan sa bawat hakbang ng 'yong mga paa."
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top