Kabanata 11

Hiraya's POV

Habang naglalakad sa hallway nakita ko si Solace hindi kalayuan. Nakatayo at nasa kanang direksyon ang atensyon. Titig na titig siya doon na para bang doon na umiikot ang kanyang mundo.

Mas lalo kong binilisan ang hakbang ko upang makita kung sino ang tinitingnan niya. Ang oa naman kasi niya.

Akma ko na sana siyang tatawagin nang bigla kong nahagip ang grupo nina Maxrill. At doon ko napagtanto na iyon pala ang tinitingnan ni Solace. Kasama nila Maxrill 'yong naka eyeglasses. Mawalak ang ngiti, titig na titig sa lalaking naka eyeglasses. Gosh. Hanggang ngayon ay crush niya parin 'yon. Tagal na no'ng laro nila ah. Naalala niya pa pala. Ano kaya pangalan nu'n?Nagmumukhang tanga si Solace eh.

Nagtatawanan ang mga MR sa gilid ng library. Nakaupo si Maxrill sa mahabang lamesa habang 'yong naka eyeglasses naman ay sa upuan. Katabi ni Maxrill. Walang imik, nasa cellphone ang atensyon. Is he even real? Parang walang pakialam ang lalaking 'yon, ah. Anong nagustuhan ni Solace du'n? Oo magaling siyang maglaro at malakas din ang charisma but I think he's boring. Laging nagtitipa sa kanyang selpon.

Binalik ko muli ang tingin kay Solace. Lunod na lunod na talaga sa lalaking 'yon. Ang gaga talaga.

"Solace—" naputol sa ere ang aking boses dahil may biglang dumaang lalaki sa aking gilid.

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

Kagaya ni Maxrill, nakasukbit din ang kanyang lumang bag sa balikat. Hindi gaanong kaputian ang balat, matangkad na sa tanya ko'y nasa 6'3 ang height. Tangkad niya, ah. Matangos ang ilong, nakita ko nu'ng dumaan siya at ang gwapo. Sheesh! Bagong salta ba 'to?

Papunta siyang CEA building. Ano kayang kinuha niya? Architecture o Engineering?

"Hiraya!" Nabaling ang tingin ko kay Solace. Nakita kong wala na sina Maxrill doon sa tinambayan nila kanina. Kaya siguro lumapit ang babaeng 'to dahil wala na doon 'yong crush niya.

"Solace, ang tagal mong tumitig du'n ah. Lunod na lunod lang ang peg?" irap kong sabi sa kanya.

Kumunot panandalian ang kanyang noo at nang marealize ay tumawa siya ng malakas sabay baling sa lalaking kakaliko lang papuntang CEA building. Halos nakatingin na sa kanya ang mga estudyante ng USDSP. Bago siguro 'yon. Ang dami namang transferee ngayon o baka naman ngayon ko lang nakita. Hindi naman kasi ako mahilig makiusisa, sapat na ang boy friend ko na si Maxrill. Kaibigan na lalaki, ah. Baka ano na naman isipin niyo. Friend lang talaga kami. We both promised na hanggang duon lamang kami. Pero...

Paminsa'y umaasa. Tangina, ang landi.

Naramdaman ko ang pagkuwit ni Solace sa akin kayat nabaling muli sa kanya ang aking tingin ngunit panandalian lamang 'yun dahil nakita ko na naman 'yong lalaki. Nakaharap na siya sa amin ngayon, hindi nakatingin. Papunta lang. Gosh. He is so fvcking fine! Ang laki ng katawan. He has dimples too! Dalawa 'yong sa kanya. Isa lang sa akin ganun din kay Maxrill.

"Whoa, check out that dude," mahinang bulong ni Solace nudging me with her elbow. Napansin din ang lalaki.

"He's like, a walking skyscraper." Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Naglalakad ang lalaki, bawat hakbang niya ay sinusundan ng mga babae. Kanina pa sunod ng sunod ang mga 'yon, hindi yata napansin ng lalaking 'to. What the hell? Ang lalandi naman ng mga 'to. Wala ba silang pasok? Mabuti nalang maaga akong dumating. Mamaya pa magsisimula ang klase namin.

My eyes sweeping over the man's broad shoulders and long limbs. He was definitely tall, easily matching Maxrill's imposing height.

"Yeah, he's definitely got some height," I agreed, watching as the man walked with a casual confidence, seemingly oblivious to the curious stares he was drawing. "I wonder who he is." Nagtataka ang aking mga mata. Malapit niya nang marating ang malaking gate ng eskwelahan. Is he going home? Wala siyang pasok?

"Maybe a new student?" Solace asked. "Did you see that leather jacket? He's got a serious style."

Tumango ako. Kahit na mukhang pinaglumaan na ang kanyang porma ay bagay na bagay parin iyon sa kanya. Model siguro ang lalaking 'yon.

"Or maybe a guest speaker," she added, watching the man's eyes scan the campus map. "He's looking around like he's trying to find something."

Oh! Siguro bagong student nga siya. He has a piece of paper on his hand. Mapa iyon ng campus. Lalapitan ko na ba? Tutulungan ko sana kaso pinalilibutan na siya ng mga kababaihan. Walang hiya talaga 'tong mga malalandi na 'to oh. Hindi ba makapaghintay? Hindi ba nila napapansin na naliligaw 'yong lalaki.

Umirap ako. Sarap nilang itulak lahat pero pinili kong manatili sa kinatatayuan. Hindi ko kilala ang lalaki, halata rin na wala siyang pakialam sa paligid niya. Nakapukos ito sa ginagawa.

"Whatever he is, he's definitely turning heads," Solace said, giggling.

I rolled my eyes, but a smirk played on my lips. I couldn't deny, the man had a certain charisma. "Maybe," I said, watching the man disappear around the corner. "Pero kay Maxrill parin babagsak." Wala sa sarili kong sagot.

I heard her laughed. Sobrang lakas nu'n kaya nabaling sa amin ang atensyon ng mga babaeng kanina parang asong sunod ng sunod sa bagong lalaki.

"Now that's a sight I'd pay to see," Solace laughed again. Nudging me again.

"Come on, let's go get some coffee. This mystery man is giving me a caffeine craving."

Ngumiti ako sabay hawak sa kanyang siko. Sumama na lamang ako dahil wala naman akong gagawin dito tsaka maaga pa. Mamaya pa ang first class namin ni Solace. Hawak ko ang brown envelope sa aking kamay, naglalaman ng activities ko. Dito ko nilagay para hindi mabasa o madumihan. Iiyak talaga ako kapag mangyari iyon. Hindi kaya madaling gumuhit. Dugo't pawis talaga.

Lumabas kami ng campus ni Solace. Lumapit sa pinakamalapit na shop. Milk tea shop. Katabi nito ang terminal. Doon nakatambay ang mga jeep, motor at tricycle. Sa gilid naman ay may maliit na daan. Katabi ang malawak na lupain ng mga Salvatore.

"Let's sit here,"

Umupo siya sa gilid. Tumango ako at uupo na sana nang mahagip ko muli ang lalaki. Mukhang binagsakan ng langit at lupa ang kanyang mukha. Ano kayang nangyari sa kanya?

"Solace, lalabas muna ako, ah. May kakausapin lang."

"Hiraya—"

Lumabas ako ng shop at kaagad na tinakbo ang distansya namin ng lalaki.

Salubong ang kanyang kilay nang makita ako sa kanyang harapan. Tangina. Natameme ako bigla. Ang pogi niya!

"What do you want, Miss?" ang lalim ng boses!

Gaga, ano nga ulit gagawin ko?

"Uhh..." Napakamot ako sa likod ng aking ulo. Nakalimutan ang dapat na sabihin.

"Yes?"

"Ano kasi..."

Pumikit ako ng mariin. Tatanungin ko ba kung may girlfriend siya? Hindi syempre! Gusto ko lang siya tulungan. Baka hindi niya kabisado ang buong USDSP.

"Nagmamadali ako, Miss. Ano? May kailangan ka?"

"Ang sung—hindi! Ano, gusto mo ng ulam? Nagbebenta ang Mama ko. Bukas?Dadalhan kita?"

Isang malakas na tawa ang sumira sa moment namin ng bagong estudyante. Pareho kaming napatingin sa kanyang likuran at napatili nang makita si Maxrill kasama ang kanyang mga
ka-team sa Midnight Ravens.

"What the hell, Hiraya Cristiana?"

Naramdaman ko ang pag-init ng aking buong mukha. Nagdadalawang isip kung sasagutin ba si Maxrill o magwa-walkout nalang.

Walkout. Kalaunang pumasok sa isip ko. Bumalik ako sa loob ng shop na walang lingon-lingon kina Maxrill. Padabog na umupo muli sa puwesto.

Nagulat naman si Solace at tatanong na sana ngunit pinigilan ko gamit ang isang palad.

Narinig kong hindi lamang si Maxrill ang tumawa, kasama niya 'yong lalaking naka eyeglasses. Tang—buwesit mo, Maxrill! Ang sarap mong kutusan. Akala ko talaga hindi niya na ako aasarin. Ang sweet niya kagabi eh. Hinatid niya ako at may paselos-selos pa tapos ngayon? Gosh. I can't believe him.

At bakit ko naman sinali sa usapan ang nangyari kagabi? Kinalimutan ko na nga.

"He's so handsome, Hiraya."

Tinuro ni Solace ang lalaking naka eyeglasses. Sandali akong tumingin roon, nagtama ang mata namin ng lalaki. Gumalaw ang kanyang labi bago binaling ang tingin kay Maxrill. Did he smile?

Wait...magkakilala sila?

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top