Chapter VIII

NAPABUNTONG-HININGANG naupo si Crayne sa bakanteng upuan matapos mag-order. Napahawak pa siya sa tapat ng kaniyang dibdib upang ikalma ang nagwawalang puso niya. Nang makita niya kasi ang taong hindi niya inaasahang makikita roon ay parang nagwala ang kaniyang puso. Na starstruck pa siya nang makita ito. She didn't expect that they will meet again. Ang akala niya ay hindi na sila magkikita ulit after what happened. Well, she admit that she missed him. Lintek kasing love at first sight dahil natamaan talaga siya.

Buti na lang kanina ay may ibang mga taong sumakay sa elevator kaya hindi na siya kinausap ni Yohan. Hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin. Mas nanaig ang kabog ng puso niya kanina nang makita ito.

"Damnit!" she whispered.

Hindi niya alam kung bakit naroon ang binata. Talagang doon pa sila nagkita ulit. Napaisip siya kung coincidence lang bang nagkita uli sila. Napahinga na lang siya ng malalim. Ginugulo na naman niti ang kaniyang sistema.

'Tsk!'

Binuksan na lang niya ang dalang cellphone at nag-scrol sa facebook. Madalang siyang nagbubukas ng account, tuwing wala siyang ibang gagawin.

Nakuha nang kaniyang atensiyon ang isang post ni Jessie. It was posted two days ago. Napakagat-labi siya ng makita ang litrato ni Yohan. Magkasama sila ni Jessie sa isang restaurant at seryoso lang ang mukha ng binata.

Tinitigan niya ang mukha nito. He really look so handsome and attractive. Hindi niya mapigilang mapangiti kahit na alam niyang hindi dapat siya ngingiti dahil dito.

"Why do you look so handsome, sweety?" wala sa sariling bulong niya.

She was about to heart the post when someone hem in front of her. Her smile fade when she saw him.

"Can I sit here? There's no other vacant table here." Wika nito sabay tingin sa paligid.

Tumingin siya sa buong restaurant at wala na ngang ibang bakanteng mesa at upuan maliban sa kaniyang table. Napakagat-labing tumango na lang siya.

'Shit! Akala ko hindi rito sa restaurant ang punto nito.'

Bulong ng kaniyang isip sabay iwas ng tingin. Agad namang naupo ang binata sa kaharap na upuan. Narinig niyang tinawag ito ng waiter saka nag-order ng kakainin nito.

Kumabog na naman ng malakas ang puso niya dahil sa presensiya nito. Mabilis na nagkunwari siyang busy sa cellphone nang umalis ang waiter.

She remained calm but quietly observing him on er peripheral vision.

Narinig niyang tumikhim ito at kapagkuwan ay nagsalita. "So, how are you?" mahinahong tanong nito.

'Heto, baliw na baliw sa 'yo.'

Iyon sana ang gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pa niya nakakalimutan ang masasakit na katagang narinig niya rito noong huling pagkikita nila.

"What do you think?" balik tanong niya sa binata sabay tingin dito.

Sandali itong natigilan habang nakatingin sa kaniya. Kalaunan ay nagsalita ang binata. "I think, you're doing good. You look happy a while ago." Kibit-balikat na wika nito.

Napaismid siya sa sinabi nito ngunit ngumiti na lang siya at hindi na nagsalita pa. Baka kasi kung ano pa ang lumabas sa kaniyang bibig baka mapahiya na naman siya.

She's an expert and notable lawyer, she don't want to embarrass herself in front of him.

Hanggang sa dumating ang order nila at parehong tahamik na kumakain. Nakakaramdam siya ng ilang pero pinilit niyang kumain ng maayos. Samantalang prenteng kumakain lang naman ang kaharap niya.

Napatigil siya sa akmang pagsubo nang biglang nilagyan ni Yohan ng vegetables ang kaniyang pinggan. Takang tiningnan naman niya ito.

"You should eat vegetables. You look so thin," simpleng wika nito bago nagpatuloy sa pagkain.

She pressed her lips to stop herself from smiling.

'Tanginang 'yan, kinilig ako.'

Mura niya sa kaniyang isip at mabilis na nagbaba ng tingin sa kaniyang pinggan. Kinain niya ang inilagay nitong gulay.

"So, what are you doing here in Basco Island?" biglang tanong ni Yohan.

Nag-angat uli siya ng tingin dito at nakatingin na ito sa kaniya. "I'm here for a special client," sagot niya rito.

"Okay," anas nito.

Nagpatuloy sila sa pagkain at hindi na siya kumibo pa. Naiilang siya sa presensiya nito. It was the first time na nakaramdam siya ng ilang dahil sa isang lalaki.

Hanggang sa matapos silang kumain ay walang nagahas na magsalita sa kanilang dalawa. Napatingin siya sa cellphone nitobg na nasa table nang tumunog iyon.

Nakaramdam siya ng kirot sa puso ng makitang ang mukha ng ex nito ang nasa wallpaper nito. Mabilis na napaiwas siya ng tingin nang tumikhim ito bago kinuha ang cellphone saka sinagot ang tawag.

'He really love her.'

Napakagat-labing tumayo siya bago nag-iwan ng pera sa mesa. Hindi siya napansin ni Yohan dahil busy ito sa kausap. She wonder who is he talking with. Tiningnan niya uli ang binata bago tuluyang naglakad paalis.

Ayaw man niyang aminin pero nararamdaman niyang wala talaga itong gusto sa kaniya. Truth hurts but that's tge reality. Halata naman kasing mahal pa nito ang dating girlfriend.

'Fvckit!'

***

TAHIMIK na nakatingin lang si Crayne sa malawak na karagatan habang nakaupo sa buhangin. Pasado alas-otso pa lang ng gabi at naroon siya upang mag-relax. Malapit lang naman ang dagat mula sa hotel na tinutuluyan niya. Naipikit niya ang kaniyang mga mata dahil sa simoy ng hangin na dumapo sa kaniyang mukha. Halos isang taon na rin mula ng huli niyang pagpunta sa mga ganoong lugar. Palagi kasi siyang nakasubsob sa trabaho, nakakalabas lang siya tuwing nag-aayang mag-bar ang kaniyang mga kaibigan.

Napamulat siya ng mga mata ng maramdamang nag-vibrate ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang suot na maikling short.

Agad na sumalubong sa kaniya ang pangalan ni Yeona sa screen ng cellphone. Nagtatanong ito kung nasaan siya. Nag-type siya upang mag-reply sa pinsan nang makarinig ng mga sigawan.

Napatingin siya sa unahan kung saan may mga taong naliligo roon. Nagkakagulo ang mga ito habang hinahabol ng isang babae ang isang lalaking may dalang bag.

"Magnanakaw! Ibalik mo sa akin ang bag ko!" malakas na sigaw ng babae.

Hindi lumingon ang lalaki at panay lang ang takbo nito. Napatayo siya nang makitang madadaanan siya ng lalaki. Mabilis na hinarangan niya ito dahilan para mapatigil ito sa pagtakbo.

"Ibalik mo ang bag na 'yan." Kalmadong wika niya.

"Ano ako bale? Huwag ka ngang makialam!" singhal ng lalaki at akmang tatakbo ito nang mahigit niya ang bag na dala nito.

"Ang sabi ko, isauli mo ang bag na ninakaw mo." Mariing utos niya sa lalaki.

Matalim ang mga matang tiningnan siya ng lalaki. Base sa nakikita niya ay isa itong drug adik. Namumula ang mga mata at maangas ang postura na parang gangster sa kalye.

"Huwag kang makiaalam sabi, eh!" galit na sigaw nito at mabilis na sinalubong siya ng suntok pero mabilis na nakailag siya.

"Fvck you! Hindi 'yan sa 'yo kaya isauli mo iyan, gago!" inis na sigaw niya rito.

Mas lalong hindi maipinta ang mukha ng lalaki at bigla itong ngumisi. Napatingin siya sa beywang nito nang kuhanin nito ang nakaipit na kutsilyo sa suot nitong pantalon.

"Gusto mo talagang masaktan, ah." Matalim ang mga matang anas nito at mabilis na sinugod siya nito.

Napaatras siya nang inambahan siya nito ng saksak sa gilid. "Ang hina mo naman," naiinip na maktol niya nang hindi man lang siya nito matamaan.

"Tangina ka!" galit na sigaw ng lalaki.

"Tapos ka na? Ako naman," nakangising wika niya at mabilis na sinalag ang  kutsilyong inamba nito sa kaniya.

Mahigpit na hinawakan niya ang pulsuhan nito bago pinilipit dahilan para mabitawan nito ang hawak na kutsilyo.

"Argh! Putangina ka!" namimilipit na mura ng lalaki.

Agad na hinablot niya ang bag na hawak nito bago umikot at sinipa ito sa tagiliran dahilan para tumalsik ito sa buhangin.

"Sabi ko naman sa 'yo, isauli mo na lang ang  bag, eh. Ayan tuloy," nakangiwing saad niya.

Napapailing na pinulot niya ang kutsilyo at sinuri iyon. Matalim nga iyon at halatang gawa sa asero. Mahapdi pa naman kapag ang asero na ang pag-uusapan.

Tiningnan niya ang lalaki at mabilis na napatayo ito kahit na namimilipit sa sakit. "Ang laki-laki ng katawan mo pero mas pinili mo ang magnakaw kesa maghanap ng matinong trabaho." Pangangaral niya rito.

"Tangina ka! Babalikan kita," banta ng lalaki bago tumakbo paalis nang magsidatingan ang mga tao.

Hinihingal na lumapit sa kaniya ang babaeng may-ari ng bag kaya't isinauli niya ito. Nakarinig pa nga siya ng mga bulungan pero hindi na niya iyon pinansin pa.

"Maraming salamat, Miss." Sensirong pasalamat ng babae.

Tinanguan niya lang ito bago tumalikod. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata ng mahagip kaniyang mga mata si Yohan na nakapamulsang nakatingin sa gawi niya.

Hindi niya alam na naroon din pala ito. Agad na nag-iwas siya ng tingin at mabilis na naglakad paalis. Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang kumabog na naman ang puso niya.

Napaisip tuloy siya kung nakita ba ng binata ang kaniyang ginawa. Lihim na napangiti. Inabot ang kutsilyo sa isang crew na kaniyang nadaanan bago naglakad pabalik sa hotel.

***

NAKASUNOD lang ang tingin ni Yohan papalayong bulto ni Crayne nang hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma sink-in sa kaniyang utak ang kaniyang mga nakita. Actually, hindi niya inakalang makikita roon ang dalaga. Pumunta kasi siya ng Basco Island dahil sa kaniyang kaibigan. Kanina sa elevator ay nagulat siya ng makita ang dalaga pero hindi niya pinahalata. It's been a week since the last time he saw her. Kaya hindi niya maiwasang magulat ng makita ito.

Maayos naman ito tingnan. Hindi tulad noong huling pagkikita nila. Nagtataka rin siya kung bakit naroon ang dalaga. Kanina sa restaurant ay doon niya nalamang may kliyente pala ito roon. Pagkatapos kumain kanina ay bigla na lang itong nawala, akala niya ay yaw siya nitong makita.

Well, she can't blame her after what happened to them. It is all of a sudden.

He admit that he felt guilty for her. He took her virginity that night in the bar  but it was an accident. She insists to have sex with him that time but still, he felt guilty about it.

Hindi pa siya ganun kalasing no'ng gabing iyon. He must have controlled himself that night but he didn't. Well, he's a guy after all.

Akala niya hindi na magtatagpo ang landas nila ng babae. Ang hindi niya inakala ay kaibiganan pala ito ng kapatid niya.

Kanina noong bigla itong nawala sa restaurant ay akala niya umalis na ito. Pero nang makita uli niya itong nakikipagbakbakan sa magnanakaw ay nakaramdaman siya ng paghanga sa dalaga. Hindi niya inakalang marunong pala itong makipaglaban.

She look very cool and charming.
But to tell the truth, he doesn't have any feelings towards her.

'Is is it because you still love your ex?'

Napabuntong-hininga na lang siya bago naisipang bumalik sa hotel. Actually, sa rest house ng kaibigan siya dapat manatili pero mas pinili niyang sa hotel na lang mag-stay. Saka na siguro siya lumipat sa rest house kapag nagkita na sila ng abogado ng kaniyang kaibigan.

Nang makabalik sa hotel ay tinahak niya ang daan papunta sa kaniyang unit. Pasado alas-diyes na rin ng gabi kaya naligo muna siya bago natulog. Magkikita pa sila ng kaibigan niya bukas.

Kinabuksan pumunta siya ng hospital upang bisitahin ang ina nh kaniyang kaibigan. Doon na rin kasi sila magkikita dahil hindi maiwan ng kaniyang kaibigan ang ina nito. Involved sa isang aksindente ang ina nito kaya nasa hospital ito ngayon. Pagdating sa hospital ay dumeretso na siya sa room ng pasiyente.

"Hey!" bati niya sa kaibigan nang makapasok siya sa loob.

Nakaupo lang ito sa sofa habang nakatingin sa inang mahimbing na natutulog. May benda ang ulo nito pati na rin ang binti na mukhang napuruhan talaga sa aksidente.

"Hey. You're here. I'm sorry for bothering you this time." Ani ng kaibigan sabay tayo at nakipag-fist bump sa kaniya.

"It's okay. How is she?" tanong niya nang makaupo sila sa sofa.

"She's stable now. But the doctor said, she's under temporary comatose. Mga ilang araw o linggo pa bago siya magigising." Napabuntong-hiningang sagot ng kaibigan.

He sighed.

Nakaramdam siya ng lungkot sa kalagayan ng ina nito. Malapit din kasi siya sa ina ng kaibigan, para na rin niya itong ina. Maasikaso at maalaga kasi ito tulad ng kaniyang ina.

"I'm glad that she's fine. By the way, what's your plan now?" mahinahong tanong niya rito.

Napasandal sa sofa ang kaibigan habang nakatingin pa rin sa ina nito. Kitang-kita niya na disidido itong hulihin at ipakulong ang sino man ang nasa likod nang aksidente.

He loved her mother so much.

"I want you to assist my lawyer about this incident. I can't leave my mom here. I want personally guard her in case someone wanted to harm my mother." Panimula nito.

Napatango lang siya sa sinabi nito. It won't be a problem for him to assist the lawyer. Alam na alam naman niya ang takbo ng buhay ng mag-ina since they are childhood friends.

"Sure. No problem with me as along as I can help you." He said.

"Thanks man," he thanked.

"Don't mention it." Aniya sa kaibigan.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap ng kaibigan. Actually, hindi naman na kailangan pang sabihin pa nito kung ano ang dapat niyang gagawin.

He's smart and had some experience about it. He once a police officer before he become an agriculturist engineering.

"By the way, when did the lawyer come here?" tanong niya.

"She came yesterday. Don't worry, I can assure that you can get along with her. She's the best lawyer in the Philippines," nakangiting tugon ng kaibigan.

"You mean, the lawyer was a girl?" nakunot-noong tanong niya.

"Yes. Wait, don't tell me you're still uncomfortable with girls after what happened between you and Halle?" nakataas kilay na tanong ng kaibigan.

Napaiwas siya ng tingin sa kaibigan. Alam kasi nitong hindi siya nakikipagsalamuha sa mga babae maliban sa kaniyang kapatid na may pagkalalaki rin kumilos.

Greggy new everything about him.

"Tsk. I am just being careful, Greg," depensa niya.

Mahinang natawa ang kaibigan sa kaniyang dahilan. "Really? Then what about that one night stand with a stranger in the bar?" nang-aasar na tanong nito.

Napamura siya sa isip dahil sa tanong nito. Nasabi niya kasi rito ang nangyari noon sa kanila ni Crayne. Nagsisi tuloy siya ngayon kung bakit pa niya sinabi rito ang nangyari.

Tsk!

"Tsk! I told you, she was drunk and I was a bit tipsy that night." Giit niya.

Napapailing na tinawanan lang siya nito. "Anyway, hindi mo pa rin ba nakilala ang babaeng yun? Still a stranger?" Pang-usisa nito.

Hindi niya kasi nasabi rito na nakita na niya ang babaeng iyon at kaibigan pa ng kapatid niya. Alam niya kasing tutuksuhin at aasarain lang uli siya nito.

At alam din niyang matutuwa ito para mabaling na sa iba ang kaniyang atensiyon kesa makulong sa nakaraan niya.

"She's not  a stranger now, Greg. She's my sister's best friend," imporma niya sa kaibigan.

"Oh, shit! What a small world, bud!" bulalas nito.

"Tsk! Cut the crap, Pantaleon, I am not interested with that woman." Malumay na saad niya na ikinatigil ni Greg.

Naningkit ang mga matang tiningnan siya nito. "Seryuso ka? But you took her virginity, right?"

"Yeah, I did. But I don't have plan to get along with her. She deserve someone else, someone who can love her." Napabuntong-hiningang lintaya niya.

"Psh! Ang sabihin mo, hindi ka pa rin naka-move-on kay Halle. Bud, it's been a year since my sister broke up with you." Paalala ng kaibigan. "You should've move-on and find someone else, bud. Give chance for yourself." Dagdag pa nito.

Hindi siya nakaimik dahil sa sinabi nito. Palagi siyang sinasabihin ng kaibigan but he can't do it. Alam naman niyang ayaw lang ni Greg na makulong siya sa nakaraan niya. Ayaw nitong patuloy siyang umaasa sa kapatid nito na may kasama ng iba.

Yes.

Greg and his ex were siblings. Actually, they are a childhood friends. Silang tatlo ay magakibigan na noon pa man maliban sa ibang mga kaibigan niya ngayon.

And Greggy knows everything about his feelings for his sister. Every detail about him.

"I'm still moving forward, bud. Hindi naman madaling kalimutan ang taong naging bahagi na ng buhay mo." Malumay na saad niya.

Nginiwian lang siya nito. Greg knows when to stop persuading him about the thing he couldn't forget.

His past meant everything to him.

Kinahapunan ay tinahak niya ang daan papunta sa penthouse ni Greg kung saan sila magkikita ng magiging lawyer ng kaibigan. Malapit lang din naman ang penthouse nito na nasa tabi lang ng dagat ilang kilometro ang layo mula sa hotel. Doon muna siya mananatili pansamantala habang ongoing pa ang kaso.

Nang makarating doon ay pumasok siya sa loob. Iginala niya ang paningin sa loob at mukhang wala pa ang lawyer na makakasama niya roon. Dumeretso na lang siya sa kuwartong gagamitin niya.

Dalawang kuwarto lang ang naroon. Ang isa ay ang kuwarto ni Greg kung saan gagamitin niya. Ang isa naman ay guest room kung saan gagamitin ng kaniyang magiging kasama niya sa penthouse ng kaibigan.

Matapos iayos ang kaniyang mga gamit ay naligo na muna siya. Malinis naman na ang penthouse dahil may caretaker na laging pumupunta roon araw-araw. Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na siya. Tanging ang bath towel lang ang nakabalot sa kaniyang katawan ng lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina.

Tumutulo pa ang ilang butil ng tubig mula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang maskuladong katawan. Bumalandra ang eight pack abs nito na talaga namang makakapaglaway sa kung sino mang makakakita niyon.

Nagsaing siya ng kanin sa rice cooker bago binuksan ang ref at may nakita siyang mga frozen meat, vegetables, fruits and desert. Imbes na meat ang kukunin niya ay dalawang itlog ang kaniyang kinuha.

He wanted to cook fried rice with egg.

"Are you––"

"Fvck!" malutong na mura niya sa gulat nang makarinig ng boses mula sa kaniyang likod.

Mabilis na umikot siya paharap sa may pinto nang hindi niya namamalayang unti-unting natanggal ang pagkakapulupot ng towel sa beywang niya.

"Oh my god!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni––

"Miss Cromwell?" nakakunot ang noong bulalas niya nang makita nag dalaga na nasa pinto.

Nakita ng dalawang mga mata niya kung paano nanlaki at namula ang mga pisngi nito habang nakatingin sa kaniya––sinundan niya kung saan ito nakatingin at...

"Holy shit!" malutong na mura niya nang makita ang pang-ibabang wala ng saplot.

"I wonder kung paano 'yan nagkasya sa 'kin noon." Tigalgal na bulong ng dalaga.

'Shit man!'

Mabilis na napatalikod siya sabay pulot ng towel at muling ibinalot sa kaniyang pang-ibaba upang takpan ang nag-uumigting niyang alaga. Parang nawalan ng dugo ang buo niyang katawan sa sobrang hiya sa dalaga.

'Fuck!'

Dahan-dahan siyang humarap uli sa dalaga na kagat-labing nakaiwas ng tingin sa kaniya. Namumula pa rin ang mga pisngi nito.

Peking napaubo siya para mawala ang awkward sa pagitan nila. "Ehem! So... why are you here?" aniya sa kalmado at mahinahong tinig.

Sumandal ito sa pinto at nasa sahig ang tingin nito. "Ako dapat ang nagtatanong n'on sa 'yo." Naiilang na tugon nito. "My client told me to stay here for the mean time instead of staying at the hotel while still working on the case investigation." Kalmadong dagdag pa nito.

Napakunot ang noong tinitigan niya ito. "You mean... the client you are referring yesterday is no other than Greggy Pantaleon?"

Napaangat na ito ng tingin sa kaniya. "Siya nga," aniya na may pagtataka. "So, Mr. Pantaleon was your friend?"

He nodded. "Ikaw pala ang tinutukoy niyang pinakamagaling na abodago," tatango-tangong lintaya niya.

Nagkibit-balikat lang ang dalaga at naglakad papunta sa ref at kumuha ng pitsil na naglalaman ng tubig. Nakasunod lang ang tingin niya sa bawat galaw. Base on his observation, she's not an ordinary lawyer.

She's squeal with capabilities and authority. The way she move and walk tells everyone that she's capable of doing and winning something.

"Staring is rude, Mr. Montejeros," may sakarsmo sa boses na sita nito.

He 'tsked' before he look away.

Niluto niya ang itlog at hotdog at ng maluto ang kanin ay nag fried rice siya. Si Crayne naman ay lumabas at hindi niya alam kung nasaan ito.

Nang matapos magluto ay lumabas siya ng kusina para magpalit na muna ng damit. Hindi niya nakita ang dalaga kaya napatingin siya sa kabilang kuwarto bago pumasok sa kaniyang silid.

Nagpalit lang siya ng simpleng white sando at black short above the knee. Pagkatapos ay lumabas at saktong bumukas din ang pinto sa katabing kuwarto. Napaiwas siya ng tingin nang makitang naka-loose shirt at maikling short lang ang dalaga.

"Puwede makikain sa niluto mo? Wala pa akong lunch, eh." Rinig niyang tanong nito.

"Okay," tanging naisagot niya at naunang naglakad papunta sa kusina.

Agad na naghain siya sa mesa. Ang dalaga naman ang kumuha ng pinggan bago naupo at ganun din siya.

"Let's eat." Kaswal na aya wika niya bago nagsalin ng fried rice sa kaniyang pinggan.

Napatingin pa siya sa dalaga nang mapansin niya itong natigilan matapos sumubo.

"Is it tasteless or salty?" tanong niya rito.

"Delicious," mailing sagot nito at nagpatuloy sa pagkain.

Mukhang naiilang pa rin ito sa kaniya. Well, he can't blame her. Hindi na siya magtataka kung hindi siya papansinin nito dahil sa mga nasabi niya rito noon. He's aware about what happened between them.

'I just take the initiative to lessen the pain that might 'cause her if I didn't say it frankly.'

Aniya sa isip at nagpatuloy na lang din siya sa kaniyang pagkain. Pareho lang silang tahimik at tanging ang mga tunog ng mga kubiyertos ang maririnig. Nang matapos ay kaniya-kaniya sila nang hugas ng pinagkainan. Siya ang unang natapos kaya sa sala na muna siya nagpahinga habang nanonood ng palabas sa tv.

Napalingon siya sa kusina nang marinig na may kausap ang dalaga sa cellphone. Muling itinuon na lang miya ang atensiyon sa pinapanood hanggang sa tumunog naman ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng suot niyang short.

It was a text messages from Greg.

Napabuntong-hininga na lang siya matapos basahin ang text nito. Matapos mag reply ay akmang ibaba ang hawak na cellphone nang mapatingin siya sa kaniyang wallpaper.

A pang of pain and sadness as well as bereavement in his heart overflows. He admit that ntil now, he still longing for her.

"You miss her?" a tremulous voice from his back.

Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin kung sino iyon. Wala naman siyang ibang kasama roon maliban sa dalaga.

"What will you do if I said 'yes, I miss her?" he replied with a throaty voice.

"Even if she hurt and left you?" bagkus ay saad nito.

Hindi siya nakapagsalita at napahigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone.

"She left you just to be with someone else yet, you miss and love her that much." Patuloy nito, "I envy her." Dagdag pa nito bago naglakad paalis.

Napapikit na lang siya saka nagbuga ng hangin. "It's not easy to let go of someone you love." Mariing bulong niya bago pa man ito tuluyang makalayo sa sala.

"So I am." He heard her murmured.

Napamulat siya ng mata at napatingin sa gawi nito. Nakatingin na ito sa kaniya nang may lungkot sa mga mata. She look at him directly to his eyes.

"It's not easy for me to let you go. You're the only man who made me fall in love for the first time of life."  She said before she finally left and entered her room.

Naiwan siyang nakatingin lang sa pinto ng silid nito habang nanatiling nakaupo sa sopa. Hindi siya alam kung maniniwala siya sa sinabi ng dalaga.

Napaling na napabuntong-hininga siya bago pinatay ang tv. Sa pagkakaalam niya ay marami nang napaiyak at naging boyfriend ang dalaga.

She's too playful girl to believe. He is her first love? It's hard to believe.

She's a playgirl and a playgirl like her would be hard for him to believe with.





A/N: Finally! May update na rin ang isang 'to. Napag-iwanan ko na sa dami ng sinusulat ko. Idagdag mo pa ang acads. But anyway, worth it naman. I maintained my position as a top 2 student.🥰




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top