chapter V

Nag-impaki ng gamit si Crayne pagkatapos niyang lumabas sa study room ni Yohan. Namamaga ang mga mata nitong isinilid sa maleta nito ang lahat ng gamit niya. Hindi niya alam kung bakit parang nasasaktan siya ng tudo na akala mo may label sila ng binata. Ang tanging alam niya lang ay nasasaktan siya. Nakakaramdam siya ng kirot sa puso niya. Dinaig pa niyang isang girlfriend na niloko ng nobyo. Where infact wala namang namamagitan sa kanila ng binata bukod noong gabing nawala ang pagiging birhen niya.

'Truth hurts.'

Nang matapos mag-impaki't magbihis ay mabilis na lumabas siya ng kuwarto. Hila-hila ang maletang bumaba suya ng hagdanan dahilan para mapatingin sa kaniya ang mga kaibigan niyang nakaupo sa sala.

Nagtatanong na nakatingin ang mga ito sa kaniya. Si Jessie na napatayo pa, si Yeona na nabitawan ang cupcake na hawak nito at tumakbo palapit sa kaniya.

"What happened to you?" Nagtataka at may pag-aalalang tanong ni Jessie.

"Crayne, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ng pinsan niyang si Yeona.

"Bakit namamaga ang mga mata mo?" Tanong naman ni Lareina.

"Bakit dala mo 'yang maleta mo?" Takang tanong naman ni Lana.

"Uuwi ka na?" Salubong ang kilay na tanong ni Ellara.

Napahinga siya ng malalim at humarap sa mga ito. She need to lie again. Alam niyang mag-aalala aang mga ito kapag hindi siya magsasalita.

"I'm fine. Pinapauwi ako ni Mom kaya mauuna na ako sa inyo." Tipid ang ngiting sabi niya sa mga ito.

Hindi niya pinahalatang nagsinungaling lang siya. She's good on hiding her real feelings anyway. Pero mukhang hindi siya makakakusot sa bawat titig ni Jessie sa kaniya.

Halatang pilit nitong inaalam ang nasa isip niya kaya nginitian niya na lang ang kaibigan.

"You are not lying, don't you?" Nanunuring tanong pa nito.

Napaiwas siya ng tingin sa kaibigan. Pinaningkitan din siya ng tingin ni Lareina, samantalang napangiwi naman si Lana at naiiling naman si Yeona at Ellara.

"Basted ka 'no?" Nakataas kilay na tanong ni Lareina.

Sinamaan niya lang ng tingin ang kaibigan at nilampasan ang mga ito. Narinig pa niyang tinatawag siya ng nga ito pero hindi na siya lumingon pa.

Hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng main door. Nilakad niya ang distansiya ng gate mula sa mansion. Bago pa man siya makalabas ng gate ay muli siyang lumingon sa mansion.

Nakita niya ang binata na nakatayo sa may terrace at nakatingin sa kaniya. Mapaklang ngumiti na lang siya saka tuluyang lumabas ng gate.

"Saan po kayo, Ma'am?" Magalang na tanong ng mamang lumapit sa kaniya.

"Sa sakayan, Manong," sagot niya.

Tumango naman ang mama at iginiya siya paakyat sa kalesa nito. Sa sakayan na lang siya magpapahatid,  nag-text naman na siya sa family driver nila na magpapasundo siya ngayon.

Sa bahay ng magulang niya na lang muna siya uuwi. Alam niyang kukulitin lang siya ng mga kaibigan kapag manatili siya sa condo niya. Narinig niyang tumunog ang cellphone niya pero hindi siya nag-abalang tingnan iyon. Malungkot na nakatingin lang siya sa labas ng kalesa habang may malalim na iniisip.

***

Ilang araw nang nagkukulong sa kuwarto si Crayne mula ng umuwi siya galing sa Vigan. Nakauwi na rin ang mga kaibigan niya dahil panay ang bisita ng mga ito sa bahay ng mga magulang niya. Tulad na lang ngayon ay napakaingay ng mga ito sa labas ng kuwarto niya. Inis na kinuha niya ang unan at itinakip sa tainga niya. Naririndi na siya sa ingay ng mga ito na panay ang bangayan at katok sa pintuan niya.

"Shit!" Mahinang mura niya at nagtalukbong ng kumot.

Ipinikit niya ang mga mata pero nagmulat din naman agad siya. Ang mukha kasi ni Yohan ang nakikita niya sa balintataw niya.

For the past few days, she wanted to forget him but it ends up in vain.

Hindi siya nagtagumpay na alisin sa isipan niya ang binata. The more she force herself to forget him, the more he appeared in his mind.

Halos wala siyang maayos na tulog sa mga ilang araw na nagdaan. Wala rin siyang ganang kumain. Kahit mag-open man lang ng social medya ay hindi niya ginawa. Tanging ang malaking flat screen tv lang ang pinagdidiskitahan niya.

Wala na rin siyang balita sa binata.

Nagpakawala na lang siya ng isang malalim na buntong-hininga bago inalis ang unan at kumot sa katawan niya. Bumaba siya ng kama at napatingin sa pinto ng kuwarto niya. Wala na siyang narinig na ingay mula sa labas na ikinahinga niya ng maluwag.

Pumasok siya sa banyo para maligo. Hinubad niya lahat ng saplot niya sa katawan bago lumusob sa bathtub na nilagyan niya ng petals. Hinayaan niya ang sariling lumubog sa bathtub ng ilang minuto. Ilang beses niyang paulit-ulit na ginawa iyon para lang mawala sa isip niya ang binata.

Until she heard some noise that seems panicking. Hindi niya iyon pinansin at mas inilubog ang sarili sa bathtub. Ini-relax niya ang sarili at hindi siya gumalaw na animo'y ninanamnam niya ang paglubog sa bathtub.

She was savouring the moment when someone's interrupt.

Biglang may lumusong sa bathtub niya, at walang pasabing binalutan siya nito ng kung ano bago binuhat paalis sa tub na ikinamulat niya ng mata.

"Who the hell are you––Yohan?!" Gulat na bulalas niya sa pangalan ng binata.

May pag-aalala sa mga mata nito kahit pa man madilim ang mukha nito.

"Bakit nandito ka?" Gulat pa ring tanong niya.

Pero imbes na sagutin ay ibinaba siya ng binata sa ibabaw ng lababo sa harap ng salamin, at mataman siyang tinitigan nito.

Napalunok siya ng wala sa oras bago nag-iwas ng tingin sa binata. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya na animo'y may nagkarerang mga kabayo sa loob niya.

'Sheesssh! What happened to me?'

Kagat-labing tanong niya sa isip. Hindi siya mapakali na ewan. It's been a few days since the last time he saw him. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang itong nandito ngayon sa harap niya. Worst, sa banyo pa niya at sila lang dalawa. On the second thought, hubad pa siya kundi lang dahil sa towel na nakabalot sa katawan niya.

'Sheess!'

"What the fvck are you doing?" Seryuso ngunit may diin sa tonong tanong ng binata.

Mabilis na napalingon siya rito. Salubong ang mga kilay niya habang nagtatakang nakatingin sa binata.

"Doing what?" Naguguluhang tanong niya. "Di ba dapat ako ang nagtanong kung bakit ka nandito?" Dugtong pa niya.

Hindi man lang umiwas ng tingin ang binata. Seryusong-seryuso ito na animo'y may nagawa siyang hindi naaayon sa gusto nito.

"Jessie called me to come here. She told me about what happened to you," halatang pilit pinapakalma ang sariling wika ng binata.

"Bakit? Ano ba'ng nangyare sa akin?" Malumay na tanong niya.

Napapikit ang binata na animo'y nahihibang na siya sa tanong niya. Kapagkuwan ay nagmulat ito saka nagsalita.

"You fvcking locked yourself here for pete's sake!" He answered. "You even tend to drown yourself!"

Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig dito. Kung maka-react ito akala mo ay concern na concern ito sa kaniya. Na para ba'ng mahalaga siya rito at ayaw nitong mapa'no siya.

"Ano ba'ng paki mo kung ikukulong ko ang sarili ko? Ano ba'ng paki mo kung lulunurin ko ang sarili ko? You don't like me, remember? So stop acting like you care!?" Garalagal ang boses na sigaw niya.

"Damn, woman..." hindi malaman ang sasabihing mura nito.

Inis na itinulak niya ito palayo sa kaniya, bumaba siya sa lababo at dinuro ang binata.

"Huwag kang umakto na para bang concern ka sa akin, where in fact you're not." Malumay na sabi niya bago ito tinalikuran.

Pero hindi pa siya nakakahakbang ng tatlong hakbang ay nahawakan na ng binata ang kamay. Awtomatikong napatigil siya sa ginawa nito. Her heart beat so fast again and again because of the electricity flows through her veins. Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil mas lumakas na naman ang kabog ng puso niya.

"I do care, Miss Cromwell," mahinahon na ang boses na wika nito.

Muli niya itong hinarap at mataman itong tiningnan. Hindi ito makatingin sa kaniya.

"You do care because you are guilty, thought that you're the reason why I became like this." Mapait na sabi niya.

"I'm sorry." He pleased.

"Stop saying, 'sorry.' Sorry is not a medicine to ease the pain of my brokenheart." Deretsong sabi niya bago ito iniwan.

Bumalik siya sa pagkakalubog sa bathtub sabay pikit ng mga mata niya para ikalma ang sarili.

"I don't mean to be the reason of your heartbreak, Miss Cromwell. Just find a better man who deserve you, not me." Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng binata bago bumukas-sara ang pinto ng banyo.

"How could I find someone if you're the only man that I fall in love with in a short period of time."
Nanikip ang dibdib na bulong niya bago tuluyang nawala ang binata.

Tumingila siya sa taas upang pigilan ang luha niyang nagbabadyang pumatak. She bite her lower lip to calm herself and be cool.

Tinapos na lang niya ang pagligo bago lumabas at nagbihis. Pagkatapos ay huarap siya sa malaking salamin at tinitigan ang sarili. Napangiwi siya ng makitang mukha niyang dugyot. There's a hint of circles under her eyes, her face really looks like a heartbroken woman.

Ngayon lang niya naramdaman ang pakiramdan ng ni-reject at inayawan ng isang taong gusto mo. Siguro, mas malala pa sa naramdaman niya ang naramdaman ng mga lalaking binasted at hiniwalayan niya, o inayawan niya.

'Is this my carma?'

Psh!

***

HINIHINGAL na tumakbo si Crayne habang nakadikit ang mobile phone nito sa kaliwang braso niya. Samantalang nakasalampak naman ang headphones sa magkabilang tainga nito. Ang isang kanang kamay niya ay may hawak na tumbler ng tubig. Pawis na pawis ito habang nakasuot lamang ng sando na itim at leggings. It covers the curve of her sexy body which makes any man salivating in just one glance.

Nang makaramdam ng pago ay huminto siya at naupo sa bench na nakita niya sa ilalim ng isang punong narra. Nagjo-jogging kasi siya malapit sa park na hindi naman kalayuan mula sa mansion ng mga magulang niya.

It's been days since Yohan came to her parents house. She's just cooling down herself to have a peace of mind.

Lintik kasing Yohan Montejeros at nereject siya. Inayawan ang kagandahan niya kubg saan ito lang ang gumawa. Ang binata lang ata ang hindi matatablan ng karisma niya.

"Tsk! I'm such a great beautiful woman for you to reject me." Bulong niya sa kawalan bago uminom ng tubig.

"Yes, you are." Biglang sabi ng isang malalim na boses lalaki sabay upo sa tabi niya.

Awtomatikong napalingon siya rito. Halos malaglag ang panga niya ng makita kung sino ang katabi niya. Napakurap-kurap pa siya sabay sundot sa pisngi ng binata, para lang siguraduhing hindi siya nananaginip lamang.

"Satisfied?" Nakangiting tanong ng binata.

"Chrys?" Gulat na tanong niya.

Nakasuot din ito ng pang jogging na outfit at may headset at towel na nakasabit sa leeg nito.

"The one and only your sweetheart." Natatawang sabi ng binata.

He is Chrysander Powell, the one and only her boy best friend since childhood.

Ang lalaking kinaiinisan at kinasusuklaman ng dakilang man-hater niyang kaibigan na si Lareina. Parang aso't pusa kapag nagkasama o nagkita ang dalawa.

Ang huling balita niya ay nangibang bansa ito dahil siya na ang nagma-manage ng family business nila.

"I miss you!" Magiliw na sambit niya sabay yakap sa kaibigan.

Natatawang niyakap din naman siya ng binata pagkatapos ay lumayo ito ng kunti sa kaniya.

"So how's my sweety?" Nakangising tanong nito.

Napanguso siya na parang bata bago umayos ng upo. Sinabi niya rito ang lahat ng nangyare sa kaniya sa mga nagdaang araw, maliban na lang sa bagay na wala na ang pagiging birhen niya.

"I am a fvcking heartbroken, sweety." Parang batang sumbong niya sabay sandal sa dibdib ng binata.

Ganiyan sila ka-close sa isa't isa. Minsan ay nagsusubuan o kaya ay tabi silang matulog. Lahat yun ay walang malisya sa kanilang dalawa. Pero minsan napagkakamalan silang couple na pareho naman nilang ikinapandidiri sa isa't isa. Para na kasing tunay na magkapatid ang turing nila sa isa't isa noon pa man.

"I know," natatawa na namang anas ng binata. "Kahapon ko pa nalaman kasi sinabi sa akin ni Yeona ang nangyare sa'yo." He added.

Agad na nag-react siya sa sinabi ng binata. 'Ang babaeng iyon talaga, lagi na lang akong inuunahan.' Sarap busalan ng bibig, eh.

"Ang babaeng yun talaga," nakangiwing wika niya.

Nginitian lang siya ng binata bago tumingin sa malayo.

"Oo nga pala, kailan ka pa nakauwi?" Tanong niya sa kaibigan.

"The day before yesterday." He answered.

Napatango siya sa sagot nito. Nag-uusap lamang silang dalawa at kung saan-saan pa napunta ang mga topic nila habang nagtatawanan. Ni hindi nila napansin ang mga teenagers na kanina pa kumukuha ng litrato nilang dalawa. Kung hindi pa niya narinig ang tili ng mga ito na animo'y kinikilig sa kanila bago umalis ay hindi sila matatauhan.

Nagkatinginan pa silang dalawa at sabay na humagalpak ng tawa. She's pretty sure na napagkakamalan na naman silang couple.

Hanggang sa naisipan nilang umuwi. Niyaya niya ang binata na dumaan na muna sa bahay ng mga magulang para mag-snacks. Labis ang tuwa ng mga magulang niya ng makita ito. Close na close rin kasi ito sa magulang niya.

They are sister's and brother's anyway, not by blood but by the heart.

***

The following days, Crayne became more busy with her clients. She's back with being a serious and cunning attorney as what she used to be. She's been staying at her family's law firm to study a lot of case. She has her own set of house unit inside the firm, so that she can stay their as long as she wants. Kapag kasi marami na siyang hinahawakang kaso ay doon na siya lagi matutulog at hindi nagpapaisturbo kahit kanino. Tanging ang assistant secretary lang nito ang nakakausap at pinagkakatiwalaan niya sa firm. She has a trust issues so that she can't trust anyone than her assistant secretary... well, except herself though.

*Knock! Knock! Knock!

Tatlong malakas na katok mula sa labas ng pinto ng office niya. Alam niyang ang assistant secretary niya iyon kaya napatingin siya sa pinto.

"Attorney Cromwell, we have a new clients!" Rinig niyang imporma ng assistant niya.

Napahilot siya ng sintido sabay sandal sa swivel chair niya habang inikot-ikot ang ballpen sa daliri nito. Binigyan niya ito ng permisyon na pumasok sa loob ng opisina niya. Nang makapasok ay inabot sa kaniya ng assistant ang mga dokumentong hawak nito.

"Spill it out." Kalmado ang boses na utos niya sabay tingin sa mga dokumento.

Ibang-iba siya kapag nasa trabaho niya. Ayaw na ayaw niya kasing magkamali o magiging palpak ang trabaho niya. Siya rin kasi ang inheritance ng Cromwell's firm. One of her rule is to make her responsibilities well to satisfied her client's need and satisfaction.

Ayaw na ayaw rin niyang may pumasok sa office niya, kaya hanggang sa labas lang ang kliyente maliban sa assistant niya. Pero minsan nakakapasok lang ang assistant niya tuwing may mga importanteng dokumento itong ibibigay sa kaniya, o kaya naman ay mga papeles na kinakailangan niya, tulad ngayon.

Ini-scan niya ng isang beses ang bawat papeles habang nagsasalita ang nasa harap niya.

"Their name is Miss Amalia and Kristina Dizon, their case is all about their father's death and last will testaments." Paglalahad nito sa katauhan ng kliyente nila.

Nagpatuloy siya sa pagtingin ng mga papeles. Napataas agad ang kilay niya ng mabasa ang family background and information ng dalawang magkapatid.

"Start with the death of the clients's father," Seryusong aniya.

"According to Miss Kristina's point of view, her father died because of heart attack.  When they went out accompanied by her mother, Mrs. Dizon, her father left home with Miss Amalia then, it was also the time that their father make a last will and testaments." Mahabang paliwanag ng assistant niya.

Huminto siya sa pagbasa ng may makakuha ng attention niya sa mga sinabi ng assistant niya. Mukhang may hint na siya kahit hindi pa natapos sa pagpapaliwanag ang assistant niya.

Napasandal siya sa upuan sabay tingala sa kisame habang nilalaro na naman ang hawak na ballpen at kinakalkula sa isip niya ang lahat ng sinabi ng assistant niya at ng mga nabasa't nakita niya sa mga dokumento.

"But on Miss Amalia's point of view, their father is in good health, how come her father end up in a heart attack. According to her, she was serving a tea to her father inside of his office, and then, she leave to cook their lunch. After that, she went to his father but she found out that he's already lifeless. So, Miss Katrina and Mrs. Dizon including the police suspected Miss Amalia because she was with her father that time." May simpatya sa boses na paliwanag ng assistant niya.

Napatango siya bago umayos ng upo at pinakititigan ang mga nasa table niya. There's something wrong with the case.

If Miss Amalia is the suspect, why would she need to come here with Miss Katrina to know the truth?

"Does these two sisters is in good terms?" She asked seriously.

"I don't think so," the assistant answered.

"How about the mother?" She asked again.

"Base on my observation, Miss Kristina and Mrs. Dizon are sweet to Miss Amalia in action but their eyes tells different." Pormal na sagot ng assistant niya.

She smirk.

"There's a foul play," she said like she was really sure of it.

_____
A/N: Ayan! Tama na muna sa iyakan, sa pautakan at solving case naman tayo.🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top