Chapter IV

NAKAPANGALUMBABA si Crayne sa harap ng hapagkainan habang tinitigan ang sugat nito sa kamay niya. Kahapon pa siya nakalabas ng hospital kahit na hindi siya pinayagan ng doctor ay nagpupumilit siyang magpa-discharge. Ayaw na ayaw kasi niyang manatili sa hospital kahit noon pa man. Pakiramdam kasi niya ay mas magkakasakit pa siya kapag nanatili sa hospital.

"Stop doing that," rinig niyang boses mula sa likuran niya.

Paglingon niya ay nakita niya si Yohan na nakasandal sa pinto habang nakapamulsang nakatingin sa kaniya.

"Doing what?" takang tanong niya.

"Tsk! Nasa hapagkainan ka tapos nangangalumbaba ka sa harap ng mga pagkain." Napapailing na sabi ng binata.

Napairap siya sa ere at umayos ng upo. Masyadong napakapormal ng binata. Well, it make her turn on even more.

Tuluyang pumasok si Yohan at nagtimpla ng kape. Pagkatapos ay kumuha ito ng cookies bago naupo sa pinakadulong upuan. Titig na titig lang siya rito habang kumakain ito. Naalala na naman niya ang nabasag na mug kahapon lalo na ang nakalagay sa mug.

"Staring is rude, Miss Cromwell," sita sa kaniya ng binata.

Napaiwas siya ng tingin saka tumikhim. Gusto niyang humingi ng patawad sa aksidenteng pagkabasag niya sa paborito nitong mug kahapon pero may pagdadalawang isip siya.

'Just say it.'

Anang isip niya kaya napakagat-labi siya bago uli tumingin sa binata.

"A-ahm..." alanganing anas niya.

"You want to say something?" pormal na tanong ni Yohan.

"Tungkol sa nangyare kahapon," aniya, "sorry kung nabasag ko ang mug mo." Mahinang sabi niya.

Nakita niya itong natigilan sa akmang pagkagat ng cookies at napatingin sa kaniya ng seryuso.

'Oh shit!'

"G-galit ka pa rin ba?" kinakabahang tanong niya.

'Shit!'

This is her first time she became stutter while talking to a man.

Palagi kasi siyang maangas at deretsong magsalita tuwing may mga lalaking kumakausap sa kaniya. O kaya naman ay gustong manligaw sa kaniya.

"I thought you never say sorry to a man?" bahagyang nakataas ang isang kilay na tanong nito.

Natigilan naman siya sa sinabi nito. Well... it's true. Pero saan naman niya nalamang––

"Jessie told me," biglang sagot nito sa katanangunang nasa isip niya.

Gulat na napatingin siya sa binata. Paano nitong nalaman na iyon ang nasa isip niya.

"Paano mo nalamang––"

"Tsk! I can read your mind through your eyes." Pigil nito sa kaniya.

Namangha siya sa kaalamang nakakabasa ito ng laman ng isip niya. Bagay na mas nagpapa-impres sa kaniya. Abah! Kakaiba naman pala ang lalaking nasa harap niya.

"Just forget you broke it." Kapagkuwan ay sabi ng binata at tinapos ang pag-inom nito ng kape.

Tumayo ito at inilagay sa sink ang ginamit nitong baso pagkatapos ay tumalikod.

"Teka! Hindi ka magbre-breakfast? Ako pa naman nagluto ng lahat ng 'to." Aniya habang nakatingin sa likod nito.

Tumigil sa paghakbang ang binata sabay lingon sa kaniya. Napaawang ang labi niya dahil ang hot nitong tingnan sa postura nito.

"You cook even if you have wound on your hand?" salubong ang kilay na tanong nito.

'Nag-alala ba siya?'

Napangiti siya sa naisip niya. "Yep. Maliit lang naman ang sugat sa kamay ko, eh. Besides, I cook all of these thought that you like it." Nakangiting sabi niya sabay kindat sa binata.

Napabuntong-hininga na lang ang ito na animo'y hindi tinablan sa pagkindat niya. Abah! Mukhang wala siyang ka-charm2x sa binata. Kung iba pa yun kanina malamang lumapit na ito sa kaniya.

Psh!

"Tsk! I'm already full. You can eat if you want and after you ate, come to my study room." Malumay na sabi nito bago uli tumalikod at tuluyang lumabas ng kusina.

Napangiwi na lang siya sabay tingin sa mga pagkaing niluto niya. Maaga kasi siyang nagising kanina, kaya naisipan niyang magluto na lang. Ang mga kaibigan naman niya ay tulog mantika pa rin dahil nag movie marathon ang mga ito kagabi.

Kumain na lang siya dahil susunod pa siya sa binata. She wonder why he wants her to go to his study room. Nang matapos kumain ay tinakpan niya ang ibang pagkain pagkatapos ay nagligpit bago naghugas.

Iniiwasan niya lang na mabasa ng tubig ang sugat niya.

"Oh? Himala naman atang naghugas ka ng pinagkainan mo?" biglang sulpot ni Yeona sa kusina.

"Tsk! Bawal?" nakangiwing balik tanong niya.

"Hindi naman, nahihiwagaan lang ako sa 'yo these past few days, eh." May panunuring tanong ng pinsan niya.

Nagpunas siya ng kamay at akmang magsasalita nang pumasok si Ellara na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Ang sabihin mo kasi, nagpapa-impres ka kay Yohan," nang-aasar na wika ng kaibigan.

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan pero tinawanan lang siya nito. Samantalang si Yeona ay lumingon sa kaniya ng may nagtatanong na tingin.

"May gusto ka talaga kay Yohan?" naniniguradong tanong ng pinsan.

Hindi siya nakaimik sa tanong nito. Hindi niya alam kung paano sagutin ang tanong ng pinsan. Well, madali lang naman sagutin iyon pero hindi niya masabi kung ano man ang sagot niya sa katanungan nito.

"Silence means yes," sabat ni Lana na kakapasok pa lang.

"Wala na siya sa stage na liking, nasa stage na siya ng falling." Nanunuksong wika pa ni Ellara.

Hindi siya nakaimik dahil kahit 'di niya aminin sa sarili, alam niyang totoo ang sinabi ng kaibigan.

"Psh! Tapos ang ending iiyak lang din naman." Gatong ni Lareina na may hawak na cellphone kasunod ni Lana.

Napangiwi silang lahat dahil sa ka-bitter-an ng kaibigan nila. Umaandar na naman ang pagiging man-hater nito.

"Spare us for being a man-hater, Lar," nakangiwing sabi ni Ellara.

Tinaasan lang sila ng gitnang daliri ni Lareina bago ito naupo at naunang kumain. Napapailing na lang siya at iniwan ang mga ito sa kusina. Umakyat siya sa taas at nakasalubong niya sa hagdanan si Jessie na nakapamulsa habang sabog ang buhok nito.

"Magsuklay ka nga," natatawang sabi niya.

"Tsk! Hinihintay ka ni Kuya sa study room niya." Saad ng kaibigan at nilagpasan siya. "When you open the door, watch out." Babala ng kaibigan.

Nagkibit-balikat na lang siya bago tuluyang umakyat sa taas. Dumeretso siya sa study room ng binata. Akmang kakatok siya ng biglang may umilaw sa gilid ng pinto. Napanganga siya ng makita ang communication device na nakadikit doon. Parang kasinlaki lang ng android phone.

Ang hightech naman lala ng mansion na ito. Akala niya ay pure Spanish style lang ito.

Takang inilapit niya ang mukha roon upang basahin ang mga lumitaw na salita sa screen niyin. May limang salita lamang ang nakasulat sa screen.

'Don't knock, just come in and watch out.'

Basa niya sa isang sentence na may limang salita at thirty letters na ikinangiwi niya. Bakit may paganito pa'ng nalalaman ang lalaking 'yon.

'Interesting, huh!'

Inayos niya muna ang suot niya bago hinawakan ang siradura at pinihit pabukas ang pinto. Imbes na sumalubong sa kaniya ang maliwanag na silid ay isang madilim na silid ang bumulaga sa kaniya.

'Bakit ang dilim?'

Tanong niya sa isip dahil wala siyang makita bukod sa pintong hawak niya ang siradura. Napalunok pa siya sa takot.

She dark traumatic experience.

"Yohan?" tawag niya sa binata.

Bahagyang nanginig pa ang mga tuhod niya sa kaba dahil sa dilim. Nang wala siyang marinig ay pumihit siya palabas ngunit may biglang humila sa kaniya papasok sa loob na ikinasigaw niya.

"Ahh!" malakas na sigaw niya at pinagsusuntok ang humila sa kaniya.

Narinig niya ang malutong na mura nito pero nakapikit na sumisigaw lang siya. Malay niya bang kung anong meron sa loob ng silid at napakadilim. Bukod sa takot siya sa dugo ay takot din siya sa dilim.

'Shit! Not again!'

Nilabanan niya ang panginginig lalo na nang mabitawan siya ng taong humila sa kaniya.

"W-why the hell is so dark? Shit." Hindi mapakaling sigaw niya.

Nakasagi pa siya ng kung ano at nakarinig siya nang pagkabasag na ikinasigaw na naman niya sa takot.

"Yohan! W-where the hell are you?" nangangapang sigaw na naman niya.

Walang sumagot sa kaniya at bagkus ay may biglang naglagay ng kung ano sa mukha niya. Mabilis na kinapa niya iyon at isang eye glasses ang nahawakan niya dahilan para matigilan siya habang nakapikit pa rin.

"Stop moving and open your eyes." Rinig niyang boses ni Yohan.

Imbes na sundin niya ito ay mabilis na kinapa niya ang binata at yumakap ng mahigpit dito. Hindi niya pinansin ang naging reaksiyon nito dahil nanginginig na pa rin ng todo ang katawan niya sa takot.

Bukod sa magulang at ibang relatives nila ay ang binata pa ang napapakitaan niya ng takot sa dugo at dilim.

"H-hey! What are you doing?" halatang hindi kompartble'ng tanong ng bibata. "Why are you shaking?" dagdag pa nito.

"T-takot ako sa dilim," nahihirapang humingang sagot niya.

"What? Fvck!" malutong na mura ng binata sa malalim na boses at pinaupo siya sa tingin niyang isang upuan. "Open your eyes," utos nito sa kaniya.

Nanginginig ang labing umiling siya pero pinilit siya nito.

"A-ayaw ko, ang dilim, eh." Nagsisimula nang manubig ang matang bulong niya.

Naramdaman niya ang mainit na palad nitong lumapat sa kaniyang pisngi. Sa sandaling iyon ay parang kumalma ang sistema niya. Parang isang mahiwaga ang mainit na palad nitong dumapo sa kaniyang pisngi dahilan para kumalma siya.

"Calm down, okay? Just open your eyes so that you can see." Mahinahon at masuyong bulong nito sa kaniya.

Pakiramdam niya ay hinaplos ang puso niya dahil sa ginawa ng binata. She felt warmth inside. Hindi niya alam kung bakit pero agad na sumunod siya sa sinabi nito. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at doon niya lang nakita ang guwapong mukha ng binata.

She can clearly saw his handsome face. She wonder if it is because of the eye glasse she wore.

"Yes. It is because of the special glasses you wore so that you can see clearly now." Sagot ng binata sa katanungang nasa isip niya lamang.

His voice were deep and dark while looking at her.

"Ah," tanging lumabas sa bibig niya.

Parang sandaling nawala siya sa sarili, eh. Wala kasing suot na glasses ang binata kaya paanong nakakita ito sa dilim.

"I wore a clear night vision contact lenses so, my vision were perfectly clear when it's dark." Anas ng binata bago siya nito tinalikuran.

Napatango siya sa sinabi nito. Kaya pala biglang nag-iba ang kulay ng mata nito kesa kanina.

"Wait, anong tawag ng glasses na suot ko? Bakit parang normal lang na maliwanag tulad ng sa labas?" Curious na tanong niya.

"It's a clear night vision glasses, same with my contact lenses." Kaswal na sagot nito.

Nakita niyang pumasok sa isang kakaibang pinto ang binata, kaya iginala na lang niya sa buong silid ang paningin niya. Napa 'O' ang bibig niya ng makitang napakaganda ng study room.

Nakahelera at nakaayos ang lahat ng libro, mula sa maliit hanggang sa malalaki. By color din iyon. Separate ang libro na pang agriculture sa mga librong tulad ng novel books, international books of laws, psychological books, historical books, political books, philosophical books, biology at iba pa.

Sa may kabilang shelve ay puro tungkol sa mga agriculture tulad ng botany books na alam niyang tungkol sa study of plants.

Mukhang napaka-philosophical ng binata. Mala spanish rin ang style ng silid at tanging pinaghalong tsukolate't krema at puti ang kulay ng silid. Pinaninindigan ata nila ang pagiging Vigan City na Spain version ng Pilipinas.

Malalaki rin ang mga kurtina na nasa window at sliding door. Napalibutan ng kurtina na kulay itim ang buong silid. Mukhang sinadya talagang ilagay roon para mas lalong dumilim ang silid.

Naglakad-lakad siya habang tumitingin sa mga gamit na naroon, ngunit nakuha ng atensiyon niya ang isang standy frame na nasa study table. Lumapit siya roon at kinuha ang frame. Pinakatitigan niya ito at nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang looban.

It was Yohan's pic with a beautiful woman beside him. They were both smiling but the girl's eyes were unreadable. She seems force herself to smile. While Yohan's face and eyes tells the word of love and happiness.

"Siya ba ang tinutukoy nilang dating girlfriend ni Yohan?" mahinang tanong niya sa sarili.

Ayaw man niyang aminin pero nakaramdam siya ng panibugho sa babae. Maganda nga ito at napaka-elegante tingnan. Bagay na bagay rin silang dalawa sa isa't isa.

Kung itatabi silang dalawa ng babae ay masasabi niyang mas angat ang kagandahan nito kesa sa kaniya. She looks good and perfect to be true.
Kaya siguro nasabi ng mga babaeng narinig niya sa cr noong nakaraan na mukhang hindi pa naka-move on si Yohan kasi talagang mahirap bitiwan ang ganoong kagandang babae.

Nanliit tuloy siya sa sarili niya. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nanliit sa sarili. Mataas kasi ang tingin niya sa sarili lalo na kapag nagkakandarapa sa kaniya ang mga bibigating lalaking gustong manligaw sa kaniya.

'Ang suwerte naman niya.'

Aniya sa isip habang tinitigan ang babae. Wala sa sarioing tiningnan niya ang likod ng frame at nay nakita siyang nakasulat doon.

'Yohan ❤️ Ayla Halle '

Basa niya sa pangalan ng dalawa. So, iyon pala ang pangalan ng dating girlfriend nito. Pangalan pa lang nakaka-attract na, eh.

Mabigat ang loob na ibinaba niya ang frame ng marinig niyang bumukas ang pintong pinasukan ng binata kanina. Bumuntong-hininga siya at nakangiting humarap sa binata na nagtatakang nakatingin sa kaniya.

"What are you doing there?" malalim ang boses na tanong nito.

"Nothing. Nagtitingin-tingin lang," sagot niya at bumalik sa kinauupuan niya kanina.

"Bakit nga pala madilim dito?" takang na tanong pa niya.

Sa buong mansion kasi ay itong silid lang ang pinakamadilim. Pati na rin ang kuwarto ng binata ay madilim din dahil minsan na siyang nakapasok doon.

"It's my nature." Maikling sagot nito.

Mas lalo lang siyang naging curious sa sinagot nito. Hindi naman nasagot ang tanong niya kanina.

"Huh? What do you mean?" napatanga siya.

"Darkness is my comfortable nature." Hindi niya alam kung namalik mata't nagkamali lamang siya ng pandinig.

Nakita niyang may dumaang sakit at lungkot sa mga mata nito. Narinig niya ring may hinanakit ang boses nito na animo'y may pinagdadaanan ito noon. Mukhang may malalim na pinagdaanan ang binata kaya't mahilig siya sa dilim.

"I normalize being in the darkness. I used to it anyway," halos pabulong ng wika ng binata.

Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya may masalimuot na pinagdadaanan ang binata noon. Nakaramdam siya ng awa rito.

"Normalizing of being exposed to darkness is not good to your physical and mental health." Saad niya habang nakatingin sa binata.

"Im my case, it was nothing anyway. I have my own way of living and benefits of being in the darkness." Lintaya nito at muling bumalik sa dati ang expression ng mukha nito.

Naupo ito sa kaharap na upuan. Napagitnaan sila ng may 'di kalakihang table. May maliit na kettle na kulay kayumanggi at dalawang maliit na tea cup. Nagsalin ang binata ng tea habang siya ay nakamasid lang sa bawat kilos nito.

'There's something wrong with him.'

"Here." Pormal na sabi ng binata sabay abot ng tea sa kaniya.

Sheez! Hindi siya mahilig uminom ng tea pero kung galing naman sa binata ay talagang iinom na siya.

"Bakit mo pala ako pinapapunta rito?" kapagkuwan ay tanong niya.

Sumandal sa sandalan ang binata at nakapandikwatrong tumingin sa kaniya.

"I need to talk to you." Biglang sumeryuso ang boses na sagot nito.

"Talk about what?" takang tanong niya sabay baba ng hawak na tea cup.

"About what happened to us." He directly answered.

Natigilan siya habang napapalunok na nakatingin kay Yohan. Sa wakas ay ito na mismo ang nagbukas ng tungkol do'n.

"O-okay," hindi niya mapigilang hindi mautal sa harap nito.

It's been three weeks since she lost her virginity. Pero hindi naman siya nagsisi dahil sa guwapo at challenging na lalaki naman ang nakakuha.

"I won't take responsibility with you, unless you're pregnant." Biglang panimula ng binata na nagpatigil sa pag-inog ng mundo niya.

Parang nabingi siya sandali sa mga katagang lumabas sa bibig nito. "W-what?" Halos walang boses ang lumabas sa kaniyang bibig.

"I won't take responsibility with you, unless you're pregnant." Seryusong ulit nito.

Napakurapkurap siyang nakatingin dito kasabay ng pagkadismaya sa binata. Hindi naman niya ini-expect na pananagutan siya nito, pero hindi niya akalaing ganun ito ka straight forward magsalita sa harap niya.

"You..." wala siyang ibang maibatong salita sa binata.

"I warned you that time even if you're drunk but you insist to... to sex with me." Dagdag nito na ikinatahimik niya.

"B-but I was drunk, that's why I..." bulong niya.

"I was a bit tipsy that time, too. I was drinking that time when you appeared and that thing happened." Depensa nito.

Tuluyang nanaig ang pagkadismya niya rito. Bumigat ang dibdib niya na animo'y parang may bumara roon. Pakiramdam niya nanliit siya sa sarili niya.

"Nakainom ka ng alak na may sex drug kaya ka nagkakaganun, Miss Cromwell." Nakaiwas tinging wila uli nito.

"But you took my virginity!" emotional na bulalas niya.

Parang hindi na niya mapipigilan ang sariling emotion. Pakiramdam niya ay sasabog siya kapag pilit niyang pinipigilan ang nararamdaman niya.

"It's because you insist, Miss Cromwell." Mariing giit nito.

Umurong ang dila niya ng tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata niya. She's very disappointed with him. Gusto pa naman niya ito tapos ayaw nito sa kaniya. Siya pa nawalan siya pa ang itatapon lang. Abah! Natapakan ang ego niya.

'Shit!'

Mura niya sa isip saka tumitig sa mga mata ng binata. Sa ilang araw na pananatili nila roon ay mas nagkaroon ng puwang sa puso niya ang binata. Sa ilang araw na pananatili nila roon ay mas nahulog siya sa binata. Bagay na 'ni minsan ay hindi pa niya naranasan, dahil siya lagi ang hinahabol ng mga lalaki.

"I'm sorry, Miss Cromwell, for what I did. I know, I have fault too for taking your virginity but sad to say, I don't have any feelings for you." Lintaya nito na nagpadurog sa puso niya.

'Tangina ang sakit!'

'Parang tama lang ng bala sa puso ko.'

Libo-libong bultahing kirot ang naramdaman niya habang nakatingin sa binata. Pati pride niya umurong na rin. Kita niya ang sensiridad sa mukha ng binata sa bawat katagang lumalabas sa bibig nito.

A pang of pain ripped through her inner core. She can't move either talk back to him.

"Ayaw mo talaga ako?" kalaunan ay tanong niya habang unti-unting pumapatak ang mga luha niya.

"Yes." He answered.

"Why? Maganda naman ako, ah. Virgin din ako no'ng may nangyare sa atin. Single rin ako––"

"You deserve a better man than me, Miss Cromwell. You're beautiful and lovable on your own, I don't deserve you." Pigil nito sa kaniya.

"How can you say you don't deserve me?" she murmured.

Hindi nakaimik ang binata. Nakaiwas ito ng tingin sa kaniya. Kung kanina ay pormal at seryuso ito, ngayon naman ay hindi mabasa ang mukha nito.

"Did you know that I am falling in love with you?" mapait na tanong niya.

"Yes, I am." He honestly answered. "But it was all of a sudden. Ilang araw pa lang since we know each other." He added.

Mapaklang natawa siya sa sinabi nito. All of a sudden? Fvck up!

"Bakit? Nababase ba sa tagal bago mahuhulog ang loob mo sa isang tao?" mahinang tanong niya.

Hindi nakapagsalita ang binata. Nakaiwas lang ito ng tingin sa kaniya na animo'y ayaw siya nitong tingnan na ikinasikip lalo ng dibdib niya.

"Falling in love is not about how long you've known each other or being together. But rather how you feel, how your heart reacts to someone you wanted to be with." She said with full of pain.

Napahilamos siya ng mukha habang hindi matigil-tigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Para iyong ulan na sunod-sunod sa pagpatak at hindi alam kung kailan hihinto.

"I'm sorry. But if you're pregnant, you can came back to me to sustain the child." He plainly said.

Napamura siya ng mahina sa sinabi nito.

"Tanginang 'yan!" she cursed.

"Calm down, Miss Cromwell––"

"Stop calling me 'Miss Cromwell' because it's fvcking annoying!?" sigaw niya sabay tayo.

Halos hindi na siya makaaninag ng maayos dahil napuno ng luha ang mga mata niya. Gusto sana niyang kuhanin ang eye glasses at ihagis iyon pero pinigilan niya ang sarili, baka aatakihin pa siya ng takot niya.

Hindi niya alam ang gagawin kaya pabalik-balik siya sa kinatatayuan niya. Parang wala sa tamang dereksyon ang isip niya.

Not until she remembered her. She turned around and directly look at him.

"Dahil ba sa ex mo kaya hindi mo ako magawang magustuhan?" deretsong tanong niya.

Nakita niya kung paano natuod sa kinauupuan niya ang binata. Hanggang sa unti-unti itong tumingin sa kaniya.

His eye were deep dark. His face were emotionless, unreadable, and dangerous.

"Tell me, is it because of her? Ganun mo ba siya kamahal para hindi mo ako magawang magustuhan?" muling tanong niya sabay turo sa study table nito kung saan niya nakita ang frame nilang dalawa ng ex nito.

Her heart were thumping so fast than normal.

"Sabihin mo sa akin!" pasigaw na sabi niya.

Madilim ang mukhang tumayo ang binata at tumitig sa kaniya bago nagsalita.

"Yes, she is." He answered. "She's the only girl that I love the most." He added.





A/N: Agoi! Tagos hanggang buto yun, eh. Okay pa ba kayong lahat? Ready your tissue, char!😂 Don't forget to Vote and Comment guyss.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top