chapter III
LASING na pumasok si Crayne sa loob ng restroom pagkatapos niyang magpaalam sa mga kaibigan. Para na kasing sasabog ang pantog niya. Kanina pa siya naiihi kaya lang hindi siya makakaalis kanina dahil sa mga lalaking lumalapit at kumakausap sa kaniya. Nakuha ata niya ang lahat ng atensyon ng mga naroon sa party. Kundi pa binara ng kaibigang si Jessie ang mga lalaking gustong lumapit sa kaniya ay malamang nando'n pa rin siya hanggang ngayon.
Nakahinga siya nang maluwag ng matapos umihi. Ipinikit niya sandali ang mga mata para ibsan ang pagkahilo niya dahil sa alak. Iba pa naman siya kapag nalasing, kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya.
Nakarinig siya ng ingay sa labas tanda na may tao. Nanatili siyang nakaupo sa anidoro at pinakiramdaman ang mga babaeng nasa labas.
"Anny, nakita mo ba yung babaeng kasama ni Yohan kanina?" Rinig niyang tanong ng isang babae sa kasama ata nito. Parang nasa mga apat sila.
"Yeah. Ang ganda nga niya, eh."
"Oo nga, tapos bagay sila ni Yohan,"
"I wonder kung girlfriend yun ni Yohan,"
"I bet, no."
"How can you say so?" Tanong ng isang babae.
Nakarinig pa siya na may pumasok sa kabilang cubicle. Tumayo siya bago sumandal sa pinto ng cubicle para pakinggan ang mga ito.
"Alam naman ng lahat na mahal pa rin ni Yohan ang long time sweetheart niya, right?" Sagot ng isang babae.
"I agree. Isang taon pa lang mula ng maghiwalay sila. Maybe, hindi pa rin naka-move on hanggang ngayon si Yohan." Anas ng isa pa.
"Oo nga. Isa pa, halata namang walang something sa kanila nung babae kanina."
"Yeah. Tsaka, ni hindi nga nilapitan ni Yohan kanina yung babae."
"Sayang, ang ganda pa naman sana niya."
"Indeed. Pero halata namang hindi siya type ni Yohan."
"Yeah. Tara na nga lang," huling sabi ng isang babae bago umalis ang mga ito.
Napakunot ang noo niya habang palabas ng cubicle. Hindi mawala sa isip niya ang mga narinig niya kanina. So, may girlfriend––ex girlfriend pala ang lalakong yun.
'At sino naman ang ex girlfriend niya?'
Tiningnan niya ang sarili sa salamin, medyo nahihilo pa rin siya. Napapailing na lang siya para ikalma ang sarili. Nakaramdam tuloy siya ng kiyuryusidad tungkol sa binata.
Napatanong din siya sa sarili kung ano ba ang tipo ng lalaki sa mga babae. Bagay na hindi naman niya naitanong sa sarili noon pa man.
Natatawang lumabas na lang siya ng cr. Muntik pa siyang matumba dahil sa hilo, buti na lang at nakahawak agad siya sa hamba ng pinto. Nang makabalik sa table nila kanina ay wala na roon ang mga kaibigan. Umikot na lang siya para sana pumasok sa mansion nang mapasigaw siya sa gulat dahil sumalubong sa kaniya ang mukha ni Yohan.
"Yohan!" Gulat na bulalas niya.
"Tsk! Jessie told me to wait you here." Blankong sabi ng binata.
"Oh, really?" She asked.
Napakagat-labi siya at lumapit sa binata. Hindi ito umatras at walang emosyon ang mukhang nakatingin sa kaniya habang nakapamulsa.
"You know what? You look more great when you put some expression on your blank face." Nakangiting anas niya.
Walang pagdadalawang isip na hinawakan niya ang mukha nito at marahan na hinaplos. Naramdaman niyang natigilan ito pero kalaunan ay tinabig nito ang kamay niya.
"Tsk! Don't do it again." Mariing sabi nito.
Kapagkuwan ay tinalikuran siya nito at naiwan siyang nakangiwi. Hinabol niya ito at nakalimutan niyang naka-heel siya. At dahil medyo lasing pa siya at nahihilo, bigla siyang natapilok dahilan para sumalampak siya sa sahig.
"Ouch!" Daing niya.
Awtomatikong napalingon sa kaniya si Yohan habang salubong ang mga kilay nito. Dinaig pa nitong binagsakan ng langit ang mukha. Napabuntong-hininga ang binata bago siya nito binalikan.
"You're so careless, woman." Walang buhay na sabi nito.
Tiningnan nito ang tuhod niya at nagalusan pala siya. Kaya pala ang hapdi ng tuhod niya. Agad na inalis niya ang paningin sa tuhod niya. Ayaw niya sa dugo. Napahikbi siya at nagkukunwaring naiiyak sanay lingom sa binata.
"Ouch! Ang hapdi ng tuhod ko," mangiyak-ngiyak na anas niya.
"Tsk! Stop acting, you look like an idiot." Wika ng binata.
Napanguso siya dahil sa sinabi nito. Kahit kailan ay walang sense sa katawan ang binata. Ang sungit-sungit pa sa kaniya.
"Alam mo, kundi lang kita crush ay inupakan na kita." Aniya at inirapan ito.
Hindi siya nito pinansin at bigla siyang binuhat ng binata. Mabilis na napakapit siya sa leeg nito na parang tuko. Napasinghot pa siya dahil sa bangong amoy ng binata.
'Shez! Ang bango!'
"Stop it, woman!" May inis sa boses na sita ng binata.
Pero imbis na makinig ay mas inilapit pa niya ang mukha niya sa leeg nito. Bigla siyang nakaisip ng kalokohan kaya inilabas niya ang dila niya at dinilaan ang leeg nito.
Awtomatikong napatigil sa paglalakad ang binata at parang natuod sa kinatatayuan nito habang buhat siya nito. Sinilip niya ang mukha ng binata pero nagawi ang mata niya sa tainga nitong namumula.
She smirk.
"Bakit namumula ang tainga mo? May lagnat ka ba?" Kunwaring tanong niya sabay hipo sa noo nito.
Mabilis na iniwas ng binata ang mukha niya at nagmamadaling pumasok sa mansion. Ibababa sana siya nito sa sofa nang magsalita siya.
"Hep! Bring me to my room," she demand.
Napatiim bagang ang binata at halatang nagpipigil ito ng inis. He look very annoyed with her. Parang gusto siya nitong ihagis pero pinipigilan lang nito ang sarili.
Lihim na natawa na lang siya. Pilit niyang pinipigilang madala sa kalasingan dahil baka kung ano na naman ang magagawa niya. Para kasi siyang baliw kapag nalasing nang todo.
Iyon bang kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya. Kung ano-ano ang pinaggagawa niya. Nangangat o kaya ay sumasayaw na parang baliw. Bagay na laging pinagtatawanan at tinutukso ng mga kaibigan niya tuwing nasa tamang huwisyo na siya.
"Fvck it!" Rinig niyang mahinang mura ng binata.
Nginitian na lang niya ito bago ipinikit ang mga mata. Inaantok na siya dahil napagod siya kanina. Andaming lumalapit sa kaniya, eh. Iba talaga ang karisma niya.
Narinig niyang bumukas ang pinto at lumapat ang likod niya sa malambot na kama. Nakaramdam siya ng init kaya nakapikit na bumangon siya at walang pasabing hinubad ang suot niyang gown.
"Fvck! What are you doing, woman?" Rinig niyang malutong na mura ng binata.
Natigilan siya sandali bago nagmulat ng mata. Akala niya nakaalis na ito kanina. Tiningnan niya ito at nakaiwas ito ng tingin sa kaniya.
She can clearly saw his jaw's moving tightly.
"A-akala ko ba nakaalis ka na?" Kagat-labing tanong niya sabay takip ng mga braso niya sa harap ng dibdib niya.
She just wearing her bra for pete's sake! Parang nawala ata ang kalasingan niya. Nakaramdam siya ng hiya sa binata.
'Shit! This is the second time he saw me like this!'
Aniya sa isip at mabilis na nagtalukbong ng kumot. This is the first time na nakaramdam siya ng hiya o nauutal sa harap ng isang lalaki.
She loves wearing bikini when they were in a beach or swimming which lots of men could see her body. She never felt shy in front of a man but not this time.
"Sorry," rinig niyang anas ng binata bago ito lumabas ng kuwarto niya.
Napahinga siya nang maluwag ng marinig ang pagsara ng pinto. Inalis niya sa pagkakatalukbong ang kumot at tumitig sa kisame.
She can feel her heart beat so fast. She tap her chest to calm herself.
"What's happening to me?" Wala sa sariling tanong niya.
'Maybe you finally fall in love.'
Sabi ng kabilang isip niya. Napapikit na lang siya at muling nagtalukbong ng kumot. Haggang sa dinala na siya ng antok niya.
_________
KINABUKASAN nagising siya dahil sa pagkalam ng tiyan niya. Agad na bumangon siya at bumaba ng kama. Naghilamos at nag-toothbrush lang siya pagkatapos ay lumabas ng kuwarto. Nasa hagdanan pa lang ay naramdaman niyang parang ang tahimik ng mansion. She can't feel the presence of her friends. Or maybe, they still asleep. Bumalik siya sa taas at pinuntahan ang bawat kuwarto ng mga ito pero hindi niya natagpuan ang mga kaibigan.
"Where are they?" Kunot-noong tanong niya.
Mabilis na bumaba siya at hinanap sa sala ang mga kaibigan pero si Yohan lang ang naabutan niya. Seryusong nagbabasa ito ng libro.
Naalala niya bigla ang nangyari kagabi kaya mabilis na lumihis siya ng daan papuntang kusina. Ngunit napatigil siya ng magsalita ang binata.
"They went out," walang kabuhay-buhay na sabi ng binata.
"Oh," tanging lumabas sa bibig niya.
Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya makatingin sa binata. Akmang papasok na sana siya sa kusina nang tumayo si Yohan.
Napatitig siya sa bawat galaw nito. He look so manly. Bakat na bakat ang pagiging maskulado nito.
"Tsk! Come with me." He snapped her.
Napakurapkurap pa siya bago sumunod sa loob ng kitchen. Itinuro nito ang upuan kaya naupo siya. Bigla siyang napatanga ng makitang nagtimpla ng gatas ang binata.
"Para kanino iyang gatas?" Takang tanong niya.
Hindi sumagot ang binata dahilan para mapangiwi siya. Baka para iyon sa aso. Kaya lang wala naman siyang nakitang aso.
"Here. Drink this," anas ng binata sabay lapag ng isang basong gatas sa harap niya.
"What the..." mahinang bulalas niya.
'Ginawa ba niya akong bata?'
Nakita niya itong naglapag ng kanin at ulam sa harap. Pang isang tao lang iyon pagkatapos ay sininyasan siya nitong kumain.
'Gentleman naman pala siya.'
Aniya sa isip at lihim na napangiti siya. Imbis na mainis dahil parang ginawa siya nitong bata ay ngumiti na lang siya ng matamis.
"Thanks. Ang gentleman mo pala, o baka naman may gusto ka sa akin at gusto mo akong pagsilbihan?" Nakangiting aniya sabay kindat sa binata.
"Tsk! I don't like you. Jessie told me to do this so, enjoy your breakfast." Kalmadong sabi nito at iniwan siya sa kusina.
Nagkibit-balikat na lang siya at kumain. Inubos niya lahat nang nakahain para sa kaniya. Nang mapatos ay nagligpit siya ng pinagkainan. Nilinis niya ang mesa at hinugasan ang mga ginamit niya.
Patapos na sana siya nang may naglagay ng mug sa sink. Paglingon niya ay halos malula siya dahil sa lapit ng mukha ng binata sa kaniya.
"I didn't thought that you do know how to wash the dishes." Komento ng binata at lumayo sa kaniya.
Napaismid siya dahil sa sinabi nito. Inisip ata ng binata na wala siyang alam sa mga gawaing bahay.
'Psh!'
"Bakit? Ano bang akala mo sa akin?" Nakataas kilay na tanong niya.
"Spoiled brat." Deretsong sagot ng binata.
Nabitawan niya ang hawak niyang mug na ginamit ng binata kanina dahilan para mabasag ito.
"Shit! My favourite mug!" Pamurang sigaw ng binata.
Nanigas siya sa kinatatayuan niya ng makita ang reaksyon ng binata. Lalo na ang pagsigaw nito.
She can see how his face react. Some emotion were visible in his eyes. His fist clenched. His jaw tightened.
Napatingin siya sa basag na mug sa sink. Wala namang ka-espesyal sa mug para ganun na lang ito mag-react. Tiningnan niya iyon ng maayos.
Wala sa sariling hinawakan niya ang isang piraso ng mug at nakita niya kung anong nakasulat roon.
'I ❤️ U'
Awtomatikong napalingon siya sa binata. Naging madilim na ang mukha nito at kapagkuwan ay walang pasabing lumabas ng kusina.
"Huwag mong sabihing..." mahinang bulong niya.
Bigla niyang naalala ang mga narinig niya kagabi sa cr mula sa mga babaeng nag-uusap niya. Naalala niya rin ang sinabi ni Jessie.
'Galing ba sa ex niya ang mug?'
Tanong niya sa isip. Naikuyom niya ang kamay niya pero napahiyaw siya sa sakit nang parang may nakatusok sa kamay niya.
Doon niya lang naalala na hawak pala niya ang isang piraso ng mug. Nabitawan niya iyon kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa kamay niya. Nanginig ang mga tuhod niya ng makita ang dugo sa kamay niya. Takot siya sa dugo mula pagkabata kaya ayaw niyang makakita ng dugo.
But seeing her own blood right now makes her close to death.
"Ahhh!!" Takot na sigaw niya kasabay nang pagbagsak niya sa sahig.
Parang nawala ang lakas niya at nanginginig ang buong katawan niya. Nakaramdam siya nang pagkahilo habang nakatitig sa dugo na nasa kamay niya.
Her vision became blurry. Biglang lumitaw sa balintataw niya ang ala-alang ayaw na niyang maalala pa.
"Why are you shouting––fvck!? Miss Cromwell!" Rinig niyang sigaw ni Yohan at mabilis na dinaluhan siya nito.
Nakatitig lang siya sa kamay niya habang namumutla.
"Shit! What happened to you?!" Tanong ng binata.
"D-dugo," halos walang boses na anas niya hanggang sa mawalan siya ng malay.
_________
HINDI mapakali ang mga kaibigan ni Crayne habang nasa labas ng emergency room. Halos pabalik-balik ang mga ito sa harap ng pinto. Lalo na si Yeona na halos mahilo na si Lareina sa kakatingin sa kaniya. Kanina kasi ay nasa mall sila para mag shopping. Iniwan nila ang kaibigan kasi tulog mantika pa ito. Pero hindi pa nga sila nagtagal sa mall ay tumawag na si Yohan kay Jessie na nasa hospital sila.
Sinabi sa kanila ng binata ang nangyari. Alam nilang magkakaibigan na may traumatic experience si Crayne tungkol sa dugo mula pagkabata.
"Yeona, could you please sit down?" Parang naiinis na tanong ni Lareina.
"I can't. I'm worried about my cousin." Hindi mapakaling sagot nito.
"Lahat naman tayo nag-aalala sa kaibigan natin, eh." Sabat ni Lana.
Habang si Ellara ay tahimik na nakaupo sa waiting area. Halatang nag-aalala rin ito kay Crayne. Si Jessie na nakasandal sa wall habang hindi maipenta ang mukha nito.
Salubong ang mga kilay habang nakapamulsa. Sa kanilang lahat na magkakaibigan ay si Jessie ang pinaka caring sa kanila. Maalalahanin at possessive ito pagdating sa kanilang magkakaibigan. Lalo na kay Crayne mula ng malaman nilang may traumatic experience ito.
Biglang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doctor na tumingin sa kaibigan nila. Kasama nito si Yohan na siyang nagdala kay Crayne sa hospital.
Nagpaalam ang doctor kay Yohan at umalis ito. Nilapitan nila ang binata ng may pag-aalala sa mukha.
"How's my cousin?" Tanong ni Yeona.
"Is she alright?" Tanong naman ni Ellara.
Napahinga nang malalim ang binata sabay tango. Parang nabunutan sila ng tinik sa lalamunan dahil sa pagtango nito.
"She's fine now. She just need some rest." Wika pa ng binata.
Napalabi naman si Jessie. "Thank God she's fine." Bulong nito.
Inilipat ng kabilang room ang kaibigan nila kaya sumunod naman sila. Matapos ayusin ng mga nurse ay lumapit sila sa kaibigan. Hinintay lang nila itong magising. Samantalang nagpaalam naman si Yohan dahil may aasikasuhin pa ito.
Nang magising ang kaibigan ay binigyan nila ito ng tubig na agad naman nitong ininom.
"Ayos ka na ba?" Tanong ni Lana.
"I'm fine." Sagot ng kaibigan.
Napaikot ang tingin nito na animo'y may hinahanap na agad namang napansin ni Jessie.
"Nasaan si Yohan?" Tanong nito.
"He went out. Sabi niya, may aasikasuhin pa raw siya." Sagot ni Jessie.
Napanguso ito at bumalik sa pagkakahiga. Napapailing na lang sila at hinayaan ang kaibigan.
A/N: Sorry for the late update, Blueeems. Busy ako sa thesis kaya ayon.🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top