Epilogue

Epilogue

Author's Note: Okay. Natagalan ako sa pagpost nito dahil may pinagkaabalahan pa talaga muna ako. Anyways, sana magustuhan niyo rin ang Epilogue. As most of you, my readers know, nabati ko dati in chapters sina myztery_mj (13 y/o, in PDE), SergeantAatros (15 y/o, in PA: AZS) at Darkest_Senyorita  (14 y/o, in PDE 2) sa mga kaarawan nila by the previous months, magkakasunod. Ngayon, may bago nanamang magdidiwang ng kaarawan niya. Kaya bago ang lahat, let us greet our dear friend,  sandraheartfillia first, since it is her birthday today, November 12! Siya po si Cane Dela Fuente sa totoong buhay. So, happy birthday to you, Cane! Let me say this message to you.  Enjoy this special day and I hope that as you grow older, your progress in life would increase by all the knowledge and discoveries that are also increasing. Never be afraid of snything, fear will only out us into risk. Have courage in everything you do in life, and not only courage, but also faith and hope. Never give up, never let the problem defeat you. Keep your faith for God as strong as you can. Never lose hope in anything, just believe you can, and you will be able to. Put your heart in everything you do and do your best in it for success. Good luck and God bless in this journey of life you will take, hoping that you will come up to a higher place. ONCE AGAIN, HAPPY BIRTHDAY! To the readers, please greet her! A simple "Happy Birthday" is good enough, it's fine even if you don't give a long greeting like I did. =) ;) :D

Yuri Arissa Sandoval's Point of View

Summer vacation na. So far, everything went good naman. Scheduled na pagkakakita namin muli ay sa April 1, upang i-celebrate ang sabay na birthday ng mag-pinsang sina Noel at 4A. Sabay kasi ang mga nanay nila na nabuntis sa kanila. Mas nauna si Noel ng dalawang minuto na lumabas kaysa kay 4A noong mga sanggol pa sila back in eighteen years ago. Pagkatapos ng family celebration nila na natapos noong hapon na, kami naman ang nag-celebrate.

"Mag-ingat kayo, ha! Lalo na kayong mga birthday boy!" sabi nung Tita Arlene, mama ni 4A.

"Opo, nay!" ani 4A.

"Opo, tita!" ani naman Noel.

"O, may nakakalimutan ata kayo. Bago kayo sumama sa sampu niyong kaibigan, kailangan niyo itong gawin. Alam kong big boys na kayo, eighteen years old na, pero kailangan niyo pa rin!" sabi ni Tito Neil, ama ni 4A.

"Ano po yun?" sabay na tanong nina Noel at 4A.

"Ay, kahit hug and kiss sa amin, kinakalimutan niyo ngayon na nag-eighteenth birthday lang kayo!" sagot ni Tito Neil.

"Ah, okay." ani 4A.

"Sige po." ani naman Noel.

Pumunta na sila sa apat nilang mga magulang at binigyan ito ng yakap at halik sa mga pisngi.

"Wow, that's our boys, Noel and Arnold. Sige na! You may go na! Ingat, ha!" sabi sa kanila ni Tita Arlene.

Umalis na kami.

Sumakay kami sa pulang van na ginamit namin noong final battle laban kay Victarion na kay Sir Vincent all along at ngayon, pag-aari na ni AJ.

Sa harap ako umupo. Gitna ako, kaya katabi ko ang nagmamaneho, si AJ sa kaliwa at sa kanan ko naman ay bakante. Sa likod namin ay sina Noel, Chachi, Cane at 4A. Sa third row naman nakaupo sina Samuel, Heaven, Raffy at Aila. Sa fourth row, sina KJ at Chantellia lang. Sa pinakalikod, walang nakaupo.

"HAPPY BIRTHDAY, ABEAR-ANG COUSINS! HAPPY BIRTHDAY, ABEAR-ANG COUSINS! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY! HAPPY EIGHTEENTH BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY, NOEL! HAPPY BIRTHDAY, 4A! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY! HAPPY EIGHTEENTH BIRTHDAY, NOEL AND 4A!!!" pagbati namin sa kanila habang nasa biyahe.

"Salamat talaga, haha." pagpapasalamat ni Noel.

"Okay. So may birthday gift na talaga sina Chachi at Cane, yung pag-ibig nila. Eh tayo? Ano kaya tayo? Basta, planado lang natin hangout na sila ang manlilibre, eh, at magsasaya tayo!" ani AJ.

"Naku, hindi na kailangan niyan. Kasi may mas maganda kayong regalo na maibibigay bukod sa totoong regalo na nakabalot sa wrapper o yung binibigay mo na nahahawakan. Alam niyo kung ano yun? ANG PAGKAKAIBIGAN NATIN. Yan, tatagal yan hanggang sa huli hindi katulad nung karaniwang regalo na baka masira, mag-expire, o mawala. Oo, nagiging ganon din ang pagkakakaibigan, pero naiaayos muli at pwedeng pwede talagang maiwasan yun sa pagiging magkaibigan kung malakas ang samahan ninyo. Yun tayo, di ba? Best gift ever na yun." sabi naman ni 4A sa amin na tila humuhugot.

Nag-react ang iba sa sinabi niya at pumalakpak kaming lahat pagkatapos.

"Ooooh! Hugot ka pa, 'tol! Pero tama ang sinabi mo! Yun talaga ang best gift na maibibigay sa amin ngayon. Ganon lang, okay na kami. Teka, may ipaparinig kami sa inyong kanta na alam kong mga four years ago pa, noong 2014 pa, pero hanggang ngayon gusto pa rin namin dahil sa mensahe nito. Yan ang pinakanagustuhan naming tagalog song about friendship. In fact, talagang bagay ito sa atin dahil yung mga kanta ay mga teenager, eh teenager pa rin tayo, di ba? Pakinggan niyo." dagdag ni Noel at kinuha ang iPhone niya, pumuntang Spotify.

Nagsimula na ang kanta.

"'Pag Kasama Ka ang pamagat, kinanta ng Gimme 5 bilang isa sa mga pinakaunang kanta nila at hindi lang isa sa pinakauna, pero isa rin sa mga pinakamagaganda at mga pinaka may mensahe. Pakinggan niyo ang mensahe."

'Png Kasama Ka
Gimme 5

[Grae Fernandez:]
'Pag kasama ka,
Lubos ang saya
Tunay na kaibigan,
'Di kita iiwanan
'Pag kasama ka,
Lungkot limot ko na
Tunay na kaibigan, samahang
Hanggang wakas

[Nash Aguas:]
Kahit na magiba ng panahon
Kahit dumating ang maraming alon
Kahit ilang beses pa tayo magtalo

[Joaquin Reyes and Brace Arquiza:]
Nandito lang!

[John Bermundo:]
Pag wala ka nang matakbuhan
Wala ka nang mapagbalingan
Nandito lang kami
Tayo'y 'di mag-iiwanan
Sa umaga, tanghali, o gabi

[Joaquin Reyes and Brace Arquiza:]
Nandito lang!

[Grae Fernandez:]
Huminga ka nang malalim
[Nash Aguas]
Buhay ay sadyang ganyan
[Grae Fernandez:]
Ano mang mangyari
[Nash Aguas:]
Nandito lang sa likuran
[Grae Fernandez:]
We'll be there, together, hindi ka iiwanan

[Gimme 5:]
'Pag kasama ka,
Lubos ang saya
Tunay na kaibigan,
'Di kita iiwanan
'Pag kasama ka,
Lungkot limot ko na
Tunay na kaibigan, samahang
Hanggang wakas

Ooh woah ooh woah ooh woaaaah
Ooh woah ooh woah ooh woaaaah

[Nash Aguas:]
Kahit na lumakas pa ang unos
[John Bermundo:]
Kahit pa sa paglipas ng taon
[Nash Aguas:]
Kahit pa saan maparoon

[Joaquin Reyes and Brace Arquiza:]
Nandito lang!

[Nash Aguas:]
Sumusumpa't nangangako sa iyo hanggang wakas
[John Bermundo:]
'Di malilimutan ang ating samahan
[Nash Aguas:]
Noon, ngayon at magpakailanman

[Grae Fernandez:]
Huminga ka nang malalim
[Nash Aguas]
Buhay ay sadyang ganyan
[Grae Fernandez:]
Ano mang mangyari
[Nash Aguas:]
Nandito lang sa likuran
[Grae Fernandez:]
We'll be there, together, hindi ka iiwanan

[Gimme 5:]
'Pag kasama ka,
Lubos ang saya
Tunay na kaibigan,
'Di kita iiwanan
'Pag kasama ka,
Lungkot limot ko na
Tunay na kaibigan, samahang
Hanggang wakas

Ooh woah ooh woah ooh woaaaah
Ooh woah ooh woah ooh woaaaah

[Grae Fernandez:]
Kailanma'y di lalayo, ito ang ating pangako

[Gimme 5:]
'Pag kasama ka,
Lubos ang saya (lubos ang saya)
Tunay na kaibigan,
'Di kita iiwanan ('di kita iiwanan)
'Pag kasama ka, (kasama ka)
Lungkot limot ko na (limot ko na)
Tunay na kaibigan, samahang (samahan)
Hanggang wakas

Ooh woah ooh woah ooh woaaaah
Ooh woah ooh woah ooh woaaaah
Ooh woah ooh woah ooh woaaaah
Ooh woah ooh woah ooh woaaaah

[Grae Fernandez:]
'Pag kasama ka,
Lubos ang saya
Tunay na kaibigan, samahang
Hanggang wakas!

Nagandahan ako sa kanta, pero lalo akong nagandahan sa mensahe. Tama iyon. The song pointed out things about friendship. Talagang hindi nag-iiwanan ang magkaibigan kailanman. Nandiyan lang sila para sa isa't isa. Ang samahan ng mga magkakaibigan na palakas ng palakas, hanggang wakas na. Ang mga kaibigan mo ay ang magpapasaya sa iyo at tutulong sa iyo na makalimutan ang mga poblema. Sabi nga, kahit na mag-iba ng panahon, kahit na dumating ang maraming alon, kahit na ilang beses pa magtalo, nandiyan pa rin ang mga kaibigan mo. Ang mga kaibigan ay dapat lang nandiyan palagi para sa isa't isa. At yun kami. YUN ANG SURVIVORS SQUAD!

"Tama yung mga sinasabi! Para sa atin talaga, hihi!" ani Chachi.

"Oo nga, dapat BFF tayo lahat dito, ah! Hanggang wakas!" sabi naman ni Cane.

"Tama lahat ng sinabi, eh. Maganda yung kanta, yes pero dapat hindi ka after sa kanta, after ka sa message, at yun ang mas maganda sa kantang ito, yung mensahe, about friendship. Di ba nga, kahit na mag-iba ng panahon, kahit na dumating ang maraming alon, kahit na ilang beses pa magtalo, kahit na lumakas pa ang unos, kahit pa sa paglipas ng taon at kahit pa saan maparuon, nandiyan pa rin ang mga magkakaibigan, di ba? Walang hahadlang o makaksira sa pader na ginawa nilang magkasama! Yun tayo, di ba?" binahagi ko naman ang reaksyon ko sa kanila.

"Tama ka, Yuri. Agree na agree ako. The best talaga sa buhay mo ang mga kaibigan. Ang saya saya na magkaroon ng mga kaibigan na magpapangiti sa iyo na ibigsabihin, may pag-asang masolusyonan ang iyong mga poblema." tugon ni Aila rito.

"Yan na ang theme song ng tropa natin, ah, haha! Kapag magkakasama talaga tayo, ang sasaya natin. Noh? Yung pagsasaya natin, nakakatulong upang maka-move on tayo sa mga masasaklap na mga dinadaanan. Di ba?" dagdag ni Raffy.

"OO!" sabay-sabay naming sagot.

"Best friends forever? Pakiulit kung yes ang sagot niyo!!! SABAY-SABAY!" sigaw ni KJ.

"BEST FRIENDS FOREVER!!!" sigaw naming lahat, sabay-sabay.

Nagsaya kami sa biyahe. Focused na focused si AJ sa pagmamaneho. Dahil dito, nakasilip na lang ako mula sa mga bintana at tinitignan ang mga nadadaanan namin. Sina Noel at Chachi ay naglalambingan ng naglalambingan at ganon din sina 4A at Cane. Tapos sina Aila at Raffy, nagsasound-trip lang habang nagsasandalan sa isa't isa. Sina Heaven at Samuel, tahimik lang talaga. Nagbabasa lang sila ng mga libro about scientific facts pati na rin World History. Si Chantellia, tahimik lang din, at katulad ko, sumisilip na lang mula sa bintana dahil walang magawa. At si KJ? Ang ingay! Grabe! Tawang tawa kami ni Chantellia sa kanya.

Hanggang sa marating namin ang Megamall, sa Mandaluyong. Pagka-park ni AJ, bumaba na kami.

Una naming ginawa ay pumunta sa "Timezone," isang arcade. Bumili kami ng kanya-kanyang mga power cards, Bawat isa sa amin ay naglaro ng iba't ibang mga game sa arcade. Sina AJ, Raffy, Noel at 4A ay naadik na roon sa basketball sa Arcade. Marami naman silang nakukuhang mga price tickets dito. In fact, competition pa nga sila kung sino pinakamahusay, eh. Ang panalo ay siyempre si Raffy na pinakamagaling talaga.

Sina KJ at Samuel naman, naglaro ng Tekken, kung saan nananalo si KJ, ngunit ginagamit ni Samuel ang talino niya upang masubukan pa ring talunin si KJ.

Sina Chachi at Cane, naglaro na ng racing, nagkarera sila. Green car si Chachi, samantalang red car si Cane. Nauunahan ni Cane si Chachi, kaya siya ang panalo. Nag-rematch sila, pero si Cane pa rin ang panalo. Si Chantellia, nandoon na sa parteng kukuha ka ng stuff toy gamit ang "crane" na may low chance lang para sa tagumpay.

Naka-ilang tries siya, hanggang sa magtagumpay siya, nakuha niya ang isang cute na yellow na babaeng turtle.

"Aww, ang cute niya, katulad mo lang, baby Chant. Ano ang ipapangalan mo sa kanya?" sabi ko.

"Hehe, siguro Myliana na lang. Yun kasi ang nickname ni Myla na mas mahaba pa sa pangalan niya." tugon niya rito.

"Ah, okay, sige. Pero ang suwerte mo talaga, ha! Bihirang may manalo diyan!"

"Hehe, salamat."

Naghiwalay na kami. Nakita ko sina Aila at Heaven, naglalaro nung parang Table Tennis sa bandang gitna.

Pumunta naman ako roon sa may pipindutin ka para mahulog yung bola na tatama sa value ng price tickets na makukuha mo.

Nagdasal ako para sa suwerte na dumating.

Nakita ko, biglang tumama sa 500.

Wow, suwerte!!! Sobrang suwerte!!! Thank you, God! Sinagot agad ang dasal ko!

Naghintay ako sa limang-daang mga price tickets. Binilisan naman ng machine ang paglabas habang padami ng padami.

Sunod, iba't ibang laro pa kami. Sinubukan talaga namin ang lahat.

Sa huli, cinombine namin ang lahat ng nakuha naming price tickets ng maubos na ang mga powercard namin. Doon sa cashier banda, may choices ng mga prices na may cost. Ang total namin?

36,000.

Marami kaming pwedeng kunin na premyo na mga mamahalin sa price ticket. May mga backpack, may mga sapatos, may mga stuff toy, may mga damit, at marami pa! Pwede nga kaming kumuha ng dalawang premyo, eh.

"Ano na? Decide na, guys!" ani AJ.

"Um, parang mas maganda kung silang birthday boys ang mag-dedecide, noh? Kung ano mas gusto nila." mungkahi ni Samuel.

"Oo nga. Sige. Yun na lang. 4A, Noel?" sabi naman ni Heaven.

"Well..siguro, yung. Ahm.. Hindi ako makapili pa, eh." sabi ni 4A.

"Ako rin naman, eh." dagdag ni Noel.

Hanggang sa magbulungan sila na hindi namin narinig.

"Yung tig-18,000 po na mga costume nina Thor at Loki po. Size po ng six footers. Mga 6'1 at 6'0 po ang height namin." sabi ni Noel doon sa cashier.

"Wow!" "Cool!" "Nice!" "Whoa!" "Oooh!" "Haha!" "Bagay, bagay!" mga reaksyon namin dito.

Kumuha yung cashier ng size para sa kanila, at inabot ito.

"Yan po. Salamat po." sabi nung cashier, at inabot na nila ang mga price tickets naming lahat bilang pambayad.

"Woohoo! Bagay talaga sa inyo! Lalo na dahil parang magkapatid kayo sa bonding ninyo! So sino si Thor, sino si Loki?" sabi ni KJ.

"Si Noel na si Thor. Ako na si Loki since ako yung parang trickster, eh, hehe." tugon ni 4A rito.

"O, suotin niyo na! Bago tayo pumuntang 4D!" ani ko.

Tumango naman sila. Dinoble na lang nila ito sa mga kasalukuyan nilang suot, na mga t-shirt at pants lang naman. Ang hinubad lang nila ay ang mga pantalon nila, pero bumilog kami at tinakpan sila upang hindi sila makita ng maraming mga tao. Pagkabihis nila, dumeretso na kami sa 4D Cinema, na malapit lang sa Timezone. Pinili namin yung pinakanakakatakot. By six lang ang seats, so naghsti kami. Unang batch ay kami nina AJ, Noel, Chachi, Cane at 4A. Pagkatapos namin ay sina Samuel, Heaven, Raffy, Aila, KJ at Chantellia.

Grabe yung naging takot ko, haha. Ang suspenseful, bigla na lang ako kikilabutan. Tilian kaming girls. Yung boys, tumatawa na lang sa mga kakaibang nakikita nila at hindi talaga natatakot. Parang totoo. 4D nga, eh. Nabasa pa nga kami, haha! Pero hindi lang yun..para bang naalala namin yung memories of a haunted school life sa 11-Asia noon. Pero, inisip na lang namin na ang masaklap na pangyayaring ito ang magpapalakas sa amin, at masasaya na ang mga nabiktima sa langit. Nakaka-miss talaga!

Sunod naming ginawa ay nanonood ng sine. Treat na yan ng mga birthday boy, bwahahaha! Ang sarap ng kain namin ng popcorn, haha. Nagandahan naman kami sa pinanood namin, at nagsaya. Pagkatapos ng sine, dinner na kami. Kumain kami sa Bon Chon, hehe.

Pero nang maisip kong korean restaurant ito, I feel like I suddenly missed V. But forget about it. Masaya naman na siya sa langit, eh! It's time to move on.

Umorder kami ng maraming mga spicy chicken na sapat lang sa amin, pati crepe at fries.

Kumakain lang kami ng kumakain at nagsasaya bilang magkaibigan, hanggang sa bilang magpatay ang mga ilaw.

Nagpanic na ang mga tao, pero kami, kumalma lang.

"4A..may nakikita ka ba?" tanong agad ni KJ.

"Wala naman. Wala akong nararamdamang paranormal act. Pero baka mayroon, hindi ko lang napapansin sa dilim." sagot naman ni 4A.

Nagbukas na muli ang mga ilaw.

"Mga tao, mga kagalang-galang na mga customer! Kalma lang tayo! Nagpapaumanhin kami sa biglaang pagpatay ng mga ilaw, kasalanan na namin yun, hindi namin nasiguradong maayos ang sistema ng kuryente namin. Ngayon, susubukan naming hindi na maulit at sa susunod na pumunta kayo rito, magiging maayos na rin ang lahat. Susubukan namin ang pinakakaya namin ngayon. Maraming salamat sa pag-iintindi." sabi sa amin ng manager.

Nagkagulo na talaga, naging mas maingay, pero tumahimik na rin after a while.

"Okay, wala yun. Huwag tayo masyadong kabahan kapag may mga nangyayaring ganon. Si Kuya Vincent naman, ginagawa na ang trabaho niya sa langit ng mabuti at maayos kaya napipigilan na ang mga ito. Huwag na tayong matakot. Nandiyan naman ang diyos, di ba?" sabi sa amin ni AJ.

Tumango naman kami rito.

"Okay, okay. Well said, AJ, Understood na yan. Basta! Ngayon na nagsasaya tayo habang magkakasama, isigaw nga ulit natin ang sagot kanina, kung may forever ba tayo sa pagiging best friends?" sabi naman ni KJ, at nilagay ang kamay niya sa gitna ng lamesa.

Ganon din ang mga ginawa namin, pinatong namin ang mga kamay namin sa isa't isa.

"BEST FRIENDS FOREVER!!!" sabay-sabay naming sigaw.

THE END.

Author's Note: Ayan, happy ending, haha! May values ka talagang matutunan sa story na ito, katulad ng faith for God at friendship, di ba? Sana nagustuhan niyo talaga ang story na ito. Maraming salamat talaga sa lahat ng suporta ninyo, #2 tayo in paranormal, hehe! Okay na yun! Sorry for the typos, aayusin ko yan for a month na break muna ako sa pagsusulat ng PDE series, dahil nag-iisip pa ako ng ideya para sa Book 3. At yun ang tatanungin ko ngayon, na dapat niyo nang sagutin. Wala kasi ako halos maisip na ideya eh, so please, try to suggest. Thanks in advance! =) ;) :D

Tanong:
Ngayon na natapos na ang kuwento, ano ang maimumungkahi mong ideya para sa plot ng Book 3?

That's all, Good luck and God bless to everyone! And happy birthday again, sandraheartfillia !

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top