Chapter 9: Mga Kuwentong Masasaklap

Chapter 9: Mga Kuwentong Masasaklap

Arnold Arvin A. Ang "4A" 's Point of View

Ugh! May paru-paro! Ano ba yan! Ikot ng ikot sa akin! Pero teka....

Huh? Ano nangyari? Bat parang nawala ako sa sarili ko bigla? Nakatulog ba ako? Bigla bang lumalim ng sobra sobra na ang isip ko kaya napadpad na ako kung saan? I don't know. I'm clueless....

Kaso nga lang, kung itutuloy ang aking imbestigasyon, medyo nahahalata ko kay Anna na parang may pinaplano siya. Kasama niya si Faithlyn bago masira ang mga CCTV cam. Biglang nag-iba ang expression sa mukha niya, at biglang parang may ginawa na siya kay Faithlyn noong nagsimulang tuluyang magkaroon ng poblema ang mga CCTV. At kung oobserbahan mo pa siya bago niya samahan si Faithlyn, parang may kausap na siya. Naisipan kong tignan ito ngayon na naalala ko na ang huli kong ginawa bago ako napadpad kung saan.

Wait lang. Si..ZEN ba yun? Kausap niya bago sila nagkasama ni Faithlyn?

"Sa mga CCTV ako. Ako na bahala roon. Gawin mo trabaho mo." sabi ni Zen.

At pagkatapos, tila nag-iba nanaman si Anna na ngayon ay may pagdududa at pagkalito. Nakikita ko sa mukha niya ang takot at malalim na pag-iisip, pero namatay nanaman ang mga CCTV sa video na ito.

Inisip ko pa ang bagay na ito, hanggang sa magbukas ang mga pinto.

Nakita ko, isang lalaki mula sa CCTV room na ito. Naku po! Nahuli na ako.

"Huh? Isang estudyante? Ano ginagawa mo rito?" tanong niya. Ang lalaki ay hindi ganun katangkad, mga 5'5 lang at nakasuot ng eyeglasses. Mureno siya, at suot suot ang ID niya habang naka t-shirt na grey siya. Dala dala niya ang mga tsnghalian nila.. Nilapag niya ito sa lamesa.

"Pasensya na po, may iniimbestigahan lang po kay Faithlyn Washigton. Masyado akong naging apektado po, eh. Hindi na po mauulit." pagpapaumanhin ko. Naku naku..paano na ito. Saan ba kasi si Knowell?

"Ayos lang. Hindi naman ako pumasok para pagalitan ka, dahil may ibang rason pa."

Nagulat ako rito. Piling ko, parang may gusto siyang sabihin na magbubuklat sa...ISANG MASAMANG PANGYAYARI.

"Huh? Bakit po?"

"Kakilala mo ba si Knowell John Peralta ng 11-Asia? Kasama mo ba siya rito?" tanong niya.

"Ah, opo. Bakit po? Ano po meron sa kanya? Ano po nangyari?" kinakabahan kong tinanong yung lalaki. Jusko po, ano na kaya nangyari roon? Natatakot na ako..

"Natagpuan na lang namin siyang patay sa pagbalik namin. Sinubukan naming humanap ng maaring sanhi sa lugar na ikinamatay niya, pero wala. Sa pagkakaalam namin, ang lugar na ito ay walang mga camera." sagot niya na lalo kong ikinatakot.

Agad akong lumabas kahit pa man nabunggo ko ng konti yung lalaki. Nakita ko binubuhat ng iba pang mga nagtatrabaho na employee ang bangkay ni Knowell. Dugo dugo ang leeg niya.

Naiyak ako bigla. Kung may nagiging partner-in-crime man ako minsan sa mga spy missions ko, si Knowell yun. At ngayon na nangyari ang kamatayan niya pa ang pinakamasaya at pinakamabuluhan naming misyon na magkasama.

Pero..paano ito nangyari? Sino pumatay sa kanya?

Teka. Ako ata ang mag kasalanan nito..iniwan ko aiya roon. HINDI AKO NAG-IISIP!!! Mas okey pa siguro kung mapagalitan kami. Nakakuha ng oportunidad ang killer, eh! Sa pagka-soundproof ng kwarto na ito, hindi ko napansin o naramdaman ang pagkapatay sa kanya. Hindi kaya..yung oras na bigla akong napadpad kung saan ay yung oras na namatay na siya at bigla siyang nagparamdam? Isa pa, parang inikutan ako ng isang brown na paru-paro. Sabi raw, lumalabas ang paru-paro kapag may namamatay na malapit sa iyo. May..idadala silang mensahe sa iyo.

Umalis na ako sa lugar. Hindi ko na kaya pa. Si Knowell..wala na. Wala na, wala na! Nabawasan nanaman kami ng isa! T*ngina, kakamatay na nga lang ni Faithlyn, e! Sino ba kasi ang pumapatay? Kung sinoman ang g*gong yun, sana mapatay ko na, grrr!!! Huwag naman sanang sabihin ng katotohanan na nagpakamatay din si Knowell, ah!

Ang sarap talaga magwala!!!

Naisipan kong pumunta sa Canteen 3, kung nasaan yung Survivors.

Nakita ko sina AJ, Yuri, Noel, Chachi, Cane, KJ at Jerome sa isang lamesa na katabi ng bintana. Sa tabi naman nito ay ang lamesa nina Chantellia, Myla, Axle at Dana.

"Guys! Guys! Guys!" tinawag ko sila.

Tumingin naman silang lahat.

"Bakit, Arnold?" tanong sa akin ng pinsan kong si Noel.

"Si Knowell.." sagot ko na hindi matuloy pa. Nagtinginan ang iba kay Noel. Jusme, medyo naiba ko ata ang pronunciation kaya akala nila si Noel.

"Hindi ako yan. Na-well nga, eh. Hindi naman No-well. Sana napakinggan niyo ng mabuti. Anyway, ano mayroon sa kanya?" Ani Noel.

"K-k-kasi. Kasi..kasi.." pautal-utal kong sabi, pero hindi ko pa rin talaga masabi.

"He's dead, isn't he?" biglang sabi ni Myla. Siniko naman siya ni Chantellia at nag-murmur na ng iba ng saway sa kanya.

"Eupemistikong pahayag naman po 'pag may time!" sabi ni KJ.

"Saka, please, Myla. Nakakasakit talaga kung sasabihin mo yan. Patay agad? Palibhasa —" dagdag ni Dana pero pinutol ko na siya.

"Tama siya. Tama siya. Wala na si Knowell. Kasalanan ko ito."

"ANO?" sabay sabay nilang reaksyon, maliban lamang kina Myla na hindi nagulat o nanibago, tila sanay na siya rito at si AJ din, hindi nag-react, tahimik lang siya habang kumakain. Naiyak na ang iba, lalong lalo na sina Chantellia at Chachi.

"Teka, teka. Can you start from the beginning, 4A? Paano siya namatay? Ano ba kasi pinag-gagawa niyo at napahamak kayong dalawa!" Ani Cane.

"Ganito kasi yun..plano naming imbestigahan ang pagkamatay ni Faithlyn. Sa CCTV room muna kami. Pinalabas muna namin yung mga nagtatrabaho. Parang kalokohan na rin ito..ako ang pumasok at humalungkat ng mga video noong araw na namatay si Faithlyn. Pinanatili ko lang si Knowell sa labas, at lingid sa kaalaman kong may nakaabang palang pahamak para sa kanya. Bigla na lang pumasok ang isang employee at doon ko nalaman na patay na siya. May saksak siya sa leeg. Kay irresponsible ko talaga, kahit kailan!!!" kinuwento ko ang nangyari.

"ANO? Pinabayaan mo lang siya roon? Seryoso ka ba? Pahamak talaga ito mga misyon mo, 4A!!!" galit na reaksyon ni Dana.

"Easy lang, Dana, easy lang. Alam ni 4A na nagkasala siya at nagsisisi na siya. Iwasan mo ang pagka-warfreak mo." ang tugon naman ni Axle rito.

"Yup. Pagbigay natin siya. Walang gumusto sa pangyayari. Hindi nga ito inaasahan, e." pagsasang-ayon ni Chachi.

"The death game is really back, guys. Pangalawa na ito. Hindi na ito coincidence. Totoo na ito. Someone is after us. We have to be ready talaga. Nangyayari nanaman ang nangyayari noong nakaraang taon." sabi naman ni Yuri.

"4A." bigla nang nagsalita si AJ na kanina pa tahimik.

"Bakit po, boss?"

"May nalalaman ka bang additonal background tungkol kay Knowell?"

"Ha?"

"Tungkol sa background story ng buhay niya, may nalalaman ka ba rito na kakaiba? At yung imbestigasyon niyo pala, ano nangyari? Wala lang?"

"Ah. Teka lang, president AJ. Kung aalalanin ko..parang may naikuwento nga siya."

"Ge lang. Papakinggan ka namin. Tatanggalin ko na muna headphones ko." sabi ni Jerome.

"Kaya raw siya apektadong apektado sa pagkamatay ni Faithlyn ay dahil sa tatay niya. Nakulong ito ng sampung taon, simula pa noong pitong taong gulang pa lang siya, kung kailan lang nila nalaman ang pagiging kriminal ng tatay niya. Naiisip pa nga niya na baka ang pumatay ay ang tatay niya. Kasi raw, sa sobrang honest niya, naipagtapat niya ang panlalandi ni Faithlyn sa kanya at nadevelop na pagkagusto niya sa kanya na ikinagalit nila, lalong lalo na yung tatay." pagpapaliwanag ko.

Nagulat silang lahat dito.

"Wow. Kaya pala may pagka-bad boy si Noel. Ay, Knowell pala. Peace, giant slender man!" reaksyon ni KJ.

"Haha so may #FaithWell o #KnoLyn pala dapat. Ang landi pala ni dear diary girl Faithlyn, at nagtagumpay somehow, nadevelop si Knowell sa kanya!" sabi ni Jerome.

Haii naku. Ang dalawang patawang asungot na ito, ang mga patawa, nagsama pa talaga ngayon.

"Geh. Okay na yun. Eh, yung imbestigasyon niyo? May nakuha ba kayo?" tanong ni AJ.

"Si Anna. Nahahalataan ko ng konti na parang..siya ang killer. Tapos, parang kasabwat niya si Zen. Bago mamatay si Faithlyn, nag-usap sila, parang may pinaplano. Pumunta yata si Zen bandang mga CCTV. Tapos si Anna, pumunta kay Faithlyn. Habang magkasama sila, bigla na lang namatay ang mga CCTV. So..yeah. I'm suspicious of the two." sagot ko.

"Sabi na nga ba, eh! May duda na ako sa Zen na yan eh! Halata na sa behavior niya. Utak-killer nga siya. Di ba kapag kinulit mo siya, susuntukin ka na niya? Tas parang lagi may tinatago at pinaplano. Pati yung Anna na yan? Naku po, kahit pa man ganyan yan, talagang may duda rin ako sa kanya. There is something mysterious about her." agad na reaksyon ni Myla.

"You mean, kunyare kunyare lang yung third eye third eye niya, pang patibong lang pala yun?" ang tugon ni Jerome rito. 

"Hindi naman, Jer! Siguro ginagamit niya ito para sa mga plano niya. Para mapalapit yung mga biktima, lalo na yung mga lubos na naapektuhan sa mga namamatay, at makuha niya ang oportunidad na patayin ito. Oh yeah, ang galing talaga ni KJ Cabanilla!" sabi ni KJ.

"Yes, tama si KJ. Ganun na nga." ani Myla.

"Wait lang talaga, guys. Pwedeng pwede rin yung naiihint na paranormal events. Baka haunted na school natin?" pagbabahagi ni AJ ng ibang opinyon.

"Pwede rin, pero bakit naman papatay ang mga multo? Hindi ba dapat, nasa langit na yun? Masaya na..blah blah." reaksyon ni Noel.

"Sa bagay, pwede rin, kasi si Anna mismo involved na involved. May mga nakikita siya, di ba? At maaring umabsent siya dahil natatakot na siya. Baka alam niya ang nangyari kay Faithlyn. Baka saksi siya, since nakikita niya ang mga multo." sabi naman ni Axle.

"Mahirap iexpound pa ang paranormal na theory. Let's stick to the class killer theory. 4A, nag-spy ba kayo kina Thirteen at V kanina, at halos nahuli na ba nila kayo?" tanong ni Chantellia sa akin.

"Oo. Muntikan na kami roon, pero matalino si Thirteen para masabing nakakasigurado siya na nasa likuran lang kami, kahit hindi niya kami nakikita sa pagiging mga stealthy spy namin." sagot ko.

"Edi..baka kasabwat sila o sila mismo pumapatay. Who knows of their true colors? Baka pinatay na nila si Knowell dahil nakakainis na kayong dalawang mga spy. Hindi ka lang pinatay dahil ikaw ang nasa loob ng CCTV room at baka mahirapan sila. Gusto nila, si Knowell na lang muna. Tapos baka pinatay nila si Faithlyn dahil naiirita na rin sila sa pagiging malandi niya paminsan? Weirdo rin kasi yun paminsan, at nahuli ni Thirteen yun isang beses na may sinusulat yun sa diary niya about his bad attitude." pagbabahagi ni Chantellia sa teoriya niya.

"Ano? Si V, mamamatay tao? Hindi, ah! Kilala ko yun!" angal ni Yuri na mukhang pinoprotektahan si V. Um, ano kaya meron?

"At kilala rin kita, Yuri, hindi ka dapat kumakampi sa kanya. Mahal mo ba siya?" bigla namang tugon ni AJ.

"Oww!" sabay na reaksyon nina KJ at Jerome, at nagbrofist pagkatapos. 'Tong dalawang asungot talaga na'to..

"Sorry, sorry. Hindi ko mahal si V, okay? Kaibigan lang naman natin siya, naging mabait siya sa atin, masakit kung isa sa mga close natin ay maging suspect!" pagpapaumanhin ni Yuri.

"Easy, easy. Alam ko naman yun. Naninigurado lang ako, babe." sabi ni AJ, at hinawakan ulit kamay ni Yuri.

"Ayyiiieeee!!!" sabay na asar nina KJ at Jerome. Nagbrofist nanaman sila. Naku, naku. Nakahanap na talaga ng bagong ROFL na best friend si KJ.

Nakaramdam akong naiihi ako.

"Sige, guys. Paalam muna. Kailangan ko na mag-jingle." paalam ko sa kanila.

Umalis na ako. Maka-jingle nga muna. Medyo malayo ang pinakamalapit na banyo rito.

Pagkalabas ko, may narinig akong piano. Parang "See You Again." Naku, naku, ilang years na yan, usong uso pa rin kapag may namamatay. Ang special talaga ng kamatayan ni Paul Walker. Pero..saan nang-gagaling yung tunog ng piano na yun?

Ginamit ko senses ko. Aha! Sa kanan! Sa musical room siguro. Naisipan kong pumunta roon. Pero siyempre, stealth mode. Hehe, I really love being a secret spy agent.

Nakarinig na ako ng boses, habang tumatakbo gamit ang stealth run ko.

"It's been a long day

Without you, my friend

And I'll tell you all about it when I see you again

We've come a long way from where we began

Oh, I'll tell you all about it when I see you again

When I see you again." narinig kong may kumakanta. Maganda ang boses niya. Maganda ito, at pamilyar.

Habang papalapit ako ng papalit, nakikilala ko na ang kumakanta at tumutugtog — SI MICH.

Pero ano ginagawa niya rito? Hindi ba dapat kasama niya yung barkada niya? Sina Hade, Gerica, Aila at Seren?

Nang makarating na ako sa bandang pintuan, ito ang narinig ko:

"So let the light guide your way, yeah

Hold every memory as you go

And every road you take

Will always lead you home, home!"

Sumilip ako sa bintana. Sinigurado kong hindi ako mapapansin.

Nakita ko si Mich, may luha sa mga mata niya. Umiiyak siya.

"It's been a long day without you, my friend

And I'll tell you all about it when I see you again

We've come a long way from where we began

Oh, I'll tell you all about it when I see you again

When I see you again."

Natapos na ang kanta. Naisipan kong pumasok.

"Mich." binati ko siya.

"Arnold." binati rin naman niya ako. Isa siya sa konting taong tumatawag sa akin ng "Arnold."

"Kamusta, Mich? Bat ka nandito?" tanong ko na medyo nahihiya. Nahiya ako bigla nang makita ang kagandahan niya ng mag-isa at kaming dalawa lang. Nakasuot siya ng violet niyang sleeveless ngayon.

"Nalulungkot lang ako, Arnold. Sobrang nalulungkot na." sagot naman niya.

Umupo na ako sa tabi niya, ang upuan sa piano.

"Dahil ito sa magkasunod na kamatayan nina Faithlyn at Knowell, hindi ba?"

"Oo, yun ang dahilan. Arnold, kung alam mo lang, masakit ito sa akin. Naalala ko yung tatay ko na namatay sa plane crash. Siya ang sumusuporta sa akin talaga. Close na close kami, hindi katulad ng nanay ko na sobrang higpit. Hindi na nga siya umaattend sa mga pageants na sinasalihan ko, hindi pa siya pabor kay Sandhel."

"Wait lang, kayo na pala ni Sandhel? That was weird, kasi hindi ako updated. Masyado ako sa AJ X Yuri at NoeChi, eh. Saka tusing tinatanong ko si Sandhel dineny niya lagi, MU lang daw kayo. Ayoko yun i-stalk dahil napakasungit niya at bad boy. May takot din ako sa ibang tao.."

"Oo. Actually, in the past pa. Galing kami sa iisang school lang. Naging kami roon, pero nag break up. Dito kami nagkabalikan ngayon. Di mo kami masyado nakikita dahil may kanya-kanya kaming barkada na sinasamahan ng umaga, recess at lunch. Weekend, date kami pati pagka-uwian paminsan. Saka tinatago namin yun, eh. Pero, balikan natin yun tungkol kay mama. Talagang ayaw ko sa kanya, eh. How I wish na buhay pa si daddy. Alam kong bad boy si Sandhel, pero towards me, okay naman siya. Baka naman pwede ko siyang baguhin habang kami. I believe that people change. At kung tatanugin mo, hindi ko kasama si Sandhel dahil nalulungkot siya sa pagkamatay ng best niyang si Knowell. Kasama niya sina Xander at Raffy na best friends din nila. Sila ang basketball squad, di ba? Mga hotties. Isali mo na ang pinsan mong si Noel na basketball athlete rin kahit ibang barkada yun."

"Oh, I see. So ano pa? Kaya mo bang i-elaborate pa yung kalungkutan mo?" tanong ko pa.

"Parang..gusto kong lumipat ng section. Napapa-payag na ako sa desisyon ni mama, eh. Okay din naman kung i-appreciate at susundin ko rin siya kahit itong isang beses lang na ito, di ba? First semester lang naman, wala pa sa mid, pwede pa, pipilitin niya, kahit maraming babayaran o kung anoman. Nagsisimula na rin akong maniwala na may sumpa itong section na ito. Ayoko nang mapahamak pa." sagot niya.

Nagulat talaga ako rito.

"Ah, wala siguro..pero hindi talaga ako sigurado roon. Iniimbestigahan ko pa at inaalam. Pero, baka mayroon. Baka ang eight survivors din ang makakasabi sa huli." sabi ko naman.

"Basta, ako..ayoko na. Wala akong paki kung masasayang ang pride ng 11-Asia sa pagkakaroon ng isang pageant girl at mews tulad ko. Marami pa ng ibang magaganda sa inyo, di ba? Basta, ayoko lang. I guess tama si mama. Baka mahal niya ako, ayaw na niya ako mawala tulad ni daddy." ang tugon niya rito.

"Sige. Naiintindihan ko. Basta, tapusin mo lang siguro yung long tests ng ibang subjects for this month, at magiging okay ka na siguro, I guess.."

"Oo naman, Arnold. Mapapagkatiwalaan siguro kita na hindi mo ipagkakalat sa buong school itong tungkol sa background story ko. Kayo lang ni Sandhel at nang barkada ko ang nakakaalam nito. Secret agent ka pa man din."

"Oo, mapapagkatiwalaan mo ako. Sige, alis na ako. Baka dumating na sina Sandhel o yung barkada mo." nag-paalam na ako.

Lumabas na ako ng musical room.

Damn, ang dami kong nadidiskubreng mga background ng mga kaklase ko. Karamihan ay..may masakit na nagiging dahilan para maging sobrang apektado talaga sila sa mga malulungkot at masasaklap na mga pangyayari.

What a day, what a day.

Still. Nalulungkot talaga ako sa pagkamatay ni Knowell. At kay Faithlyn na rin.

Sa sumunod na linggong malungkot pa rin, puro long tests naman ng CLE, AP, English, Filipino, Math at Science. Kinuha ng mga teacher ang average ng lahat.

Highest In Results: Samuel Ausan, Heaven Castillejo, Axle Buenavista, AJ Magnifico, Yuri Sandoval, Thirteen Sulivan

Lowest In Results: Michelle Smith, Seth Evans, KJ Cabanilla, Serenity Hancher, Ashley Buenavantura, Faye Herrero

Haha, nasa middle siguro ako. Congrats kay Samuel at sa iba pang mga highest. Sa mga kulelat naman, bawi na lang kayo next time, I believe in you!!!

Pero still..hindi pa rin ako maka-move on. HINDI PA RIN KAMI MAKA-MOVE ON.

REST IN PEACE, FAITHLYN WASHINGTON AND KNOWELL PERALTA!!!

Author's Note: Busy week po ngayon para kay auhor, kaya less updates. Hehe. Sorry for that. Sorry din for the typos. Alam kong madami yan. Sana magustuhan niyo. Salamat sa mga suporta niyo. Yun lang, paalam muna sa ngayon! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top