Chapter 8: Jeopardized Investigation

Chapter 8: Jeopardized Investigation

Knowell Peralta's Point of View

Patuloy lang namin ni 4A na sinundan sina V at Thirteen.

Stealthy lang talaga kami. Dikit kami sa mga pader at naka pa-side kami kung maglakad, para hindi mapanson. Kung wala namang pader, naka-crouch lang kami, para hindi agad kami mapansin. Iniiwasan naming mag-ingay. Sinisigurado namin na ang aming mga paa ay hindi gumagawa ng tunog. Mas magaling sa akin si 4A sa mga ito, kaya siya ang nauuna at tiinuturuan pati inuutusan niya ako sa dapat na kilos bawat segundo.

"Poblema kasi, taken na sila parehas, e." sabi ni V.

"Kaya nga. T*nginang Noel na kaaway ko na yun, siya pa talaga ang boyfriend ni Chachi." pagsasang-ayon ni Thirteen.

"Patuloy siguro tayong magpapansin na lang. Baka sakaling mas magustuhan nila tayo at makipag-break up na roon kina AJ at Noel. I respect AJ talaga as his friend and follower. Class president yun, eh. Tas si Noel..secretary. Yari talaga tayo. Mahirap na labanan ito." Ani V.

"Bigyan kaya natin ng mga regalo, ganun? At wala akong paki kung may mga buwiset na spy ngayon na nakakarinig ng mga ito. Alam kong inuutusan nung mga yun itong mga 'to. Tuloy pa rin mga plano natin anomang mangyari." pagmumungkahi ni Thirteen na ikinagulat ikinatakot ko.

"Weh? Matignan nga!" ang tugon naman ni V dito at lumayo ng konti, tumingin-tingin sa paligid.

PUTEK! Sa takot at kaba ko, halos mapasalita na ako, pero tinakpan naman kaagad ni 4A ang bibig ko at nilayo ako palayo. Nag-crouch siya sa likod ng isang kotse at tinapat mga paa sa malaking gulong nito, upang di mahalata. Ganun din ginawa ko. Nasa likod lang niya ako. Advantage pala ang kapayatan namin.

"Nope, wala. Wala sila. Tayo lang nandito, tayo lang nakakaalam." sabi ni V.

Phew. Hindi kami napansin. Lumayo kasi kami. Buti na lang, buti na lang!!!

"Don't be so sure. Alam kong nandito lang yan si 4A. Kilala mo naman yun, sa sobrang stealthy, hindi mo talaga mapapansin. Malamang, inutusan na yun ngayon ni Noel ngayon na bumalik na siya." kontra naman ni Thirteen.

"Wow, talino mo talaga, bhocxz Thirteen! Kaya dapat lang na magustuhan ka ni Chachi!"

"That's right. Chachi will be mine!"

Patuloy lang namin silang sinundan stealthily. Lintek na mga paa ko, sumakit bigla sa kaka crouch na lakad ko. Siyempre si 4A, hindi, dahil sanay na sanay na siya."

Nakita naman namin kasunod sina Dana at Axle magkasamang nag-uusap.

"Wew. Sila na ba?" pabulong na tanong ko kay 4A.

"Haha, ewan. Pero ramdam ko..malapit na rin." at pabulong naman na sagot ni 4A.

Patuloy lang ang stealth mission namin, hanggang sa parehas kaming mapatingin at mapangiti nang makita yung #HaVin, holding hands na naglalakad!

"Ah. I want everyone to see this. HaVin is breezing strongly in the air!" reaksyon ko rito.

"Haha, oo nga! Bagong sikat na love team!" sabi naman ni 4A.

Pagkatapos ng ilang minuto, tumunog na rin ang bell. TIME NA!

Ang mga sumunod na subject ay ang boring na magkasunod pa talagang Math at Science.

Kung alam niyo lang, nakakasakit sa ulo ang Math namin ngayon. Wala nga ako halos ma-gets eh. Tapos yung Science? Ang hirap mag-memorize. Leche yang Chemistry na yan. Ang hirap hirap na nga imemorize ng buong periodic table, tapos may computation ba ng mga carbon carbon, ganun? Hirap na nga maka-move on, e. Haiiist. Mas okay pa yung Geology at Biology, walang Math na Science hindi katulad sa Physics at Chemistry.

Pero may naisip akong iba.

SI TATAY.

Kakalabas lang niya ng kulungan. Sampung taon na siyang nakakulong. Saka lang namin nalaman ang pagiging kriminal niya noong pitong taong gulang ako.

**Flashback**

June 26, 2007

May mga kapitbahay kaming mga adik, mga loko loko. Lagi nilang tinatangkang i-rape si mama at patayin si papa. Hindi ko mga alam kung bakit.

Pero isang araw, nag-iba rin ang lahat ng ito, isang pagbabago ang nangyari na binago talaga ang lahat. Napakalaki ng pagbabagong ito at may kakaiba kaming nalaman..

"Papa, basketball po tayo! Practice nanaman po tayo! Gusto ko matutong mag lay up ng mas maayos! Ang galing niyo po kasi! Manang mana po ako sa iyo na varsity noon sa school mo po, di ba po?" sabi ko kay papa, habang nakasuot na ng jersey ko at hawak ang bola. Dini-dribble ko na nga ang bola, e. Excited na ako!

"Pasensya na, anak. May mga aasikasunin pa papa mo sa ngayon. Ikaw na muna, ha? Alam kong kaya mo na yan." sabi naman ni papa habang may parang hinahalungkat sa pantalon niya.

"Sige po..naiintindihan ko po."

"Good boy ka talaga, Knowell. Kaya proud kami ni mama sa iyo, eh."

Hinawakan ako sa ulo ni papa at pagkatapos, lumabas na.

Nag-basketball naman na ako. Takbo, dribble, talon, shoot.

Meanwhile, si mama ay naglalaba. Sa labas ay yung tatlong mga lalaking walang oantaas na damit na mga adik, nakasilip.

"Miss Ganda Peralta! Ayaw mo parin ba ibigay number mo?" tanong ng lalaking kulot ang buhok at makapal ang balbas na medyo mataba, habang umiinom ng isang droga.

"Nakakailang years naman na, o!" dagdag ng lalaking kalbo, habang iniinom ang alak niya.

"Mga hinayupak talaga kayo. Pwede ba, umalis na kayo! Nakakairita kayo, e!" sagot naman ni mama.

Natawa lamang yung tatlo.

"Ang ganda mo kasi, pinakabagay ka sa isa sa amin, sino nga ba pinakagusto mo sa amin?" sabi naman nung sobrang payat na mahaba ang buhok na tila hindi nagpapagupit, habang naninigarilyo.

"Naku, wala. Tumigil na kayo, kung pwede. Huwag kayong umasa."

Natawa ulit yung mga lalaki.

"Amoy na amoy namin ang bango ng mga nilalabhan mo, na nagmula sa bango mo mismo!" sabi pa nung lalaking mahaba ang buhok, yung nagyoyosi.

"Mas amoy na amoy yung amoy ng mga droga, alak at yosi niyo! Lumayo nga kayo! Ayoko na kayong malanghap pa!" sabi naman ni mama at hindi na sila pinansin pagkatapos.

May mga sinasabi pa sila na hindi na pinapansin ni mama, hanggang sa may masabi silang kakaiba at nakaagaw talaga ng aming atensyon.

"Ge. Patayin na kaya namin yung asawa mo, para mapilitan kang pumili sa isa sa amin!" sabi nung kulot na nagda-drugs.

"Buwiset kayo! Ano bang trip niyo? Sigurado akong hindi niyo yun maggaawa! Lalaban si Narciso para sa amin ni Knowell!" ang tugon ni mama rito.

"Tama, hun! Tatanggapin ko ang hamon nila. Para matapos na ang lahat ng ito." sabi bigla ni tatay, na kakalabas lang mula sa bahay pagkatapos ng medyo matagal na paghahanda sa loob. Tumakbo na siya palabas. Binuksan niya ng mabilis ang gate.

"Hun, huwag!" pipigilan sana siya ni mama, pero, huli na. Tumigil muna ako mag-basketball at pinukaw ang atensyon ko rito.

Nakalabas na siya at pagkalabas niya, agad siyang sinuntok nung umiinom ng alak. Natumba siya, pero nasipa niya ito ng malakas na nagpatalsik dito.

Sunod na umatake ay ang nagyoyosi. Pinatumba siya nito at tinangkang saksakin si papa ng kutsilyo sa dibdib, pero nahawakan ni papa ang kutsilyo. Nag-agawan sila, hanggang sa masaksak ang dibdib ng lalaking nagyoyosi.

Nagalit ang lalaking nagdodroga, kaya tinutukan niya ng baril si papa. Tumakbo muna si papa ng napakabilis, at nailagan ang mga putok ng bala sa kanya ng lalaki habang tumatakbo siya. Hanggang sa marating ni papa ang lalaki, nasaksak niya ito sa leeg. Patay na rin ang lalaking nagyoyosi.

"HUN!!!" nag-aalala't natatakot na sigaw ni mama.

Ako naman ay walang masabi sa pangyayari. Pinapanood ko lang at nagugulat kay papa. Pero kinakabahan din ako dahil ang laking pahamak ang nararanasan niya.

Ang napatalsik naman niya kanina, yung nag-aalak na lalaki, ay bumangon na.

Kinuha ni papa ang baril mula sa walang bunay na katawan nung nagdodroga na lalaki, at agad itong tinutok sa lalaki na yun.

Ang lalaki naman ay hindi natakot. Gumapang siya ng mabilis at kinuha ang bote niya ng alak. Binato niya ito ng malakas kay papa, at nabasag ito sa katawan niya. Natapunan siya, pero nabaril naman niya ang lalaki.

Nabubugan si papa. Iyak na iyak si mama. Ako naman, hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Plano sana namin dalhin siya sa ospital, pero naunahan kami ng mga pulis. Naisipan nilang dalhin na lang siya sa isang "prison hospital."

Nakasuhan si papa ng homicide dahil dito. At hindi lang yun. Nalaman na rin namin na may mga kaso na siya dati. Isa pala siyang dating snatcher na marami nang krimen ang nagawa. Nakapatay na rin siya. Pero natakasan niya ito.

Ngayon, sa nahatulang kaso niya, kasama na ang mga natakasan niyang mga kaso dati, mga sampung taon o mahigit siyang makukulong.

**End of Flashback**

Masakit ito para sa akin.

MASAKIT NA MASAKIT

Kaya tuwing may namamatay, isa ako sa pinakanasasaktan. Alalang-alala ko rito si tatay. Naging kriminal siya noon para protektahan kami mula sa mga taong alam niyang nakakainis na at pinapahirapan na talaga kami. In fact, medyo nararamdaman ko nga na baka siya ang pumatay kay Faithlyn. Ganito kasi yun..

Nilalandi ako ni Faithlyn. Yup. Malandi talaga yun. Lalo na sa akin. Inisa-isa nina mama at papa (noong kakalaya lang niya nung kulungan) ang mga kaklase ko. Pagdating sa mga magulang ko, nagiging matapat ako. Wala akong tinatago, kaya nasumbong ko ito. At nagalit sila, lalong lalo na si papa. Ayaw na ayaw nilang maging malapit ako sa babae ngayong bata pa lang ako. Honestly, ako rin mismo, medyo nagkakagusto sa kanya na ayaw ng mga magulang ko. So..baka siya na nga ngayon.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayon na nakalaya si papa ng mas maaga sa inaasahan dahil sa "good behavior" niya sa loob ng kulungan, o maging malungkot pa rin. Masyado akong apektado talaga.

Anyway, lunch, sumama ako kay 4A sa imbestigasyon. Naging parang mga ninja kami sa labas ng kwarto ng mga CCTV. Nagtago ako sa ilalim ng isang malaking lamesa ng corridor nila. Si 4A naman ay tinakpan ang sarili niya ng kumot sa isang sofa, na kunyare ay mga unan lang.

Hinintay naming makalabas yung mga tao na nandoon. Kadalasan kasi kapag mga lunch break, bumibili muna sila ng tanghalian at bumabalik para kumain sa loob.

Pagkatapos ng mga limang minuto, lumabas na muna sila. Hindi nila kami napansin. Nang makalayo na talaga sila, tumigil na kami sa kakatago.

"Ito ang plano. Ikaw, Knowell, sa labas ka lang, okey? Bantay ka. Tignan tignan mo mula sa malayo kung paparating na sila. Katukin mo agad ako kapag nandiyan na sila. Ayos ba yun?"

"Oo, ayos na ayos yun sa akin, 4A!"

Pumasok na si 4A, habang ako, bumantay sa labas.

Bigla naman akong may nakitang parang anino na gawa sa usok ata. Hindi pa nga ako man lang sigurado sa itsura, kaya naisipan kong lapitan ito.

Nakita ko, si Faithlyn. ANG KALULUWA NIYA! Para siyang white lady sa itsura ng multo niyang katawan.

"Faithlyn?" tanong ko, habang dahan-dahang lumapit. Hindi ko talaga alam, pero ngayon na multo siya akong mas naattract sa kanya.

"Knowell. Lapit ka." sagot naman niya, kaya lumapit pa ako.

Hinawakan ko siya, ang katawan niya. Naramdaman ko ang pagkamulto niya. Nakakalusot ang kamay ko. Parang hangin lang siya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"Faithlyn, bakit? Bakit ka ba namatay? I mean..paano? Paano? Sino pumatay sa iyo?"

"Ayoko na yun alamin at ibahagi pa, Knowell. Gusto ko lang magsaya. Masaya na ako ngayon."

Hinawakan ni Faithlyn ang mga kamay ko.

"Gusto mo bang sumayaw?"

"Ahhh..h-hindi k-ko alam."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero tinanggap ko na lang mga kamay niya.

Sumayaw kami at tila nararamdaman kong nasa isang paraiso ako. Napangiti kami parehas. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay.

"Masaya ka na ba, Faithlyn?" tanong ko bigla na medyo nahihiya pa.

"Oo naman."

Sayaw lang kami ng sayaw hanggang sa pabilisin niya ito ng pabilisin. Hindi ko naiwasang magreklamo.

"Faithlyn..hindi ba ito sobrang bilis???"

Hindi siya sumagot. Napansin kong medyo nag-iiba na mukha niya. Bigla niya akong natapon sa bilis, tumama ako ng malakas sa isang pader.

Nawala ako sa sarili ko ng saglit. Pagkadilat at pagka-recover ko, nakita ko si Faithlyn na ibang iba na. Mas malaki na ang mga mata niya at iba ang kulay nito. Mahaba ang dila niya at punong puno ito ng dugo. Tila pangil na ang itsura ng mga ngipin niya. Napakarumi ng damit niya at ng buong katawan. Punong puno ito ng dugo. Pati mukha niya, duguan na duguan, tumatapon pa nga ito. Mukha na siyang halimaw. Mukha na ngang mangkukulam na gusto akong kainin, e.

"Faithlyn..mukha ka nang halimaw. Iba ka na. Talagang iba ka na!!!" sabi ko sa kanya at tumakbo palayo.

Leche. Ibang Faithlyn na yun! Nagpakita pa talaga sa akin! Huhu, nakakatakot yun!

Kumatok ako kay 4A.

"4A! 4A! Kailangan ko tulong mo! Si Faithlyn..iba na! Gusto niya ata akong atakihin! Minumulto niya ako!"

Putek. 4A, buksan mo na ako agad!

Bumukas ang pintuan, at nasipa ako kaagad.

Putcha. Natumba ako, at pagkakita ko, si 4A. Iba kulay ng mata niya at parang hindi siya ang nandoon, halata ko sa expression ng mukha niya at posture niya. Pero baka siya ito. Perhaps, may true colors siya.

"4A! Ano ito, ha?"

"4A? Ang katawan ng kaibigan mong 4A na ito ay kay Daphne Lopez na. Ngayon, maghanda ka. Maabot mo na rin ang iyong kamatayan." sabi ng isang boses na parang babae. G*gang ito, sinaniban si 4A. PUTEK, PUTEK, PUTEK!!!

"Lalabanan ko yun! Kung sino ka man, kaya kita! Alam kong ikaw din ang pumatay kay Faithlyn! Matatapos na rin ang lahat ng ito!" sabi ko.

T*nginang Daphne Lopez na yan. Sinaniban pa talaga si 4A at tinatakot ako. Pero hindi dapat ako matakot sa kanya!

Tumakbo ako at inatake ang katawan ni 4A. Napatumba ko siya, pero bigla naman akong hinangin. Tumama nanaman ako sa pader. Napakasakit nito. Nahilo ako ng sobra. Putcha, putcha, makakakuha ng advantage yung g*gang yun sa akin eh!

At tama nga ako!

Pagkadilat ko, ang tanging nakita ko ay ang kutsilyo, papalapit sa akin. Tumama ito sa leeg ko.

The Departed Soul of Leslie Daphne D. Lopez's Point of View (BRAINWASHED AND MANIPULATED BY SIR VINCENT MIGUEL MAULEON)

Wala na rin siya. Napatay ko na rin siya. Tagumpay ako rito sa misyong binigay sa akin ni Sir Mauleon. Nagpakita na muli si Faithlyn.

"Napatay mo na?" tanong niya.

"Oo. Tingin ka kaya roon sa katawan niya sa pader." sagot ko naman sa kanya.

"Wow, galing. Sakto talagang nakuha natin ang oportunidad na patayin siya kung kailan sila pumunta sa lugar na ito na hindi nakikita sa CCTV. Ayos talaga!" aniya.

"Itong unang dalawang kamatayan na ito ay parang testing at opening lang. Binase lang ito sa long test ng Social Science na score. Pinakamataas ikaw, at pinakamababa si Knowell. Ang mga susunod ay ibabase sa sama-sama nang mga long test ng iba pang mga subject." pagpapaliwanag ko.

"Mabuti pa lang namatay na ako..kasama ko na kayo at naiintindihan ko na si Sir Mauleon. Mas paraiso na ito kumpara sa bago kong mundo sa 11-Asia." sabi naman niya.

"Mas lalawak ang diary mo sa amin." ang tugon ko rito.

Nakarinig ako ng mga yapak at mga boses.

"Ayana sila. Tara na. Alis na tayo rito. Hintayin natin nilang makita ang kababalaghang ginawa ni 4A sa CCTV room at ang kamatayan ni Knowell." sabi ko, at pinasok ang katawan ni 4A sa CCTV room. Umalis na ako sa katawan niya pagkatapos at sinundan si Faithlyn pabalik sa aming lugar.

ABANGAN.

Status: (32/34, two dead)

Boys

(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W.
(07-150) 4. BUENAVISTA, Axle Blaze A.
(06-301) 5. CABANILLA, Kane Jacob H.
(17-189) 6. CASTAÑO, Zenke Blaze Y.
(17-033) 7. DEVILLES, Sandhel Jake C.
(17-046) 8. EVANS, Seth Caeser U.
(17-068) 9. KIM, Vince
(04-100) 10. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
(17-154) 11. PABLO, Gavin Rock X.
(17-002) 12. PAMULAR, Jerome Drake V.
(17-119) 13. PANGILINAN, Adrian Raphael F.
(17-120) 14. PANGILINAN, Parker Alexander F.
(17-204) 15. PERALTA, Knowell John O. † (Deceased)
(17-182) 16. PEREZ, Andrei Q.
(17-013) 17. SULIVAN, Thirteen Matthew N.

Girls

(17-111) 1. BUENAVANTURA, Ashley Quinn R.
(17-055) 2. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
(17-249) 3. DELA FUENTE, Alexandra Cane B.
(17-021) 4. GREY, Diana Alice J.
(17-131) 5. HANCHER, Aileen Grace E.
(17-132) 6. HANCHER, Serenity Drea E.
(17-196) 7. HERRERO, Beatrice Faye D.
(17-220) 8. HUEGO, Samara Leondale G.
(17-125) 9. LAYONISA, Anna Kirsten Z.
(13-177) 10. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(17-189) 11. QUEBRAL, Queen Gerica G.
(17-218) 12. QUINZEL, Harleen Jade S.
(04-078) 13. SANDOVAL, Yuri Arissa M.
(17-166) 14. SMITH, Krista Michelle N.
(17-072) 15. STA.JUANA, Myla P.
(05-005) 16. YUKIKO, Chantellia D.

Author's Note: ANOTHER DEATH! Pasensya na po sa pagkamatay ni Knowell. Deaths really have to happen, that's life, right? That's what a PDE is all about, right? Anyways, sorry for the typos, sana magustuhan niyo ito. Salamat sa mga suporta niyo, sana manatili yan hanggang huli. Magiging busy lang po, since may mga project na gagawin at exams na ngayong week. Huhu. I'm sure yung iba sa inyo ganun din. I will pray for all of us. Good luck and God bless to all of us. =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top