Chapter 6: Several Theories

Author's Note: Unang una sa lahat, batiin po nating lahat ang ating birthday celebrant ngayon. Walang iba kung hindi ang Chachi Montgomery natin sa totoong buhay, si Darkest_Senyorita . Enjoy this special day and I hope that as you grow older, your progress in life would increase. May you use all your current knowledge and discovered abilities to be able to unleash your full potential time to time which will help this journey of life we all are having. Good luck, I know you will be able to come up to a higher place. May God bless you always as you explore more in your life like now, when you got older. HAPPY 13TH BIRTHDAY!

Chapter 6: Several Theories

Chachi Montgomery's Point of View

Umakyat kami kaagad ni Cane nang mag-bell at hindi pinansin yung parang dagsa sa isang lugar.

"Ano kaya ang pinagkakaguluhan nila roon?" tanong ko.

"Ewan. Tingin mo ba parang aksidente yun na nangyari?" sagot ni Cane.

"Oo nga, noh. Malalaman naman natin yan mamaya mula sa iba."

Unang una kami sa corridor. Wala pang masyadong mga nakarating. Halos kami lang ni Cane ang nakapila sa mga corridor ng Grade 11 classrooms. Siguro, may pinagkakaguluhan pa rin sila hanggang ngayon. Ano kaya yun?

Pagkatapos ng ilang minuto, nagsiakyatan na ang iba.

Una naming nakasalubong ay si Mich, humahagulgol na.

"Mich! Bakit?" tinanong namin siya kung bakit siya umiiyak.

"Kasi..k-k-kasi. S-si. S-S-Si F-faith.."

"Si Faith? Yung faith mo kay God? O may pinepertain ka bang Faith na tao? Kasi Faithlyn lang ang kilala ko." sabi ko sa kanya.

"Oo..o-oo.. S-s-si Faithlyn nga."

"O, ano nangyari kay Faithlyn? Ano mayroon sa kanya?" tanong ni Cane.

Napatahimik at napaisip ako rito. Ano kaya ang nangyari kay Faithlyn?

Bigla namang dumating na si Andrei. Sa likod niya ay maraming mga estudyante na nangaling sa pinagkakaguluhan kanina. Sina Samuel, Heaven, Sandhel, Sam, Knowell, Faye, Thirteen at Hade ay pumila na pero tahimik lang. Ang iba sa kanila ay umiiyak na.

"Drei! Ano nangyari kay Faithlyn?" tanong ko naman sa kanya kaagad.

"Hindi lang si Faithlyn. Si Anna rin. Pero magkaiba ang kalagayan nila. Si Anna, mukhang nahimatay lang. Samantala si Faithlyn..SUMAKABILANG BUHAY NA."

Naiyak na ako roon. Bagama't eupemistikong pahayag ang sinabi ni Andrei tungkol sa pagkamatay ni Faithlyn, nasaktan pa rin ako. Ang tanong agad sa aking utak: PAANO SIYA NAMATAY?

"Paano? Paano, Andrei?" tinanong ko na siya.

"Nakita na lang siya sa sahig duguan na duguan ang ulo. Ang iba raw ay narinig na parang may malakas na pagkabagsak sa lugar na iyon, kaya posibleng nahulog siya. Nang makita ito ni Anna, nahimatay siya." sagot naman niya.

"Nahulog? O baka nagpakahulog siya." reaksyon ni Cane rito.

"Kanina pa kami nakahalata ng misteryosong mga bagay tungkol kay Faithlyn. Tila may tinatago talaga siya. Nakaranas siya ng lungkot at mukhang naapektuhan siya sa mga kwento ni Anna nang nakikita niyang mga kaluluwa." may narinig kaming biglang boses at nakita namin, si AJ lang pala. Kasama na niya sina Noel, KJ, Chantellia, Myla at Yuri.

"Noel!" sabi ko nang makita si Noel at niyakap agad siya. Hindi na ako naiyak nang dumating siya.

"Chachi. Babe, nakakatakot na ngayon. May namatay nanaman. May ibigsabihin talaga ito." sabi naman niya sa akin.

"So ano na ngayon? Ano ang posibleng dahilan nito? Nagpakamatay si Faithlyn? Yung katulad nang gagawin sana ni Alexandra noon? Sa sobrang lungkot?" pagtataka ni Yuri.

Biglang lumaki ang mga mata ni Myla nang makita niyang dumating na sina Zen, Jerome, Raffy, Xander, Aila, Seren Gerica at Ashley.

"Hindi pa natin alam, pero pwede natin subukang hulaan. At sa aking palagay..hindi tayo basta bastang magbigay ng tiwala sa ibang mga tao. Lalo na roon sa mga malalapit sa atin." sagot naman ni Myla habang tinitignan ng masama ang kakadating lang na sina Zen, Jerome, Raffy, Xander, Aila, Seren, Gerica at Ashley.

"Huh? Bakit naman. Ang misteryoso ng pahayag mo na yan, Myla. Ibigsabihin mo ba yung walong yan na kakadating lang?" tanong ni Cane sa kanya.

Tumingin ako sa walo. Nakakatakot nanaman ang mukha ni Zen. Nagsa-soundtrip lamang si Jerome na parang walang nangyari at hindi siya apektado. Sina Raffy at Xander ay parang nagtitinginan at nag-ngingitian sa misteryosong paraan. Tapos sina Aila at Seren ay nagbubulungan na tila may tinatago. Si Gerica ay mukhang may evil look, tila may pinaplano o ineevaluate sa sarili. At si Ashley? Mukha na ring nakakatakot tulad ni Zen.

"I get her point. She really can turn the tables over. Ibigsabihin niya, hindi tayo basta basta dapat magtiwala sa mga tao, lalo na sa mga malalapit sa atin dahil yung mga mas malalapit pala sa atin ang gagawa ng mga kataksilan. Inuugnay niya ito sa posibleng dahilan ng kamatayan ni Faithlyn." ang tugon ko naman dito.

Nagtinginan sina Noel, KJ, AJ, Yuri, Chantellia at Andrei.

"Yun na nga." Ani Myla.

Tumunog na ang second bell, saktong dumating sina Axle at Dana.

Pinapila na kami ni AJ.

Si Chantellia na lang ang nasa harap ko at hindi na si Faithlyn, sapagkat yumao na siya. Wala rin si Anna, kaya pagkatapos ni Ashley ay si Yuri na, tapos si Chantellia, tapos ako, tapos si Cane and so on..

Hanggang sa biglang may inannounce sa mga speaker.

"ANNOUNCEMENT. To all Senior High School students, your teachers will have a meeting first after the tragedy that happened to Miss Faithlyn Washington of 11-Asia as well as Miss Anna Layonisa fainting just the previous recess. Class officers, kindly take charge of your respective classrooms. Again. To all Senior High School students, your teachers will have a meeting first after the tragedy that happened to Miss Faithlyn Washington of 11-Asia as well as Miss Anna Layonisa fainting just the previous recess. Class officers, kindly take charge of your respective classrooms. Thank you."

Nang matapos ang announcement, sinigurado muna ni AJ na tahimik kaming lahat at maayos ang mga pila. Sinusi naman na ni Axle ang pinto.

"Sige. Girls, pasok na kayo. Sumunod na kayo boys."

Pumasok na ang girls. Dahil una si Ashley, siya na ang pumindot sa switch ng mga ilaw at fan. Doon na ako sa upuan ko, sa third row sa kaliwa. Nanatili muna kaming nakatayo.

Sumunod na ang boys, kung saan una si Jerome at huli si babe Noel.

Lahat kami ay nanatiling nakatayo at sabay sabay na binati si AJ na tila isang planadong kalokohan.

"GOOD MORNING, SIR MAGNIFICO!!!"

"Good morning as well, you may now sit down." natatawang tugon naman ni AJ, at pinaupo na kami.

"Thank you."

"So, guys. Ano gusto niyong gawin? Pag-usapan ang nangyari kay Faithlyn? Ano ba tingin niyo ang dahilan ng mga nangyari?" tanong ni AJ, habang lumilibot sa classroom.

"May CCTV naman, di ba? Baka malaman natin through that." sagot ni Samuel.

"Hindi. Kakagaling lang namin ni Dana roon. Pumunta agad kami roon ng makita namin ang death scene, kaya medyo natagalan kami sa pagbalik sa classroom. Pumunta talaga kami diyan sa pinakamataas, eh, kung nasaan ang mga CCTV. Ang sabi raw nila, biglang hindi gumana ang mga CCTV nila noong recess, kaya hindi rin nakunan ang pangyayari na yun." pagtututol na pahayag naman ni Axle.

"Okay, then. Opinyon niyo, guys?" Ani AJ.

Tumayo bigla si KJ.

"Okey, tahimik kayo. Ibigay niyo ang sahig kay KJ Cabanilla! Tatandaan niyo..may posisyon ako. AUDITOR AKO!"

At tumahimik.

"Si Faithlyn ay alalang-alala sa mga namatay na naming mga kaklase last year. Hindi pa rin siya maka move on hanggang ngayon lalo na sa mga kuwento ni Anna. Ang teoriya ko? Nagpatulong siya kay Anna na hanapin ang mga ito dahil pinaniniwalaang may third eye raw si Anna. Tapos..siguro, noong nakakita si Faithlyn bigla, parang unexpected na lumabas yung mga multo nila at natakot siya, either bigla siyang nahulog na lang, naaksidente nang nasa mataas siya na lugar, o nagpakamatay siya sa nakita niya. Sa mga napapanood ko na mga paranormal, baka naging nakakatakot ang nakita niya. Kunyare..kaluluwa ni ROFL. Wait, shoutout lang sa kanya, best friend ko yun dati na parang kapatid na rin. Anyway, ayoko maiyak, ituloy natin. Kunyare, baka mukhang halimaw na ang anyo ng multo st sa sobrang takot niya, napahamak niya sarili niya. Either disgrasya, o pagpapakamatay." sabi na ni KJ,

"O baka pinatay siya ng mga multo?" bigla namang sabi ni Thirteen na ikinatawa ng halos lahat. Isa ako sa mga hindi tumawa. Si babe Noel ay hindi tumawa, pero alam kong masaya siya na ang ibs ay natatawa sa opinyon ng kaaway niyang si Thirteen.

"Ano? Pwede kaya yun. 'Kala niyo ba.."

"Pwede naman. Pero hindi siguro. Kasi sa pagkakaalam ko, hindi yun gagawin ng mga multo. Baka natakot lang si Faithlyn talaga, nawala sa sarili bigla. Mayroon pa bang opinyon?" Ani AJ.

Nagtaas ng kamay si Heaven, at nang ituro siya ni AJ, tumayo na siya.

"Ito, ito. May pumatay sa kanya! Isa sa atin! Pwede ring ibang mga tao, pero most likely, taga-rito." sabi niya.

"Yun! Yun din opinyon ko. Isa lang talaga yun sa atin. Marami ritong hindi mapapagkatiwalaan. Kilala niyo na kung sino kayo, kung kayo man ang pumatay kay Faithlyn." sabi naman bigla ni Myla na sumasang-ayon sa pahayag ni Heaven.

"Hindi ako naniniwala sa haunted haunted na yan myself. So baka mas sumang-ayon ako sa killer killer na ito. Kahit na..makakasira ito ng mga tiwala." Ani Samuel.

"Seryoso? Killer talaga? Baka paranormal. Kasi ispin niyo. Yung CCTV daw, sira? Baka sinira ng mga multo ng CCTV para hindi makita ang totoong nangyari. Baka nga mga multo ang pumatay sa kanya. Nakakabasa na ako ng maraming mga paranormal books. Posibleng ganito ang nangyari." binahagi naman ni Faye ang kanyang opinyon.

"Ha, says the book worm hot chick. Sorry talaga, sexy sweetheart, pero hindi ako sasang-ayon diyan sa opinyon mo." tugon naman ni Knowell (pronounced as Na-well, hindi No-well ni Noel).

"Wait, to sum it all up. Hindi kaya ibigsabihin nito..may bago nang death game???" sabi bigla ni Chantellia.

"Posible nga. Kaya dapat tayong 11-Asia ay maghanda. Kung tungkol ito sa mga multo, posibleng isa sa mga multo si Sir Mauleon at hanggang ngayon, ayaw pa rin niya tayo tigilan. At kung killer killer pa rin ito, isa lang yun sa atin na pumapatay sa sarili niyang dahilan. Posibleng may nagawa tayong masama dati sa kanya o may kaugnay siya kay Sir Mauleon at tinutuloy lang niya ang mga ginawa nito sa nakaraang taon, noong nakaranas ng napakasaklap na pangyayari ang 10-Asia. Pero alinman ang sanhi, dapat tatandaan natin na hindi tayo papabayaan ng diyos natin sa itaas. Siguro, ang tanging pinakamagandang magagawa natin as a section ngayon ay ipagdasal ang kaluluwa ni Faithlyn. Sa ngayon, suffering church pa lang siya at wala pa sa triumphant. Ibigsabihin, nasa state of cleansing pa lang sa purgatory at kailangan niya prayers natin." pagpapaliwanag ni Noel na may kasama nang inspirasyon.

"AMEN! Tama siya! Iba ka na talaga, boss Noel! Manang mana ka talaga sa akin. Astig talaga yung mga lalaking may tunog ng pangalan natin, noh? Shoutout sa mga may pangalan o may pangalan na katunog ng Noel at Knowell!" reaksyon ni Knowell dito.

"Okay, guys. Before you ask..wala akong napanaginipan sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit. Baka this death game, hindi ako meant to be na message deliverer. Haha." Ani AJ.

"Huy, honey, huwag ka nga muna magsalita tungkol sa death game na yan! Hindi pa nga tayo sigurado, eh! Sana wala!" tugon naman ni Yuri.

"Sige, pasensya na, Yuri my labs." pagpapaumanhin ni Yuri.

"Haiist ang boring talaga kapag wala yung dalawang mga inglisero kahit pa man nakakanosebleed sila. Kung nandito lang si Gavin, tutugtog na yan para hindi tayo mapunta sa ganitong kondisyon. Tapos si Seth naman, baka gumawa ng magandang painting tungkol kay Faithlyn to cheer us up." sabi ko sa kanila.

Natawa sina KJ, Noel at Cane ng konti.

"Oo nga. Pero siyempre, si 4A rin nakakamiss. Malamang, iimbestigahan na niya ito agad, tas magbibigay ng mga sarili niyang teoriya na siguro, accurate, lalo na kapag nag-imbestiga siya." sabi naman ni Noel tungkol sa pinsan niya.

"Huy siyempre huwag niyong kakalimutan si V! He's still one of us kahit medyo suplado yun dito sa classroom at sa labas lang kapag kasama mga kaibigan hindi." dagdag ni AJ. Nakita kong nanlaki bigla ang mata ni Yuri nang marinig ito. Hmm, I smell something fishy.

Biglang nagbukas ang pinto. Nagpakita na si Sir Danilo Benedict Graciano, guro namin sa matematika.

Tumayo na kaming lahat at bumalik na si AJ sa lugar niya. Sa kaliwa ko, sa tabi ko, hehe. Dulong kaliwa kami ng third row.

"Good morning, students of 11-Asia!!!"

"Good morning Sir Danilo!!!"

"Okay, you may now take your seats."

"Thank you."

Naboringan ako sa Math. Nawalan ng gana pa sa lungkot na aking nadarama, WALA NA SI FAITHLYN.

Pero..paano nga talaga siya nawala? Maraming mga teoriya na makakasabi ng mga posibleng dahilan sa pagkamatay niya. Pero alin nga roon ang tama? Walang nakakaalam. Napakamisteryoso nang nangyari. Kahit si AJ, hindi alam. Hindi nga niya napanaginipan o nakita man lang sa isang vision, ganun. Ang diary ba ni Faithlyn ay makakasabi nito? Malamang hindi rin. Pero, teka. Oo nga, noh. Yung diary ni Faithlyn. Baka sakaling makabigay ito ng clue sa amin. Okay, okay. May naisip na ako. Hahanapin ko ang diary niya. Kung nasaan man yun. Sana, mahanap ko pa yun.

ABANGAN.

Author's Note: Shout out kay Darkest_Senyorita , our birthday girl for today. Please don't forget to give your greetings to her. This chapter is literally dedicated for her. Speaking of which, pasensya na po sa typos. Sana magustuhan niyo, maraming salamat sa lahat, lalong lalo na sa mga suporta ninyo. Yun lang. Have a blessed Sunday po. =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top