Chapter 5: Introducing..THE PHASE 2 OF THE GAME!

Chapter 5: Introducing..THE PHASE 2 OF THE GAME!

Faithlyn Washington's Point of View

Nararamdaman kong parang tama si Anna. Nararamdaman kong parang dapat ako maniwala sa mga pinagsasabi niya. Kumuha ng atensyon ko ang mga sumbong niya tungkol sa dalawang mga kaluluwang nakikita niya lagi sa classroom na pinapanood kami. At hindi lang yun. Ayon sa kanya, marami raw nakapalibot sa buong school na mga kaluluwa rin na parang mga estudyante rin.

Iniisip ng karamihan na baliw siya, pero para sa akin, hindi naman siya mukhang baliw. May kakaiba lang talaga siyang kakayahan. Kaya isang araw, naisipan kong kausapin siya.

Naghihintay siya sa tapat ng corridor.

"Anna, may nakikita ka ba ngayon?" tanong ko.

"Mga kaluluwa? Wala naman sa ngayon." sagot niya.

"So Anna, nais kong malaman kung anu-anong mga kaluluwa ang nakikita mo. Alam kong mga students sila, pero, can you give description? At lokasyon nila kadalasan?" sabi ko at hinanda ang life diary at ballpen ko.

"Okay. Iba't ibang lugar eh. Pero doon sa isang canteen sa baba nang Junior High School building, may nakikita ako laging parang..maliit na mukhang bata na lalaki na kadalasan nakaupo sa isang vacant chair, kumakain pero umaalis kapag may umuupo o kumukuha ng vacant chair na yun. Tapos..sa bandang gym at football field na intersection, may nakikita akong babaeng tumutugtog ng gitara at duguan ang buong katawan. Um, saan pa ba..ah. Sa swimming pool, ayun! Mayroong matangkad na lalaking mahusay na lumalangoy ng lumalangoy doon, kaya parang lagi malakas ang hangin at nagagalaw lagi ang tubigan ng pool doon. Napansin ko rin na habang lumalangoy siya, may tumatalsik na dugo na invisible sa mga taong walang third eye, mula yata sa noo niya. Kaya natatakot talaga ako pumunta sa pool, eh. Tapos natatanaw ko mula sa isang ledge ng fifth floor ng Junior Highschool Building, may matangkad na babae, nakaupo lamang doon at nakadungaw. Napapansin kong sugatan na sugatan siya at parang kalat kalat ang bubog ng bote sa buong katawan niya. Parang nakikita ko nga ang alak sa damit niya, eh. Tas saan pa ba..noong naglibot ako isang beses sa Junior High School building, sa isang boys CR, nakakita ako ng sumasayaw na lalaki roon. Matangkad at mureno siya. Napakahusay pa sumayaw, magbabackflip at iba pang acrobatic moves pa nga siya. Simula nun, hindi na muli ako bumalik sa gusaling yun sa takot ko. Naniniwala akong marami pa sigurong mga kaluluwa sa gusaling yun. At sa daming yun, isa siguro sila sa mga lumilibot sa school, hanggang dito sa classroom natin."

Sinulat ko sa diary ko ang mga sinabi niya, kasama na ang mga pag-iisip ko tungkol dito:

1. A small, child-looking boy in Canteen 3. Sitting on vacant chairs and eating his own food. POSSIBLY RAY ORLY FINN LLOYD "ROFL" LOSADA, THE FIRST VICTIM OF THE DEATH GAME LAST SCHOOL YEAR.

2. A girl around the intersection area between the gym and the football field, playing her guitar and has a lot of bloody wounds in her body. POSSIBLY IZZYAH THANATOS HERRIETY, THE SECOND VICTIM OF THE DEATH GAME LAST SCHOOL YEAR.

3. A tall boy in the swimming pool, swimming gracefully which causes the pool to look like used always. As he swims, blood from his forehead spreads in the water, signifying an open wound. POSSIBLY WENDELL HUSMILLO, THE THIRD VICTIM OF THE DEATH GAME LAST SCHOOL YEAR.

4. A tall girl sitting on the ledge of the fifth floor in the Kangchenjunga Building. She has a bloody body with shattered fragments of a glass bottle and liquid of wine scattered all around her body. POSSIBLY ALEXANDRA RED BUENAVANTURA, THE FOURTH VICTIM OF THE DEATH GAME LAST SCHOOL YEAR.

5. A tall, fair-skinned boy who dances gracefully with acrobatic moves in a comfort room of boys in Kanchenjunga Building. POSSIBLY FERDINAND FREDERICK "FREDDY" FERNANDEZ, THE FIFTH VICTIM OF THE DEATH GAME LAST SCHOOL YEAR.

"Bat ka ba nagtatanong, Faithlyn? At bat mo sinusulat?" tanong niya bigla.

"Kasi may naiisip ako tungkol dito. Yung mga kaluluwang yan..ay posibleng mga kaklase namin dati na namatay dito. Sila'y pinatay ng adviser namin last year." sagot ko naman.

"Ah. Oo nga naman, posibleng sila-sila yung mga nakikita ko. Sana, hindi ka katulad ng iba na iniisip na baliw ako. Kahit sina Samuel at Heaven na napakatalino, hindi naniniwala sa akin at pati yung mga mababait, naiisip sa akin ay parang baliw sa mga kinukuwento kong nakikita ko."

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka baliw. Mahirap lang talaga paniwalaan ang mga nakikita mo. Huwag ka magpapaapekto sa sinasabi ng iba tungkol sa iyo. Alam mo naman ang totoong paglalarawan ng iyong sarili sa iyong sarili, diyan sa loob ng puso at utak mo. Tandaan mo..the enemies can take away everything from you, but they cannot and must not take away your spirit from yourself. Ha?"

"Sige, salamat talaga, Faithlyn."

"Walang anoman. At salamat din sa pagbibigay ng impormasyon sa akin."

Natatakot na ako. Hindi ko alam gagawin ko. Pinapalibutan kami ng mga multo. Baka mamaya..bad spirits pala sila.

Dear Diary,

Our school is possibly haunted. I don't know what to do. I don't know if I should thank Anna for giving me information or should blame her for the terror I'm getting from these paranormal things. All I am sure about is that the damage the death game which happened last school year is still here and is so strong, that is why. It may be hard to investigate when you don't have a third eye, like Anna. Should I come with her for an investigation session? Or do I even trust her? I don't know. I guess I'm on my own. While being myself around the campus, I might be able to observe unusual paranormal things going on. Oh my gosh, life is really so hard! How the heck are things going bad as this?

Haii. Lalong hindi ako makaka move on nito. Pero hindi ko napigilan sarili ko. Marami pa akong gustong malaman.

Hindi muna ako sumama sa squad naming eight survivors. Ang wala lang ay sina Chachi at Axle. Sa pagkakaalam ko, magkasama sina Axle at Dana. Si Chachi..ewan. Baka kasama si Cane. Kasama naman namin si Myla, sapagkat nagba-bonding sila ng pinsan niyang si Chantellia. So ang nandito ay kami nina AJ, Yuri, Noel, KJ, Chantellia at Myla.

"Teka lang, Faithlyn. May tinatago ka ba sa amin?" tanong ni AJ nang aalis na sana ako ng tuluyan pagkapaalam ko na hindi ko muna sila sasamahan.

"Ah..wala naman. Hindi lang kasi ako talaga maka move on hanggang ngayon. Nararamdaman kong nandito pa sila. Ayon nga sa mga kuwento ni Anna sa mga kaluluwang nakikita niya.." sagot ko naman.

Natawa bigla si KJ, pero pinalo naman siya sa likod ni Chantellia para mabigyan siya ng "sanity."

"Thanks, Chantellia. Sensya na talaga. Sensya na kay Kuya KJ Cabanilla niyo." pagpapaumanhin ni KJ.

"Pwede ko sanang ideploy si 4A ngayon para mawala mga pag-aalala mo, kaso lang, absent siya. Ano ba gusto mo gawin? Maging on duty sa trabaho ni 4A sa araw na ito sa mga spirits na sinasabi mo? Pero seryoso..ang daming absent ngayon. Sina V, Seth at Gavin din, absent. Ha, wala pala tayong mga ingliserong makakatunggalian ngayon. Wala akong dalang tissue, eh." sabi naman ni Noel.

Natawa muli si KJ, dahil naman sa ibang mga pahayag ni Noel na medyo nakakatawa.

"Ang babaw naman ng kaligayahan mo, KJ. Pero nakakatawa na mababaw ang kaligayahan mo. Hahahaha, natatawa na ako." reaksyon naman ni Noel.

"Hindi naman. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong isipin ng isipin ang tungkol sa mga namatay nating mga kaklase at yung katotohang nandito lang sila sa tabi natin hanggang ngayon." sabi ko na at pinutol na ang kasiyahan nila.

"Okay, sige, sige. Nakita niyo ba si Chachi? Noel, you should be worried. Baka kasama niya si Thirteen Sulivan, ang secret admirer niya!!! Absent pa naman si 4A, wala kang secret agent na pampa-spy dito." sabi naman ni Yuri.

"Oo nga! Chachan-chingan siya nung Thirteen na yun ngayon na di mo siya kasama. Kilala mo naman yun, di ba..may charm and looks din tulad mo." dagdag ni Myla.

"Haha, relax lang kayo. Mas nag-aalala pa talaga kayo kaysa sa akin. Si Cane ang kasama nun. Yung nagiging parang best friend niya. Nagkaroon kami ng kasunduaan ni Cane na poprotektahan niya si Chachi mula kay Thirteen, sisiguraduhin niyang maiiwasan nila ito habang hindi ko sila kasama. Hahayaan ko muna silang mag-best friend na magsama sa ngayon." ang tugon naman ni Noel dito.

"Sige, guys. Iwan ko muna kayo rito." sabi ko at umalis na.

Hindi ko talaga alam. Nababaliw na ako sa mga kaluluwa kaluluwa na ito.

Naisipan kong hanapin si Anna.

Nakasalubong ko si Sam.

"Huy, Faithlyn. Mag-isa ka, ah. Gusto mo ba ilibre kita?" pag-aalok niya sa akin.

"No, thanks. Di ko kailangan for now." tugon ko naman sa kanya.

"Eh lunch?"

"Hindi rin."

"Ge, ayos lang. Sabihin mo lang kung gusto mo, ah!"

"Ge."

Reyna ng panlilibre talaga ito si Sam. Pero sa ngayon, ayoko muna magpalibre. Wala akong gana. Mag gagawin muna ako.

Sunod kong nakasalubong sa paglilibot ay si Drei.

"San punta mo, Lyn?" tanong niya.

"Naglilibot lang naman." sagot ko.

"Oki, sige."

Nakita ko si Anna, mag-isang nakaupo sa isang upuan ng Canteen 3, mag-isa lang.

"Nandito siya..nandito siya." sabi niya sa akin.

"Sino? Si ROFL?"

"Oo. At may kasama siyang isang lalaki, kausap niya. Isang lalaking medyo matangkad, payat, nakasuot ng asul na jacket na may 'gaming is life' na nakasulat."

"Gaming is life na blue na jacket? Saan sila?"

"Naglalakad-lakad."

Naisip ko bigla..SI BLAKE ANG KASAMA NI ROFL.

"Is there a way para makausap ko sila?" tanong ko.

"Wala siguro. Pero susubukan ko. ROFL! At.." tawag niya sa dalawang kaluluwa pero tumingin sa akin dahil hindi niya alam ang pangalan ni Blake.

"Blake."

"ROFL AT BLAKE!!!" malakas niyang tawag.

"Ano, lumingon ba?" tanong ko.

"No, no, no..hindi maari." namangha at nadismayang sagot ni Anna.

Biglang nanginig ang katawan niya.

"Anna! Anna!! Anna!!!" sigaw ko at sinubukan siyang pakalmain.

Hanggang sa bigla niya akong sipain, napatalsik ako. Pinilit kong makabalanse at hindi matumba.

Nagulat ako. Hinding hindi yun magagawa sa akin ni Anna.

"Anna? Bakit?" pagtataka ko at sa pagtataka na ito, tinignan ko ng mabuti si Anna. Napansin kong parang nag-iba ang kulay ng mga mata niya.

"TATAPUSIN NA NATIN ANG HINDI NATIN NATAPOS, FAITHLYN!!!" sabi niya sa isang ibang boses. Lalaki na ang boses niya at parang medyo pamilyar ang boses. Pinaghalong boses niya at boses ng isang lalaki.

"Ano nangyari sa iyo?" tanong ko.

"Mwahahahahahaha." bigla siyang tumawa at pagkatapos, sinubukan akong suntukin ng maraming beses. Inilagan ko naman ang lahat ng ito.

"Combo, combo! You are dodging it, but let me tell you: you will lose here!!!" sabi niya na lalong nakapag-gunita sa akin ng isang pamilyar na tao.

"Don't make me do this!!!" sabi ko at sinubukan siyang suntukin, pero nailagan niya agad ito.

"Dodge! Ha, you missed! Now, for my running attack! This will inflict at least minus five for your health!" sabi pa niya at sinuntok ako ng malakas.

Nasaktan ako ng sobra sa suntok na iyon at lalo ko siyang nakilala. Kilala ko ang suntok na yun. Dati, sa galit ni Blake sa kaartehan at pagiging weird ko, sinusuntok niya ako. Tas noong magkaibigan na kami noong nagbago na ako, tinetesting niya ang physical resistance ko at physical strength niya sa pagsusuntok sa akin. At ganito talaga magsalita si Blake, parang naglalaro siya ng video game. Siya nga. At alam ko na ang nangyari: SINANIBAN NI BLAKE ANG KATAWAN NI ANNA. BAD SPIRIT NA NGA SIYA!

"The effect of my punch is a stun. Now, it's your turn. Can you withstand the stun?"

"Ano ba, Blake! Bat mo ba ito ginagawa? Blake, sana alam mo naman na mahal na mahal kita. I had feelings for you bago ka mamatay at di ko ito nasabi. Ngayon, sasabihin ko na. Please, huwag ka magbigay ng bad timing, Blake. Bat mo ito ginagawa?"

Biglang parang napatigil si Blake. Medyo nag-iba ang kulay ng mga mata sa katawan ni Anna.

"Faithlyn, please..tulungan mo ako. Si..si..Sir Mauleon. Kinokontrol ako..may..m-m-may bago siyang mga pinaplano. At..at mahal din ki—" sabi niya, ngunit naputol nanaman. Nag-iba na muli ang kulay ng mga mata sa katawan ni Anna.

Naku po. Sir Mauleon nanaman? May bago na atang death game at nangyayari na yun simula ngayon.

"Mwahahahahaha. Wala ka nang takas ngayon!"

Naisipan kong tumakbo. Kapag sumaklolo ako, mapapahamak lang si Anna. At isa pa..baka madamay pa ng bad spirit ni Blake ang mga tutulong!

Tumakbo ako ng pinakamabilis ko, pero napakabilis din tumakbo ng katawan ni Anna sa pagkasanib ni Blake.

Nakarating na ako sa second floor. Naisipan ko pagkatapos na atakihin siya ngayon na nasa lugar kaming wala masyadong tao, walang makakakita.

Susuntukin ko na sana siya, pero bigla akong hinangin, napalipad at tumama ang ulo ko mula sa malayo patungo sa itaas pa, sa bubong ng Senior High Building. Napakasakit ng tama sa ulo ko. Ang sakit ng bubong at nakakatusok pa. Nakita ko agad ang mga dugo na tumutulo mula sa ulo ko. Nahilo ako at halos mawalan na ng malay, hanggang sa maramdaman kong hinangin muli ako. Ngayon naman, binagsak ako ni Blake sa pinakababa, sa semento.

Hindi ko na alam.

The Departed Soul of Angelo Blake C. De Villa's Point of View (BRAINWASHED AND MANIPULATED BY THE SOUL OF SIR VINCENT MIGUEL T. MAULEON)

Nakita ko, duguan na ang katawan ni Faithlyn nang bumagsak sa sahig ng napakalakas mula sa pagpahangin ko sa kanya. PATAY NA SIYA. Bagama't konti ang tao sa lugar na pinatay ko siya, pinagkaguluhan na ito nang maraming makaramdam sa pagkabagsak niya.

"Blake ito. Napatay ko na si Faithlyn. Maghihintay ako sa susunod mo pang mga utos." sabi ko sa aking boss, si Sir Mauleon.

"Magaling, magaling, Blake. Pahinga ka muna. Iba naman na miyembro ang susunod na papatay sa susunod. Paano si ROFL? May naitulong ba siya sa iyo?" sabi naman niya sa akin.

"Opo. Wala pong makakakita ng mismong death scene dahil sinigurado niyang hindi gagana ang mga CCTV camera na makakakita sa pangyayari. Sigurado akong nagawa niya ng matagumpay ang pinagawa ko sa kanya."

"Ang husay niyo talagang dalawa, ikaw na huling namatay sa death game last year, Blake at si ROFL na unang namatay sa death game na yun last year. Tara na, hayaan mo na silang mag-alala pa sa pagkamatay ng Faithlyn na yan."

"Sige po."

Umakis na ako sa katawan ni Anna Layonisa. Si Anna, pagkatingin sa paligid at pagkatanto na nasaniban ko siya, nahimatay siya, natumba siya. Ang iba ay pinagkaguluhan na rin siya.

Naglakad na ako at hinanap si ROFL, pero pilit na hindi ko mapigilan tumingin sa bangkay ni Faithlyn. Anong nagawa ko? Si Faithlyn yan at napatay ko..naging unang biktima siya ng pangalawang death game. Kailangan kong pigilan ang mga plano ni Sir Mauleon! Ngunit nawala yan sa isip ko. Nahuli ako ni Sir Mauleon, at naging kontrolado ulit niya ang isip ko.

SIMULA LANG ITO. MARAMI PANG MGA GANITO NA MAS MALALA PA ANG DADATING SA INYO. LAHAT KAYO AY MAMATAY DITO, LAHAT KAYO! SANA, HANDA NA KAYO SA PANGALAWANG YUGTO NG ATING..PERIODICAL DEATH EXAM!

Author's Note: Ito na po, hehe. Unang una sa lahat, sorry for the typos and for my laziness for today. I ran out of energy for I didn't feel that well a while ago. I had some rest first for a few hours, then went back to my work here. I hope you will be able to read this and give your support. Sana magustuhan niyo po, hihi. May first death na po, pasensya na sa namatayan ng character. At mas nakakatakot na po next time, so maghanda kayo. Yun lang. Enjoy this Saturday night, may surprise po ako bukas. GOD BLESS YOU ALL PO!

Status: (33/34, one dead)

Boys

(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W.
(07-150) 4. BUENAVISTA, Axle Blaze A.
(06-301) 5. CABANILLA, Kane Jacob H.
(17-189) 6. CASTAÑO, Zenke Blaze Y.
(17-033) 7. DEVILLES, Sandhel Jake C.
(17-046) 8. EVANS, Seth Caeser U.
(17-068) 9. KIM, Vince
(04-100) 10. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
(17-154) 11. PABLO, Gavin Rock X.
(17-002) 12. PAMULAR, Jerome Drake V.
(17-119) 13. PANGILINAN, Adrian Raphael F.
(17-120) 14. PANGILINAN, Parker Alexander F.
(17-204) 15. PERALTA, Knowell John O.
(17-182) 16. PEREZ, Andrei Q.
(17-013) 17. SULIVAN, Thirteen Matthew N.

Girls

(17-111) 1. BUENAVANTURA, Ashley Quinn R.
(17-055) 2. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
(17-249) 3. DELA FUENTE, Alexandra Cane B.
(17-021) 4. GREY, Diana Alice J.
(17-131) 5. HANCHER, Aileen Grace E.
(17-132) 6. HANCHER, Serenity Drea E.
(17-196) 7. HERRERO, Beatrice Faye D.
(17-220) 8. HUEGO, Samara Leondale G.
(17-125) 9. LAYONISA, Anna Kirsten Z.
(13-177) 10. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(17-189) 11. QUEBRAL, Queen Gerica G.
(17-218) 12. QUINZEL, Harleen Jade S.
(04-078) 13. SANDOVAL, Yuri Arissa M.
(17-166) 14. SMITH, Krista Michelle N.
(17-072) 15. STA.JUANA, Myla P.
(14-163) 16. WASHINGTON, Faithlyn R. † (Deceased)
(05-005) 17. YUKIKO, Chantellia D.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top