Chapter 40: Second Semestral Exam

Chapter 40: Second Semestral Exam

Author's Note: Ang title ay "Second Semestral Exam" dahil after ng mismong katapusan ng lahat, exams na nila. Yun ang ending ng chapter na ito. Tapos, may epilogue pa at pahina para sa full cast. Yun lang muna. Happy reading! Sana magustuhan niyo ito!

Jerome Drake Pamular's Point of View

Grabe talaga ang nakita namin. Si Sir Mauleon? With AJ? How is that possible? Na-brainwash na ba si AJ?

Pero ang sakit ng kaliwang braso ko.. As in sobrang sakit talaga.. Piling ko, napilayan na ako.. Piling ko, nabali ang buto nito. Nakaramdam din ako ng sakit ng mga sugat at yung iba naman, mga konting sakit lang, na hindi kasing-lala nang sa kaliwang braso ko.

"DON'T TRUST HIM, AJ!" babala ni Aila, na nakahiga lamang sa sakit ng mga braso niya.

"Baka may patibong lang siya, sila ni Victarion! Sinungaling yan!" dagdag pa ni Raffy, na hindi makatayo sa sakit ng mga binti niya.

"O baka brainwashed ka! AJ, please, ang tagal-tagal mo naglaho, at ngayon, hindi man lang mga yakap ang mga matatanggap mo." ani Noel, na nakaupo at sinusubukang kamustahin ang kalagayan ng mga braso at paa niya.

"Kaya nga! Baka brainwashed! Kilala niyo naman yung Mauleon Brothers, di ba? Baka nahulog lang si AJ sa mga kasungalingan." sabi naman ni 4A, na mukhang hindi talaga nasaktan, kaya tayong tayo siya sa lugar na pinaglabanan nila ni Freddy kanina.

Ang mga nakatayo lang na mukhang walang injury ay sina 4A, Samuel at Chantellia. Ang suwerte nila!

Nakita ko ang mukha ni AJ. Nanatiling seryoso ito. Ganon din ang kay Sir Mauleon. Si Yuri naman, malungkot pa rin after what happened to V, ngunit parang tinitignan ng mabuti ang dalawa.

"Seryoso ako, guys. At totoo ito, sabi na mismo ng mga magulang ko. Ito ang naging poblema ng pamilya namin. Nalamang may nauna na pa lang babae si papa na naging asawa niya at may anak pa, si Sir Vincent limang taon na mas matanda sa akin. 17 ako, at 22 si Sir Vincent, saktong sakto. Si Victarion ay mas matanda ng sampung taon kaysa kay Sir Vincent. Binibisita siya ni papa palagi ngunit umiiwas sa dati niyang hiniwalayan na asawa at si Victarion na talagang kriminal na kriminal, hindi katulad ni Sir Vincent, na may halo pa ng kabaitan ni papa at hindi pure criminal-blooded and criminal-minded. Totoo ito, nararamdaman ko sa kanya. Kung naririto lang si Myla, eh. At pasensya na, Chantellia, kung kumuha ito ng atensyon mo sa masamang paraan pa. Naniniwala ako sa kapatid ko. Alam ko ang totoo, alam kong makatotoo siya sa mga pahayag niya. Naimpluwensiyaan lang siya ng nanay at kapatid niya, lalo na ang kapatid niya na mas tumagal sa kanya nang mapaslang ang nanay nila. Inabuso siya ni Victarion upang maging kriminal din, hanggang sa pagkamatay niya noong 2016. Siya ang unang naging biktima ng brainwashing power ng kapatid niyang si Victarion. Pinipilit siya nitong pumatay at huwag sasabihin sa iba. Paminsan pa nga, kung ayaw o hindi makapatay si Sir Vincent, sinasaniban siya ni Victarion. Sobra talaga ang abuso sa kanya ng kuya niya, hindi ito naging mabuting kapatid at halimbawa sa kanya. Pinahamak lang niya talaga si Sir Vincent sa lahat ng mga pinapagawa niya gamit ang impluwensiya at pang-aabuso niya. Kaya ako, ayaw ko maging katulad ni Victarion. Magiging mabuting kapatid ako sa kuya ko." pagpapaliwanag ni AJ.

Nagulat kaming lahat dito, wala talaga kaming masabi. Halos hindi nga ako makapaniwala, eh. Magkapatid sila? Si Victarion lang talaga ang may pakana ng death game all along? Mahirap paniwalaan.

"Actually, brainwashed na brainwashed na ako last school year sa patayan ng 10-Asia. Bigla lang ako nagsisisi bigla, kaya sinasaniban na lang ako o kaya tinatakot ni Kuya Vic kapag bigla akong nagiging hesitant sa pagpatay. Totoo ito. Kaya nga ako nagsinungaling kay Victarion na kailangan niyang tanggalin ang pagkakontrol ko upang masolusyonan yung sa mga panaginip ni AJ at ngayon, natutunan ko na rin kung paano malabsnan ang impluwensiya niya. Gusto ko na rin tapusin ito, katulad niyo. Gustong gusto ko na siya gantihan, matagal na. Makinig kayo sa akin. May plano ako. Pupunta tayo sa dating bahay ni Victarion, na malapit lang. Kasali sa atin ang mga kaluluwa nina Dana, Axle at Anna na kontrolado ko na. Doon natin siya tatalunin." nagsalita naman na si Sir Mauleon. Aaminin kong natakot talaga ako sa kanya pero after hearing what he said and observing the tone of his speech, naramdaman kong karapat-dapat siyang paniwalaan na.

"Teka lang, ah. Alam kong nagsasabi siya ng totoo, pero nothing is impossible, di ba? Anything is possible with God, kaya with God, magkaroon tayo ng final check." sabi ni Raffy at tinapat ang dalawa niyang mga ro saryo kay Sir Mauleon.

Hindi natakot si Sir Mauleon, nanatili lang siyang seryoso at kampante. Wala pang nangyari sa kanya.

"I BELIEVE IN GOD!" ani Sir Mauleon.

"Last na po'to, pramis!" sabi naman ni Raffy at naglakad papunta kay Sir Mauleon, sinuot sa kanya ang mahabang rosaryo at sinabit naman sa kamay na parang bracelet ang maliit na rosaryo.

Wala pa ring nangyari.

Pinalipad naman ni Sir Mauleon mula sa katawan niya ang mga rosaryo at binalik kay Raffy.

"Okay, okay! Totoo nga! Hinding hindi talaga pwede makaligtas ang mga multo mula sa diyos na hindi nila pinaniniwalaan, at dahil mabait na kaluluwa na ngayon si Sir Vincent, hindi siya nasusunog dito. Okay, let's trust him na! Ang diyos na siguro ang nagsasabi!" tugon ni Raffy dito.

"Alright, people. Let's move." sabi ni Sir Mauleon, at biglang nag-snap sa mga daliri niya.

"Paano pong 'move'? Nasiraan po kami ng van, walking distance po ba? We are all injured here..I mean most of us." tugon ko sa kanya.

Nakarinig kami ng tunog ng isang sasakyan. Isa nanaman itong van, katulad na katulad nang kay V, ngunit kulay pula naman.

Tumigil at bumosina ito sa amin. Bumukas ang bintana ng pintuan sa driver's seat banda. Nakita namin, isang lalaking multong nakasuot ng asul na sombrero. Mukhang nakikilala ko ito, ah.

SI AXLE!!!

"Beep, beep! Your cowboy driver is ready for a ride with you. Axle Blaze Acebedo Buenavista, at your service!" sabi ni Axle na may kasamang ngiti pa.

Narinig ko naman ang tawa ng isang multong babae na katabi niya. Naka-cap naman ito, at mukhang matangkad na babae.

SI DANA!!?

"Dana? Axle? Anna?" reaksyon ni Samuel, na pinakamalapit sa van.

Tumango naman sina AJ at Sir Mauleon.

"COWBOY!!!" sabay naming sigaw ni KJ nang makita si Axle, at napatakbo papunta sa kanya. Nang makalapit kami nakita ko rin si Anna, na nasa kanan ni Dana. Sumakit naman ang kamay ko sa pagtakbo, hehe.

"Cowboy, nakuha mo ang cowboy hat mo ngayong multo ka na?" tanong ni KJ, na nasiyahan na bigla sa pagkakita kay Axle.

"Oo, hehe, pati si Dana sa cap niya. O ano, sasakay na ba kayo?" sagot naman ni Axle.

"Teka lang, Axle. May itatanong lang ako. Dahil sa ginawa ni Freddy sa inyo, siguradong lahat kayo ay nasaktan. Matanong ko nga, sinu-sino ang mga may injury? Magtaas ng kamay." tanong ni Sir Mauleon.

Nagtaas ng kamay sina Noel, Chachi, Cane, Heaven, Raffy, Aila, Yuri, KJ at ako.

"Okay, so..bale sina AJ, 4A, Samuel at Chantellia lang ang nasa kondisyon. Sige. Dana, Axle at Dana, pakitulungan yung mga injured na sumakay." sabi ni Sir Mauleon.

"Sige po." tugon ng tatlo pang mga multo.

Tinulungan nina Sir Mauleon, Anna, Dana at Axle kaming mga injured sumakay sapagkat nahihirapan kaming gumalaw. Kinuha na rin ang mga kagamitang naiwan sa orange van, kasama ang bangkay ni V.

Ako ay napilayan sa kaliwang braso. Si KJ naman, sa kanang braso. Si Noel, kaliwang binti at kanang braso. Si Chachi, sa kanang binti at kaliwang braso. Tapos si Cane, sa kaliwang binti lang. Si Heaven naman ay sa kanang binti lang. Si Raffy, parehong binti ang pilay, samantalang si Aila naman ay parehong braso. At si Yuri naman ay pilay sa parehas na mga paa.

Sa harapan siyempre ay yung tatlong mga multo. Sa second row ay kami ni KJ. Ang mga nakaupo sa row sa likod nito ay sina Heaven, Samuel, Raffy, Aila. Sa likuran nito ay ang fourth row, kung saan nakaupo sina Noel, Chachi, Cane at 4A. At sa pinakalikod ay sina Yuri, Chantellia, AJ at Sir Mauleon.

Ang saya saya namin ni KJ sa presensya nina Axle ngayon, bwahahaha. Hindi na namin pinansin yung ibang nag-uusap-usap sa likod. Basta sa pinakalikod, nagkukwento pa si Sir Mauleon upang maliwanagan sina Yuri at Chantellia na malaki talaga ang kuryosidad.

Pagkatapos ng ilang minuto na hindi ko nabilang at ma-estimate man lang, nakarating na kami sa sinasabing lugar. Isa itong maliit na bungalow. Mukhang luma na ang bahay.

"Bahay ito ni Victarion? Kay simple-simple naman!" reaksyon ni Raffy sa bahay na tinigilan namin.

"Hindi niya talaga bahay iyan na tinitiran. Mansyon yung bahay namin. At oo, mayaman kami, dahil sa mga nakukuha niyang pera sa pagnanakaw. Isa yang bahay para sa mga pinapatay niya. Serial killer nga siya, di ba?" tugon naman dito ni Sir Mauleon.

"Ah, okay, sige po.." ani Raffy.

"Okay, ang bababa lang ay kami nina AJ, 4A, Samuel, Chantellia, at Anna. Pilay ang iba sa inyo, kaya magpapahinga na lang kayo. Maiiwan dito sina Dana at Axle upang bantayan kayo. Tara na!" sabi sa amin ni Sir Mauleon, at bumaba na. Bumaba na rin sina AJ at Chantellia.

"Pahinga ka lang diyan, Yuri, ah." sabi ni Chantellia kay Yuri.

Si AJ, nahihiya lang ata kay Yuri.

"AJ, I want to come." biglang sabi ni Yuri.

"Ah..no. Too dangerous. Napilayan ka. Besides, no offense, but, you might slow us down. Dito ka lang, it's better for you. Nandiyan naman ang bangkay ni V sa baba mo, eh." sabi ni AJ na medyo nagtatamporurot, at sinarado na ang pintuan sa likod.

"Oy, baby girl! Bago ko makalimutan. Ingat, ah! Huy kayong mga lalaki, protektahan niyo yan si baby Chant, ah!" sabi ni KJ, na binuksan muna ang pintuan ng van ng sandali upang makausap si Chantellia.

"Oo na, sige, Kuya KJ." ani Chantellia.

Natawa naman kami ni KJ dito.

Narinig naman namin yung #HeaMuel at #ArCane, may sweet moments ng pagpapaalam.

"Samuel, sigurado ka rito, ha? Mag-ingat ka, ha!" sabi ni Heaven kay Samuel.

"Oo, oo. Kailangan nila ako, lalo na dahil ako ang 'genius' ng grupo, they might need my intelligence. Pero pangako ko, susubukan ko rin ang pinakakaya ko upang makaligtas." sabi naman ni Samuel, at niyakap na si Heaven ng mahigpit.

"Arnold, ha! Siguraduhin mong ligtas ka! Baka naman nasosobrahan na ang tapang mo ngayon..basta, ingat ka, ha! Mahihirapan ako kapag nawala ka!" sabi ni Cane kay 4A.

"Oo, oo! Sisiguraduhin ko, huwag kang mag-alala." sabi naman ni 4A at binigyan si Cane ng halik sa magkabilang pisngi magkasunod bago bumaba kasama ni Samuel.

Chantellia Yukiko's Point of View

Ayan na kami.

Pumasok na kami sa bahay. Kami-kami lang nina AJ, Sir Mauleon, Samuel at 4A. OMG, ako lang pala ang babae, noh? Ako lang kasi ang hindi napilayan sa mga babae.

Nakita agad namin ang maraming mga bangkay ng mga pinatay ni Victarion Mauleon habang papasok.

"Wait. May naisip ako bigla." sabi ni Samuel, na kinuha ang atensyon kaya napatigil kami bigla at tumingin sa kanya.

"Since malaking kahinaan ni Victarion ang religious materials or in short, si GOD, may mga computer ba rito? O mga speaker, ganon ganon." aniya.

"Mayroon. Nakatago yung mga speaker. Computer? Mayroon naman, bakit? At ano kinalaman nun?" tanong ni Sir Mauleon.

"May naisip ako..if I could get access to the speakers, pwede akong makapagpatugtog ng religious songs gamit ang isang computer." sagot ni Samuel.

Medyo nagulat lang kami roon.

"Hindi ko talaga maintindihan, pero siguro isa itong planong ikaw lang ang nakakaintindi. Tingin ko pwede naman, kasi yung speakers, naaaktibo rin sa computer dito. Pero, kasi, secured na secured yung mga files doon. Ang alam ko lang ay yung password ng account para mabuksan mo ang administrator account niya sa computer. V!€t@r!0nM@r€0TM246gets. Wait, isusulat ko. Although yung sa files niya, hindi ko alam ang password. Wait, ako na lang magta-type para sa iyo sa mga computers. Sundan niyo ako!" tugon ni Sir Mauleon dito at tumakbo na papunta sa isang lugar.

Sinundan naman namin siya. Pumasok kami sa isang maliit na kwarto kung nasaan ang computer. Agad na sinaksak at tinurn-on ito ni Sir Mauleon.

Tinype niya ang password ng account ng kuya niya at nakapasok. Pinaupo niya na si Samuel sa computer.

Pumunta siya sa iba't ibang mga browser upang subukang mag-search, ngunit may mga password ito para makapasok ka.

"So paano mong mailalagay sa speaker yung music music na sinasabi mo? Paano mo magagawa ang sinasabi mo kung locked ang mga browser?" tanong ni Sir Mauleon.

"Leave it to me. Alam ko kung paano. Just some HTML codes na ilalagay ko na rin sa CSS saka JavaScript, tapos pupuntang Command Prompt. Don't worry." sagot ni Samuel, at pumunta na sa Notepad++, may tinype na mga codes. Ah..HTML.

"Hacker talaga ito..electrical at electronics lang nga kami ni Noel, sa the rest, hindi na kami marunong. Samantalang ikaw..sobrang advanced, hacker, kayang kaya ang IT na medyo mahirap para sa amin ni Noel. Hacker ka, boy! Grabe ka, hahaha!" sabi ni 4A kay Samuel.

Nakita ko kung gaano kabilis mag-type si Samuel. "Ang bilis mo mag-type, grabe." reaksyon ko rito na hindi ko talaga napigilan.

"Haha, salamat sa suporta, guys." sabi ni Samuel at nagpatuloy sa mabilis niyang pag-type. Sa isang minuto, natapos siya agad sa unang file niya sa Notepad++, ang pag-encode ng HTML. Sa bilis hindi ko na rin halos maintindihan, eh. CSS naman ang sinunod niya.

Medyo tumagal siya ngayon sa pag-layout ng nagawa niyang HTML file. Makalipas ang limang minuto ng malapit na siyang matapos, biglang nagbukas ang pinto. Natanggal ang pinto mula sa kinaroroonan nito, tumalsik sa amin. Nagpahangin naman ito ni Sir Mauleon bago pa tumama sa amin.

Nakita namin, si Victarion Mauleon. May ngiti siya sa mukha niya. Tumawa muna siya.

"VICTARION!" sabay na sabi nina AJ at Sir Vincent.

"Mwahahahahahaha. Ako nga. Akala niyo ba, hindi ko alam ang pagtatraydor mo, Vincent, ha? Alam na alam ko na iyan, pinagbibigyan lang kita upang maging mas interesado ang laro." sabi ni Victarion sa amin.

"VICTARION!!!!!" malakas na sigaw ni Sir Vincent, at nagpahangin ng malakas, ngunit wala itong epekto kay Victarion.

Sinugod na lang siya ni Sir Vincent sa paglipad ng mabilis, at napalayo na niya ito.

"Anna, Chantellia, come with me. Susundan natin sila. 4A, bantayan mo si Samuel, siguraduhin mong ligtas siya! Don't let anyone else near him! We need him to hack that computer!" utos ni AJ sa amin.

"Aye, sir!" ani 4A.

Agad kaming sumunod. Tumakbo na kami nina AJ at Anna papunta sa lugar ng Mauleon Brothers ngayon.

"Magbabayad ka sa mga ginawa mo sa akin, sa lahat ng mga pinagawa mo na nagpahamak na nga sa akin, nagpahamak pa sa iba!!!" galit na sabi ni Sir Vincent habang sinasakal si Victarion.

Bigla namang pinahangin ni Victarion si Sir Vincent, upang makalaya sa mahigpit na pagkasakal ni Sir Vincent sa kanya.

Natumba si Sir Vincent, kaya pinuntahan agad namin siya ng matumba siya.

"KAPATID MO AKO, DAPAT LANG NA SUNDIN MO AKO!!! YAN ANG GUSTO KO, YAN ANG GUSTO NG MGA MAGULANG NATIN!!! PANGARAP YAN NILA PARA SA ATIN, KAYA SUNDIN MO! WALANG PAHAMAK NGAYON NA TAYO ANG NAGWAWAGI. NAKAKAGANTI NA RIN TAYO SA MGA MAGNIFICO! SA GINAWA NILA SA IYO, AT KAY MAMA LALO!!!" sabi ni Victarion habang lumalapit.

"Pwede naman nating hindi sundin iyon, eh. Kapag luminis ang mga pangalan natin, baka maging proud pa rin sila! Walang ginawang masama ang papa namin ni AJ, Victarion. Ginawa lang niya ang tingin niyang tama at sinubukan ding turuan tayo ng leksyon sa pagiging masamang kriminal na pamilya namin." sabi naman ni Sir Vincent.

Agad naming nilabas ang mga rosaryo namin, tinapat sa kanya, at mabilis siyang tumakas. Sunod na nagpakita ay iilang mga multo. At hindi lang basta basta multo. MGA KAKLASE NAMIN.

Sila ay ang mga nabiktima na sa aming 11-Asia, na mukhang nasa impluwensiya na ni Victarion. 

Mula kay Faithlyn hanggang kay Andrei. Mga seventeen sila. Sila ay sina Faithlyn, Knowell, Seth, Sandhel, Mich, Thirteen, Ashley, Sam, Faye, Xander, Seren, Zen, Gavin, Hade, Myla, Gerica at Andrei. Nakakatakot ang mga mukha nila. Lahat sila, mukhang mga halimaw.

"Oh no. Patay. They are too strong. Baka kahit nakatapat ang mga rosaryo natin, maatake nila tayo!!!" reaksyon ko rito.

"Don't worry, baby girl, makakaya pa rin natin —" sabi sa akin ni AJ, ngunit naputol nang mapatalsik ni Faithlyn ang mga rosaryo naming lahat gamit ang hangin.

"Ito." pagpapatuloy ni AJ, na nadismaya na.

Sunod na umatake ay si Knowell. Nagpahangin siya ng kutsilyo papunta sa amin. Natamaan ng saksak si AJ, sa kaliwang braso niya. Tinanggal agad ni Anna ang kutsilyo sa braso niya gamit ang hangin. Nasugatan lang naman siya.

"NO!!! AJ!!!' agad na sabi ni Sir Mauleon sa galit, at nagpahangin ng malakas, napatalsik ang lahat ng mga multo, maliban kina Seth, Gavin at Myla.

Inatake ako ni Myla. Sobrang nakakatakot na ang mukha niya, parang halimaw na mangkukulam. Kulot-kulot na ang buhok niya, tapos mas malalaki ang mga mata, tumangos na ang ilong, naging pangil ang mga ngipin at mahaba ang dila, parang sa palaka lang kapag kumakain ng insekto gamit ang dila niya. Speaking of that, mukhang gusto niya akong kainin!

"Myla, please, huwag mo itong gawin. Pinsan mo ako, parang best friends na tayo ever since. Kinokontrol ka lang ni Victarion Marco Tividad Mauleon. YOU ARE NOT HIS PUPPET, YOU ARE MYLA PACREM STA JUANA, AN INDEPENDENT PERSON!!!" pagmamakaawa ko kay Myla, ngunit wala pa ring nangyari.

Lumapit naman si Sir Vincent sa amin ni Myla at pinalayo siya mula sa akin.

Nabingi naman kami bigla sa pagtugtog ni Gavin at nabulag bigla sa pagpipintura ni Seth.

Si Anna, na agad na naka-recover mula sa pagkabulag at pagbingi ay lumayo ng musto at pagkatapos, mula sa malayo, tumakbo siya ng napakabilis at tinamaan si Gavin. Gumamit siya ng hangin upang paliparin at buhatin ang katawan ni Gavin papunta kay Seth, na abalang-abala sa kanyang delikadong pagpipintura na bumubulag sa amin. Nang magkatamaan sila, pareho silang natumba. Naka-recover na rin kami ng konti.

Si Anna, pinalipad at kinuha muli ang mga rosaryo namin na pinatalsik ni Faithlyn kanina. Nanatili lang ito sa hangin sa puwersa niya, at nakatapat lamang ito sa mga multo, na nagpasunog sa kanila.

Naubos na sila.

"Ngayon, nasaan na si —" tanong ni AJ na naputol nang marinig namin ang biglang daing ni Sir Vincent.

"Victarion." pagpapatuloy ni AJ nang makita naming bumalik na si Victarion, na sinugod si Sir Vincent.

NAKU PO.

Alexandra Cane Dela Fuente's Point of View

Naririto lang kami sa kotse. Daldalan lang kami ni bestie Chachi. Si Noel naman, nakatulog. Si Heaven, nagbabasa ng libro. Sina Aila at Raffy, nakikinig na lang sa music sa kanya-kanyang iPod at earphones. Sina KJ at Jerome, kinukulit ng kinukulit si Axle. At si Yuri, loner sa likod. Mag-isa lang siya, tulala. Siguro dahil sa kalungkutan at pag-iisip.

Hanggang sa bigla na lang naming narinig sina Axle, KJ at Jerome.

"SI DANA! SI DANA! May nagpakitang multo..kumaway siya sa akin, nakita ko, si ROFL, tapos kinuha niya na si Dana, bigla silang nawala!" sabi ni Axle.

"Edi puntahan na natin! Let's go, cowboy!" sabi naman ni Jerome, at bumaba na silang tatlo kaagad.

"ROFL?" reaksyon ni KJ dito na nagulat at medyo nalulungkot.

"ROFL, magpakita ka na!!! Ilabas mo si DANA, at huwag na huwag mong isasama siya sa impyerno, mas masaya na kami ngayon sa langit!!!" sigaw ni Axle.

Napababa na rin ako sa nangyari. Iniwan ko muna silang mga pilay sa loob. Kinaya kong makalakad ng konti.

"ROFL, please. Si KJ na ito, ang best friend mo dati, please lang!" pagmamakaawa ni KJ.

Nakarinig kami ng nakakatakot na isip-batang tawa.

Nagpakita si ROFL, na tawa ng tawa. Hanggang sa tumalsik ang iba't ibang mga pagkain sa amin.

Natamaan ako ng mga pizza. Natamaan ang mata ko ng isang pizza at tumapon ito sa buong mukha ko. Pati ang iba pang mga pagkain ay tumama sa amin.

Sina KJ at Jerome naman, natamaan ng mga itlog at iba't iba pang mga pagkain. Si Axle naman, sinubukang kalabanin si ROFL ng pisikal mismo, multo laban sa multo, ngunit bigla silang nawala at nakabalik si ROFL, mag-isa na lang, wala na si Axle,

Sina KJ at Jerome ay nakailag. Naiirita at napapatigil kami sa mga pagkain na tumatama sa amin, ngunit hindi naman kami nasasaktan.

Sunod na nangyari ay nagbuga siya ng lason, pinatalsik sa amin. Napatigil ako rito, hanggang sa tamaan ako ni ROFL ng hangin, napatalsik ako at tumama sa isang malapit na puno. Lalong sumakit ang pilay ko sa isang binti.

Sunod na nangyari ay kinonpronta niya sina KJ at Jerome, na umiiwas sa malasong usok na ibinuga ni ROFL.

"KJ..kamusta na? Long time no see. Mukhang may bago ka nang kaibigan na papalit sa akin. Pero I'm afraid..magiging isa ka na rin sa amin. Kayong dalawa pa parehas, kaya tatlo na tayo. We'll see what our new friend here have, anyway!!!" sabi ni ROFL at agad na pinalipad ang katawan ni Jerome papunta sa kanya.

Sinakal niya ito at pinakain ng isang pagkain na mukhang may lason ata.

"JEROME!!!" sigaw ni KJ at tumalon ng pinakamataas niya upang masubukang abutin ang lumilipad na si ROFL, ngunit masyadong mataas ang paglilipad niya.

Nagsimulang masuka-suka si Jerome, ngunit biglang napapikit na lang at natumba ng kusa, kaya binitawan na siya ni ROFL.

Agad naman siyang sinalo ni KJ, at natumba siyang hawak hawak ang katawan ni Jerome.

"Jerome, Jerome, Jerome! Gising! Gising! Lumaban ka, please! I can't lose you." sabi ni KJ kay Jerome na naiiyak na.

Ngunit wala pa ring tugon si Jerome. Hindi siya gumalaw, huminga, o nagsalita. Iyak lang ng iyak si KJ, habang tawa lang ng tawa si ROFL.

"Mwahahahahaha. Patay na siya, huwag ka nang mag-try hard pa! Pinakain ko siya ng pagkain na may lason na may instant kill agad sa pagkalunok. Mwahahahaha. Suko ka na, KJ. Magiging magkakakasama na tayo ngayon." sabi ni ROFL.

"Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa iyo, ROFL. Makinig ka kasi! Nasa impluwensiya ka lang ni Victarion Mauleon! Gumising ka!!!" sabi naman sa kanya ni KJ.

Biglang parang napatigil si ROFL na tila napaisip tungkol doon, ngunit bumalik pa rin sa dati. Naisipan naman ng iba na bumaba na rin, ngunit hindi makalaban sa mga pilay nila. Kahit ako.

"HINDI. KAILANGAN NIYONG MAPATAY, NGAYON NA!!!!" sabi ni ROFL at nagpahangin ng malakas, napatalsik agad kaming lahat, at lalong sumakit ang mga pilay namin.

Pinalipad naman niya ang katawan ni KJ at sinakal ito ng mahigpit. Papakainin na rin niya sana ito ng pagkaing may lason na papatayin ka agad-agad, nang biglang may tumama sa kanyang mga rosaryo. Dumikit ang iba rito. Nagsimulang manghina si ROFL, nabitawan na niya si KJ, kaya napatalon at napabalanse na lang si KJ sa pagbagsak sa lupa.

Nakita ko, ang multo ng isang koryano, lumilipad at may hawak na mga rosaryo. Walang tigil siyang bumabato kay ROFL ng mga rosaryo hanggsng sa masunog siya.

"V?" agad namin reaksyon ng makita ang kaluluwa.

Kinuha agad nito ang atensyon ni Yuri.

"Sorry if I came late. May proseso pa kasi para sa kaluluwa ko upang makontrol ni Sir Vincent at makapunta rito." ani V.

Sinubukan ni Yuri na tumakbo kahit may pilay siya, para lang makalapit kay V. Bumaba naman sa pagkalipad si V, upang makalapit kay Yuri.

"V! I'm so glad to see you, kahit multo ka na!" sabi ni Yuri at sinubukan siyang halikan, ngunit umiwas si V.

"Huwag muna." ani V.

"Bakit naman, babe?" tanong ni Yuri na naiiyak na.

"Nagsisisi na ako sa ginawa ko sa inyo ni AJ. Yuri, gawin mo ang tama. Hindi na talaga tayo pwede. Siguro, isang magandang epekto ng pagkamatay ko ay kayo ni AJ na magkabalikan. Hindi naman sa hindi ka niya na mahal, pero ang laki kasi ng poblema sa pamilya niya. Wala silang wifi dahil hindi nabayaran, o landline at kumpiskado pa cell phone niya. Ako? Lagi ako panira, lagi akong mang-aagaw na masasabi mong makasarili na rin. Kaya ngayon, magbibigay na ako ng paumanhin, lalong lalo na kay AJ na sigurado, lalong nasaktan nang malaman ang nangyayari sa ating dalawa." sagot ni V.

Napatigil at napaisip si Yuri rito ng matagal.

"I guess..you're right. Pero hinding hindi kita makakalimutan!" sabi ni Yuri.

"Huwag kang mag-alala. Hinding hindi rin kita makakalimutan. Kahit sa sandaling panahon lamang, nakaramdam ako ng pag-ibig, mula sa nag-iisang babaeng ginusto ko sa buhay ko, ikaw." tugon ni V dito at binigyan na ng halik si Yuri sa labi.

Wew. It's the first time I saw a kiss between a ghost and a human.

Nagngitian silang dalawa, at kaming lahat ay nanonood lamang. Lumabas na muli sina Dana at Axle, ngunit kasama na si Jerome.

"O, bakit si Jerome, naimpluwensiyaan kaagad?" tanong ko.

"Hindi, actually. Pinayagan lang siya ng diyos na bumisita for a while rito ngayon." sagot ni Axle.

Napalingon agad ang nakayukong humahagulgol na si KJ nang marinig ang pagkabanggit ko kay Jerome.

"JEROME?!" tawag ni KJ.

"KJ!" sabi naman ni Jerome at niyakap na si KJ.

Parehas silang naiyak.

"You survived, bro." sabi ni Jerome kay KJ.

"But you didn't..I will miss you a lot and will not be able to move on fast." tugon ni KJ dito, at humagulgol na muli.

"Don't worry. Kasi, anomang mangyari naririto lang ako palagi. Hindi ako mawawala, lalo na kapag natapos ang laro ni Victarion sa atin. Nariyan lang ako palagi sa isip mo upang hindi mo ako makalimutan at sa puso mo." pagtahan ni Jerome kay KJ.

"Oo nga. Sana nga, Jerjer." ani KJ.

"At hopefully, pati na rin si ROFL, ganon, kapag natapos na ang lahat ng ito. Dalawa na kami, hehe. Prankster kings at killer-jokers kami sa heaven, bwahahaha. Ikaw naman, nag-iisang prankster king at killer-joker dito on Earth." dagdag ni Jerome.

Natawa na sila bigla.

"Okay, guys. Ang tanging magagawa natin ngayon ay magdasal para sa laban nina AJ, Sir Vincent, 4A, Samuel at Chantellia roon sa loob. Makakatulong ang pananampalataya. Matatapos na rin ang lahst ng ito." sabi ni Axle sa amin.

AJ Magnifico's Point of View

Grabe. Ang sakit pa rin ng saksak si Knowell sa kaliwang braso ko.

Tinapat ni Anna ang mga rosaryo kay Victarion ng sugurin niya si Kuya Vincent, ngunit gumawa lang siya ng malakas na suntok sa hangin, nasira na agad ito, nalaglag sa sahig at napalayo. Gumawa pa siya ng malakas na hangin, na nagpatalsik sa amin nina Kuya Vincent, Chantellia at Anna. Nagpahangin siya ng mga tali, at agad kaming natali ni Chantellia. Sina Kuya Vincent at Anna naman, pinatalsik pa sa napakalayong lugar, napaalis sa bahay na ito.

"SUMUKO NA KAYO! MY FORCES WILL ALWAYS BE HERE. MY DEATH GAME WILL NEVER VANISH. NOTHING AND NOBODY CAN STOP ME. SO IT'S BETTER FOR YOU TO GIVE UP. YOU ARE OUTNUMBERED AND OVERPOWERED, SO SAVE YOURSELF BY GOING WITH MY GAME!!! NONE SHALL STOP ME!!!" sigaw niya habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa amin, dala-dala ang dalawang baril na nakatutok sa amin ni Chantellia.

Napapikit na lang ako rito. Alam kong katapusan na namin ni Chantellia. Hanggang sa bigla kaming may narinig na musika.

Malakas ito, mukhang abot sa lahat ng mga speaker, kaya rinig na rinig ang kanta. Mukhang gumana ang plano ni Samuel. Ang kanta na ito ay "Our Father", o "Lord's Prayer."

Nabitawan ni Victarion ang mga baril niya at nagsimulang takpan ang tainga niya. Hindi siya makagalaw halos sa naririnig niya. Bigla namang sumugod mula sa malayo si Kuya Vincent. Si Anna naman, pinalaya kami ni Chantellia mula sa pagkatali.

Sinakal ni Kuya Vincent si Victarion at pinarinig pa sa kanya ang musika.

Dumating naman sina 4A at Samuel sa amin.

"SIR!!!" tawag ni Samuel at hinagis ang dalawa niyang mga rosaryo niya kay Kuya Vincent.

"Salamat." pagpapasalamat ni Kuya Vincent nang masalo ang mga ito. Dinikit niya ito sa katawan ni Victarion, at sinuot pa nga.

"Go, Kuya Vincent! It's your chance now, send him to hell!!! Get rid of him!!!" sabi ko sa kanya.

"HINDI, HINDI!!! LALABAN PA...AKO!" sabi ni Victarion habang nasasakal ni Kuya Vincent, at nanghihina sa musika at mga rosaryo.

"GO TO HELL, VICTARION!!! GO TO HELL!!! IN THE NAME OF THE FATHER, AND OF THE ON, AND OF THE HOLY SPIRIT, AMEN! GOD, PLEASE HELP US WITH VICTARION MARCO TIVIDAD MAULEON. HE IS A DEVIL THAT ESCAPED FROM HELL TO PUT MORE OF YOUR PEOPLE AT RISK. PLEASE MAKE HIM STAY IN A PLACE IN HELL WHEREIN HE CANNOT DO ANYTHING ELSE. GUIDE AND HELP US RIGHT NOW, LORD. WE BELIEVE IN YOU, WE WILL NEVER LOSE FAITH AND HOPE TO YOU. PLEASE HELP US WITH VICTARION RIGHT NOW, O LORD. WE ASK THIS THROUGH THE SAME CHRIST, OUR LORD, AMEN. IN THE NAME OF THE FATHER, AND OF THE SON, AND OF THE HOLY SPIRIT, AMEN!" dasal ni Kuya Vincent sa diyos upang paalisin na ng tuluyan si Victarion.

Nagsimulang masunog si Victarion, hanggang sa mawala na siya.

"Kuya Vincent..nagawa mo!!! Wala na ba talaga siya, as in, tapos na ang lahat?" tanong ko kay Kuya Vincent na medyo maligaya na.

"Teka. Kinakausap ako ng diyos ngayon at inaalam ko ang mga nangyari." sabi ni Kuya Vincent na nagpatahimik sa aming lahat.

Tumagal kaming tahimik, hanggang sa magsalita na rin si Kuya Vincent. Nag-iba ng konti ang itsura niya. Nagkaroon na siya ng damit na pang-anghel talaga at yung itsura niya rin, nagmukhang mas angelic.

"Paalam na, AJ, at sa inyong lahat. Sana mapatawad niyo talaga ako sa mga ginawa ko na impluwensiya lamang ni Victarion sa akin. Ngayon, magiging abala na ako sa langit. Ayon sa diyos, magkakaroon ako ng mahakagang responsibilidad; ang pagbantay at pagprotekta sa mga kaluluwa upang hindi sila maimpluwensiyaan ng mga makakapangyarihang mga demonyo katulad ni Victarion. At si Victarion ay bantay na bantay ng diyos sa impyerno, hinding hindi na siya makakatakas pa. Tapos na rin ang lahat ng ito. Sana, maging masaya na kayong natirang dose. At AJ, sana tandaan mo na mahal na mahal kita. Lahat ng mga kaluluwa ng mga kaklase ninyo ay pagbibigyan kong bisitain kayo, pati ako. Huwag kayong mag-alala dahil lahat sila, kasama ko na ngayon sa langit. Kasama na ang naunang mga biniktima ni Victarion na ibang mga tao sa pagiging serial killer niya sa mga babantayan ko sa langit at iiwasan kong makontrol niya o ninuman. Lahat ng kaluluwa, kaya ang laki talaga ng responsibilidad ko rito. Tinanggap ko ito upang makabawi sa mga nagawa ko dati sa impluwensiya ni Victarion na hindi ko malabanan. Yun lang, paalam na." sabi ni Kuya Vincent at nawala na.

Naiyak kaming apat dito. Maligaya akong natapos na ang lahat, pero nakakapanghinayan talaga ang pag-aabuso ni Victarion sa hating-kapatid ko. Nakakaiyak talaga ang mga sinabi ni Kuya Vincent. Anghel na siya ngayon na may mahalagang responsibilidad sa langit.

Dumating ang iba pagkatapos.

"Guys! Okay na?" tanong ni KJ.

"Oo. Tulungan-tulungan kami, pero Kuya Vincent did most of the work. Anghel na siya ngayon na may mahalagang responsibilidad sa langit. Poprotektahan niya ang mga kaluluwa mula sa pagkaimpluwensiya sa mga makakapangyarihang demonyo katulad ni Victarion, na binabantayan na ngayon ng musto ng diyos sa impyerno upang hindi na siya muli makatakas." sagot ko sa kanila.

Nagtinginan silang lahat, hanggang sa maging maligaya na.

Lumapit si Heaven sa boyfriend niyang si Samuel, at nagyakapan sila. "Nice work, ang galing talaga ng genius boyfriend ko!" ani Heaven.

Si 4A ay tumakbo papunta sa girlfriend niyang si Cane at niyakap ito ng mahigpit. Si Chantellia, niyakap ni KJ, ang number one protector niya at parang best friend na rin niya.

"Wala na rin si Jerome..so, ikaw na lang talaga ang magiging best friend ko kahit opposites tayo." sabi ni KJ kay Chantellia.

"O, sige, ayos lang. Pero sigurado, bibisitain tayo ng madalas ng mga kaibigan nating sumakabilang-buhay na, sina Myla at Jerome, pati na rin si ROFL." sabi naman ni Chantellia.

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko, habang nananatili akong nakaupo na nag-iisip at nalulungkot.

Lumingon ako, at nakita si Yuri. Umiwas na lang muli ako ng lingon.

"AJ, I'm sorry. I realized na mali talaga ang ginawa ko. Na-turn off lang talaga ako ng sobra, hindi kita inintindi at nahulog na kay V. Nasaktan kita, alam ko, pero pwede mo ba ako bigyan ng pangalawang pagkakataon? Hindi ko na sisirain pa. Pangako iyan. Please. Patawarin mo na ako." sabi niya sa akin at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.

Lumingon muli ako sa kanya. Mukha namang sincere at makatotoo siya. Naalala ko bigla sa kanya si Kuya Vincent noong pinilit niya akong maniwala sa kanya bilang kapatid. Kaya nag-isip ako, hanggang sa may marinig akong boses na bumulong sa akin.

"Patawarin mo na siya, AJ, katulad nang ginawa mo sa akin." bulong ng boses sa utak ko, at nakilala ko agad.

BOSES ITO NI KUYA VINCENT, NA MUKHANG PINAPANOOD TALAGA AKO!

Napangiti ako rito, at nakagawa na ng desisyon. "Oo. Papatawarin na kita. Alam kong nasaktan ako, pero everybody deserves a second chance naman." sabi ko na kay Yuri.

Niyakap niya ako ng mahigpit, hanggang sa halikan na rin ako ng matagal at malalim.

Tawanan lang kami pagkatapos ng ilang segundo, at ayan nananamn ang shippers na mga kaklase namin, nang-aasar na. "#AJYuri is back" daw, hahaha.

Pero ang saya talaga. Everything will be back to normal.

Yuri Arissa Sandoval's Point of View

Back to normal na. Ang mga nakaligtas ay ako, si AJ, sina KJ, Chantellia, Noel, Chachi, 4A, Cane, Samuel, Heaven, Raffy at Aila. Makalipas ang isang linggo ng recovery namin mula sa natapos na ring death game, exams na rin namin.

Pero bago yun, marami pang magagandang mga nangyari. Unang una sa lahat, ang party nila sa student council ng buo.

"SURVIVORS PARTY"

A party of candidates running for student council officers of Senior High School for school year 2018-2019.

Status: Won

President: Juan Samuel Ausan (WINNER)

Vice President: Heaven Jean Castillejo (WINNER)

Secretary: Arnold Arvin A. Ang (WINNER)

Treasurer: Alexandra Cane Dela Fuente (WINNER)

Athletic Leader: Raffy Pangilinan (WINNER)

Auditor: Aila Hancher (WINNER)

Public Relationships Officer: KJ Cabanilla (WINNER)

Council Ambassador: Chantellia Yukiko (WINNER)

Kami nina AJ, Noel at Chachi ay hindi na tumakbo. Mas gusto naming officers na lang sa classroom, eh. Pinagbigyan na lang namin silang walo.

Bilang pinakamatalino ng batch, ayos na ayos si Samuel bilang Senior High School president next school year, at siyempre magiging okay talaga ang collaboration nila ni Heaven dahil sa relasyon nila.

Tapos sina 4A at Cane, responsable rin naman katulad ng mga best friend nilang sina Noel at Chachi para sa posisyong Secretary at Treasurer.

Si Raffy ay Athletic Leader dahil siya ay ang pinaka-athletic sa amin at makikita mo talaga sa sports ang mahusay niyang leadership skills, kaya bagay na bagay talaga sa kanya ang posisyon.

Si Aila, responsable naman, pwedeng pwede maging Auditor.

Tapos si KJ, bagay talaga sa pagiging PRO o Social Manager kung maituturing dahil sa socially-active na personality niya.

At si Chantellia, angkop sa pagiging Council Ambassador niya dahil sa pagiging cute niya, hehe. Siyempre, hindi lang yun. Responsable at masipag kasi siya bukod sa pagiging cute.

Ang relasyon namin ni AJ ay going smooth naman. Ganon din ang #NoeChi, #ArCane, #HeaMuel at #AiFy. Ang mga virgin lang talaga sa amin ay sina KJ at Chantellia, na best friends lang talaga, dahil opposites talaga sila. In fact, medyo impusible pa ang pag-ibig sa kanila dahil sa pagiging isip-bata masyado ni KJ at pagiging baby girl pa lang ni Chantellia.

Binibisita kami ng mga kaluluwa. Nagpapakita kay AJ ang childhood best friend since Nursery niya na si Blake, pati ang hating-kapatid na si Sir Vincent Mauleon. Ako naman, pinapakitaan ng ibang mga dating kaibigan katulad nina Daphne at Nichelle. Si V pala, pinapakitaan din kami parehas ni AJ. Si Noel, pinapakitaan ng kakambal niyang si Joel. Si Chachi siyempre, si LJ naman. Binibisita rin pala ang #NoeChi ni Thirteen. Si Raffy, binibisita ng kuya niyang si Xander, at para kay Aila, ang kakambal niyang si Seren pati na rin ang mga best friend nina Raffy at Aila na sina Andrei, Gavin, Gerica, Hade saka Mich. Binibisita rin ni Andrei si Samuel na best friend din niya bukod kay Raffy. Si Heaven, binibisita pa ng mga best friend niyang sina Faye at Sam. Si KJ, pinapakitaan ng mga bestfriend niyang sina Jerome at ROFL na best friends pala sa heaven. Si Chantellia naman, pinapakitaan ng pinsan at best friend niyang si Myla. Si 4A, pinapakitaan ng dating naging partner-in-crime niya sa sandaling panahon, si Knowell. At si Cane, pinapakitaan nung iba pa. Hindi raw alam ni Cane, pero maraming taga 11-Asia na binibisita siya at humihingi pa ng mga advice sa kanya sa pagiging mysterious thinker niya.

Ngayong araw ng exams, kabado na ako. Hiwalay na hiwalay ang boys at girls. Katabi ng boys ang whiteboard sa kaliwa, at kami namang girls, katabi ang bulletin board dito sa kanan, G5 ang final class number ko, kaya second to the last ako, sa harapan ni Chantellia at sa likod ni Chachi.

Ito kasi, kami:

BOYS

1. ABEAR, N. L.
2. ANG, A.A. A.
3. AUSAN, J.S. W.
4. CABANILLA, K.J. H.
5. MAGNIFICO, A.J. D.
6. PANGILINAN, A.R. F.

GIRLS

1. CASTILLEJO, H.J. K.
2. DELA FUENTE, A.C. B.
3. HANCHER, A.G. E.
4. MONTGOMERY, C.F. I.
5. SANDOVAL, Y.A. M.
6: YUKIKO, C. D.

Pilay pa rin ang mga pilay sa amin. Si Aila, na mahihirapang magsulat dahil sa parehas na pilay niyang braso ay tutulungan na lang daw ni ma'am, siya na ang magsusulat ng naiisipan niyang sagot.

AJ: uninjured

Yuri: injured in both feet

Noel: injured in the left leg and right arm (buti na lang, left-handed si Noel)

Chachi: injured in right leg and left arm (buti na lang, right-handed si Chachi)

4A: uninjured

Cane: injured in left leg

Samuel: uninjured

Heaven: injured in right leg

Raffy: injured in both legs

Aila: injured in both arms  

KJ: injured in right arm (buti na lang, ambidextrous si KJ, both left-handed and right-handed) 

Chantellia: uninjured

"Okay, class. Handa na na kayo para sa Second Semestral Exam?" tanong sa amin ni ma'am Ariane, na hawak na ang mga papel para sa exams.

"YES, MA'AM!" pasigaw na sagot namin.

"Good. Pero para lang mawala ng konti ang kaba ninyo, I would just like to congratulate all of you sa mga magagandang mga nangyayari sa inyo ngayon, tulad ng pagkapanalo ng Survivors Party para sa SHS Student Council next school year kapag Grade 12 na kayo. At, pati na rin sa pagtatapos ng laro sa inyo. CONGRATULATIONS, 12 SURVIVORS!!!" sabi sa amin ni ma'am.

Nag-cheer kami rito sa ligaya.

"Guys! Nakikita ko sila. Pinapanood nila tayo ngayon, nakangiti. Lahat sila, mula 10-Asia victims hanggang 11-Asia victims. Kasama na si Sir Vincent! They are wishing us luck in this exam!" biglang sabi ni 4A.

"O, edi, maganda, haha! Handa na tayo, di ba? Let's do this! Can I get a loud YEAH from the whole twelve survivors?" sabi naman ni KJ.

"YEAH!!!" sabay-sabay naming sigaw, at nagsimula na sa pagsagot ng exam.

Pinapanood kami ng forty-four na nabiktima sa death game ni Victarion Mauleon, twenty-two mula sa 10-Asia at twenty-two rin mula sa 11-Asia at pati na rin ni Sir Vincent mismo, isang anghel sa langit na tinaguriang "Protector of Souls" sa trabaho niyang hindi malapitan ng demonyo ang mga kaluluwa sa langit.

LET'S DO THIS, 12 SURVIVORS!

Status: (12/34, twenty-two dead)

Boys   

(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W. 
(06-301) 4. CABANILLA, Kane Jacob H.
(04-100) 5. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
(17-002) 6. PAMULAR, Jerome Drake V.  †  (Deceased)
(17-119) 7. PANGILINAN, Adrian Rafael F.

Girls

(17-055) 1. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
(17-249) 2. DELA FUENTE, Alexandra Cane B.
(17-131) 3. HANCHER, Aileen Grace E.
(13-177) 4. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(04-078) 5. SANDOVAL, Yuri Arissa M. 
(05-005) 6. YUKIKO, Chantellia D.

Final 12 Survivors:

Boys   

1. ABEAR, Noel L. [The Class Secretary] (Book 1 Character)
2. ANG, Arnold Arvin A.  [The Class Secret Agent] (Book 2 Character)
3. AUSAN, Juan Samuel W. [The Class Genius] (Book 2 Character)
4. CABANILLA, Kane Jacob H. [The Class Clown Auditor] (Book 1 Character)
5. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D. [The Class President] (Book 1 Character)
6. PANGILINAN, Adrian Rafael F. [The Class Joker Athlete] (Book 2 Character)

Girls

1. CASTILLEJO, Heaven Jean K. [The Class Top 2] (Book 2 Character)
2. DELA FUENTE, Alexandra Cane B. [The Class Mysterious Thinker] (Book 2 Character)
3. HANCHER, Aileen Grace E. [The Class Introvert Female Athlete]  (Book 2 Character)
4. MONTGOMERY, Charity Faith I. [The Class Treasurer] (Book 1 Character)
5. SANDOVAL, Yuri Arissa M.  [The Class Vice President] (Book 1 Character)
6. YUKIKO, Chantellia D. [The Class Cute Athletic Leader] (Book 1 Character)

Author's Note: Ayan na! Hihi! Yung mismong ending, sa Epilogue pa, which is next. Supposedly dapat kahapon pa ito naipost, pero medyo late ako nakauwi, kaya ganon. Sana nagustuhan niyo itong last chapter at pati na rin yung overall na book na ito. Papagandahin ko pa ito at lilinisin. Aalisin ko ang mga typographical errors o kahit ano pang mga mali. Lalagyan ko ito ng pictures soon, kaya bisi-bisitain niyo na lang kapag may inaa-nounce akong dumating na batch ng mga pictures. Sunod ng Epilogue ay yung Full Cast, kaya hintayin niyo talaga! Maraming salamat sa lahat! Kayo ang nagpahalaga at nagbigay-buhay dito sa librong ito. Pasensya na sa lahat ng hindi niyo nagustuhan. Good morning, have a blessed Saturday morning to all! Sana talaga, nagustuhan niyo ito! Please give your feedback! =) ;) :D

By the way, congratulations sa ating lahat, dahil for the first time in everything and forever, #2 tayo in Paranormal, na ibigsabihin ay second hottest. Maraming salamat talaga! We wouldn't have come to this without your support for this story! I really thank you all! We should be happy for this news! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top