Chapter 38: Ang pagbukas sa mga nakatagong bagay
Chapter 38: Ang pagbukas sa mga nakatagong bagay
Vince "V" Kim's Point of View
Nalaman namin noong halos hating-gabi nang pangalawang araw ng aming camping na patay na talaga sina Dana at Axle pagkatapos ng ilang oras nilang pagkawala. Akala namin sa una, nanatili lang sila sa cottage at humiwalay sa amin, ngunit pinatay na pala sila. Naisip namin na baka si Victarion ang pumatay, o si Vincent Mauleon mismo, ngunit nahulaan ni Samuel ang mga pumatay. SINA WENDELL AT ALEXANDRA. Bakit? Noong narating namin ang lawang kinamatayan nila, nakita naming parang nagkaroon ng tsunami, abot sa buong lugar ng maliit na kagubatan sa kaliwa bago ang lawa. Nakita naming lumulutang ang mga sombrero nina cowboy Axle at Dana na rin. Sa ilalim naman ng bahaging napakalalim sa lawa, sa bandang eight feet, nakalubog ang mga bangkay nina Dana at Axle. Maraming nakasaksak na mga bote ng alak sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Dana, samantala si Axle ay wala namang sugat, ngunit mukhang nalunod.
Alalang-alala ko pa ang eksaktong sinabing teoriya ni Samuel:
"Ganito yan. Di ba, si Alexandra Buenavantura tapos Wendell Husmillo ang naunang mga biniktima sa 10-Asia bago kay Freddy Fernandez? Okay, tumango ang limang mga old students. Edi sila ang pumatay. Isipin niyo. May mga kapangyarihan na yung mga multo, di ba? Base sa kinamatay nila? Sa pagkakaalam ko, si Alexandra, yung pinsan ni Ashley, namatay habang naglalasing ng alak at naging hadlang ito sa kaligtasan niya, kaya yun ay ang naging sandata niya bilang enhanced ghost killer. Tignan niyo ang bangkay ni Dana, nasaksak ng maraming mga bote, di ba? Si Wendell naman..isang napakahusay na swimmer..pinatay sa swimming pool. Kapangyarihan niya na yun, kaya parang may tsunami na talaga, siguro sa pag-atake niya at nilunod niya si Axle. Saka di ba, lovebirds yung dalawang yun? O, tumango yung limang old students. Lovebirds din ang #DaXle, kaya saktong sakto sila rito. Pati pala itong pattern na napansin ko. Single-lovebirds killings. Zen, single, unang biktima. Pangalawa't pangatlo, yung #HaVin, lovebirds. Pang-apat, Myla, single. Pang-lima't pang-anim, #GeriDrei, lovebirds. Pang-pito si Anna, single. Pang-walo't pang-siyam, ang #DaXle, lovebirds na lovebirds. So..yeah. Yun."
-Juan Samuel Wong Ausan, 11-Asia's smartest student (TOP 1)
Grabe ang lungkot namin dito. Ngunit ako, masayang masaya talaga. Hehe. Bakit? Alalanin ko nga ulit ang hindi malilimutang pangyayari na ito.
**Flashback**
Noong umaga ng pangatlong araw ng camping namin...
Pagkagising ko, naisipan kong umihi muna. Nakita ko sa tent ni Yuri, wala siya, at hindi ko siya makita sa paligid. Baka nasa cottage room namin. Nakita ko ang iba, mukhang nalulungkot pa rin. Pati sina KJ at Jerome.
Nakita kong umiiyak na si KJ. Wow. Bihira ito. Seryoso. Tinatahan naman siya ni Jerome.
"Isa si Axle sa mga pinakauna kong mga kaibigan. Noong Grade 1 siya at transferee siya..kami ni ROFL ang naging una niyang mga kaibigan. Lagi niya ako tinutulungan na makapasa sa mga grades ko. Ngayon, wala na rin siya." sabi ni KJ.
"Nakasama na natin ng matagal si Axle. Isa siyang mabuting tao. Masarap din siyang kasama at isa ring mabait na matalinong estudyante. Sinubukan niyang lumaban para mapatigil ang Mauleon Brothers kasama natin ngayon at para sa inyo, last school year pa. Mahirap talagang maka-move on dito tungkol kay Axle. Isa siya sa mga old students natin. Ngayon, anim na lang kayo." sabi naman ni Jerome na naiiyak na rin.
Oo nga, noh. Anim na lang sila from 10-Asia. Ito ang roaster:
1. Antonio Jonathan Duhaylungsod Magnifico (ALIVE)
2. Yuri Arissa Medalla Sandoval (ALIVE)
3. Noel Logronio Abear (ALIVE)
4. Charity Faith Irinco Montgomery (ALIVE)
5. Kane Jacob Hidalgo Cabanilla (ALIVE)
6. Chantellia Diaz Yukiko (ALIVE)
7. Axle Blaze Acebedo Buenavista † (killed, drowned by Wendell Husmillo)
8. Faithlyn Relucio Washington † (killed, beaten up by Blake De Villa)
Masasabi kong mas mahirap talaga sa mga kaklase ko kapag ang namatay ay isa sa mga 10-Asia 2016-2017 students, lalo na yung mga old students din mismo. Naku, isa pala si Yuri roon, noh? Malungkot siguro siya.
Tumakbo na ako papunta sa cottage.
Pumasok na agad ako sa Room 5.
Nakita ko, si Yuri malungkot na malungkot, ngunit wala siyang mga luha katulad ng iba.
"Hi, Yuri. Okay ka lang ba? Nalulungkot ka ba dahil sa pagkamatay nina Axle at Dana?" tanong ko sa kanya na medyo nahihiya.
"Oo. V. Hindi ako okay at nalulungkot ako roon. Pero hindi lang yun ang nagpapalungkot sa akin ngayon." sagot naman niya sa isang napakaseryosong mukha.
"Ano pa?" tanong ko pa at tinabihan na siya sa kamang inuupuan niya.
"Tungkol ito kay AJ. Hanggang ngayon, wala pa rin akong nararamdaman mula sa kanya. Hindi pa talaga siya nagpaparamdam, ilang araw na. Nakakalungkot ngunit nakakagalit din sa puso. Ano sa tingin mo ang tamang desisyon, V? Isasabotahe ko na lang ng tuluyan ang relasyon namin?" pagbabahagi niya.
Honestly, nararamdaman kong may chance talaga kami ngayon na may poblema si,a ni AJ.
"Ah. Tingin ko..dapat lang kayo, ah...well. Ah..magpatuloy! Hehe. Magpatuloy lang kayo sa relasyon ninyo. Maging matibay kayo." sabi ko naman sa kanya na nahihiya talaga.
"Sigurado ka? Pero tingin ko rin..may kailangan talaga akong ipaalam.. Sa iyo, V." tugon niya rito na ikinagulat ko.
Naku po, kabado ako. Baka ito na! Kinikilig na ako, pero ayoko umasa, masasaktan lang ako!
"Ganito kasi yun..ahm, hindi ko alam kung bakit, pero......"
Lalo akong kinabahan at nahalata kong ganon din siya. Napatigil muna siya ng saglit. Hinintay ko naman kahit kabado na talaga. Bumilis tibok ng puso ko. Gosh. Ito na ba?
Hanggang sa hawakan niya bigla kamay ko. Bumilis lalo ng tibok ng puso ko.
"Hindi ko talaga alam, pero may iba na akong nararamdaman para sa iyo. Lalo na ngayong camping. Ngayon nq nagkakaroon kami ng poblema ni AJ, para bang nahuhulog na ako sa iyo. Hindi ko talaga alam. Parang..mas gusto na kita. Gustong gusto na kita, aaminin ko na.." pag-amin niya na medyo nahihiya.
Namangha talaga ako rito. WHAT? THE? HECK? Nahulog siya sa akin. Bumilis na ng sobra ang tibok ng puso, halos mahihimatay na ako sa kasobrahan ng nararamdaman ko.
"Seryoso ka, Yuri? Maganda yan! Pero..kayo ni AJ, di ba? Hindi ako pwede..mali ito." tugon ko rito.
Hinawakan naman niya ako sa mga pisngi ko.
"Naalala ko, noong bata pa tayo, marami kang mga sinasabi sa akin na halos hindi ko maintindihan sa warak-warak at bulol mong pagtatagalog hanggang ngayon, noong naging magkalaro tayo ng mga limang taon. Isa sa mga naintindihan ko, bago ka umalis ay sundin ang puso mo anoman ang mangyari. Ginamit ko yun sa totoong buhay, simula noong Grade 1 na nakaalis ka na at nakilala ko na si AJ, kung saan nagtatandem na kami as President and Vice President hanggang ngayon. Mahal na kita, V. Nararamdaman ko na yun. Alam kong gustong gusto mo rin ito. Patawarin mo ako kung hindi mo ito matanggap.." sabi niya, na nakahawak pa rin sa mga pisngi ko.
Talagang ang saya ko!!! Woohoo!
"Yuri..mabuti ito! Gustong gusto ko ito! Wala ako masyadong masabi, pero ibigsabihin ba nito, pwede maging tayo?" maligayang reaksyon ko sa pagpapahayag niya.
Napangiti siya, hanggang sa ilapit pa ang mukha niya sa mukha ko at nang hindi inaasahan, hinalikan ako.
Tinagalan, nilaliman at hinigpitan namin ang halik.
Pagkatapos ng mga sampung segundo o mahigit, natapos na rin kami, at nagtinginan ng matagal. Grabe, ang ganda niya talaga. Tapos, matalino pa. May bad girl attitude siya, pero ayos lang, ang cute rin naman nun, eh.
"Saranghae, Kim Min-Rin!" sabi niya habang nakakapit pa rin sa akin, na ibigsabihin ay "I love you" sa korean.
"Nado saranghae, Yuri Arissa Medalla Sandoval!" tugon ko naman, na ibigsabihin ay "I love you too" sa korean.
"Isikreto muna natin sa iba. Pabayaan mong mahalata nila ito." pagpapasya ni Yuri.
"Sige." pagpayag ko.
"Ihi lang ako, hehe. Yun lang talaga ang punta ko rito, pero hindi ito inaasahan, hehehe." pagpaalam ko.
"Sige, babe. Mwah!" pagpayag niya at nagbigay ng flying kiss sa akin.
Ang saya saya ko. Ang laki ng ngiti ko habang umiihi, at napasayaw pa kaya kumalat ang ihi sa buong banyo. Ako na bahala rito, hehe.
Ngayong huling araw namin, nangyari mula 10:00 hanggang 3:00. 12:00-1:00 ay lunch namin. Sa recollection, nagkaroon kami ng mass, tapos confession, at iba pang mga spiritual activites na pang-recollection. Binless kami lahat ng paring tinawag nila, at pati ang lugar upang maiwasan ang mga multo. At gumana naman. Pagkatapos ng free time namin sa konting laro mula 3:00 hanggang 5:00, nakaalis kami ng wala nang mga kamatayan at pag-atake ng mga multo. Ayon kay 4A, wala na siyang mga multong nakita, niisa simula noong pagbasbas ni Father Bernardo Miguel Isidro.
Pero grabe kami ni Yuri, haha. Wala ka na, AJ. Anomang nangyayari sa iyo, sana ayos ka lang at hindi maging hadlang ang bago naming relasyon ni Yuri rito.
AJ Magnifico's Point of View
Hindi ako makapaniwala.
Hinding hindi ako makapaniwala.
Tinalikuran lang ako ni Yuri ng ganon ganon. Kitang kita ko sila ni V.
Pero hindi yun ang poblema. Mayroong isang bagay na mas malala roon. Mas hindi kapani-kapaniwala para sa akin.
Ito ang tungkol sa kapatid ko. Isa siyang hating kapatid sa ibang nanay. Patay na siya, kakamatay lang noong Marso 2017. Pinaslang siya ng mga nabiktima niya. Isa siyang kriminal, at nang-galing sa pamilya ng mga kriminal. Ang tatay ng kapatid niya, si Vicente Mario at ang nanay niyang si Victoria Miguella ay mga drug dealer, ekspertong magnanakaw, kidnapper, hold-upper at serial killer. Noong napaslang ng mga pulis si Vicente, nalungkot si Victoria at nagtago muna. Nang makita niya si tatay, kinidnap niya ito at ni-rape, pinilit na magkagusto sa kanya at maging ka-relasyon niya, kaya nahulog agad si tatay. Siyempre, lalaki siya, na-in love agad sa babaeng talagang pinapakita na gustong gusto siya. Naging masaya sila sa relasyon nila, at naimpluwensiyaan si tatay na maging kriminal. Inalagaan nila ang unang anak ni Victoria sa unang asawa niya. Nagkaroon agad sila ng anak, ilang araw pa lang ng relasyon nila sa kadalasang "making love" nila na gawain. Ang sanggol na nabuo nila nun ay ang kapatid ko. At pagkapanganak sa anak nila, agad silang kinasal na. Tumagal sila bilang magkapares sa mga krimen, ngunit nakulong si tatay. Dito, nagsisi na siya. Pinatakas siya ni Victoria, ngunit naisipan niyang hiwalayan na siya sa pahamak na ibinibigay niya at ayaw niya na talaga niyang maging kriminal.
At ang mas matandang hating-kapatid ng kapatid ko ay naging parehas sa mga magulang niya, kriminal na kriminal. Isa siyang tanyag na serial killer na hindi mahuli-huli. Bukod dito, nakakagawa rin siya ng iba't ibang mga krimen tulad ng pag-gamit, pag-bili saka pag-benta ng mga droga, pagnanakaw sa iba't ibang paraan, panghohold-up, kidnapping at pati na rin mga rape, katulad na katulad ng mga magulang niya.
Siya? Ang kapatid ko? Naging killer lang, at kakaiba ang naging mga pag-patay niya. Hindi talaga ako makapaniwalang siya yun!
Bigla naman ako nakaramdam ng hangin dito sa kwarto.
Naku, kung kailan talaga mag-isa nanaman ako.
"Sino nandiyan? Magpakita ka!" sabi ko.
Agad naman na magpakita ito.
Nakita ko, si Sir Mauleon. Ay, patay.
Agad akong pumunta sa drawer upang kunin ang rosaryo, ngunit bago ko pa ito makuha, pinalipad na ito ni Sir Mauleon at tinago sa loob ng closet, kaya mahirap na hanapin.
"ANO BA GUSTO MO NGAYON?" tanong ko sa kanya.
"AJ. Kumalma ka lang. Gusto lang kita makausap. Tungkol ito sa parehas nating nadiskubre. Pwede na ba natin yun gawin?" sagot niya.
"Hindi! Sigurado akong papatayin mo lang ako at magdudulot pa ng pahamak! Lumayo ka, bago ako tumawag ng tulong o kung anoman na magpapatigil sa iyo!" tugon ko rito.
"AJ. Sasabihin ko sa iyo, kahit baka hindi mo ako paniwalaan. Ang kuya ko, si Victarion, kinokontrol lang ako. Binrain-wash lang niya ako all along, simula pa noong last school year sa 10-Asia bilang adviser ninyo. May paranormal act na, doon pa lang. Siya yun. Isa siyang demonyo, dati pa. Noong nag-apply ako bilang teacher, kakamatay lang niya, pinaslang na ng mga pulis. Aaminin ko, natatakot kasi talaga ako sa kanya. Bilang kapatid, inaabuso niya ako. Hanggang ngayon. Tinago sa akin ni nanay ang totoo tungkol sa tatay ko. Paminsan, sa pagpapatay, biglang napapaisip na lang ako na mali ang mga ginagawa ko. Ngunit napakalakas ni Victarion, isa siyang malakas na demonyo na kinuha rin ang kapangyarihan ng demonyong kaluluwa ng mga magulang namin upang lumakas siya, para na siyang hari ng mga kaluluwa. Halos impusible siyang patigilin. Ngayon, nakatakas ako. Sinabi ko sa kanyang kailangan niya tanggalin ang control muna sa akin upang masolusyonan ko yung poblema sa mga panaginip mo nanaman, na kasinungalingan lang all along. Para ito makausap kita at maging malaya ng sandali. Kaya please..payagan mo na ako." sabi niya sa akin.
Grabe siya, ah. Kakausapin ko siya? After all he has done. Hinding hindi. I don't trust him. Kahit pa man nalaman ko na ang katotohanang nakatago ng matagal.
Pero naramdaman ko ang sincerity sa kanya. Mukhan gnagsasabi aiya ng totoo at gusto talagang makipag-usap sa akin ng matino at wala ng ibang gagawin.
"Sige... KUYA." tugon ko sa kanya na pumapayag na sa hiling niya.
"Mabuti iyan, kapatid." aniya na may ngiti na. "Si Victarion ay mahirap kalabanin, pero baka kayanin natin. Lalo na ako, na may advantage. Ang pinaka-sandata natin ay ang pananampalataya. Isang napakalaking kahinaan yun ni Victarion. May plano ako. Natuklasan na namin kung paano makontrol agad ang mga kaluluwa habang ilang araw pa lang sila sa purgatoryo, at yun ang gagawin ko kina Anna, Dana at Axle na kakamatay lang. Susubukan natin siyang kalabanin with faith and hope. Kailangan ko rin lahat ng natitira mong mga kaklase rito. Hindi man lahat kayo makakaligtas sa puwersa niya, pero susubukan lang natin. Naririyan ang diyos, di ba? Hindi niya tayo bibiguin. Sana maniwala ka sa akin na nagbago na ako. Wala akong plano o patibong. Gusto ko na rin ito tapusin para sa inyo, lalo na para sa iyo. Malaki ang pagsisisi ko sa mga nagawa ko dati. Sa katotohanan, kapag hindi ako makapatay last school year sa 10-Asia, sinasaniban nalang ako ni Victarion at siya papatay gamit ang katawan ko. Kaya nga gusto ko na siyang gantihan. Pagbabayarin ko siya sa lahat ng mga ginawa niya sa akin, sa inyo at sa iba pa. Ano sa iyong palagay, AJ?"
Lalo akong napapaniwala na makatotoo siya. Kitang kita ko na rin mismo sa mukha niya at ramdam ko sa kanya ito. Siguro kung buhay pa si Myla, at kasama ko siya ngayon, makokonpirma niya kung talagang makatotoo ang Kuya Vincent ko.
"Ano ang masasabi mo, AJ? Payag ka? At papatawarin mo na ba ako?" tanong niya.
Nag-isip muna ako. Is he to be trusted? Papatawarin ko na ba siya? Pero naisip ko rin..I have no choice but to side with him. Nakakalungkot na ngayon ko lang mismo nalaman na hating-kapatid ko pala siya, siya pang kaaway na kaaway namin. Ngunit ayaw ko maging masamang kapatid tulad ni Victarion sa kanya na naging dahilan in the first place kung bakit siya pumapatay.
"Oo, Kuya Vincent. Sana, mapapagkatiwalaan ka." sagot ko.
"Mapapagkatiwalaan mo ako, AJ. Aaminin kong naimpluwensiyaan talaga ako ng pamilya ko pero lagi ako nakokonsensiya at natatauhan sa mga nagagawa ko. Tandaan mo, ang tatay ko ay tatay mo, na hindi kriminal, kaya naghalo ang dugong kriminal at dugo ng tatay mo na normal na tao lang. Handa ka na ba?" aniya.
"Oo, Kuya!" tugon ko.
"Natutuwa ako diyan. Pero. May iba ka pa bang poblema bukod sa kalokohan ni Victarion?" tanong niya.
Naisip ko bigla ang poblema ko kina V at Yuri.
"Ah..mayroon siguro. Pero kumplikado masyado dahil tungkol ito sa pag-ibig. Alam kong naunahan pa talaga kita rito, lalo na dahil nabawian ka ng buhay sa edad ng dalawang-put dalawa at hindi mo talaga ito naranasan kailanman, kaya baka hindi mo ako matulungan talaga." sagot ko naman.
Nakita ko ang nagulat na mukha kay Kuya Vincent.
"Um, pag-ibig? Kaya rin naman kitang tulungan, pero pwede pa yan makahintay, di ba? May mga mas mahahalaga pa tayong mga poblemang kailangang solusyonan." tugon niya rito.
Hindi ko alam kung masaya ba ako, na nakilala ko siya, ang aking kapatid, o galit pa rin sa kanya. Sa kabila nito, parang naawa at nalulungkot ako sa kanya sa abuso ng kapatid niyang si Victarion sa kanya hanggang sa pagpapahamak pa sa kanya, sa sariling buhay ng kanyang kapatid. Alam kong bumabawi na siya sa akin bilang kapatid, at sa aking palagay, maaring matapos na rin ang poblema naming 11-Asia sa tulong niya. Tulad ng sabi niya, pananampalataya ang makakatulong. Tama! Baka talagang binigay na siya ng diyos para sa amin, bilang huling pag-asa.
Vince "V" Kim's Point of View
Kaming natitirang labing-tatlong mga nakaligtas bukod kay AJ ay nagkaroon ng pulong sa rest day namin ng Lunes, kinabukasan pagkatapos ng camping. Kami-kami nina Yuri, Jerome, KJ, Chantellia, Noel, Chachi, 4A, Cane, Samuel, Heaven, Raffy at Aila.
Sa isang Shakey's kami nagkita-kita. Umorder kami ng maraming pizza, spaghetti, carbonara, mojos at Captain's Choice.
Ang kinain ko ay spaghetti at carbonara dahil mas gusto ko ang mga pasta. Ganon din ang girlfriend kong si Yuri. Sina Jerome, KJ at Chantellia ay kinain yung Captain's Choice, yung may calamari, fish fillet at french fries. Sina Noel, Chachi, 4A at Cane ay kumain din ng mga pasta. Sina Samuel, Heaven, Raffy at Aila ay kumain din ng Captain's Choice, kaya marami rin kaming inorder na ganito katulad ng mga pasta.
Marami rin kaming mojos na inorder. Share-share kami, pati sa pizza.
Pero siyempre, habang kumakain, nag-usap na kami.
"Sobra na, guys. Sobra na. Ayaw talaga nila tumigil. Palala na sila ng palala. Uubusin na nila tayo. Ano dapat nating gawin?" sabi ni KJ.
"Sisimulan na natin itong tapusin. Lalabanan na natin sila. Mamatay man tayo, basta masubukan nating patigilin sila, ayos na yun." sabi naman ni Yuri.
"Paano? Ano plano niyo?" tanong ni Jerome.
"May naisip ako, eh. We will lure them. Tapos, doon natin sila susubukang talunin na. Sama-sama tayo. Doon natin haharapin ang lahat. Kumbaga, last stand natin yun. Sa mga nakaraang mga kamatayan na nangyari sa mga kaklase natin, mayroong mga sakripisyong kamatayan na nangyari na sigurado, mangyayari rin doon." sagot ko naman sa kanya.
"Lahat tayo ay may mga papel na gagampanan. Ako na, sa ngayon ang magiging pinuno sa laban. Aalalayan ako ni V. Samuel, Heaven, halata naman, kayo ang mga matatalino, kaya mahahalaga talaga kayo. Mabuti na lang at ligtas pa kayo sa huling laban natin. KJ, Jerome. Pwede natin gamitin ang pranking skills niyo rito. Sa husay niyo, pwede itong makatulong. Aila, Raffy. Kayong dalawa ang pinakamaliliksi sa atin. Kailangan namin ang liksi na ito na mailabas talaga sa laban. Chantellia. Ikaw ang pinakabata, ngunit isa sa mga pinaka-matured. Maliksi ka rin naman at matalino, pwedeng makatulong sa laban na ito. Tapos kayong apat. Noel, Chachi, 4A at Cane. 4A, Noel, kailangan natin ng mga spy, kayo na yun, halata na. Chachi, Cane. Tulad ni Chantellia, maliksi at matalino rin naman kayo, kaya pwedeng pwede talaga kayo makatulong. Sama-sama tayong magtutulungan at magkakaisa rito. Wala tayong ibang mapapagkatiwalaan kung hindi ang isa't isa. Tayo-tayo na lang din ang makakatapos nito. Handa na ba kayo?"
"OO!" sabay sabay naming sagot kay Yuri, lahat kami.
"Eh, paano si AJ, Yuri? Baka may plano na rin siya para mapatigil ang Mauleon Brothers, paano na yun?" bigla namang tanong ni 4A.
Nang marinig talaga namin ni Yuri ang pagkabanggit kay AJ, nagtinginan kami sa gulat.
"Let him be. Anoman ang binabalak niya, siya na bahala roon, alam kong kaya na niya ang sarili niya at alam kong ginagawa naman niya sa mga tamang desisyon sa buhay. Kung may plano rin siyang lumaban na katulad natin, mabuti na rin yun, baka makatulong talaga siya. Kaya dapat ngayon, handa na tayo. Sisimulan na natin ito tapusin." sagot naman ni Yuri.
Tama. SISIMULAN NA NAMIN ITONG TAPUSIN!
Author's Note: Hehe, naisulat ko talaga itong Chapter 38 since walang mga assignments. So kung mapapansin niyo, may twist akong nilagay. Naging suggestion na kasi yan dati ng ilan sa inyo, kaya sinunod ko talaga. Sana, naging maganda ang nagawa ko. Sorry for the typos. I really hope that you will like it! Maraming salamat sa mga suporta niyo noong simula pa lang. Dalawang kabanata na lang, kaya huwag nang bibitiw! Ipapangako kong papagandahin ko ng lalo ang magiging wakas ng kwento. Susubukan ko rin itong "Book 3" na ito, kung pwede. Ang kailangan ko lang ay ang ideya. Kung pwede nga eh, mag-suggest kayo para matulungan ak. Yun lang. Paalam na sa inyong lahat. Have a blessed Wednesday night, God bless to all of you! =) ;) :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top