Chapter 36: Camping without AJ, Part 3

Chapter 36: Camping without AJ, Part 3

AJ Magnifico's Point of View

Nakaka-badtrip na talaga. Hindi na nga ako pinasama sa camping, tapos hindi pa nabayaran yung internet saka landline namin, at kumpiskado pa talaga sa akin ang cell phone ko. Away sila ng away, grabe! Family problems, family problems!

**FLASHBACK**

Kanina..

Nasa kwarto lang ako, nakahiga sa kama, walang magawa..

Rinig na rinig ko ang away ng mga magulang ko.

"Grabe ka, Marcus Anthony! Niloko mo ako dati! Nalaman ko na rin!" sabi ng mama ko, si Jonnalyn Nailyn Duhaylungsod-Magnifico sa papa kong si Marcus Anthony Lumunsad Magnifico.

"Hun! Gusto ko lang naman sa iyo ibunyag na rin as a gift ngayong seventeenth anniversary natin. Sabi ko nga, huwag ka magagalit, eh! Komplikado kasi at alam kong maiintindihan mo." sabi naman ni papa.

Sinapak naman siya ni mama.

"MAY ANAK KA SA IBA! BAGO PA KAY AJ! AT SA KRIMINAL NA BABAE PA! SABI MO NOON, AKO ANG UNA MONG BABAE AT SI AJ ANG UNA MONG ANAK SA LAHAT! PERO HINDI, SINUNGALING! AT PALIHIM MO PA LANG BINIBISITA ANG PAMILYA NILA, G*GO KA!!!" nilabas ni mama ang galit niya.

"Hun, please, intindihin mo. Mahirap. Mahirap. Lalo na't lahing kriminal yung mga yun. Pilit na kinakalimutan ko na kasi yun makalipas ang limang taon hanggang sa mahanap kita, at nagkaroon agad tayo ng Antonio Jonathan." tugon ni papa.

"Kinalimutan? Eh binibisita mo nga ng palihim! Ano kaya yun?!"

"Nang binibisita ko siya, nalalaman kong iba siya. Kriminal siya. Namana niya ang talino niya mula sa akin, pero ang pagiging kriminal, sa nanay niya na yun, kay Victoria. Kaya pilit na tinatago ko talaga ito, ganon kahirap."

"Ayoko na, Marcus, ayoko na. Ni-hindi mo nga pinakilala ang kapatid ni AJ sa ibang nanay sa amin, at lalo na kay AJ mismo!"

"Jonnalyn. Nalaman ko lang, ang anak ko na yun ay at si AJ ay magkakilala na pala. At hindi maganda ang karanasan nila sa isa't isa. At alam mo ang nakakaiyak? Patay na siya. At ang pumatay daw, ay si —"

"PUT*NGINA, AYOKO NA, MARCUS!!! SIGE, MAG-SINUNGALING KA PA!!! LUMAYAS KA NA LANG!"

Nagbasag na ng mga pinggan at baso si mama sa sobrang galit.

"Tama. Maganda kung lalayas na lang ako. Sawang sawa na rin ako sa iyong hindi nakakaintindi sa akin!!!" pagpapasya ni papang lumayas na.

**END OF FLASHBACK**

Nagulat talaga ako rito. May kapatid ako? Mas matanda sa akin ng limang taon? Sino? Hindi ko man lang matanong sa kanila.

Patay na raw siya. Sino ba siya? Baka pwede ako magpatulong sa mga katulad ni Anna at tawagin siya? Sino nga? At nagkakilala na raw kami? Huh? Sino ba? Sino ba ang dalawang-put dalawang taong gulang na nakilala ko na biglang namatay?

Teka. Hindi kaya si..ay huwag na lang pala. Ayoko yun isipin.

Si mama ay palihim na umalis, tinago sa akin. Kadalasan kapag ganitong nag-aaway sila ni papa, pumupunta siya sa bahay nina lolo't lola, ang mga magulang niya.

Wala akong magawa buong araw. Walang wifi, walang cell phone, pero mayroon naman palang telebisyon. Nagbabad na lang ako sa panonood habang nasa kama. Ako na lang naghanap ng paraan para sa mga kakainin ko. Nilagay ko na lang sa microwave yung mga niluto nila kanina na para sa tanghalian at hapunan ko.

Alas-nuweba ng gabi, wala pa rin sila. Natulog na lang ako. Nakakainis talaga.

At may panaginip ako.

Kitang kita ko, nasa camping ang mga kaklase ko. Nagsasaya sila pabilog sa campfire. Nakita ko ang mga kaibigan ko, katulad nina Noel, Chachi, 4A, Cane, KJ, Jerome at iba pa. Pati na ang girlfriend kong si Yuri. Kasama ang mga guro at ilang mga tour guide.

Ito ang mga posisyon nila, pabilog:

Tour Guide#1, Tour Guide#2, Driver, KJ, Jerome, Axle, Dana, Chantellia, Anna, Noel, Chachi, Cane, 4A, V, Yuri, Heaven, Samuel, Aila, Raffy, Sir Darius, Sir Tobias, Ma'am Angelica, Ma'am Ariane.

Nagulat at nadismaya talaga ako na katabi ni Yuri si V, at magkasama sila sa mga tawanan.

"Truth or Dare? Gusto ninyo?" yaya ni KJ, habang ineexpose sa campfire ang barbeque niyang kinakain.

"Bukas na lang yun. Tuloy pa ang kantahan at sayawan natin." tugon ni V.

"Okie. Okie lang yun. Sige, tara. Dance challenges pa kayo. Sali ako kapag natapos ko it kinakain ko itong kinakain ko." ani KJ.

Nagsayawan pa sila, lalo na ang bigay na bigay na sina Jerome, Chantellia, Raffy at Aila.

"Yuri, gusto mong sumali tayo sa kanila?" pag-aalok ni V kay Yuri na ikinagalit ko talaga.

"Hindi ako marunong sumayaw, eh." tugon ni Yuri rito.

"Tuturuan kita."

"Sigurado ka, V? Hehe, parang ayaw ko pa rin."

"Sige na, huwag kang KJ, hindi ka naman KJ Cabanilla, eh!"

"O, sige na nga. Wala rin naman akong magawa, at tayo lang ang hindi sumasayaw dito."

Mahusay na sumayaw si V, at ginaya naman siya ni Yuri. May tawanan pa sila, na ikinaselos ko. Pero nawala yung eksena na yun nang lumipat sa eksena ni Anna.

"Ma'am, banyo lang po ako sa cottage, ha." pagpapaalam niya kay Ma'am Ariane.

"Ah, sige. Kailangan mo ng kasama?" tugon ni ma'am.

"Hindi na po."

"Sige, go. Ingat, ha!"

Naglakad na si Anna papunta sa cottage.

Nagsimulang lumakas ang hangin sa paligid niya.

Naramdaman niya ito, kaya lumingon siya. Wala naman siyang nakita. Nagpatuloy lang siya. Nang makalayo na siya, sa bandang cottage na, lumakas na talaga ang hangin ng lalo. Napatalsik siya sa isang pader dahil dito.

Natumba siya, at pagkadilat niya, nakita ko ang nagulat na mukha. Malaki ang gulat niya.

"I-ikaw. Ikaw..ikaw ba yung S-sir Vincent Mauleon?" tanong niya. Wala namang tao, sino kausap niya?

"Oo, Anna. Wondering kung bakit nandito ako?" sagot ng isang boses na pamilyar.

"Oo. Ano ba kailangan mo sa akin ngayon? Magbabanyo lang ako, privacy naman!" tugon ni Anna rito.

Ah, na-gets ko na. May multo siyang kausap. Dahil nakakakita na siya, hindi na kinailangan ng multo magpakita, mismong makikita na siya ni Anna kapag naglilibot siya.

"Ang buhay mo. Wondering din kung bakit hindi yung naka-assign na susunod na ghost killer, si Freddy Fernandez ang papatay? Kasi, special ka, Anna. You have been their radar. Pero oras na rin siguro para malaman niyo na hindi lang ikaw ang may third eye. May isa pang may third eye, pero tinatago niya ito sa isang masaklap na nangyari sa kanya na naapektuhan ito. Nabunot ka namin, Anna, pasensya na talaga." sabi ng boses ni Sir Mauleon at nakarinig ako ng parang nilabas niyang gamit.

"Teka, teka, sino yung may third eye na yun? At bakit parang wala naman talagang ibang nakakakita sa inyo bukod sa akin?"

"Kasi, ganito yun, siya mismo, nakikita ang phobia niya sa paraan ng mga multo na naging trauma na rin niya. Ang ibang multo, tinulungan siya at tinanggal muna yun sa kanya. Pero ngayon, nalaman na namin kung paano ibalik yun. Sino siya? Kailangan mo pa bang malaman? Makibalita ka na lang sa paglilibot ng kaluluwa mo, ngayon na papatayin na kita." pagpapaliwanag ni Sir Mauleon.

"Hindi, hindi! Hindi! Hindi ako mamamatay! SAKLOLO!!! SAKLOLO!!! TULUNGAN NIYO AKO!" ani Anna at tumakbo ng napakabilis, pabalik sa lugar nila, pati sinubukang humingi ng tulong.

Subalit hindi siya nagtagumpay — nabaril na siya sa pagtakbo niya. Nabaril ang likod ng ulo niya, at natumba na siya. Agad naman na binuhat ni Sir Mauleon ang bangkay niya gamit ang hangin, pinalipad papunta sa malayong lugar pakaliwa.

Author's Note: Can you, readers, make a guess of who is that other person with a third eye as well all along aside from Anna Layonisa? Try to make a wild guess before our dear friend, Agent 4A reveals it to us.

Arnold Arvin Abear Ang "Agent 4A"'s Point of View

Nakarinig kami ng malakas na pagputok ng baril.

"Ano yun? Saan yun nang-galing?" pagtataka ni Ma'am Ariane.

"Doon ata sa kaliwa, na parang sa kanan na rin. Ay, ewan!" ani Ma'am Angelica.

"Uy! Bago yun, nasaan si Layonisa? Baka siya yung naputukan? Di kaya?" biglang singit ni Sir Darius.

"Parang maganda kung hiwa-hiwalay muna tayo? Noh? Para malaman kung saan yun."  mungkahi ni Sir Tobias.

"Oo, sige. Pwede yan. Ako na magpaplano. May naisip ako. Tayong apat na mga guro, roon sa timog, kung saan naka-park ang bus, at kung saan tayo nang-galing. Manong Christian, Kuya Job at Kuya Jacob, doon kayo sa may park sa hilaga. Ang klase, mahihiwalay sa dalawa. Para hindi na mahirap..boys and girls. Boys, sa kaliwa kayo, kung saan ang cottage banda. At kanan, girls. Sa kagubatan. Klaro ba yun?" pagplano ni ma'am Ariane.

"Ma'am, pwede po umihi muna? Ihing-ihi na rin po ako." paalam ni Cane kay ma'am.

"Sige, Cane, sunod ka na lang sa ibang girls kapag tapos ka na." tugon ni ma'am dito.

At naghiwa-hiwalay na kami. Yung tatlong mga lalaki, yung kambal na tour guide at driver ay pumuntang hilaga, kung nasaan ang park. Yung apat na mga guro ay dumeretsong timog. Ang mga babae ay pumuntang kanan, sa kagubatan banda. Buti na lang, may dalang flashlight sina Heaven at Chantellia. At kaming mga lalaki ay dumeretso sa kaliwa, kung nasaan banda ang cottage. Si Cane ay dumeretso muna roon upang umihi.

"Cane, dito ka lang sa likod namin at huwag kang mauuna! Baka kung ano pa mangyari sa iyo, masyadong delikado, lalo na't madilim." babala ko kay Cane, na inuunahan pa kaming boys.

"Sige, salamat, Arnold." pasasalamat ni Cane sa akin.

"Anna! Anna! Anna!" tawag namin nina Noel, V, KJ at Jerome kay Anna sa cottage.

Walang sumasagot.

"I-check natin ang bawat rooms. Samuel at KJ, kayong mga may flashlight, harap at likod kayo. Harap ka, KJ at likod ka, Samuel. Cane, punta ka nang banyo, go." utos ni V.

Sumunod naman kami.

Pumunta agad si Cane sa banyo ng Room 4, ang kwarto nila. Una naming pinasok ang Room 1, ang kwarto nung mga tour guide at driver.

"Anna? Anna!" tawag namin.

Wala pa ring sumasagot. Binuksan namin ang banyo, ngunit wala pa rin kaming nakita.

Sunod, sa Room 2 naman.

Ganon pa rin. Wala pa rin.

"Nasa kwarto niya yun nag-banyo. Baka wala rito." ani Noel.

"Eh, malay mo naman, wala siya roon." sabi naman ni V.

Sunod na pinasok namin ang Room 3.

Wala pa rin.

Pumasok kaming Room 4. Walang tao, maliban kay Cane sa banyo.

"Cane, ikaw ba yan? Mag-isa lang?" tanong ni 4A.

"Oo. Huwag niyo na ako guluhin muna, boys!" sagot ni Cane.

Lumabas na kaming boys.

Pumunta kaming Room 5.

"Ito na. Kwarto ni Anna." sabi ni V sa amin.

Dahan-dahan kaming naglakad. Una si KJ, na may ilaw. Pangalawa si V, ang acting leader. Pangatlo si Jerome, pang-apat si Noel, pang-lima ako, pang-anim si Axle, pang-pito si Raffy at pang-walo si Samuel, na binabantayan ang likuran namin at nagbibigay din ng ilaw.

Binuksan namin ang banyo. Walang tao.

"Okay, so paano ba yan? Maglalakbay pa tayo sa malayo?" tanong ko.

"Oo. Pwede naman. May lawa diyan, baka roon tayo makahanap." sagot ni V.

Narinig namin nag-flush ang toilet. Ah. Si Cane lang yan.

Dahan-dahan kaming naglakad.

"Sigurado ka bang dapat lumayo pa tayo? It's a bad idea. Baka mapahamak lang tayo." sabi ni Samuel sa pagdududa.

"Chill ka lang, Samuel. Kakayanin natin ito." ani V.

Nagpatuloy lang kami, hanggang sa makarinig kami ng tili ng isang babae.

"Ah!!!"

Nakita namin si Cane, lumilipad sa hangin, hanggang sa mapunta sa malayo. Nakita ko naman, isang clown yata. Holy sunglasses. Bumalik na ba sila para gantihan ako, o imahinasyon ko lang?

"Cane!!! We have to go after her! She's in trouble! Parehas na sila ni Anna, na nawawala! Baka ito ang ginawa sa kanya!" sabi ko.

"Oo, sige 4A. Tara na! KJ, go!" tugon ni V.

Tumakbo na kami palayo.

Nakalayo na kami, hanggang sa marinig namin ang boses ni Samuel.

"Ah!!! Tulong, guys! Tulong!!!" sigaw ni Samuel, na napalipad na rin ng hangin. Nakita ko, kinuha siya ng isang multong lalaki, na bigla na lang naging clown. Oh shoot. Nandito na sila? Siguro mga multo ito ng 10-Asia, at naiimagine ko lang bilang mga clown, pero, posible ring mga clown, o di kaya nagkampihan na ang mga clown at ang mga multo ng 10-Asia? Naku po, mamamatay agad ako kung nangyari yun!

"SAMUEL!" sinigaw ni Raffy ang pangalan niya at sinubukang tumalon at habulin siya, ngunit hindi niya natulungan si Samuel, nakalayo na ang katawan nito.

Bigla namang humangin pa ng malakas.

Lumingon lang kami sa paligid namin. Nakita ko, mga clowns na pumapaligid sa amin! Mga anim sila.

Napaupo ako.

"CLOWNS..CLOWNS..CLOWNS..PALAYUIN NIYO NA SILA, DALI!!!" sabi ko sa takot. Napa-aatras ako habang nakaupo. May phobia ako sa clowns, katagal na, at trauma na rin after an event that happened.

"Clowns? Anong clowns? Wala namang clowns, ah! At wala kaming nakikita na kahit ano? Sinong papalayuin? Nakakakita ka na ba hindi namin nakikita, 4A?" reaksyon ni KJ sa pahayag ko.

"Kaya nga. Ano nangyayari sa iyo?" dagdag ni Jerome.

"Please..please...please...PALAYUIN NIYO NA SILA! Here they come! May pranks nanaman sila, pagpahanginin na nila ang isa sa inyo!" sabi ko pa sa kanila.

Biglang napalipad sa hangin si Raffy.

"Ah!!! Guys!!!"

"Raffy!" tawag nila kay Raffy.

Napalayo na rin si Raffy tulad nina Cane at Samuel. At yung isang clown na nagpahangin sa kanya, nawala na.

"Kailangan na natin sila hanapin! Ngayon na! Sundan natin yung malayong lugar na yun!" sabi ni Axle.

"Sige. Pero si 4A..may nangyayari ata. Hallucinations, perhaps? Noel, may trauma ba yan sa mga clowns?" sabi naman ni V.

"Oo. May coulrophobia talaga siya." tugon ni Noel at lumapit sa akin.

"Arnold. Okay na. Wala sila, imahinasyon mo lang yun." sabi niya sa akin habang hinahawakan ang nanginginig kong katawan.

"H-hindi..hindi! Nandito sila! Totoo sila! Ayan na yung next prank nila!!! Maghanda na kayo!"

"Baka mga multo yun. 4A, may nakikita ka bang hindi namin nakikita? Noel, may third eye ba siya?" tanong ni V.

"Dati, alam ko. Hindi na raw siya nakakakita, matagal na simula ng matakot siya sa mga clowns. Siguro, yung mga multo nga ang mga nakikita niya at clowns ang naiisip niya rito." sagot ni Noel.

Ako naman, takot na takot sa mga nakikita ko. Yung mga clowns, tawa lang ng tawa at hinahanda na ang next prank nila.

"Wow. First time ko talagang makakita ng secret agent katulad niya na maging sobrang takot." pagbabahagi ni Jerome ng karamdaman.

"Ako rin." dagdag ni KJ.

"Ah, guys? Yung iba nating mga kasama? Pupuntahan na ba natin?" paalala ni Axle, na kanina pa gustong gusto i-rescue yung iba naming mga kasamahang nakuha na ng mga clown.

"Oo, sige, tara na. Noel, ikaw na bahala kay 4A. KJ, go!" tugon ni V.

"Guys, wait! Ayan na sila! Hangin!!!" sabi ko sa kanila at agad na nagkaroon ng malakas na hangin, napalipad sila ng sabay sabay.

"WAAAAAAAAH!!!" sabay-sabay nilang sigaw sa pagpapalipad sa kanila.

"ARNOLD, TULUNGAN MO KAMI!!! LABANAN MO ANG TAKOT MO!" yan ang huling mga salita ni Noel na para sa akin bago sila tuluyang magkalayo.

"No, no, no! NO!!!" ani ko.

Wala na akong magawa. Hindi ko na alam. Humahalakhak na lang ng humahalakhak yung mga clown, hanggang sa mawala sila bigla sa kinaroroonan nila. Mag-isa na lang ako ngayon.

Nagdasal ako.

"God, please help me..God, please help me, tulungan niyo po ako ngayon!!! Hindi ko na po kaya!!!"

Bigla namang nagpakita si Anna, pero mukhang multo na siya.

"A-Anna? Patay ka na? B-bakit? Ikaw ba yung binaril kanina? Yung tunog na yun?" tanong ko sa kanya.

"Oo, ako nga, Arnold. Ikaw pala yung sinasabi sa akin ni Sir Mauleon na may third eye. Ayon sa kanya, dati ka pang mayroon, nawala lang simula nung may nangyari sa iyo na konektado sa phobia mo. Ano ba ang nangyari, Arnold?" sagot niya at napaupo.

"Takot na talaga ako sa clowns, matagal na. Noong bata pa lang ako. I hate them for their pranks and freaking tricks! Lalo pa akong natakot at nainis sa kanila noong..may mga kriminal na clown na bumitay sa walo kong pinsan, at kasama na roon si Noel. Bonding namin yun na sinira nila. Ako lang ang natirang hindi nabitay. Papakainin daw sila sa mga mababangis na hayop sa dagat tulad ng pating. Wala akong magawa kung hindi harapin ang takot ko. Napatay ko sila at nailigtas ang mga kaibigan ko, pero pagkatapos nun..minumulto na ako palagi nang mga clown. Ang laki ng trauma ko roon. Ang hirap ng nangyari sa akin." kinuwento ko kay Anna ang nangyari sa akin.

"O, yun naman pala, eh. Naharap mo ang takot mo dati sa pangyayaring katulad nito. Ibigsabihin, mahaharap mo rin ngayon. Harapin mo, Arnold. Kailangan yan ng mga kaibigan mo ngayon. Gusto mo ba silang lahat mamatay, katulad ko? Kapag hindi ka roon pumunta at nagpaapekto lamang sa takot mo, mapapatay silang lahat kaagad ni Victarion Mauleon, ang kapatid ni Sir Mauleon. Gusto mo ba yun?" tugon niya rito.

"T-tama ka. Matutulungan mo ba ako?"

"Um, siguro. Susubukan ko, kung susubukan kong harapin ang takot mo. Kaya?"

"Kaya. Tara. Iligtas na natin sila."

Tumakbo na kami ni Anna papunta sa malayo, kung saan sila dinala. Kinuha ni Anna ang dalawang flashlight na nahulog nina Samuel at KJ upang magkaroon kami ng ilaw. Sinundan ko lang siya sapagkat siya ang nakakaalam ng daan.

Hanggang sa matanaw na namin ang isang lawa. Nagtago kami sa mga puno. Sinilip ko sila. Nakabitay sila, nakapabaliktad sa lawa.

From left to right, ito mga posisyon:

Samuel, Jerome, V, Noel, Cane, Axle, KJ at Raffy.

Nakatali ang mga katawan nila sa mga taling nakatali sa iba't ibang mga puno. Sa baba nila ay walong mga clown na tumatawa, habang may hawak na chainsaw.

"We know you are there..show yourself, Arnold Arvin." narinig ko ang boses nung nasa gitna banda, yung may hawak kay Cane.

Na-imagine ko bigla sila na nasa dagat noon na may mga pating. Imbis na mga clown ang nasa baba nila, na-imagine kong mga pating sila na kakainin na ang mga kaibigan ko. Pero nilabanan ko ito. Gaya ng sabi nina Noel at Anna sa akin. Nilabanan ko ito ng musto, hanggang sa hindi na rin clowns ang nakikita ko.

Normal na multo na!

Ang multo nung Leofan Nilalang ay yung kay hawak kay Samuel. Nerd VS Nerd. Ang multo naman ni Iceziana Yeoun ang sa baba ni Jerome. YOUTUBER VS YOUTUBER. Tapos, sa baba ni V ay yung multo ni Arc. Um. Heartthrob VS Heartthrob? Sunod, sa baba ni Noel ay ang multo ni Ferdinand Frederick "Freddy" Fernandez, isang napakahusay na dancer dati ng school. Um, ito naman, TALLEST OF THE CLASS VS TALLEST OF THE CLASS. Ang may hawak kay Cane ay isang lalaking matangkad at mukhang nasa mayor na edad na rin, mga 25 years old o mahigit pa. Nahulaan ko....si VICTARION MAULEON. Tapos, ang nasa baba ni Axle ay si Sophia. Um. Secondary Class Genius VS Secondary Class Genius yata ito, ah. Ang nasa baba naman ni KJ ay si Eugene Jackson. At huli, ang nasa baba ni Raffy ay si Nichelle Dumali. Ito naman, ATHLETE VS ATHLETE.

Nagpakita naman na ako sa kanila.

"Pakawalan niyo sila. Ngayon na. Bago ko pa maipilit sa iyo." sabi ko.

Tumawa muna si Victarion.

"Tingin mo ba, gagawin ko yun agad? Siyempre, ipapakilala ko muna sa iyo ang nagawa ko. Kung mapapansin mo, si Freddy Fernandez, ang assigned ghost killer sa ngayon ay may mga kasama. Ito yung mga napatay niyo dati sa asin o holy water at hindi na nakatakas, nawala na sa amin. Sakto sa kanila, noh? Noh? At huwag kang mag-alala, walang mga pating o buwaya sa lawa na yan. Hindi yun ang ikamamatay nila. Ang ikamamatay nila ang pagpatay ng mga ghost killer sa kanila. Ngayon, nagdududa talaga ako. Maililigtas mo kaya sila?" sabi niya sa akin.

"Oo. Magtatagumpay ako, Victarion." tugon ko sa kanya.

Tumawa muna siya.

"Tignan natin kung magagawa mo. Eh, hindi mo nga maharap kanina yung takot mo sa mga clown, eh." sabi naman niya, at biglang naging clown ulit sa mga mata ko ang mga multo. Dumami pa nga ang mga clown, mayroon pa sa likod, sa kanan, at sa kaliwa.

PERO HINARAP KO ANG TAKOT KO.

"Hindi, hindi. HINDI NA AKO MATATAKOT!!!" sigaw ko sa pagpapalakas ng loob.

"Clowns. This time, ako naman ang may prank sa inyo."

Napa-smirk lang sina Victarion at Freddy.

Nag-snap ako. Sumugod na si Anna ng napakabilis, agad niyang sinalakay ang mga multo na parang isang mabilis at malakas na lipad lang ni Superman, napaalis agad sila sa mga lugar nila.

Nilabas ko naman ang bote ng holy water na lagi ko nang baon, sa bulsa ko.

Natumba ang lahat ng mga multo sa sahig, sa shore ng lawa. Tinamaan ko sila ng holy water kaagad. Nilabas ko rin ang rosary ko. Hinawak ko ito sa isa kong kamay.

Nagsimulang tumakas ang ibang mga multo, hanggang sa matira na lang sina Freddy at Victarion, na mukhang may sasabihin pa sa akin kaya hindi pa sila tumakas katulad ng iba. Tinamaan ko pa sila ng tinamaan ng holy water.

"This isn't over yet, ANG. May hindi pa tayong natatapos na dalawa. Sa huling laban, babalik ako at kukunin ang buhay mong hindi ko nakuha ngayon. Pati na rin ang sa iba." sabi sa akin ni Freddy, at nawala na sila kaagad bago ko pa sila masunog ng tuluyan.

Niligpit ko na ang holy water. Nakita ko naman, naputol na lahat ni Anna ang mga tali, at nahulog sa lawa ang mga kaibigan ko. Lumanggoy na lang sila.

Isa-isa ko silang hinintay. Nagtinginan kami ni Anna.

"Salamat talaga sa tulong at pagpapalakas ng loob, Anna. Rest in peace sa iyo. It has been nice to have a radar in the team, for somebody with a unique gift of a third eye like you." pagpapasalamat ko sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"Walang anoman, Arnold. Pero ngayon, alam mo na siguro, ikaw na ang bagong radar ng grupo, ngayon na mawawala na ako. Tapusin niyo ito, ha? Paalam na. Kailangan ko nang bumalik ng purgatoryo." tugon niya at nawala na bigla.

Tumingin naman na ako sa mga kaibigan ko. Niyakap nila akong lahat, maliban kay Cane.

"Arnold!!! Ang galing!!! Nalabanan mo ang takot sa katawan mo!!!" sabi ni V.

Natuwa naman ako rito.

"Ayos yung ginawa mo! Idol!" dagdag ni Raffy.

"Proud na proud ako sa pinsan ko!" ani Noel.

Pagkatapos ng group hug, isa isa nila akong binigyan ng brofist at hi-5.

"Teka, sino yung multo yata na biglang sumulpot sa pag-snap mo, at napatalsik na agad yung ibang mga multo?" tanong ni KJ.

"Ah, si Anna yun..sadly, wala na rin siya..siya yung nabaril." sagot ko.

"Ay, wala na tayong may third eye. Paano na yan?" reaksyon ni KJ dito.

"Bwahahaha! Nakakalimutan mo ata, yang nasa harapan natin ang papalit! May third eye rin pala siya, all along, eh! Woohoo!" tugon ni Jerome.

Natawa naman si KJ. "Haha, oo nga, noh, sorry. Hihihi."

Niyakap nanaman nila ako. Ay, silang mga lalaki talaga. Ang kukulit.

"Teka. What about my turn? Kanina pa kayo, ah?!" sabi ni Cane bigla, na naka-cross arms na.

"Teka, may ibigsabihin na ito, ah! Iba na yan!!!" sabi naman ni Jerome.

"Kaya nga! Turn naman daw niya! Wooh!!!" dagdag ni KJ.

"Give it up for...#ArCane!" asar ni Noel.

"Ikaw talaga, pinsan, ah, kanina ka pa. Ever since field trip mo pa binuo yang pangalan na yan sa amin, eh parang best friends lang naman kami, na-develop na maging best friends." sabi ko naman kay Noel.

"Doon ka na!!!" tugon ni Noel at tinulak na ako papunta kay Cane, na papalapit sa akin.

"Ayieeeeee!!!" sinimulan na nila ang pang-asar.

"ArCane! ArCane! ArCane! ArCane! ArCane!" sigaw nilang lahat.

Lumapit na siya sa akin.

"Arnold, maraming salamat talaga, ha. May sasabihin lang ako sa iyo. Importanteng importante." sabi ni Cane sa akin.

"Ano yun?" tanong ko.

Hindi na siya sumagot, at tumingkayad na lang upang abutin ako. Inaasahan kong yayakapin lang niya ako, pero hindi.

Nang hindi inaasahan, hinalikan niya ako sa labi. Lalong napasigaw yung iba.

"I love you." sinagot na niya ang tanong ko kanina.

Nahiya ako bigla. Whoa..mahal pala niya ako? Nakakamangha yun! Ako mismo, simula noong na-develop kaming maging best friends pagkatapos ng field trip, nagkaroon na ng romantic feelings for her na tinago ko lang talaga.

"I love you too." sabi ko naman sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Mahigpit ang yakapan namin, hanggang sa magkaharap kaming ningingitian ang isa't isa.

"Tayo na, ha?" sabi niya.

"Hehe, sige. TAYONG TAYO NA!" sabi ko naman.

Sigaw lang sigaw yung iba, para sa amin. Grabe sila, ah, mga lalaki sila pero kung kiligin, parang mga babae na.

Nakabalik na kami. At kung tatanungin, oo! Holding hands kami ni Cane.

#ArCane nga kami, haha.

Nang makabalik kami, lahat na sila ay naroroon at mukhang hinahanap at hinihintay kami.

"Uy, ayan na sila! Yung boys, kasama si Cane." sabi ni ma'am Ariane.

"Sa wakas, nakabalik na rin kayo. Saan ba kayo nang-galing?" tankng ni Sir Darius.

"Noel!" agad na sabi ni Chachi at niyakap si Noel.

"Chachi.."

"V. Hi!" bati ni Yuri kay V nang makita siya, at kumaway. Kumaway din si V na may malaking ngiti sa mukha niya.

"Raffy!" sabi naman ni Aila at tumakbo papunta kay Raffy, niyakap siya at napa-ikot-ikot na silang dalawa sa yakapan, napasayaw.

"Heaven!" bati ni Samuel kay Heaven at lumapit sa kanya, hanggang sa magyakapan sila ng mahigpit.

"Teka, may something na ba kayo ni Arnold, Cane? Hawak-kamay pa, ah!" tanong ni Chachi kay Cane.

"Oo. Ngayon lang, hehe." sagot naman ni Cane.

Pagkatapos, sina Chachi at Cane naman ang nagyakapan.

Kami naman ni Noel, tawanan lang, at pagkatapos, nagyakapan na rin as cousins and best friends.

"Yo, baby girl! Loner ka diyan, ah!" bati naman ni KJ kay Chantellia. Magkasama sila ni Jerome na tinabihan si Chantellia, na nakaupo lang doon. Si KJ sa kaliwa, si Jerome sa kanan.

"Saan si Anna? Nahanap niyo?" tanong ni Chantellia.

Nagtinginan sina KJ at Jerome.

Ang ibang mga babae ay nagulat din dito, nakuha ang atensyon nila. Pati ang mga guro, mga tour guide at ang bus driver namin.

"Pasensya na, pero wala na siya. Siya yung nabaril. Pero, tinulungan niya si 4A na iligtas kami ng ibihag kami nina Victarion Mauleon, Freddy Fernandez at iba pang mga multo." sagot naman ni KJ, na ikinalungkot ng iba.

"Pero! Alam niyo? Mamamatay na rin sana kaming lahat, kung hindi kami niligtas ng isang taong hinarap ang takot niya, walang iba kung hindi si Arnold Arvin Abear Ang, o mas kilala nating AGENT 4A!!!" sabi naman ni Jerome, na nagbibigay puro sa akin.

Tumingin lahat sa akin, hanggang sa palakpakan ako ng lahat. Niyakap ako nina Noel at Cane, at sumali na rin si Chachi, hanggang sa lahat, iisang group hug na. At binuhat na rin nila ako, tulungan, sa kabila ng bigat at tangkad ko.

"MABUHAY SI AGENT 4A! MABUHAY IS AGENT 4A! MABUHAY SI AGENT 4A!" sigaw ni KJ.

"Lahat tayo, ulitin nga yun? Sabay-sabay at malakas po?"

"MABUHAY SI AGENT 4A! MABUHAY SI AGENT 4A! MABUHAY SI AGENT 4A! MABUHAY SI AGENT 4A! MABUHAY SI AGENT 4A! MABUHAY SI AGENT 4A!" sabay-sabay nilang malakas na sigaw para sa akin, habang binubuhat pa rin ako.

Ang saya ko ngayon. I faced my fear, a relationship between me and Cane began at ngayong tatapusin na namin ang first camping night namin, ako ang bida. Ang sarap ng buhay, sa kabila ng marami ko nang napagdaan na masasaklap.

"Tandaan ninyo. Ang takot ay takot lang, salita lang yan na makakaapekto sa atin. Kailangan natin itong labanan lalo na kung makakapahamak at makakapagbigo lang ito sa atin. Hindi impusibleng malabanan ang takot. Wala ngang impusible sa buhay, eh. Ang mga napapagdaanan na nating mga masasaklap at masasama ang lalong magpapalakas sa atin sa mga susunod na mangyayari sa atin. Kailangan talaga nating maging matapang upang harapin ang mga hamon ng buhay. Kaya tara na, mga kaibigan, maging matapang na tayo, upang maharap natin ang ating mga kinabukasan ng walang takot!"

-Arnold Arvin Abear Ang a.k.a AGENT 4A / SergeantAatros

Status: (16/34, eighteen dead)

Boys  

(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W. 
(07-150) 4. BUENAVISTA, Axle Blaze A.
(06-301) 5. CABANILLA, Kane Jacob H.
(17-068) 6. KIM, Vince
(04-100) 7. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D.
(17-002) 8. PAMULAR, Jerome Drake V.
(17-119) 9. PANGILINAN, Adrian Rafael F.

Girls

(17-055) 1. CASTILLEJO, Heaven Jean K.
(17-249) 2. DELA FUENTE, Alexandra Cane B.
(17-021) 3. GREY, Diana Alice J.
(17-131) 4. HANCHER, Aileen Grace E.
(17-125) 5. LAYONISA, Anna Kirsten Z.  † (Deceased)
(13-177) 6. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(04-078) 7. SANDOVAL, Yuri Arissa M. 
(05-005) 8. YUKIKO, Chantellia D.

Author's Note: Second and last update for today. Susubukan kong isulat sng Chaoter 37 bukas, tapos yung 38 sa Wednesday dahil medyo maaga uwian, tapos the rest, by Friday and the weekend na. Sana magustuhan niyo ito, ha! At sana na-inspire kayo kay 4A, sana may natututunan kayo! Sana naging kaayos yung mga character developments na naibigay ko. Sorry for the typos. By the way, dedicated na dedicated talaga ito literally para kay SergeantAatros, hindi lang dahil sa kanya ang character ni Agent 4A, kung hindi dahil sa totoong buhay, may phobia rin siya sa clowns at hinarap niya ito para ikabubuti. Sa kanya actually galing yung mensahe na yan, eh, noong na-inspire ako sa experience niya at chinat pa siya tungkol dito. Kaya, Aatros, sana makahanap ka na rin ng signal o makaalis diyan sa lugar na binabakasyunan mo upang mabasa ang mga ito. Maraming salamat sa inyong lahat para sa lahat ng naibigay ninyo. Yun lang. Yan lang muna sa ngayon. Paalam sa inyong lahat. Best of luck to everyone, dahil school and work are back. God bless, have a blessed Monday night to all! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top