Chapter 34: Camping without AJ, Part 1

Chapter 34: Camping without AJ, Part 1

Anna Layonisa's Point of View

Naging maayos naman ang buhay pagkatapos ng Outbound. Literally.

Wala akong nakikita na mga multo sa school. Maliban sa mga kaluluwa nina Zen, Gavin, Hade at Myla na kailan lang napatay sa paaralan. Hindi ko alam kung naimpluwensiyaan na sila ni Sir Mauleon, pero whether or not, wala naman silang masamang ginagawa. Naglilibot-libot lang. Si Myla, sa classroom o kaya naman corridor namin at ng buong Grade 11 classrooms. Si Hade, sa banyo ng mga babae rito rin sa Grade 11 classrooms, sa second floor ng building namin. Si Gavin, doon sa kakagawa lang na bago landscape banda malapit sa mga banyo ng gym. At si Zen, sa loob ng gym mismo. Doon sila sa mga lugar ng kinamatayan nila nagpapalipas ng oras. Paminsan naman, nawawala sila. Hindi ko alam kung bakit.

Makalipas ang dalawang buwan ng normal na buhay naming labing-pito, nagkaroon nanaman ng bagong special event: CAMPING.

Pero sadly, may isa sa aming hindi makakasama. SI AJ. Yung presidente pa naman.

May poblema raw sa pamilya niya at bigla na lang siya hindi pinayagan. Ang mga magulang na lang niya ang nagsabi, at wala kaming narinig kay AJ tungkol dito days before the camping or sa group chat man lang. Bakit kaya?

Marso 10 hanggang Marso 12 ang camping namin. Malapit na rin matapos ang school year. Itutuloy pa ba ng Mauleon Brothers ang kalokohan nila sa amin, ngayong na matatapos na rin ang mga araw para sa paaralan? Lagi naman may tigil sila pag nakakapatay, eh. Lalo na ngayong second semester. Sa mga special events sila kadalasan pumapatay at pagkatapos nun, break muna. Naku po. Isa yung camping sa mga "special events" na yun. Ano kaya mangyayari sa camping na ito, noh? Siguradong masaya, pero magiging malungkot bigla at sa huli naman, masaya pa rin sa kabila nito. Tignan na lang natin!

Hinanda ko ang susuotin ko, ang aking dilaw na PE uniform. Yun naman talaga ang susuotin, eh. Hinanda ko rin ang mga babaunin. Mga extra clothes, sariling tent, maraming tubig, konting bakng pagkain, pera siyempre, at marami pang iba. Napakalaki ng bag ko, pang-camping talaga, hehe.

Maaga dapat nasa school. 6:00 aalis ang bus, 5:30, dapat nasa school na. 4:00 kami gumising ni itay. Medyo malayo pa kasi ang bahay namin sa school. Nagkaroon ng halos trenta minuto nang paghahanda. Nag-drive thru na lang kami sa McDo na malapit sa school ng Cheesy Eggdesal bilang almusal ko.

Mga 5:10 ako nakarating. Bago ako ibaba ni itay mula sa sasakyan, nagpaalam muna siya sa akin.

"'Nak, ingat ka, ha. I don't want to lose you like your mother." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Opo. Mag-iingat po ako." tugon ko kay itay at bumaba na.

Naglakad na ako papunta sa classroom. Nakasabay ko sina Noel at 4A, ang dalawang lalaking bumaba sa kotseng nasa likod lang ng kotse namin ni itay kanina. Tatlo-tatlo ang mga bag nilang dala. Ang una ay yung nasa likod na Jansport, (berde para kay Noel at asul para kay 4A), tapos ang pangalawa ay Hawk na bag sa mga harapan nila (yellow and black para kay Noel, at red and black para kay 4A) at pangatlo ay Dickies na malaking body bag na binody-bodybag nila (orange para kay Noel at violet naman para kay 4A).

"Wow, medyo maaga kayo ngayon?" sabi ko sa kanila.

"Oo. Ayaw na namin ma-late tulad nung field teip, baka maiwanan ng bus, hahaha. Ikaw din naman, ah! Ikaw pa nga yung lagi late talaga. Nagkataon lang na na-late kami nung field trip, isip mo sa amin, lagi late, eh, hindi kaya, hahahaha." sagot naman ni Noel.

"Hehe, sorry na, secret agents. Let's go na." pagpapaumanhin ko.

Kumatok muna kaming classroom, at pagkatapos, pumasok na.

Nandoon na sina Samuel, Heaven, Axle, Dana, KJ, Jerome, Chantellia, V, Chachi, Cane, at Yuri.

Pumunta agad si Noel sa girlfriend niyang si Chachi, at sinamahan siya ni 4A.

Ako naman, umupo lang sa upuan ko. Ay. Boring. Hehehe.

Ito nga pala ang bago naming seat plan, na ginawa pagkatapos ng mid-semester:

Kim    Dela Fuente                                                                                  Pamular   Hancher

Ausan   Yukiko                                                                                        Buenavista  Castillejo

Pangilinan  Grey                                                                                     Cabanilla   Layonisa  

Abear     Sandoval                                                                                  Ang    Montgomery

                                                             Magnifico

Si KJ bilang katabi ay nakakatawa talaga at masarap kasama. Nakakairita nga lang paminsan kapag sumosobra na. At ayan ulit si President AJ na pinapanood lang kami sa pinakalikuran. Sa four row nakaupo ang apat pa sa mga officers, si Secretary Noel, si Vice President Yuri, si Public Relationships Officer (PRO) 4A at Treasurer Chachi. Sa third row, harap ni 4A ay yung makulit na Auditor KJ, tapos sa second row naman ang natitirang mga officer, sina Athletic Leader Chantellia at Keyholder Axle.

Nagtabi muna sina KJ at Jerome sa harap. Umupo si KJ sa upuan ni Aila na waka pa rin, hanggang ngayon. Si Axle ay lumipat sa upuan ni Raffy na katabi ni Dana, ang girlfriend niya. Si Chachi ay lumipat sa upuan ni Yuri upang makatabi si Noel. Si 4A naman ay binuhat ang upuan niya papunta sa likod ni Noel upang masamahan siya kay Chachi. Wala rin siyang magawa, eh. Si Yuri, umupo sa upuan ni AJ like a president. Anyway, siya naman ang papalit kay AJ ngayon na hindi siya sasama, eh. O namimiss lang niya si AJ? Now, talagang mag-isa ako. Walang makakausqp, hihihi. Teka, may cell phone nga pala ako at pocket wifi, hahaha.

Binuksan ko na ang cell phone ko at pocket wifi.

Nag-messenger muna ako upang i-check yung latest messages.

Wala naman, maliban sa 11-Asia GC namin.

Ito itsura:

<KINGDOM 11-ASIA>

Yuri Arissa
Weh? Hindi sasama si AJ?

👑 King Jerjer Prankster 👑
Oo nga sinabi na kay ma'am nag-stay ako kahapon at tinanong pa nung parents niya kung si ma'am ay nasa school pa tapos sumagot ako ng oo at tinanong ko kung bakit sinagot nila na sasabihin lang na hindi makakasama si AJ

Noel "Joel" Logronio Abear
Sayang naman, hindi makakasama si pareng AJ. Bakit kaya? Hindi oinayagan bigla?

👑 King Jerjer Prankster 👑
Oo nga Noel eh sayang talaga

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Ayyy jackpot si V de jk lang baja makita ni V at maisip ito dali flood natin

👑 King Jerjer Prankster 👑
Haha wag na trusted naman na yan si V

Yuri Arissa
Bakit ganon, hindi siya nag-memessage sa akin? O nagpaparamdam man lang dito? Saka na lang natin nalaman ngayon na hindi siya papayagan? Ano kaya yun? Hayys.

Noel "Joel" Logronio Abear
Awtss natu-turn off ka na kay AJ, Yuri?

Yuri Arissa
Medyo siguro.

Yuri Arissa Medalla Sandoval cleared her nickname.

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Teka saglit Yuri bat mo cinlear hindi ka ba masaya sa nickname mong "VP Yuri Robredo"?

👑 King Jerjer Prankster 👑
Kaya nga hehehe

Yuri Arissa
Huwag niyo na pakielaman

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Okie

👑 King Jerjer Prankster 👑
Natakot ako roon ah AJ levels ng pagiging nakakatakot hahaha

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Lol tumahimik ka na lang kaya

👑 King Jerjer Prankster 👑
Haha huwag ka ngang KJ, KJ and by KJ I mean kill-joy kaya huwag kang maging ganon

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Yes, your highness, King Jerjer Prankster

👑 King Jerjer Prankster 👑
Good, my dear knight, now that's some sign of respect

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
ARNOLD!!!

🕵🏻 Secret Spy-Agent 4A 🕵🏻
Bat?

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Kamusta? How's life?

🕵🏻 Secret Spy-Agent 4A 🕵🏻
How's your face?

👑 King Jerjer Prankster 👑
Oww savage af hahahaha

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Hala Arnold bakit bakit why did you do dissss to me

👑 King Jerjer Prankster 👑
...

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Ay seenzoned lang ako! Naku kainis talaga, kanina pa kay Yuri yan!

👑 King Jerjer Prankster 👑
Bwahahaha mabuti lang yan sa iyo Cabanilla

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Ay weh? Sige lang Pamular isa pa haha

👑 King Jerjer Prankster 👑
Oo sige isa pa talaga bibigyan pa kita tutal gusto mo pa naman eh alam ko yun

🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂
Haha hihintayin ko yan kung kaya mo

👑 King Jerjer Prankster 👑
Grabe ka disrespecting your king na 😓

👑 King Jerjer Prankster 👑
Uy bat seen ka lang ha lalong disrespecting yan

Professor Juan Samuel Wong Ausan
Oy ang iingay ninyo! Kanina pa! Hindi ko mababasa ng tuloy tuloy ung website tungkol sa mga update ng periodic table ko rito, at matapos man lang mapanood itong hindi ko napanood kahapon sa Discovery Channel!

👑 King Jerjer Prankster 👑
Ay, galit ka po, professor?

🕵🏻 Secret Spy-Agent 4A 🕵🏻
Pre, i-mute mo na lang. Matalino ka naman di ba? At mas expert sa akin sa teknolohiya tulad nito? Pwede kaai yun gawin, nakakaawa ka naman, hindi mo magagawa yung nerdy things na dapat mo nang ginagawa.

👑 King Jerjer Prankster 👑
Oww ilang beses na tayo na-burn ni agent?

Professor Juan Samuel Wong Ausan
Kaya nga kaka-mute ko lang, sinabi ko lang ang reklamo ko.

🕵🏻 Secret Spy-Agent 4A 🕵🏻
Oki sige, I'm oki with that.

👑 King Jerjer Prankster 👑
Okay, guys, mamaya na lang, VG muna ako.

🕵🏻 Secret Spy-Agent 4A 🕵🏻
Tulog ka na.... Halos 11 PM na, oh....

👑 King Jerjer Prankster 👑
Bakit ikaw bwahahaha

🕵🏻 Secret Spy-Agent 4A 🕵🏻
Yun na nga gagawin ko. Good night na sa inyong lahat! AGENT 4A OUT.

👑 King Jerjer Prankster 👑
Ay pangatlong beses na yan ah nc job ngayon sa pag-burn sa amin agent isang round lang ako ng VG tas tulog na rin ako good night in advance

Raffy for three! 🏀
Okay lang yan Yuri ganyan talaga ang buhay nasasaktan tayo at maraming hindi inaasahang bagay na bigla na lang dumadating. Kayo naman, KJ at Jerome iwasan niyo ring mang-istorbo lalo na sa katulad ni Professor Samuel. Tapos, 4A, nakakatawa ka ngayon ah savage king na ba si PBI agent? Anyways, good night na sa lahat! Matulog na kayo kahit may basketball game ang PBA ngayon! Babalitaan ko na lang kayo, ako na lang ang magpupuyat, haha. Go, go, go, Guinebra! 

Oppa-Hyung Vince Kim Style!
Naks naman hugutero at parang presidente na rin si Raffy! Talagang isa iang pinoint-out ang makikita niya pmg messages sa pag-scroll up, hahahaha.

Raffy for three! 🏀
Siyempre ganyan si bhoxcz Adrian Rafael "Raffy" Filomeno Pangilinan.

👑 King Jerjer Prankster 👑
Sige sige final message na ito siguraduhin ninyo ha or else de jk lang. Basta see you all tomorrow, tulog na tayo!

Seen by 👑 King Jerjer Prankster 👑, Raffy for three! 🏀, Oppa-Hyung Vince Kim Style,  🔪 😂 KJ the "Killer-Joker" 🔫 😂, The School's Neighbor Axle the Keyholder, Noel "Joel" Logronio Abear, Yuri Arissa, Myla Pacrem Sta.Juana †

Nagulat ako sa huling bahagi..nakita ni Myla. Pero hindi lang yun..yung icon ng profile picture niya, bigla na lang nagpakita as if online siya ngayon, ginagamit account niya. Sabi, baka si Chantellia lang daw yun kapag online yung account or any relative, pero hindi. Tumingin ako sa paligid hanggang sa makita isang multong babae sa labas, naglalakad-lakad habang may cell phone. Nakilala ko agad: SI MYLA.

Hindi ko na lang ito sinabi sa iba. At hinayaan ko muna sila sa mga gawain nila. Nagpahinga muna ako. Kinuha ko ang pink kong headphones at nakinig sa music ng Spotify. Nagcheck ako ng facebook, twitter at instragram ko habang hinihintay sila.

Hanggang sa mag-attendance checking na. Pinaikot na lang ang papel ng isang class list, at kami na ang maglalagay ng check sa tabi ng pangalan namin, habang may mga inaayos si ma'am.

Boys  

(04-016) 1. ABEAR, Noel L.
(17-001) 2. ANG, Arnold Arvin A.
(17-095) 3. AUSAN, Juan Samuel W.  ✓
(07-150) 4. BUENAVISTA, Axle Blaze A. ✓
(06-301) 5. CABANILLA, Kane Jacob H. ✓
(17-068) 6. KIM, Vince ✓
(04-100) 7. MAGNIFICO, Antonio Jonathan D. ☓
(17-002) 8. PAMULAR, Jerome Drake V. ✓
(17-119) 9. PANGILINAN, Adrian Rafael F. ✓

Girls

(17-055) 1. CASTILLEJO, Heaven Jean K. ✓
(17-249) 2. DELA FUENTE, Alexandra Cane B. ✓
(17-021) 3. GREY, Diana Alice J. ✓
(17-131) 4. HANCHER, Aileen Grace E. ✓
(17-125) 5. LAYONISA, Anna Kirsten Z. ✓
(13-177) 6. MONTGOMERY, Charity Faith I.
(04-078) 7. SANDOVAL, Yuri Arissa M. 
(05-005) 8. YUKIKO, Chantellia D. ✓

Nilagyan ko ng ✓ check yung pangalan ko. The rest, nalagyan na rin yung sa kanila, maliban kina Yuri, Chachi, Noel at 4A na nasa kaliwa ko. Si AJ ay may ☓ ekis na agad, hindi ko alam kung sino naglagay, baka si ma'am na since confirmed na ang absence ni AJ. Dahil walang nasa likod ko, naglakad na lang ako papunta kay Yuri at inabot ang papel. Pagkatapos niya, pinasa na niya kina Chachi, at nilagyan na rin nila ang mga pangalan nila nina Noel at 4A. Naglakad na si 4A papunta kay ma'am upang ibalik ang papel.

"Okay, so tapos na tayo, pick a pair na lang sa labas at pumila. Kasama nanaman natjn sa bus sina Ma'am Angelica, Sir Darius at Sir Tobias. Tumahimik kayo. Yuri, take charge." utos ni Ma'am Ariane.

Pumila na kami.

"Baby Chant! Gusto mo tayo ulit pair?" tanong ko kay Chantellia.

"Sige. Masarap ka namang kasama, eh!" sagot niya.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang nakita ko, ang pinsan niyang si Myla. Pero naisip ko rin na marapat na huwag na lang, sapagkat baka malungkot at masaktan nanaman siya ng sobra o kung anoman.

"Yuri, wala nang ibang pair. Ah..well, ah. Mag-isa na lang ako, I guess. Doon na lang ako sa likod, mag-isa. Lagi naman na akong mag-isa kapag sa pairing-up, so..yeah." sabi ni V kay Yuri na hiyang-hiya talaga, nakayuko lang siya.

"Tayo na lang ang pair." pagpapasiya ni Yuri.

"Weh? Talaga? I mean..ah, well, ah, well..sige. Pero sigurado ka?" tugon ni V dito.

"Oo. Sigurado ako. Tulungan mo na rin ako sa pamumuno sa kanila since kapares kita. Okay ba yun?" sabi naman ni Yuri sa isang seryosong mukha.

"Ah, well, ah..s-sig..sige, sige. Tutulungan kita. Paano? AJ's ways?" tanong ni V.

"Bahala ka. Basta, matutulungan mo ako. Kinse lang naman sila, madali kahit hindi ikaw si AJ." sagot ni Yuri.

"Ge. Maasahan mo ako diyan." sabi ni V. Nakikita ko ang ligaya sa mukha niya.

"11-ASIA!!! TAHIMIK!!!" sigaw ni Yuri dahil maingay na sila.

"Mga yellow waves, mamaya na lang ulit. Hindi pa oras ng alon. Tahimik muna. Low tides muna tayo ngayon. Ayos ba yun?" dagdag ni V. Nakita ko naman sila nag-ngitian ni Yuri.

"Nakakatawa ka, V. Seryoso." reaksyon ni KJ dito.

"Wow, naks naman, substitute president? Bwahahaha. Pero..tatahimik na ako." dagdag ni Jerome.

Tumahimik sila, hanggang sa paglalakad papunta sa bus.

Ito ang mga upuan namin sa bus:

Left

Driver's Seat - Manong Christian Enrique

First Row - Kuya Jacob Ryan and Kuya Job Gabriel

Second Row - KJ Cabanilla and Jerome Pamular

Third Row - Samuel Ausan and Heaven Castillejo

Fourth Row - Noel Abear and Chachi Montgomery

Fifth Row - Arnold Arvin Abear Ang "Agent 4A" and Cane Dela Fuente

Right

Entrance/Exit Area

First Row - Ma'am Ariane and Ma'am Angelica

Second Row - Sir Darius and Sir Tobias

Third Row - Chantellia Yukiko and Anna Layonisa

Fourth Row - Axle Buenavista and Dana Grey

Fifth Row - Raffy Pangilinan and Aila Hancher

Sixth Row - Vince Kim and Yuri Sandoval

Sa sakit ng ulo ko, wala akong paki sa kanila. Nakatulog agad ako. Basta, yung tour guide, kambal, Jacob Ryan at Job Gabriel mga pangalan. Yung mas matangkad pero medyo mataba ay yung Jacob Ryan, at yung mas maliit na payatot ay yung Job Gabriel. Pero talagang magkamukhang magkamukha sila kahit may body differences na sila. Walang tour guide leader katulad ni Kuya Murkrey noong field trip. Yung driver naman, ang pangalan ay Christian Enrique.

Nakatulog ako, hanggang sa magising na lang ako, sa pang-gigising ni Chantellia.

"Anna, nandito na tayo. You ready? Sana, maging masaya at ligtas tayo sa camping na ito." sabi niya.

"Handa na ako. At oo, tama ka. Sana nga, Chant. Sana nga." tugon ko.

Author's Note: O, ayan na! Camping na! Hehe. Last six chapters, kaya stay tuned, subsybayan niyo na, huwag kayong bibitiw! Sorry for the typos, sana magustuhan ninyo. Thanks for your support. Yun lang muna. Have a blessed Sunday night po! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top