Chapter 31: Outbound, Part 1

Chapter 31: Outbound, Part 1

Andrei Perez's Point of View

Marami talagang nangyari noong Christmas Party. Puro kasoyahan, maliban sa pagkawala ni Myla na biglaan at hindi mapaliwanag. Naniniwala kami sa maganda't matalinong teoriya ni Samuel upang mapaliwanag ito, ngunit wala pa rin itong kasiguruhan. Wala kasing nakonpirmang multo na nakita si Anna, o napanaginipan si AJ. Saka, hindi masyado mukhang haunted kasi yung murder, nangyari sa harapan naming lahat na parang aksidente lang at medyo tricky talaga.

Pero pagkatapos nun, a bit relieved na kami. Christmas Vacation. Nagkanya-kanya muna kami. Tama iyon. Oras muna para sa pamilya. Yung iba, hangouts hangouts. Kasama na ako roon. Hihihi. Kasama kami ng best friend kong si Raffy doon. Nagkaroon kami ng mga sleepover at lakwatsiya sa mga lugar sa labas, tulad ng mall. Ganon din sa girlfriend kong si Gerica. Naku. Sino ba ang dapat mong mas priyoridad; ang girlfriend mo, o ang best friend mo?
        
By the way. Speaking of which, nalaman na rin namin ang napakaspesyal at napakagandang regalo ni Yuri kay AJ na hindi namin nalaman noong mismong Christmas Party.

Isa itong scrapbook. Simple, pero kakaiba at malambing. Nasa loob ng scrapbook ang mga litrato nina AJ at Yuri simula pa noong batang bata pa sila, kung saan naroroon na ang pagtatandem ng dalawa bilang presidente at bise ng mga klase nila. Makikita rin sa scrapbook ang litrato ni AJ kasama ang mga kaibigan niya simula pa nung Nursery sila. Pinakamaraming larawan siya roon kay Blake De Villa, ang orihinal na best friend ni AJ since Nursery pa na naging biktima rin ni Sir Vincent Mauleon sa naunang patayan nilang naranasan. Marami pang mga dating kaibigan na mula rin sa 10-Asia last school year ang makikita roon, kasama niya, tulad nina KJ na kasama pa ang orihinal na Jerome niya na si ROFL Losada, tapos si Chantellia, si Axle, si Leofan Nilalang, si Noel na kasama pa ang kakambal niyang si Joel saka si Chachi na kasama pa ang kakambal naman niyang si LJ. Kasama rin yung nabiktima ring anak ng mga may-ari ng paaralan, si Daphne Lopez. Pati nga yung mga siga nila sina Bruce o BOY Yamamoto at Wendell Husmillo. Kasama rin si Alexandra Buenavantura, ang pinsan ni Ashley, si Sophia, ang pinsan ni Jerome at siyempre, ang ngayon lang na yugtong patayan na nabiktima, si Faithlyn na ibang iba pa dati, weirdo na weirdo pa noon bago magbago na last year lang. Marami pang iba ang nakikita rito, pero pinaka-priyoridad talaga yung #AJYuri moments. Pati yung pictures nilang eight survivors, yung larawan ng tagumpay nila kay Sir Vincent Mauleon, kasama na yung warehouse niya at ang mga masasaklap na larawan ng mga kamatayan ng mga kaklase nila sa 10-Asia saka yung labing-lima ngayong 11-Asia. At ang pinakakumuha ng atensyon ko ay yung mga litrato naming 11-Asia, katulad na lang nung first day, nung intrams, nung Christmas Party at yung class picture. Mayroong labing-anim class pictures doon, una yung orihinal, tapos yung iba pang labing-lima edited na. Pabawas kami ng pabawas sa picture, nawawala sa picture kung sino yung nabibiktima, tapos may date at description, mula kay Faithlyn hanggang kay Myla, depende sa biktima. Mayroon din sila nun sa 10-Asia, hanggang sa maging "eight survivors" na lang sila. Simple lang ang scrapbook, pero ang ganda talaga, lalo na dahil sa mga larawan na makikita rito. Ang astig talaga ng regalo ni Yuri. Parang album of memories siya, pero scrapbook pa rin ang style at structure. Grabe. Pinaghirapan talaga niya gamit ang buong puso niya. Masuwerte talaga si AJ para kay Yuri. Ngayon, alam ko na kung bakit talaga pa-third wheel si V sa kanila. Hindi, biro lang yun, hahahaha.

Anyways, pagkatapos ng bakasyon ay outbound agad. Sa ika-walo ng Enero kami bumalik. Pupunta kami sa Biak na Bato National Park.

Ay, magiging masaya ito.

Maaga kami dapat nasa school. Alasais aalis ang bus. 5:30 ang checking sa classroom.

Mga 4:30 ako gumising. Nakarating ako ng school ng mga alasinko. Deretso classroom na agad, kaya hindi na ako pumuntang Quadrangle 2 pa, dumeretso na ako. Nadaanan ko naman ito sa ruta ko, at wala roon sina Raffy, Gerica, Samuel, Heaven at Aila.

Mag-isa akong naglakad, papuntang second floor ng gusali naming Senior High School. Ginamit ko ang kaliwang hagdan. Pagkaakyat ko rito, pumunta ako sa pangatlong silid-aralan. Ang suot ko ngayon ay ang P.E shirt namin, kulay dilaw sapagkat Asya ang seksyon ko, at siyempre, P.E jogging pants din.

Kumatok muna ako, upang magbigay-galang.

Binuksan ako ni Jerome, na ngiting ngiting makita ako. Si Jerome kasi ay ang nakaupo sa upuang pinakamalapit sa pintuan sa unang grupong pahiga ng mga upuan. Ang katabi niyang upuan, ay nanatiling bakante. Ang dati kasing nakaupo rito ay sumakabilang-buhay na. SI MYLA. Sana lang, si Jerome ay maayos na tungkol dito.

"Huy, Jerome! Miss na miss ko na ang iyong isip-bata't cute na pagmumukha! Kamusta na, pareko'y?" bati ko kay Jerome, at nagkaroon kami ng "brofist."

"Ayos na ayos lang. Ako pa rin ito, hihi." tugon naman niya.

Nakita ko ang iba. Naku! Na-mimiss ko talaga yung mga pagmumukha nila!

Ang mga naroroon pa lang ay ako, sina Jerome, AJ, Yuri, Samuel, Heaven, Axle, Dana, KJ at V. Wala pa sina Raffy, Gerica, Noel, 4A, Chachi, Cane, Anna, Aila at Chantellia. Sampu pa lang kami. Dahil nakaupo si Axle sa upuan ko upang makatabi si Dana, pumunta ako sa puwesto niya na harap lamang ni Dana at katabi ni Gerica. Ganito ang ginagawa namin ni Axle kapag pwedeng maglipatan ng upuan, upang makatabi ang mga kasintahan namin. Nagpapalit lang kami at nakakatulong yung katotohanang magkalapit lang kaming apat na tila nagkapalit lang kami ng kasintahan bilang katabi.

Hinintay namin dumating ang iba. Kung anu-anong usapan ang mayroon na sila sa maraming minuto. Si KJ ay umupo sa dating upuan ni Myla upang makatabi si Jerome. Nag-usap sila tungkol sa Vainglory o VG, isang makateknolohiyang laro sa mga device tulad ng iPhone, iPad, at iba pa. Sina Yuri at AJ, na backmates lang ay nag-usap. Umupo naman si Heaven sa upuan ni Aila na katabi ni Samuel. Ang mga dumating pagkatapos ng sampung minuto ay sina Chachi, Cane, Chantellia at ang adviser namin, si Ma'am Ariane. Si Chachi ay umupo sa upuan ni 4A na katabi ng upuan ni Cane, upang makapag-usap sila ng matalik niyang kaibigan. Hindi pa dumadating ang mag-pinsan na sina Noel at 4A. May mga pinaghandaan si Ma'am Ariane habang nasa teacher's table. Tapos si Chantellia, malungkot sa likod. Siguro, hindi pa rin siya nagiginhawa o nagiging maayos sa pagkayao ng pinsan niyang si Myla. Naiintindihan naman namin siya kasi siya ang pinakamatalik kay Myla. Si V ay mag-isa lamang, pero ang sarap ng buhay na nakikinig lang sa musika ng iPod niya gamit ang kahel na headphones na niregalo sa kanya ni Chachi noong Christmas Party hamin. At rinig na rinig ko naman sina Dana at Axle sa likuran ko.

"Ang sweet mo talaga, Ax! Hahaha!" sabi ni Dana, habang pilit na hinahabaan ang mangas ng P.E shirt niya.

"Naalala mo pa, noong batang bata pa tayo, wala ka pang buhok sa kili-kili? Ngayon, makapal na. Tapos kapag sinubukan ming i-shave yan, spiky, bumpy, nakakatusok!" ani Axle.

"Haha, oo nga, eh. Pero bakit, ikaw din naman, ah!" tugon ni Dana.

"Naku, Dana. Normal na yun sa mga lalaki. Pero para sa inyong mga babae? Naku. Saka iba rin ngayon kung magkakaroon ka ng libag o kung anoman. Hindi mo agad makikita dahil sa buhok. Dati..kitang kita yung mga libag ko kapag pawis na pawis tayo mula sa mga laro natin."

"Ay, grabe. Kahit kailan naman, hindi ako pinuputok. May paki rin ako sa hygiene ko. Naliligo ako regularly at hindi ako marumi tulad ng iba diyan. Pero, Axle jusme, noo binahagi ko lang sa iyo na humaba ang mga buhok ko sa kili-kili, naging ganito na ang mga pinag-uusapan natin?"

Dumating naman si Raffy.

"Raffy! Sa wakas, dumating ka na rin mula sa Mars na kay layo-layo! Kamusta biyahe?" bati ko sa kanya.

"Haha, Mars pa talaga, amputek. Parang ganon na nga, natagalan. Malayo kami, eh. Ibang kungsod kami na hindi lungsod ng school pero malapit dito." sabi naman niya, habang nilalapag ang bag sa upuan niya.

"Napanood mo yung basketball game kagabi? NBA?" tanong ko naman sa kanya.

"Oo. Panalo ang GSW, nice one! Golden State Warriors forever tayo, pre!" sagot niya.

"Tama, tama! GSW for life! Pero Raf, alam mo kung ano ang talagang pinaka-highlight sa laro nila kagabi?"

"Ano yun, Drei?"

"CURRY NADAPA!!!" sigaw ko. Napatingin ang iba, tulad na lang ng #DaXle, pero bumalik sila sa dati nilang mga ginagawa.

Natawa si Raffy dito, at ganon na rin ako. Noong nadapa si Stephen Curry, aaminin kong malakas ang pagkahalakhak ko rito, bagama't idolo ko siya. Halos first time in forever lang kasi yun, eh. Bihirang bihira iyon mangyari na nadadapa siya sa korte habang naglalaro.

Sunod na dumating ay sina Aila at Gerica, magkasabay pa talaga. Tumabi na si Aila kay Raffy, at si Gerica sa akin.

"Magkasabay kayo? Nag-hintayan pa kayo sa Quadrangle 2, noh?" sabi ko sa kanila.

"Hoy, hindi, ah! Masama bang magkataon na magkasabay kami kahit hindi planado?" tugon ni Aila.

"Ganon talaga, butterscotch. Paminsan, yung mga hindi pa planado ang mas matagumpy na gumagana. Halimbawa. Paminsan, kapag planadong planado yung lakwatsiya, hindi natutuloy o hindi nagiging maayos. Yung mga hindi pa planado ang nagiging mga maaayos." paghuhugot ni Gerica.

"Oww! Hugutera ka na, sis!" makulit na hirit ni Aila.

"Kaya nga! Akala niyo mapapa 'edi wow' ako? Mukha niyo, kasi napapa-wow talaga ako!" sabi naman ni Raffy na sinusubukang magpatawa.

"Ang husay talaga ni cupcake ko na hugutera na at ni best friend na may pagka-corny, hahahaha." sabi ko sa kanila.

"Haha, sige lang. Lakas ng trip mo, ah." tugon ni Raffy.

"Edi..WOW? Akala mo, edi wow sasabihin ko, noh? Mali ka rin! Kasi..EDI SORRY NA ang sasabihin ko. Ayaw mo yun? Nagpapaumanhin na nga, eh!" sabi ko na nagpapatawa rin at base sa pagpapatawa ni Raffy kanina.

"Edi wow. Yan, totoo na, haha! Edi wow, kasi idolong idolo mo pala ako sa pagpapatawa, halata ko ngayon na ginaya mo lang ako halos, hahahaha." sabi naman ni Raffy sa akin.

Nagtawanan na kami.

Makalipas ang ilang minuto pa ng usapan namin, sweet moments naming #GeriDrei at #AiFy sa hilera namin, checking of attendance na. Dumating si Anna, pero hindi pa ang mag-pinsan na sina Noel at 4A.

5:30 na.

"Okay, class. It's time to check the attendance. Tumahimik muna kayo." pag-anunsiyo ni ma'am sa amin, habang hawak ang isang listahan naming klase kung saan nakalagay ang mga pangalan namin, o tawagin na lang nating "Class List."

Sumipol si AJ gamit ang isang pulang pito at pinukpok ang desk niya. Natakot ako roon, ah. Parang leon na pinuno talaga ito si AJ. Tumahimik na kaming lahat, umupo ng maayos at naging atentibo na para sa attendance checking.

"ABEAR." sinimulan na ni ma'am ang attendance checking, simula sa boys, simula kay Noel, na una sa boys ng class list, sa paraang alpabetiko.

"Ulit. ABEAR."

"Wala po yata, pero baka po late." sagot ni Chachi.

"Sige, mamaya ko na susulatan kapag nakonpirmang wala talaga siya."

"Sunod, ANG. Ulit, ANG." sinunod na ang pangalawa sa boys sa alpabetikong paraan sa listahan, si 4A.

"Huy, pati siguro si 4A, kasama si Noel sa pagiging late. Kilala mo naman ang mag-pinsang yan. Kapag wala pa ang isa, ganon din ang isa. Kapag nasa stealth mission ang isa, asahan mong ganon din ang isa. Saka back to the main point, di ba magkasama sila sa iisang tirahan, o edi sabay sila." sabi ni KJ.

"Oo na, alam na namin, KJ." sabi ko naman sa kanya. Natawa sina Raffy, Gerica at Aila rito ng konti. Ang sarap kasi pagtripan ni KJ paminsan, eh.

Bigla namang ngkaroon ng tunog sa pintuan. Nakarinig kami ng katok na magkasunod, ngunit magkaiba ang tunog, na mukhang dalawa ang kamay na kumatok dito.

"Mabuti naman na alam niyo. Kasi makikita niyo na rin. Jerjer?" sabi ni KJ, at
pinabukas na ang pintuan kay Jerome.

Binuksan ni Jerome ang pintuan. Bahagyang nasilip ko sa bintana, dalawang matangkad na lalaki na mukhang nasa six feet ang nasa labas. Nakadilaw yata sila at may mga backpack na dala, yung isa ay berde at yung isa naman ay asul. Tumigil muna si Ma'am Ariane sa attendance check at ang iba rin para rito. Um, kilala ko yata ang dalawang ito, ah. Tignan natin kung tama ang hula ko.

Nang pagkabukas ng pintuan, nakita namin sina Noel at 4A, halatang galing sa pagtakbo. Yup, tama ang hula ko.

"Good morning. Pasensya na po kung natagalan." pagpapaumanhin ni 4A na nauuna sa pagpasok.

"Natagalan po kami ng konti sa pag-gising." dagdag ni Noel, na nasa likuran lang ni 4A.

"Sige, hindi ko na kayo ilalagay as 'LATE' rito. Tutal, hindi naman kayo naiwanan ng bus o dumating kung kailan wala na kami rito sa classroom." tugon ni Ma'am Ariane rito.

"Salamat po." sabay nilang pagpapasalamat.

Si 4A ay umupo sa upuan ni Noel sa pinakalikod, ang gitna sa pinakahuling linyang pahiga sapagkat si Chachi ay nakaupo sa upuan niya at alam niyang mas mabuti kung si Noel ay uupo sa upuan ni Chachi upang mas malapit siya kay Chachi. Umupo si Noel sa upuan ni Chachi na nasa harap ng upuan niya na inuupuan ni 4A.

"Sige, bilisan natin ng konti. Basta ikonpirma niyo lang ang presensya niyo. Alam kong wala namang absent ngayon, pero let us follow that standard operating procedure. Bente lang naman kayo, at mabuti na rin yung nararamdaman ko kayo ngayon dito."

"Yes, ma'am."

"AUSAN."

"Present!" sabi ni Samuel.

"BUENAVISTA."

"Present po." sagot ni Axle at bumalik na sa pakikipaglambingan kay Dana.

"CABANILLA."

"PRESENT NA PRESENT!" maligalig na sigaw ni KJ.

"KIM."

"Present." sabi ni V at bumalik na sa sound trip niya.

"MAGNIFICO."

"Present po, ma'am!" tugon ni AJ.

"PAMULAR."

"Present right here and now!" tugon ni Jerome, at sumayaw-sayaw pagkatapos.

"PANGILINAN."

"Absent. De joke lang, sorry na." sabi ni KJ na inunahan pa si Raffy. Natawa ang iba, at kasama na ako roon.

"I-absent ko mukha mo, KJ, eh, haha. Huwag kang KJ, KJ. Present ako, kaya may present ako sa iyo mamaya!" sabi ni Raffy na patawa nanaman.

"O, sige tama na. Huli na sa boys, eh. PEREZ."

"Present po! Dito!" sabi ko kay ma'am at nag-taas ng kamay.

"Girls na. CASTILLEJO."

"Present!" sabi ni Heaven at bumalik na sa pagbabasa nila ni Samuel ng isang fact book.

"DELA FUENTE."

"Present!" sabi naman ni Cane, at nagtaas ng kamay.

"GREY."

"P-present." sabi ni Dana habang nakikipagharutan kay Axle.

"HANCHER."

"Present po!" sabi ni Aila at nagtaas ng kamay.

"LAYONISA."

"Present!" ani Anna.

"MONTGOMERY."

"Present here!" sabi ni Chachi at pagkatapos, dinaldal na muli si Noel.

"QUEBRAL."

"Present, ma'am!" sabi ni cupcake Gerica ko, at nagtaas din ng kamay sa pagsabi.

"SANDOVAL."

"Present po, ma'am!" tugon ni Yuri.

"At huli. YUKIKO."

"Present.." mahinhin na sabi ni Chantellia.

"Okay, class. Maghanda na kayo. Lalabas na tayo. Pili na kayo ng kapares ninyo para sa field trip. Sa pagpila niyo na yan gawin. Go, labas na.

Lumabas na kami at pumila. Pumili kami ng mga pares. Si Gerica ang akin, siyempre. At si Aila ang kay Raffy. Sina KJ at Jerome ay halatang magpipilian bilang magkapares, at tama nga ako. Sina Chachi at Cane ay naisipang maging magkapares, imbis na #NoeChi sila sa bus. Kapares naman ni Noel ang pinsan niyang si 4A na pinakamatalik na kaibigan niya na rin. Si Chantelia na malungkot at mag-isa ay sinamahan ni Anna. Sina Dana at Axle ay hindi nag-iwanan, magkapares sila. Ang #HeaMuel din, ang magkasintahan sa katalinuhan ay naging magkapares. Sina AJ at Yuri ay #AJYuri talaga. At si V ay mag-isa. 19 kami, eh, haha, so may mag-isa talaga. Pwede naman, eh. Free-line, so random na. Pinakaharap sina KJ at Jerome na maiingay at pinakalikod si V. Nasa gitna kami banda. 

Sa bus, ito mga upuan namin:

Left

Driver's Seat - - - > Mang Patrick

First Row - - - > Kuya Paolo and Kuya Kurt

Second Row - - - > Sir Darius and Sir Tobias

Third Row - - - > KJ Cabanilla and Jerome Pamular

Fourth Row - - - > Andrei Perez and Gerica Quebral

Fifth Row - - - > Raffy Pangilinan and Aila Hancher

Sixth Row - - - > Chachi Montgomery and Cane Dela Fuente

Seventh Row - - - > Noel Abear and Arnold Arvin Abear Ang "4A"

Right

Stairs going down the door

First Row - - - > Kuya Murkrey

Second Row - - - > Ma'am Ariane and Ma'am Angelica

Third Row - - - > Chantellia Yukiko and Anna Layonisa

Fourth Row - - - > Axle Buenavista and Dana Grey

Fifth Row - - - > Samuel Ausan and Heaven Castillejo

Sixth Row - - - > AJ Magnifico and Yuri Sandoval

Seventh Row - - - > Vince Kim

Kasama namin sa bus bukod kay Ma'am Ariane ay tatlo pang mga guro, sina Ma'am Angelica, Sir Tobias at Sir Darius. Nang makaupo na kami at maayos na ang lahat, nagpakilala na ang mga tour guide. Unang nagpakita ay yung pinuno nila, kayumanggi at may bungs ang itim na buhok.

"Hello!" bati niya.

"Hi!" tugon namin.

"Magandang umaga!"

"Maganda umaga po, Kuya -"

"Kuya Murkrey. Magkadikit yan, ah. M-u-r-k-r-e-y. Murkrey. Ulit?"

"Magandang umaga po, Kuya Murkrey."

"Yan. Ang galing. Ang astig. Punong puno kayo ng enerhiya ngayong umaga. Ipapakilala ko lang ang inyong mga tour guide ngayon, sina Kuya Paolo at Kuya Kurt niyo. Si Kuya Paolo yung mahabang buhok na parang sa babae o sa rockstar, at si Kuya Kurt naman ay yung semi-kalbo. Huwag kayong malilito, ah! Ako ang pinuno nila. At ang ating drayber pa pala, si Manong Patrick." pagpapakilala ni Kuya Murkrey sa grupo nila.

"So kami ni Kuya Kurt ang magiging mga tour guide ninyo sa pagpunta sa..sige nga, saan tayo pupunta?" sabi ni Kuya Paolo.

"BIAK NA BATO NATIONAL PARK!" pasigaw naming sagot.

"Sino ang genius niyo rito? Yung pinakamatalino?" tanong ni Kuya Kurt.

"SI SAMUEL PO!" sigaw namin. Nakaturo kami sa kanya, at nakataas naman siya ng kamay.

"Samuel? Samuel ano, yung sa bible? De joke lang. Magpakilala ka nga, iho." ani Kuya Kurt.

Tumayo si Samuel Ausan.

"Juan Samuel Ausan po. Pero hindi lang po ako ang genius na genius sa amin. Pati rin po si Heaven, Heaven Jean Castillejo na katabi ko. Mas matalino nga lang po ako ng konti kaysa sa kanya."

Tumayo rin si Heaven.

"Ah, mukhang may something kayo, ah, haha. Mga matatalino talaga, naging magkasintahan? Pero, anyway, kaya niyo bang mapaliwanag sa mga kaklase ninyo ang tungkol sa pupuntahan natin ngayon?" sabi sa kanila ni Kuya Paolo na medyo makulit.

Natawa ang iba. Aba, grabe na ang #HeaMuel, pati ibang tao, napapansin ang kagandahan at uniqueness ng pares nila.

"Opo. Pwede naman po. Alam na alam ko naman po. So yung Biak-na-Bato na pupuntahan natin, siya yung lugar ng rebolusyon ni Emilio Aguinaldo noon. Napag-aralan naman natin yun, di ba? Maraming mga yungib doon. Kasama pa nga yung sa mga katipunero, ganon. Mayroong yungib o kweba para sa pag-gamot ng mga Katipunero, tapos taguan nila kapag may kalaban tapos yung imbakang kweba rin. So..yun." pagpapaliwanag ni Samuel.

"O, sige, salamat, Samuel Ausan. Mayroon ka pa bang idadagdag, Heaven Castillejo?" reaksyon ni Kuya Kurt.

"Guys, may trivia ako saka ibang babala na mga trivia rin tungkol sa Biak na Bato. Yung shape nung mismong bundok kung nasaan yung mga kweba ay parang isang babaeng nakahiga. Mamaya, makikita niyo. Mga babala ko lang, sana lahat kayo ay nakapagdala ng mga sapatos na pwede niyo niyang i-let go, kasi may Soultaker sa isang kweba. Soultaker ng mga sapatos. Ganon na talaga sa kweba na yun, eh. Yung mismong structure at uniqueness ng putik na yun, kayang maka-take ng soul ng mga sapatos o tsinelas. Kaya tayo pinagdadala ng sapatos na pwedeng ma-let go. Pero kung masuwerte tayo at medyo kalma pa ang putik doon, walang soultaker. Tapos..sa ambush cave, total darkness doon. May trivia ako about that..sanay na sanay na sila dati roon a hiding place tuwing mga labanan. Hindi kasi sila nakikita ng mga kalaban. Kung sino ang mag-iingay, ang unang babarilin. Yun lang."

"Wow, salamat talaga, kayong mga matatalino. Alam na alam niyo lahat, haha. Naubusan na kami ng ipapaliwanag ni Kuya Kurt ninyo. Tama lahat ng sinabi nila. Mamaya, mas marami pa kayong malalaman. Sa ngayon, pahinga muna kayo. Pasalamatan niyo ang dalawa niyong matatalinong kaklase, at hindi na kayo maboboringan sa talk namin sa inyo na mangyayari sana, kung hindi nila nasabi ang mga alam nila na dapat naming sasabihin sa inyo. Hahaba pa nga yun kung kami, eh. Papasok na ang iba pang mga bagay, blah blah. Kaya, relax muna kayo." sabi ni Kuya Paolo sa amin.

Mabuti na lang. Maraming salamat talaga sa #HeaMuel, makakapag-thug life na rin kaming lahat. Nakinig lang ako ng music sa cell phone ko, gamit ang berde kong earphones. Ganon din ang ginawa ni Gerica, gamit naman ang asul niyang earphones. Nagkaroon kami ng mga selfie ng magkasama kami, at sumali sa mga groufie naming klase, sa monopod ni Jerome.

Nang tumagal ang biyahe, nakatulog si Gerica. Humiga siya sa mga hita ko. Sina KJ at Jerome ay ouning puno ng enerhiya, ang ingay sa bus. Sila pa nga ang naging pasimuno ng pag-cheer ng iba sa cheer namin nung intrams. At sila pa naman ang nasa harapan namin ni Gerica. Sa likuran namin ay sina Aila at Raffy. Nakatulog din si Aila, napahiga sa balikat ni Raffy. Si Raffy ay gumagamit ng internet sa iPhone niya, sa pamamagitan ng dala niyang pocket wifi. Naisipan kong makibahagi sa pocket wifi niya, at pumayag naman siya. Nag-facebook ako, pinost ang mga larawan namin ni Gerica kasama na ang mga solo ko na kinuha ni Gerica. Pagkatapos nito ay nagbasa ako ng mga balita tungkol sa basketball, at football din.

Sa kanan namin ay ang #DaXle na parehas natutulog, magkadikit na magkadikit kaya ang lambing talaga tignan.  Natatanaw ko rin sina Samuel at Heaven, may binabasang malaki't makapal na libro na pang-nerd lang ata, kaya hindi ko na tinugunan masyado ng pansin. Nakita ko rin sina AJ at Yuri sa likuran nila, may sariling mundo, silang dalawa lang. Si V naman, mag-isa lang sa likod nina AJ at Yuri pero thug life lang, nagsa-soundtrip lang gamit ang headphones niya. May sari-sarili ring mundo ang dalawang pares ng matalik na magkakaibigan na sina Chachi at Cane saka Noel at 4A. May pag-uusap din silang dalawang pares paminsan, ngunit mas nag-uusap sina Chachi at Cane pati Noel at 4A.

Nakatulog ako nang tumagal pa ng lalo. Wala na akong magawa.

Makalipas ang medyo matagal na pagtulog ko, naramdaman kong kay gumigising sa akin.

"Butterscotch, gising na!" sabi ni Gerica, na gising na.

"Pre, pauwi na tayo, hindi ka pa magising-gising! Look around you!" dagdag ni Raffy na ikinagulat ko.

"Huh?"

Tumingin ako sa paligid ko. Nakita ko sa kaliwa ko, may bundok na parang hugis ng isang babaeng nakahiga.

"Niloloko mo nanaman ako, Raffy, eh. Pero, ito yung sinasabi ni Heaven na kahugis ng babaeng nakahiga, di ba? So nandito na tayo?" sabi ko naman.

"Oo. Handa ka na ba para sa adventure natin dito ngayon?" tugon at tanong ni Raffy.

"Oo. Siyempre. Lagi naman. Ipinanganak akong handa. Lahat tayo ay dapat handa para rito. Sigurado, mayroong mga sopresa sa daan." sagot ko sa kanya.

ABANGAN.

Author's Note: Pasensya na kung bente-kwatrong oras ko na kayong hindi nabigyan ng bagong update. May pasok kasi kami kanina, may pinanood na educational stage musical play at naging abala ako kagabi. Pero sana magustuhan niyo ito. Sorry for the typos. Salamat sa mga suporta niyo simula sa umpisa, sana hanggang huli na iyan. Yun lang. Enjoy reading, have a nice blessed Saturday night, everyone! God bless! =) ;) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top